Final Filipino10 Q2 M1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

10

Filipino
Ikalawang Markahan-Modyul 1:
Mitolohiya: Pagsusuri at Paghahambing

May-akda: Adelwisa P. Mendoza


Aaron Paul C. Atienza
Marcerin R. Permejo
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
 Aralin 1 – Mitolohiya: Pagsusuri at Paghahambing

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:
A. nailalahad at naipaliliwanag ang pangunahing paksa at ideya batay
sa napakinggang usapan ng mga tauhan;
B. naisasama ang isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng
iba pang kahulugan;
C. nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood
/nabasa;
D. naihahambing ang napanood/nabasang mitolohiyang Filipino sa
mitolohiyang Kanluranin.

Subukin
Sa mga naunang aralin ay natalakay ang ilang mahahalagang paglalarawan
sa mitolohiya. Upang lubos itong makilala, isagawa mo ang unang bahagi ng
pagsasanay.

A. Lagyan ng tsek ang patlang na katabi ng bilang kung ito ay naglalarawan sa


katangian ng Mitolohiya at (X) kung hindi.

________1. Naglalaman ng sinaunang mga kuwento/pantasya.


________2. Mga Diyos at Diyosa at mga kakaibang nilalang.
________3. Nagbibigay-kaalaman ito ng tunay na kaganapan sa paligid.
________4. Gumagamit ng iba’t ibang elemento tulad ng tauhan, banghay at iba pa
sa pagbuo ng istorya.
________5. Ginagamit ang iba’t ibang pandama upang tumulong sa paglalarawan
Ng tagpuan at tauhan.

B. Tukuyin ang paksa at ideyang nais ilahad batay sa usapang nakasulat sa


ibaba.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
C. Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

__________1. Nais mong suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba na taglay


nitong elemento, paano mo ito gagawin?

__________2. Ito ay pagsasama ng salita upang makabuo pa ng ibang


kahulugan.

__________3. Salitang nangangahulugang “sa una lang masigasig”.

__________4. Isang paraan ng pagsusuri ng teksto.

Aralin
1 Mitolohiya:Pagsusuri at Paghahambing

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbuo ng sistematikong panunuri at


paghahambing sa mga napanood/nabasang mitolohiyang Filipino at Kanluranin
Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan
Magbalik-aral tayo sa nakaraang aralin. Subukan mong punan ng sagot
ang tsart sa ibaba.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Tuklasin

A. Panimula
Pamilyar ba sa’yo ang larawan sa ibaba? Anong kuwento ang iyong
narinig tungkol dito? Sino at paano ito nagsimula? Narinig mo na rin ba
ang awiting ito? Ano kaya ang kaugnayan nito sa paksang ating
tatalakayin? Sagutin nang pasalita ang mga tanong.

In The Beginning-Victor Wood


https://www.youtube.com/watch?v=QIZpwnGZ6p8

Liriko:

In the beginning
In the beginning
The lord made the earth
The heaven, the hills and The world was so bright
the trees Perfection was there for
Then he created the sun all men
and the stars So pray and believe
The land, the birds, the In the lord’s holy life
trees And we’ll have perfection
again
He made all creatures
Mold on an image of his
That live in this world maker
And taught them to live
by his plan Man shall be made of his
Then as he rested own
The lord sanctify the But because we were
seven days of man nothin’
More than human
Mold on an image of his Sometimes we stumble
maker Sometimes we fall

Man shall be made of his In the beginning


own
But because we were The world was so bright
nothin’ Perfection was there for
More than human all men
Sometimes we stumble So pray and believe
Sometimes we fall In the lord’s holy life

And we’ll have perfection


again

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Gabay na Tanong:
1. Ano ang paksa ng awit?
2. Paano nilikha ng Diyos ang daigdig? Isa-isahin.
3. Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin?
4. Naniniwala ka ba sa impormasyong iyong nabasa/narinig mula sa
awitin? Ipaliwanag.
5. Paano kaya natin maiuugnay ang mitolohiya sa awit na ito?

B. Pagbasa (Mitolohiyang Filipino)

Ang Araw at ang Gabi

Noong una ay wala pa ang ating daigdig pati ang ating mga ninuno
at kalikasan. Pawang kadiliman lamang at wala ni isa mang nilalang. May
isang nabubuhay lamang at iyon ay tinatawag na Bathala. Malungkot si
Bathala sa kanyang pag-iisa.

“Napakalungkot ng nag-iisa. Kailangang lumalang ako ng isang


daigdig na paglalagyan ko ng aking mga nilalang,” ang sabi sa sarili ni
Bathala.

