Hindi Niya Ako Binigo

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

JAVIER, Gwen Maria Feliz F.

March 4, 2011

AB in Liacom – 4

Hindi Niya Ako Binigo.

“It’s a girl!” wika ng doctor. Dalawampu’t taon na ang nakalipas at naalala ko pa

ang mga pangyayari palaging binabangit nina mama at papa no’ng ako ay pinanganak.

Inakala ng lahat na ako ay isang lalaki kaya naging mas namangha ang lahat no’ng ako

ay nakita. Naalala ko din nong isang taong gulang palang ako na pilit akong

pinapalakad ni papa at sinasalo sa kabilang dulo. Kailanman ay hindi ko naramdaman

ang takot dahil alam ko na sa tuwing ako ay mahuhulog, handa akong saluhin ni papa

at kailanman, hinding hindi niya ako pinabayaang nag-iisa. Naalala ko din na ginawan

niya ako ng damit gamit ang manila paper at kaming dalawa ay naging parang taong-

tribu sa aming mga suot. Hindi rin niya pinapalipas ang paborito kong palabas sa

telebisyon at sabay kaming kumakanta tuwing lumalabas si Captain Planet.

Ilan lang ang mga ito sa mga bagay na ginagawa ni papa sa amin. Parati niyang

isinasapuso ang lahat ng aming gustong makuha magkapatid at binibigyan niya ito ng

panahon upang ito ay matanggap namin. Hindi man sa lahat ng pagkakataon na

binibigay niya sa amin ang lahat ng aming inaasam, pero hindi niya kami pinadama na

hindi kami importante. Kahit kailan, hindi nagkulang si papa sa amin. Kahit kailan, hindi

niya kami binigo.

1
Isang araw, lumipat kami ng bahay na malayo sa aking nilakihan. Hindi ko

inakala, na dala sa aming paglipat ang kaibahan ng takbo ng aming kinagisnan.

Gumising ako sa isang umaga at nalaman ko nalang na hindi namin tabi si papa sa

pagtulog. Sa katunayan, ay sa telepono ko nalang siya nakakausap. At kung minsan ay

hindi ko na siya naabotan galing sa eskwela. Hindi ko pinansin ang kaibahan na

nangyayari sa amin. Ang tanging alam ko lang na kompleto ang pamilya, hindi nga lang

nagsasama. Binabalewala ko ang kakulangan sa aking puso. Ako’y bata palang at ni

minsan ay hindi ko pilit iniitindi ang mga problemang pangmatanda. Ang tanging alam

ko lang ay gumuhit ng mga bulaklak sa amung bubong.

Naalala ko pa noon, tuwing Linggo, inaabangan ko si papa sa labas ng gate.

Alam ko na hinding hindi niya makakalimutan na bisitahin kami sa bahay at sabay

kaming kumukain ng tanghalian. Tinulungan ko si mama maghanda, at ako mismo ang

nagbubukas ng softdrinks na dala ni papa. “Anak, ikaw na ang mamuno sa dasalan”

wika ni papa. Sa walang pagaalinlangan, winika ko ang dasal para sa aming handa. Ito

ang mga iilan lang sa mga pagkakataon na masaya ako. Nakikita ko na masaya at buo

ang aming pamilya. Hindi ko rin makakalimutan ang panahon na dinala ako ni papa sa

amung bakuran at sabay kaming sumagot ng Crossword sa isang newspaper. Ito ang

aming libangan tuwing kami ay magkasama at hindi ko ito pinapalipas. Siya ang

sumasagot sa lahat ng mga hinahanap sa laro at kung ito ay matapos, binibigay niya

ang lahat ng papuri sa akin. Kung baga, pinapakita niya na ako ang pinakamagaling sa

Crossword. Pero sa katunayan, ako lang ang tagasulat ng mga sagot na kanyang

dinidikta. Dulot na rin sa sabik na makasama si papa, pinapakita ko sa kanya ang aking

2
mga gawa bilang kabilang sa CATALYST (official school publication) sa aming

eskwelahan. Lahat ng mga write-ups namin magkapatid ay ginugupit niya isa isa at

nilalagay ang lahat sa kanyang malaking bulsa. Hindi ko alam saan niya ito dinadala,

ang tanging nararamdaman ko lang ay pinagmamalaki niya kami nang sobra.

