2ND Test B

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pangalan: ____________________________________________ Iskor: _________________________

Seksyon: _____________________________________________ Lagda ng Magulang: _____________

IKALAWANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 (IKALAWANG MARKAHAN)


Pangkalahatang Panuto: Basahin at sagutin ang bawat tanong. Isulat lamang ang titik ng inyong sagot sa nakalaang
patlang.
_______ 1. Ang pitong dalaga’y madalas makita sa dalampasigan habang nagtatampisaw o masayang lumalangoy,
naghahabulan, at nagtatawanan. Ano ang mahihinuha mula rito sa mga dalaga?
A. masayahin B. mapagwalambahala C. palakaibigan D. malaro
_______ 2. Araw-araw makikita ang pitong dalaga habang nagsasagawa ng kani-kanyang gawaing-bahay. Ano ang
mahihinuha mula rito sa mga dalaga?
A. palautos B. malilinis C. masisipag D. masayahin
_______ 3. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi n’yo pa kilala nang
lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papayag.” Ano ang mahihinuha rito mula
sa ama?
A. magagalitin B. mainisin C. mapagmalasakit D. mapagbigay
_______ 4. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay. Ano ang
mahihinuha rito mula kay Delay?
A. may sariling desisyon B. magagalitin C. malupit D. mapagbigay
_______ 5. Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan. Hindi
napigil ng matanda ang muling pagluha nang masagana. Alin sa palagay mo ang HINDI nararamdaman ng
ama sa mga sandaling ito?
A. labis na nasasaktan B. labis na nagdaramdam
C. labis na nalulungkot D. labis na nasisiyahan
_______ 6. Sa anong lengguwahe nagmula ang salitang alamat o legend sa Ingles?
A. Griyego B. Latin C. Hebreo D. Espanyol
_______ 7. Sino ang tinutukoy ng Isla ng Pitong Makasalanan?
A. mga manliligaw B. mga anak
C. mga magulang D. mga kasalanan
_______ 8. Ano ang ibig sabihin ng salitang ‘legendus’ na piangmulan ng salitang alamat o legend?
A. “upang mabasa” B. “upang marinig”
C. “upang malaman” D. “upang makita”
_______ 9. Alin sa mga sumusunod ay mensahe o ideyang makikita sa “Alamat ng Isla Pitong Makasalanan” MALIBAN
sa _____?
A. Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kanyang mga anak.
B. Sumuway ang mga anak sa kagustuhan ng kanilang ama.
C. Kapahamakan ang kinasadlakan ng mga anak na hindi sumunod sa kanilang magulang.
D. Nagsisi at nagbalik sa naghihintay na ama ang kanyang mga anak.
_______10. Alin sa mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang igalang at sundin ng anak ang payo ng
magulang, MALIBAN sa _____?
A. Ito ay paraan ng pagpapahalaga ng anak sa kanyang magulang.
B. Ang paggalang at pagsunod sa payo ng magulang ay nakabubuti sa anak.
C. Ang paggalang at pagsunod sa payo ng magulang ay nakakapagbigay kasikatan.
D. Walang magandang naidudulot sa anak ang pagsuway sa mga mabubuting payo ng kanyang
magulang.
_______ 11. Humahagulgol ang batang iniwan ng kanyang magulang sa tabing ilog. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. sumigaw ng malakas B. umiyak ng malakas
C. tumakbo ng walang tigil D. galit na galit
_______ 12. Natatakot ang mga kalalakihan kung punta sa kagubatan at sa tabing ilog sapagkat may madaming mga
nimpang nag – aabang sa kanila. Ano ang kahulugan ng salitang nimpa?
A. Diwata B. aswang C. kapre D. dwende
_______ 13.Araw- araw makikita ng pitong dalaga habang nasasagawa ng kaniyang gawaing bahay. Ano ang katangian
ng tauhan?
A. malilinis B. masisipag C. palautos D. masayahin
_______ 14. Ano mensaheng napapaloob sa alamat na binasa?
A. Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kanyang anak.
B. Ikinamatay ng ina ng pitong dalaga ang pag – alaga sa kanila.
C. Namumuhay silang payapa sa habang panahon.
D. Nagsisi ang anak at muling bumalik sa piling ng ama.
_______ 15. Tila estranghero sa akin ang ikinikilos ni Tyronne nitong nakaraang mga araw. Alin sa ibaba ang tingin mong
interpretasyon sa salitang estranghero?
