Komunikasyon Handouts

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Mga Konseptong Pangwika


1. Wika
Ang wika ay instrumento ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag ng tao ang kanyang kaisipan at saloobin sa ibang tao.
Nagagamit niya ito sa iba’t ibang aspekto ng kanyang buhay gaya ng pang-ekonomiya, pampolitika, pang-edukasyon at panlipunan. Sa ganitong paraan,
nalilinang niya ang kanyang sarili at ang kanyang kapaligiran sa pamamagitan ng wikang ginagamit niya (Pagkalinawan et al., 2002).
Ang salitang Ingles na language ay mula sa Latin na lingua na ang ibig sabihin ay dila. Ang metaporikal na relasyon ng wika at dila ay umiiral sa
maraming wika at patunay ito sa historikal na pagkaprominente ng sinasalitang wika.
Ayon kay Webster (1974 sa Bernales, 2011), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat
o pasalitang simbulo.
Ang wika ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-angkin at gumamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon, o sa ispesipikong
pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang pangkomunikasyon. Bilang isang pangkalahatang konsepto, ang wika ay tumutukoy sa kognitibong
pakulti na nagbibigay-kakayahan sa mga tao upang matuto at gumamit ng mga sistema ng komplikadong komunikasyon (Wikipedia). Bilang isang
ispesipikong linggwistik na sistema na ang kabuuan ay pinangalanan ng tiyak na katawagan tulad ng Ingles, Pranses, Aleman, Nihonggo, Mandarin,
Filipino, at iba pa.

Panlahat na Katangian ng Wika


1. Ang wika ay masistemang balangkas.
Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Ponema ang tawag
sa makahulugang tunog ng isang wika samantalang Ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito. Kapag ang mga
ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Ang morpemang mabubuo ay
maaaring isang salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema katulad ng ponemang /a/ na sa wika natin ay maaaring magpahiwatig ng
kasariang pambabae. Morpolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Samantala, kapag ang mga salita ay
ating pinag-ugnay, maaari naman tayong makabuo ng mga pangungusap. Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga
pangungusap. Kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon na ng
tinatawag na diskurso.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog.


Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang tunog o ponema. Makahulugan ang isang tunog sa isang wika kapag ito ay
nagtataglay ng kahulugan o di kaya’y may kakayahang makapagbabago ng kahulugan ng isang morpema o salita.
3. Ang wika ay pinili at isinasaayos.
Upang maging epektib ang komunikasyon, kailangang isaayos natin ang paggamit ng wika. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang
ating gagamitin. Madalas, ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious at minsan ay sa ating conscious na pag-iisip. Bakit lagi nating
pinipili ang wikang ating gagamitin? Sagot: Upang tayo’y maunawaan ng ating kausap. Hindi maaaring ipagpilitan nating gamitin ang isang
wikang hindi nauunawaan ng ating kausap.
4. Ang wika ay arbitraryo.
Bawat bansang may sariling wika ay may napagkakasunduang sistema sa paggamit ng wika. Hal. Kung paano ito bigkasin o basahin, ilang
titik ang bubuuin ng alfabeto, ano ang sistema ng panghihiram sa mga wikang katutubo, dayuhan at iba pa.
5. Ang wika ay ginagamit.
Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi
ginagamit ay nawawalan na ng saysay. Hindi ba? Gayon din ang wika. Kapag hindi natin ito ginagamit ay unti-unti itong mawawala at tuluyang
mamamatay. Ano ang saysay ng patay na wika? Wala.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
Paanong nagkakaiba ang mga wika sa daigdig? Ang sagot, dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Hindi
maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ayon kay Salazar (sa Constantino at Atienza 1996) kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip,
damdamin, gawi, kaalaman at karanasan na nagtatakda ng maaaring kakanyahan ng isang kalipunan ng tao, ang wika ay hindi lamang
daluyan kundi, higit pa rito, tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang kultura. Walang kulturang hindi dala ang wika, na bilang
sanligan at kaluluwa ay siyang bumubuo, humuhubog at nagbibigay diwa sa kulturang ito.
7. Ang wika ay dinamiko.
Ang wika ay dinamiko kaya nakakaranas ito ng pagbabago sapagkat ito ay buhay, mapanlikha at inovativ. Ayon kay Hafalla (sa Pagkalinawan
2002) ang wika ay lumalawak at yumayaman dahil sa mga gumagamit nito. Sa pag-unlad ng larangan ng pangkalakalan, medisina at siyensya,
ang tao ay nakalilikha, nakabubuo at nakapanghihiram ng mga bagong salita at katawagang magagamit para sa pagpapahayag ng mga ideya
sa larangang iyon.
8. Ang lahat ng wika ay nanghihiram.
Ang pagdevelop ng buhay na wika ay natural. Karaniwan sa lahat ng wika ang sistemang panghihiram na gaya ng wikang Filipino.
Resolusyon 96-1 ng KWF (1996): Ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas
at mga di katutubong wika. Ang panghihiram ay bahagi ng paglinang sa isang wika para sa mabisang pagpapahayag at mahusay na pakikipag-
ugnayan sa iba’t ibang tao sa lipunan (Pagkaliwanan 2002).
9. Ang lahat ng wika ay may sariling kakanyahan.
Walang wika ang superyor sa ibang wika, Ingles ang wikang internasyunal, Latin o Griyego ang pinagmulan ng sibilisasyon ngunit, hindi
masasabing ito ay higit na mataas o namumukod sa ibang wika. Lahat ng wika ay pantay-pantay. Lahat ng wika ay may sariling kakanyahan
o katangiang maaaring hindi makikita sa ibang wika.

2. Wikang Pambansa
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at mahaba ang kasaysayan ng pag-unlad nito.
Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang wikang pambansa ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng
mga mamamayan ng isang bansa. Ito ang nag-iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan. Nagiging batayan din ito ng
identidad o pagkakakilanlan ng grupo ng taong gumagamit nito.
Sa Pilipinas, Filipino ang de jure at de facto na pambansang wika ng bansa. De jure sapagkat legal at naaayon sa batas na Filipino
ang pambansang wika. Tinitiyak ng ating konstitusyon ang pagkakaroon at pagpapaunlad ng isang pambansang wika. Matatagpuan sa
Artikulo XIV, Seksyon 6-9 ng Konstitusyong 1987 ang mga tiyak na probisyong kaugnay ng wika. Ayon dito:
Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang daluyan ng opisyal na komunikasyon at bilang
wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Filipino ang de factong pambansang wika sapagkat aktuwal na itong ginagamit at tinatanggap ng mayorya ng mamamayang
Pilipino. Ayon sa Philippine Census noong 2000, 65 milyong Pilipino o 85% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na ang nakauunawa
at nakapagsasalita ng wikang Filipino.

3. Wikang Panturo
Nakabatay sa pangkalahatang polisiya sa wika at programa sa edukasyon ng isang bansa, ang wikang panturo. Ito ang wikang
ginagamit na midyum o daluyan ng pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng edukasyon. Wikang panturo ang wikang ginagamit ng guro
upang magturo sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng wikang panturo, nauunawaan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang konsepto,
teorya, pangkalahatang nilalaman at mga kasanayan sa isang tiyak na asignatura o larangan. Inaasahan din na sa kalaunan ng pag-aaral
ay nagiging bihasa ang mag-aaral sa wikang panturo na ginagamit sa paaralan at maging siya ay epektibong magagamit ito sa
pagkakamit nang lalong mataas na kaalam.
Madalas na nagiging sentro ng usapin ang wikang panturo sa mga polisiyang pangwika sa edukasyon. Pangunahing konsiderasyon
ng wika bilang daluyan ng kaalaman kaya’t masasabing nagtatakda rin ng tagumpay ng pagkakamit ng layunin ng anumang sistema ng
edukasyon. Tinutukoy ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong 2003 na isa sa pangunahing
porma ng eksklusyon sa edukasyon ang suliranin sa wika. Ayon sa pag-aaral, mahigit kalahati ng mga mag-aaral sa buong mundo ay
gumagamit ng wika sa edukasyon na hindi kinasanayang gamitin sa kani-kanilang tahanan kung kaya’t nagiging sagabal ito sa proseso
ng pagkatuto.

