Thesis Final 1-Prmsu-Lhs

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 36

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Sinasabi na ang bansang Pilipinas ay unti-unti nang umuunlad at

nakasasabay sa iba pang mga bansa sa Asya ayon sa mga kaugnay na

programa ng ASEAN Intergration 2015. Kaakibat ng mga pag-unlad na ito ay ang

napakaraming pagbabago na mangyayari sa kapaligiran. Makikita ang mga

pagbabagong ito sa pananamit, pag-uugali maging sa pamumuhay ng mga

Pilipino. Halimbawa na lamang nito ay ang paggamit ng “electric stove” sa

pagluluto na dati ay kalang de uling lamang ang ginagamit.

Kung komunikasyon naman ang pag-uusapan, nagkaroon na rin ito ng

malaking pagbabago. Noon, ang pagsulat ng liham ang paraan upang

makapagpadala ng mensahe, na kung minsan ay inaabot pa ng higit sa isang

araw bago makuha ng pinadalhan, ngunit ngayon, sa pamamagitan lamang ng

cellphone, telepono o mga “social networking sites”, ay maaari nang mabasa ang

mensahe sa loob ng ilang segundo lamang.

Isa sa nagdulot ng mga pagbabagong ito ay ang teknolohiya. Malaki ang

naging epekto ng mabilis na pag-usbong nito sa pamumuhay ng mga tao sa

kadahilanang nakatutulong ito sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Ang

teknolohiya ay mabilis na nagpapabago sa maraming aspekto sa lipunan at higit

na malaki ang epekto nito sa mga kabataan (Castrodes et. al., 2012). Patunay

1
lamang ito na malaki ang maiaambag ng teknolohiya upang mapaunlad ang

kaalaman ng mga kabataan.

Kaakibat ng mga ipinangakong pagbabago at pag-unlad ng ASEAN

Integration 2015 sa bansa ay ang pagkakaroon din ng pagbabago sa larang ng

edukasyon. Ang edukasyon ang may pinakamahalagang tungkuling

ginagampanan tungo sa pag-unlad ng isang bansa ngunit ito ay naaapektuhan

ng pabago-bagong panahon, kapaligiran at kaugalian ng mga tao (Bracero, et.

al., 2007). Ayon pa sa libro nina Sampath et. al. (2007), “Learning usually

involves both a student and a teacher. But in some of the recent innovations of

the educational system, the teacher needs not be physically present to teach.”

Kung kaya’t gumagamit na rin ang mga guro ng mga makabagong kagamitan na

bunga ng teknolohiya bilang kagamitang pampagtuturo. Ngunit hindi pa rin

maiaalis na may malaking gampanin pa rin ang guro sa mabilis na pagkatuto ng

mga mag-aaral. Kabilang sa mga kagamitang pantulong sa pagtuturo ang

paggamit ng LCD projector, kompyuter, lapel at marami pang iba. Ang nabanggit

na mga bagay ay makatutulong upang mapaunlad ang paglinang ng kaalaman

sa mga mag-aaral.

Ayon kay Jonassen (2008), “Knowledge is embedded in the technology

and technology presents that knowledge to student.” May kaugnayan ito sa

ipinahayag nina Halal and Liebowitz (1994) na, “as the technological key to

future education, multimedia is defined as “a powerful combination of earlier

technologies that constitutes anextraordinary advance in the capability of

machines to assist the educational process.” Sinasabi na malaki ang maitutulong

2
ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo sa mga guro upang magbigay-

daan sa motibasyon ng kanilang mga mag-aaral.

Sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay maaari na ring mapabilis ang

paraan ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang dating

kumbensiyunal na pagtuturo na nakasentro palagi sa guro (teacher-centered)

ay unti-unti nang napapalitan ng pagtuturo na nakasentro naman sa mga mag-

aaral (student-centered). Ang tradisyonal na nilalaman ng mga aralin ay

maaaring mapaunlad sa mas interaktibong pamamaraan. Ang pagsasama ng

teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ay may hangaring mabago ang

estratehiya sa mga institusyong pang-edukasyonal.

Sa kasalukuyang lagay ng edukasyon sa Pilipinas, maraming mga

paaralan at institusyon ang gumagamit ng mga makabagong kagamitan sa

pagtuturo at pag-aaral. Ang tradisyonal na pamamaraan sa pagtuturo,

bagama’t buhay pa rin ay unti-unti nang napapalitan ng modernong

pamamaraan. Ayon nga kay Hidalgo (2000), sa modernong pagtuturo at

teknolohikal na pagbabago sa ika-21 siglo, nakatuon sa kumpetisyon ang mga

paaralan ngayon. Kaya naman maraming paaralan at institusyon ang gumagamit

na ng mga makabagong kagamitan sa kanilang pagtuturo. Ang simpleng yeso at

pisara na gamit noon ng mga guro sa pagtuturo ay napapalitan na ng kompyuter

at LCD projector sa pagtalakay ng kanilang paksa.

Kaugnay pa rin nito, ang kurikulum pang-edukasyon ng Pilipinas ay

muling nabago. Ayon sa Enhanced K-12 Educational program paper ng DepEd,

3
“the new curriculum would give students more time to master competencies and

skills as well as time for other learning opportunities beyond the classroom, thus

allowing for a more holistic development.” At dahil sa mga pagbabagong ito,

ninais ng mga mananaliksik na malaman ang kaugnayan ng antas ng paggamit

ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo at ang antas ng epekto nito sa

pagtuturo ng mga guro sa RTU-LHS.

Batayang Konseptwal

Tungkulin ng mga guro na mabigyan ng maliwanag at mahusay na

kaalaman ang kanilang mga mag-aaral. At sa tulong ng mga kagamitang

napapanahon at naaayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagkatuto

ay maaaring maging matagumpay ang paglilipat at pagbibigay ng karunungan sa

mga mag-aaral.

Para kay Jean Piaget sa kanyang teoryang Constructivism Learning

Theory (Kneller, 1998), hindi  siya sumasang-ayon sa paraang tradisyonal.

Nakita niya bilang isang mag-aaral na kailangang malinang ang kanilang

kognitibong aspekto at ibigay ang ebidensyang ito mula sa alternatibong

pagtuturo gamit ang siyensya at iba’t ibang panteknolohiyang kagamitan.

Naniniwala siya na mas magiging makatotohanan ang pag-aaral ng mga mag-

aaral kung gagamit ang guro ng mga makabagong teknolohiya sa kanyang

pagtuturo.

