Cot#3 Collecting Data

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Division of Antipolo

District II-B
LORES ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa MATEMATIKA 2


MYRA P. ANIMAS

I. Mga Layunin:
A. Pamantayang Pang Nilalaman
The learner...
deepens understanding of pictographs without and with scales and outcomes of an event
using the terms likely, equally likely and unlikely to happen.
B. Pamantayan sa Pagganap
The learner...
is able to create and interpret simple representations of data (tables and pictographs
without and with scales) and describe outcomes of familiar events using terms likely, equally
likely and unlikely to happen.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


Collects data on one variable using a questionnaire.M2SP-IVh-1.2

II. Nilalaman
Collecting data

Kagamitang Panturo :
A. Sanggunian:
Mga pahina sa Gabay ng Guro Pahina 393-397
Gabay ng kurikulum ng K-12 pahina
Kagamitang Pang Mag-aaaral panina 281-283
Mathematics for Everyday Use Grade 3. 1997. pp. 232-234*

B. Kagamitang Panturo: Semantic web, powerpoint presentation, pictures, drill board,


tally Chart, toys, realia (Money and Ducky bank)

Pagpapahalaga: Pagmamahal at paggalang

III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
A. Pag-awit ng Old Mc Donald

Tanong:
1. Ano-ano ang mga hayop ang nabanggit sa kanta?
2. Ano-ano ang mga tunog na nalilikha nito?

B. Paghahabi ng layunin ng aralin.


SURILAWAN
1. Sino sa inyo ang nakarating na sa bukid?
(Ipakita ang larawan ng bukid)
2. Ano ang nasa larawan?
3. Ikaw ba ay nakarating na dito?
4. Ano-ano ang makikita dito?
5. Ano-anong mga hayop ang makikita sa bukid?
- Ang guro magbibigay sa mga bata ng iba’t-ibang kulay ng metacard upang
isulat dito ang hayop na alam nila na makikita sa bukid.
- Gamit ang dice pagugulungin ng guro ito upang malalaman kung anong kulay
ang lalabas dito. Kung sino sa mag-aaral ang may kaparehong kulay na hawak
ang silang maglalagay ng sagot sa semantic web.

Mga
hayop sa
bukid

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Pagbasa ng sitwasyon
Isang araw, dinalaw ni Cloud ang kanyang lolo sa bukid. Naabutan niya
si Mang Nonoy na abalang abala sa pagpapakain ng kanyang mga alagang
hayop. Dalidaling lumapit si Cloud sa kanyang lolo para magmano. Nakita niya
ang mga alagang hayop nito tulad ng baka, baboy, aso, bibe, manok at mga
isda sa fishpond. Binilang niya ito isaisa.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Mga Tanong:
1. Sino ang dinalaw ni Cloud sa bukid?
2. Ano ang ginagawa ng kanyang lolo sa araw na iyon?
3. Ano ang ginawa ni Cloud ng Makita ang kanyang lolo?
4. Ano ang naramdaman ni Cloud habang siya ay nasa bukid?
5. Ano ang nakatawag pansin kay Cloud sa bukid?
6. Paano ipinakita ni Mang Nonoy ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga
alagang hayop?
7. Kayo ba ay may alagang hayop?
8. Paano mo ito pinapahalagahan?Bakit?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at pagalalahad ng bagong kasanayan #2


1. Ano-ano ang mga alagang hayop sa bukid ni Mang Nonoy?
2. Ilan ang alagang baka?Baboy?Aso? Bibe?Manok? Isda?
(Ipakita ito gamit ang tally Chart)
Tally Chart
Mga Alagang Hayop Ni Mang Nonoy
Mga alagang hayop Tally Bilang ng Hayop

kabuuan

3. Ilan lahat ang mga alagang hayop ni Mang Nonoy?


Tumawag ng dalawang bata na sasagot sa harapan. Ang isa ay gagamit ng
counter habang ang isa naman ay isosolve ang tamang sagot.Samantalang ang
mga bata sa upuan ang gagamit ng kanilang counters sa pagkuha ng kabuuang
bilang.

F. Paglinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment)


Pamantayan sa Pangkatang Gawain
Pangkatang Gawain

#artistakami
Isadula ang diyalogo
Tagapagsalaysay: Isang araw nagpunta ang magkakaibigan sa palengke para
bumili ng kanilang makakain. Sila ay napadaan sa bilihan ng
prutas.
Bata 1: Tara bumili tayo ng prutas, iyon na lang ang kainin natin. Masarap na
masustansya pa.
Bata2: Oo nga tayo na.

Tagapagsalaysay: Bumili ang magkakaibigan at masaya silang pumunta sa


bahay ni ________________ at doon nila ito planong kakainin. Bago
nila ito kainin naisipan nilang…….

Bata2: Bilangin natin ang ating nabiling prutas at itala muna natin ito sa Tally
Chart.
Tally Chart
Nabiling Prutas
Prutas Tally Marks Bilang ng Prutas

Kabuuan

#Accountantkami
Si Akisha ay nag-ipon ng pera sa kanyang ducky bank. Bilangin sa talaan ang
kanyang naipong pera.
Tally Chart
Naipong Pera
Barya Tally Marks Halaga
1.00
5.00
10.00
Kabuuan

#kolektorkami
Piliin sa kahon ang mga laruan na nais mong kolektahin. At isulat sa talaan ang datos
ng mga ito.
Tally Chart
Paboritong Laruan

Laruan Tally kabuuan


G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Kumpletuhin ang Talaan ayon sa Paboritong meryenda ng mga bata .

Tally Chart
Paboritong Meryenda
Meryenda Tally kabuuan

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang mga dapat tandaan sa pagkalap ng mga datos?

I. Pagtataya ng Aralin
Kompletuhin ang talaan gamit ang mga datos.
Ice Cream Flavours Tally kabuuan
Mango IIII
Chocolate 4
Cookies and Cream II
Double Dutch IIII IIII II
Rocky Road 3

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin.


Sagutin ang gawaing bahay pahina 283-284

Inihanda ni:

MYRA P. ANIMAS
Guro sa Ikalawang Baitang
#artistakami
#kolektorkami
#accountant
kami

You might also like