Lesson Plan in Character Education 4
Lesson Plan in Character Education 4
Lesson Plan in Character Education 4
Paksang Aralin Biyayang Mula sa Panginoon A. Sanggunian: PELC 1.1, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon ph. 128-131 B. Kagamitan: aklat, larawan, tsart Pagpapahalaga: Pagtanaw ng utang na loob bilang pasasalamat III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-ngipin 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano ka makapagpapasalamat sa mga pagkain at biyayang kaloob ng Maykapal? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Anu-ano ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa atin? May mga biyayang kaloob na ibinigay sa atin ang Panginoong Diyos bukod sa mga bagay na nakikita sa paligid.Ang ating talino ay isang biyaya na galing sa kanya.Anu-anong mga talent ang ibinigay sa iyo ng Diyos 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro na may pamagat na Biyayang Mula sa Panginoon . 3. Pagtalakay 1. Bakit malungkot si Rosadel? 2. Paano nalutas ang kanyang suliranin? 3. Kung ikaw si Rosadel, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit? 4. Sa palagay mo bakit siya nanalo? 5. Ano ang hindi niya nakaligtaan habang nagsasanay? 4. Paglalahat Kakayahang kaloob ng Diyos Paunlarin natin nang lubos 5. Paglalapat Ikaw ay may kakayahan na lumaban sa isang paligsahan sa larangan ng palakasan pero mahina ang iyong loob. Ano ang dapat mong gawin? IV. Pagtataya Isulat sa patlang ang mga salitang angkop sa diwang ipinahahayag. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. kakayahan kaisipan makatulong Panginoon nagsasanay kaya
1. Paunlarin ang ating mga katangian upang __________________ sa nangangailangan. 2. Dapat malaman ng mga tao ang mga bagay _________________ niyang gawin. 3. Nagiging mahusay tayo kapag laging _________________ . 4. Dapat bigyang pansin ang ating mga _________________ . 5. Ang ating mga kakayahan at katangian ay biyayang kaloob ng _________________ . V. Takdang Aralin Paano mo pasasalamatan ang Panginoong Diyos sa mga biyayang kaloob niya sa iyo?
Lesson 2 I. Layunin Naipahahayag nang mahinahon ang damdamin at kilos sa anumang pagkakataon kapag nagtatama ng kamalian. II. Paksang Aralin Pagpapahayag ng Damdamin at Kilos at Nagdadagdag sa Kakulangan sa Pangangailang ng Tao A. Sanggunian: PELC 1.2.2 p. 2, Likas na Pag-uugaling Pilipino 4, ph 112-113 B. Kagamitan: tsart, larawan Pagpapahalaga: Kumilos nang wasto sa alinmang simbahan pagkat iyon ay tahanan ng Diyos. III. Pamamaraan A. Panimulang gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng Kalinisan-taynga 2. Pagwawasto ng Gawaing Bahay 3. Balik Aral Paano mo pasasalamatan ang Panginoong Diyos sa mga biyayang kaloob niya sa iyo? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Mga bata, paano kayo kumilos ng wasto sa loob ng simbahan kapag nakikinig ng misa? 2. Paglalahad Pagkukwento ng guro "Si Peping sa Loob ng Simbahan" 3. Pagtalakay 1. Ano ang nakita ni Peping sa loob ng simbahan? 2. Hinahangaan mo ba si Peping? 3. Anu-anong simbahan ang napuntahan mo na? 4. Bakit kailangang sa mga nagsisimba ang umasal nang mabuti sa loob ng simbahanaa? 4. Paglalahat Kumilos ng wasto sa alinmang simbahan pagkat iyon ay tahanan ng Diyos. 5. Paglalapat Nasa loob ka ng simbahan. Pilit na itinuturo ng pinsan mong malapit sa kinatatayuan mo ang magandang damit ng isang batang babae sa unahan mo. Ano ang iyong gagawin? IV. Pagtataya Sumulat ng isang maikling talata kung paano ka kumilos sa loob ng simbahan kapag ikaw ay nagsisimba? (5 puntos) V. Takdang Aralin Nag-uusap nang ang mga batang malapit sa iyo sa loob ng simbahan. Ano ang dapat mong gawin?
3
Lesson 3 I. Layunin Naipahahayag nang mahinahon ang damdamin at kilos sa anumang pagkakataon - kapag pinupuri ang isang mabuting gawa II. Paksang Aralin Pagpapahayag ng Damdamin at Kilos sa Anumang Pagkakataon - Kapag Pinupuri ang Mabuting Gawa A. Sanggunian: PELC 1.2.3 p. 2, Likas na Pag-uugaling Pilipino 4, ph. 116-117 B. Kagamitan: tsart, larawan Pagpapahalaga: Tumulong sa kapwa na hindi naghihintay ng anumang kapalit. III. Pamamaraan A. Panimulang gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng Kalinisan-uniporme 2. Pagwawasto ng Gawaing Bahay 3. Balik Aral Paano ka kumilos sa loob ng simbahan kapag ikaw ay nagdarasal? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Mga bata, kapag kayo ba ay tumutulong sa inyong kapwa ay naghihintay ba kayo ng kapalit? 2. Paglalahad Pagkukwento ng guro "Tahan Na" 3. Pagtalakay 1. Bakit tumigil si Jojo nang marinig niya ang iyak ng bata gayong siya ay nagmamadali? 2. Paano pinatahan ni Jojo ang pag-iyak ng bata? 3. Tama bang hindi tinanggap ni Jojo ang ibinibigay na pera ng ale? 4. Paglalahat Tumulong sa kapwa na hindi naghihintay ng anumang kapalit. 5. Paglalapat Nakita mong sumabog ang plastik bag ng ale, kaya tinulungan mo siya sa pagpulot at pagbuhat ng kanyang dala. Pagkahatid mo sa kanya ay inaabutan ka niya ng pera. Ano ang iyong gagawin? IV. Pagtataya Sagutin ng Tama o Mali ang mga pangungusap. 1. Nakita mo ang isang ale na may dalang mabigat na bagay. Tinulungan mo siya. 2. Inutusan ka ni nanay na bumili ng sabon sa tindahan, di ka pumayag na hindi ka bibigyan ng upa sa pagbili mong sabon. 3. Pagkasalok mo ng tubig ay binibigyan ka ng pera ng iyong tiya. Pero hindi mo ito Tinanggap. 4. Inutusan ka ng nanay mo na mag-alaga ng nakababatang kapatid. Agad mo siyang sinunod ng walang hinhintay na anumang kapalit.
4
5. Nagpabili ka ng kendi sa iyong kaklase. Humingi siya ng pera sa iyo dahil sa pagpapabili mo ng kendi. V. Takdang Aralin Tumulong nang kusang loob ng walang hinihinging anumang kapalit.
Lesson 4 I. Layunin Natutukoy na ang pagdarasal ay isang mabisang paraan ng pasasalamat sa Diyos. II. Paksang Aralin Pagtukoy sa Mabisang Paraan ng Pasasalamat sa Diyos. A. Sanggunian: PELC p. 16 Character Education B. Kagamitan: tsart, larawan Pagpapahalaga: Pananalig sa Diyos III. Pamamaraan A. Panimulang gawain 1. Pagsusuri ng Kalinisan-damit 2. Pagwawasto ng Gawaing Bahay 3. Balik Aral Paano mo tatanggapin ang iyong pagkatalo sa laro? Paano mo gagawin ito? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Mga bata, Anu-ano ang mga biyaya mong natatanggap na bigay ng Panginoon? Paano mo ito pasasalamatan? 2. Paglalahad Pagkukwento ng guro 3. Pagtalakay 1. Anu-ano ang mga biyayang kaloob sa atin ng Diyos? 2. Paano mo ito pinasasalamatan? 4. Paglalahat Ano ang pinakamabisang paraan ng pagpapasalamat sa Diyos? 5. Paglalapat Kakain ka sa restawran. Ano ang dapat mong gawin? IV. Pagtataya Sumulat ng isang maikling dalangin bago kumain at pagkatapos kumain V. Takdang Aralin Pasalamatan ang Diyos sa lahat ng pagkakataon.
Lesson 5 I. Layunin Naipahahayag nang mahinahon ang damdamin at kilos sa anumang pagkakataon - kapag nagdadagdag sa kakulangan II. Paksang Aralin Pagpapahayag ng Damdamin at Kilos at Nagdadagdag sa Kakulangan sa Pangangailang ng tao A. Sanggunian: PELC 1.2.4 p. 2, Kuwento - katha ng guro B. Kagamitan: tsart, larawan Pagpapahalaga: Ang tumutulong nang bukal sa kalooban ay pinagpapala ng Maykapal. III. Pamamaraan A. Panimulang gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng Kalinisan-taynga 2. Pagwawasto ng Gawaing Bahay 3. Balik Aral Paano kayo humihingi ng tulong sa Panginoong Diyos? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Mga bata, nagkaroon ka na ba ng pagkakataong tumulong sa kapwa mo na nangangailangan ng tulong mo ng kusang loob? Kailan? Kanino at Paano? 2. Paglalahad Pagkukwento ng guro "Munting Handog" 3. Pagtalakay 1. Anong sakuna ang dumating? 2. Ano ang naramdaman ng mga bata para sa nasunugan? 3. Paano nakatulong ang mga bata sa mga biktima 4. Nakatulong na ba kayo sa mga nasalanta? Paano? 5. Ano ang naramdaman mo matapos kang tumulong sa mga nasunugan? 4. Paglalahat Ang tumutulong nang bukal sa kalooban ay pinagpapala ng Maykapal. 5. Paglalapat May mga luma kang mga damit ngunit ito ay isinusuot mo pa rin. Gustong ibigay nanay mo ang mga ito sa mga biktima ng bagyo. Ano ang gagawin mo? Bakit? IV. Pagtataya Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Magbibigay ka ng tulong sa mga nasalanta. Ano ang ibibigay mo? a. kendi at laruan c. komiks at aklat b. pulbos at pitaka d. pagkain at damit 2. Paano ka magbibigay ng tulong sa mga nasalanta? a. kaunti lang c. bukal sa kalooban b. may duda d. hindi magbibigay
3. Alin sa mga ito ang maaari mong ibigay sa mga nasalanta ng lindol? a. gamot at pagkain c. damit at inumin b. kulambo at unan d. bag at sapatos 4. Sinu-sino ang mga nararapat nating bigyan ng tulong? a. ang mga taong mahihirap at nangangailangan ng tulong b. ang mga taong mayayaman at mapang-api c. ang mga taong mahilig magyabang d. ang mga taong binabalewala ang kapwa 5. Kung ikaw ay isa sa mga nabigyan ng tulong ano dapat mong gawin? a. pagagalitan ang nagbigay ng tulong b. pagtawanan ang nagbigay ng tulong c. balewalain ang nagbigay ng tulong d. magpasalamat sa nagbigay ng tulong V. Takdang Aralin Itala ang mga taong nabigyan ng tulong at sa tapat nito ay isulat ang tulong mong naibigay.