4
Sinusugan din ito ni Tiongan (2006) na ayon sa kanya ay nagsimula nang

magkaroon ng ibayong pansin sa pangangailangan ng mga kagamitang panturo

bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at upang

magkaroon ng makahulugan at mabisang pagtuturo ang mga guro. Ang mga

kaalamang ito ang nagtulak sa mga mananaliksik upang malaman ang

kaugnayan ng antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo at ang antas ng epekto nito sa pagtuturo ng mga guro sa RTU-

LHS.

Upang maisakatuparan ang pag-aaral sa pamamagitan ng mga nabanggit

na konsepto, narito ang paradaym ng pag-aaral:

Malayang Baryabol Di Malayang Baryabol

Antas ng paggamit ng Epekto ng mga


mga makabagong makabagong kagamitan
kagamitan

Pigura 1

Paradaym ng Pag-aaral

Makikita sa paradaym ang kaugnayan ng antas ng paggamit ng

makabagong kagamitang pampagtuturo bilang malayang baryabol at ang epekto

ng paggamit ng makabagong kagamitang pampagtuturo bilang di-malayang

baryabol na ginamit ng mga tagatugon sa RTU-LHS.

5
Paglalahad ng Suliranin

Ang saliksik na ito ay naglalayong alamin ang kaugnayan ng antas ng

paggamit ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo at ng antas ng epekto

nito sa pagtuturo ng mga guro sa RTU-LHS.

Pinagsumikapang sagutin ng mga mananaliksik ang sumusunod na mga

katanungan:

1. Ano ang antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo?

2. Ano ang antas ng epekto ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo?

3. May makabuluhan bang kaugnayan sa pagitan ng antas ng paggamit at

antas ng epekto ng mga makabagong kagamitan?

Hipotesis

Walang kaugnayan ang antas ng paggamit ng mga makabagong

kagamitang pampagtuturo sa maaaring maging epekto nito sa pagtuturo ng mga

guro sa PRMSU-Laboratory High School. Ito ay sumusuporta sa pahayag ni

Guamen (2002) na, “marami nang kagamitan ang naihanda ngunit ang mga ito

ay inilaan sa malaking pangkat ng mga mag-aaral. Hindi natitiyak ang

kaangkupan nito sa uri at kakayahan ng tanging pangkat ng mga mag-aaral.” Ito

ay nangangahulugang hindi lahat ng makabagong kagamitan sa pagtuturo ay

6
angkop sa lahat ng mga mag-aaral at guro. Kaya ang paggamit ay hindi

nakaugnay sa maaaring epekto ng mga ito.

Saklaw at Hanggahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa kaugnayan ng antas ng

paggamit ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo at ng antas ng epekto

nito sa pagtuturo ng mga guro sa PRMSU- Laboratory High School.

Ang mga tagatugon bilang sampol ay kinuha mula sa kabuoang

populasyon ng mga guro sa PRMSU- Laboratory High School.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang iba’t ibang makabagong

kagamitan, kahalagahan ng makabagong kagamitan sa pagtuturo, tulong nito sa

guro, kaugnayan ng antas ng paggamit nito at ng epekto ng mga kagamitang ito.

Gamit ang angkop na kaalaman ay masusuportahan nito ang bisa ng

kagamitang pampagtuturo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay kapaki-

pakinabang, makabuluhan at may malaking maitutulong sa sumusunod:

7
Sa mga Tagapamahala ng Paaralan. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang

matugunan ng paaralan ang mga pangangailangang kagamitan ng mga guro at

maipatupad ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Sa Punongguro ng PRMSU-LHS. Ang pag-aaral na ito ay magiging gabay ng

Punongguro sa pagbuo ng mga plano, hakbangin at programang magbibigay

tuon sa kahalagahan ng paggamit ng mga makabagong kagamitan sa guro at

mag-aaral.

Sa mga Guro. Ang magiging bunga ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga

guro upang malaman ang kaangkupan ng mga makabagong kagamitan sa

pagkatuto ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay.

Sa mga Magulang. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga magulang upang

maunawaan at masuportahan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak

sa pagkatuto sa loob ng paaralan.

Sa mga Mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito upang maging bukas sa

isipan ng mga mag-aaral ang importansya, katuturan at kaugnayan ng mga

kagamitang pampagtuturo na ginagamit ng kanilang mga guro.

Sa mga magiging Guro. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang

maihanda sila sa mga posibleng pagbabago sa mga kagamitang pampagtuturo

na maaari nilang magamit sa hinaharap.

8
Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito

mabibigyan ng patnubay, karagdagang kaalaman at kalinawan ang iba pang

mananaliksik tungkol sa paksang kanilang bubuoin.

Depinisyon ng mga Termino

Sa higit na ikalilinaw ng pag-aaral na ito, ang sumusunod na mga

katawagan ay sinikap na mabigyan ng kahulugan at paliwanag:

Antas ng Paggamit. Ito ay tumutukoy sa dalas ng paggamit ng mga

makabagong kagamitang pampagtuturo.

Epekto ng Kagamitan. Ito ang bunga mula sa paggamit ng mga makabagong

kagamitang pampagtuturo.

Kagamitang pampagtuturo. Tinutukoy nito ang mga babasahin, pagsasanay at

kagamitan na makatutulong sa mga guro upang maging matagumpay ang

proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Kompyuter. Ito ang makinang elektroniko na gumagamit ng digital signal sa

pagpoproseso ng mga kumplikadong problema sa matematika, paggawa ng mga

pormal na dokumento o ulat, pagtatago ng datos o programa upang mapadali

ang gawain, at paglilibang (UP Diksyunaryo, 2010).

Lapel. Ito ang kagamitang pampagtuturo na tumutulong upang lumakas ang

boses ng isang guro.

9
LCD Projector. Ito ang aparatong ginagamit sa pagsasalin ng imahen sa iskrin

(screen) gaya sa pelikula o puting-tabing (UP Diksyunaryo, 2010).

Makabagong Kagamitan. Ito ang mga kasalukuyang instrumentong elektroniko

na nagpapabilis ng mga karaniwang gawain.

PRMSU-LHS. Ito ay tumutukoy sa President Ramon Magsaysay State

University-Laboratory High School, napiling paaralan upang gamitin sa pag-

aaral.

Telebisyon. Ito ay mabisang kagamitang tanaw-dinig sa silid-aralan (Abad,

2001).

