Mam Celine

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 27

1

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT ANG SALIGAN NITO

Panimula

Ang mga mag-aaral sa panahon noon at ngayon ay may malaking

pagkakaiba. Bunga ito sa kaibahan ng mga dulog at estratehiyang ginagamit ng

guro sa pagtuturo. Kadalasan, marami sa ating mga mag-aaral ay may kanya-

kanyang pang-unawa sa bawat ipinapakitang dulog ng guro.

Kung noong una, salat tayo sa kaalaman ng teknolohiya, Ngayon ay

hindi na. Malaking tulong sa mga mag-aaral ang alternatibong pagtuturo

sapagkat napapadali nito ang pagkaalaman at pang-unawa ng mga mag-aaral.

Modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa ika-21 siglo ang

pokus ng kompetisyon sa mga paaralan ngayon, Hidalgo (2000). Ang

modernong pagtuturo ay ganap na malaman ang mga pakinabang sa mga mag-

aaral at guro. Mas pinalawak nito ang mga konsepto sapagkat mas nakikita ng

mga mag-aaral ang nais ipahiwatig ng tiyak na paksa.

Ngunit di rin maiiwasan na patuloy pa ring ginagamit ang tradisyunal

na pagtuturo sapagkat ito an gating kinagisnan at kinalakihan. Dito tayo unang

natuto ng mga pangunahing konsepto patungo sa malalaking paksa at


2

kaalaman. Tradisyunal man ang ginagamit sa pagtutro ngunit marami rin

tayong natutunan at naiintindihan.

Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pagtuturo ay nakapokus sa

guro bilang taga-kontrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral." Sa ganitong

pagtuturo, nasa guro ang responsibilidad at sa kanya ang paraan at mga

estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mag-aaral.

Sa ganitong uri ng pagtuturo, ang guro ang siyang tinaguriang controller sa

silid. Dahil sa ganitong sitwasyon, hindi maiiwasan na ang tinatagong galling

ng mag-aaral sa iba't-ibang kakayahan ay hindi mahahasa at malilinang.

Nagkakaroon rin ng problema sa mga impormasyong inilahad ng guro. Dahil

kadalasan ay nakabatay sa mga sinaunang nakalimbag na aklat. Sa makatuwid

ang nagaganap sa pagtuturong ito ay tinatawag nilang "spoon feeding

knowledge". Hindi mapapalawak ng guro ang kanyang karaniwang paksa dahil

sa nakabase lang siya sa tradisyunal na paraan. Napapaloob sa makabagong

siyensya ang mga kaalaman at karanasang di maibibigay ng tradisyunal na

pagtuturo. Kung tutuusin ay mas makakalamang ang makabagong paraan ng

pagtuturo sapagkat nilalaman nito ay makatotohanan at mas kaugnay sa

realidad na nangyayari sa buhay.Sabi nga mula sa isang pag-aaral, ang paraan

ng pagtuturo ay parang isang libro, ang tradisyunal na pagtuturo ang unang


3

rebisyon at ang sa makabagong paraan naman ay ang pinakabagong rebisyon

sa proseso ng pagkatuto ng mag-aaral.

Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang

mahalaga ay ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa

kaparaanan nila ay mas higit sa gusto ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-

aaral. Dahil sila ang nagkakaroon ng pagkatuto sa anumang mabisang

estratehiya na ginagamit ng guro, Badayos (2008).

Ang makabagong pagtuturo ay tinatawag ding makabagong pamamaraan sa

pagtuturo sa paaralan. Sinasaklaw nito ang iba't-ibang dulog at estratehiya na

ginagamit sa pagtuturo-pagkatuto sa mga mag-aaral. Ito ay nag-uugat mula sa

iba't-ibang pilos mag-aaral. Ang mga opisyal na nagtataglay ng pangunahing

kaisipan na naiiba sa tradisyunal na pamamaraan. Kadalasa'y nagkakaroon ng

mga kaisipang politikal, pilosopikal at akademikong kasanayan. Ito ay may

malaking impluwensya sa malawakang pagkatuto ng isang mag-aaral. Lipas na

ang panahon na ang gamit ng guro sa pagtuturo ay mga teksbuk. Ngayon ang

simula ng mga gurong magtuturo gamit ng kaalaman ng mga mag-aaral sa

daigdig ng kanilang ginagalawan. Bilang guro, sila ay nahaharap sa

panibagong dimension ng pagtuturo. Isang karaniwang kaalaman na ang guro

ay dapat na isaisip ang kaibahan ng bawat mag-aaral. Ang mag-aaral ngayon


4

ang bagong hybrid mula sa makabagong daigdig na napatibay sa pamamagitan

ng marami at iba't-ibang kaparaanang pampagkatuto Laus (2002).