Sa Pilipinas, ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP) noong 1987 bilang pagtupad sa mandato ng Konstitusyong 1987.
Pangunahing nilalaman ng polisiyang pangwikang ito ang paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo. Ipinatupad
naman ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB MLE) noong 2009 na nagbibigay-diin sa paggamit ng mga katutubong
wika bilang unang wika ng mga mag-aaral na wikang panturo sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

4. Wikang Opisyal
Ang wikang opisyal ay ang wikang itinadhana ng batas bilang wikang gagamitin/ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ng
gobyerno. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa mga opisyal na dokumento na may kinalaman sa korte, lehislatura at pangkalahatang
pamamahala sa gobyerno, maging sa sistema ng edukasyon. Usapin ng pagsasakapangyarihan ng isang tiyak na wika at grupo ng mga
taong gumagamit nito ang pagkapili rito bilang opisyal na wika sapagkat may kaakibat itong pribelehiyo at adbentahe.

Sa Pilipinas, itinatakda sa Konstitusyong 1987 ang Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng bansa. Narito ang mga
tiyak na probisyong pangwika sa Artikulo XIV ng Konstitusyon.
Sekyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
itinadhana ang batas, Ingles.
Sekyon 8.Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at Kastila.
5. Bilinggwalismo
kadalasang mas malikhain at nagpapakita ng kahusayan sa pagpaplano at paglutas ng mga kompleks na suliranin kaysa sa
mga batang iisang wika lamang ang nauunawaan. Para naman sa mga matatandang bilingguwal, nababawasan ang pagkakasakit na
may kinalaman sa pag-iisip dala ng pagtanda. Sa isang pag-aaral, ipinakitang mas nahuhuli ng apat na taon ang pagkakaroon ng
dementia sa mga matatandang bilingguwal kaysa sa mga monolingguwal. Ipinakitang mas nagkakaroon din ng access sa kapwa at
kaparaanan ang mga bilingguwal. Halimbawa, sa bansang Canada, mas mataas ang employment rateo bilang ng may hanapbuhay ng
mga nakapagsasalita ng wikang Pranses at Ingles kaysa sa mga monolingguwal.
Ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP)sa Pilipinas sa pamamagitan ng National Board of Education (NBE) Resolution
No. 73-7, S. 1973. Noong 1994, ipinatupad ang polisiya sa pamamagitan ng paglalabas ng DECS ng Department Order No. 25, s.1974
na may titulong Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education.Sa kabuuan, naglalaman ito ng gabay kung paanong
magkahiwalay na gagamitin ang Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak na larangan ng pagkatuto sa mga paaralan.
Ayon sa polisiya, Pilipino (kalaunan ay naging Filipino) ang gagamitin bilang wikang panturo sa mga asignaturang may kinalaman sa
Araling Panlipunan/Agham Panlipunan, Musika, Sining, Physical Education, Home Economics at Values Education. Ingles naman ang
gagamitin sa Siyensya, Teknolohiya at Matematika.
Pangunahing layunin ng BEPna makamit ang kahusayan ng mga mag-aaral sa dalawang wika sa pambansang antas sa pamamagitan
ng pagtuturo ng dalawang wika at sa pamamagitan ng pagiging wikang panturo nito sa lahat ng antas. Sa kabuuan, nais nitong:
1. Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika,
2. Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi,
3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at
pagkakaisa,
4. Malinang ang elaborasyon at intelektuwalisasyon ng Filipino bilang wika ng akademikong diskurso, at
5. Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika para sa Pilipinas at bilang wika ng syensya at teknolohiya.
6. Multilinggwalismo
Ang multilinggwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang
wika. Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa
mga lalawigan at rehiyon. Ayon kay Stavenhagen (1990), iilang bansa lamang sa buong mundo ang monolinggwal. Ibig sabihin, mas
laganap ang mga lipunang multilinggwal kung hindi man bilinggwal.
Kung maraming tinukoy na kapakinabangang nakukuha ang indibiduwal mula sa bilinggwalismo, lalong mas maraming dulot
na kabutihan ang multilinggwalismo. Ilan lamang sa mga ito ang kritikal na pag-iisaip, kahusayan sa paglutas ng mga suliranin, mas
mahusay na kasanayan sa pakikinig at matalas na memorya, mas maunlad na kognitibong kakayahan at mas mabilis na pagkatuto ng
iba’t ibang wika bukod sa unang wika. Sa kabuuan, ipinakikita rin ng mga pananaliksik na mas pleksibol at bukas sa pagbabago ang
mga multilinggwal, gayundin may mas malalim na pag-unawa at paggalang sa iba’t ibang kultura at paniniwala (Cummins, 1981).
Ayon sa UNESCO (2003), upang tugunan ang suliranin sa pagiging eksklusibo ng edukasyon para sa iilan, kailangang buuin
ang isang uri ng edukasyong mataas ang kalidad at may pagpapahalaga sa katutubong kultura at wika ng mag-aaral. Gayon din,
binuo ang tatlong bahagi ng rasyonal na sumusuporta sa MTB-MLE sa lahat ng antas ng edukasyon:
1. Tungo sa pagpapataas ng kalidad na edukasyong nakabatay sa kaalaman
at karanasan ng mga mag-aaral at guro;
2. Tungo sa promosyon ng pagkakapantay sa lipunang iba-iba ang wika; at
3. Tungo sa pagpapalakas ng edukasyong multikultural at sa pagkakaunawaan at paggalang sa batayang karapatan sa
pagitan ng mga grupo sa lipunan.

Sa Pilipinas, ipinatupad ang multilingguwal na edukasyon sa pamamagitan ng Department of Education Order 16, s. 2012
(Guidelines on the Implementation of the MTB-MLE) na may mga layuning:
1. Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at habambuhay na pagkatuto;
2. Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thinking skills (HOTS);
3. Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na paghusayin ang kakayahan sa iba’t ibang larang ng
pagkatuto;
4. Pag-unlad ng kamalayang sosyo-kultural na magpapayabong sa pagpapahalaga at pagmamalaki ng mag-aaral sa
kanyang pinagmulang kultura at wika.
7. Register/Barayti ng Wika
Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolingguwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging
heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibiduwal at grupo,
maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Samakatuwid,may dalawang dimensyon ang baryabilidad ng
wika-ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal (Constantino, 2006).
Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa iba pang aklat. Ito ang
wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ayonsa pag-aaral ni Ernesto Constantino
mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na ginaagamit sa kapuluan ng ating bansa.
Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o
tono at sa istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng mga naninirahan sa iba’t ibang lugar na
gumagamit ng isang wika:
Maynila -Aba, ang ganda! Bataan -Ka ganda ah!
Batangas -Aba, ang ganda eh! Rizal -Ka ganda, hane!
Sosyoleknaman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika
dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng
kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at iba pang pangkat. Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa pagkakaroon ng
kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod
ngpahayag angpinagmulan ng mga ito:
a. Wiz ko feel, ang mga hombre ditech day!
b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
d. Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon.
e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod na termino. Kung maririnig mo ang
mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong iisiping trabaho niya?
hearing exhibit court
pleading fiscal justice
Settlement appeal complainant

Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargonang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na
pangkat ng gawain.
Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang kaugnay na disiplina:
account balance net income
debit revenue asset
credit gross income cash flow
Sa disiplinang Medisina at Nursing naman ay gagamitin ang mga sumusunod:
diagnosis therapy prognosis
symptom emergency prescription
check-up ward x-ray
Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa ibang larangan. Pansinin ang mga
sumusunod na salitang gamitin sa isports na tennis at kung paano naiiba ang kahulugan ng mga ito sa karaniwan:
ace fault love
breakpoint deuce rally
slice advantage service
Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang kahulugan o rehistro sa larangang nasa loob ng
panaklong:
Mouse(Computer, Zoology) stress (Language, Psychology)
Strike (Sports, Labor Law) hardware (Business, Computer)
Race (Sports, Sociology) nursery (Agriculture, Education)
Operation (Medicine, Military) note (Music, Banking)
accent (Language, Interior Design)
server (Computer, Restaurant Management)
Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng wikang ginagamit batay sa dimensyong heograpikal at
sosyal, indibiduwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang
indibiduwal na katangian ng bawat tao ay naiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibiduwal sa iba
pang indibiduwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong idyolek. Pansinin kung paano
nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang
larangan at naninirahan marahil lahat sa Metro Manila:
a. Mike Enriquez d. Kuya Cesar (+)
b. Noli de Castro e. Mon Tolfo
c. Rey Langit f. Gus Abelgas
Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba, hindi ba?
Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya madalas silang gayahin ng mga impersonators:
a. Kris Aquino d. Gloria Macapagal-Arroyo
b. Mel Tiangco e. Anabelle Rama
c. Ruffa Mae Quinto f. Miriam Defensor-Santiago
May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang pidginay tinatawag sa Ingles na nobody’s native
language. Nagkaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay
nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift. Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang
istraktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting ito ng wika. Pansinin ang pananagalog
ng mga Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang istraktura ng kanilang pangungusap ay hango sa kanilang
unang wika. Ganito ang madalas na maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda mura.
Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito
sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito
ang Chavacano na hindi masasabing purong Kastila dahil sa impluwensiya ng ating katutubong wika sa istraktura nito.
8. Homogenous
Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma o estandard na
anyo nito o kaya ay pagkakaroon ng iba’t ibang porma o barayti.
Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang salitang homogenous ay nagmula sa salitang Griyego na homogene mula sa hom-
na nangangahulugan ng uri o klase at genos na nangangahulugan ng kaangkan o kalahi. Kung gayon, ang salitanghomogenous ay
nangangahulugang isang klase mula sa iisang lahi o angkan. Kung ilalapat sa wika, tumutukoy ito sa pagkakaroon ng iisang anyo at
katangian ng wika. Mahalaga ang language uniformity o ang pagkakaroon ng iisang estandard ng paggamit ng isang partikular na
wika. May palagay ang ganitong pagtingin sa wika na may nag-iisang tama at angkop na paraan lamang ng paggamit ng wika at may
mga katangiang matatagpuan sa ideyal na tagapagsalita nito. Halimbawa, makikita ito sa mahigpit na pagtuturo ng mga gramatikal
na estruktura at patakaran ng kung ano ang estandard na Ingles o Filipino sa loob ng mga paaralan.
Ang Filipino Bilang Wikang Panturo
Ni Emma B. Magracia, Ph.D.
Ayon sa itinatakda ng Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal ng 1987, ang lahat ng mga
asignatura o kurso maliban sa syensa at teknolohiyaay dapat na ituro sa Filipino kahit na may
pasubali na hindi magiging ekslusibong wikang panturo ang Ingles ng syensya at teknolohiya. Ang mga
disiplinang nasa ilalim ng agham panlipuan na binubuo ng antropolohiya, ekonomiks, kasaysayan,
linggwistika, pilosopiya, sikolohiya, at syensya pampulitika ay dapat na gumagamit ng Filipino
bilang wikang panturo ng mga kursong nasasakop ng mga nabanggit na disiplina. Ang mga kursong ito
ay nasa antas ng kolehiyo sa sistemang pang-edukasyon ng bansa.
Sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga nabanggit na disiplinang akademiko,
dalawang kalalabasan ang maaaring mangyari. Una, mapapadali ang pag-intindi ng mga estudyante ng
mga konsepto at prinsipyo ng mga nabanggit na disiplina dahil ang wikang ginagamit aywikang
pamilyar sa kanila. Maaaring ito at sabihin sa mas maraming Pilipino, ang Filipino ay maituturing
na pangalawang wika lamang ngunit hindi maaaring mapasubalian na ang Filipino ay may malaking
pagkakahawig sa lahat ng wika saPilipinas. Maidaragdag pa ang katotohanang kahit na hindi unang
wika ng mas nakararaming Pilipino ang Filipino, tinatayang higit sa 85% ng buong populasyon ng
bansa ang nakaintindi at nakakapagsalita ng wikang pambansa. Sa ganitong paraan, ang pagsisikap ng
mga estudyante ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga konsepto at hindi sa pag-unawa sa kahulugan
ng wikang ginagamit. Sa paggamit ng wikang banyaga katulad ng Ingles, ang mga estudyante ay
nagpupumilit na intindihin ang kahulugan ng wikang ginagamit nang nauuna kaysa pag-intindi sa
konseptong ipinaabot ng titser. Ang nangyayari tuloy ay kalahati lamang ng atensyon ng estudyante
ang nakapokus sa konsepto dahil ang kalahating atensyon ay nakatuon sa pag-intindi sa kahulugan ng
wika.
Pangalawa, sa pamamagitan ng paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng mga kursong nasasakop ng
mga disiplinang nabanggit sa itaas, nagkaroon ng pagpapataas sa antas ng gamit ng wikang pambansa
at nagiging episyente ito sa pagtalakay sa mga sopistikado at kumplikadong konsepto ng bawat
disiplina. Sa ganitong paraan, nagiging moderno at intelektwalisado ang Filipino at maari nang
gamitin sa lahat ng antas at domenya ng pamumuhay ng Pilipino. Ang maaaring kalalabasan ng ganitong
kondisyon ay ang pagsulong ng kabuhayang Pilipino dahil sa ang resulta ng mga pananaliksik at
kaalamang bunga ng pag-iisip ng mga edukado ay maari nang maabot at magamit ng karaniwang mamamayan
na bumubuo ng masa.
Mula sa sanaysay na “Paggamit ng Filipino: Mabisang Daluyan ng Sikolohiyang
Pilipino” na nanalo ng pangalawang gantimpala sa Gawad Surian sa Sanaysay Gantimpalang
Collantes (1994 sa Santos et. al, 2009)

