Module 5 Q2 Grade 10 Revised
Module 5 Q2 Grade 10 Revised
Module 5 Q2 Grade 10 Revised
Filipino
Ikalawang Markahan Modyul 5
Ikalimang Linggo
2
Alamin Natin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa Modyul 2.5 Ang mga
Maikiling-Kuwento mula United States.
Layunin ng modyul na ito ay
⮚ Maikling Kuwento: Nasusuri sa diyalogo ng mga ⮚ F10PN-IIe-73
tauhan ang kasiningan ng akda
⮚ Naitatala ang mga salitang magkakatulad at ⮚ F10PT-IIe-73
magkakaugnay sa kahulugan
⮚ Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang ⮚ F10PD-IIe-71
pakikipag-ugnayang pandaigdig
⮚ Naisasalaysay nang masining at may damdamin ⮚ F10PS-IIe-75
ang isinulat na maikling kuwento
⮚ Naisusulat ang sariling maikling kuwento tungkol ⮚ F10PU-IIe-75
sa nangyayari sa kasalukuyang may kaugnayan
sa mga kaganapan sa binasang kuwento
⮚ Nagagamit ang pokus ng pandiwa: tagaganap at ⮚ F10WG-IIc-d-68
layon sa isinulat na sariling kuwento
Ang aralin 2.5 ay tatalakay sa isang maikling kuwentong Agulnaldo ng mga Mago na orihinal
na akda ni O. Henry na isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro. Ang kuwnetong ito ay batid
kong magugustuhan ng lahat…
Subukin Natin
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Sino ang nagsalin ng maikling kwentog “Aguinaldo ng mga Mago?
A. Rufino Alejandro B. Juan Abad C. Francisco Balagtas D. Lope K. santos
2.. Ano ang pinagsaluhan ng mag asawang Dillingham?
A. Ham at softdrinks B. Tianapay at kape C. Karne at kape D. Manok at alak
3. Anong araw ikinuwento ng may akda ang kuwentong Aguinaldo ng Mago?
A. Disyembre 23 B. Disyembre 24 C. Disyembre 25 D. Disyembre 26
4. Ano ang itinuturing nilang mahalagang pagmamay ari?
A. Bahay at kotse B. Gintong relo at buhok C. Lupa at tanim D.Gintong kadena asukla
5. Bukod sa pag-aaral ng mga aralin sa mga pahina ng mga aklat, ano pa ang kanilang
ginagawa sa loob ng klase.
A. Paglalaro ng chinese garter
B. Pagdidilig ng mga halaman
C Pagtuklas ng mga buhay at karanasan ng mga mag aaral
D. Panonood ng mga palabas sa laptop
6. Ano ang ginagawa ng guro upang maging masaya ang mga mag-aaral kahit
panandalian lamang?
3
Balikan Natin
Muli nating pag-iibayuhin ang pag-aaral ng panitikan. Marami sa inyo ay mahilig magbasa
ng mga iba‟t ibang kuwento na minsan ay naiuugnay natin sa ating mga naging karanasan.
Bago natin pasukin ang Panitikan ng United States of America ay magbalik-aral
Pagpapalitan ng kuro-kuro:
Para sa iyo, ano ang kahulugan ng “PAG-IBIG”?
Tuklasin Natin
GAWAIN 1. ALAMIN NATIN
Suriin ng ang nilalaman ng regalo na nasa ibaba. Tukuyin kung paraan ng pagbibigay ng
regalo sa bansang America ay katulad din ng bansang Pilipinas. Isulat mo ito sa tamang
hanay.
Napanood/naranasan Reaksyon
Pangyayari
Alam mo ba……
Ang Aginaldo ng Mago ay kaugnay na salaysay sa Bibliya hinggil sa tatlong haring Mago na
matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo? (Mateo 2:1-12. Ang mga Mago ang nag-alay ng mga
handog sa batang Hesus noong natagpuan nila ito sa isangsa Belen ng Judea sa Jerusalem. Sila
ang sinasabing nagpasimula sa pagbibigayan ng mga regalo
Talakayin Natin
Piso at walampu‟t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay
barya. Makaikatlong bilangin ni Della.
5
Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-iingat. Kinuha
niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang kasiraang nilikha ng pag-
ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob.
Nang alas-siyete na‟y handa na ang kape at ang pagpriprituhan ng karne. Si Jim ay hindi
kailan ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kaniyang palad at naupo sa
sulok ng mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim. Narinig niya ang mga yabag
ni Jim sa unang hagdanan, at siya‟y namutlang sandali.
Ugali na niya ang magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na nangyayari
sa araw-araw at ngayo‟y bumulong siya ng ganito, “O Poong Diyos, marapatin mo
pong sabihin niya na ako‟y maganda pa rin.”
Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon. Parang
nangayayat siya at ang mukha niya‟y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman!
Dadalawampu‟t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa kaniyang pamilya!
Kailangan niya ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa rin siyang guwantes.
Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya‟y nakapako kay Della at ang
tingin niya‟y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni pagtataka, ni pagpipintas, ni
hilakbot, ni ang alin man sa mga simbuyong pinaghahandaan na ni Della. Basta‟t nakatitig si
Jim sa kaniya na ang mga mata‟y nagpapahayag ng isang damdaming hindi mahulaan.
Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit kay Jim.
“Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang papaganyan.
Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang
sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. Ito nama‟y hahaba uli –
huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang kinailangang gawin ko iyon. Malakas namang
humaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong Maligayang Pasko, Jim at tayo‟y magsaya.
Hindi mo nalalaman kung gaano kaganda ang aginaldong binili ko para sa iyo.”
“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng pagsasalita.
“Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit na putol ang
aking buhok?”
Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis sa mesa.
“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko‟y walang
makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa pabango, o ano pa
man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo kung bakit ako
nagkagayon noong bagong dating ako.” Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at
magagandang daliri. At isang malakas na tili ng galak, at pagkatapos ay – isang hagulgol na
sinasabayan ng pagdaloy ng masaganang luha.
Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga suklay na
malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya sa isang
bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang dibdib, at sa
wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa luha ang winika, “Malakas humaba
ang buhok ko, Jim.”
At si Della‟y lumuksong animo‟y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!”
Hindi pa nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kaniya. Iniabot iyon ni Della sabay
pagbubukas ng kaniyang palad. Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng apoy ng
kaniyang kaluluwa.
7
“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko iyan.
Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon. Akina
ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang kadena.”
Sa halip ng ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang kaniyang ulo
sa kaniyang mga palad, at saka ngumiti.
Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang na
gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili
ng mga suklay para sa iyo. Mabuti pa‟y prituhin mo na ang karne.”
Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong napakarurunong at sila
ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang may imbento ng pagbibigay ng
mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa‟y marurunong, pihong ang kanilang mga alay sa
Sanggol ay may magagandang kahulugan, marahil ay yaong maaaring ipakipagpalitan kung
sakaling magkakapareho. At dito‟y pinaginutan kong isalaysay sa inyo ang simpleng
kasaysayan ng dalawang hangal na batana nakatira sa isang abang tahanan, na buong
talinong nagsakripisyo para sa isa‟tisa kahit na mawala ang lalong mahalagang ari-ariang
ipinagmamalaki ng kanilangtahanan.
Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat sabihin dito na sa
lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang pinakamarunong. Sa lahat ng
nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong sa
lahat ng dako. Sila ang mga Mago.
HANAY A HANAY B
____1. Idinaiti A. Nakapagpanindig balahibo
____2. Gusgusin B. Umupo
____3. Magpalahaw C. Saliksikin
____4. Simbuyo D. Kabiglaanan
____5. Umalembong E. Idinikit
____6. Sumalagmak F. Umiyak
____7. Hilakbot G. Marumi
____8. Halughugin H. Lumandi
____9. Kinuyom I Pagkatakot
____10. Nakapangingilabot J. Kinimkim
K. Nalungkot
L Nagulat
GAWAIN 5. PAGSAGOT SA GABAY NA TANONG
1. Ano ang katayuan sa buhay ng mag-asawang Jim at Della?
2. Ano ang itinuturing na pinakamahalaga nilang kayamanan?
3. Ano ang ibinigay na regalo ni Della kay Jim? Paano niya ito nabili?
4. Ano naman ang naging regalo ni Jim kay Della. Paano niya ito nabili?
5. Masasabi bang tunay ang pagmamahalan nina Jim at Della? Patunayan.
GAWAIN 6. PAGLALARAWAN NG TAUHAN
Ilarawan ang katangian ng dalawang tauhan. Paano nila ipinakikita ang kanilang tunay na
pagmamahal?
8
Tandaan:
Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na
naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari. Sa kabila ng pagiging
maiksi nito, maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento ng maikling kwento.
Kadalasan, ito ay mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng panibagong
karunungan sa isip ng mga bata.
Pagyamanin Natin
GAWAIN 8. PAGBASA SA IKALAWANG TEKSTO.
Basahin ang akdang “Sa loob ng Love Class ni Eric O Cariħo.
Sa Loob ng Love Class
ni Eric O. Cariño
Lunes na naman. At tulad ng iba pang mga Lunes na nagdaan sa mga nakalipas na
mga linggo, wala itong ipinagkaiba. Muli na naman akong maghahanda para sa isang
buong linggong pakikipagsapalaran sa piling ng mahigit dalawandaang mag-aaral ng
iba‟t ibang mag-aaral na may iba‟t ibang kuwento rin ng buhay.