Lesson 6 I. Layunin Naipahahayag nang mahinahon ang damdamin at kilos sa anumang pagkakataon. II. Paksang Aralin Pagpapahayag ng Mahinahon sa Anumang Pagkakataon A. Sanggunian: PELC 1.2, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4 pp. 122-125 B. Kagamitan: aklat, larawan, tsart Pagpapahalaga: Pagiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-uniporme 2. Pagwawasto ng Gawaing Bahay 3. Balik-aral Paano ninyo pinasasalamatan ang Panginoong Diyos sa mga biyayang tinatanggap ninyo sa araw-araw? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, marunong ba kayong magpigil ng inyong emosyon kapag kayo ay galit? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Pinatnubayang Minandal 3. Pagtalakay 1.Ano ang ginawa ng mga bata bago at matapos kumain? 2. Anu-anong magagandang ugali ang ipinakita ng mga bata sa recess? 3. Wasto ba ang dinasal nila bago at matapos kumain? Patunayan. 4. Kayo ba ay nagdarasal din bago at pagkatapos kumain? Paano? 5. Bakit kailangang magdasal bago at matapos kumain? 4. Paglalahat Maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon. 5. Paglalapat Oras n ang pananghalian. Pagdating ng bahay dali-dali kang naghain at kumain dahil gutom na gutom ka na. Wasto ba ang ginawa mo? Ipaliwanag. IV. Pagtataya Paano mo maipahahayag ng mahinahon ang damdamin at kilos sa anumang pagkakataon. Ipaliwanag. 1. Nakita mong kumain agad ang iyong ate pagdating mo. 2. Tapos na kayong kmain. 3. Nakita mo na pagkabili ng iyong kamag-aaral ay dali-dali niya itong kinain. Ano ang gagawin mo? 4. Tinawag ka ng nanay mo para kumain. Kakain ka ba agad? 5. Ano ang gagawin mo kung nakita mong hindi nagdasal ang iyong kapatid bago kumain? V. Takdang Aralin Paano mo maisasagawa ng mahinahon ang kilos sa anumang pagkakataon? Ipaliwanag at isulat sa isang buong papel.
9
Lesson 7 I. Layunin Nasusuri ang sariling damdamin kung may nangyaring masama o mabuti sa kapwa. II. Paksang Aralin Pagsusuri sa Sariling Damdamin sa mga Nangyaring Mabuti o Masama sa Kapwa A. Sanggunian: PELC 1.3 , Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pp. 137-141 B. Kagamitan: aklat, tsart B. Pagpapahalaga: Ang pagtulong ng bukal sa kalooban ay pinagpapala ng Maykapal. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan - kuko sa kamay 2. Pagwawasto ng Gawaing Bahay 3. Balik-aral Magbigay ng mga halimbawa kung paano magiging mahinahon ang damdamin at kilos sa lahat ng pagkakataon. B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Munting Handog. 2. Pagtalakay 1. Anong sakuna ang dumating ? 2. Ano ang nararamdaman ng mga bata para sa mga nasunugan? 3. Paano nakatulong ang mga bata sa mga biktima? 4. Nakatulong na ba kayo sa mga nasalanta? Paano? 5. Ano ang naramdaman mo matapos kang tumulong sa mga nasunugan? 3. Paglalahat Ang tumutulong nang bukal sa kalooban ay pinagpapala ng Maykapal. 4. Paglalapat Paano mo masusuri ang iyong damdamin kapag may mga pangyayaring masama/mabuti sa iyong kapwa? IV. Pagtataya Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Magbibigay ka ng tulong sa mga nasalanta.Ano ang ibibigay mo? a. kendi at laruan c. komiks at aklat b. pulbos at pitaka d. pagkain at damit 2. Paano ka nagbibigay ng tulong sa mga nasalanta? a. kaunti lang c. bukal sa kalooban b. may duda d. masama ang loob 3. Alin sa mga ito ang maaari mong ibigay sa mga nasalanta ng lindol? a. gamot at pagkain c. damit at inumin b. kulambo at unan d. bag at sapatos 4. Alin sa mga ito ang kaya mong gawin bilang tulong sa mga nasalanta? a. mamahagi ng mga pagkain c. manghingi ng mga damit, pagkain at gamit b. magbigay ng malaking pera d. bigyan ng laruan ang mga batang nasalanta
10
5. Naglalaro ka nang marinig mong may sunog sa gawi ninyo. Ano ang gagawin ninyo? a. magpapatuloy sa paglalaro c. manunuod sa sunog b. tatawag ng bumbero d. tutulong magbalot sa nanay V. Takdang Aralin Ano ang gagawin mo kung may masamang nangyari sa iyong kamag-aaral? Ipaliwanag ang sagot.
11
Lesson 8 I. Layunin Gumagamit pa ng ibat ibang pamamaraan sa pagkuha ng impormasyon/kaalaman tungkol sa pinakahuling pangyayari-nakikinig ng balita sa radyo, at nanunuod ng makabuluhang programa sa T.V II. Paksang Aralin Pandagdag sa Kaalaman - Pakikinig sa Radyo at Panunuod sa T.V. A. Sanggunian: PELC 1.1.1, p. 3, Kuwento - katha ng guro B. Kagamitan: aklat, tsart,radyo,t.v. Pagpapahalaga: Maging mapanuklas sa karagdagang kaalaman III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-kuko 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Ano ang dapat mong gawin upang hindi ka makasakit ng damdamin ng iyong kapwa? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sino sa inyo ang nakikinig ng radyo at nanunuod ng telebisyon? May kabuluhan ba ang mga sinasabi nila o wala? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Balita sa Radyo o Telebisyon. 3. Pagtalakay 1. Anong magandang kaugalian ang ipinakita ng magkakaibigan? 2. Ano ang pinanuod ng mag-ina habang hinihintay ang tatay? 3. Ano naman ang pinakinggan ni Nelson sa radyo? 4. Maganda bang manood at makinig ng balita? 5. Ikaw, ano ang pinanunuod mo sa telebisyon? Bakit? 4. Paglalahat Ugaliin ang pakikinig o panonood ng mga makabuluhang palatuntunan sa radyo o telebisyon 5. Paglalapat Para sa iyo, anu-ano ang kabutihang naibibigay ng radyo o telebisyon sa iyo bilang mag-aaral? IV. Pagtataya Basahin at sagutin: 1. Kapag nakita mo ang Parental Guidance na palabas sa telebisyon, bagay ba iyong panoorin ng bata kahit walang pahintulot ng magulang? 2. May pinapanood ang guro mo sa inyo. Manonood ka rin ba? 3. Aling palatuntunan sa radyo ang dapat pinapakinggan ng mga batang katulad mo?
12
4. Yun bang mga palatuntunan sa telebisyon na may mga barilan o patayan ay mainam panoorin ng mga batang tulad mo? 5. May magandang programa sa radyo ngunit hatinggabi na ay hindi pa sinisimulan. Hihintay mo pa ba ito? V. Takdang Aralin Isulat sa isang buong papel kung paano mo mapatutunayan sa sarili ang katumpakan sa nabasang anunsiyo sa dyaryo.
13
Lesson 9 I. Layunin Gumagamit pa ng iba_t ibang pamamaraan sa pagkuha ng impormasyon/kaalaman tungkol sa pinakahuling pangyayari-nagbabasa ng diyaryo. II. Paksang Aralin Paggamit ng Iba_t ibang Pamamaraan sa Pagkuha ng Impormasyon Tungkol sa Pinakahuling Pangyayari A. Sanggunian: PELC 1.1. Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon, pp. 178-182 B. Kagamitan: aklat, tsart,dyaryo Pagpapahalaga: Ugaliing magbasa ng dyaryo para sa pinakahuling impormasyon. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-tainga 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Magbigay ng mga pangyayaring mabuti sa pagtulong sa kapwa. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Alam ba ninyo kung ano itong hawak ko? Anu-ano ang mga nakasulat dito? Importante ba ito sa atin o hindi? Ipaliwanag. 2. Paglalahad: Pagkukuwento ng guro Bargain Sale. 3. Pagtalakay 1. Ano ang nabasa ni Rosemari sa pahayagan? 2. Saan nagpunta ang mag-ina? 3. Ano ang masasabi mo sa anunsiyong nabasa ni Rosemarie? Patunayan. 4. Binibili mo rin ba lahat ng paninda sa _bargain sale_? Bakit? 5. Dapat bang paniwalaan lahat ang sinasabi sa mga anunsiyo? Bakit? 4. Paglalahat Hindi lahat ng anunsiyo ay totoo Dapat imbestigahan para itoy mapatunayan. 5. Paglalapat Paano mo mapatutunayan sa nabasa mong diyaryo na ang anunsiyo ay totoo? IV. Pagtataya Sagutin ng Tama o Mali. 1. Mamimili ka kapag nakakita ng anunsiyo na bargain sale sa isang tindahan. 2. Susubukan kung talagang totoo ang nabasang anunsiyo sa dyaryo. 3. Bilhin ang mga produktong gamit ng paboritong artista. 4. Imbestigahan kung totoo ang sinasabi ng patalastas o anunsiyo. 5. Basahin kung hanggang kailan maaaring gamitin o kainin ang produkto. V. Takdang Aralin Isulat sa isang buong papel kung paano mo mapatutunayan sa sarili ang katumpakan sa nabasang anunsiyo sa dyaryo.
14
Lesson 10 I. Layunin Naibabahagi ang mga kaalaman tungkol sa pinakahuling pangyayari -pagkukuwento sa mga makabuluhang pangyayari. II. Paksang Aralin Pagbabahagi ng Kaalaman Tungkol sa Makabuluhang Pangyayari A. Sanggunian: PELC 1.2, Likas na Pag-uugaling Pilipino, pp. 101-102 B. Kagamitan: aklat, tsart Pagpapahalaga: Ugaliin ang pagkukuwento ng may kabuluhang pangyayari. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-buhok 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Magbigay ng mga impormasyon na nabasa sa dyaryo na makatotohanan. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, sino sa inyo ang nagsasabi ng katotohanan/di katotohanan? 2. Paglalahad Pagbasa ng kuwento ng guro Ang Katotohanan. 3. Pagtalakay 1. Ano ang napansin ni Gng. Santos kay Manuel habang masayang naglalaro ang kanyang mga kaklase? 2. Anong ipinagtapat ni Manuel kay Gng. Santos? 3. Ano ang naramdaman ni Ronald matapos ipagtapat ni Manuel ang katotohanan? 4. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Manuel ano ang gagawin mo? 4. Pagpapahalaga Itanim sa isipan na ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi dapat katakutan. 5. Paglalapat Pinahihingi ka ng kuya mo ng perang pambili ng papel sa iyong nanay araw-araw pero hindi totoong kailangan mo ng papel. Kinukuha ng kuya mo ang pera at ibinibili ng sigarilyo. Ano ang sasabihin mo sa iyong nanay? IV. Pagtataya Basahin at sagutin. 1. Nahuli ka sa klase dahil sa isang pangyayari. Ikukuwento mo ba ito o tatahimik na lang? 2. Pinagbibintangan ang kaibigan mo na may kasalanan. Alam mo ang tunay na nangyari. Ano ang gagawin mo? 3. Papaluin ng nanay mo ang iyong kuya. Alam mong wala siyang kasalanan. Ano ang dapat mong gawin? 4. Nabasag ng kapatid mo ang salamin sa mat ang iyong nanay. Sinabi niya sa iyo na ikaw ay papaluin niya kapag nagsumbong ka sa nanay mo. Ano ang gagawin mo? V. Takdang Aralin Itanim sa isipan na ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi dapat katakutan.
15
Lesson 11 I. Layunin Nakapagbibigay ng opinyon o kuro-kuro sa mga pangyayari. II. Paksang Aralin Pagbibigay ng opinyon sa mga Pangyayari A. Sanggunian: PELC 1.3, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon, pp. 173-177 B. Kagamitan: aklat, larawan, tsart Pagpapahalaga:Palaging isaisip na magbigay ng opinyon o kuru-kuro sa mga pangyayari III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-paa 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Ano ang gagawin mo kapag ang iyong kaklase ay nakita mong nagsusugal sa loob ng silid-aralan? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Kapag may narinig kayong balita ano ang inyong ginagawa? Anong klaseng opinyon ang inyong ibinibigay? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Isang Paghahambing. 3. Pagtalakay 1. Alin ang pinakamura? Bakit? 2. Alin ang pinakamahal? Bakit? 3. Kung ikaw ang bibili, alin ang bibilhin mo? Bakit? 4. Sa palagay mo ba mabili ang produktong B? Bakit? 5. Kung ikaw ang magtitinda, ititinda mo ba ang produktong D? Bakit? 4. Paglalahat Unawaing mabuti at timbangin ang mga impormasyon kung totoo bago magpasiya ng tama at wasto. 5. Paglalapat Alin sa mga sumusunod na produktong ito ang ipabibili mo sa nanay mo. Ipaliwanag kung bakit. (Tingnan sa tsart) IV. Pagtataya Pangatuwiranan ang tanong sa bawat kalagayan. (2 puntos) 1. Inutusan ka ng nanay na bumili ng mantikilya.Ano ang gagawin mo para mahusay,masarap at mura ang nabili? 2. Ibig mong maging matalinong mamimili.Ano ang dapat mong gawin? 3. Habang nanonood ka ng telebisyon ay may ipinakitang propaganda.Maniniwala ka ba agad? V. Takdang Aralin Paano mo babasahin at aalamin ang katotohanan sa mga anunsiyo bago magpasiya?
