Fil10 Q1 M18 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino 10

Filipino – Ikasampung Baitang


Unang Markahan – Modyul 18: Nobela
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Paula Micaela P. Adeza
Editor: Albert C. Nerveza, Melinda P. Iquin
Tagasuri: Aurora M. Reyes
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 10
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Nobela
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Filipino 10) ng Modyul para
sa araling Nobela !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Filipino 10) Modyul ukol sa (Nobela) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Naihahambing ang ilang pangyayari sa nabasang kuwento ng dula sa mga
pangyayari sa binasang kabanata ng nobela.
2. Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata.
3. Naibabahagi ang sariling opinyon at pananaw batay sa nabasa.

MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa nobela.


B. Naihahambing ang mga tauhan at pangyayari sa nobelang tinalakay.
C. Nakapagbabahagi ng sariling opiniyon o pananaw hinggil sa isyung
may kinalaman sa COVID19.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot
sa unahan ng bawat bilang.

A. Claude Frollo D. Sister Gudule


B. Esmeralda E. Victor Hugo
C. Quasimodo F. Willita A. Enrijo

______1. Ang may masamang balak kay Esmeralda at nais na itago ito sa selda ng
Notre Dame.
______2. Ang itinanghal na Papa ng Kahangalan.
______3. Ang manunulat na nagsalin sa Filipino ng nobelang ang kuba ng
Notre Dame.
______4. Ang babaeng nagsabi ng “hamak na mananayaw at anak ng magnanakaw”
sa isang dalaga.
______5. Ang orihinal na sumulat ng nobela.

BALIK-ARAL
Magbalik-tanaw sa mga mahahalagang pangyayari na pinag-aralan
dahil magagamit ang mga ito para sa ating gawain.

Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa nobela. Lagyan ng bilang 1,


2, 3, 4, at 5 ang loob ng bituin.

Labis ang pagnanasa ni Claude Frollo, ang paring kumupkop kay


Quasimodo sa isang mananayaw na si Esmeralda kaya’t isang gabi ay
sinunggaban nila ito. Iniligtas ni Phoebus si Esmeralda.
Sinamantala ni Frollo ang pagkakataon kaya’t pinapili niya si
Esmeralda kung gusto niyang mahalin siya o mabitay? Mas pinili ni
Esmeralda ang mabitay.

Sa ginawang pagtulong ni Esmeralda ay tuluyan ng nahulog ang loob


ni Quasimodo sa dalaga. Si Esmeralda at Phoebus ay nagkita upang lubos
na magkakilala ngunit may biglang sumaksak kay Phoebus. Pinaratangan si
Esmeralda na siya ang sumaksak kay Phoebus.

Sa isang malawak na katedral ay may isang kuba na itinanghal na


Papa ng Kahangalan dahil sa taglay niyang kapangitan na si Quasimodo.

Nakita niya ang dalaga ng wala ng buhay. Labis siyang nasaktan at


nagsabi ““walang ibang babae akong minahal.” Biglang naglaho si
Quasimodo at makalipas ang ilang taon ay may natagpuang kalansay na
kuba na nakayakap sa katawan ng dalaga.

ARALIN

Basahin ang buod ng dulang pantelebisyon na pinalabas sa ABS-CBN


na pinagbibidahan ni Anne Curtis noong taong 2005. Pinamagatan itong
Kampanerang Kuba sa panulat ni Pablo S. Gomez. Unawain ang nilalaman
nito at bigyang-pansin kung paano naiiba ang nobela sa kuwento ng dulang
pantelebisyon.

KAMPANERANG KUBA
(Buod ng Dulang Pantelebisyon)

Sa isang kaharian ay may naninirahang mga kakaibang nilalang na


pinamumunuan ng isang Hari at prinsipe na si Abuk. Si Prinsipe Abuk ay
pumunta sa mundo ng mga tao at sinisilip ang isang magandang babae na
nagngangalang Lucia kasama ang nobyo nitong si Antonio na isang magsasaka.
Masaya silang naghahabulan sa bukid at nang gabi ay umuwi na ang
magkasintahan. Nang pauwi na ang dalawa ay sinubukan ni Prinsipe Abuk na
lapitan siya pero sumigaw ito sa takot dahil sa kakaibang itsura ng Prinsipe. Sa
kagustuhan na maging tao ni Prinsipe Abuk ay sinunod niya ang payo ni
Sykharma, kinuha niya ang lahat ng kayamanan ng kaharian nila at ininom ang
mahiwagang likido para siya'y maging tao. Namatay ang lahat ng Naabukak pero
wala na sa isip ng Prinsipe ang mga iyon naging tao na si Abuk at ito ang
nakaraang itinatago ni Martin.
Isang gabi, may dalawang babaeng sabay na manganganak sila ay sina
Lucia at Lourdes. Nanganak si Lourdes ng isang pangit na nilalang. Nang makita
ni Martin o Prinsipe Abuk ang anak ay naisip niyang iyon na ang resulta ng
pagtalikod niya sa kanyang tunay na mundo at pagsuway sa kanyang ama. Si
Jacinta kaibigan ni Lucia, pinuntahan ni Antonio dahil manganganak na daw si
Lucia pero nahuli siya ng mga tauhan ni Don Francisco at binalian pa siya nito ng
binti. Si Lucia nanganak na magisa at sa pagod nawalan ito ng malay, pagkagising
ni Lucia ay wala na ang sanggol niya. Sinubukan ni Martin na painumin ng Wali
ng Naabukak ang sanggol ni Lucia pero namatay ito kung kaya't inutusan niya si
Jacinta na ilibing ang sanggol.