Pagkatapos ng maikling programa upang ianunsiyo ng iba‟t ibang departamento ang
nakamit na parangal sa mga paligsahang dinaluhan at pinanalunan, sabay-sabay
naming tutunguhin kasama ng aking advisory class ang aming silid-aralan sa unang
palapag sa gusali ng JDV. Doon ang aming kaharian at lugar na tinatahanan. Payak
lamang ang maraming pangyayari sa aming klase sa araw-araw na nagdaraan. Kung
hindi man aralin sa mga pahina ng aklat ang aming pinagaaralan, sama-sama kaming
9
Marami sa mga mag-aaral sa aking klase, kung hindi man produkto ng broken
family ay walang mga magulang na kumakalinga sa kanila. Mga batang
napapabayaan.
Alam ko iyan at nalaman ko iyan nang minsang dinalaw ko at nagsagawa ng home
visit at background check. Doon, namulat ang aking isipan sa masaklap na karanasan ng
kabataang ito – bagay na hindi alam ng iba pa nilang mga guro.
Ikinalungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa aking mga mag-aaral. Si
Aldrin, iniwan ng kaniyang ina, nangibang-bansa at iniwan sa pangangalaga ng isang
mala-yong kamaganak. Sinasaktan siya ng pinag-iwanan sa kaniya kaya‟t lumayas siya
at Nakiki-tira ngayon sa mga kaibigan. Napasok ko rin ang buhay ni Sarah na minsan o
dalawang beses lamang nakapapasok sa eskuwela. Nalaman ko sa kaniyang ina na siya
lamang ang nakatutulong niya sa pag-aalaga sa apat pang maliliit na kapatid habang sila
ay nasa bukid. Si Miguel naman, bagsak sa mga major subject niya dahil sa gabi-gabing
pagpupuyat sa pagtitinda ng lugaw at kape sa plasa. Ang plasa ay buhay at
pinagkukunan niya ng pang- agdong buhay sa piling ng paralisadong ama. Lalo pang
kinurot ng malungkot na kapalaran ni Jessa ang aking damdamin nang mabatid kong
dalawang buwan siyang buntis sa kaniyang lasenggong tiyuhin. Ang masaklap pa nito,
hindi alam ng kaniyang mga magulang ang pangmomolestiya nito sa kaniya. Pinagkunan
na niyang minsan ng mga halamangugat si Aling Loring upang wakasan ang buhay ng
nasa kaniyang sinapupunan subalit napigilan lamang siya ng kaniyang kasintahan. Lahat
ng mga pangyayaring ito ay hindi lantad sa paningin ng marami sa aking mga
kasamahang guro. Isang maling panghuhusga ang walang kabutihang maitutulong sa
kanila upang kahit papaano‟y malaman nila na kailanman ay hindi sila pasanin at may
mabibigat na problemang dinadala.
Ang lahat ng katotohanang natuklasan ko ay ikinabahala ng aking mulat na
pang-unawa. Simula noon, tinalikdan ko ang pagtuturo lamang ng mga aralin at
sinimulan ko silang turuan ng mga aralin tungkol sa buhay, ng mga aralin sa labas ng
paaralan, at ng mga karanasan na wala sa mga pahina ng mga aklat. Nagbago ang
aking pananaw at doon ko sinimulang iparamdam ang higit na pagmamahal, pagunawa
10
Alam mo ba na...
ang mga pahayag na nakasalungguhit ay mga pandiwang nasa Pokus sa Ganapan at
Sanhi? Sa pagsasalaysay o pagpapahayag ng mga pangyayari, gumamit tayo ng mga
pook na ginaganapan ng kilos at mga kadahilan ng isang kaganapan upang ipakita ang
relasyong sanhi at bunga. Ang ganitong pahayag na kinapapalooban ng pook o lunan ay
maipakikita sa Pokus sa Ganapan at ang Sanhi o dahilan naman ay maipakikita sa
pamamagitan ng Pokus sa Sanhi.
Pokus sa Ganapan ang tawag sa pandiwa kung ang lunan, bagay o maging ng tao na
ginaganapan ng pandiwa ang paksa o simuno ng pangungusap. Ginagamit sa
pagpapahayag ng pokus sa ganapan ang mga panlaping makadiwang -an/-han,pag-an/-
han, mapag-an/-han, paki-an/-han, at ma-an/han.
Halimbawa:
1. Ang plasa ay buhay at pinagkukunan niya ng pang-agdong buhay sa piling ng
paralisadong ama.
