Fil 204 - Pagtuturo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GOLDEN GATE COLLEGES

Batangas City

GRADUATE SCHOOL
COMPREHENSIVE EXAMINATION
IN
FIL 204 – PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG WIKA AT MEDYUM SA
PAGTUTURO

DELA CRUZ, MARY ROSE B.


FILIPINO #87

Please observe the following instructions during examination:


1. Do not attempt to cheat. If caught, you will be disqualified from continuing to
take the test.
2. Do not write your name in any of the answer sheet.
3. Do not write at the back of the answer sheet.
4. Answer the questions as instructed.

Direction: Ipaliwanag nang komprehensibo ang mga sumusunod:


1. Ayon sa modelo ni Canale at Swain, may apat na aspekto o elemento
ang communicative competence. Ibigay ang kahulugan at ang
mahahalagang nilalaman ng mga sumusunod:

• Linguistic Competence

Ang linguistic o grammatical competence ay tumutukoy sa kakayahang


umunawa at makagawa ng mga istrukutura sa wika na sang-ayon sa mga
tuntunin sa gramatika. Nakatuon din ito sa estado ng isang tao na masasabi
nating may kontrol o masteri sa porma o istruktura ng isang particular na wika.
Ipinakikita rin dito ng isang tao ang kanyang kahusayang gumamit ng tuntunin sa
wika.

• Sociolinguistic Competence

Ang sociolinguistic competence ay tinatawag ding batayang interdisciplinary. Sa


aspekto o elementong ito, nauunawaan at nagagamit ang kontekstong sosyal ng
isang wika na karaniwang may kinalaman sa kaugnayan ng mga nag-uusap sa
isa’t-isa, sa mga impormasyong pinag-uusapan, at sa mga lugar na pinag-
uusapan. Ang tatlong salik na ito ay alam ang layunin ng kanilang pag-uusap.
• Discourse Competence

Ang discourse competence ay may kinalaman naman sa pag-unawa, hindi ng


isa-isang pangungusap kundi ng buong diskurso mismo. Batay sa kontekstong
ito, ang isang nakikipag-usap daw ay kinakailangang alam niyang halawin ang
paksa, ang layon o tinatawag na function at iba pa ng isang discourse. Bukod
dito, hindi niya inuunawa lamang dapat ang kahulugan ng isang yugto ng
utterance kundi ang kabuuang yugto ng isang discourse.

• Strategic Competence

Ang strategic competence ay ang mga estratehiyang ginagamit naman natin


upang maka-compensate tayo sa mga imperpektong kaalaman natin sa wika.
Sinasabing kahalintulad ito ng coping o survival strategies.

2. Talakayin ang tungkol sa Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa


Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12)

Sa pagtuturo ng wika at kulturang Filipino sa konteksto ng K-12 na kurikulum,


hindi pa rin natin dapat kinalilimutang ipaunawa sa mga mag-aaral kung anong
ang kasaysayan ng ating wika – kung paano ito namayagpag at kung paano ito
nagsimula. Gayundin ang ating kultura. Nararapat lamang na hindi kaligtaan at
patuloy nating ipayakap ang kuturang Filipino na mayroon tayo. Ilan sa mga
gawaing pwedeng gawin sa pagtuturo upang pagtatamo ang kaalaman ay ang
sumusunod: pagtukoy (ano, sino, saan, kailan, magkano, paano, bakit),
paglilista, pagbibigay-depinisyon, pagsipi, pagwawasto sa mga maling detalye;
pagkilala sa katunayan at opinyon, pagbubuod.

Ang mga panitikang likha ng ating mga dakilang manunulat ay kailangan pa ring
patuloy na gamitin at ihain sa mga mag-aaral. Sapagkat ang mga ito ay Malaki
ang naging ambag para sa patuloy na pag-unlad at paglaganap ng wika at
kultang Filipino.

3. Sa kabila ng ibat ibang pagsubok sa bawat Filipino bungang dulot ng


pandemya, hindi tumigil ang Department of Education na ipagpatuloy ang
Dekalidad na Edukasyon. Kaya naman, ang inobasyon sa pagtuturo at
pagkatuto ay binigyang pagpapahalaga. Bilang guro sa Filipino, paano
mo maipapaliwanag ang tungkol sa inobasyon sa pagtuturo at pagkatuto.

