Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BIONOTE

Siya si Xylenie M. Tubana, 22 taong gulang at nakatira sa Brgy. Capellan, City of Ilagan Isabela ngunit
ngayon ay nasa Bayombong Nueva Vizcaya siya. Dahil siya'y nag tratrabaho doon. Ang kanyang mga
magulangay sina Joselito Tubana at Elena M. Tubana, isang retiradong sundalo ang kanyang ama at
isang may bahay naman ang kanyang ina, ang kanyang ama ay 50 taong gulang at 49 taong gulang
naman ang kanyang ina.

Si Xylenie ay nakapagtapos ng kursong Edukasyon, major sa agham panlipunan o mas kilalang A.P.
Ito ang kaniyang paboritong asignatura at iniidolo o inspirasyon niya ang kanyang dating mga guro dito
kaya ito ang napili niyang kurso. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Capellan Elementary School, sa
kanyang highschool ay nagtapos siya sa Bonfal National Highschool at sa kanyang kolehiyo ay nagtapos
siya sa Nueva Vizcaya State University (NVSU).

Ang pinakamatagumpay sa kanyang buhay ay ang kanyang pagtratrabaho o pagtuturo, dahil


natutulungan na niya ang kanyang mga magulang at nasusustentuhan na niya ang kanyang sariling
pamilya. Isang tagumpay din sakanya ang maging pagmamalaki ng kanyang ama, ina at lahat ng
sumusuporta sa kanyang naging karera.

Ang kanyang naging motto sa buhay ay "Bring Positive Vibes", na nangangahulugang maging
positibo ka lang palagi, dahil ang taong positibo ay kumpyansa sa kanyang ginagawa at umaasa na
matutupad lahat ng gusto mong gawin kung ikaw ay positibo. Naging motto niya din ang katagang "The
Darker The Nights, The Brighter The stars", na kahit maging madilim para sa iyo ang bagay na gusto
mong makuha ay magniningning ka kung mag sisiskap ka.
TALAMBUHAY

Marami ang nag sasabi na ang pinaka masayang araw na nangyari sa ating buhay ay ang ipinanganak
tayo kaya dapat nating pahalagahan at pagyamanin ang buhay na ipinagkaloob sa atim ng maykapal. Ang
pagpapahalaga sa ating karanasan ay isang batayan kung paano natin nabibigyang halaya ang mga
nangyari sa ating buhay.

Noong abril 28,2005 aking nasilayan at naramdaman ang kagandahan at kaginhawaan ng ating
mundo. Natatandaan ko pa ang sabi ng aking pinakamamahak na ina, noong lumabas daw ako sa
kanyang sinapupunan mga ilang oras ang nakalipas ay binanggit ay binanggit ng aking ama ang
pangalang Mark Gio na naging dahilan ng aking pag ngiti, iyon din qng kauna-unahang beses na kanilang
nasilayan ang aking ngiti kaya naman pinangalanan nila akong "Mark Gio M. Castillo". Hindi ito naging
kombinasyon ng pangalan ng aking dalawang lolo dahil ang aking lolo na isa ay "Marciano" at ang aking
isang lolo ay " Remegio". Ang aming pamilya ay masasabi kong malaki subalit masaya sabi nga ng iba
mas masaya kapag marami.

Nagsimula akong pumasok sa paaralan bilang Day-care noong ako'y apat na taong gulang.
Natatandaan ko, kung minsan sa silid aralan ay nag aaway kami ng aking kaklase inaasar niya ako na
naging dahilan ng aking pag iyak ng malakas kahit na palagi kaming nag aaway ay mahal parin namin ang
isa't isa.

Noong ako'y anim na taong gulang, nagsimula ako sa aking elementarya. Sa aking unang grado ay
palagi akong umiiyak kapag inaaway ako ng aking mga kaklase. Naranasan ko rin mapalo ng titser dahil
sa paglalaro ng teks. Galit na galit ako noon sa aking titser. Sa gradong ito ay nagsimula rin akong
magtanong tungkol sa crush, kung ano ba talaga ito. Masasabi ko rin na sa aking elementarya ay marami
akong naging kaibigan dahil sa palakaibigan ako.

Sakitin ako noong bata ako dahil kung saan saan ako nag lalaro at ano anong pagkain kinakain ko. At
ngayon ay binata na ako malakas na ang aking pangangatawan at sobrang tangkad ko tuwing bakasyan
ay tinutulungan ko ang aking ama sa pag tratrabaho sa bukid at tuwing may pasok ay nag-aaral ako ng
mabuti.
TALUMPATI

TAHANAN
Palagi kong bitbit ang payo sa akin ni nanay at tatay na
kapag nag simulang umulan ay dapat sikapin ko agad
maka uwi ng bahay.
Tahanan ang pinakaligtag at ating kakampi doon tayo
nasanay, subalit nakakatawa lang at nakakapanibago,
dahil walang nagturo sakin kung saan uuwi kapag nasa
loob na mismo ng tahanan ang bagyo.

REPLEKTIBONG SANAYSAY
Nagtapos ako ng junior high na may pandemya pa rin kaya hindi ako o kami nakaranas ng

pagmamartsa para sa pagkuha ng diploma sa entablado. Tumungtong ako ng senior high school na isa

sa mga napili na nag limited face to face classes dahil may pandemya parin noon at may blended

learning parin noon kaya hindi pa isang buong linggo ang klase noon.

Hanggang sa tumungtong ako ng grade 12 ng senior high at limited face to face padin sa unang

pasok ngayong school year hanggang sa unti unti nilang binuksan sa lahat ng baitang tulad ng junior

at senior high school at iba pa. Hanggang sa naibalik na sa new normal ang pagpasok sa paaralan at

para sa ganun ay nakakapag aral ng maayos at nakakapagtulong-tulungan sa paggawa ng aktibidad.

Ngayon ay patapos na kami sa ikalawang kwarter at maayos naman ang aming pag aaral tuloy

tuloy parin ang pag pasok ko o namin sa paaralan. Nitong nakaraang linggo ay may naganap na

programa ito para sa mga atleta para ma scout sila sa kanilang mga sports.

You might also like