16
Lesson 12 I. Layunin Naipakikita ang pagiging matapat sa kapwa at pamunuan ng barangay - pagsasauli ng pera II. Paksang Aralin Pagsasauli ng Pera A. Sanggunian: PELC 1.1.1 p. 5, Likas na Pag-uugaling Pilipino 4, ph. 93-94 B. Kagamitan: aklat, tsart Pagpapahalaga: Ibigay sa guro o Lost and Found Corner ang mga bagay na napulot kung hindi makita ang tunay na may-ari III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan- buhok 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano mo babasahin at aalamin ang katotohanan sa mga anunsiyo bago magpasiya? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, may napulot kayong pera, ano ang gagawin ninyo? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Ang Nawawalang Pitaka. 3. Pagtalakay 1. Ano ang masasabi ninyo kay Peping? Gusto mo ba siya? 2. Kung ikaw si Peping, gayundin ba ang gagawin mo? 3. Bakit dapat hanapin ang tunay na may-ari ng mga bagay na natagpuan? 4. Paglalahat Ibigay sa guro o sa Lost and Found Corner ang mga bagay na napulot kung hindi makita ang tunay na may-ari. 5. Paglalapat Nakita mong may pinulot na pitaka ang kaibigan mo. Isinilid niya iyon sa kanyang bag at umuwi. Ano ang iyong gagawin? IV. Pagtataya Basahin ang sitwasyon at ipaliwanag ang sagot. (5 puntos) Hindi mo makita ang tunay na may-ari ng bolpen na napulot mo sa daan patungo sa paaralan. Malaki ang paghahangad mo na maisauli iyon. Ano ang gagawin mo? V. Takdang Aralin Nakapulot ka ng payong at alam mong ito ay sa kaklase mo. Nararapat ba itong isauli sa may-ari?
17
Lesson 13 I. Layunin Naipakikita ang pagiging matapat sa kapwa at pamunuan ng barangay - pagbabayad ng husto at tamang pasahe II. Paksang Aralin Pagbabayad ng Husto at Tamang Pasahe A. Sanggunian: PELC 1.1 p. 5, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon, pp. 45-49 B. Kagamitan: aklat, tsart Pagpapahalaga: Pahalagahan ang pagiging matapat, huwag ipagpalit sa kahit magkano man III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan- ngipin 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral May napanood ka sa telebisyon sa isang propaganda na toothpaste ito daw ay nakapag papaputi at nakapagpapatibay ng ngipin at nakapag-aalis ng mabahong hininga. Dapat mo bang paniwalaan ang anunsiyong ito? Bakit? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, halimbawa at kulang ang pamasahe mo.Malayo pa ang bahay ninyo. Sasakay ka pa rin ba? Ano ang gagawin mo? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Ang Drayber at ang Pasahero. 3. Pagtalakay 1. Sinu-sino ang tauhan sa kuwento? 2. Ano ang gustong gawin ni Jaime? 3. Tama ba ang gagawin ni Jaime? 4. Sino ang gusto ninyong tularan, si Lito o si Jaime? Bakit? 4. Paglalahat Honor System ay pahalagahan Huwag ipagpalit Sa kahit magkano man. 5. Paglalapat Sa isang dyip, mayroon kang katabing mama na ayaw magbayad ng pamasahe niya. Ano ang gagawin mo? IV. Pagtataya Sagutin ang tanong sa sumusunod na kalagayan. 1. Tama lang ang dala mong pamasahe. Pagsakay mo ng dyip ay may nakita kang kakilala, ano ang gagawin mo? 2. Hindi ka nagbayad ng pasahe kasi kulang ang pera mo. Ano ang dapat na ginawa mo? 3. May nakasakay kang kaibigan.Kulang ang pamasahe mo. Ano ang gagawin mo? 4. Bababa ka ba kung may kakilala ka sa dyip dahil tama lang ang pera mong pambayad? 5. Kulang ang pamasahe mo. Nagsabi ka sa drayber,ngunit ayaw kang pasakayin.Ano ang gagawin mo? V. Takdang Aralin Magbayad ng tamang pamasahe.
18
Lesson 14 I. II. Layunin Naibibigay ng tamang ulat o tunay na dahilan ng mga pangyayari. Paksang Aralin Pagpapahalaga sa Honor System - Nagbibigay ng Tamang Ulat o Tunay na Dahilan ng mga Pangyayari A. Sanggunian: Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, pp. 60-64 PELC 1.1.2.p.5 B. Kagamitan: aklat, tsart Pagpapahalaga: Maging maingat sa mga ulat na inyong ibinibigay sa iba Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-buhok 2. Pagwawasto ng gawaing bahay 3. Balik-aral Bakit kailangang magbayad ng pamasahe ng kusa? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak May kilala ba kayong taong mahilig magdala ng balitang hindi maganda at totoo? Ano ang kalimitang tinatawag ng karamihan sa kanila? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Ang Dahilan. 3. Pagtalakay 1. Bakit sumasama si Joanne sa kanyang nanay? 2. Ano ang dahilan ni Joanne sa guro? Tama ba ito? Bakit? 3. Ano ang pangaral ni Beth kay Joanne? 4. Ano ang mababawasan kung mahuhuli kang hindi nagsasabi ng tunay na dahilan? 4. Paglalahat Tunay na dahilan ng mga pangyayari Huwag ikaila, ang totoo ay sasabihin 5. Paglalapat Nakita mong nabasag ng kapatid mo ang paso sa hardin. Nang tanungin ka ng iyong nanay at itinanggi niya ito. Ano ang iyong gagawin? Pagtataya Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa mga ito ang gagawin mo kung lumiban ka ng walang paalam sa guro? a. Sasabihin kong masakit ang ngipin ko b. Sasabihin kong umalis kami ng nanay ko c. Sasabihin ko ang totoong dahilan d. Sasabihin kong nag-alaga ako ng nakababatang kapatid
III.
IV.
19
V.
2. Alin sa mga ito ang gagawin mo kung nadapa ka? a. Sasabihin kong tinulak ako ng kalaro b. Madulas ang daan kaya ako nadapa c. Aaminin ang tunay na nangyari d. Sasabihin kong nasagi ako ng kaklase ng si sinasadya 3. Pinaglalaruan mo ang kutsilyo kaya nasugatan ka sa kamay. Ano ang sasabihin mo? a. Pinaglalaruan ko ang kutsilyo b. Nagbabalat ako ng prutas at dumulas ang kutsilyo c. Nagtatasa ako ng lapis at dumaplis sa kamay ko d. Wala sa nabanggit 4. Niyaya ka ng iyong ate na sumamang manood ng sine kaya lumiban ka sa klase. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro? a. Sasabihin kong masakit ang tiyan ko b. Sasabihin kong nag-alaga ako ng kapatid ko c. Sasabihin ko ang totoong dahilan d. Sasabihin kong masakit ang aking ngipin 5. Sinabihan ka ng iyong kamag-aaral na ilihim sa guro ang dahilan ng pagkakahuli ninyo sa klase. Ano ang gagawin mo? a. Sasabihin ko ang totoong dahilan b. Sasabihin kong tinanghali ng gising c. Sasabihin kong may pinuntahan pa bago pumasok ng klase d. Sasabihin kong gumawa pa ng proyekto Takdang Aralin Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama at x kung mali. ______ 1. Sabihin kaagad sa taong pinag-uusapan kung marinig mo ang pangalan niyang pinag-uusapan. ______ 2. Kapag hindi alam ang totoong nangyari huwag ipagsasabi. ______ 3. Iwasang makadala ng balitang mali, nang hindi makasakit ng kapwa. ______ 4. Pag-aralang mabuti ang mga balitang naririnig at alamin ang totoo. ______ 5. Mag-ingat sa mga ibabalita mo sa ibang tao.
20
Lesson 15 I. Layunin Naibibigay ng tamang ulat o tunay na dahilan ng mga pangyayari - pagsasabi ng totoong dahilan kung bakit naganap ang mga pangyayari. II. Paksang Aralin Pagsasabi ng Totoong Dahilan kung bakit Naganap ang mga Pangyayari A. Sanggunian: PELC 1.2.1 p.5, Likas na Pag-uugaling Pilipino 4, ph. 99-100 B. Kagamitan: aklat, tsart Pagpapahalaga: Ipagbigay alam nang walang takot sa mga taong kinauukulan ang di-mabuting gawa. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-buhok 2. Pagwawasto ng gawaing bahay 3. Balik-aral Ano ang dapat mong gawin sa mga nakitang bagay na himdi sa iyo? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Nakita mo ang kaklase mo na sinuntok niya ang iyong kaibigan. Paano mo ito sasabihin sa iyong guro? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Kung Bakit Nasaktan si Raul? 3. Pagtalakay 1. Sino sa dalawang batang lalaki sa kuwento ang ibig mo? 2. Bakit sinabi ng Nanay na matapang si Raul? 3. Bakit gawaing nagpapakilala ng katapangan ang pagtulong at pagtatanggol sa iba sa oras ng panganib? 4. Paglalahat Ipagbigay alam nang walang takot sa mga taong kinauukulan ang di-mabuting gawa. 5. Paglalapat Nakita mo ang katulong ng iyong ate ay kumuha ng pera sa kanyang pitaka. Pinagbantaan ka niya na sasaktan ka. Ano ang dapat mong gawin? IV. Pagtataya Basahin ang sitwasyon at ipaliwanag ang tamang sagot. 1. Nakakita ka ng gumagawa ng masama. Ano ang gagawin mo? (2 puntos) 2. Nakita mo ang ate mo na kumukuha ng pera sa pitaka ng inyong nanay. "Hindi kita isasama sa panunuod ng sine kapag nagsumbong ka sa inay," sabi niya. (3 puntos) V. Takdang Aralin Gumawa ng mga listahan ng mga taong nahuli mo na may ginagawang masama. Isulat sa tapat kung ano ang iyong ginawa.