Tumunog ang kampana at nabuhay ang sanggol, naawa si Jacinta kung


kaya't dinala niya ito sa simbahan at iniwan niya ito doon kasama ang sulat na
nanganganib ang buhay ng batang ito. Nakita at nagulat ang pari na si Padre
Agaton, Sister Cecilia, Sister Clara at Sister Marcelina sa pisikal na itsura dahil sa
pangit na mukha at kuba ang sanggol. Ang batang kuba ay bininyagan at
pinangalanang Fatima ni Padre Agaton, sinubukan ding alamin ng tatlong madre
kung saan nagmula si Fatima at kung sino ang nagtangka sa buhay nito. Ang
tatlong madre ay mangkukulam at nakita nila sa mahiwagang wok kung ano ang
nangyari kay Fatima bago siya nakarating sa kanila.

Lumipas ang panahon at lumaki na rin si Fatima sa ilalim ng pangangalaga


ng mga madre at pari. Isang araw nais niyang makipaglaro sa ibang mga bata
ngunit pinagbabato siya ng mga ito kaya’t tumakbo na siya pauwi. Nakita ni
Fatima ang sarili niya sa salamin at napasigaw siya. Wala na ring gaanong
nagsisimba kaya’t nangangamba sina Padre Agaton at ang mga Madre tungkol dito.

Isang araw, natuklasan niya ang kampana at dahil sa nag-aaway ang mga
madre kung sino ang magpapatunog nito ay sinakyan niya ang tali.
Napakagandang tunog ang lumabas mula sa kampana kung kaya't mula noon siya
na ang nagpatunog nito, si Imang ang kampanera. Dumami ang mga taong
nagsimba at sa tuwa ni Imang ay sumilip siya. Naging dalaga na si Imang at
nagkaroon ng paghanga sa isang lalaki na nagngangalang Pablo ngunit naghina
ang kaniyang kalooban dahil sa kaniyang pisikal na itsura. Mayroon siyang nakita
na isang mahiwagang kandila na nagpapabago ng itsura, sinindihan niya ito at
siya ay naging magandang babae.

PAGSUSURI SA NOBELANG ANG KUBA NG NOTRE DAME AT DULANG


PANTELEBISYON NA KAMPANERANG KUBA

Ang Kuba ng Notre Dame Kampanerang Kuba

• Sa bansang Frances nagmula ang • Sa bansang Pilipinas ipinalabas ang


nobelang ang Kuba ng Notre Dame. dulang pantelebisyon na
Kampanerang Kuba.
• Isinulat ni Victor Hugo at isinalin sa • Si Pablo S. Gomez, ang nagsulat ng
Filipino ni Willita A. Enrijo ang istorya ng kampanerang kuba.
nobela.
• Si Quasimodo ang pangunahing • Si Imang o Fatima ang bidang
tauhan sa akda na may pisikal na karakter sa kampanerang kuba.
kapansanan o kuba.
• Ang Katedral ng Notre Dame ang • Ang simbahan ng Parokya ng San
tagpuan ng nobela. Bartolome Apostol ang naging
tagpuan sa dula.

• Ang Paring si Claude Frollo ang • Sina Padre Agaton, Sister Cecilia,
kumupkop kay Quasimodo. Sister Clara at Sister Marcelina ang
nag-alaga kay Imang.

MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY BLG.1
PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang mga salitang may kaugnayan sa mga
tauhan na nasa Hanay A. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
_____ 1. Esmeralda A. itim na mahika
_____ 2. Sister Gudule B. nakabibighaning kagandahan
_____ 3. Quasimodo C. santuwaryo
_____ 4. Claude Frollo D. kapitan na tagapagtanggol sa kaharian ng
_____ 5. Phoebus Paris
E. dating mayaman at nasiraan ng bait

PAGSASANAY BLG.2
PANUTO: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ang babaeng may mahiwagang kandila na nagpapabago ng pisikal na anyo.