A. kaibigan B. bagong salta C. kapatid D. kakaiba
_______ 16.Sobrang suwail ang nagiging anak ng aming kapit bahay. Ano ang magiging interpretasyon mo sa salitang
may salungguhit?
A. mabait na anak B. lasing girong anak C. matulungin na anak D. matigas ang ulo
_______ 17.Ano ang tawag sa pasalitang anyo ng panitikan na nagsimula pa noong panahon ng katutubo?
A. salawikain B. alamat C. bugtong D. sanaysay
_______ 18.Sa kanyang pag – uwi ay isang napahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan. Alin sa
palagay mo ang naramdaman ng ama sa mga sandaling iyon?
A. labis na nagdaramdam C. labis na nasisiyahan
B. labis ang pagkagalak D. labis na nasaktan
_______ 19. Sa kabila ng ginawa ng mga suwail na anak ay ang kanila pa ring kaligtasan ang inalala ng ama lalo pa’t
masamang panahon ang kanilang nasalubong sa paglalakbay. Ano ang katangian ng ipinakita sa ama?
A. maalalahanin B. mapagbigay C. mapagmahal D. may malasakit
_______ 20.Paano mo magagamit ang aral na taglay nito sa pang -araw -araw mong pamumuhay?
A. isasabuhay mo at susundin B. magsulat ng madaming alamat
C. ipakilala sa buong mundo D. ipalaganap sa mga kakilala
_______ 21. (sakit) sa isang magulang ang makitang naghihirap ang mg aanak.
a. mas masakit b. pinakamasakit c. masakit d. malubhang sakit
_______ 22. Si Anabelle at Marga ay (talino) _________________ sa kanilang klase sa asignaturang Filipino.
a. matalino b. magkasingtalino c. pinakamatalino d. lubhang matalino
_______ 23. Ang batang si Ernie ay (bilis) lumangoy sa amin.
a. pinakamabilis b. ubod ng bilis c. kasingbilis d. mabilis
_______ 24. (dakila)_________________ pag-ibig ang pag-aalay ng buhay ng mgasundalo para sa bayan.
a. mas dakila b. magkasingdakila c. pinakadakila d. sindakila
_______ 25. (maganda) si Isabel sa kanilang magkakaibigan.
a. maganda b. mas maganda c. napakaganda d. ubod ng ganda
B. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang antas ng pang-uri kung ito’y A.
lantay, B. pahambing o C. pasukdol.
_______ 26. Si Kyla ang pinakapaborito na apo niAlingNeneng.
_______ 27. Maganda ang ginawang tula ni Sandra.
_______ 28. Mas masipag mag aral si Diana kaysa kay Jona.
_______ 29. Napakagandang akyatin ang tuktuk ng Mt. Danao.
_______ 30. Di gaanong mabilis ang kanyang pagtakbo kanina.
C. Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri. Gawing gabay ang mga nakahandang salita
sa ibaba. Halimbawa: matalino)
(Lantay - Matalino si Kyle sa aming klase. Pahambing - Mas matalino si Kyle kumpara kay Nika.
Pasukdol - Pinakamatalino si Kyle sa aming klase.
31. (Matibay)
Lantay - ___________________________________________________________________________________________
Pahambing - _______________________________________________________________________________________
Pasukdol - _________________________________________________________________________________________
32. ( Mayabong)
Lantay - ___________________________________________________________________________________________
Pahambing - _______________________________________________________________________________________
Pasukdol - _________________________________________________________________________________________
33. (mabagal)
Lantay - ___________________________________________________________________________________________
Pahambing - _______________________________________________________________________________________
Pasukdol - _________________________________________________________________________________________
34. ( mahirap )
Lantay - ___________________________________________________________________________________________
Pahambing - _______________________________________________________________________________________
Pasukdol - _________________________________________________________________________________________
35. ( madali )
Lantay - ___________________________________________________________________________________________
Pahambing - _______________________________________________________________________________________
Pasukdol - _________________________________________________________________________________________
Pangalan: ____________________________________________ Iskor: _________________________
Seksyon: _____________________________________________ Lagda ng Magulang: _____________

IKALAWANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10 (IKALAWANG MARKAHAN)


Pangkalahatang Panuto: Basahin at sagutin ang bawat tanong. Isulat lamang ang titik ng inyong sagot sa nakalaang
patlang.