Ang guro ayon kay Kornhaber (2004), na isinakatuparan ang Multiple

Intelligences ni Dr. Howard Gardner sa pagtuturo ay makakatulong sa mga

mag-aaral na magpapahalaga at magtamo ng mga kaparaanan para sa

pagpapahayag sa kanilang saloobin, kuru-kuro at damdamin at higit sa lahat,

pagkakaroon ng kasiyahan sa pag-aaral. Kaya nga sinabi ni Walter Mc Kenzie

na "Sa sandaling simulan ang Multiple Intelligence sa pagtuturo, masisimulan

ng guro na bumuo ng isang pangako na maging tapat sa kanyang sarili, maging

bukas sa maraming posibilidad at maging mga instrument ng pagbabago.

Iminungkahi ni Dr. Gardner ang isang pluralistikong pananaw na kumikilala

sa iba't-ibang kakayahang kognitibo at magkakaibang istilo nito. Ang ganitong

pananaw sa katalinuhan ay nagpapahayag na ang isang mag-aaral ay mayroong

iba't-ibang set ng katalinuhang maaring magbunga ng matatalinong Gawain.

Nakikita ito sa paraan ng paglutas ng mga suliranin, at paglikha ng iba't-ibang

produkto sa iba't-ibang sitwasyon at larangan ng buhay Tenedero (1998).

Lubhang napakahalaga ng Multiple Intelligences sa paraan ng tradisyunal na

pagtuturo sapagkat ito ang kasangkapan upang matulungan ang mga mag-aaral
5

na damhin ang paksa, galugarin ang kabuuan nito at ipakita ang kanilang

nalalaman at nang buong kaalaman mula sa paksang pinag-aralan.

Malaki ang epekto ng tradisyunal at makabagong pagtuturo sa iba't-

ibang kakayahang tinatamo ng mag-aaral. Ditto nasusubok ng guro kung saang

estratehiya mas tataas ang lebel ng dalawang estratehiyang kadalasang

ginagamit ng guro. Sa pag-alam ng bawat kakayahan ng mag-aaral, naisaalang-

alang ng guro kung anong dulog ang kanyang gagamitin.

Ayon kay Vygotsky (1987) mula sa aklat nina Mayos, Norma S. Et. Al

(2008) "Ang Guro sa Bagong Milenyo", ang mga mag-aaral na handa sa mga

hamon ng edukasyon ay lumalaking nagagamit ang kanyang kakayahan,

handing tanggapin ng mga mag-aaral ang hamon kung sila ay nakaramdam ng

paggalang at pagpapahalaga sa kanilang mga kakayahan.

Sa paggamit ng tradisyunal at makabagong pagtuturo, may matutuhan

ang mga mag-aaral kapag mabigyang pansin at tuon ang kakayahang kanilang

taglay. Kapag nabigyang tuon ang kakayahan ng mag-aaral, matatamo ang

ekspektasyon ng guro sa bawat mag-aaral. Makakamtan din ng buong klase

ang ekspektasyon para sa araw na iyon at mapagtagumpayan ang pagkatuto ng

mag-aaral.
6

Lugar ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Jose C. Payumo Memorial

Highschool. Ito ay matatagpuan sa Naparing, Dinalupihan, Bataan. Itinatag

ang institusyong ito noong taong 1983. Ipinangalan ang paaralan sa dating

Alkalde ng Bayan ng Dinalupihan na si Kgg. Jose C. Payumo. Ang paaralang

ito ay isang pampublikong paaralan na humuhubog sa karunungan ng mga

mahihirap ngunit nangangarap na kabataan. Sa kasalukuyan, ang paaralan ay

isa sa mga sentrong karunungan sa bayan ng Dinalupihan at patuloy na

tumataas ang bilang ng mag-aaral na nagmula sa mismong bayan at mga

karatig pook nito.