A. Cecilia B. Clara C. Esmeralda D. Fatima
_____2. Ang hinahangaang manunulat ng komiks, nobela at pelikula sa Pilipinas.
A. Alejandro Abadilla C. Mars Ravelo
B. Carlo Caparas D. Pablo Gomez
_____3. Taon nang ipinalabas ang dulang pantelebisyon na Kampanerang Kuba.
A. 1995 B. 2000 C. 2005 D. 2010
_____4. Ang naging tirahan ni Imang mula nang siya’y isinilang hanggang
nagdalaga.
A. Bahay B. Paaralan C. Plaza D. Simbahan
_____5. Ang mahiwagang _________ na nagpapabago ng pisikal na kaanyuan ng
isang tao.
A. Kandila B. Lampara C. Salamin D. Suklay
PAGSASANAY BLG.3
Panuto: Sa loob ng Venn Diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
nobelang Ang Kuba ng Notre Dame at dulang pantelebisyon na Kampanerang
Kuba. Gawing batayan ng iyong sagot ang mga pangungusap na nasa loob ng
kahon.

• Anak sa turing ng isang pari si Imang.


• Ang tauhan ay kuba.
• Ang tauhan ay nagngangalang Quasimodo.
• Kaisa-isang babae ang kaniyang minahal hanggang kamatayan.
• May kandilang nakapagpababago sa itsura ng tauhan.
• Pinipintasan ng lipunan dahil sa taglay na kapangitan.

PAGKAKATULAD

Ang Kuba ng Notre


Dame Kampanerang Kuba

1
1.
1.

2. 2.
2.

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA
PAGLALAHAT

PANUTO: Piliin ang mga larawang sumisimbolo sa taglay na katangian ng mga


tauhan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

A. B. C.

D. E.

* Ang mga larawan ay mula sa google

______________1. Quasimodo ______________4. Esmeralda


______________2. Fatima ______________5. Pari Claude Frollo
______________3. Padre Agaton

PAGPAPAHALAGA

Dugtungan ang pahayag na maiuugnay sa nobela at dulang pantelebisyon.

1. Ang pag-ibig ay makapangyarihan sapagkat ____________________________


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Makikita ang kabutihan ng isang tao sa ________________________________


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Bilang panapos na pagsusulit inaasahan ko na ikaw ay


makapagbabahagi ng sarili mong pananaw o opinyon sa napapanahong
isyung panlipunan, ang COVID- 19. Ang iyong gagawing pagpapaliwanag sa
isyung ito ay mamarkahan ng guro ayon sa sumusunod na pamantayan:

PAMANTAYAN SA PAGPAPALIWANAG NG SARILING PANANAW


O OPINYON SA ISYUNG PANLIPUNAN

Impormasyong inilalahad 4
Kaangkupan ng pagpapaliwanag sa paksa 3
Kaayusan ng balangkas sa pagsulat 2
Kabuuang dating 1
Kabuuang Puntos 10

Ipaliwanag ang paksa.

BAYANING FRONTLINERS: HUMAHARAP SA DISKRIMINASYON DAHIL SA


BANTA NG PAGKAHAWA NG IBA SA COVID- 19
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
MODYUL 18
ARALIN 1.6 (Nobela)
PAUNANG PAGSUBOK PAGSASANAY BLG.3
1. A PAGKAKATULAD:
2. C -Ang tauhan ay Kuba.
3. F -Pinipintasan ng lipunan
4. D dahil sa taglay na kapangitan.
5. E PAKAKAIBA SA NOBELA:
-Ang tauhan si ay nagnga-
BALIK-ARAL ngalang Quasimodo
1. 2 -Kaisa-isang babae ang kanyang
2. 4 minahal hanggang kamatayan.
3. 3 PAKAKAIBA SA DULA:
4. 1 -Anak sa turing ng isang
5. 5 pari si Imang.
- May kandilang nakapagbabago
sa itsura ng tauhan.
PAGSASANAY BLG.1 PAGLALAHAT
1. B 1. E
2. E 2. C
3. C 3. B
4. A 4. A
5. D 5. D
PAGSASANAY BLG.2 PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. D -Nakadepende sa pagmamarka ng
2. D guro sa tulong ng pamantayan.
3. C
4. D
5. C
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Magdalena, Jocson et.al: Kagawaran ng Edulasyon Modyul ng mag-
aaral sa Filipino 10:2015
http://kampanera-episode.blogspot.com/2005/11/unang-labas.html
https://www.slideshare.net/mariaramelia/simkuba-2
https://www.youtube.com/watch?v=Wbg_TzRpyrw
https://www.youtube.com/watch?v=02NcfXhnBMI
https://www.bible.com/tl/bible/177/ROM.2.11.TLAB

You might also like