21
Lesson 16 I. Layunin Nadarama ang maaaring maging damdamin o emosyon kung nagsinungaling at nakasakit sa kapwa. Paksa Pagdama ng Maaaring Maging Damdamin o Emosyon kung Nagsinungaling at Nakasakit sa Kapwa A. Sanggunian: PELC 1.3 p. 5, Likas na Pag-uugaling Pilipino 4, pp. 50-51 B. Kagamitan: aklat, tsart Pagpapahalaga: Isiping mabuti ang sasabihin bago magsalita Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-ngipin 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Ibigay ang tamang ulat sa mga pangyayari. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, ano ang dapat ninyong gawin kung kayo ay may kausap na hindi masasaktan ang kanilang damdamin? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Mga Bagay na Nakasusugat ng Damdamin 3. Pagtalakay 1. Paano nasaktan ni Liza si Elena? 2. Ano ang ginawa ni Liza upang maisaayos ang nagawa niyan kamalian? 4. Paglalahat Mag-ingat sa pagsasalita kung nakikipag-usap sa iba Isiping mabuti ang sasabihin bago magsalita 5. Paglalapat Si Edna at si Mary Ann ay matalik na magkaibigan. Sila ay may pinagtalunan na isang bagay naikinasakit ng damdamin ni Edna. Ano ang dapat gawin ni Mary Ann? Pagtataya Ano ang gagawin mo... 1. Lahat ng mga kamag-aaral ay nagsasabing hindi maganda si Rosa, ang pinakamatalik mong kaibigan. Hindi mo gustong masaktan ang kanyang kalooban. 2. Umiiyak ang kapatid mong babae nang mabasag mo ng hindi sinasadya ang bote niya ng pandikit. May sarili kang bote ng pandikit. 3. Nakita mong galit na galit si Johny. Narinig mo na may may namutawing malalaswang salita sa kanyang bibig. 4. Magkasama kayo ng kaibigan mo, may pumuna sa kanyang damit dahil butas ito. 5. Naiwan kayo ng kapatid mo sa bahay dahil pumunta sa palengke ang nanay mo. Umiiyak ang kapatid mo dahil gustong sumama. Takdang Aralin Paano mo maiiwasan ang pananakit ng damdamin sa iyong kapwa?
22
II.
III.
IV.
V.
LESSON PLAN IN CHARACTER EDUCATION 4 SECOND GRADING Lesson 1 I. Layunin Naipadarama ang pagmamahal sa matatanda - pag-aalala sa mahahalagang okasyon gaya ng kaarawan Paksang Aralin Pagpapadama ng pagmamahal sa matatanda - pag-aalala sa mahahalagang okasyon gaya ng kaarawan A. Sanggunian: PELC 1.1 p. 6. Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pp. 97-101 B. Kagamitan: tsart, larawan, aklat, birthday card Pagpapahalaga: Matatanday batiin sa mahahalagang okasyon.Ito ay patunay na sila ay mahal natin. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-ilong 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano tayo mag-iingat sa pagsasalita kung tayo ay nakikipag-usap sa ibang tao? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, sino sa inyo ang may kasamang lolo at lola sa bahay?Paano ninyo naipadarama ang pagmamahal ninyo sa kanila? 2. Paglalahad Pagbasa ng guro ng kuwento Ang Kaarawan. 3. Pagtalakay 1. Sino ang may kaarawan? 2.Sinu-sino ang tinawagan ni Belen? 3.Kailan nila inayos ang handa ni Lola Charing? 4.Nasorpresa mo na rin ba ang iyong Lola? Paano? 5. Kung ikaw ang may kaarawan, ibig mo rin bang masorpresa? Bakit? 4. Paglalahat Batiin ang mga matatanda sa mahahalagang okasyon. Ipakita natin ang pagmamahal sa kanila. 5. Paglalapat Alin dito ang magandang ibibigay mo sa iyong lolo at lola. Kulayan ng rosas ang iyong sagot. Gawin ito sa kuwaderno.
sapatos Pamaypay
II.
III.
pagmamahal
Damit 23
IV.
Pagtataya Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung magpapasaya sa lolo o lola ito at ang malungkot na mukha kung hindi. ______ 1. Ibili ng magagandang damit ______ 2. Makinig sa kanilang mga kuwento ______ 3. Ikahiya sa kaklase dahil bingi na ______ 4. Igawa ng kard kung kaarawan nila bilang pagbati ______ 5. Tuksuhin ang lolang pilay Takdang Aralin Iguhit ang lolo at lola na nagpapakita na sila ay mahalaga sa inyong buhay.
V.
24
Lesson 2 I. II. Layunin Naipadarama ang pagmamalasakit sa matatanda- pinapauna kung may pila Paksa Pagmamalasakit sa Matatanda - Pinapauna kung may pila A. Sanggunian: PELC 2,p. 6, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, pp. 102-105 B. Kagamitan: tsart, aklat Pagpapahalaga: Maging mabait sa mga matatanda Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-taynga 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano ninyo ipinakikita ang pagmamahal sa inyong mga lolo at lola sa mahahalagang okasyon? B. 1. Pagganyak Mga bata, ano ang dapat ninyong gawin kapag nakakita kayo ng isang matanda na nakatayo sa loob ng bus, habang ikaw naman ay nakaupo? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Una na po Kayo? 3. Pagtalakay 1. Anong magandang ugali ang ipinakita ni Florencio? 2. Gagayahin mo ba siya? Bakit 3. Kung ikaw si Florencio, pauunahin mo rin ba ang matanda kahit pagod na pagod ka na? 4. Paano nagparaya si Florencio? 5. Anong uri ng bata si Florencio? 4. Paglalahat Pagpaparaya ay mainam na ugali Lalo na sa matandang mahina 5. Paglalapat Nakita mo ang isang matanda na nakapila sa Jollibee para bumili ng pagkain. Ano ang iyong gagawin? Pagtataya Lagyan ng / ang patlang kung nagpaparaya sa matanda at x kung hindi nagpapakita ng pagpaparaya sa matanda. _____ 1. Makipag-unahan sa pagsakay ng dyip _____2. Paunahin sa pila sa restoran _____ 3. Alalayan sa pagsakay sa dyip _____ 4. Unahan sa pagpasok sa pintuan _____ 5. Paupuin sa bus o lrt
25
III.
IV.
V.
Takdang Aralin Ano ang gagawin mo kung nakakita ka ng matanda na: 1. Di makasakay ng dyip 2. Nakapila sa likuran 3. Di mabuksan ang pintuan 4. Nakatayo sa lrt 5. Hindi makatawid
26
Lesson 3 I. Layunin Naipadarama ang pagmamahal sa matatanda-pagsasali sa matatanda sa gawain ng maganak Paksang Aralin Pagsali sa Matatanda sa Gawain ng Mag-anak A. Sanggunian: PELC 1.3 p. 6, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, pp. 113-117 B. Kagamitan: larawan, aklat, tsart Pagpapahalaga: Bigyan ng pagpapahalaga ang mga matatanda Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-sapatos 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano mo matutulungan ang mga matatanda kung nakita mong sila ay nakapila? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Kailan ninyo huling naisama ang lolo at lola ninyo sa mga gawain ng pamilya ninyo? Gaano kahalaga ang mga lolo at lola ninyo sa inyo? Paano ninyo ipinapakita sa kanila ang iyong pagmamahal? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro May Magagawa Pa Rin. 3. Pagtalakay 1. Sinu-sino ang naglinis ng bahay? 2. Naglilinis din ba kayo ng bahay na kasama ang lola? 3. Ano sa palagay ninyo ang naramdaman ni Edith, Insiong at Arnold? 4. Paglalahat Matanda man sa turing May pakinabang pa rin 5. Paglalapat Paano mo maipakikita sa mga lolo at lola mo na kapaki-pakinabang pa rin sila sa atin? Ipaliwanag. Pagtataya Lagyan ng tsek (/) ang patlang ang mga kaya pang gawin ng lolo o lola mo. 1. Mag-igib ng tubig 2. Magluto 3. Magkumpuni ng mga sira sa bahay 4. Magbuhat ng mabigat 5. Magwalis Takdang Aralin Gumawa ng limang pangungusap na nagpapakita na ang inyong lolo at lola ay kapakipakinabang pa.
27
II.
III.
IV.
V.
Lesson 4 I. II. Layunin Naipadarama sa matatanda na sila ay mahalaga-pagpapasalamat sa ginawa nilang tulong Paksang Aralin Nakapagpapasalamat sa mga Nagawa nilang Tulong A. Sanggunian: PELC 3.2,p. 6, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, pp. 110-112 B. Kagamitan: tsart, aklat, larawan Pagpapahalaga: Pasasalamat sa matatanda sa kanilang ginawang tulong Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-leeg 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano ninyo nakakatulong sa gawaing-bahay ang inyong mga lolo at lola? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, ano ang inyog sinasabi kapag ang inyong mga lolo at lola ay may nagawa ng tulong para sa inyo? 2. Paglalahad Pakikinig ng isang tula Salamat Po. 3. Pagtalakay 1.Bakit dapat silang pasalamatan? 2. Paano mo ipinadadama ang pasasalamat sa lolo at lola mo? 3.Ikaw pasasalamatan mo rin ba ang lolo at lola mo? Bakit? 4. Gagayahin mo rin ba ang ginagawa ng lolo at lola mo? Bakit? 4. Paglalahat Marapat na pasalamatan ang mga matatanda Sa mga tulong na kanilang ginawa 5. Paglalapat Paano mo pinasasalamatan ang mga matatanda sa mga tulong na kanilang ginagawa? Pagtataya Sumulat ng isang maikling talata sa isang buong papel kung paano mo maipakikita ang pasasalamat sa mga ginagawang tulong ng iyong lolo at lola sa tahanan? (5 puntos) Takdang Aralin Gumawa ng isang maikling tula ng pasasalamat sa iyong lolo at lola.
III.
IV.
V.
28
Lesson 5 I. Layunin Nakapagbibigay ng matalinong pagpapasya para sa kaligtasan- hindi paggamit ng ipinagbabawal na gamot. II. Paksang Aralin Pag-iwas sa Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot A. Sanggunian: PELC 1.1.6, p.10, Likas na Pag-uugaling Pilipino 4, pp. 146-147 B. Kagamitan: aklat, tsart, larawan Pagpapahalaga: Iwasan ang Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-kuko sa kamay 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano ninyo maipadarama sa matatanda na sila ay mahalagang kasapi ng mag-anak? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, may kilala ba kayo na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot? Ito ba ay nakabubuti sa kalusugan? 2. Paglalahad Pagbasa ng kuwento Ipinagbabawal na Gamot. 3. Pagtalakay 1. Ano ang napansin isang gabi ni kapitan Borromeo sa kanyang paglalakad sa kanyang barangay? 2. Bakit nagulat si kapitan Borromeo sa kanyang nakita sa mga kabataan? 3. Ano ang ginawa ni Kapitan Borromeo isang umaga? 4. Anu-ano ang mga ipinag-utos ni Kapitan Borromeo sa kanyang mga kabarangay? 4. Paglalahat Sumunod sa mga ipinag-uutos ng mga may katungkulan sa inyong barangay para sa kabutihan ng karamihan. 5. Paglalapat Niyaya ka ng kaibigan mo na bumili ng ipinagbabawal na gamot? Ano ang gagawin mo? IV. Pagtataya Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa isang kaibigan na humihingi ng tulong sa iyo upang makaiwas sa ipinagbabawal na gamot. (5 puntos) V. Takdang Aralin Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong maitutulong upang mapigilan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot?
29
Lesson 6 Layunin Nakasusunod sa mga batas ordinansa ng barangay - iniiwasan ang pagtatapon ng basura sa bakuran ng iba II. Paksang Aralin Pag-iwas sa Pagtatapon ng Basura sa Bakuran ng Iba A. Sanggunian: PELC 2.2, p. 10, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, pp. 37-40 B. Kagamitan: aklat, tsart, larawan Pagpapahalaga: Iwasan ang pagkakalat ng basura III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan - kuko 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano mo pinasasalamatan ang mga matatanda sa mga tulong na kanilang ginagawa? B. Balik-aral 1. Pagganyak Mga bata, tingnan ninyong mabuti kung ano ang ginagawa ng mga nasa larawan. Bakit nila ginagawa iyon? Isa ba itong mabuting gawain? 2. Paglalahad Pagbasa ng kuwento Matamis na Lansones 3. Pagtalakay 1. Sino ang may dala ng lansones? 2. Saan ito galing? 3. Ano ang napansin ni Maymay kay Rommel? 4. Gagayahin mo ba si Rommel? Bakit? 5. Tama ba ang naging pagsaway ni Maymay kay Rommel? Bakit? 4. Paglalahat Pagtatapon ng basuray iwasan Laloy sa ibang bakuran Pribado o pansariling pagmamay-ari Itoy dapat nating igalang 5. Paglalapat Magtatapon ka ng basura ninyo, may nakita kang karatulang nagsasabi na bawal magtapon ng basura dito. Pero may nakikita kang mga basura na naitapon doon. Makikitapon ka rin ba? Bakit? IV. Pagtataya Basahin, unawain at lutasin ang ang mga kalagayan. 1. Puno ang basurahan ninyo. May bakanteng lote sa likuran ninyo.Itatapon mo ba doon ang inyong basura? 2. Anoa ng mararamdaman mo kung may maglagay ng basura sa harapan ng iyong bahay?