Dito na nagsimulang umusad ng paglalang si Bathala. Pinagdaop


niya ang kanyang mga palad at saka ito hinipan. Sa kanyang pag-ihip ay
nagsimulang humubog ang isang napakalaking bilog na bagay. Ito ang
daigdig. Nilalang din niya ang isang buwan bilang tanglaw sa daigdig.
Nilalang din niya ang maraming mga hayop na ikinalat sa buong daigdig.
Pagkatapos ay lumalang din siya ng mga tao at inilagay sa gawing kanluran
sa isang maliit na bahagi ng daigdig.

Masaya na ang Bathala sapagkat nakikita na niya ang daigdig at


ang kanyang mga nilalang. Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng ito,
napaidlip siya. Nang magising, nakita niya ang mga nilalang na lamig na
lamig dahil puro yelo na ang paligid. Buwan lamang kasi ang tumatanglaw
at walang init itong naibibigay sa mga nilalang.

“A….! Kailangang lumalang ako ng bagay na makapagbibigay-init.”


Muling pinagdaop ni Bathala ang mga palad at saka hinipan. Mula sa
kanyang pag-ihip, lumitaw ang isang bolang apoy. Inilagay niya ito sa itaas,
sa tapat ng mundo. Sumigla ang mga tao sampu ng mga hayop at halaman
sapagkat lumiwanag na nang napakaliwanag, higit sa taglay na liwanag ng
buwan.

Natulog na muli ang Bathala. Habang siya ay natutulog, muling


nabalisa ang kanyang mga nilalang. Ang mga halaman at ang mga puno ay
nangatuyot at ang mga tao ay init na init. Lagi na lamang ang araw ang
kanilang nararamdaman.

Nang magising si Bathala, nakita niya ang nangyayari. “Kailangang


gawan ko ito ng paraan,” ang sabi sa sarili ng Bathala. Hinawakan niya ang
daigdig at iniikot nang dahan-dahan. Ang kalahati na lamang ang iniharap
niya sa araw habang iniikot niya ito. Nahati ang init at ang lamig. Kapag
ito ay nasa sikat ng araw, ang mga nilalang ay masasayang nagsisigawa ng

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
kanilang nais na gawin. Mula noon ay naging matiwasay ang takbo ng
daigdig at naging panatag na rin si Bathala.

Mula sa Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko pp. 160- 162

C. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin nang pasalita ang mga tanong.

1. Ilahad at ipaliwanag ang paksa batay sa pangungusap na ito


“Napakalungkot nang nag-iisa. Kailangang lumalang ako ng isang
daigdig na paglalagyan ko ng aking mga nilalang,” ang sabi sa sarili ni
Bathala.
2. Sino ang pangunahing tauhan?
3. Isa-isahin ang mga dahilan kung bakit siya lumikha ng iba’t ibang bagay.
4. Anong suliranin ang kinaharap ng mga nilikha niya? at paano ito
nasolusyunan?
5. Kanino mo maihahalintulad si Bathala sa kasalukuyang panahon?Bakit?
6. Ano ang maipapayo mo sa mga taong katulad ni Bathala na may mga
nasasakupang dumaranas ng mga problema? Ipaliwanag.

D. Paglinang ng Talasalitaan
Isa sa mabisang paraan upang lubos nating maunawaan ang
tekstong babasahin ay alamin ang kahulugan ng mga salitang ginamit. Isa
ring paraan upang madagdagan ang ating kaalaman sa talasalitaan ay ang
paggamit ng kolokasyon. Ang kolokasyon ay pagsasama ng isang salita sa
iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan.
Hal. Ningas kogon- Sa una lang masigasig o masipag
Ngayon subukin mo ang iyong kaalaman tungkol dito.
Panuto: Mag-isip ng salita na maisasama sa larawang nasa ibaba at ibigay
ang kahulugan nito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
E. Pagbasa (Mitolohiyang Kanluranin)

Paano Nagkaanyo ang Mundo?


Si Odin kasama ang dalawang kapatid na Vili at Ve ay nagawang
paslangin ang higanteng si Ymir. Ito ang dahilan kaya hindi magkasundo ang mga
Aesir at mga higante. Lumikha sila ng isang mundo mula sa katawan nito at iba’t
ibang bagay mula sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o ang mundo ng mga tao mula
sa katawan ng higante. Mula sa laman at ilang buto nito ay lumikha sila ng
kalupaan at mga bundok. Ginamit nila ang dugo nito upang makalikha ng
karagatan at iba’t ibang anyo ng katubigan. Ang mga ngipin at ilang buto nito ay
nagsilbing mga graba at hanggahan. Ang bungo nito ay inilagay sa itaas ng
mundo at nagtalaga ng apat na duwende sa apat na sulok nito. Ang mga
duwendeng ito ay pinangalanang Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga. Ginamit
nila ang kilay ni Ymir upang lumikha ng kagubatan sa buong mundo na
magpoprotekta upang hindi makapasok dito ang mga higante. Tinawag nila itong
Midgard o Middle-Earth. Ang utak ni Ymir ay ginawang mga ulap.