Teknolohiya. Ito ang mga kagamitang nakatutulong sa mga tao upang mapadali

ang mga gawain at mas mabigyang buhay pa ang mga bagay-bagay.

10
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga

babasahin na may kinalaman sa mga kagamitang pampagtuturo, epekto at antas

ng paggamit nito. Mayroon ding mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa

napapanahong mga isyu partikular na sa larang ng Edukasyon.

Makabagong Kagamitan sa Pagtuturo

Sa mga huling dekada ng ikalabinsiyam na siglo nagsimulang magkaroon

ng ibayong pansin sa pangangailangan ng mga kagamitang pampagtuturo.

Bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at upang

magkaroon ng makahulugan at mabisang pagtuturo at pag-aaral, ang guro ay

gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo (Abad, 2001). Dagdag pa ni Lee

(2013), marami pa ring guro sa mga paaaralan, pribado at pampubliko, ang

gumagamit ng tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo na kanilang nahasa sa

maraming dekada. Marami pang pamamaraan ang di lubusang nabubungkal ng

mga guro na matatagpuan sa internet.

Ayon nga kina Halal at Liebowitz (1994), “The choice of instructional

materials can have an impact as large as or larger than the impact of teacher”.

Nangangahulugan lamang ito na kailangang maging angkop ang mga

kagamitang ginagamit ng isang guro sa pagtuturo. Napapanahon at sumasabay

11
sa pangangailangan ng mga mag-aaral ang mga kagamitang pampagtuturong

gagamitin.

Sinabi pa ni Aguilar (2001), ang paglinang ng mga guro ng mga

kagamitang pampagtuturo ay makatutulong nang malaki sa pagtuturo ng hindi

gaanong napakahirap na gawain. Subalit ito ay nangangailangan ng pagtitiyaga,

pagtitiis, lakas ng loob at pagiging maparaan ng guro. Kailangang pinag-iisipang

mabuti at hindi lamang sariling kapakanan ang iniisip sa paggamit ng mga

kagamitang pampagtuturo. Isa sa pinakamahalagang tungkulin ng isang guro ay

ang masiguro na may matututuhan ang mga mag-aaral sa itinuturo gamit ang

mga kagamitan.

Ayon nga sa pananaliksik, mas higit na natututo ang mga bata kung

buhay ang talakayan sa loob ng silid-aralan. Nakakatulong dito ang magandang

estratehiya ng pagtuturo gamit ang makabagong teknolohiya. Ilan sa maituturing

na makabagong teknolohiya na ginagamit sa pagtuturo ay ang telebisyon, radyo,

projector, lapel at iba pang elektronikong bagay na maaaring gamitin sa

pagtuturo.

Ang pagkatuto ay pagsasaalang-alang sa kakayahan, talino, pananaw,

mga katotohanan at prinsipyo, gayundin, ang mga makabagong teknolohiya at

iba pang impormasyon na patuloy na lumalaganap (Adeyanju, 2003).

Dagdag pa ni Dede (2009), ang mga tao ay gumagamit ng kompyuter at

internet sa iba’t ibang layunin, kabilang na rito ang paglilibang, pang-edukasyon,

pagkuha ng impormasyon at komunikasyon. Nangangahulugan na ang guro ay

12
dapat magkaroon ng sapat na layunin sa kanyang mga gawain, malinaw dapat

sa mga mag-aaral na hindi lamang panlibang ang gamit ng teknolohiya bagkus

ay upang matuto sa mga aralin.

Sinisikap ng mga guro at mga tagapangasiwa ng paaralan na gamitin ang

kompyuter at iba pang electronic devices sa pagtuturo ng mga aralin sa

paaralan. Dulot nito’y mas makabago at mabisang paraan ng pagtuturo na akma

naman sa lipunang kasalukuyang ginagalawan (DepEd Batangas City). Bilang

mga guro, dapat ay napagsasama-sama ang layunin ng paggamit ng elektroniko

upang ang lahat ay maging balanse.

Gayunpaman, sinabi nina Corpuz at Lucido (2008) sa librong Educational

Technology 1 na, “ang teknolohiya ay ginawa para sa tao at hindi ginawa ang tao

para sa teknolohiya. Ang teknolohiya ay ginawa para sa guro at hindi ang guro

para sa teknolohiya.” Dagdag pa nina Norton at Wiburg (2003), “ang pinagmulan

ng technology ay ang salitang technique na ang ibig sabihin ay tamang paraan

ng pagpili at pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa

kanyang mga gawain.” Marapat lamang na gamitin ng guro ang teknolohiya nang

maayos at batay sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Hindi nararapat hayaan

ng isang guro na magpasakop sa teknolohiyang umiiral sa kasalukuyan.

Epekto ng Paggamit ng Makabagong Kagamitan

Lumikha ng pagbabago ang teknolohiya sa tao at lipunan lalo’t higit sa

larang ng pagkatuto, trabaho at pang-araw-araw na pamumuhay (Senarita,

13
2000). Patunay nito ang talamak na paggamit ng teknolohiya sa anumang bagay

na ginagawa ng tao, halimbawa na lamang sa pagsasaka, noon ay kalabaw

lamang ang katulong ng mga magsasaka pero ngayon ay mga makinarya na

silang ginagamit upang mas maging mabilis at maayos ang kanilang pagsasaka.

Kaya naman malaki na rin ang nagiging epekto ng teknolohiya bilang

makabagong kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon nga kay Sen.

Edgardo J. Angara (2011), magagamit ang mga makabagong teknolohiya sa

edukasyon sa Pilipinas at maaaring maging solusyon sa mga problemang

kakulangan sa classrooms, guro at mga libro. Dagdag pa, magiging maganda

ang epekto ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo dahil mapupunan nito

ang mga kakulangang matagal nang hinaharap ng edukasyon sa bansa.

Ayon din kay Riel (2013), ang teknolohiya ay mabilis na nagbabago sa

maraming aspekto sa lipunan at higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan

kaya nararapat lamang na pag-aralang mabuti ang mga pagpaplano ng paggamit

ng multimedia sa loob ng klase upang maibigay sa mga mag-aaral ang mainam

na edukasyon. Malaki man ang tulong ng teknolohiya sa pagkatuto ng mga mag-

aaral ngunit malaki rin ang magiging epekto nito kung hindi magagamit at

maipapakilala nang maayos sa mga mag-aaral.