_______ 1. Batid ng lahat na may sakit sa puso si Ginang Mallard kaya naman ay nag-isip sila kung paano sasabihin sa kanya ang
balita.
a. Gusto b. Alam c. Limot d. Unawa
_______ 2. Nakatanggap ng masaklap ng balita si Richard noong siya ay nasa tanggapan ng pahayagan.
a. Masama b. Mabuti c. Nakatatakot d. Nakagugulat
_______ 3. Napasalampak siya sa isang upuan nang marinig niya ang balita.
a. Napatayo b. Nahulog c. Napaupo d. Nakatulog
_______ 4. Sa kabilang bintana ng kanyang silid niya makikita ang bughaw na langit at berdeng kabundukan.
a. Masisilip b. Matatago c. Makukuha d. Matatanaw
_______ 5. Hindi siya huminto na tanungin ang sarili kung ano ang kakaibang nararamdaman.
a. Tumigil b. Sumuko c. Mapakali d. Nagkulang
_______ 6. Paano tinanggap ni Ginang Mallard ang balita tungkol sa kanyang asawa?
a. Nag walang kibo. b. Umalis sa kanilang bahay.
c. Nagkulong sa kanyang silid. d. Nagmadaling pumunta sa may riles ng tren.
_______ 7. Bakit nalilito si Ginang Mallard sa kanyang nararadaman pagkatapos niyang magmuni-muni sa loob ng kanyang silid? Dahil
a. Sa sakit niya sa puso.
b. Hindi niya maintindihan ang sakit na nararamdaman niya.
c. Naghahalo ang mga emosyon niya tungkol sa balitang natanggap.
d. Siya ay nakaramdam ng kasiyahan nang malaman ang masamang balita tungkol sa kanya asawa.
_______ 8. Alin ang hindi kabilang sa katangian ng maikling kuwento na nasa ibaba?
a. Maikli at kayang tapusin sa isang upuan lang.
b. Ang mga tauhan sa kuwento ay kadalasa’y mga hayop.
c. Mas kakaunti ang tagpuan at mga tauhang gumaganap kompara sa ibang anyo ng panitikan tulad ng
nobela o dula.
d. Mabilis ang galaw ng mga pangyayaring umaabot sa kasukdulan at agad nagwawakas at nag-iiwan ng
isang kakintalan.
_______ 9. Bakit kinakailangang mag-obserba sa kapaligiran o makipag-usap sa iba kung magsusulat ng isang kuwento?
a. Para makatulong sa mga mababasa.
b. Upang mapagalaw ang natutulog na utak.
c. Upang makakuha ng bagong tauhan sa isusulat ng kuwento.
d. Para makakuha ng mga ideya na magagamit sa iyong kuwento.
_______ 10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dapat ikonsidera sa pagbuo ng isang tauhan?
a. Tukuyin ang itsura at kalagayan sa buhay ng iyong tauhan.
b. Isipin kung paanong magsasalita, magbibihis, at gagalaw ang iyong mga tauhan.
c. Naiiba ang persona ng iyong mga tauhan kung paano siya kumilos, magbihis at magsalita.
d. Katulad ng isang tunay na tao, ang tauhan sa iyong kuwento na may mga problema na haharapin.
_______ 11. Ang mga pahayag sa ibaba ay mga katangian ng isang akdang klasisismo, MALIBAN sa isa. Alin sa ibaba ang naiiba?
a. Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri.
b. Binibigyang- halaga ang indibidwalismo kaysa kolektibismo.
c. Layuning mailahad ang katotohanan, kabutihan at kagandahan.
d. Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunodsunod at may hangganan.
_______ 12. Anong uri ng pagdulog o pananaw sa pagsusuring pampanitikan ang tumutukoy sa higit na lutang na damdamin kaysa
kaisipan?
a. Klasisismo b. Romantisismo c. Realismo d. Humanismo
_______ 13. Ang nobelang pinamagatang “ Si Anne ng Green Gables” ay kuwento ng dalawang magkapatid na matandang babae at
lalaki na gustong magampon ng batang lalaki ngunit sa halip na lalaki ay batang babae ang naipadala sa kanila ng
ampunan. Batay sa pahayag, anong pagdulog o pananaw ang nangingibabaw sa nobelang ito?
a. Humanismo b. Eksistensyalismo c. Feminismo d. Marxismo
_______ 14. Ang nobelang pinamagatang “ Si Anne ng Green Gables” ay tanyag na naisalin sa pambatang palabas o animated cartoon
base sa palabas na ito, Anong katangian ni Matthew na nagpapakita ng kanyang labis na pagkamahiyain?
a. Hindi niya magawang makipag-usap sa mga babae maliban kina Marilla at Anne.
b. Hindi siya nakikipag-usap sa kahit sinong tao.
c. Hindi siya sumasagot kahit kinakausap siya ng mga tao.
d. Hindi siya lumalabas ng bahay at palaging nagkukulong sa kanyang silid.