30
I.
V.
3. Ano ang gagawin mo kung nakita mo ang kapatid mo na nagtatapon ng basura sa bakuran ng inyong kapitbahay? 4. Nakita mo na naglabas ng basurahan ang kapitbahay mo kahit wala pa ang trak ng basura. Ano ang gagawin mo? 5. Kayo ay naglakbay-aral sa museo, nakita mo ang iyong kamag-aaral na nagtapon ng balat ng kendi. Ano ang gagawin mo? Takdang Aralin Isaulo ito: Pagtatapon ng basuray iwasan Lalot sa ibang bakuran Pribado o pansariling pagmamay-ari Itoy dapat nating igalang.
31
Lesson 7 Layunin Naipakikita ang pakikipagdamayan sa kaibigan, kapitbahay/kabarangay-pagbibigay tulong sa mga nasalanta ng sunog o bagyo at iba pang kalamidad II. Paksang Aralin Pagbibigay Tulong sa mga Nasalanta ng Sunog o Bagyo at Iba Pang Kalamidad C. Sanggunian: PELC 1.2.3, p. 14, Likas na Pag-uugaling Pilipino 4, ph. 128-129 D. Kagamitan: aklat, tsart, larawan Pagpapahalaga: Ang taong marunong magbahagi sa kapwa ay tanda ng mabuting gawa. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan - kuko 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Mga bata, saan ninyo itinatapon ang inyong basura? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, tingnan ninyong mabuti kung ano ang ginagawa ng mga nasa larawan. Bakit nila ginagawa iyon? Isa ba itong mabuting gawain? 2. Paglalahad Pagbasa ng kuwento Ang Paskil sa Paaralan. 3. Pagtalakay 1. Ano ang nabasa ni Gina sa paskil ng paaralan? 2. Saan dadalhin ni Gina ang mga ibibigay niyang lumang damit at sapatos? 3. Tama ba ang ginawa ni Gina? ni Aling Marta? Ipaliwanag. 4. Gagayahin mo ba si Rommel? Bakit? 5. Tama ba ang naging pagsaway ni Maymay kay Rommel? Bakit? 4. Paglalahat Ang taong marunong maagbahagi sa kapwa ay tanda ng mabuting gawa. 5. Paglalapat May nanghingi ng tulong sa iyo para sa mga naputukan ng bulkang Mayon. Ano ang iyong gagawin? IV. Pagtataya Sumulat ng isang talata tungkol sa kung paano kayo makapagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng sunog, bagyo, lindol at iba pang kalamidad. V. Takdang Aralin Tandaan: Ang taong marunong magbahagi sa kapwa ay tanda ng mabuting gawa. I.
32
Lesson 8 Layunin Naipakikita ang pakikipagdamayan sa kaibigan, kapitbahay/kabarangay-pagdalaw sa maysakit II. Paksang Aralin Pagdalaw sa Maysakit A. Sanggunian: PELC 1.2.4, p. 14, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, ph. 241-245 B. Kagamitan: aklat, tsart, larawan Pagpapahalaga: Maipakita ang pagpapahalaga sa maysakit sa pamamagitan ng pagdalaw. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan - ngipin 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano ka makatutulong sa mga nasalanta ng kalamidad? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, tingnan ang larawan. Ano ang masasabi ninyo sa larawan? Paano tayo makatutulong sa mga taong maysakit? 2. Paglalahad Pagbasa ng kuwento Manggagamot o Albularyo. 3. Pagtalakay 1. Sino ang maysakit? 2. Kanino nagpagamot si Aling Lilia? 3. Kanino sinamahan ni Aling Naty si Aling Lilia? 4. Ano ang sakit ni Aling Lilia? 5. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi agad nadala sa doktor si Aling Lilia? 4. Paglalahat Pumunta kaagad sa doktor, nang di lumubha ang iyong karamdaman. 5. Paglalapat Mataas ang lagnat mo. Sinabi ng ate mo sa albularyo ka magpapatingin. Baka raw namatanda ka. Ano ang sasabihin mo sa ate mo? IV. Pagtataya Isulat ang D kung dapat mong gawin kung ikaw ay maysakit. Lagyan ng HD kung di mo dapat gawin. ________ 1. Uminom ng halamang gamot ________ 2. Sa albularyo magpagamot ________ 3. Uminom agad ng gamot na bigay ng doktor ________ 4. Hayaan na lang lumipas ang sakit ________ 5. Kumunsulta sa doktor V. Takdang Aralin Pamalagiing ang pagkonsulta sa doktor kapag may nararamdaman.
33
I.
Lesson 9 I. Layunin Naipakikita ang paggalang sa karapatang pagmamay-ari - pagtanggap na ang personal na kagamitan ay sariling gamit lamang Paksang Aralin Pagtanggap na ang Personal na Kagamitan ay Sariling Gamit Lamang A. Sanggunian: PELC 1.1, p. 11, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, pp. 25-28 B. Kagamitan: tsart, aklat, larawan Pagpapahalaga: Paggalang sa karapatang pagmamay-ari Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan - paa 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano mo pinasasalamatan ang mga matatanda sa mga tulong na kanilang ginagawa? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Lahat ba ng gamit na nasa inyo ngayon ay talagang pagmamay-ari ninyo? Ang suklay at damit mo ba ay puwede mong ipagamit sa kaklase o kaibigan mo? 2. Paglalahad Pagbasa ng tula Akin Lamang 3. Pagtalakay 1. Anu-ano ang binili ni Ina? 2. Bakit dapat gamitin ang mg sariling gamit? 3. Ano ang maiiwasan kung hindi naghihiraman ng mga gamit? 4. Ikaw ba ay may sariling gamit? Bakit? 4. Paglalahat Paghihiraman ay iwasan Lalot pansariling gamit Bahagi ito ng pansariling kalusugan 5. Paglalapat May ginagamit kang sipilyo para sa ngipin at ito ay personal mong gamit. Ito ba ay ipagagamit mo sa iyong kapatid na nanghihiram sa iyo? Pagtataya Ano ang gagawin mo kung: 1. Kailangan mo ng sepilyo ngunit naiwan mo ito sa bahay ninyo. 2. Magulo ang buhok mo. Nalaman mong wala kang suklay. 3. Nagutom ka sa kamping at wala kang dalang kutsara at tinidor. 4. Marumi ang medyas mo, nakita mong may malinis na medyas sa kabinet ng kuya mo. Kailangang magmedyas ka. 5. Marumi ang uniporme mo. Kailangang nakauniporme ka pagpasok. Takdang Aralin Isa-isahin ang mga gamit mo na hindi maaaring ipahiram at ipagamit sa iba. Isulat sa iyong kwaderno.
34
II.
III.
IV.
V.
Lesson 10 I. Layunin Naipakikita ang paggalang sa karapatang pagmamay-ari - Pagpapaalam muna sa may-ari kung may bagay na gagamitin. Paksang Aralin Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari-Magpaalam Muna sa May-ari Kung may Bagay na Gagamitin A. Sanggunian: PELC 1.2, p.11, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, ph. 29-32 B. Kagamitan: tsart, aklat, larawan Pagpapahalaga: Matutong magpaalam muna sa may-ari kung may bagay na gagamitin. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan- ilong 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Anu-ano ang mga bagay na pagmamay-ari mo na hindi pwedeng ipahiram at gamitin ng iba? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Paano mo iginagalang ang gamit ng kapwa mo? Bakit kinakailangan pang magpaalam kapag gusto mong gumamit ng bagy na pagmamay-ari ng iba? 2. Paglalahad Pakikinig sa kuwento ng guro Nawawalang Sapatos 3. Pagtalakay 1. Ano ang hinahanap ni Jerry? 2. Saan niya ito inilagay? 3. Sino ang gumamit ng sapatos? 4. Tama ba ito? Bakit? 4. Paglalahat Bagay na di sa iyo Huwag gamitin Nang walang paalam 5. Paglalapat Humiram ka ng kamera sa iyong kapatid. Ano ang nararapat mong gawin pagkatapos mong gamitin? Pagtataya Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Nakalimutan mong dalhin ang iyong bolpen. Magsusulat ka. Ano ang gagawin mo? a. Kukunin ang bolpen ng katbi nang walang paalam b. Hindi na magsusulat c. Manghihiram ng maayos sa katabi d. Lahat ng nabanggit
35
II.
III.
IV.
V.
2. May bagong laso ang iyong ate. Ibig mo itong gamitin. Ano ang gagawin mo? a. Magsasabi sa ate b. Itatago sa bag c. Gagamitin nang walang paalam d. Lahat ng nabanggit 3. Ibig mong gamitin ang bag ng iyong kuya pero nakaalis na siya. Ano ang gagawin mo? a. Gagamitin ito nang walang paalam b. Magsasabi sa nanay c. Ipagpaliban ang paggamit nito at magsasabi muna sa kuya d. Kukuhanin na lang sa lalagyan 4. Gusto mong hiramin ang tali sa buhok ng ate mo. Nagpaalam ka sa kanya pero hindi siya pumayag. Ano ang gagawin mo? a. Magsumbong sa nanay b. Irespeto ang kagustuhan ng ate c. Umiyak ng umiyak d. Awayin ang ate 5. May laro kayong balibol sa paaralan ngunit sira na ang sapatos mong goma. Gusto mong gamitin ang sapatos ng kuya mo. Saan ka magpapaalam? a. Sa kuya b. Sa ate c. Sa tatay d. Sa nanay Takdang Aralin Isaulo ito: Bagay na di sa iyo Huwag gamitin Nang walang paalam
36
Lesson 11 I. Layunin Naipakikita ang paggalang sa karapatang pagmamay-ari - pagbabalik sa may-ari ng mga bagay na hiniram II. Paksang Aralin Pagbabalik sa May-ari ng mga Bagay na Hiniram A. Sanggunian: PELC 1.3, p.11, Likas na Pag-uugaling Pilipino 4, ph. 95-96 B. Kagamitan: tsart, aklat Pagpapahalaga: Matutong magsauli ng anumang bagay na hiniram. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan- uniporme 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano ka nagpapaalam kapag ikaw ay may bagay na hihiramin? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sino sa inyo ang malimit manghiram ng gamit? Paano ninyo ito isinasauli? 2. Paglalahad Pakikinig sa kuwento ng guro Ang Pangako. 3. Pagtalakay 1. Saang bahagi ng kuwento naipakita ni Aldo ang pagiging matapat? 2. Anong uri ng mag-anak sina Mang Julio at Aling Chona? 3. Anong aral ang napulot sa napakinggang kuwento? 4. Paglalahat Isauli sa may-ari ang anumang bagay na hiniram sa lalong madaling panahon. 5. Paglalapat Humiram ka ng kamera sa iyong kapatid. Ano ang nararapat mong gawin pagkatapos mo itong gamitin. IV. Pagtataya Basahin ang mga tanong. Sagutin at ipaliwanag ito. 1. Naputol ang lapis ni Lani habang sinasagutan niya ang pagsusulit. Nanghiram siya sa kanyang kamag-aaral. Nang sila ay mag-uwian na naitago ni Lani ang hiniram na lapis. (3 puntos) 2. Sa klase ni Bb. Zurilla ay dalawang bata ang gumagamit sa isang aklat. Sa kahihila sa aklat ng katabi ni Carlito ay nasira ito. Ano ang iyong gagawin? (2 puntos) V. Takdang Aralin Tandaan: Isauli sa may-ari ang anumang bagay na hiniram sa lalong madaling panahon.