SI RACHEL
ni Leticia Quizon

Bibihira sa mundong ito ang mga taong may panatisismo sa kaayusan kagaya ng kanibigan kong si
Rachel. Si Rachel ay isa sa mga kakaunti na lamang na nalalabi sa mabilis na nawawalang uri ng tao
na tinatawag na maayos o “orderly.”
May matang-hito si Rachel, maigsi at kulut-kulot, ang matulis ang nguso at pango ang ilong. Mataba
siya--hindi naman iyong tipong bariles; katamtaman ang kanyang pagkabilog. Pandak siya, may limang
pulgada ang taas at mukhang matatag ang kanyang mga binti. Kutis morena siya, lubak-lubak ang
kanyang bilog na pisngi.
Nang una siyang dalhin ng “aming matron” sa aking silid sa dormitoryo ng Philippine Science High
School, naisip ko agad na mukhang mahirap itong makasundo. Matipid sa ngiti ang aking bagong
“roommate” at para bang hindi karapat-dapat sa kaniyang paningin ang mgabagay na mababa kaysa sa
kanya. Sa madaling salita, siya’y laging nakataas noo, “snob” siya, sasabihin nga ng iba.
Inayos niya ang kanyang libro mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit. Parang bago pa
ang lahat ng kanyang libro at natatakpang lahat ng plastik--ayos na ayos talaga. Binasa ko ang mga
pamagat: “For Whom the Bells Tolls,” “World HIstory.” Aba, naisip ko, ang bigat pala nito. Hindi
kaya naliligaw ito? Baka sa “collegedorm” dapat ito, ah.
Inayos din ni Rachel ang kanyang mga sapatos. Inihanay ang mga ito sa ilalim ng kanyang kama-mula
sa pinakaluma hanggang sa pinakabago, isinabit niya ang kanyang mga damit ayon sa kulay. At
tiningnan niya ang aking mga damit na nakahambalusay sa kabinet, hindi siya kumibo. “Naku, baka
maulol ako rito, a,” sabi ko sa aking sarili.
Ipinako ni Rachel ang kapirasong papel sa dingding sa tabi ng kanyang kama. Nang siya’y lumabas
upang manghilamos, lumapit ako at binasa ang kaniyang ipinako: “5:00 a.m., wake up and pray; 5:15,
wash face and brush teeth; 5:30 dress up; 5:45 review lessons; 6:00 eat breakfast; 6:30 walk to
school; 6:45 arrive at school... 6 ...7:00”-Inang ko po. Pati oras, ayos na ayos. Normal kaya ang
taong ito?
Hindi naglaon ay nasanay rin ako sa kaayusanni Rachel. Nalaman kong marunong din pala siyang
ngumiti, magkuwento at magbiro. Minsan, nang ako’y magtrangkaso, si Rachel ang tumingin sa akin at
nagsilbi. Inabot niya sa akin ang isang platito na kinalalagyan ng aking tatlong gamot na pildoras-
nakaayos mula sa pinakamakapal hanggang sa pinakamanipis! Si rachel din ang nag-aasikaso ng aking
labada ng linggong iyon. At sa aking paggaling, nang buksan ko ang aking kabinet upang magbihis--
alam ba ninyo ang aking nakita?Ang aking mga damit--sama-sama ang asul, sama-sama ang dilaw.
Natutop ko ang aking noo at nasabi ko na lang, “Naku, Rachel!”
Isang taon kaming nagsama ni Rachel at tapos ay naghiwalay. Malimit ko siyang maalala kung
nakikita ko ang kanyang libro sa “library” na hindi ayos mula sa pinakamalaki hanggang sa
pinakmaliit. Minsan, naisip kong sa ibang tao, ang buhay ay isang walang hanggang katapusang pag-
aayos.
Mula sa Retorikang Pangkolehiyo nina Antonio, et al., (1976 sa Santos et.
al, 2009).
9. Heterogenous
Maaaring magkaiba-iba ang paggamit ng isang wika batay sa iba’t ibang salik at kontekstong pinagmumulan ng nagsasalita
nito. Dito papasok ang pagiging heterogenous o pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng isang wika. Nakapaloob sa palagay na ito ang
iba’t ibang konsepto ng dayalekta na baryasyon sa wika. Halimbawa, maaaring magkaroon ng magkakaibang porma at uri ang
wikang Ingles batay sa iba’t ibang grupo ng taong nagsasalita nito. Ibang-iba ang punto at pagbubuo ng salita ng mga taong
nagsasalita ng British English, American English o kaya ay mga Third World Englishes gaya ng Filish (Filipino-English), Singlish
(Singaporean English)o kaya ay Inlish (Indian English). Kabaligtaran ng homogenity sa wika, ipinakikita ng pagiging heterogenous na
natural na penomenon ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika kung kaya’t mahirap takdaan ang hangganan ng estandardisasyon
ng wika.
11. Unang Wika
Ang unang wika na kadalasan ay tintawag ding katutubong wika o sinusong wika (mother tongue) ay ang wikang natutuhan
at ginamit ng isang tao simula pagkapanganak hanggang sa panahon kung kailan lubos nang naunawaan at nagagamit ng tao ang
nasabing wika. Sa ibang lipunan, tinutukoy ang katutubong wika o mother tongue bilang wika ng isang etnolingguwistikong grupo
kung saan nabibilang ang isang indibidwal, at hindi ang unang natutuhang wika. Halimbawa, kung ang isang bata ay Iloko at mula sa
angkan ng mga taal na Iloko, ngunit simula pagkapanganak ay tinuruan ng wikang Ingles, mananatiling Iloko ang kanyang katutubong
wika o mother tongue.
Samantala, ayon kay Lee (2013) sa kanyang artikulo na The Native Speaker: An Achievable Model? na nailathala sa Asian EFL
Journal,narito ang mga gabay upang matukoy kung ang isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika.
1. Natutuhan ng indibiduwal ang wika sa murang edad,
2. Ang indibiduwal ay may likas at instinktibong kaalaman at
kamalayan sa wika,
3. May kakayahan ang indibiduwal na makabuo ng matataas at
ispontanyong diskurso gamit ang wika,
4. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibiduwal gamit ang
wika,
5. Kinikilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala blang kabahagi
ng isanglingguwistikongkomunidad, at
6. May puntong dayalektal ang indibiduwal na taal sa katutubong
wika.

12. Pangalawang Wika


Ang pangalawang wika ay ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika. Ang wikang ito
ay hindi taal o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang wikang ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita. Iba ang
ikalawang wika sa dayuhan o banyagang wika sapagkat ang dayuhang wika ay tumutukoy sa isang wikang inaral lamang ngunit hindi
ginagamit o sinasalita sa lokalidad ng taong nag-aaral nito. Halimbawa, maituturing na ikalawang wika ng mga Pilipino ang wikang
Ingles sapagkat bukod dito sa sistema ng edukasyon at iba pang larangan habang banyaga wika ang wikang Aleman sapagkat hindi
natural na ginagamit sa ano mang larangan o lugar sa Pilipinas, liban na lamang kung sadya itong pag-aaralan.
Isa sa mga kinilala si Krashen (1982) sa teorya ng Second Language Acquisition (SLA)na nagpalawig sa pagkakaiba sa
acquiring(Likas o natural na pagtatamo) atlearning (pagkatuto) ng wika. Ayon sa kanya, ang acquisition o pagtatamo ay isang natural
na proseso habang ang learning o pag-aaral ay kinasasangkutan ng malay o sadyang desisiyon napag-aralan ang wika. Sa una,
kailangang makaagapay at pumaloob ng isang mag-aaral sa natural na komunikatibong sitwasyon habang ang ikalawa ay nagbibigay
diin sa pagkatuto ng gramatikal na estruktura ng wikang nakahiwalay sa pagkatuto ng natural na gamit nito. Bagama’t hindi lahat ng
dalubhasa sa wika ay sumasang-ayon sa ideyang SLA ni Krashen, malaki ang naging ambag nito sa pagdidisenyo ng iba’t ibang
modelo at proseso ng pagkatuto ng ikalawang wika.