Balangkas Konseptwal

Ang mananaliksik ay nagnanais na maisakatuparan ang kanyang pag-

aaral batay na rin sa hangaring matukoy o malaman ang mga kadahilanan ng

mga suliraning kinakaharap ng Jose C. Payumo Jr. Memorial Highschool dahil

sa tradisyunal at makabagong pagtuturo sa Filipino. Inilahad sa pag-aaral ang

demograpikong katangian ng mga respondante ayon sa edad, kasarian at inisa

isa rin ang mga suliraning kinakaharap ng paaralang ito ay ang mga
7

sumusunod: silid-aralan, mga kagamitang pampagtuturo. Inilarawan sa pag-

aaral kung paano nakakaapekto ang mga tradisyunal at makabagong pagtuturo

sa ugnayan sa grado ng mga mag-aaral at nagbibigay ang respondante ng

mungkahi o rekomendasyon. Napagtagumpayan ang pananaliksik na ito sa

pamamagitan ng mga metodo.


8

Nilalaman Proseso Kinalabasan

1. Demograpikong Talatanungan
katangian ng mga
respondante ayon sa:
1.1 Edad
1.2 Kasarian

2. Mga suliraning
kinakaharap ng mga guro Interbyu Natukoy ang
ng JCPMHS sa tradisyunal
at makabagong pagtuturo
Implikasyon ng
sa Asignaturang Filipino Tradisyunal at
2.1 silid-aralan Makabagong
2.2Mga Kagamitang Estratehiya sa
Pampagtuturo Pagtuturo ng
2.3Mag-aaral
Filipino sa Grade 8
3. Ano ang mas epektibong Pananaliksik sa paaralang
estratehiya? Tradisyunal o JCPMHS
Makabagong Estratehiya?
4. Mga mungkahi o
rekomendasyon upang
malunasan ang mga
suliranin ukol dito Sariling
Obserbasyon
9

Tal. 2: Balangkas Konseptwal ng Pag-aaral

nakamit ang hinihinging awtput na malaman ang mga suliraning kinakaharap

ng mga guro sa pagtuturo ng asignatura sa paaralan.

Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod

na katasnungan upang matukoy ang mga suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng

asignaturang Filipino:

1. Ano ang demograpikong katangian ng mga respondante ayon sa:

1.1 Edad;

1.2 Kasarian;

2. Anu-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng

asignaturang Filipino sa Jose C. Payumo Memorial High School

batay sa:

2.1 Mga Mag-aaral at

2.2 Kagamitang Pampagtuturo?

3. Ano ang mas epektibong estratehiya?

3.1 Tradisyunal

3.2 Makabago
10

4. Anu-ano ang mga mungkahi o rekomendasyon upang malunasan ang

mga suliranin ukol dito?

Hipotesis

Upang matugunan ang pagsasakatuparan ng mga solusyon sa mga

suliranin ang mga sumusunod na hipotesis null ay titiyakin:

1. Ang katangiang pampanlipunang-demograpiko ng mga

respondante ay walang makabuluhang pagkakaugnay sa mga

suliraning matutukoy sa pagtuturo ng asignaturang Filipino .

2. Aasahang magiging epektibo at magiging kapaki-pakinabang ang

pag-aaral ng asignaturang Filipino.

3. Inaasahang magiging epektibo ang gagawing pananaliksik sa

pagtukoy sa mga suliranin

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na ito ay makakatulong

sa mga sumusunod :

Mga Mag-aaral.
11

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang magkaroon sila

ng kaalaman ukol sa kaibahan ng tradisyunal at makabagong pagtuturo sa

aralin.

Mga Guro. Ang pananaliksik na ito ay hahamon sa mga guro na makikita ang

kahinanaan at kalakasan ng mag-aaral sa tradisyunal at makabagong pagtuturo.

At para mabatid kung anong uri ng pagtuturo ang gagamitin.

Mga Administrador. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong bilang

batayan ng mga administrador ng mga paaralan kung anong uri ng pagtuturo

ang magaganap sa bawat silid.

DepEd. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nakapagbabatid sa mga opisyalis ng

DepEd kung alin sa dalawang pamamaraan ang epektibong nagpapaunlad sa

kakayahan at kasanayan ng bawat mag-aaral at para matugunan ang

pangangailangan ng paaralan sa pagpapaangat ng kanilang mithiing pang-

edukasyon.