Lumikha sila ng isang lugar para sa mga liwanag na nakakawala sa


Muspelheim, isang mundo na nag-aapoy at inilayo nila ito sa mundo. Ang mga
liwanag nito ang nagsisilbing mga bituin, araw at buwan. Ang maitim subalit
napakagandang anak na babae ng isang higante na pinangalanang Gabi ay
nagkaroon ng anak na lalaki sa isang Aesir god at tinawag niya itong Araw. Si
Araw ay isang matalino at masayahing bata. Binigyan ng mga diyos sina Gabi at
Araw ng kani-kanilang karwahe at mga kabayo at inilagay sila sa kalangitan. Sila
ay inutusang magpaikot-ikot habang nakasakay sa mga kabayo nila. Ang mga
pawis na tumutulo sa kabayo ni Gabi ay siyang nagsisilbing hamog sa umaga.
Dahil sa sobrang liwanag at init ni Araw ay naglagay ang mga diyos ng bagay sa
mga paa ng kabayo nito upang hindi ito masunog. May isang mangkukulam na
naninirahan sa silangang bahagi ng Middle-Earth ay nagsilang ng dalawang
higanteng anak na lalaki na nasa anyo ng isang asong-lobo.

Si Skoll ang humahabol sa araw at si Hati naman ang humahabol sa


buwan. Ang magkapatid na ito ang dahilan ng paghahabulan ng araw at buwan
kaya nagkakaroon ng paglubog at paglitaw ng araw.

Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang mga duwende. Ang mga
ito ay naninirahan sa mga kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid ng mga
bakal, pilak, tanso at ginto sa mga diyos. Lumikha din sina Odin ng iba pang mga
nilalang tulad ng light-elves na nakatira sa itaas ng mundo na tinatawag na
Alfheim, mga diwata at espiritu at pati na rin mga hayop at isda. Ito ang simula ng
pagkakaroon ng anyo ng mundo.
Mula sa Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, pp. 170-171

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
F. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin nang pasalita ang mga tanong.
1. Tukuyin ang nagsasalaysay? Ilarawan siya.
2. Paano inilarawan ang pangunahing tauhan sa mito?
3. Nailahad ban nang maayos at malinaw ang pangyayari?
4. Sa iyong palagay mabuti ba o masamang nilalang ba ang pangunahing tauhan?
Pangatwiranan.
5. Anong damdamin ang nadama mo habang binabasa ang akda? Bakit?

Suriin
Ang mitolohiya ay isang tradisyonal na salaysay na isinilang mula
sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral? Ang salitang mitolohiya ay
hango sa salitang Griyego na mythos na ang ibig sabihin ay kuwento. Ang
mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa
kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa
pakikisalamuha sa mga tao. Maaring nagsimula ang mitolohiya mula nang
magsimulang magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at ano
ang tungkulin nila dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng
kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakakatakot na
puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom,
pagbaha at kamatayan.

Bakit mahalaga ang mitolohiya?

Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag angt pagkakalikha ng


mundo at mga natural na pangyayari. Sa mitolohiya rin mababasa ang mga
sinaunang paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo rin ito ng aral at
nagpapaliwanag ng kasaysayan. Mahalaga rin ito upang maipahayag ang
takot at pag-asa ng sangkatauhan.

Elemento ng Mitolohiya
a) Tauhan
b) Tagpuan
c) Banghay
d) Tema

Pagyamanin
Batid kong marami ka ng natutunan tungkol sa aralin. Ngayon ay
subukan mong suriin ang mitolohiyang binasa gamit ang checklist.

A. Lagyan ng tsek ang bawat kahon kung ang mga ito ay naipapakita sa
mitolohiyang binasa bilang bahagi ng sistematikong panunuri sa mitolohiya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Elemento ng Mitolohiya Araw at Gabi Paano nagkaanyo
ang mundo
TAUHAN
Mga diyos at diyosa na may taglay na
kakaibang kapangyarihan.
Mga karaniwang mamamayan sa
komunidad
TAGPUAN
May kaugnayan ang tagpuan sa
kulturang kinabibilangan
Sinaunang panahon naganap ang
kuwento ng mitolohiya
BANGHAY
Maraming kapana-panabik na aksyon at
tunggalian
Maaring tumalakay sa pagkakalikha ng
mundo at mga natural na mga
pangyayari
Nakatuon sa mga suliranin at kung
paano ito malulutas
Ipinakikilala ang ugnayan ng mga tao at
ng mga siyos at diyosa
Tumatalakay sa pagakakalikha ng
mundo pagbabago ng panahon at
interaksyong nagaganap sa araw, buwan
at daigdig
TEMA
Ipinaliliwanag ang natural na mga
pangayayari
Pinagmulan ng buhay sa daigdig
Paguugali ng tao
Mga paniniwalang panrelihiyon
Katangian at Kahinaan ng tauhan
Mga aral sa buhay