13. Gamit ng Wika sa Lipunan


1. Instrumental
Instrumental ang gamit ng wika sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-
uutos. Ang paggawa ng mga liham-pangangalakal (business letters) ay isang mahusay na halimbawa ng pamamaraan upang
matugunan ang ating iba’t ibang pangangailangan.Halimbawa, kung kailangan mo ng trabaho, kailangan mong gumawa ng
application letter bukod sa iba pang requirements.
Mga Uri ng Liham Pangangalakal
Source: http://work.chron.com/10-types-business-letters-9438.html
Ang terminong Liham pangangalakal ay isang pasulat na komunikasyon o written communication na nagsisimula sa isang pagbati at
nagtatapos sa isang lagda at ang nilalaman ay likas na propesyonal. Sa kasaysayan, ang liham pangangalakal ay ipinadala sa via post
mail o di kaya’y sa courier bagaman ang internet ay mabilis na nagbago sa paraang hatid ng kalakal. Maraming pamantayang uri ng
kalakal.
1. Sales letter o Liham pagbebenta - nagsisimula ito sa pinakamatibay na pahayag upang makuha ang interes ng tagatanggap.
Yamang ang layunin nito ay mahimok ang tagatanggap na kumilos o bumili. Magdetalye ng mga benipisyo na sumasaklaw ng mga
impormasyon gaya ng numero ng telepono o website link na makatutulong sa pagbibigay tugon ng mambabasa o tagatanggap ng
liham.
2. Order letters o Liham pang-order - ay ipinapadala sa mga konsumer o mga negosyo sa mga tagapaggawa, mga retailer or
wholesaler upang mag-oder ng mga paninda o mga serbisyo. Ang mga liham na ito ay dapat magtaglay ng mga numero, pangalan ng
produkto ang gustong dami ng order at ang mga inaasahang presyo. Paminsan-minsan ang pambayad ay kalakip din ng liham.
3. Complaint Letters o Liham na panreklamo - ang mga piling salita o tono na ginamit sa iyong liham ay isang salik na
makapagpapasiya sa iyong reklamo. Kinakailangan ang pagiging tuwiran at mataktika o magaling makitungo at dapat propesyonal
ang tono kung gusto mong makinig ang kompanya sa iyo.
4. Adjustment Letters o Liham Pagsasaayos - ang liham na ito ay tugon sa liham na nagrereklamo. Kung ang sulat ay pabor sa
nagrereklamo simulan ang liham sa balitang ito. Kung hindi panatilihin ang tono na nakabatay sa katotohanan at ipaalam sa
kostumer na nauunawaan mo ang kanyang reklamo.
5. Inquiry Letters o Liham nagtatanong - ay nagtatanong upang makakuha ng impormasyon sa kinauukulan. Sa pagsusulat ng
ganitong liham, panatilihing maikli at malinaw at ilista ang eksaktong impormasyon na kinakailangan.
6. Follow-up Letters o Liham Pag-uusisa - ay kalimitang ipinadala pagkatapos ng inisyal o naunang komunikasyon. Maari itong
departamento ng pagbebenta na nagpapasalamat sa isang kostumer sa kanyang mga order, ang isang negosyante na pinagbalik-
aralan ang kinalalabasan sa isang pagpupulong o ang naghahanap ng trabaho na nagtatanong tungkol sa istado o katayuan ng
kanyang liham kahilingan.
7. Letters of recommendation o Liham na nagrerekomenda - ang inaasahang maypagawa o employer ay ay kalimitang humihingi sa
mga aplikante ng mga liham na nagrerekomenda bago sila tanggapin sa trabaho. Ang ganitong uri ng liham ay kalimitang nanggaling
o sinulat ng dating maypagawa o di kaya’y ng isang propesor at ito ay naglalarawan sa relasyon ng tagapagpadala na may opinyon sa
naghahanap ng trabaho.
8. Acknowledgemant Letters o Liham ng Pagpapakilala o pagbihay-alam - ang ganitong uri ng liham ay nagsisilbi o umaaanyo na
simpleng resibo. Ipinadala ito ng mga kalakal upang ipagbigay-alam na nakatanggap sila ng nauna pang komunikasyon ngunit ang
kilos o tugon ay maari o hindi maganap.
9. Cover Letter o Liham Pabalat- ay may hatid o kasamang parsela, ulat o ibang kalakal. Ang liham na ito ay ginagamit upang
ilarawan kung ano ang kalakip, bakit ito ipinadala at kung ano ang gagawin ng tumatanggap nito at kung mayroong aksyon na
kinakailangang tanggapin o gawin.
10. Letters of resignation o Liham pagtiwalag o pagbitiw- kung ang empleyado ay may plano na umalis na sa kanyang trabaho, ang
ganitong liham ay kalimitang ipinapadala sa tagapamahala upang ipagbigay-alam sa kanya kung kailan ang kanyang huling araw ng
trabaho o tungkulin. Sa maraming kaso ang empleyado ay magbibigay din ng detalye ng kanyang mga rason o kadahilanan kung
bakit aali sa siya sa company
PAGLALAPAT

Basahin at suriin ang mga sumusunod na liham at tukuyin kung anong uri ng Liham
Pangangalakal ito.

LIHAM 1

OKTUBRE 15, 2008

G. Zoilo Villanueva
Region I General Hospital
Arellano Street
Dagupan City, Pangasinan

Ginoo:

Nabasa ko po sa Philippine Daily Inquirer na nangangailangan kayo ng isang nars sa inyong


Hospital.
Naniniwala po akong taglay ko ang mga katangiang hanap ninyo para sa nasabing trabaho kaya’t
gusto ko sanang mag-aplay.

Ako po’y isang dalaga, dalawampu’t siyam na taong gulang, nagtapos ng kolehiyo sa Colegio
de Dagupang noong Marso, 2012 at ako’y isang rehistradong nars. Ako po’y masipag, matiyaga
at magaling mag-alaga ng pasyente kaya’t naniniwala akong madaling gagaling ang inyong mga
pasyente. Mayroon din po akong malusog na pangangatawan, maabilidad po ako at matalino.
Katunaya’y nagtapos po ako sa kolehiyo bilang Magna Cumlaude.

Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para
isang panayam, sa oras at petsa na nanaisin ninyo.

Lubos na gumagalang,

Niko N. Estaris
LIHAM 2

Setyembre 30, 2010

Bussiness Loan Officer


Bank of the Philippine Islands
Las Piñas City

Kagalang-galang na Business Loan Officer:

Magandang Araw!
Ang layunin ng liham na ito ay para sa estado ng aking negosyo. Ang aking negosyo ay
nangangailangan ng 100,000Php-300,000 Php na karagdagang puhunan upang matulungan po ito
upang lumago at magpatuloy na magserbisyo hanggang sa susunod na taon.
Kung mangyari po lamang ay padalhan niyo po ako ng mga importanteng impormasyon para makakuha
ng loan para sa aking negosyo. At lalo na gusto kong malaman ang sistema o paraan ng
pagpapautang ninyo sa isang negosyo. Ano ang mga kailangang papeles at ang kaparaanan ng
pagbabayad.

Kung kailangan pa ng inyong kompanya ang iba pang detalye ng AIXSHOP AVENUE ay maaari ninyo
akong tawagan upang mabigay ang tamang impormasyon na hinihingi. Ito po ang aking numero
09271234564, kahit anumang oras ay maaari ninyo akong tawagan.

Lubos na gumagalang,

Bernadette, Bregania C.
AIXSHOP AVENUE Owner

LIHAM 3

Abril 12, 2010

Gng. Marites
Punong Tagapangasiwa
Water Life
Tinago, Dumaguete City

Mahal na Gng:

Ako po ay taga Purok Santan ng Dumaguete, kami po ay biktima ng El Niño Phenomenon mula pa
noong nakaraang tatlong Linggo.

Sumulat po ako sa inyo upang ipagbigay-alam na hanggang ngayon ay mahina po ang daloy ng
tubig sa mga gripo namin. Naiintindihan po namin na nilimitahan po ang tubig kaya lamang po
ay natuyo na po ang aming panananim at ilang araw na rin na labis ang pagtitipid namin sa
tubig. Wala po kaming nakuha na tulong mula sa tanggapan ng aming barangay.

Kami po ay nagsusumamo na kung maaari sana ay palakasan ng konti ang aming mga gripo.

Sana po ay mabigyan ninyo kami sa aming kahilingan at mabigyan ng mabilis na aksyon ang
aming mga reklamo.

Sumasainyo,

Laila T. Dominggo
2. Regulatoryo
ang gamit ng wika sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang
dapat o hindi dapat gawin. Pinakamahuhusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng direksyon, paalala o babala. Ang mga panuto sa
pagsusulit at mga nakapaskil na do’s and don’t’s kung saan-saan ay nasa ilalim ng tungkuling ito.

3. Interaksyonal na Gamit ng Wika


ang gamit ng wika sa pagpapatatag, pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Di nga kasi, ang tao ay
nilikhang panlipunan (social beings, not only human beings). Sa pasalitang paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang mga
pormularyong panlipunan. (Magandang umaga, Maligayang kaarawan, Hi/ Hello at iba pa.), pangungumusta at pagpapalitan ng biro.
Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang liham-pangkaibigan. Ang pakikipagchat sa mga kaibigang nasa
malalayong lugar o sa isang bagong kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito.

Personal na Gamit ng Wika


Heuristik/Representatibo
ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap ng impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkuling impormatib na
ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon.

Samakatuwid, ang pagtatanong ay heuristik at ang pagsagot sa tanong ay impormatib (maliban kung ang tanong ay sinagot
sa pamamgitan din ng tanong na kinagawian na yata ng marami). Ang pagsasarbey ay heuristik at ang pagsagot sa survey sheets ay
impormatib. Ang pakikipanayam at pananaliksik ay iba pang halimbawa ay iba pang halimbawa ng tungkuling heuristik. Ang pag-uulat,
pagtuturo at pagpapasa ng ulat o pamanahong papel naman ay mga halimbawa ng tungkuling impormatib.

Representatibo ang gamit ng wika sa pagbabahagi ng mga pangyayari, makapagpapahayag ng detalye, gayundin makapagdala at
makatanggap ng mensahe sa iba. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

a.Pagbabalita
b.Pagbibigay-paliwanag/impormasyon

Gamit ng Wika sa Lipunan


Ang Cohesive device ay mga salita o parirala na nag-uugnay ng mga kaisipan, bagong lahad transisyon. Ginagamit bilang
pananda o pagpapatungkol, pagbibigay kahulugan ng pagkakaugnay ng dalawang sugnay o tinatawag na pang-ugnay o tinatawag na
mga pang-ugnay. Ang mga Pangtanig, pang-ukol at pang-angkop.