Hindi ko rin makakalimutang ang araw na tinawagan niya ako galing sa opisina

at pinapahanda ako dahil bibisitahin niya kami sa bahay. Iyon ay isang pangkaraniwang

araw lamang at hindi mo maaasahan na may magandang mangyayari sa araw na iyon.

Nong narinig ko ang sasakyan sa labas ng bahay agad kong pinuntahan si papa sa

labas dala ang malaking payong dahil umuulan sa araw na iyon. Sa aking

pagkamangha, binuksan nila ang gate na parang may malaking sasakyan na ipapasok

sa loob. Yon pala, binilhan na ako ni papa ng bisikleta na limang taong gulang pa lang

ako, ay ibig ko na itong matanggap galing sa kanya. Habang nilinisan ko ang bago kong

laruan, parati niyang binibilin sa akin na mag-ingat sa tuwing nagbibisikleta. At simula

sa araw na yon, sinisugurado ko na habang nakikipaglakwatsa kasama ang mga

kaibigan, parati isasapuso ang sabi ni papa na mag-ingat sa lahat ng pagkakataon. Sa

pangakong bibigyan niya ako ng bisikleta, hindi niya ako binigo.

May isang panahon din sa aking buhay na ako ay nadapuan ng sakit na Dengue

at kinakailangan na ako ay dalhin sa ospital. Naging matamlay ako sa panahon na

iyong at lahat ng pamilya ko ay natataranta na. Doon ko napansin ang pagmamalasakit

ni papa at kailanman ay hindi niya ako pinabayaan. Nalaman ko na lang sa kaibigan ko

na sabay kong naospital, na pinuntahan ni papa ang tatay niya at doon umiyak dahil sa

3
takot na may masamang mangyari sa akin. Dinadalhan niya ako ng mga pagkain na

gusto ko at hindi nakakalimutan ang pagpapa-inom niya sa aking ng gamot tagalipas ng

apat na oras. “That’s my girl” ang parating sinasabi niya tuwing nagiging malakas ang

loob ko na inumin ang walang lasang gamot na sinasabi nilang makakatulong sa aking

kondisyon. Hindi kailanman nawawala si papa sa tabi ko. Doon ko rin nakita ang

pagmamahal sa aking ng aking mga magulang at paano sila nagtutulungan upang ako

ay madaling gumaling. Habang tumatagal ay unti-unti gumaan ang pakiramdam ko at

unti unti ko rin nakukuha ang sigla ko. Marahil ito ay dahil sa kakaibang aruga na

pinapakita nila sa akin.

Nasa ika-unang baitang ako sa Highschool at doon ko naranasang magloko.

Hindi ko gaanong sineryoso ang pagsisipag kaya lahat ng marka ko sa card ay pababa

nang pababa. Mas tinuntunan ko ng pansin ang barkada at napabayaan ko na ang

eskwela. Ganito talaga pagpumapasok sa bagong kapaligiran, gusto mong

maggalugad. Naalala ko pa nong pinakuha sa mga magulang ang Report Card ng

estudyante, takot na takot ako dahil alam ko mismo na hindi ko naibigay ang lahat ng

kakayahan ko. At, hindi nga ako nagkamali, binigyan ako ng 77 sa aming guro at

binalaan na ito ay magiging 74 kung hindi pa ako magbabago. Okay na sana ang lahat,

kaso nakita ko si papa na hinawakan ang Report Card ko. Alam ko sa pagkakataong

iyon ay galit na galit siya at hindi niya inasahang aabot ako sa ganyang kababa na

marka. Pero nong nilapitan ko siya, hinawakan niya ang kamay ko sabay sabi, “Anak,

hindi ako naniniwalang hindi mo ‘to kaya”. Hindi ko napigilang umiyak. Alam kong

pwede niya akong sumbatan at kainisan. Pagsasabihan at pagalitan. Ngunit, pinili

4
niyang maging tahimik. Mas ginusto niyang himukin ako at pinapatunayan na ma’y

bukas pa, may oras pa akong magbago.

