Gamit Ng Wika Sa Lipunang Pilipino
Gamit Ng Wika Sa Lipunang Pilipino
Gamit Ng Wika Sa Lipunang Pilipino
Lipunang Pilipino
Lingua Franca
Ang Lingua Franca ay isang uri ng diyalekto na ginagamit ng
mga indibidwal na mayroong mga wikang pangunahin na
nagkakaiba-iba.
Ang kahulugan ng Lingua Franca ay tumutukoy sa isang
diyalekto na ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na
may magkaibang pangunahing wika.
Sa Pilipinas, ang Tagalog ay isang halimbawa ng Lingua
Franca dahil may iba’t-ibang diyalekto na matatagpuan sa
Pilipinas.
Samantala, dahil sa globalisasyon, importante na ang
paggamit ng Lingua Franca para sa mas mabilis at
Filipino ang Ating Pambansang Lingua Franca
1. Instrumental
2. Regulatoryo
3. Interaksyonal
4. Personal
5. Heuristik
6.Imahinatibo
7.Representasyunal
Pitong Tungkulin o Gamit ng Wika
1. Instrumental
Ito ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa
pangangailangan.
Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay
nakikiramay
sa pangangailangan ng mga tao sa paligid lalo na kung may
katanungan na kailangan sagutin.
Ginagamit rin ito upang mangyari o maganap ang mga
bagay-bagay tulad ng
paguutos, pagsasalaysay o pagpapahayag,
pagtuturo at pagkatuto sa karunungang kapaki-pakinabang,
pagbibigay panuto, pangangalakal, paggawa ng liham
2. Regulatoryo
Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay sa
kilos at asal ng iba.
Itinuturing
instruksiyon o pagkokontrol sa
anong nararapat gawin tulad ng pagtakda ng
mga regulasyon, direksiyon o proseso sa kung
paano gawin ang isang partikular na bagay,
pag-ayon, pagtutol, at iba pa.
3. Interaksyonal
Ito
ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa
pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa
kapwa tao.
Ang wika ay interaksyonal kung may interaksyon sa
isa’t isa o pagkaroon ng kontak sa iba at bumubuo ng
pagkakaugnayan sa pamamagitan ng
pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa.
Mgahalimbawa ng wikang interaksyonal ay tulad ng
pagpapaalam, pagbibigay-galang o
pagbati, paggawa ng liham para sa isang tao, at iba
pa.
4. Personal
Ang wika ay sinasabing personal kung ito’y
tumutukoy sa personal na damdamin tulad
ng pagpapahayag ng sariling opinion o
nararamdaman.
Ang wikang ito ay impormal at walang tiyak
na balangkas.
Halimbawa sa mga gawaing ito ay ang pangl
alait o pagmumura, pagsisigaw,pagsusulat ng
editoryal, pagsusulat ng dyaryo at iba pa.
5. Heuristik
Ang wika ay heuristik dahil sa wikang ito ay
naghahanap ng mga impormasyon at gamit
madalas ay mga impormasyong
mapagkakatiwalaan na makamit sa mga
propesyonal at akademikong libro
o pinanggalingan.
Halimbawa sa mga ito ay ang pagtatanong, pan
analiksik,pag-
eeksperimento, panonood ng mga balita sa
6. Imahinatibo
Itoang tungkulin ng wikang ginagamit sa
pagpapahayag ng imahinasyon sa
malikhaing paraan.
Madalas itong kinukwento sa paraang
pagsusulat o pagsasalita na produkto.
Halimbawa sa wikang ito ay ang pagtula, pag
-awit, pagkukwento ng kwento, pagbabasa
ng nobela, at iba pa.
7. Representasyunal/
Impormatib
Ang wikang representasyunal ay
ginagamit sa pagbibigay impormasyon sa
paraang pagsusulat at pasalita.
Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga
artikulo tulad ng tesis,research paper;
pagsasaysay o pag-uulat, pagtuturo, at
iba pa.
Alamin Kung Paano Nagagamit ang
Tungkulin ng Wika
Sitwasyon: Nagkita si Menil at Emy sa isang mall.
Menil: Emy, ano na musta ka na?
Emy:Oy, Menil (nag-aalinlangan) ikaw na ba ‘yan?
Menil: Ano ka ba?Oo ako ito! Ikaw kumusta naman?
Emy: Eto, dalaga pa hanggang ngayon, walang
nagkamali.
Menil: Ikaw naman, darating din ‘yun.
Emy: Mabuti ka pa seksi na mukhang mayaman pa.
Ano ba ginawa?
Menil: Hindi naman nakapag-asawa lang ng mayaman
at responsableng negosyante.
Emy: Talaga? Hanap mo naman ako ng ganyan.
Hindi, biro lang.
Menil: Ay naku, tamang-tama, binata pa rin si Mark
Lacuesta, yung patay na patay sa iyo. Matagal ka nang
hinahanap sa akin. Sa office ng mister ko nagtratrabaho
bilang manager.
Emy: Naku ‘yung mokong na ‘yon asensado na
pala.
Sige ibigay mo number ko sa kanya,
pero huwag mong sabihin na interesado ako sa
kanya, ha!
Menil: Uy… pakipot pa ang lola.
Emy: Oy hindi ha, kasi kala ko torpe ‘yun!
Magugustuhan pa kaya ako nun?
Menil:Sige, ingat ka ha.
Emy: Salamat Menil, “see you!”