37
Lesson 12 I. Layunin Nakikilala ang pagmamalasakit ng iba para sa pansarili/pribadong pagmamay-ari II. Paksang Aralin Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari A. Sanggunian: PELC 2, p. 11, Kuwento -katha ng guro B. Kagamitan: tsart, aklat, larawan Pagpapahalaga: Paggalang sa karapata ng pagmamay-ari III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan - taynga 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Anu-ano ang iyong mga pansariling kagamitan? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Tingnan ang larawan, anu ang masasabi ninyo sa mga larawang ito? 2. Paglalahad Pagbasa ng kuwento Dahil sa Isang Bulaklak. 3. Pagtalakay 1. Ano ang nakita ni Arlene habang naglalakad? 2. Ano ang ginawa ni Arlene? Tama ba ito? 3. Ano ang masasabi nito kay Gng. Lumantog? 4. Ano kaya ang natutuhan ni Arlene sa naging karanasan niya? 4. Paglalahat Iwasang pumasok sa bakuran ng iba Nang walang pahintulot. 5. Paglalapat May nakita kang puno ng bayabas na hitik sa bunga ngunit hindi nababakuran. Malapit dito ang kubo ng may-ari. Ano ang gagawin mo? IV. Pagtataya Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot. Ano ang gagawin mo... 1. Inutusan ka ng nanay mo na magdala ng ulam kina Aling Sita. Walang tao sa labas. a. kakatok muna b. uuwi na lang c. papasok kahit walang tao d. lahat ng nabanggit 2. Pumunta ka kina Lilia dahil gusto mong makipaglaro. Nakita mong bukas ang pinto nila. a. kakatok muna b. papasok ng walang paalam c. tatayo sa may pintuan at tatawagin si Lilia sa malakas na boses d. lahat ng nabanggit
38
3. Manghihiram ka ng kawali sabi ng nanay mo sa kapitbahay ninyo. Walang tao pero ang kawali ay nakikita lamang. a. kukunin na lang b. sumigaw ng sumigaw c. babalik na lang kapag may tao na d. lahat ng nabanggit 4. Si Aling Juana ay may tanim na gamot sa sugat mo. Walang tao sa kanila. Hindi tumitigil ang daloy ng dugo sa sugat mo. a. sumigaw ng sumigaw b. umiyak ng umiyak c. umuwi at maghanap ng ibang gamot sa sugat d. lahat ng nabanggit 5. Inutusan ka ng nanay mo na pumunta sa kabilang barangay para kunin ang damit na ipinatahi niya. Kailangang-kailangan niya ng araw ding iyon. Ang mananahi ay pumunta sa palengke. a. hihintayin sa loob ang mananahi b. hintayin sa labas ng bakuran ang mananahi c. umuwi ng walang dala d. lahat ng nabanggit V. Takdang Aralin Isaulo: Iwasang pumasok sa bakuran ng iba Nang walang pahintulot.
39
Lesson 13 I. Layunin Naisasagawa ang ibat ibang paraan ng pakikilahok sa mga gawaing pangkultura-sumasali sa katutubong laro at sayaw. Paksang Aralin Pamanang Kultura - Sumasali sa Katutubong Laro at Sayaw A. Sanggunian: PELC 3.1.1, p. 12, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, pp. 10-13 B. Kagamitan: larawan, tsart, aklat Pagpapahalaga: Makiisa sa mga gawaing pangkultura. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-uniporme 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano mo maiiwasan ang pagtatapon ng basura sa bakuran ng iyong kapitbahay? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Anu-ano ang mga katutubong laro at sayaw ang alam ninyo? Alam pa ba ninyong laruin ang mga larong ito? 2. Paglalahad Basahin ang kuwento Mga katutubong Sayaw. 3. Pagtalakay 1. Saan namasyal ang mag-ina? 2. Anong palatuntunan ang pinanuod sa Luneta? 3. Anong sayaw ang nagustuhan ni Neneng? 4. Saan nagmula ang sayaw na ito? 5. Naibigan mo rin ba ang sayaw na singkil? Bakit? 4. Paglalahat Pagtatanghal na pangkulturay panoorin Nang tayoy mapukaw sa kaisipang makabayan. 5.Paglalapat Ano ang gagawin mo kung isa ka sa napiling sasayaw ng tinikling na gaganapin sa inyong lungsod. Maraming kaibigan at kakilala mo ang dadalo at higit sa lahat maraming mga banyaga ang darating bilang panauhin. Pagtataya Basaahin at sagutin ang mga sumusunod. 1. Napili kang kalahok sa pagsasayaw, ngunit mas ibig mong sumali sa katutubong laro. Ano ang gagawin mo? 2. Mamaya na ang palatuntunan. Sa pagmamadali mo ay nasunog ang damit na isusuot mo. Ano ang iyong gagawin? 3. Mahalaga ba sa atin ang kultura? 4. Ano ang kaugnayan ng mga katutubong sayaw,awit, duplo,atbp., sa kasaysayan ng bansa? 5. May paligsahan sa pag-awit sa inyong paaralan, ikaw at magaling umawit.Sasali ka ba?
40
II.
III.
IV.
V.
Takdang Aralin Isa-isahin sa kuwaderno ang mga nasalihan ninyong katutubong sayaw at laro simula nang kayo ay nag-aaral. Lagyan ng petsa at kung saan ginanap.
41
Lesson 14 I. Layunin Naisasagawa ang ibat ibang paraan ng pakikilahok sa mga gawaing pangkultura lumalahok/ nakikinig sa balagtasan, awitan atbp. II. Paksang Aralin Pamanang Pangkultura - Lumalahok / Nakikinig sa Balagtasan, Awitan Atbp. A. Sanggunian: PELC 3.1.3, p. 12, Kuwento-Sariling katha ng guro B. Kagamitan: aklat, tsart, larawan Pagpapahalaga: Ipagmalaki ang ating Kultura III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-uniporme 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Ano ang paborito ninyong katutubong sayaw? Dapat ba nating ipagmalaki ang ating kultura? Bakit? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Anu-anong gawaing pangkultura ang iyong nasalihan na? Ano ang pakiramdam mo? Bakit? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Haligi o Ilaw 3. Pagtalakay 1. Anong magandang panoorin ang sinalihan nina Ramon at Jessa? Ipaliwanag kung ano ito? 2.Ano ang nadama ng mga manonood? Patunayan. 3. Ikaw ba ay nakasali na sa ganitong panoorin? Saan? 4.Ano sa palagay mo ang naramdaman ng magkatunggali sa balagtasan? 5. Ibig mo bang sumali dito? Bakit? 4. Paglalahat Bigkasin ng sabay sabay ang tugma: Duplo man o balagtasan Kaysarap pakinggan Pamanang dapat ingatan Gintong bahagi n gating kasaysayan.
42
5. Paglalapat Isa ka sa mahinang mag-aaral sa sarili mo ay alam mong may mga bagay nahindi mo kakayanin. Subalit pinili ka ng isa sa mga guro mo na sumali sa awitan para sa darating na palabas sa paaralan ninyo. Ano ngayon ang mainam mong gagawin? Ipaliwanag ang iyong dahilan. IV. Pagtataya Basahin at sagutin. 1. May balagtasang gaganapin sa inyong pool. Manonood ka ba? 2. Nalaman mo na may palatuntunang balagtasan sa radio tuwing Sabado ng gabi. Makikinig ka ba? 3. Naghahanap ang guro mo ng magbabalagtasan, sasali ka ba? 4. Sinabi ng guro ninyo na makinig kayo sa balagtasan sa radio mamayang gabi. Susunod ka ba sa iyong guro? 5. Ang duplo ay isang uri ng balagtasan. Magpapalabas ng duplo ang guro mo. Sasali ka ba? V. Takdang Aralin Isaulo ito: Duplo man o balagtasan Kaysarap pakinggan Pamanang dapat ingatan Gintong bahagi ng ating kasaysayan.
43
Lesson 15 I. Layunin Naipakikita ang minanang kultura sa pamamagitan ng pagsulat ng liham II. Paksang Aralin Pamanang Pangkultura - Pagsulat ng Liham A. Sanggunian: PELC 3.2.2, p. 12, Likas na Pag-uugaling Pilipino 4, ph. 190-191 B. Kagamitan: aklat, tsart, larawan Pagpapahalaga: Ipagmalaki ang ating Kultura. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-ngipin 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Nakikilahok ba kayo sa mga pangkulturang palabas gaya ng balagtasan, awitan at iba pa? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Nakatanggap na ba kayo ng isang liham buhat sa isang kaibigan? Ano ang nilalaman nito? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Ang Liham ni Gloria 3. Pagtalakay 1. Kanino galing ang liham? 2.Anu-ano ang napnsin ni Gloria sa mga Pilipinong nasa Amerika sa kanyang pamamalagi roon? 3. Bakit humihingi ng mga larawan at babasahin tungkol sa Pilipinas si Gloria kay Lea? 4.Dapat bang ipagmalaki at ipagkapuri ang pagiging Pilipino? Bakit? 4. Paglalahat Kahit saan ka man naroroon, dapat ipagkapuri at ipagmalaki ang pagiging Pilipino. 5. Paglalapat Mayroon kang kaibigan na nasa ibang bansa. Nagpadala ka ng isang liham at mga larawan na nagpapakita ng mga katutubong sayaw at laro, mga kaugalian na minana pa natin sa ating mga ninuno. Labis ang kanyang pagkatuwa kaya sa susunod na buwan ay nasabi niya na siya ay pupunta sa Pilipinas. Ano ang gagawin mo? IV. Pagtataya Sumulat ng isang liham sa isang kaibigan na tumatalakay sa ibat ibang kultura ng ating bansa. (5puntos) V. Takdang Aralin Tandaan: Kahit saan ka man naroroon, dapat ipagkapuri at ipagmalaki ang pagiging Pilipino.
44
Lesson 16 I. Layunin Naipapakita ang minanang kultura sa pamamagitan ng paggawa ng album II. Paksang Aralin Pamanang Kultura _ Paggawa ng Album A. Sanggunian: PELC 3.2.5, p.12, Sariling Katha ng Guro ang Kuwento B. Kagamitan: tsart, album Pagpapahalaga: Ipamalas ang galing sa Paggawa ng Album III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-kuko sa kamay 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Paano kayo makatutulong sa paglilinis ng ating paligid upang maiwasan ang sakit? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Ipakita ang album na may laman na larawan. Ano ang tawag ninyo dito? Bakit kailangang may ganito tayo? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Ang Album ni Tatay. 3. Pagtatalakayan 1. Ano ang nakita ni Lito sa kabinet ni Tatay? 2. Mahalaga ba ito? 3. Ikaw, nakagawa ka na rin ba ng album? Tungkol saan? 4. Mahalaga ba ang kultura ng bansa? 5. Paano mo maipakikita ang kultura ng pook ninyo bukod sa paggawa ng album? 5. Paglalahat Tinipon natin sa isang album Mga gunita ng lumipas na panahon Isang ginintuang koleksiyon Di maglalahi, di itatapon 6. Paglalapat Kung ikaw ang papipiliin anong mga minanang kultura ang iyong kokolektahin at bakit? IV. Pagtataya Basahin, unawain at lutasin ang mga kalagayan. 1. Kung ikaw ang gagawa ng isang album tungkol sa ating magandang kultura, anu-ano ang ilalagay mo? 2. Bukod sa album, ano pa kaya ang kaya mong gawin na magpapatunay ng ating magandang kultura? 3. Kailangan ba ng isang batang tulad mo ang maging mulat sa kultura ng bansa? Bakit? 4. Bakit mahalagang malaman ang kultura natin? 5. Paano mo mapangangalagaan bilang bata ang ating kultura?