Inilabas ni Shepherd (2013) ang teorya na hinggil sa kabutihan ng

“Multimedia” sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Iginiit din niya na may kabutihang

hatid ang paggamit ng “Multimedia” sa klase gaya ng mga sumusunod: nagiging

aktibo at nakikisali sa talakayan ang mga mag-aaral; mas nagiging interesado

14
mula sa mga itinuturo ng mga guro gamit ang “Powerpoint presentation”;

nadadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa teknolohiya at dahil dito ay

hindi sila magiging mangmang o walang muwang sa patuloy na pag-unlad nito.

Ayon naman kay Aquino (2010), ang epektibong pagtuturo ay sa paraan

ng pagtuturo ng isang guro. Ito ay masusukat sa dami ng kaalaman at masusing

pagsasaliksik ng mga makabagong pamamaraan. Kahit gaano kaganda gamitin

ang isang kagamitan kung hindi naman ito magandang naibahagi sa klase,

mawawalan pa rin ng saysay ang kagamitang ginamit. Magdudulot lamang ito ng

pagkalito sa mga mag-aaral na makikinig sa mga aralin sapagkat hindi nagamit

nang tama ang makabagong kagamitan sa pagtuturo.

Kung ito naman ay magagamit nang wasto, ito ay nakagaganyak sa

kawilihan ng mga mag-aaral at naglalantad ng iba-ibang kalagayan upang

mapasigla ang pansariling gawain ng mga mag-aaral. Bukod pa rito ay nakapag-

ambag ng iba’t ibang karanasan tungo sa pagkakamit ng kasanayan at

pagkakaroon ng patuloy na interes sa pag-aaral, nagdudulot ito ng mabisa,

kawili-wili, madali at magaang pagtuturo at pagkatuto (Abad, 2001). Isang

halimbawa nito ay ang telebisyon na naghahandog ng materyal na kasiya-siya at

mabuting paglalarawan ng mga bagay na siyang higit na nakakakuha ng interes

at atensyon ng mga mag-aaral.

Ayon nga sa mga sikolohista, ang mga karaniwang ikinikilos at inaasal ng

isang bata ay nababatay sa nakikita at naririnig sa kapaligiran. Ang lakas ng

impluwensiya ng telebisyon ay nangyayari sa isang bata na nagkakaroon ng

15
pagkaantala sa kakayahang magbasa. Dagdag pa ng American Academy at

Pediatrics (AAP): “ang kabataan ay naiimpluwensiyahan ng media- natututo sila

sa pamamagitan ng pagmamasid at panggagaya. Ang impluwensiya ng media

sa kabataan ang naging dahilan para mabigyang pansin ito ng mga magulang,

guro at propesyonal”.

Sinabi pa sa aklat na Introduction to Educational Technology (2007), isa

sa tulong ng kompyuter sa mga guro ay nakapagbibigay ito ng direktang

interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral at ng paksang tatalakayin sa harap ng

klase. Binanggit naman ni Camino (2003), na ang paggamit ng kagamitang

pampagtuturo ay nakatuon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa

kakulangan ng aklat sa Filipino para sa madaling pagkatuto. Nahihikayat din nito

ang mga mag-aaral na aktibong makisali sa talakayan. Sa pamamagitan nito,

mas madaling nauunawaan ng mag-aaral ang araling tinatalakay.

Dagdag pa ni Lee (2013), na marami pa ring guro sa ating mga paaralan,

pribado man o pampubliko, ang gumagamit ng tradisyonal na pamaraan ng

pagtuturo na nahasa sa maraming dekada. Sa ganitong sitwasyon, hindi

magkatugma ang kakayahan ng nagtuturo sa tinuturuan dahil mas maalam ang

mga estudyante sa paggamit ng makabagong gadyet kaysa sa kanilang guro.

May mga guro na ginagamit ang internet sa pagbibigay ng pagsusulit at

iba pang kinakailangan . Sa pamamagitan nito, mas lalong nadadagdagan ang

kaalaman ng mga mag-aaral hindi lamang sa leksyon na gustong matutuhan nila

16
kundi pati na rin ang pagiging pamilyar sa bagong teknolohiya na ginagamit sa

kasalukuyan.

Ang guro ay dapat matutong makisabay sa interes at sa makabagong

paraan ng pagkatuto ng mag-aaral ngayon upang hindi mapag-iwanan ng

panahon. Hindi sapat ang paggamit ng imahinasyon sa mga bagay na gustong

ipakita sa mga mag-aaral lalo na kung may kakayahan at kagamitan upang

ipakita ito sa kanila.

Dagdag pa, ayon kay Pingol (2011), ang teknolohiya ay may kakayahan

na gawing mas produktibo pa ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan. Mas

napapabilis ng bawat estudyante at titser sa impormasyon saan mang dako ng

daigdig.

Antas ng Paggamit ng Makabagong Kagamitan

Ang teknolohiya ay isang mahalagang kasangkapan sa pagtuturo at

maging sa pag-aaral ng isang estudyante. Ngunit anumang taas ng antas ang

abutin ng teknolohiya kung walang sapat at wastong kaalaman tungkol dito na

maaaring magpakalat nito, ito ay balewala rin. Dito pumapasok ang mahalagang

papel ng isang guro bilang eksperto at may malawak na kaalaman sa

teknolohiya. Sa pagtuturo ay kailangang makita na ang guro ay may malaking

kakayahan, mataas na kaalaman, at handang sumabay sa pagbabago ng

teknolohiya upang hindi maiwan sa mabilis nitong pagsulong. Kinakailangan din

maging huwaran ang guro sa responsableng paggamit ng teknolohiya sa

17
edukasyon tulad ng internet, upang hindi ito makasira ng kabutihang asal at

moralidad sa kabila ng napakaraming mararahas at malalaswang materyal na

lantad na makikita rito. Ang isa pang mahalagang tungkulin ng isang guro ay ang

pagbibigay ng “human touch” o aspekto ng damdamin upang maiparating sa

kanyang mag-aaral na sa kabila ng pag-angat ng teknolohiya ay tao pa rin ang

dapat mangibabaw at magkontrol sa teknolohiya at hindi ang kabaligtaran

(Pitagan, 2012).

Dagdag pa ni Transona (2002), walang kagamitang pampagtuturo ang

maipapalit sa isang mabuting titser ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi

na ang mabuting titser ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo tungo

sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay

nakadepende mismo sa guro pero sinasabi na malaki ang tulong at gamit ng

mga kagamitang pampagtuturo sa kadahilanang mas napupukaw nito ang

atensyon ng mga mag-aaral para mas maging aktibo sa klase.