B. Mula sa checklist paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


mitolohiyang Filipino at Mitolohiyang kanluranin gamit ang Venn Diagram.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
1. Ano ang mga katangiang iba sa mitolohiyang kanluranin?
2. Isulat ang mga katangiang parehong taglay ng mitolohiyang Pilipino at
mitolohiyang kanluranin.
3. ano ang masasabi mo batay sa ginawang paghahambing? May nabuo
bang konklusyon sa isipan? ipaliwanag.

C. Palawakin ang iyong kaalaman sa paglalahad ng ideya at paksa batay sa


usapan ng tauhan.

PAKSA KO TUKUYIN MO!


Balikang muli ang mga naunang mitolohiyang natalakay at pumili ng
isang pangyayaring may nag-uusap na mga tauhan. Isulat ang buong usapan sa
hiwalay na papel at ipaliwanag kung ano ang paksa o ideya batay sa usapang
nabasa o narinig.

HUGOT MO HULAAN KO
Magtanong sa mga kaibigan, magulang o kapatid ng hugot nila sa buhay
isulat ito sa papel at tukuyin ang paksa o ideyang nais niyang iparating.

PARAMIHAN TAYO
Maglista ng mga salitang maaring pagsamahin upang makabuo ng iba pang
salita kapag pinagsama at ibigay ang kahulugan nito

Isaisip
Laging isaisip na bago magsuri ay isaalang alang ang pagtukoy sa mga
detalye tulad ng pangyayari sa akda upang lubos itong maunawaan. Ang
panunuri ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay buhay at diwa sa isang
likhang sining. Ito rin ay pag-alam sa nilalaman at kahalagahan nito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Isagawa
Mula sa binasang mito subukan mong suriin ito batay sa mga tanong na
may kaugnayan sa pagsusuri ng mitolohiya. Suriin ang taglay nitong elemento
gamit ang sumusunod na mga tanong upang magsilbing gabay sa pagsusuri ng
mahusay. Sagutin ang mga tanong. Mamarkahan ang iyong ginawang pagsusuri
gamit ang pamantayang nasa ibaba

Pamagat: _________________ sumulat ng akda: ________________

1. Taglay ba ng tauhan ang pagiging diyos at diyosa na nag may kakaibang


kapangyarihan?
2. Saan at kalian naganap ang mga pangyayari? ilarawan.
3. Tukuyin ang tuon o pokus ng mga pangyayari o banghay ilahad o isalaysay ang
pagkakasunod-sunod
4. Ano ang tema o paksa ang tinatalakay sa mitolohiya?

Pamantayan sa Pagmamarka
Naipakilala nang mahusay ang tauhan---------------------10 puntos
Malinaw na nailarawan ang tagpuan------------------------10 puntos
Maayos na naisalaysay ang tamang
pagkakasunod-sunod ang pangyayari-----------------------10 puntos
Nailahad nang wasto ang tema ng mitolohiya-------------10 puntos
Kabuoan ---------------------------------------------------------40 puntos

Tayahin

Natitiyak kong natutuhan mo na ang aralin. Oras na para sukatin


ang iyong natutuhan.

A. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na sagot sa mga tanong.

1. Taong pagala-gala sa lansangan na umaasa sa pamamalimos ang pang


araw araw na pamumuhay
2. Matampuhin at sensitibo
3. Diyos at diyosa ang kalimitang tema at paksa

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
4. Isang rebyu sa binasang teksto
5. Ito ay maaring matukoy sa usapan ng nabasa o narinig na usapan ng mga
tauhan sa teksto.

B. Bumuo ng maikling talata tungkol sa mitolohiya gamit ang mga salitang


ginamitan ng kolokasyon (5 puntos).

C. Pumili ng isang mitolohiya. Gumawa ng isang pasulat na pagsusuri. Gamitin


ang pamantayang makikita sa bahaging “Isagawa” ng modyul na ito.

Karagdagang Gawain
Natitiyak ko na may sapat ka ng kaalaman tungkol sa pagsusuri ng
mitolohiya. Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan sa pagsusuri. Sumipi ng
isang mitolohiya at tukuyin ang ginamit na mga kolokasyong salita rebyuhin
ito ayon sa mga tanong at pamantayang makikita sa bahaging “Isagawa” ng
modyul na ito.

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
DepEd Modyul para sa Mag-aaral sa Filipino 10

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Mga Manunulat: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)


Aaron Paul C. Atienza (Guro, PHS)
Marcerin R. Permejo (Guro, PHS)
Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS-Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like