Bilang guro sa asignaturang Filipino, ang inobasyon ay may malaking


ambag sa ganap na pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Sa larangan ng
edukasyon, ang inobasyon ay tinatawag din na imbensyon – imbensyon
ng mga makabagong teknik o pamamaraan ng pagtuturo para sa ganap
na pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa paggawa ng isang
bagay o kaya naman ay serbisyo na kakaiba at wala pang kapareho sa
iba. Maaring ito ay bagong mga ideya, bagay, pamamaraan o serbisyong
patungkol sa isang ispisipikong problema na nangangailangan ng
kalutasan.
Sa isang klase, lumulutang ang paggawa ng iba’t ibang inobasyon kapag
may nakikitang problema o isyu sa isang klase ang guro. Ilan sa
pinagbabatayan sa paggawa ng inobasyon ay ang resulta ng nagiging
pagtataya ng mga mag-aaral maging ang obserbasyon ng guro sa inaasal
ng bawat mag-aaral tuwing magaganap ang klase. Ginagawa rin ito upang
makapagbigay ng ideya sa iba pang guro na magkaroon ng bagong
pangangailangan o kagustuhan. Kaya naman, sa bawat paaralan ay
patuloy na hinihikayat ang bawat kaguruan na magsagawa ng kani-
kanilang inobasyon.

4. Ang mga kasanayan sa ika-21 siglo ay mga kakayahan na kailangan ng


mga mag-aaral sa kasalukuyan at upang magtagumpay sa kanilang mga
karera sa panahon ng impormasyon higit nilang pag-ibayuhin ang
pagaaral ng wikang Filipino. Bilang guro sa Filipino paano mo lilinangin
ang wika sa mga sumusunod na kasanayan na ito?

• Literacy Skills
Ang literacy skills ay nakatuon sa pagkaunawa ng mga mag-aaral sa
katotohanan. Upang malinang ang kakayahang ito sa bawat mag-aaral,
nararapat lamang na maituro sa kanila ang wastong pagtukoy sa mga lathalain,
balitang napanonood sa telebisyon at maging sa iba’t ibang social media sites.
Kaugnay ng paglinang ng kakayahang ito ang information literacy kung saan
dapat naipauunawa sa mga mag-aaral ang kaibahan ng katotohanang pahayag
sa opinion. Gayundin na dapat malinang ay ang technology literacy. Dapat
naituturo din sa mga mag-aaral ang tamang paggamit ng teknolohiya. Magiging
mas kapaki-pakinabang dapat ang teknolohiya sa ganap na pagkatuto ng mga
mag-aaral.

• Learning Skills
Ang learning skills naman ay nakatuon sa pagiging kritikal na pag-iisip, pagiging
malikhain, pakikipag-collaborate o pakikibahagi sa kapwa at
pakikipagkomunikasyon. Bilang isang guro, kinakailangan na mapalutang natin
ang mga kakayahang ito sa ating mag-aaral na maaaring sa pamamagitan ng
pagsasagawa o pagbibigay ng mga HOTS questions o mga problemang
bibigyang-solusyon ng mga mag-aaral. Papasok din dito ang isa sa kilala nating
pamamaraan – ang group activity. Sa mga pangkatang gawain, malilinang pang
lalo ang kakayahan ng bawat mag-aaral na makibagay, makihalubilo,
makipagkomunikasyon at makapagbigay ng kani-kanilang komento o mungkahi
hinggil sa kanilang gawaing nakaatang.

• Life Skills
Ang life skills naman ay nakapokus sa paghubog sa kakayahan ng mag-aaral
pagdating sa pagiging lider, pagiging produktibo at pagkakaroon ng inisiyatibo sa
paggawa ng isang gawain. Mahalaga na malinang din ito ng mga mag-aaral
sapagkat Malaki ang maiaambag ng kakayahang ito sa kanilang pagtanda. Kaya
bilang isang guro, upang maisakatuparan na malinang ito, maaaring magbigay
tayo ng mga situational na senaryo sa ating pagtuturo na kung saan mahihikayat
natin ang bawat mag-aaral na magbigay ng kanilang sariling opinion o
paninindigan sa mga sitwasyong maaari nilang tahakin. Ang malayang talakayan
ang isa sa pamamaraan na nakikita kong lubos na makatutulong upang
maisakatuparan ito.

Good Luck and God Bless!

You might also like