Mula noon ay binibigay ko na ang lahat ko sa pag-aaral. Sinisigurado ko na

hinding hindi ko pwedeng mabigo si papa. Pero habang ako ay lumalaki, mas naging

malalim ang aking pagiisip. Minsan ay kinkwesyon ko kung bakit pinapahirapan pa ni

papa na magpapalipas ng araw malayo sa amin na pwede naman siyang tumira

kasama namin. Kung bakit kompleto ang pamilya ng akin mga kaklase at hindi ko

naranasan na hintayin si papa na dumating galing trabaho at nakikita siyang natutulog

katabi namin. Habang tumatagal, mas naging komplikado at hindi ko naiintindihan. Bakit

nga ba wala siya?

“Maiwan ka lang dito sa bahay, Anak. Pupunta kami ng Maynila kasama ang

kapatid mo.” Ang mga salita ni mama. Oktubre ng araw na iyon at sa kaunahan

pagkakataon, hindi ko nakasama sina mama at ate sa loob ng tatlong araw. Hindi ko

inasahan na sa tatlong araw na iyon ay ang tatlong magagandang araw na hinding hindi

ko makakalimutan. “Habang kami ay wala, pinapunta ko si papa dito sa bahay upang

masamahan ka” dagdag ni mama. Matagal ko na talagang ibig makasabay si papa kahit

sa tatlong araw lang. Sa tuwa, tinulungan ko si yaya maghanda at nilisan ko ang bahay

agad. Nong pumunta na sila sa Maynila. Umuwi ako galing sa eskwela na wala

pagaalinlangan. Sa bilis ko ay nakalimutan ko ng magpaalam sa aking mga kakaklase.

“Matutulog sa bahay namin si papa!” ang parating nasa isip ko habang tumatakbo.

Pagdating ko sa bahay, naabotan ko si papa nakangiti at dali daling nilapitan ko siya at

5
niyakap. “Kumusta ang klase?” tanong niya. “Ok lang pa. Alam mo ba, nakakuha ako ng

malaking marka sa Math kanina “ ang mayabang kong sagot. Makikita ko kung gaano

kasaya si papa sa tuwing nalalaman niya na kami ay nagsisipag sa pag-aaral. At sa

gabi iyon, ay naglaro lang kami habang patapos ang gabi. Walang makahiwalay sa

aming dalawa dahil sa aming walang tapo na kasiyahan. Pumunta si papa sa silid at

sinabi na mauuna siyang matutulog. Ilang oras ang nakalipas at sinundan ko rin siya.

Nakita ko siyang mahimbing na nakatulog at sa pagkakataon iyon, ay yinakap ko siya

nang mahigpit. Hindi ko inaasahan na ako ay magiging emosyonal sa mga oras na iyon,

Ang alam ko lang ay napakasaya ko dahil sa wakas katabi ko si papa sa pagtulog. Ang

tanging hiling ko nong bata palang ako. Ako ang pinakamasayang bata sa tatlong araw

na iyon. Alam ko na alam niya na sabik na sabik akong makasama siya at sa

pagkakataong iyon, hindi niya ako binigo.

Ilang araw ang lumipas at parang kaaiba ang Linggong iyon. Sabik na sabik

akong makita si papa. Nong dumating siya, ay agad na niyakap ko siya nang mahigpit

na mahigpit. Lumabas kami sa bahay at nagbike kami. Pinuntahan namin ang kaibigan

niya na katrabaho niya at naglaro kami sa aming libangan, ang Crossword. Nong

kailangan na siyang umuwi, yinakap ko siya na parang ayaw ko na siyang bitawan.