Binanggit naman nina Silivius at Curry (2002), na kailangan pagtuonan ng

pansin ang teknik sa pagtuturo na dapat sinasanay at pinong-pinong inilalahad

ng gurong gumagamit nito upang ang pamamaraan ay mas maging epektibo

kapag ginagamit ang tiyak na kagamitang pampagtuturo. Ang mga guro ay tulad

din ng mga mag-aaral na may iba’t ibang kakayahan at abilidad sa pagtuturo. Sa

bawat araw na nagdaraan, ang guro ay may iba’t ibang teknik at pamaraan sa

pagtuturo na hindi dapat mawala o maubusan dahil dito nakasalalay ang

ikagaganda ng bawat aralin.

18
Para kay Panambo (2008), ang pinakamahalagang proseso ng pagtuturo

at pag-aaral ay ang pagkatuto ng mga mag-aaral na nakasalalay sa mabuting

paraan ng pagtuturo ng isang titser. Ang titser ang nagpaplano at

nagdedesisyon sa pamaraang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na

nais makamtan ng mga mag-aaral, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan

ng mga mag-aaral at gayundin sa uri ng paksang-aralin at kursong kanyang

ituturo. Kaya nga sinasabi na ang mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ay

ginagamit ng mga guro upang kunin ang atensyon ng kaniyang mag-aaral

(Bracero, et al., 2007). Sa makabagong panahon ngayon, malaki ang magiging

tulong sa mga guro kung gagamit sila ng mga kagamitang pampagtuturo para sa

pagkatuto ng mga mag-aaral.

 Makakatulong din sa pagpapabuti ng kalagayan ng pagtuturo ang

pagkakaroon ng mga guro ng pag-iisip na tumitingin sa magkabilang panig.

Kailangan din ng mga guro ang patuloy na paghahasa sa kanilang kaalaman at

propesyon, pananaliksik sa iba pang paraang makatutulong sa pagpapabuti ng

pag-aaral ng mga mag-aaral (Mickshey, 2011).

Sa pag-aaral ni Mickshiey (2011) mula sa inilimbag na aklat ni Mayos

(2008), sa mga guro ng Filipino, kailangang pag-iba-ibahin ng guro ang kanyang

pamamaraan at estratehiya sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Dagdag pa

sa pag-aaral mula sa aklat nina Mayos et. al (2008), ang paggamit ng iba't ibang

pamamaraan   sa pagtuturo ay siyang kinagigiliwan ng mga mag-aaral. Ito ang

paggamit ng alternatibong pagtuturo sa karaniwang paksa. Pinatunayan ito ng

resulta ng pag-aaral ni Anosans (2011) na kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang

19
gurong gumagamit ng iba't ibang pamamaraan sa pagtuturo sapagkat

nabubuhay nito ang kanilang atensyon at interes. Lalo na ang paggamit ng

telebisyon at ibang teknolohiya sa loob ng klase dahil napupukaw ang interes ng

mga mag-aaral at may mataas na lebel ng pagkatuto.

Higit na mahalaga ang pagkuha ng guro ng atensyon ng mga mag-aaral

at paraan ng pagiging aktibo ng klase sa pamamagitan ng mga iba’t ibang teknik

na gagamitin.

Sintesis

Ang mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ay may malaking

gampanin sa edukasyon. Kagaya nga ng sinabi nina Anosans at Bracero, hindi

maitatanggi na malaki ang naitutulong ng makabagong kagamitan sa mga guro

dahil nakukuha nito ang interes ng mga mag-aaral na siyang nag-aangat ng lebel

ng pagtuturo. Isa itong paraan upang magkaroon ng masiglang talakayan sa

klase, ang guro ay kinakailangan lamang na pumili ng gagamiting kagamitan

upang maging akma ito sa paksa. Kapag nakapili ng tama, nagdudulot ito ng

mabisa, kawili-wili, madali at magaang na pagtuturo ayon kay Abad (2001).

Ang mga kabataan sa ngayon ay nahihilig na rin sa mga teknolohiya kaya

madali para sa kanila na makasabay sa ganitong paraan ng pagtuturo. Ayon nga

sa tatlong teoryang inilabas ni Sheperd na ang “Multimedia” ay mayroong

kabutihang naidudulot sa mga mag-aaral. Dagdag pa ni Pingol (2011) na may

kakayahang gawing produktibo ng teknolohiya ang kalidad ng edukasyon.

20
Kaakibat ng paggamit nito ay ang inilahad ni Mayos at Mickshey na bilang guro

ay mas mainam kung sasamahan ng magandang estratehiya at pamamaraan

ang pagtuturo upang mas mapabuti ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

Samakatuwid, kung gagamit ng makabagong kagamitan ang mga guro sa

pagtuturo, nararapat na alam nila ang tamang paggamit at kung angkop ito sa

mga mag-aaral na tuturuan. Lalabas ang magandang epekto ng makabagong

kagamitan hindi sa dalas ng paggamit kundi sa paraan kung paano ito ginamit at

iniangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa huli, nasa kamay pa rin ng

mga guro ang maaaring maging epekto nito sa mga mag-aaral.

21
KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito matatagpuan ang pamamaraang ginamit ng mga

mananaliksik, paraan ng pagpili ng mga tagatugon, instrumentong ginamit,

pagtitipon ng mga datos at estadistikal na pamamaraang ginamit. Masusing pinili

ng mga mananaliksik ang mga ginamit na instrumento at pamamaraan upang

maging mas kapaki-pakinabang ang pananaliksik na isinagawa.

Pamamaraang Ginamit

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong paraan ng

pananaliksik. Layunin nitong ilarawan ng mga mananaliksik ang mga pananaw

ng guro sa paggamit ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo.

Ayon kay Best (2012), ito ay isang imbestigasyon na naglalarawan at

nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito’y may kinalaman sa

mga kondisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga epektong nararamdaman o

mga kalakarang nilinang.

Pinalitaw sa pag-aaral na ito ang mga pananaw ng mga guro sa mga

makabagong kagamitang pampagtuturo gayon na rin upang palitawin ang mga

epektong maaaring idulot nito sa mga mag-aaral at pagtuturo at antas ng

paggamit.

Ang Descriptive Survey Research Design na gumagamit ng talatanungan

ang uri ng descriptive method na piniling gamitin ng mga mananaliksik upang

22
mas lalong mapagtibay ang mga datos na nakalap sa pag-aaral.