Isa pang halimbawa ay ang Anapora na ginagamit na pananda sa pangngalang pinalitan sa unahan at Kapora na pinalitan sa hulihan.

Sanggunian: Arreola, Fema A. Kalipunan ng mga Banghay- Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 2 (Tuon sa Gramatika at Pagbasa).
Kagawaran ng Edukasyon Kawanihan ng Edukasyon Sekondari DepEd Complex, Meralco Avenue Lungsod ng Pasig.
Sa panahong ito:

• Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat.
• Ang sinaunang Tagalog ay isinusulat sa paraang silabiko o pantigan. Mayroon itong 17 titik: 3 patinig at 14 na katinig.
Hindi tulad ng alpabetong Romano na magkabukod ang tunog patinig at katinig na nangangailangang pagsasama ng
dalawa o higit pa upang makabuo ng pantig, ang mga titik sa baybaying Tagalog ay pinagsama ng katinig at patinig
(ganap nang pantig) na na nag-iiba-iba lamang ang bigkas depende sa pagkakaroon ng tuldok at sa posisyon nito.
• Matagumpay na nahati at nasakop ng mga dayuhan ang mga katutubo. Napanatili nila sa ilalim ng kanilang
kapangyarihan ang mga Pilipino nang humigit-kumulang sa tatlong daang taon.
• Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga kastila. Hindi naging mabilis ang
pananakop na ginawa sapagkat nagkakaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon.
• Kaya ang Hari ng Espanya ay nagtatag ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino upang maging
mabilis ang pagtuturo ng Kristiyanismo. Hindi naganap ang planong ito dahil sa paglabag na ginawa ng mga prayle. Mas
ninais nilang maging mangmang ang mga Pilipino upang lalong madaling masakop.
• Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas. Ayon sa kanila, may magandang
epekto ito sa kanila. Una, mas madaling matutuhan ng isang misyonero ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat
o kahit ilan lamang sa taong bayan ang Espanyol. Ikalawa higit, na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang
banyaga ay nagsasalita ng katutubong wika.
• Hindi naman ito mahirap dahil maraming tunog sa Tagalog ang kahawig ng tunog sa Espanyol (San Juan, 1974).
• Sa mga wika sa Pilipinas, kahit bago pa man dumating ang mga mananakop, ang maituturing na pinakamaunlad at nag-
angkin ng pinakamayamang panitikan ay ang Tagalog. Ayon sa paring Heswita na si Padre Chirino, sa Tagalog niya
nakita ang mga katangian ng apat na pinakadakilang wika ng daigdig: ang wika at hirap ng Ebreo, ang pagiging natatangi
ng salita ng Griyego lalo na sa mga pangngalang pantangi, ang pagiging buo ng kahulugan at pagkaelegante ng Latin,
at ang pagiging sibilisado at magalang ng Espanyol (San Juan 1974).
• Ang Hari sa kanyang unang atas sa mga kleriko ay ipinapagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya
upang madaling mahikayat ng mga Pilipino sa Kristiyanismo. Subalit hindi naman ito nasunod.
• Para kay Gobernador Tello noon May 25, 1956, iniatas niya na dapat turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol.
• Para naman kay Carlos I at Felipe II, kailangang maging bilinggwal daw ang mga Pilipino. Kailangang may kakayahan at
kasanayan sila sa paggamit ng wikang katutubo at Kastila.
• Noon namang 1550, iniatas ni Carlos I na ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila. Inilahad
ng batas ang tungkol sa pangangailangang magkaroon ng guro ang mga Indio na magtuturo ng kanilang dapat
matutuhan sa paraang hindi sila mahihirapan.
• Noon namang Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat
ng katutubo upang umunlad ang pananampalataya ng mga taong bayan,
• Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II ay naglagda ng isang dekreto na inuulit
ang mga probisyon sa mga nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod dito.
• Noong Disyembre 29, 1792 nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang kastila sa
mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan ng Indio.
• Nakapagpalabas ang monarkiya ng Espanya mula 1867 hanggang 1899 ng 14 na atas na nagtatakda ng paggamit at
pagtuturo ng wikang Espanyol ngunit lahat ng ito ay pawang nabigo. Isa sa mga tampok na atas-pangwika na ipinalabas
ng monarkiya ng Espanya ay ang Dekretong Esdukasyonal ng 1863 na nag-aatas ng pagtatatag ng primaryang paaralan
sa bawat pueblo sa Maynila upang mabigyan ng edukasyon sa Espanyol ang mga anak ng mga katutubo. Itinakda rin
nito na Espanyol lamang ang gagamiting midyum ng pagtuturo dahil ang pangunahing layunin g kurikulum ay ang
pagkakaroon ng literasi sa Espanyol (Catacataca at Espiritu,.2005). Isinasaad pa sa dekreto na hindi pahihintulutang
humawak ng anumang katungkulan sa pamahalaan ang mga katutubong hindi marunong magsalita, bumasa, o sumulat
sa espanyol, apat na taon makaraan ang puublikasyon ng batas upang mapilitan ang mga Pilipino na pag-aralan ang
wika ng mga mananakop.
• Sa kabila ng pagnanais ng monarka na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga katutubo at maituro sa kanila ang
Espanyol, nabigo ito dahil sa paghadlang ng mga prayle. Ayon nga sa bayaning si Marcelo H. del Pilar, sinabotahe ng
mga relihiyoso ang programang pangwika.
• Sila ang may kasalanan kung bakit nananatiling mababa ang kalagayang pang-edukasyon ng Pilipinas. Ito ay dahil
natatakot ang mga prayle na maging kolonyang Hispano ang mga Pilipino sa halip na kolonyang monastiko (Catacataca
at Espiritu, 2005).
Sa mga nabanggit na batas, maliwanag na tunay ang hangarin ng pamahalaang Kastila na turuan ang mga Pilipino ng wikang
kastila. Mapatutunayan ito sa pamamagitan ng may labing-apat na dekrito na inaprobahan mula noong 1867 hanggang 1899. Ang
naging hadlang lamang upang hindi matupad ang pagtuturo nito ay ang mga prayle na nangangasiwa at naging tagapamahala ng mga
paaralan sa bansa.

Kasaysayan ng wikang Pambansa


(PANAHON NG KASTILA)
Kung tutuusin may gumagana nang wika ang mga katutubo bago dumating ang mga mananakop. Mahusay na ang wikang ito
kaya minabuti ng mga misyonero na huwag na itong burahin, sa halip ay panatilihin at gamitin sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga
katutubo. Kung may pamanang pangwika man na naiwan ang mga Espanyol sa kanilang mahigit 300 taong pananakop, ito ay (1)
romanisasyon ng silabaryo ng mga wikang ginagamit sa Pilipinas na nagpahintulot ng mas madaling komunikasyon ng mga Pilipino sa
daigdig na gumaamit na rin ng sistemang iyon (2) ang yaman ng bokabularyong Espanyol na nakapasok sa talasalitaan ng ga
katutubong wika sa Pilipinas. Hinahadlangan man ng mga misyonero ang ganap na pagkatuto ng mga katutubo ng Espanyol, naging
kapalit naman nito ay ang pananatiling buhay ng ga lokal na wika sa Pilipinas na ginagamit ng mga Pilipino hanggang ngayon.
Sanggunian: Reyes, A. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Makati City Diwa Learning Systems Inc.p. 3-
8

Ang Panahon ng Rebolusyong Pilipino Kasaysayan ng wikang Pambansa (PANAHON NG


REBOLUSYONG PILIPINO)
ay tinatawag ding Himagsikang Pilipino o tinatawag ding Himagsikan ng mga Tagalog ay tunggalian ng mga Pilipino
sa Pilipinas at ng mga Espanyol na nanunungkulan sa ating bansa. Nagsisimula ito noong ika – 1896 ng Agosto nang
matuklasan ng mga Kastila ang Katipunan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, ay isang kilusang magpapalaya sa
mga Pilipino laban sa mga Kastila. Sa panahon ng pagmimisa sa Caloocan ay inoorganisa ng mga namumuno ng
Katipunan ang kanilang sarili upang magtayo ng isang kilusan laban sa Gobyerno. Pinangalanan nila ang bagong
naitayo na gobyerno na “Haring Bayang Katagalugan”.

