Ang Kwento NG Aking Buhay
Ang Kwento NG Aking Buhay
Ang Kwento NG Aking Buhay
Pawis at dugyot na kami bago pumasok sa paaralan minsan nahuhuli din kami
sa klase. Kapag umuulan tuwing uwian iniiwan namin sa loob paaralan ang aming mga
bag at iba pang gamit upang hindi mababasa sa ulan sapagkat mahirap gumamit ng
paragwas dahil matataas ang damo ng aming dadaanan at maraming parang na
pwedeng dahilan ng pagkasira ng paragwas. Tuwing sabado lahat kami nagagapas sa
aming taniman. Taong 2000 ay nagdesisyon ang aking mga magulang na
mangungupahan ng lupa na malapit sa paaralan upang magtayo ng bahay at lalagyan
ng mga paninda.
Noong naka graduate ang ate ko ng elementarya kasalukuyang ding wala pang
paaralan ng secondary samin noon. Meron sa kabilang baryo pa at tatawid pa ilog na
kung minsan kapag umuulan ng malakas ay di kayang tawirin sapagkat malaki at
malakas ang agos ng ilog. Kaya minsan hindi siya nakaka uwi at sa paaralan nalang
natutulog hinahatiran nalang ng damit at pagkain kinabukasan sapagkat wala pang
tulay sa kapanahunan na yaon. Kaya nung natapos niya ang first year nag desisyon
nalang siyang mag working student upang hindi na siya maglalakad ng malayo at
maiwasan din ang piligro sa sitwasyon na ganun.
Taong 2007 nasa first year high school na ako at dahil malayo ang paaralang ng
secondary sa amin naglalakad ako ng 3 tatlong oras at tatawid ng ilog bago makarating
sa paaralan ng secondary. Doon ko naranasan na makikisalamuha ng ibang tao,
naranasan ko na tinutukso na taong bundok kaya minsan yun ang pasimuno ng gulo
sapagkat sapagkat di naman ako papagyag na tinutukso at inaapi. Doon ko natutunan
na habaan ang pasensiya at marunong makikipag kapwa. Ngunit matapos ang isang
linggong paglalakbay napagod na rin ako kaya hindi na ako pumapasok pati na ang
aking mga kaklase na nanggagaling rin sa aming barangay nasa 30 kami lahat.
Nagdesisyon ang local na pamahalaan na magtayo ng pansamantalang paaralan ng
secondary sa barangay namin. Sobrang tuwa ko nang mabalitaan ko iyon sapagkat
malapit na ulit sa amin ang paaralan ng secondarya na gawa sa kahoy at nipa. Dahil
pansamantala palang wala pa itong pader (Open Area), kaya pag umuulan at malakas
ang hangin tigil muna aming klase. Minsan kapag umuulan ng malakas wala kaming
pasok dahil malaki ang ilog at hindi makakatawid ang mga guro papunta sa amin
sapagkat nangagaling pa sila sa siyudad. Ganun ang sitwasyon hanggang sa
nadagdagan pa ang silid aralan ng 2 nd year, 3rd hanggang. Taong 2010 nakapagtayo na
ng kongkretong silid paaralan at kasalukuyang nasa 4rth year na ako.
At dahil doon tuluyan na akong tumigil at umuwi ako sa amin sa bukid. Hindi
naman ako mapakali sa amin at may mga manliligaw sa bahay hindi ko naman sila
hinarap. Dahil doon natatakot din ako na baka makapag asawa ako ng maaga at hindi
nag laon bumalik ulit ako sa siyudad upang maka iwas sa gaanong sitwasyon at
namamasukan bilang isang katulong upang makapag-ipon ng pera. Dahil plano ko na
mag aaral ulit sa susunod na semester. Ngunit dahil hindi maganda ang ugali ng amo
kung babae umalis ako, Kalahating buwan lang ang itinagal ko sa kanila at naghanap
ako ng ibang mapapasukan. Hindi alam ng mga magulang ko na palipat lipat ako ng
pinagtratrabaho-an dahil ayaw kung mag alala sila sa akin.
Yong nagiging pangalawa kung amo wala namang problema mabait sila
tinuturing nila akong pamilya nila sakto ang sweldo at pagkain. Pagdating ko sa kanila
malakas ang ulan noon at sinundo ako ng apo ng amo ko na lalake at magkasing edad
kami. Unang gabi ko palang doon iba na ang radar ko. May dala dala kasi akong rosary
na kulay blue kasi yun ang paborito kung kulay. Nakaramdam ako ng takot, dahil
parang may mga ibang spirit na nakatira doon sa bahay at iba talaga ang pakiramdam
ko sa lugar nila. Patay na ang asawa ng amo ko may anak siyang tatlo dalwang babae
na may mga asawa na at isang lalake na seaman at binata pa. Natatakot din ako dahil
napapaligiran ng mga lalaki sa bahay nila anak, apo at pamangkin ng amo ko. Minsan
kami naiiwan sa bahay nung anak niyang lalaki at apo niya. Syempre bilang isang
babae nakakatakot talaga. Hindi nagtagal nag offer sila na papasukin nila ako sa private
school kung saan pumapasok ang apo niya. Pero hindi ako pumayag dahil
magkakasabay kami nung apo niyang lalake. Naramdaman ko kasi na parang may iba
sa kanila. Kitang kita ko na parang pinag kaisahan nila ako. Nakalipas ang ilang mga
araw pinupuri ako ng amo kung babae ganun ganyan, tapos iginala nila ako sa malaki
nilang lupain at palayan. Naininis lang ako dahil tinutukso nila ako doon sa anak niya at
sa apo niyang lalake.
Lumipas ang ilang lingo nagdesisyon ako na mag paalam at aalis. Maghanap
nalang ako ng ibang mapapasukan dahil wala naman akong balak mag asawa at mag
boyfriend sa panahon na yun ang gusto ko lang makapag aral ulit. Ngunit hindi ako
pinayagan kaya naghanap ako ng paraan upang tuluyan na akong makaalis. Nag
drama ako na pupunta akong maynila kukunin ako ng kapatid ko at doon ako papa
aralin kahit hindi naman yun na ata ang pinakamalaking kasinungalingan ko na nagawa
ko sa tanang buhay ko. Naawa naman ako sa mo kung babae at umiiyak siya habang
paalis na ako. Isang buwan ang itinagal ko sa kanila.
Mga ilang ara may tumawag sa kaklase na tiyahin niya daw ay nangangailangan
ng kasambahay sa maynila urgent. At inu offer sa akin ngunit naalala ko na sinabi ng
mga magulang ko na wag na wag daw ako pumunta ng maynila dahil nadala na sila sa
ate ko na pumunta ng maynila pag uwi wala namang na ipon na pera. Tapos nag aral
ulit at ginastusan naman ng mga magulang ko hanggang sa bumagsak ang kaunti
naming negosyo at na sangla na rin ang ibang tanim at lupain. Nabaon pa kami sa
utang kaya pahirapan ang mga magulang ko kung ano ang uunahin ang pag aaral ko
ba o yong mga utang muna. Sa awa ng diyos nakatapos naman ang ate ko. Ngunit ang
masaklap hindi nagbalik ng utang na loob at hindi na nagparamdam ng nakapunta ulit
ng manynila pagkatapos paaralin. Ni hi, hello o kumusta wala.