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang ganitong uri ng

metodolohiya sapagkat mas mapapadali ang pagkuha ng mga datos sa

maraming tagatugon. Samakatuwid, makakakuha ang mga mananaliksik ng mas

malinaw at maayos na datos mula sa mga respondante.

Paraan ng Pagpili ng mga Tagatugon

Sa kadahilanang may kabuuang 30 na bilang ang mga guro sa PRMSU-

LHS, ginamit ng mga mananaliksik ang random sampling sa pamamagitan ng

fish bowl technique upang mapili ang mga respondanteng sasagot sa mga

talatanungan.

Sa pagpili ng mga respondante, ang mga mananaliksik ay gumamit ng

Slovin’s formula. Gamit ito, nakuha ang bilang na 27 na tagatugon na

magmumula sa mga guro ng RTU-LHS.

Narito ang ginamit na formula:

n = N/1+Ne2

kung saan: n - ang bilang ng sampol mula sa populasyon

N - ang kabuuang bilang ng populasyon

e - margin of error

23
Instrumentong Ginamit

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang patunay at

mapagkukuhanan ng datos. Ang antas ng paggamit at antas ng epekto ng

paggamit ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo ay napalitaw sa

pamamagitan ng paggawa ng Talatanungan. Kabilang dito ang iba’t ibang

kagamitang pampagtuturo upang masuri at magamit sa pag-aanalisa sa antas ng

paggamit ng mga kagamitang ito.

Gumawa rin ang mga mananaliksik ng talahanayan na naglalaman ng

mga posibleng epekto ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo. Isa pa sa

instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ang pakikipanayam. Mas

mapapatunayan o mapapasubalian ng mga mananaliksik ang resulta ng mga

pag-aaral kung nagtatanong sa mga eksperto o mas nakakaalam sa paksang

pinag-aaralan. Ang ginamit na uri ng pakikipanayam ay di-binalangkas na

pakikipanayam upang maitanong ng mga mananaliksik ang mga bagay na kung

minsan ay naiisip lamang sa aktwal na pakikipanayam.

Pagpapatibay ng Instrumento

Sa pagpapatibay ng instrumentong ginamit, minabuti ng mga

mananaliksik na hingin ang tulong ng tagapayo, guro sa tesis, guro sa estadistika

at isa pang dalubguro upang maging malinaw, maayos at makatotohanan ang

bawat detalyeng nilalaman ng talatanungan at pakikipanayam.

Ilang beses din itong pina-edit, pinalitan ang mga dapat palitan bago

makagawa ng isang pinal na talatanungan. Sa tulong ng pagpapatibay na ito,

24
mas nakasisiguro ang mga mananaliksik na masasagot ang bawat tanong sa

talatanungan ng mga gurong magiging respondante. Isinagawa rin ang dry-run

sa guro naman sa College of Education sa RTU. Hiningi ang kanilang feedback

saka ginawang batayan sa muling pag-aayos ng talatanungan.

Pangangalap ng mga Datos

Isang talatanungan ang unang binuo ng mga mananaliksik. Humingi ng

pahintulot ang mga mananaliksik sa punongguro ng President Ramon

Magsaysay University–Laboratory High School kung maaaring makapagsarbey

at magsagawa ng interbyu ang mga mananaliksik sa mga guro. Napahintulutan

ang mga mananaliksik at ginawang batayan ang naging mga tugon ng mga

tagasagot ng talatanungan at nakalap na impormasyon mula sa mga guro.

Estadistikang Ginamit

Ang ilan sa mga estadistikang ginamit sa pag-aaral na ito ay weighted

mean, four point scale at spearman rank correlation.

Ang weighted mean ay ginamit upang makuha ang antas ng paggamit ng

mga makabagong kagamitang nakahanay sa talahanayan at ang antas ng

epekto ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo.

Ito ang naging pormula:

WM =
N
kung saan:

WM - katumbas na bigat (weighted mean)

25
WN - bigat

N - kabuoang bilang ng mga tagatugon

kabuoan

Ang four point scale ay ginamit upang makuha ang paglalarawan ng katumbas

na bigat para sa antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo.

BIGAT KATUMBAS NA BIGAT PAGLALARAWAN


1 1.0-1.74 Hindi kailanman ginamit
2 1.75-2.49 Minsan lamang ginagamit
3 2.50-3.24 Ginagamit
4 3.25-4.00 Laging ginagamit

Ginamit din ito upang ilarawan ang katumbas na bigat ng antas ng epekto ng mga

makabagong kagamitang pampagtuturo.

BIGAT KATUMBAS NA BIGAT PAGLALARAWAN


1 1.0-1.74 Walang epekto
2 1.75-2.49 Walang gaanong epekto
3 2.50-3.24 May epekto
4 3.25-4.00 Higit na may epekto

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng SPSS upang makuha ang

spearman rank correlation. Ang programang ito ay may kakayahang mapadali

ang pagkuha ng resulta ng estadistikang nabanggit. Ito ay ginamit upang

makuha ang kaugnayan ng antas ng paggamit at antas ng epekto ng mga

makabagong kagamitang pampagtuturo. Kapuwa ang dalawang baryabol ay

nasa uring ranggo.

26
KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Nakapaloob sa kabanatang ito ang mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik upang tumugon sa mga inilahad na mga suliranin. Ang mga

tagatugong kinuha ng mga mananaliksik upang pagmulan ng mga datos ay mga

27
guro sa PRMSU-LHS. Gumamit ang mga mananaliksik ng mga talahanayan

upang gawing organisado at higit na mapadali ang pagbibigay ng kahulugan sa

mga nakalap at inihain na mga impormasyon.

Suliranin bilang 1. Ano ang antas ng paggamit ng mga makabagong


kagamitang pampagtuturo?

Talahanayan 1

Antas ng Paggamit ng mga


Makabagong Kagamitang Pampagtuturo

Mga Kagamitan Katumbas Na Bigat Paglalarawan


LCD projector 2.71 Ginagamit
Kompyuter / Laptop 3.04 Ginagamit
Telebisyon 2.26 Minsan lamang ginagamit
Lapel /Mikropono 2.29 Minsan lamang ginagamit
Tablet /Ipad 1.64 Hindi kailanman ginamit
Tape Recorder 1.3 Hindi kailanman ginamit
DVD Player 1.93 Minsan lamang ginamit
Speaker 2.52 Ginagamit
Kabuoan 2.21 Minsan Lamang Ginamit
Ang antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo

ay 2.21 na mailalarawang minsan lamang ginamit. Patunay na hindi lahat ng

guro ay may kakayahang gumamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo. Pinatunayan ito ni Sta. Ana (2012) sa pahayag na ang

nangunguna sa mga dahilang ito ang mababang competency ng mga guro sa

paggamit ng Information Communication Technology o ICT sa kanilang

pagtuturo.