45
V. Takdang-Aralin Isaulo ito: Tinipon natin sa isang album Mga gunita ng lumipas na panahon Isang ginintuang koleksiyon Di maglalaho, di itatapon.
46
Lesson 17 I. Layunin Naipagpapatuloy ang nakaugaliang batarisan at palusong -pagliligpit ng basura II. Paksang Aralin Pagliligpit ng Basura A. Sanggunian: PELC 1.2, p.13, Likas na Pag-uugaling Pilipino 4, pp. 6-7 B. Kagamitan: aklat, tsart, larawan Pagpapahalaga: Gamitin natin nang wasto ang mga basurahan. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan - buhok 2. Pagwawasto ng gawaing - bahay 3. Balik-aral Anu-anong mga gawaing pangkultura tuland ng katutubong sayaw at laro ang nasalihan na ninyo? 4. Pagganyak Mga bata, saan ninyo dapat itapon ang mga basurang inyong pinagkainan? 5. Paglalahad Pagbasa ng kuwento Ang Basurahan 6. Pagtalakay 1. Ano ang dating anyo ng pamayanan ng Telacsan? 2. Ano ang iniisip ni gawin ni G. Ramos? 3. Ano ang ginawa ng mga matatanda nang makita ang paglilinis ng mga bata? 4. Nabago ba ang pamayanan ng Telacsan? Patunayan. 5. Paano kayo makatutulong sa pagbabago at pagpapaunlad nito? 7. Paglalahat Gamitin natin nang wasto ang mga basurahan. 8. Paglalapat Nakita mong marumi ang inyong bakuran. Ano ang iyong gagawin? IV. Pagtataya Sagutin ng Tama o Mali ang bawat pangungusap. 1. Itapon ang basura sa tamang basurahan. 2. Itapon kahit saan ang mga balat ng kendi at sitsirya. 3. Gumawa ng tatlong basurahan na inihihiwalay ang dahon, plastik at papel. 4. Gumawa ng hukay at doon ilagay ang basura. 5. Itapon ang basura sa bakuran ng kapitbahay. V. Takdang Aralin Itapon ang basura sa tamang basurahan.
47
Lesson 1 I. Layunin Nakikiisa sa pagtataguyod ng programa tungkol sa kaayusan at kalinisan ng kapaligiran. II. Paksang Aralin Pagtataguyod ng Programa Tungkol sa Kaaayusan at Kalinisan ng Kapaligiran A. Sanggunian: PELC 1.3, p. 15, Likas na Pag-uugaling Pilipino 4, ph. 12 - 13 B. Kagamitan: tsart, aklat, larawan Pagpapahalaga: Makiisa sa programa sa pagtataguyod sa kaayusan at kalinisan ng paligid. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-ngipin 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Saan ninyo itinatapon ang dumi ng inyong mga alagang hayop? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sa inyo bang pamayanan ay uso pa ang poso? Sinu-sino sa inyo ang may sariling poso sa bahay? 2. Paglalahad Pagbasa ng kuwento Ang Poso Artesyano. 3. Pagtalakay 1. Bakit mahalaga sa mga tao sa barangay ang poso artesyanong ito? 2. Paano ang pag-aalaga nila dito? 3. Bakit hanggang sa panahon na ito ay mahusay pa rin ang takbo ng poso? 4. Paglalahat Ang wasto at maingat na paggamit ng mga kasangkapan ay nagpapatagal sa silbi ng mga ito. 5. Paglalapat May mga luma na kayong kagamitan sa bahay ngunit ang mga ito ay napakikinabangan pa rin. Paano mo ito mapangangalagaan? IV. Pagtataya Gumawa ng limang pangungusap kung paano tayo makikiisa sa pagtataguyod ng mga programa tungkol sa kaayusan at kalinisan ng kapaligiran. (5puntos) V. Takdang Aralin Ilista sa kuwaderno ang mga pangalan ng halaman na nakapagbibigay luntian sa inyong kapaligiran?
48
Lesson 2 I. Layunin Nakatutulong sa pagpapanatiling ligtas ang kapaligiran upang malayo ang tao sa sakit II. Paksang Aralin Pagtulong sa Pagpapanatiling Ligtas ang Paligid Upang ang Tao ay Malayo sa Sakit A. Sanggunian: PELC 1.2, p. 15, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, pp. 260-264 B. Kagamitan: tsart, aklat Pagpapahalaga: Kooperasyon sa pagtutulungan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-buhok 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Ano ang ginagawa ninyo sa mga tuyong dahon at basura na nakalagay sa compost pit? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, ano ang masasabi ninyo sa larawang ito? Anu-anong katangian ng isang mag-aaral ang naobserbahan ninyo sa larawan ito? Bakit kinakailangan nating maglinis? 2. Paglalahad Pagbasa ng kuwento "Operasyon: Alis Sakit". 3. Pagtalakay 1. Ano ang nakapaskil? 2. Ano ang tawag sa proyektong inilunsad ng punongguro? 3. Paano nila isinagawa ang proyekto? 4. Nagtagumpay ba sila? Patunayan. 5. Ikaw, bilang bata paano ka makatutulong sa proyekto? 4. Paglalahat Ugaliin ang paggawa ng kusa Para sa kapakanan ng bansa 5. Paglalapat Sa inyong pamayanan may ipinaparating na anunsiyo galing sa punong bayan na may operasyon linis pamayanan. Ang mga nagtatrabaho sa pamayanan ninyo ay nagsisimula ng maglinis. Ano ang gagawin mo? IV. Pagtataya Basahin, unawain at lutasin ang mga kalagayan. 1. Nakita mong marumi ang inyong bahay. Hihintayin mo pa bang utusan ka ng nanay mo? 2. Pagdating sa paaralan, dali-daling nagwalis ng silid-aralan ni Lito. Anong uri ng bata si Lito? 3. Pagdating ng bahay, inuutusan ni Myrna na maglinis ng bakuran. Ngunit hindi sinunod ni Myrna ang kanyang nanay. Anong uring bata si Myrna ? 4. Nakita mong nagluluto ang iyong nanay. Naglilinis ng bahay ang ilang kapatid mo. Ano ang gagawin mo? 5.Nakita mong naglilinis ang iyong guro. Ano ang dapat mong gawin? V. Takdang aralin Isulat mo kung paano ka nakatulong sa mga gawain sa pamayanan ng kusang loob.
49
Lesson 3 I. Layunin Naipakikita ang komitment sa paggawa-patuloy na gumagawa kahit lagpas na sa takdang panahon II. Paksang Aralin Komitment sa Paggawa-Patuloy na Paggawa Kahit Lagpas na sa Takdang Panahon A. Sanggunian: PELC 1.1.1, p.17, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, ph. 254-258 B. Kagamitan: aklat, tsart Pagpapahalaga: Pagiging masipag sa ginagawa o trabaho III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan - kuko sa kamay 2. Pagwawasto ng gawaing - bahay 3. Balik-aral Paano ninyo mapananatiling malinis ang inyong paligid? Saan ninyo itinatapon ang inyong basura? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sino sa inyo ang may tatay na nagtatrabaho sa konstraksyon, pabrika at iba pa? Anong oras sila umuuwi ng bahay? Ano ang paliwanag ng tatay ninyo kapag gabi na siya umuuwi? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro "Proyekto ni Arlene" 3. Pagtalakay 1. Bakit pinulong ni Bb. Gonzales ang klase niya? 2. Ano ang ginawa ni Arlene? Bakit? 3. Bakit siyang-siya si Arlene ng matulog? 4. Kung ikaw si Arlene, magpupuyat ka rin ba? Bakit? 5. Ano ang mararamdaman mo kung lagpas na sa oras ay gumagawa ka pa rin? Bakit? 4. Paglalahat Dagdag na gawain Pagsumikapang gawin Kahit lagpas sa oras Atin ding tatapusin. 5. Paglalapat May gawaing bahay na ipinadala ang guro mo sa iyo. Dapat mong tapusin sa gabi para maibalik o maipasa mo sa kanya sa umaga. Kailangang-kailangan niya sa araw na iyon. Subalit ikaw ay antok na antok na. Ano ang gagawin mo?
50
IV. Pagtataya Basahin, unawain at lutasin ang mga kalagayan. 1. May gawaing bahay ka pang gagawin. Pagod ka na. Tatapusin mo ba ito? 2. May ginagawa kang panyo. Bukas ang bigayan nito sa inyong klase ngunit gabi na. Tatapusin mo ba ito? 3. Tapos ka ng maglinis ng bahay. Ngunit nakita mong tambak ang hugasin sa lababo. Ano ang gagawin mo? 4. Nakagawa ka ng pandakot sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan. Nakita mong wala kayong pandakot. Ano ang gagawin mo? 5. May takdang aralin kayo na kailangang ipasa bukas. Gagawin mob a ito? V. Takdang Aralin Isaulo ito: Dagdag na gawain Pagsumikapang gawin Kahit lagpas sa oras Atin ding tapusin.
51
Lesson 4 I. Layunin: Nakikta ang komitment sa paggawa sa ibat-ibang paraan - naipakikita ang kasiyahan sa anumang ginagawa II. Paksang Aralin Komitment sa Paggawa - Naipapakita ang Kasiyahan sa Anumang Ginagawa A. Sanggunian: PELC 1.1.2, P.17, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, ph. 186-189 B. Kagamitan: aklat, tsart Pagpapahalaga: Maging masayahin sa trabaho. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng Kalinisan - uniporme 2. Pagwawasto ng gawaing - bahay 3. Balik-aral Paano mo maipapakita ang komitment mo sa trabaho? Bakit kailangang tapusin ang trabaho kaagad kung puwede namang gawin bukas? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Masaya ba kayo sa mga gawaing ipinagagawa sa inyo? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro "Madali Pala". 3. Pagtalakay 1. Ano ang pinupuna lagi kay Udi? Bakit? 2. Tungkol saan ang araling tinalakay nila ng araw na iyon? 3. Ano ang nararamdaman ni Udi nang pagtinginan siya ng mga kaklase niya? 4. Ano ang ginawa ni Udi? Nasiyahan ba siya? Patunayan 5. Ikaw gagawin mo rin ba ang ginawa ni Udi? Bakit? 4. Paglalahat Anumang gawain Ay gagaan at matatapos Kung gagawin ng may kasiyahan 5. Paglalapat Inutusan ka ng nanay mo na mamalengke. Wala kang kaalam-alam sa pamamalengke. Ano ang gagawin mo? Ipaliwanag. IV. Pagtataya Basahin, unawain at lutasin ang mga kalagayan. 1. Sira ang damit mo. Isusuot mo ba ito? Ano ang dapat mong gawin? 2. Hindi ka marunong magsaing. Gutom ka na. Ano ang gagawin mo? 3.Natanggal ang butones ng damit mo. Ibig mong isuot ito. Ano ang nararapat mong gawin? 4.Pagod ka sa maghapong paglilinis. Ano ang mararamdaman mo kapag pinuri ng nanay mo ang iyong ginawa? 5. May dadaluhan kang handaan, nagkataong marumi ang mga damit panlakad mo. Wala rin ang nanay mo nang araw na iyon Ano ang iyong gagawin?