_______ 15. Sa katapusan ng nobelang “ Si Anne ng Green Gables” si Anne ay naging isang?
a. Abogado b. negosyante c. Doktor d. guro
_______ 16. Bakit hindi natuloy ang pag-aaral ni Anne sa Redmond College gamit ang Avery Scholarship?
a. Kailangan siya ni Marilla sa mga panahong humihina na ang paningin nito.
b. Pinagbawalan siya ni Marilla na lumayo para mag-aral.
c. Inalok siya ni Gilbert ng kasal.
d. Ipinangako niya kay Marilla na hindi siya lalayo sa Green Gables.
_______ 17. Bakit hindi nakasama ni Anne ang kanyang matalik na kaibigan na si Diana sa Queen’s Academy?
a. Nag-aral siya sa ibang unibersidad. b. Nag-asawa na siya agad pagkatapos nila ng hayskul.
c. Hindi na siya pinag-aral ng magulang. d. Nagtayo siya ng isang maliit na negosyo?
_______ 18. Anong uri ng pagdulog o pananaw ang nagsusuri ng kalagayan sa mga kababaihan at ang pagkakapantay- pantay ng
kalagayan ng mga kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan?
a. Feminismo b. Moralistiko c. Formalismo d. Imahismo
_______ 19. Masasabing ang nobelang “Si Anne ng Green Gables” at ang teleseryeng “Hawak Kamay” ay may pagkakapareho. Sa
papaano kaya ito nagkakapareho?
a. Pareho sila na may temang Feminismo.
b. Pareho sila na tumatalakay sa napapanahong isyu ng lipunan.
c. Pareho ang mga pangalan ng mga tauhan.
d. Parehong patungkol sa pag-aampon ang tema.
_______ 20.Ang nobelang “Si Anne ng Green Gables” at ang teleseryeng “Dream Dad” ay may pagkakahawig din. Magkapareho din
ang wakas nito. Sa papaano kaya nagwakas ang dalawang ito?
a. Parehong napamahal ang mga inampon sa mga nag-ampon sa kanila.
b. Parehong naging matagumpay na negosyante ang mga tauhan.
c. Parehong naging mapagmahal na guro ang mga pangunahing tauhan.
d. Parehong nasawi sa huli ang mga pangunahing tauhan
_______ 21. "Naglayag sa dagat ang matandang si Santiago upang manghuli ng isda na maaari niyang ibenta at kanyang kainin.” Aling
bahagi ng nobela makikita ang pahayag na ito?
a. simula c. gitna b. wakas d. Kasukdulan
_______ 22. Ito ay binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa
nagbibigay- aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mambabasa?
a. maikling kuwento c. Talumpati b. nobela d. Dula
_______ 23. Ang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin maliban sa ________?
a. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
b. kawili-wili at pumupukaw ng damdamin
c. nag-iiwan ng di mabuting aral sa mga mambabasa.
d. malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad
_______ 24. Ano ang tawag sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
a. tagpuan c. pamamaraan b. pananalita d. Banghay
_______ 25. Ito ang kahulihulihang nobelang nailimbag ni Ernest Hemingway?
a. Banaag at Sikat c. Sa mga Kuko ng Liwanag
b. Ang matanda at ang Dagat d. Dekada 70
_______ 26. Ipinakikita ng pananaw na ito ang katotohanan ng buhay maging ito man ay hindi maganda.
a. Klasisismo c. Formalismo b. Realismo d. Imahismo
_______ 27. Ang nobelang pinamagatang "Si Anne ng Green Gables" o ang mag-aaning tinatawag na kamatayan ay isang halimbawa
ng Teoryang ___________?