Sentro ng Wikang Filipino. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nagsisilbing

gabay upang malaman ang kahinaan ng mga mag-aaral sa bawat paraan ng

pagtuturong ginamit. Nagsisilbi rin itong instrument upang maiwasan ang

kabagutan sa loob ng klase.


12

Mga Mamamayan. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nakatutulong sa

kanilang kabatiran kung ano ang dulot ng makabagong pag-tuturo sa kaunlaran

ng bawat mag-aaral.

Mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa iba pang

mananaliksik na gumawa ng iba pang pag-aaral sa mga paksang hindi pa

gaanong napag-aralan nang mapaunlad pa ang pag-aaral na gagawin sa

paglinang ng angking propesyon.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Bahagi sa pag-aaral na ito ang (60) animnapung mag-aaral mula sa

grade 8 na siyang magiging respondante sa pag-aaral na ito. Sila ay binubuo ng

(30) tatlumpong kababaihan at (30) tatlumpong kalalakihan. Kasama rin sa

bahagi ng impormasyon na ginamit bilang basehan ng pag-aaral ang mga

karanasan ng mananaliksik habang siya ay nagmamasid mula sa istruktura,

sistema at mga nasaksihang pagtuturo ng mga respondante sa mga mag-aaral

ng kanilang mga guro sa Asignaturang Filipino.

Katuturan ng mga Katawagan

Ang mga sumusunod na katawagan ay binibigyang paliwanag upang

higit na maunawaan ang pag-aaral na ito.

Edukasyon. Kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at

ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang


13

pagbabahagi ng kaalaman, mabuting panghusga at karunungan. Isa sa mga

pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga

sumusunod na salinglahi. Ang Edukasyon ay isang puhunan ng bawat

mamamayan ng isang particular na bansa upang maging produktibo ang bawat

isa sa pagpapataas ng ekonomiya.

Pagtuturo. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagganap at pagpapatupad ng mga

desisyong bago. Sa pag-aaral na ito, ito ay ang pagtuturo sa pamamagitan ng

katalinuhang napagsanib na tatangkaing makapaglaan ng positibong

pagbabago sa pagganap ng mga mag-aaral at maitaas ang antas ng pagkatuto.

Pag-unlad. Ito ay tumutukoy sa proseso ng paglalaan ng bagong kalagayan na

lumitaw bunga ng pagtataguyod ng halaga ng isang bagay. Ito ay tumatalakay

sa paghahanda sa mga modyul sa loob ng silid aralan na ginagamitan ng

katalinuhang nagpasanib.

Pamaraang Pampagkatuto. Ito ay tumutukoy sa mga kondisyong

edukasyunal na mas higit na ninanais ng mga mag-aaral. Ito ang daan kung

saan ang mag-aaral ay magsimulang mag-isip nang kritikal, tumimo sa isip ang

ginawang proseso at mapanatili ang bago at mahihirap na natanggap na

impormasyon. Ito ay kumakatawan sa mga palatandaan na nasa talatanungan

sa ilalim ng bawat katalinuhan gaya ng linggwistika, pangangatwirang

matematikal, biswal-spatial, musical, intrapersonal na kagamayan.


14

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literature at

pag-aaral na nakatutulong nang malaki sa ginawang pag-aaral dahil

nagbibigay ito ng katotohanan upang mabuo ang pag-aaral na ito.

A. Kaugnay na Literatura

Lokal:

Ayon kay Novak (1998), "Ang tradisyunal na pagtuturo ay yaong

nakapokus sa guro bilang taga-kontrol sa kapaligiran ng mag-aaral. Ang

kakayahan at responsibilidad ay likod ng mga inobasyon. At ang takot na

ito ay nag-uugat sa pagiging walang kaalaman at kakulangan sa

karanasan.

Ayon kay Abellera et. Al (1990), ang media bilang bahagi ng

alternatibong pagtuturo ay isang component ng instruksyong

panteknolohiya bilang daan ng komunikasyon na maaring

pang0edukasyon na pangangailangan at kahalagahan. Ito ay binubuo ng

mga pangunahing kagamitan panteknolohiya para malinang at mapadali


15

ang proseso ng pagkatuto ng mag-aaral sa kinabibilangan ng hardware

tulad ng telebisyon, DVD players, at iba pang panturong makinarya at

software gaya ng naka-program na mga teksto, mga pelikula, at iba pa.