Ipinakita sa Talahanayan 1 ang bilang, katumbas at antas ng paggamit ng

mga makabagong kagamitang pampagtuturo. Dito’y lumalabas na ang mga

makabagong kagamitang pampagtuturo na nagkamit ng may pinakamataas na

28
antas ng paggamit mula sa mga kinuhang respondante ay ang kompyuter/laptop

na may katumbas na bigat na 3.04, LCD Projector na may 2.71, Speaker na

may 2.52, Lapel/Mikropono na may 2.29, Telebisyon na may 2.26, DVD Player

na may 1.93, Tablet/Ipad na may 1.64 at Tape Recorder na nakakuha ng

pinakamababang katumbas na bigat na 1.93.

Mahihinuha mula sa lumabas na resulta sa isinagawang pag-aaral ng mga

mananaliksik na hindi lahat ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo ay

nagagamit ng mga guro sa pagtuturo. Ang kompyuter/laptop ang lumabas na

pinakagamitin sa mga kagamitang pampagtuturo sapagkat ito ang

pinakamainam na gamitin sa pagtuturo at ito ay sumasabay sa makabagong

panahon.

Sa kabilang dako, ang tape recorder ay lumabas na hindi gamitin na

kagamitang pampagtuturo sapagkat ang kakayahan ng kagamitan na ito ay

maaari na rin makita sa kompyuter/laptop.

Patunay nina Norton at Wiburg (2003), “ang pinagmulan ng technology ay

ang salitang technique na ang ibig sabihin ay tamang paraan ng pagpili at

pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang mga

gawain”. Kung pagbabasehan ang kahulugan na ito, mas pipiliin ng guro na

gamitin ang mas angkop at kumpletong kagamitan kaysa mag-iisa-isa pa ng

gagamitin.

Ayon pa sa aklat na Introduction to Educational Technology (2007), isa sa

tulong ng kompyuter sa mga guro ay nakapagbibigay ito ng direktang

29
interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral at ng paksang tatalakayin sa harap ng

klase. Kaya, pinatunayan nito ang resultang pinakagamitin ang kompyuter/laptop

sa pagtuturo sapagkat nailalapit nito ang mga mag-aaral sa paksang tinatalakay.

Suliranin bilang 2. Ano ang antas ng epekto ng paggamit ng mga makabagong

kagamitang pampagtuturo?

Talahanayan 2

Antas ng Epekto ng Paggamit ng mga


Makabagong Kagamitang Pampagtuturo

Aytem Katumbas Na Bigat Antas


a. Nakapagbibigay-kasiglahan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. 3.62 Higit na may epekto
b. Nakatuon ang atensyon ng mga mag-aaral sa mga disenyo ng kagamitan. 3.15 May epekto
c. Nalilimitahan ang oras sa paghahanda para sa talakayan. 3.18 May epekto
d. Napapabilis ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay. 3.4 May epekto
e. Naibibigay ang isang daang porsyento ng pagkamalikhain sa biswal. 2.92 May epekto
f. Higit na nagiging makatotohanan ang talakayan. 3.78 Higit na may epekto
g. Nakakasabay ang mga guro sa napapanahong pangyayari/kagamitan. 3.41 Higit na may epekto
h. Nagagamit muli ang mga kagamitan kahit na nagamit na. 3.23 May epekto
i. Napapaunlad ang kalidad ng edukasyon. 3.77 Higit na may epekto
j. Nakadepende ang pagtuturo sa makabagong kagamitan. 2.96 May epekto
k. Napapadali ang pagtuturo sa paggamit ng kagamitan. 3.59 Higit na may epekto
l. Napapaunlad ang sariling kakayahan sa pagtuturo. 3.63 Higit na may epekto
m. Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagtuturo. 3.63 Higit na may epekto
n. Napabibilis ang pagkko-compute ng marka ng mga mag-aaral. 3.78 Higit na may epekto
o. Nakasasabay ang mga mag-aaral sa napapanahong pangyayari/ kagamitan. 3.74 Higit na may epekto
p. Nahihikayat ang mga mag-aaral na maging malikhain sa paggawa ng biswal. 3.29 May epekto
q. Nababalanse ang paggamit ng mga tradisyonal at makabagong kagamitan. 3.34 Higit na may epekto
r. Nakatitipid sa ibang paraan. 3.34 Higit na may epekto

30
s. Nagiging kampante sa paggamit ng kagamitan. 3.11 May epekto
t. Nagiging aktibo ang mga mag-aaral sa kasanayang pakikinig. 3.51 Higit na may epekto
Kabuoan 3.42 Higit na may epekto

Ang antas ng epekto ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo ay 3.42 na mailalarawang higit na may epekto. Binanggit nina

Silivius at Curry (2002), na kailangan pagtuonan ng pansin ang teknik sa

pagtuturo na dapat sinasanay at pinong-pinong inilalahad ng gurong gumagamit

nito upang ang pamamaraan ay mas maging epektibo kapag ginagamit ang tiyak

na kagamitang pampagtuturo. Kung gagamit ang guro ng mga makabagong

kagamitan sa pagtuturo nararapat na alamin ang tamang paraan at teknik para

ipakilala ito sa mga mag-aaral.

Ipinakita sa Talahanayan 2, ang bilang, katumbas at antas ng epekto ng

paggamit ng makabagong kagamitan sa pagtuturo. Dito ay lumalabas na ang

antas ng epekto ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo na nagkamit ng

may pinakamataas na antas ng epekto ng paggamit mula sa mga kinuhang

respondante ay ang aytem na may katumbas na bigat na 3.78 at aytem f 3.78,

aytem i.3.77, aytem o. 3.74, aytem l. 3.63 at aytem m. 3.63, aytem a. 3.62,

aytem a. 3.62, aytem k. 3.59, aytem g. 3.41, aytem q. 3.34 at aytem r. 3.34,

aytem p. 3.29, aytem h. 3.23, aytem c. 3.18, aytem b 3.15, aytem s. 3.11, aytem

d. 3.4, aytem j. 2.96 at aytem e na nakakuha ng pinakamababang bigat na 2.92.