a. romanstisismo b. Feminismo c. realismo d. Sosyolohikal
_______ 28. Binibigyang pansin ng manunuri ang kaisahan ng mga bahagi at ang kabuoan ng akda nang malayo sa pinagmulang
kapaligiran, era o panahon .
a. imahismo b. humanism c. Formalismo d. Klasisismo
_______ 29. Isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang sining.
a. panunuri b. pananaw c. paglalahad d. Pagsisiyasat
_______ 30. Ito ay isang anyo ng pagsusuri ng binasang teksto o akda.
a. pasulat ng script b. suring-basa c. suring-pananaw d. Pagbabasa
_______ 31. Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang
likhain ang isang akda.
a. pagkilala sa may akda c. layunin ng may akda
b. buod d. Mensahe
_______ 32. Balangkas ng suring-basa na nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinapatunayan ng
mga tiyak na sitwasyon o karanasan.
a. mga kaisipan c. layunin ng may akda
b. pagkilala sa may akda d. Mensahe
_______ 33. Aling pahayag ang nagpapatunay na ang nobelang "Ang Matanda at ang Dagat ay isang Realismo?
a. inilalarawan ang karanasan at lipunan na parang sa tunay na buhay.
b. nasusuri ang kalagayan ng mga kababaihan.
c. pinapahalagahan higit ang tao kaysa sa anumang bagay.
d. pinahalagahan ang katwiran ng tauhan.
_______ 34. Ano ang mahahalagang aral sa nobelang " Ang Matanda at ang Dagat"?
a. Ang isang taong mahirap ay maaari pa ring magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap.
b. Ang pagkabigo ay nakapagdudulot din ng kabutihan sa isang tao.
c. Lahat ng mga pagsubok sa buhay ay malalampasan basta't may tiwala at determinasyon.
d. Ang masamang ugali ng isang bata ay hindi nagbabago hanggang sa pagtanda.
_______ 35. Ito ay nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.
a. simbolismo b. pananaw c. damdamin d. Tema
Pangalan: ____________________________________________ Iskor: _________________________
Seksyon: _____________________________________________ Lagda ng Magulang: _____________

IKALAWANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 11 (IKALAWANG MARKAHAN)


Pangkalahatang Panuto: Basahin at sagutin ang bawat tanong. Isulat lamang ang titik ng inyong sagot sa nakalaang
patlang.
_______ 1. “Naku, Dianne! Naramdaman mo ba ang lakas ng lindol kagabi?” “Oo, Marie! sa pakiramdam ko ba’y babagsak ang
salaming nasa tapat ko!” “Mabuti naman at huminto agad. Sunud-sunod ang tawag ko sa Panginoong Diyos. Alam kong
kapiling ko siya nang mga sandaling iyon.” Gayon din ang ginawa ko, Susan. Batid kong tanging Diyos lamang ang
makapagliligtas sa atin sa gitna ng anomang panganib.” Sa anong salik ng lingguwistikong interaksiyon ang seryosong
usapan ng magkaibigan?
a. Ends b. Genre c. Act sequence d. Key
_______ 2. Malaya at natural na naipalabas ng dalawang magkaibigan ang kanilang naramdaman at reaksiyon sa nangyaring lindol. Sa
anong salik ng lingguwistikong interaksiyon ito?
a. Participants b. Norms c. Ends d. Instrumentalities
_______ 3. Nag-usap ang dalawang magkaibigan na sina Dianne at Marie sa naganap na lindol. Anong salik ito nabibilang?
a. Setting b. Key c. Participants d. Norms
_______ 4. (1.) Mommy: “Ano ba ang iniisip mo, anak?” “Kanina ka pa nakatingin sa malayo.” (2.)
Reed: “May problema po ako Mommy, ibig ko nang magtrabaho ngunit ayaw na ayaw ni Grace.” “Natatakot siya na
baka mahawa ako sa pandemya.” (3.)
Mommy: Tama ang syota mo!” Hintayin nalang natin na mayroon ng vaccine saka ka na babalik sa trabaho sa labas
ng bansa. (4.)
Reed: “Sige na nga, mommy, basta ikaw ang bahala sa gastos namin arawaraw ha!?” “Isipin mo na lang na
nagbabakasyon kami dito.!”