Sangguin: https://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_Revolution

Sa inilathala ni Bernardita Reyes Churchill sa kanyang “The Katipunan Revolution” sumabog ang rebolusyon sa noong
ika -23 ng Agosto 1896, sa isang pangyayari na magugunita bilang “Cry of Pugad Lawin”. Sa labas ng bayan ng Maynila
ay nagtitipun-tipon ang mga miyembro ng isang sekretong rebolusyong panlipunan na kilala bilang Katipunan (
Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

Sanggunian: http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-heritagesch/historical-
research/history-of-the-philippine-revolution/

Nanawagan si Bonifacio ng isang labanan ngunit nabigo ito. Gayunman ay ang nakapaligid na lalawigan ay
nagsimulang maghimagsik. Sa katanuyan ang mga rebelde sa Cavite na pinamumunuan ni Mariano Alvarez at Emilio
Aguinaldo ay nagtagumpay sa kanilang pakikipaglaban.

Ang Propaganda ay panahon na kung saan ang mga katutubong Pilipino ay nanawagan ng reporma o pagbabago na
nagsimula noong 1868 – 1898 at ang pinakaaktibo ay noong 1880 and 1895.

Sanggunian: https://en.wikipedia.org/wiki/Propaganda_Movement

• Sa pagtatapos ng Kolonisasyon sa Espanya at unti-unti noong pag-usbong ng sariling pamahalaan mg mga Pilipino,
kinikilala ang halaga ng pagkakaroon ng opisyal na wika.
• Ayon sa artikulo 8 ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato na inakda nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho at nilagdaan
noong ika-1 ng Nobyembre 1897, Tagalog ang dapat na maging opisyal ng Republika.” Dagdag pa, ituro sa
elementarya ay wastong pagbasa, pagsasalita at pagsulat sa wikang opisyal na Tagalog.
• Sa Konstitusyon ng Malolos na inakda nina Felipe Calderon at Felipe Buencamino at nilagdaan noong ika-21 ng
Enero 1899, ibinalik naman ang Espanyol bilang pansamantalang opisyal na wika sang-ayon sa artikulo 93, habang
pinipili pa sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas ang hihiranging opisyal na wika at Kulturang Filipino

Sanggunian: Reyes, A. 2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Makati City. Diwa
Learning System.

• Tagalog naman ang ginamit ng mga manghihimagsik sa paglikha ng mga tula, sanaysay liham at talumpati.
• Sa panahong ito marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa
ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
Kabilang sa mga ito ay sina:
a) Dr. Jose P. Rizal
b) Graciano Lopez-Jaena
c) Antonio Luna
d) Marcelo H. del Pilar

Sanggunian: Badayos, P. et. al. 2010. Komunikasyon sa akademikong Filipino. Aklat sa Filipino1-Antas Tersyarya.
Malabon City. Mutya Publishing House Inc.

Iba pang mga panulat na Tagalog at mga manunulat sa panahon ng Himagsikan

Si Marcelo H. del Pilar ay kilala rin bilang dakilang Propagandista. Ang kanyang pangalan sa diyaryo ay Plaridel. Binili
niya kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito
niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha na ang La Soberania Monacal at La Frailocracia Filipina.. Isinulat rin
niya ang “ Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapangabusong prayle.

Sanggunian: http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Marcelo_H._del_Pilar

Isa sa pinakatanyag na akda ni Antonio Luna na gumamit ng sagisag panulat na Taga-Ilog ay ang Impresiones, isang
kalipunan ng mga satirikong obserbasyon, tala sa paglalakbay at puna sa mga gawi ng Espanyol. Mailathala ito noong
1891 habang nasa Espanya siya kasama ang mga Propagandista. Tagapagtatag din siya ng La Independencia na
lumabas noong Digmaang Filipino-Americano.

Sanggunian: http://kwf.gov.ph/si-heneral-luna-bilang-manunulat-sa-kapihang-wika-ng-kwf-2/.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang
La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at
nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat
din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.

Sanggunian: https://libtong.wordpress.com/2011/12/02/panitikan-sa-filipino/

Sina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Jose Rizal ay sumulat ng pahayagang La Solidaridadad (Solidarity)
na unang nailathala sa Barcelona noong Disyembre 13,1888. “The propagandists mainly aimed for representation of
the Philippines in the Cortes Generales secularization of the clergy, the legalization of Spanish and Filipino equality,
creation of public school system independent of Catholic friars; Abolition of polo y servicio or labor services;among
others.
Ang kanilang pinakapangunahing isinulat ay ang La Solidaridad dahil sa brutal na pamamahala ng mga Gobernador
Heneral.
Isunulat din ni Rizal ang mga nobelang Noli Me Tangere na inilathala noong (1887) at El Filibusterismo na inilatahala
noong (1891).

Sanggunian: https://en.wikipedia.org/wiki/Propaganda_Movement

 Maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan,
masidhing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
 Simula ng pakikibaka sa kalayaan ginamit na ng mga Katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyales
na kasulatan.

Tingnan ang mga video link na ito na makapaglalarawan sa kinalalagyan ng mga Pilipino sa Panahon ng Renolusyon.
xiao time: emilio jacinto, ang utak ng rebolusyon https://www.youtube.com/watch?v=Nt_XoWnzxGA
xiao time: Ang unang sigaw ng himagsikan sa balintawak, kalookan
https://www.youtube.com/watch?v=fdP1ycFDTSU

Sanggunian: Badayos, P. et.al 2010. Komunikasyon sa akademikong Filipino sa Aklat sa Filipino 1 Antas Tersyaryo.
Malabon City. Mutya Publishing House Inc.

HIMAGSIKAN LABAN SA MGA KASTILA

Ang pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan noong 1892 ang naging babala ng pagtatagumpay ng mga propagandista. Gayunman, hindi
naman nanlupaypay ang mga ibang masigasig sa paghihingi ng reporma. Ang iba ay hindi naniniwalang reporma ang kailangan,
naniniwala silang kailangan na ng marahas na pagbabago. Si Deodato Arellano at ilan pang may diwang makabayan ay lihim na
nagpulong noong ika 7- ng Hulyo 1892. Sa isang bahay sa Azcarraga. Itinatag nila ag Kataastaasang Kagalang-galangan na Katipunan
nang mga Anak ng Bayan (K.K.K.) o Katipunan.

Nagsanduguan sila at inilagda sa pamamagitan ng kani-kaniyang mga dugo ang kanilang pangalan bilang kasapi ng samahan.

Ang mga manunulat na natampok sa panahong ito’y sina Andres Bonifacio (Ama ng Katipunan) at Enilio Jacinto (Utak ng Katipunan).
Kabilang dito si Pio Valenzuela. Ang wikang nagtatampok nang panahong ito’y ang Tagalog. Kung sa panulat man ni Bonifacio’y sinasabi
niyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”, mababasa namang ang tinutukoy dito’y ang mamamayang Pilipino, hindi naman niya
matatawag na mga Pilipino sapagkat ang mga Pilipino noo’y ang mga Kastilang ipinanganak sa Pilipinas, hindi rin naman maaaring
gamitin ang Indio sapagkat ito’y panlilibak ng mga Kastila.

Mga Pahayagan noong Panahon ng Himagsikan

Hindi naging mabisa noong panahon ng Himagsikan ang mga katha. Ang mga sanaysay ay pahayagan ang naging behikulo sa
pagpapabatid sa mga tao ng mga tunay na nagyayari sa kapaligiran. Ito ang naging mabisang tagaakay sa mga tao upang tahakin ang
landas tungo sa pagkakaroon ng kalayaan.