Foreign:

Ayon kay Hayden at Tokelson (1973) mula sa nakalimbag na aklat

nina Abellera et al. (1990), may apat na iminungkahing pamantayan para

sa pagtuturo gamit ang multi media sa kanyang klase:

Una, maging bukas sa inobasyon. Kung may problema sa

kagamitan agad mag-isip ng alternatibo at maging bukas sa anumang

suhestyon para mapagtagumpayan ang pagkatuto ng mag-aaral.

Ikalawa, epektibong paggamit ng media. Dapat batid ng bawat

guro na ang epektibong paggamit ng media ay mabisang paraan para sa

tiyak at angkop na pagpaplano, paghahasa at pagproseso ng pagkatuto.

Ang kaibahan ng anyo ng mensahe at kaangkupan sa tiyak na media para

sa tamang uri ng pagkatuto ay kinakailangan isaalang-alang sa pagpili ng

media at epektibong paggamit nito sa pagtuturo ng paksa.

Ikatlo, pagbuo ng kasunduan para sa tuloy-tuloy na pagtataya. Ang

siyentipikong pamamaraan ay nakasalalay sa patuloy na pagtataya para


16

sa epektibong hakbang ng pagkatuto. Ang mga try-outs na pagsasanay ay

kailangan para malaman ng guro ang tiyak na feedback kung saan ang

dapat linangin para lalong matuto ang kanyang mag-aaral.

Ikaapat ,panatilihin ang aspetong pangkatauhan ng bawat

teknolohiyang pampagtuturo o pang edukasyon. Gamitin ang mga

kagamitang panteknolohiya bilang isang component ng alternatibong

pamamaraan at hindi bilang pag-alis ng pagkamatao kundi, bilang

kagamitang pagtuturo-pagkatuto sa pagitan ng guro at mag-aaral.

Para mapagtagumpayan ang proseso ng pagkatuto ng mag-aaral,

kailangan isaalang-alang ng gurong nagtuturo kung anong pamamaraan

ang kanyang gagamitin na karapat-dapat sa kanila at para sa pambihirang

tagumpay at mabisang pagkatuto ng mag-aaral.

Ayon sa Teoryang National- Functional Syllabus ni David Wilkins

Higas at Clifford (1992) mula sa aklat ni Badayos (1990), upang matamo

ang kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isinaalang-alang

ang pagtatalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o

kayarian ng wikang ginamit sa teksto. Ito ay lalong nililinang sa

tradisyunal na pagtuturo.
17

B. Kaugnay na Pag-aaral

Ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay an gating nakagisnan at

nakalakihan. Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pamamaraan

ng pagtuturo ay nakapokus sa guro bilang isang tagakontrol sa

kapaligiran ng mga mag-aaral. Nasa guro ang responsibilidad at sa kanya

ang mga paraan at estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mga

estudyante. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang responsibilidad na

maipakita at mahasa ang mga natatagong angking galling o talent ng mga

estudyante sapagkat nasusubaybayan sila ng tama ng kanilang mga guro.

May ilan na nagsasabi na ang paraan ng pagtuturong ito ay isang "spoon

feeding of knowledge".

Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong

pagtuturong makabago ay umusbong sa ating panahon ngayon. Ito ay

nag-uugat sa iba't-ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing

kaisipan na mula sa iba't-ibang paraan ng tradisyunal na mga estratehiya.

Kadalasan nagkakaroon ng mga kaisipang politikal,pilosopikal, at

akademikong kasanayan na inaral at binigyang kahulugan para sa mga


18

mag-aaral. Mayroon na tayong mga personal computers, laptop, tablet at

iba't-ibang klase ng mga cellular phones, projector, LED TV, at marami

pang iba tunay na nakatutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Na

naging pandagdag sa mga libro ng mga guro bilang basehan sa kanilang

pagtuturo sa tulong ng computers at ng internet connection madali na

silang makapagsaliksik sa internet ukol sa leksyon na kadalasa'y inaabot

ng kung ilang oras o araw para mabigyang halaga.