Tanong: Ano ang tono ng usapan sa bilang 1 at 2?
a. Seryoso b. Pabiro c. Pormal d. Impormal
_______ 5. Ang salitang syota sa pahayag bilang 3 ay sa anong antas ng wika?
a. Pormal b. Balbal c. lalawiganin d. kolokyal
_______ 6. Nabibilang sa anong lingguwistikong interaksiyon ang pabirong tugon ni Reed sa kanyang mommy sa bilang 4?
a. Key b. Ends c. Setting and scene d. Norms
_______ 7. Nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tono at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-
ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran, ano ito?
a. Komunikasyon b. Etnograpiya c. Salik d. modelong Speaking
_______ 8. Ang modelong speaking ni Dell Hymes ay tinatawag din ni Hymes na______________.
a. Etnograpiya b. Sosyolingguwistiko
c. Etnograpiya ng komunikasyon d. lingguwistiko
_______ 9. Ano ang tawag sa kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang
tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon?
a. modelong Speaking b. kumbensiyon ng interaksiyon
c. Etnograpiya d. Sosyolingguwistiko
_______ 10. Ang salik ng lingguwistikong interaksiyon na binibigyang tuon dito ay kung paano ang takbo o daloy ng pag-uusap o
usapan?
a. Instrumentalities b. Act sequence c. Key d. Ends
_______ 11. Isinagawa ang isang pagtitipon upang ipagdiriwang ng buong angkan ang kaarawan ng kanilang amain. Anong salik ito
ng lingguwistikong interaksiyon?
a. Ends b. Genre c. Norms d. Key
_______ 12. Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang nagsasaad ng pormal na paggamit ng wika?
a. “Mabuti naman at okey ka lang Zenny?” b. “Uy! Kumusta ka naman?”
c. “Magandang araw po! Kumusta po kayo?” d. “Uy!, napansin mo ba?”
_______ 13. Anong gamit ng wika ang nakasulat na pahayag na ito? “Ikinalungkot ko ang pagkawala ng iyong ama, hindi ko akaling
matindi ang dulot ng pandemya sa puso niya.”
a. Pakikiramay b. Pagtuligsa c. Pagkabahala d. Pagkagalit
_______ 14. Ano ang kahulugan na ibig ihatid sa pahayag na iyong matunghayan sa ibaba? “Magtapos ka ng iyong pag-aaral anak
kahit na anong mangyari. Ayokong lumaki ka na walang pinag-aralan na tulad ko!”
a. Pagmamahal b. Responsibilidad c. Pagmamalasakit d. Paninindigan
_______ 15. Ano ang ipinahiwatig na kahulugan sa pahayag sa ibaba? “Napakainit ngayon! Nanunuyo na ang aking lalamunan!”
a. Nais magpa-aircon b. Naghanap ng pampalamig
c. May sakit sa lalamunan d. Nangangailangan ng pamaypay
_______ 16. Anong anyo ng di-berbal na komunikasyon ang galaw ng katawan, mata, ekspresyon ng mukha at kumpas ng kamay
nabibilang?
a. kinesika b. proksemika c. paralanguange d. pandamam o paghawak
_______ 17. Tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan ng lugar, ano ito?
a. katahimikan b. kapaligiran c. proksemika d. paralanguage
_______ 18. “Mayroon ba kayong orange juice na malamig”? Sa pahayag na ito, anong anyong lingguwistiko o locution ito?
a. pasalaysay b. patanong c. pangako d. pakiusap
_______ 19. Sa halimbawang pahayag sa itaas, binigyan ng weyter ang kustomer ng napakalamig na orange juice? Sa anong sangkap
ito ng speech act?
a. illocutionary force b. locution c. perlocution d. anyong lingguwistiko
_______ 20. Anong pahiwatig na uri ng komunikasyon na ang pinagtutuunan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong
nasa paligid at nakaririnig ng usapan?
a. paramdam b. pahaging c. pasaring d. paandaran
_______ 21. Isang kakayahan na tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa
paraang diretsahan o may paggalang?
a. pragmatiko b. sosyolingguwistiko c. speech act d. diskorsal
_______ 22. Uri ng di-berbal na komunikasyon na tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad, at bilis ng pagsasalita?
a. kinesika b. paralanguage c. kapaligiran d. pandama
_______ 23. Isang mekanismo ng pahiwatig na kadalasan nakapokus at umiikot sa isang paksa na hindi tuwitang maipahayag subalit
paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig.
a. sagasaan b. parinig c. papansin d. paandaran
_______ 24. “Sa iyo ba ang bag na iyan?” Alin sa mga sumusunod ang maaaring angkop na pahiwatig o kahulugan sa pahayag na
patanong?
