Module IV

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IV.

Pagsasanay
Panuto:Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang

Interactive Approach Thematic Curriculum Graphic Organizer


Demokratik Facilitative Interactive Estratehiya
Collaborative Integrative Participation Strategy

__________1.Mahalaga para sa isang makabuluhang interaksyon o meaningful interaction kasi


mas natututo ang mga mag-aral sa pag-aral.
__________2.Nakatuon sa mga paksa o tema upang naayon sa kurikulum.
__________3.Ang layunin ay napagsunod-sunod at mailahad ang impormasyon.
__________4.Unti-unting nakakamit na katangian sa pagbabago ng kurikulum.
__________5.Hindi na monopolisado ng guro ang loob ng klasrum.
__________6.Ang guro ang siyang tagapagdaloy ng proseso.
__________7.Naisasama ang lahat ng makrong kasanayan.
__________8.Napapalawak ang interaksyon ng mga mag-aaral sa kapwa mag-aaral.
__________9.Aktib ng nakikilahok ang mga mag-aaral sa proseso.
__________10.Ito ay matutukoy sa mga metodong ginagamit sa pagtuturo.

V. PAGTATALAKAY
Mga Layunin ng Edukasyon
Ayon sa saligang batas
Ano ang layunin ng edukasyon ayon sa Saligang Batas?
Ang layunin ng edukasyon ayon sa Saligang Batas ay ang paglinang ng kagandahang-
asal , disiplinang pansarili, budhing sibiko at kasanayang bokasyunal at ang pagtuturo ng
tungkulin sa pagkakamayan.
Ayon sa Pahayag ng Pambansang Lupon Ng Edukasyon
Sa kabuuan ano ang layunin ng edukasyon ayon sa pahayag ng Pambansang Lupon ng
Edukasyon?
Ang mga layunin ng edukasyon ay maging relihiyoso, matalino, makabayan ,
makabuluhan at maibigin sa matuwid maging angkop nmanirahan sa lipunang
demokratiko ,maging,masipag ,matipid at itaguyod ang mga siyensya ,sining at panitikan.

Ayon sa Pambansang Sanggunian Ng Edukasyon


Sa kabuuan ano ang layunin ng edukasyon ayon sa pambansang sanggunian ng edukasyon?
Ang layunin ng edukasyon ay ikintal sa mamamayan na sila ay mga mamayan ng
isang republika at dapat ibigin ito at irespeto, maging matalino, malusog at hubog sa
magandang kaasalan kusang tumulong sa kababayan, matutunan na may responsibilidad
na pananagutan ang pamilya at makatulong sa pagiging sibilisado ng ating bansa.

Batas na Kagitingan at Kagandahag-Asal ni Manuel L.Quezon


Sa kabuuan ano ang nakapaloob sa edukasyon?
Una ay ang pananalig sa dakilang lumikha, ibigin ang tinubuang lupa, igalang ang
Saligang Batas, magbayad ng tamang buwis, ang kalinisan sa halalan ibigin at igalang ang
magulang, pahalagaan ang dangal, magpakatalino, magpakabait, magsikap, tumulong sa
kapwa ,tangkilikin ang produktong Pinoy.
Mga Layunin Ng Edukasyong Elementarya
Ano ang mga layunin ng edukasyong pang - elementarya?
Ang pagiging ispiritwal at sibiko, masanay sa kanilang karapatan, tungkulin at
pananagutan sa isang lipunang demokratiko, ang pag-unawa sa kulturang Pilipino, ang
pagtatag ng kanaisnais na gawi, paglinang sa karunungang bernakular, Filipino, Ingles at
ang pagkakaroon ng batayang kaalaman at kakayahan sa siyensiya, Ap, matematika, sining
at gawaing edukasyon.
Ano ang layunin sa edukasyong sekundarya batay sa SEDP?
Maging matalino, malinang ang pagpapahalagang moral, ispiritwal, sosyo-kultural at
mapataas ang operasyon sa intelektwal,makapili ng bokasyonal at mapahalagahan ang
sining, agham at teknolohiya.

Ang Mga Kasanayang Pangwika Sa Pagtatamo ng Kasanayang Akademik


Ano ang dahilan sa pagrereistruktura ng Kagawaran ng Edukasyon sa Kurikulum?
Narito ang mga dahilan sa pagrereistruktura ng kurikulum
1.Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro sa kanilang
istratehiya sa pagtuturo.
2.Higit na mahahamon ang mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat
silang magsikap na matatamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.
3.Interaktibo ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
4.Magkakaroong resiprokal na interaksyon ang mga guro at mag-aaral sa iba’t ibang
disiplina, sa mga gagamiting kagamitang panturo at multi-media.
5.Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon sosyal at interpersonal at
ito’y behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.

Ibigay ang mga katangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa bagong kurikulum?


1.May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan
sa pag-aaral.
2.Pinapalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ang bokabularyo ,mga
pagpapahalaga at mga kompetensi mula sa agham panlipunan at iba pang lawak ng
makabayan.
3.Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga kasanayan sa
batayang komunikasyong interpersonal at sosyal.
4.Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na matutuhan ang
nilalaman anuman ang anyo nito-teksto,grap,ilusyon at iba pa.
5.May interaksyong mag-aaral upang mag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika.
6.Humahamon sa mga mag-aaral upang mag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika.
7.Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasion ng dating kaalaman gumagit ng mga
alternatibong paraang ebalwasyon,kooperatib/kolaboratibong pagkatutoo,scaffolding at
paglinang ng mga estratehiya sa pag-aaral.
Ano ang pamaraang pagsasanib o Integrative method?
Ang pamaraang intregrative ay ang pagsasanib o pag uugnay ng limang kasanayan sa isang
aralin, kung saan sama sama o sabayang nalilinang ang limang kasanayansa mga mag –
aaral.
Ano naman ang content based integration?
Ito ay ang pagsasanib ng tiyak na kasnayan sa Filipno sa nilalaman o konsepto ng ibang
asignatura katulad ng Filipino at Sibika.
Paano naman ang interactive approach?
Mahalaga para isang makabuluhang interaksyon o meaningful interaction kasi mas natutuo
ang mag – aaral sa paggawa. Isang gawiang sama – sama ay isa ring pwedeng gaawin sa
panturo.

VI. PAGSASANAY
______1.Ang bida sa loob ng klasrum
______2.Mas angat ng konti kaysa kaalaman kasi inuunawa ng mga mag-aaral ang akda
______3.Matatagpuan ang mga sagot sa binasang akda
______4.Iniaplay na ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan
______5.Susuriin ng mga mag-aaral ang akda
______6.Pagsasamahin na ng mga mag-aaral ang kanilang nilalaman
______7.Paghambingin ng mga mag-aaral ang mga ideyang nabuo
______8.Ginagamit ito sa malalaking pangkat para maakomodeyt lahat ang mga mag-aaral
______9.Pwedeng mapersonalays ang paksa at pwedeng de magaling ispiker
______10.Mabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na maipakita ang ibang talent sa
loob ng klase
VII. PAGSASANAY
Ipaliwanag sa inyong sariling opinyon ang mag sumusunod:
1. Interactive approach
2. Integrative approach
3. Content based integration

Inihanda ni

RUFA S.BRAGA
(Instruktor)

You might also like