MTB Cot

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-CALABARZON
Division of Tanauan City
District of Tanauan City North
TRAPICHE ELEMENTARY SCHOOL
Trapiche, Tanauan City

MOTHER-TONGUE BASED (MTB) 3

Date: July 9, 2019 (Tuesday)


Time: 9:20 – 10:10

I. Layunin
1. Nakikilala at Nagagamit ang metapora sa pangungusap

II. Paksang-Aralin
Aralin 6: Pag-iingat sa Kalikasan
Paggamit ng Metapora sa paghahambing ng Bagay
Tula:Hardin Ko…Pinggan Ko!
ni: Florita R. Matic
MT3LC Ig-h 2.4 Pg/KMpp. 451-54
MTG-If-g-2.2.1

III. Pamamaraan

A. Mga Gawain sa Pagkatuto


 Balik-aral
 Paano inilalarawan ng ng manunula ang kanyang sarili?
 Ano ang alam n’yo tungkol sa kalabaw? Kapag inihambing ka sa
kalabaw, anong klaseng tao ka?

Gawain 1: Basahin at Alamin

Pagbasa muli ng Tula:Hardin Ko…Pinggan Ko!


ni: Florita R. Matic
(Paglalaro ng I Spy… Paghahanap ng mga salitang pinagwangis sa tula.

Gawain 2: Pangkatang Gawain

Pangkat 1: Kilalanin mo ako.. Tukuyin ang pangungusap na metapora.

Pangkat2: Ako ay isa Henyo. Buuin ang pangungusap sa


pamamagitan ng mga metapora

Pangkat 3: Ako ay isang manunulat.. Sumulat ng 3 pangungusap na


may metapora.

Pangkat 4: Hanapin mo, Kapareha ko… Itapat ang metapora sa kahulugan


nito.

Pangkat 5: Artista Ako… Iarte ang metaporang nakasulat.

Pag-uulat ng mga GInawa


Punan ang talahanayan

Pangkat Ano ang ginawa ng pangkat Ano ang natutuhan sa


pangkatang gawain
1
2
3
4
5

Paglalahat
Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang
tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay
na hindi ginagamitan ng sing- o tulad ng-.

IV. Pagtataya :
Piliin ang angkop na metapora sa bawat pangungusap.
1. Siya ay isang (pusa, aso) dahil lagi niya akong kinakalmot.
2. Siya ay isang (ahas, tigre) masama siyang magalit.
3. Si Ana ay isang (diwata, mangkukulam) napakaganda niya kasi.
4. Ang puso niya ay (bato, mamon) masyadong malupit sa mga pulubi.
5. Ang buhok nya (gabi, araw) sa kaitiman.

V. Takdang-Aralin:
Sumulat ng 5 pangungusap na metapora.

Prepared by:

MYCELLE R. ALCANTARA
Grade 3- Adviser
Noted:
ANITA G. DIVINA, Ed.D.
Principal I

You might also like