a. pagtiyak sa nagmamay-ari ng bag b. pagpuri sa estilo ng bag
c. pagkainis sa nakakalat na bag d. pagkutya sa estilo ng bag
_______ 25. Ang napagbalitaan sa ibinulong na balita ay nagbalita naman sa kaibigan at naulit ang pakiusap na huwag sasabihin sa
iba ang balita. Bagamat pinipigil ay nagpatuloy sa paggapang ang balita hanggang sa ito’y makarating sa
kinauukulan. Alin ang angkop na kahulugan o pahiwatig bilang layunin sa sitwasyon?
a. may pakpak ang balita b. may malakas ang bulong kaysa sigaw
c. marami ang mahilig sa bulung-bulungan d. ang mapaghatid ng balita ay nakakatuwaan
_______ 26. “Mayroon na bang pagkain?” “Kanina pa kami naghihintay, sumasakit na ang aming ulo!” Ano ang ipinahiwatig sa
pahayag?
a. nagugutom na sila sa kahihintay b. nagagalit sila sa weyter
c. naiinis sila sa serbisyo ng restoran d. napagod na sila sa kahihintay
_______ 27. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipapasok sa mga butas ng kanyang
tainga.
Anong anyo ng di-berbal na komunikasyo ang sitwasyong ito?
a. Proksemika b. Haptics c. kinesika d. paralangguage
_______ 28. “Natural lang na mahalin mo ang asawa’t anak mo,” sabi kong nakadarama ng pagkainis. Ano ang kaisipang napapaloob
sa pamamagitan ng paghihinuha?
a. pakikiramay b. pag-aalala c. pagtanaw ng utang na loob d. pakikisama
_______ 29. Ito ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng kaisipang napapaloob sa isang pangungusap. Ano nito?
a. pragmatiko b. speech act c. paghihinuha d. layunin ng nagsasalita
_______ 30. Ano ang tawag sa pahiwatig na salita na sadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa paligid ang pagpapatama?
a. padaplis b. pasaring c. parinig d. pahagin
Pangalan: ____________________________________________ Iskor: _________________________
Seksyon: _____________________________________________ Lagda ng Magulang: _____________

IKALAWANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 12 (IKALAWANG MARKAHAN)


Pangkalahatang Panuto: Basahin at sagutin ang bawat tanong. Isulat lamang ang titik ng inyong sagot sa nakalaang
patlang.
_______ 1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa dapat panatilihin sa pagbibigay ng deskeripsiyon ng produkto?
A. payak B. makatotohanan C. matalinghaga D. tiyak
_______ 2. Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, anong wika ang nararapat gamitin?
A. impormal B. matalinghaga C. lalawiganin D. pormal
_______ 3. Anong impormasyon ang kalimitang binubuo sa pagsulat ng isang deskripsiyon?
A. komplikado B. detalyado C. tiyak D. mahihirap
_______ 4. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto?
A. Maaaring kakikitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho.
B. Pagiging mabulaklak at paliguy-ligoy ng paglalarawan.
C. Di kapani-paniwala ang paglalarawang gagamitin.
D. Hindi angkop na impormasyong gagamitin.
_______ 5. Bakit mahalagang panatilihin ang pagbibigay ng tiyak na katangian sa pagbubuo ng deskripsiyon?
A. upang maiwasan ang kalituhan sa mambabasa B. upang mabasa ng kahit anong edad
C. upang mahalina ang mambabasa D. upang madaling basahin
_______ 6.Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng
iminumungkahing produkto at/o serbisyo?
A. Naratibong Ulat B. Feasibility Study C. Marketplace D. Abstrak
_______ 7. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang dokumento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod na pangyayari o kaganapan
sa isang tao o grupo ng tao?
A. Naratibong Ulat B. Feasibilities Study C. Marketplace D. Abstrak
_______ 8. Ano ang kahalagahan ng isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng
iminumungkahing produkto at/o serbisyo?
A. upang matiyak ang matagumpay na paglulunsad sa isang produkto o serbisyo
B. para matiyak kung maaari bang ibigay at/o ipamahagi ang produkto.
C. para makita ang benepisyo ng pananalapi.
D. upang malaman kung ano ang kahinaan ng produkto.
_______ 9. Anong bahagi ng feasibility study na tumutukoy sa pamamaraan kung paano magagamit ng tao ang produkto/serbisyo?