52
V. Takdang Aralin Isaulo ito: Anumang gawain Ay gagaan at matatapos Kung gagawin ng may kasiyahan.
53
Lesson 5 I. Layunin Nakikta ang komitment sa paggawa sa ibat-ibang paraan - gumagawa ng kusang loob ala-alang sa kabutihan ng nakararami. II. Paksang Aralin Komitment sa Paggawa - Gumagawa ng Kusang Loob Alang-alang sa Kabutihan ng Nakararami A. Sanggunian: PELC 1.1.3, p. 17, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 4, ph. 260-264 B. Kagamitan: tsart, aklat Pagpapahalaga: Maging masipag sa paggawa. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-taynga 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Ano ang mangyayari sa gawa kung ito ay may kasamang kasiyahan? Ano ang tawag sa batang ayaw utusan at hindi sumusunod sa utos? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, ano ang masasabi ninyo sa larawang ito? Anu-anong katangian ng isang mag-aaral ang naobserbahan ninyo sa larawan ito? Bakit kinakailangan nating maglinis? 2. Paglalahad Pagbasa ng kuwento "Operasyon: Alis Sakit" 3. Pagtalakay 1. Ano ang nakapaskil? 2. Ano ang tawag sa proyektong inilunsad ng punongguro? 3. Paano nila isinagawa ang proyekto? 4. Nagtagumpay ba sila? Patunayan. 5. Ikaw, bilang bata paano ka makatutulong sa proyekto? 4. Paglalahat Ugaliin ang paggawa ng kusa Para sa kapakanan ng bansa 5. Paglalapat Sa inyong pamayanan may ipinaparating na anunsiyo galing sa punong bayan na may operasyon linis pamayanan. Ang mga nagtatrabaho sa pamayanan ninyo ay nagsisimula ng maglinis. Ano ang gagawin mo? IV. Pagtataya Basahin, unawain at lutasin ang mga kalagayan. 1. Nakita mong marumi ang inyong bahay. Hihintayin mo pa bang utusan ka ng nanay mo? 2. Pagdating sa paaralan, dali-daling nagwalis ng silid-aralan ni Lito. Anong uri ng bata si Lito? 3. Pagdating ng bahay, inuutusan ni Myrna na maglinis ng bakuran. Ngunit hindi sinunod ni Myrna ang kanyang nanay. Anong uring bata si Myrna ?
54
4. Nakita mong nagluluto ang iyong nanay. Naglilinis ng bahay ang ilang kapatid mo. Ano ang gagawin mo? 5.Nakita mong naglilinis ang iyong guro. Ano ang dapat mong gawin? V. Takdang aralin Isulat mo kung paano ka makakatulong sa mga gawain sa barangay ng kusang loob.
55
Lesson 6 I. Layunin: Nagagamit ang mga patapong bagay/materyales na sagana sa sariling lugar sa paggawa ng mapapakinabangang produkto - paggamit ng pira-pirasong retaso, plywood. II. Paksang Aralin Gawaing Kamay-Paggamit ng Pira-pirasong Retaso,Plywood A. Sanggunian: PELC 1.1.1, p. 18, Kuwento - Sariling katha ng guro B. Kagamitan: tsart, realiya(pira-pirasong retaso) Pagpapahalaga: Pagiging produktibo III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan-sapatos 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Mga bata, kayo ba ay gumagawa ng kusang loob alang-alang sa kabutihan ng nakararami? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Anong alam mong ginagawa sa pira-pirasong tela o retaso? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Retaso 3. Pagtalakay 1. Sino si Aling Auring? 2. Ano ang trabaho niya? 3. Anu-ano ang nagawa nina Rosadel at Ana mula sa retaso? 4. Kung ikaw si Rosadel, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit? 5. May naisip ka rin bang proyekto mula sa patapong bagay? Anu-ano ito? 4. Paglalahat Gamitin sa kapaki-pakinabang na proyekto ang mga patapong bagay. 5. Paglalapat Ang kapitbahay mo ay mananahi, ibinibigay sa iyo ang mga retasong may magagandang kulay. Ano ang proyektong magagawa mo? IV. Pagtataya Basahin, unawain at lutasin ang mga kalagayan. 1. Nakita mo na may pabrika ng T-shirt sa pook ninyo. Tinatapon lang ang mga pira-pirasong retaso. Ano ang magagawa mong proyekto rito? 2. Koprahan ang hanapbuhay sa lugar ninyo. Ano ang naiisip mong proyekto mula sa tinatapong sabaw ng niyog? 3. Maraming basyo ng lata sa inyo,anong magagawa mo rito kapaki-pakinabang? 4. Sa may lugar ninyo ay may nagtitinda ng kawayan at yantok. Anong proyekto ang magagawa mo mula sa pinagtabasan nito? 5. Marami sa inyong laglag na tuyong dahon ng niyog,bilang isang mag-aaral ano ang kaya mong gawin sa patapong bagay na ito upang ikaw ay maging produktibo? V. Takdang aralin Gumawa ng isang proyektong galing sa plywood o retaso.
56
Lesson 7 I. Layunin Nagagamit ang mga patapong bagay/materyales na sagana sa sariling lugar sa paggawa ng mapapakinabangang produkto - bunot, balat ng mais, lata, goma, atbp. II. Paksang Aralin Gawaing Kamay-Bunot, Balat ng Mais, Lata, Goma atbp. A. Sanggunian: PELC 1.1.2,p.18, Kuwento - Sariling katha ng guro B. Kagamitan: tsart, realia-bunot, balat ng mais, goma, lata Pagpapahalaga: Pagiging Produktibo III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan - ilong 2. Pagwawasto ng gawaing-bahay 3. Balik-aral Anu-anong mga patapong bagay ang matatagpuan sa inyong pamayanan? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Anong pwede mong gawin sa mga basura tulad ng bunot, balat ng mais, lata o goma? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Pakinabang sa Basura. 3. Pagtalakay 1. Ano ang ipinagawa ni Gng. Joble? 2. Anu-ano ang nagawa ng mga bata? 3. Ikaw, may naiisip ka rin bang proyekto mula sa mga patapong bagay na naiiba? Ano Ito? 4. Ano pang binabalak mong gawin? Bakit? 5. Magdala ng mga bagay mula sa mga patapong bagay? 4. Paglalahat Mag-isip, magplano, at gumawa ng mga proyektong kapaki-pakinabang mula sa mga patapong bagay. 5. Paglalapat Gusto ng nanay mo na itapon ang mga natirang straw ng softdrinks. Anong sasabihin mo sa kanya? IV. Pagtataya Basahin, unawain at lutasin ang mga kalagayan. 1. May nagtitinda ng mais sa may inyong lugar. Alam mong may proyekto kang magagawa mula sa balat ng mais. Ano ang gagawin mo? 2. Ang kapitbahay ninyo ay nagtinda ng niyog sa palengke. Tinatapon lang nila ang sabaw nito. May naisip ka bang proyekto mula sa sabaw nito. May naisip ka bang proyekto mula sa sabaw ng niyog? Ano ito? 3. Malapit sa mga pagawaan ng mga basket at bag mula sa yantok. Nakita mo marami silang piraso ng yantok na itinatapon. Ano ang gagawin mo?
57
4. Sa may lugar ninyo ay may nagtitinda ng kawayan at yantok. Anong proyekto ang magagawa mo mula sa pinagtabasan nito? 5. Marami sa inyong plastik na bote na pakalat-kalat lang. Anong proyekto ang magagawa mo sa mga boteng ito? V. Takdang aralin Gumawa ng isang proyektong gamit ang mga basurang bagay.
58
Lesson 8 I. Layunin Nagagamit ng lubusan ang sariling kakayahan sa paglikha ng mapakikinabangang produkto mula sa mga materyales. II. Paksang Aralin Gawaing Kamay-Paglikha ng Napakikinabangang Produkto Mula sa mga Materyales A. Sanggunian: PELC 1.2, p.18, Kuwento - Sariling katha ng guro B. Kagamitan: tsart Pagpapahalaga: Pagiging malikhain III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan - buhok 2. Pagwawasto ng gawaing - bahay 3. Balik-aral Mga bata, ano ang magagawa ninyo sa mga patapong bagay tulad ng balat ng kendi at balat ng sitsirya? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Anong produkto ang magagawa ninyo mula sa kawayan? Paano ginawa ang mga produktong ito? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Ang Exhibit. 3. Pagtalakay 1. Anong mayroon sa labas ng silid ni Gng. Eleazar? 2. Bakit sila nagkakagulo? 3. Sino ang nanalo? Bakit? 4. Kung ikaw ay isa sa mga mag-aaral ni Gng. Eleazar, ano kaya ang iyong lilikhain? 5. Ano ang mararamdaman mo kung iyong proyekto ang napiling nanalo sa patimpalak? 4. Paglalahat Mga produktong nilikha Ng sariling kakayahan Dapat pagyamanin at ipagmalaki 5. Paglalapat Anong kapaki-pakinabang na produkto ang iyong maaring magawa mula sa balat ng itlog? Ipaliwanag. IV. Pagtataya Basahin, unawain at lutasin ang mga kalagayan. 1. Binigyan ka ng mga materyales ng iyong guro. Sinabing lumikha ng isang bagay na kapaki-pakinabang mula rito.Gagawin mo ba ito o hindi? 2. Nagpunta ka sa isang exhibit.Nakita mo ang ibat-ibang likhang produkto. Gagayahin mo ba ang mga ito? 3. Sa iyong palagay, kaya mo rin bang lumikha ng sariling produkto? Patunayan
59
4. Maraming kaligay sa inyong lugar. Anu-ano ang maaari mong gawin mula rito? 5. Binigyan ka ng ideya ng iyong guro na kung ano ang maaaring gawin mula sa mga materyales sa iyong paligid. Gagawin mo ba ito? V. Takdang Aralin Gumawa ng produkto mula sa mga patapong bagay.
60
Lesson 9 I. Layunin: Nakagagawa ng produkto mula sa mga patapong bagay nang matipid/masinop II. Paksa Gawaing Kamay- Nakagagawa ng Produkto mula sa mga Patapong Bagay nang Matipid/Masinop A. Sanggunian: PELC 1.3, Kuwento - sariling katha ng guro B. Kagamitan: tsart Pagpapahalaga: Gumawa ng matipid at masinop III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Bahaginan Pagsusuri ng kalinisan - ngipin 2. Pagwawasto ng gawaing - bahay 3. Balik-aral Anu-anong mga patapong bagay ang nagamit na ninyo para makagawa ng isang produkto? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, nakapanuod na ba kayo sa isang exhibit na katulad ng nakikita ninyo sa larawang ito? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng guro Tiangge. 3. Pagtalakay 1. Ano ang ipinagdiriwang nila? 2. Paano nila ito ipinagdiwang? 3. Ano ang ginawa nila Lito? 4. Ano ang ginawa nila Marie? 5. Ilarawan mo ang ginawa ng ibang bata? 6. Sa iyong palagay, kapaki-pakinabang ba ang pagdiriwang na ito? Bakit? 7. Sasali ka ba sa ganitong gawain? 4. Paglalahat Produktong gawa sa patapong bagay Na maayos at matipid Dapat ipagmalaki ng buong kasiyahan 5. Paglalapat Anong produkto ang maari mong magawa mula sa mga boteng plastik? Ipaliwanag. IV. Pagtataya Basahin, unawain at lutasin ang mga kalagayan. 1. Mahirap gawin ang naiisip mong proyekto at walang mabiling gamit. Gagawin mo pa rin ba ito? Bakit? 2. Sagana ang lugar ninyo sa mga yantok at kawayan. Balak mong gumawa ng produktong hindi gumagamit ng yantok at kawayan. Itutuloy mo pa rin ba ito? Bakit? 3. Mananahi ang nanay mo anong patapong bagay ang sagana sa inyo. Anu-ano ang magagawa mo rito?
61
4. Kayo ay malapit sa dagat, anong proyekto na galing sa dagat ang puwede mong gawin? 5. Maraming buli na di kalayuan sa inyong bahay.Anong proyekto ang maaari mong gawin sa mga buli? V. Takdang-Aralin Gumawa ng produktong galing sa alat ng itlog, dyaryong luma at iba pa.
62