Kung pwede pa siyang patirahin ulit sa bahay, matagal ko na itong ginawa. Martes ng

Linggong iyon ay hindi ako nakauwi kaagad. Hindi ko natanggap ang tawag ni papa sa

gabing iyon. Hindi ko alam, na ‘yon na sana ang huling pagkakataon na kami ay

makakapag-usap. Miyerkules ng umaga, gumising nalang ako isang araw at wala na

sina mama at ate sa bahay. Pilit kong matulog ulit kaso hindi ko magawa. Ilang oras

6
ang nakalipas, umuwi narin sina mama sa bahay at sinabihan ako sa balita kinagimbal

ko. “Anak, nasa ospital si papa. Dinala siya sa ICU kagabi” Hindi ko man alam ang mga

medical na salita na ginagamit nila, pero alam ko na kapag ang pasyente ay dinadala

sa ICU, marahil ay malala na ang kanilang kalagayan. Bilang pinakabata sa pamilya,

umiyak nalang ako. Hindi ko alam ano pa ang pwedeng magawa ko. Nandoon si papa

pero sa kasamaang palad, hindi ko na siya pwede makausap.

Agad ay pumunta kami sa ospital. Nanginginig ako sa takot at hindi ko lubos

maisip ang mukha ni papa na naghihirap. Nang dumating kami sa ospital, walang

pagdadalawang isip, pumasok ako sa silid kung saan nakita ko si papa na walang kibo

at mayroon tubo nalang na nakasabit sa kanyang bibig. Mas naging maamo ang

kanyang mukha dahil tumaba siya nang konti, at tinanggalan siya ng balbas marahil

dahil sa mga tubo na pilit ikinakabit sa kanya. Makikita mo rin ang mga hindi

ordinaryong kagamitan na nilalagay upang makatulong sa kondisyon ni papa. Oxygen

nalang ang tanging bagay na gumagalaw sa silid na iyon. Ni pagbuka ng mga mata ni

papa ay hindi mo mapansin. Siya ay wala imik. Siya ay naghihirap. Siya ay

kasalukuyang Comatose.

Simula sa araw na iyon, mas naging matatag ako. Ang pag-iyak at pagiging

malungkot ay hindi nakakatulong sa kondisyon ni papa. Iniwasan ko na makita ako nila

mama at ate tuwing ako ay umiiyak. Alam ko na hinding hindi kami iiwan ni papa at

kailanman, hindi niya ako binigo. Sa pagkakataon iyon, doon namin nalaman na inatake

pala si papa sa puso at matagal na niyang dinadala ang karamdamang ito. Nong una

7
ayaw niya itong pinapakita sa amin dahil ayaw niya kaming nalulungkot sa kalagayan

niya. Dito rin namin nalaman na siya ay nakatira sa bahay nila Tiyo Manuel upang

taguin ang kanyang karamdaman. Ni isang kamag-anak ay hindi niya pinahintulutan na

sabihin sa amin ang tunay na kondisyon niya. “Gagaling din ako, huwag nalang natin

silang pahirapan” ang palaging sinasabi niya. Nong pinuntahan namin ang kanyang

mga katrabaho, pinakita nila sa amin ang mga newspaper articles na ginugupit ni papa

sa ibabaw ng kanyang lamesa kung saan ito ay nilalagay sa maliliit na mga frames.

Sabi pa nga ng isang kasamahan niya, sa tuwing may dinala si papa na gawa namin

magkapatid, ay ipinagkalat niya ito sa lahat ng kanyang mga katrabo at isa isang

binabasa niya ito kahit sa gitna ng maraming gawaing pangopisina. “Mahal kayo ng

papa niyo. Palagi niyang dinadasal sa Diyos na kahit hindi ninyo siya makasama, hindi

kayo pababayaan Niya”

Tatlong mahihirap na araw kaming nagaabang sa kondisyon ni papa.

Kinailangan siyang operahan sa puso at maari lamang itong magawan ng paraan kung

magalaw na ni papa ang kanyang katawan. Marahil ay umiiwas lamang ang mga doctor

sa anumang possibleng mangyari dahil possible din na siya ngayon ay nastroke.

“Magdasal nalang tayo na hindi maging malala ang kondisyon ng pasyenta,” batid ng

doctor. Pinilit kong pumasok sa eskwelahan at nagpapangap na okey lang ang lahat.