A. Iskedyul B. Abstrak C. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta
_______ 10. Bahagi ng feasibility study na binigyang diin dito ang kalakasan ng produkto o serbisyo
A. Iskedyul C. Paglalarawan ng Produkto o Serbisyo
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta
_______ 11. Ito’y madalas na isinusulat na huli sa isang feasibility study.
A. Iskedyul C. Executive Summary
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta
_______ 12. Ang naratibong ulat ay isang dokumento na nagsasaad ng ____________ na pangyayari o kaganapan sa isang tao o
grupo ng tao.
A. sunod-sunod B. detalyado C. abstrak D. epekto
_______ 13. Sa feasibility study ay matatagpuan din dito ang mga ________________ na may kinalaman sa proyekto o pangunahing
paksang ginagawan ng pagaaral.
A. sunod-sunod B. detalyado C. abstrak D. salitang teknikal
_______ 14. Ang mga sumusunod ay ang mga elemento ng naratibong ulat MALIBAN sa isa.
A. kronolohikal na pagkakaayos
B. walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinion sa pangyayari
C. buo ang mahahalagangelemento ng isang talatang nagsasalaysay
D. Projection sa Pananalapi at Kita
_______ 15. Alin sa sumusunod na elemento ng naratibong ulat ang tumutukoy sa pagiging obhetibo at hindi maaaring maglagay ng
personal na opinion?
A. kronolohikal na pagkakaayos
B. walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinion sa pangyayari
C. buo ang mahahalagang elemento ng isang talatang nagsasalaysay
D. Projection sa Pananalapi at Kita
_______ 16. Ito’y ginagamit sa pagnenegosyo o kaya’y sa mga pananaliksik na may kinalaman sa agham at teknolohiya, inhenyeriya at
iba pang katulad ng mga larangan.
A. Naratibong Ulat B. Feasibilities Study C. Marketplace D. Abstrak
_______ 17. Bakit mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talatang nagsasalaysay?
A. upang maging mahusay at nararapat ang isang naratibong ulat
B. upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mga taong nais makakuha ng impormasyon
C. upang magkaroon ng sistemaatikong dokumentasyon
D. upang sunud-sunod ang mga pangyayari o kaganapan
_______ 18. Bahagi ng feasibility study na itinakda ang panahon kung kailan dapat magawa ang mga produkto o serbisyo.
A. Iskedyul C. Paglalarawan ng Produkto o Serbisyo
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta
_______ 19. Sa pagsulat ng naratibong papel mahalaga na banggitin ang ________ at panahon kung kailan naganao ang pag-
uusap/pagpupulong/gawain, kailangan kilalanin din kung sino-sino ang kasali sa gawain.
A. tauhan B. tagpuan C. Iskedyul D. Abstrak
_______ 20. Anong bahagi ito ng FS na nagbibigay ng kabuuang pagtanaw sa nilalaman.
A. Iskedyul B. Abstrak C. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta
B. Isa-isahin ang mga hakbang sa pagsulat ng promotional materials at pagsulat ng deskripsiyon ng produkto.
Pagsulat ng Promotional Materials:
21.
22.
23.
24.
25
Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto
26.
27.
28.
29.
30.
C. Pagtapat-tapatin. Matatagpuan sa Hanay A ang mga konsepto ng komunikasyong teknikal, samantalang sa Hanay B naman ay ang
mga susing salita na naglalarawan sa Hanay A. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ito sa patlang gamit ang titik lamang.
Hanay A Hanay B
_______ 31. Pormat a. pagsasama-sama ng mga indibidwal
_______ 32. Gamit b. daloy ng ideya, kabuuang mensahe
_______ 33. Layunin c. tagatanggap ng mensahe
_______ 34. Nakapukos d. imaheng nais ipakita ng manunulat
_______ 35. Kolaborasyon e. kaganapan ng pagpapadala ng
_______ 36. Awdiyens mensahe
_______ 37. Sitwasyon f. espesyalisadong uri ng komunikasyon
_______ 38. komunikasyong teknikal g. estado ng layunin
_______ 39. Nilalaman h. ginabayang estruktora
_______ 40. Istilo Isagawa i. pangunahing paksa ng usapan
j. tono, boses, pananaw
k. halaga ng pagpapahatid ng mensahe

You might also like