Sa bahaging ito tatalakayin natin ang ilang dati nang mga

pamamaraan sa pagtuturo at ang ilang bagong pamamaraan kaugnay ng

mga bagong kalakaran sa edukasyon.

1| Pamaraang Pabuod o Inductive Method

Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay

ng pagbubuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang paaglalahat o

generalization. Ang pamamaraang ito, kung minsan ay tinatawag na

“Limang Pormal na Hakbang sa Pagtuturo” o dili kaya ay “Herbatian

Method” sapagkat ipinakilala ito sa larangan ng pagtuturo ni Herbert.

Sinasabi rin ito na nagsimula sa nalalaman patungo sa hindi nalalaman.


19

Nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa tuntunin kaya’t nasasabing

ito ay egrule na pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay may limang

hakbang 1) paghahanda o preparation, 2) paglalahad o presentation, 3)

paghahambing at paghalaw o comparison and abstraction, 4) paglalahat o

generalization at 5) paggamit o application.

2| Pamaraang Pasaklaw o Deductive Method

Ang pamaraang pasaklaw ay kabaligtaran ng pamaraang pabuod.

Samantalang ang pamaraang pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa

patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang pamaraang pasaklaw

naman ay nagsisimula sa paglalahat ng tuntunin patungo sa pagbibigay

ng mga halimbawa kaya may taguring “rule” o “rule of example”. May

limang hakbang ito 1) panimula o introduction, 2) pagbibigay ng

tuntunin o katuturan o giving of rules/generalization 3) pagpapaliwanag

ng tuntunin o interpretation of the rule, 4) pagbibigay ng halimbawa o

giving examples 5) pagsubok o testing.


20

3| Pamaraang Pabalak o Project Method

Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo ng

Edukasyong Panggawain. Angkop din naming gamitin sa pagtuturo ng

anumang asignatura na may nilalayong magsagawa ng proyekto. Sa

pamamaraang ito, nalilinang sa mga mag-aaral hindi lamang sa

kakayahan at kasanayang pagpaplano, sa pagsusuri, sa pagpapahayag at

sa pagpapasiya kundi gayundin naman ang mga kapangkat at ang

kakayahan sa pagtanggap ng puna nang walang pagdaramdam o sama ng

loob. Ito ay may apat na hakbang 1) paglalayon o purposing 2)

pagbabalak o planning 3) pagsasagawa o executing 4) pagpapasiya o

evaluating/judging.

4| Pamaraang Pagtuklas o Discovery Method

Ang pamaraang pagtuklas ay isang pamaraaan ng pagtuturo na bukod sa

nagdudulot ng kawilihan ay humahamon pa sa kakayahan ng mga mag-

aaral. Ang pamamaraang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-

aaral na siyang makatuklas ng kaalaman, konsepto, kaisipan, simulain at


21

paglalahat. Ang mga mag-aaral ay aktibong kasangkot sa pagtuklas ng

karunungan at hindi basta na lamang taagatanggap ng kung anu-anong

mga idinidikta sa kanilang mga kaisipaan at kaalaman.

5| Pamaraang Proseso o Process Approach

Ang process approach ay ginagamit sa pagtuturo ng mga asignatura sa

aghaam at iba pang disiplina. Ito ay isang pagdulog na ang binibigyang-

diin ay hindi ang pagkakamit ng mga mag0aaral ng maraming kabatirang

ipasasaulo sa kanya kundi manapa’y ang pag angkin ng mga mag-aaral

ng mga batayang kasanayang intelektuwal na kailangan niya sa

pagkatuto.
22

Kabanata 3

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL AT PINAGMULAN


NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraan at

instrumentong ginamit sa paglikom at pagsuri sa mga datos na kailangan

upang masagot ang mga suliranin at upang masubok ang hinuha ng

pananaliksik na ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang palarawang pananaliksik ang ginamit sa pananaliksik na ito.

Naniniwala ang mananaliksik na ito ang pinakaangkop na paraan upang

matuklasan ang mga katotohanan na magiging batayan ng interpretasyon sa

pagkakatulad o pagkakaiba, pag-uuri-uri at pagbibigay-halaga sa mga

nabanggit na talatanungan. (Bustamante, 1999)

Ang talatanungan ang pangunahing instrumentong ginamit sa paglikom

ng mga datos. Nagkaroon din ng di-pormal na pakikipanayam ang

mananaliksik sa mga respondante tungkol sa kanilang mga suliranin sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino.