Mahihinuha mula sa lumabas na resulta ng isinagawang pag-aaral ng

mga mananaliksik na ang pinakaepekto ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo ay higit na nagiging makatotohanan ang talakayan sa loob ng

31
klase sapagkat naririnig at nakikita ng mga mag-aaral ang mga paksang

tinatalakay sa harap ng klase. Ang isa pang lumabas na pinakaepekto ng

makabagong kagamitang pampagtuturo ay ang mabilisang pagko-compute ng

marka ng mga mag-aaral sapagkat mayroong “application” sa kompyuter/laptop

na maaaring mapadali ang pagkalkula ng marka. Sa kabilang dako, ang lumabas

na may pinakamababang epekto ay ang aytem e. Hindi na naibibigay ang isang

daang porsyento ng kanilang pagkamalikhain sapagkat hindi lahat ng guro ay

may sapat na kaalaman sa paggamit ng kompyuter/laptop kaya hindi buong-buo

ang pagpapaganda ng mga guro sa biswal na ginagamit.

Malaki ang naiaambag ng visual media sa edukasyon. Ito ay nagbibigay

ng malinaw na paglalarawan ng alinmang bagay o paksang tinatalakay sa loob

ng silid-aralan (Pitagan, 2012). Kaugnay nito ang lumabas na resulta na nagiging

makatotohanan ang talakayan sa paggamit ng mga makabagong kagamitan sa

pagtuturo.

Kaya nga sinasabi na ang mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ay

ginagamit ng mga guro upang kunin ang atensyon ng kaniyang mag-aaral

(Bracero, et al., 2007). Nangangahulugan lamang na may malaking epekto ang

paggamit ng makabagong kagamitan upang makuha ang atensyon at interes ng

mga mag-aaral. Kung nakuha ng guro ang interes ng mga mag-aaral, malaki rin

ang posibilidad na may kaugnayan ang kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-

aaral.

32
Suliranin bilang 3. May makabuluhan bang kaugnayan sa pagitan ng antas ng

paggamit at antas ng epekto ng mga makabagong kagamitan?

Talahanayan 3

Kaugnayan ng antas ng paggamit sa antas ng epekto ng mga


makabagong kagamitang pampagtuturo

Pinag-ugnay P-value Significance level Desisyon


Antas ng paggamit Tanggapin ang
vs. antas ng epekto 0.65 5% Hipotesis na null
Ang nakuhang halaga mula sa Spearman rank correlation, gamit ang

SPSS, ay 0.65. Mas mataas ito sa 5% level of significance. Kaya, ang hipotesis

na null ay tinatanggap. Walang makabuluhang kaugnayan ang antas ng

paggamit sa antas ng epekto ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo.

Pinatunayan ito ng resulta ng pag-aaral ni Anosans (2011) na

kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang gurong gumagamit ng iba't ibang

pamamaraan sa pagtuturo sapagkat nabubuhay nito ang atensyon at interes ng

mga mag-aaral. Nangangahulugan lamang na ang antas ng paggamit o dalas ng

paggamit ng makabagong kagamitan ay walang kinalaman sa antas ng epekto

ng mga kagamitan. Sa huli, ang guro pa rin ang magtatakda ng magiging

kalalabasan ng talakayan sa loob ng klase.

Ang isa pang mahalagang tungkulin ng isang guro ay ang pagbibigay ng

“human touch” o aspekto ng damdamin upang maiparating sa kanyang mag-

aaral na sa kabila ng pag-angat ng teknolohiya ay tao pa rin ang dapat

mangibabaw at magkontrol sa teknolohiya at hindi ang kabaligtaran (Pitagan,

2012). Nakadepende pa rin sa paggamit ng guro ang magandang kahihinatnan

33
ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng paglaganap ng paggamit ng

teknolohiya sa pagtuturo.

KABANATA V

PAGLALAGOM NG MGA NATUKLASAN,

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilalahad sa kabanatang ito ang paglalagom ng mga natuklasan,

konklusyon at mga kaugnay na rekomendasyon.

Mga Natuklasan

Narito ang mga tugon batay sa mga inilahad na suliranin:

1. Ang antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitan sa PRMSU-LHS

ay 2.21 na mailalarawang minsan lamang ginagamit.

2. Ang antas ng epekto ng paggamit ng mga makabagong kagamitan sa

PRMSU-LHS ay 3.42 na mailalarawang higit na may epekto.

3. Walang makabuluhang kaugnayan ang antas ng paggamit sa antas ng

epekto ng mga makabagong kagamitan sa PRMSU-LHS.

Mga Konklusyon

34
Narito naman ang mga konklusyong mabubuo mula sa mga natuklasan:

1. Ang pagkakaroon ng limitadong kagamitang pampagtuturo sa PRMSU-

LHS at ang kursong paggagamitan ng makabagong kagamitan ang

nagiging dahilan ng minsanang paggamit nito.

2. Ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa teknolohiya ang nagiging dahilan

kaya mas nahihikayat ang mga mag-aaral na makilahok sa talakayan

dahil dito ay labis na napapadali ang pagtuturo ng guro.

3. Mahihinuha na walang makabuluhang kaugnayan ang antas ng paggamit

sa antas ng epekto sapagkat nakadepende sa tamang paraan ng

paggamit ng guro ang magiging epekto nito. Kahit makabago ang

kagamitan kung walang sapat na kaalaman ang guro ay mawawalan ng

saysay ang pagtuturo.

Mga Rekomendasyon

Mula sa mga konklusyon, nais imungkahi ng mga mananaliksik ang

sumusunod:

1. Magsagawa ng isang pag-aaral o seminar na pamumunuan ng punong

guro para sa kanyang mga guro na may kinalaman sa tamang paggamit

ng makabagong kagamitang pampagtuturo. Imbitahan ang mga eksperto

at “practitioner” sa pagtuturo upang makapagbahagi ng kaalaman tungkol

sa makabagong kagamitan sa pagtuturo.

2. Magkaroon ng istandard na rubrik sa paggamit ng makabagong

kagamitan upang maging batayan ng pagtataya ng epekto nito.

35
Isasagawa ang regular na pagtataya sa pagtatapos ng markahan sa

PRMSU-LHS.

3. Bumuo ng mga programa na maglalaan ng badyet sa mga makabagong

kagamitan sa bawat kagawaran sa PRMSU-LHS na magtatakda sa

pagkakaroon ng angkop na mg kagamitan sa bawat kurso.

36

You might also like