Pinapakita ko sa mga kaklase ko na kaya ko at kahit kailan ay hindi ako nagpakita nang

pagkatamlay o lungkot. Kaso, sa hina nang takbo ng oras sa paaralan, mas nag-aala

ako kung kumusta na si papa at ang tanging iniisip ko lang kung paano pagalingin siya.

Araw araw, binibisita ko ang simabahan sa loob ng ospital at nagdadasal na sana’y

8
pakinggan ng Maykapal. “Panginoon, alam ninyo po kong gaano ka importante sa amin

si papa at ibig ko pa siyang makatabi sa pagtulog, makita ang maamo niyang mukha at

makitang buo ulit ang aming pamilya. Sana’y ito’y bigyan mo nang pansin. Sana’y itong

munting hiling ay ibigay mo sa akin.”

“Gumalaw na ang papa mo!” sabik na imik ni Anti Mayet. Agad kong nilapitan

ang salamin na nagpapagitan naming dalawa. Nakita ko si papa na pilit niyang

ginagalaw ang kanang ulo. Sa pagkakataong iyon, parang nasa isang entablado kami

at nagpapalakpakan ang mga kamag-anak namin sa labas. Alam ko na hindi kami iiwan

ni papa. At kailanman, hindi niya ako binibigo.

Sabado ng linggong iyon, pinapunta kami agad sa ospital. Sabik ko nang makita

at makausap ulit si papa. Ngunit, iba ang sumalubong sa akin. Pinapasok nila ako sa

silid kung saan nakahiga si papa. Yinakap ako ng aking kapatid pero hindi ko sila

naiintindihan. Biglang nagiiyakan na lahat. Ba’t biglang nag-iba ang ihip nang hangin?

Kahapon lang ay naghihiyawan lahat. At doon ko nalang nalaman na ‘yon na pala ang

huling pagkakataon na makasama ko si papa. At tanging nagbibigay buhay sa kanya ay

ang Oxygen. Lahat ng mga organs niya ay unti unting namamatay. Kung ipapatuloy pa

namin ang pagpapagamot ni papa, posibleng parang-gulay nalang ito at mas lalong

magpapahirap sa kalagayan niya. Ayaw ko mang mawalan nang pag-asa pero ang

taong pinaglalaban ko ay siya mismong sumuko.

9
Hindi kinaya ni papa. Marahil, hindi rin niya makakaya ang sakit na pagdadaanan

niya habang ito ay nabubuhay. Marahil din, siya ay kontento sa kabilang buhay na

nagaabang sa kanya. Ang daming pwede paniniwalaan, pero sa pagkakataong iyon isa

lang ang alam kong bibitbitin ko habang-buhay. Iniwan na kami ni papa. Kahit kailan,

hinding hindi ko na siya makikita muli.

Walong taon na ang nakalipas. Nanatiling bago parin ang lahat ng mga

pangyayari noong nabubuhay pa si papa. Nadadama ko parin ang sakit na nagmarka

sa puso ko at ang kalungkutan na dulot din nito. Pero, sa higpit ng panahon, nananatili

parin ang pagmamahal na parating pinapakita ni papa sa akin noon. Ang pagmamahal

na maaring makapagbago ng malulungkot na panahon at nagbibigay pag-asa sa mga

taong naiwan dito sa mundo. Sa kabila ng kalungkutan, marami din ang magagandang

alaala na iniwan si papa at maari kong dalhin habang-buhay. Hindi sa lahat ng

pagkakataon makukuha natin ang lahat ng ating mga hiling. Kung minsan ay dapat

tayong matutong tumangap kung anuman ang binibigay sa atin dahil marahil ito ay

masnakakabuti sa atin. Hindi ko man nakikita si papa na walang balbas, nakakasabay

matulog o kasama siya na kompletohin ang pamilya, alam ko sa mga aral na kanyang

palaging binibilin sa aking, kahit kailan hindi siya nagkulang, hindi niya kaming iniwan at

kahit kailan hindi niya ako binigo. Kaya, kung may isang bagay man akong gustong

sasabihin sa kanya, “Pangako Pa, simula sa araw na ito, hindi kita bibiguin.”

10
11

You might also like