23

Pamamaraang Ginamit sa Paglikom ng mga Datos

Ang mga mag-aaral ay gagabayang maglagay ng tsek sa numerong

angkop sa mga tanong. Ang bawat numero ay may katumbas na kahulugan.

4- Lubhang Epektibo

3- Epektibo

2- Hindi Epektibo

1- Lubhang hindi Epektibo

Estatiskal Tritment

Ang demograpikong katangian ng mga respondante ayon sa edad,

kasarian, seksyon ay kinuha gayundin ang kanilang mga porsyento.

Ang baitang sa ibaba ay ginamit upang mahanap ang angkop na

kakayahan ng mga mag-aaral sa magkaibang estratehiyang tradisyunal at

alternatibo

Weight Rate Rating Description

4 3.5 – 4.0 Lubhang Epektibo

3 2.5 – 3.49 Epektibo

2 1.5 – 2.49 Hindi Epektibo


24

1 1.0 – 1.49 Lubhang hindi Epektibo

Ang mga sumusunod na estatistikal na pagbilang ay ditto ginamit:

1. Percentage (P)

P= F (100)

Where:

P= Percentage

F= Frequency

N= Kabuuang bilang ng mga respondante

2. Mean

M= X

Where:

M= Mean

X= Kabuuan

N= Kabuuang bilang ng respondante


25

Talatanungan

IMPLIKASYON NG TRADISYUNAL AT MAKABAGONG ESTRATEHIYA SA


PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO SA GRADE 8 NG JCPMHS

Panuto: Punan ng tamang impormasyon ang bawat patlang na nakalaan sa ibaba.

Pangalan (Opsyonal)__________________________________________________
Edad_____________ Kasarian _________
Section:_________________

Panuto: Lagyan ng tsek(/) ang bawat bilang. Pumili ng numerong angkop


sa mga tanong

4- Lubhang Epektibo
3-Epektibo
2-Hindi Epektibo
1- Lubhang Hindi Epektibo

Mga Kagamitang Pampagtuturo


1 2 3 4

a. Paggamit ng visual aids


b. Paggamit ng mga dyaryo at magasin
c. Pantay na pagbabahagi ng mga aklat sa mga mag-
aaral.
d. Paggamit ng iba't- ibang instrumentong pang-aliw sa
mga mag-aaral
e. Paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo

Estratehiyang Tradisyunal

1 2 3 4

1. Sa pagpapabasa ng kuwento, ano sa mga ito ang nangyayari?

a. Minsan iniisip ang ibig sabihin ng salita.

b. Nakikita ang larawan sa isip habang binabasa ang kwento.


26

c. Nadarama ang bawat pakiramdam ng tauhan sa kwento.

2. Sa paanong paraan maaalala ang paksa?

a. Sa pakikinig ng mabuti, at inuulit sa sarili.

b. pag may ipinapakitang "visual aid".

c. Sa pagsusulat ng mahahalagang detalye.

3. Anong estratehiyang gusto mo sa pagtuturo?

a. Maikling paksa

b. Paggawa ng proyekto kaugnay sa paksa.

c. Hands-on demonstrasyon

4. Sa pagbabasa ng novela sa literature sa loob ng klase , ano ang

madalas na ginagawa sa loob ng klase?


a. Pag-aanalisa ng nilalaman at tauhan ,kaugnay sa gawi.

b. Nakikita ang bahagi at tauhan, katulad ng panonood ng TV

c. Sinusubukan na maramdaman ang nilalaman at ang tauhan.

5. Gusto kong making sa guro sa paraang

a. Pagtatalakay sa mga mag-aaral kasama ang pagiging malikhain.

b. Paggamit ng power-point sa pagtuturo

c. Pagkakaroon ng pagkuha ng grupo o pairs.

Makabagong Estratehiya

1 2 3 4
1. Ano ang gustong gamitin sa pagtuturo
a. Mga Larawan
b. Paggamit ng powerpoint at speaker
c. Pagdidikit ng mga Manila Paper
27

3. Ano ang mas epektibong estratehiya? Tradisyunal o Makabagong

Kagamitan? Bakit?

You might also like