2. Pinagkunan na niyang minsan ng mga halamang-ugat si Aling Loring.
Sa pangungusap na, “Ang plasa ay buhay at pinagkukunan niya ng pang-agdong
buhay sa piling ng paralisadong ama at “Pinagkunan na niyang minsan ng mga
halamang ugat si Aling Loring” ipinokus ng pandiwang pinagkukunan at pinagkunan ang
paksa o simunong plasa at Aling Loring na parehong nasa pokus sa Ganapan.
11
Pokus sa Sanhi naman ang tawag sa pandiwa kapag ang paksa o simuno ay
nagpapakilala ng sanhi o dahilan ng kilos. Ginagamit sa pokus na ito ang mga panlaping
makadiwang i-, ika-, at ikapang-.
Halimbawa:
1. Ang lahat ng katotohanang natuklasan ko ay ikinabahala ng aking mulat na pang-
unawa.
2. Ikinalungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa aking mga mag-aaral.
Sa pahayag na, “Ikinalungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa aking mga
mag-aaral,” ang pangyayari sa buhay, ang ipinokus ng pandiwang Ikinalungkot.
Sa ikalawang pahayag naman na “Ang lahat ng katotohanang natuklasan ko ay
ikinabahala ng aking mulat na pang-unawa,” ang paksa o simuno ng pangungusap na
lahat ng katotohanang natuklasan ko ang itinuon ng pandiwang natuklasan upang
tukuyin ang pokus sa sanhi.
Subukin ang mga pagsasanay na lubos na makatutulong sa malawak na pag-unawa sa
pokus ng pandiwang sanhi at ganapan.
Pagsasanay 1. Basahin ang pangungusap at punan ang talahanayan.
1. Ikinalungkot ng mga tao ang pagpigil ng pangkat sa pag-aaral ng mga
babae.
2. Pinuntahan niya ang Berlin para doon ipagpatuloy ang pagdodoktor.
3. Ikinagalit niya ang hindi pagdating ng kanyang matalik na kaibigan.
4. Ang tagumpay ng anak ay ikinagalak ng buong pamilya.
5. Pinangsimba ni Lorry ang bago niyang bistida.
PANDIWA POKUS NG PANDIWA
Tandaan Natin
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
GAWAIN 11. ISAISIP AT ISAGAWA
1. Isa-isahin ang kaugalian na dapat isa-alang-alang sa pagbibigay at pagtanggap ng
regalo.
2. Anong mahalagang regalo ang maibibigay mo sa iyong mga mahal sa buhay?Bakit
at ipaliwanag.
12
Isabuhay natin
Tayahin Natin
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1 Siya ang mag-aaral ng guro na minsan o dalawang beses lamang nakapapasok sa
eskuwela sapagkat siya ang katulong ng ina sa pag-aalaga ng apat na maliliit na
kapatid.
A. Sarah B. Miguel C. Aldrin D. Nonoy
2. Bakit mahalaga kay Miguel ang plasa?
A Dahil dito siya naglalaro
B. Dahil ito ang kanilang paboritong lugar ng kanyang kasintahan
C. Dahil minsan dito siya nagpapahinga ng kanyang am
D, Dahil dito siya nagtitinda ng lugaw at kape upang makapangtustos sa
kanyang paralisadong ama
3. Tinalikdan ko ang pagtuturo ng mga aralin at sinimulan ko silang turuan ng mga aralin
tungkol sa buhay. Alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang 'tinalikdan'?
A. Ipinagpatuloy B. Tinalikuran C. Pinadali D. Inun
4 Ano ang naging reaksyon ng guro nang malaman ang mga kwento ng buhay ng
kanyang mga mag-aaral?
A. Nadismaya B. Nagulat C. Natuwa D. Nalungkot
5. Ano ang masaklap na kapalaran ang nangyari kay Jessa?
A. Minolestiya siya ng kanyang lasenggerong tiyuhin dahilan upang siya ay
mabuntis nang hindi alam ng kanyang magulang.
B Siya ay nagtrabaho bilang tindera ng ipinagbabawal na droga.
C Ang kanyang ina ay namatay dahil sa isang malubhang sakit.
D. Nanakawan ang kanilang bahay.
6. Ano ang aral na makukuha sa kwentong „” Sa Loob ng Love Class”?
13
Gawin natin
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
14
Sanggunian:
Aklat
Ambat, Vilma C., et.al. 2015. Panitikang Pandaigdig Filipino sa Ikasampung
Baitang Modyul para sa mga mag-aaral. Vibal Group Inc.
Dayag, Alma M., Del Rosario, Mary Grace G., Marasigan, Emily V.,2016.
Pinagyamang Pluma 10. Quezon City.Phoenix Publishing House.
Journal
Bilasano, Jose B., Castillo Jr., Cirilo, Piedad, Myrma P., Ruiz, Florian L.,
2017.Ang Batikan. Quezon City. Educational Resources Corporation.
Telefax: 8384251