Ilan sa mga pahayagan noon ang:

1. Kalayaan - ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni Pio Valenzuela.
2. Diario de Manila - ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga Kastila ang limbagan nito kaya’t may katibayan sila sa mga plano
ng mga Katipunero.
3. El Heraldo de la Revolicion - Makalawa sa isang linggo kung lumabas ang pahayagang ito. Limbag ito sa unang Republika ng Pilipinas
noong 1898. Itinataguyod nito ang kaisipang papmpulitika. Nang lumaon, naging Heraldo Filipino ang pangalan nito at kalaunan
ay naging Indice Official at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang ito mula ika -28 ng Disyembre, 1898 hanggang kalagitnaan
ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
4. La Independencia - naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika-3 ng Setyembre, 1898.
5. La Republika Filipina - Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
6. Ang kaibigang Kahapis - hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.
7. Ang Kaibigan ng Bayan - Lumabas noong 1898.
8. Ang Kalayaan - Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.
(Panahon ng Amerikano)

Nang lagdaan ng mga kinatawang mula sa Espanya at Estados Unidos ang Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng Disyembre
1898 na nagkabisa noong ika-11 ng Abril 1899, nailipat ang pamamahala ng Pilipinas mula Espanya tungo sa noon ay umuusbong pa
lamang na superpower ng daigdig ang Estados Unidos.

Sa pagdating ng mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey ay nagsisimula na naman ang pakikipaglaban ng mga Pilipino.
Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at pamumuhay na demokratiko. Mga gurong sundalo
na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon. Dahil wikang Ingles laman ang alam nilang salitain, ay nagkaroon ng suliranin
sa komunikasyon lalo na sa pagtuturo ng mga aralin sa mga mag-aaral. Ayon kay William Cameron Forbes, na naniniwalang ang mga
kawal na Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaanan ang mga
Pilipino at mga Amerikano.

Inihayag ni pangulong McKinley ang magiging bisa sa Pilipinas ng Kasunduan sa Paris noong ika-21 ng Disyembre 1898 sa
pamamagitan ng ng Benevolent Assimilation. Ayon dito papasok ang mga Amerikano sa Pilipinas hindi bilang mananakop kundi bilang
“kaibigang “ mangangalaga sa mga tahanan, hanapbuhay at karapatang pansarili at panrelihiyon ng mga Pilipino. Upang mataya ng
bagong teritoryong napapasailalim sa kanilang pamamahala, nagpadala si Pangulong McKinley ng dalawang komisyong mag-aaral dito.
Ang unang komisyong binuo noong ika-20 ng Enero 1899 ay pinamunuan ni Dr. Jacob Schurman, noon ay pangulo ng Cornell Universiy,
habang ang ikalawa ay pinamunuan ni William Howard Taft, isang pederal na hukom sa Ohio na itinalaga sa katungkulan noong ika-16
ng Marso 1900.

Ayon sa mga konsultasyon at pagdinig na isinagawa ng komisyong Schurman, napag-alaman nito na higit na pinipili ng mga
pinunong Pilipino ang Ingles bilang wikang panturo sa mga publikong paaralan kaysa mga wikang mabisang instrument ng katutubo o
Espanol dahil ingles ay “mahigpit na nagbibigkis sa mga mamamayan at mabisang instrumento sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo
ng demokrasya” (Catacataca at Espiritu, 2005). Dahil dito, inirekomenda ng komisyon ang agarang pagtuturo ng Ingles sa mga
paaralang primary. Sinusugan ito ng Komisyon sa bansa gayong may kani-kaniyang wika ang bawat pangkat sa Pilipinas.

Ang paniniwala ni David Doherty, isang linggwistang Amerikano na nagsasabing dapat gamitin ang wikang Ingles sa mga
paaralan sapagkat ang mga wikang bernakular ay hindi sapat para sa edukasyon.

Maging si David Borrows na naging Direktor ng Edukasyon (1903) ay naniniwalang ang pagkakaisa ay nakasasalalay sa iisang wika tulad
ng Ingles. Idinagdag pa niya na ang kaalaman sa Ingles ay nagbibigay ng proteksyong sosyal at kakakaibang katayuan sa lipunan para
sa mga mamamayan.

Dahil pinagkalooban ang ikalawang komisyon ng limitadong kapangyarihan bumuo ng batas at pamahalaan ang bansa, ipinatupad nito
ang Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Enero 1901 na nagtatag ng Department of Public of Instruction (ang kasalukuyang Kagawaran ng
Edukasyon o Deped) na mangangasiwa sa libreng pampublikong edukasyon sa bansa. Itinakda rin nito na hangga’t maaari ay Ingles
ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng paaralang bayan. Ayon kay Taft, napili ang Ingles na maging wikang opisyal sa Pilipinas
dahil ito ang wika ng Silangan, wika ng isang demokratikong institusyon, wika ng kabataang Pilipinong hindi marunong ng Espanyol at
wika ng puwersang namamahala sa Pilipinas. Mas madali rin daw matutuhan ang Ingles kaysa Espanyol (Catacataca at Espiritu, 2005).

May mga tutol din sa paggamit ng wikang Ingles isa na rito si N. M. Saleeby, isang Amerikanong Superintendente ng mga paaralan
ay naglalahad ng kanyang paniniwala sa kanyang artikulong “The Language of Education in the Philippine Island” tungkol sa wikang
panturo na dapat gamitin. Ayon sa kanya kahit na napakahusay ang maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging
wikang panlahat dahil sa ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang wikang bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan
at sa pang araw-araw na gawain.

Si Bise Gobernador Heneral Butte, dating kalihim ng Paturuang Pambayan ay pumanig sa paniniwalang epektibong gamitin ang
mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino. Ito ay kanyang ipinahayag sa pamamagitan ng kanyang talumpating binigkas sa
women’s League sa Maynila noong Agosto 27, 1931 na ikinagulat ng mga nasa larangan ng edukasyon. Naniniwala siya na ang paggamit
ng mga katutubong wika sa mga baitang primary ay makakatutulong nang malaki sa mga estudyante upang malaman ang kanilang
katutubong wika sa panitikan.

(Panahon ng Hapon)

Ang malungkot na pangyayari sa ating bansa ay sumapit noong Disyembre 8, 1941. Ginulantang ang bayan nang ibalitang nagsimula
na ang giyera. Napinid ang mga paaralan. Nasara ang mga pagawaan. Ang kapaligiran ay sinaklot ng kalungkutan at takot sa bagong
panginoong kakaharapin ng mga Pilipino (Lalic, E. at Matic, A., 2004)

Malaki ang pagnanais ng bansang Hapon na siyang maghari sa buong Asya. Lihim niyang pinalakas, ang hukbong dagat, katihan at
panghimpapawid. Layunin niyang itaboy ang mga bansang Kanlurang sumakop sa ibang bansa sa Asya gaya ng Indonesia, Malaysia,
Vietnam at Pilipinas.

Sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noong taong 1941 hanggang 1945. Ipinagpatuloy ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa
lahat ng antas. Hindi pa gaanong matagal na ipinaturo ang wikang ito ay sumiklab ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig (World
War II) na dahilan ng sandaling pagsara ng mga paaralan.

Sa pagbubukas nito ay ipinagamit na wikang panturo ang wikang katutubo. Sa pamamagitan ng paaralan ay pinasimulan nila ang
paglaganap ng ideolohiyang Hapones.
1942 (Enero 2) - ang Maynila ay sinakop at inukupahan ng mga Hapon sa pamumuno ni Hen. Homma. Inihayag niya sa mga Pilipino na
tapos na ang pamamalakad ng mga Amerikano. Pinayagan ng Hapon na ang pambansang pamahalaan ay hawakan
ng mga Pilipino bagamat nasa pamamatnubay ng Militar na Hapon at nasa ilalim ng Batas Militar. Pinagsikapan nilang
mapalaya ang mga Pilipino sa mga Amerikano at burahin ang lahat ng impluwensiya ng Anglo-Amerikano sa
kabuhayang pampulitika at panlipunan ng mga Pilipino. Samantala binalaan ang mga Pilipino na makiisa sa mga
Hapon, at ang isag Hapong mapatay ay katumbas ng sampung nilalang na Pilipino.

1942 (Enero 17) - ang Punong Tagaatas ng Pwersang Imperyal ng Japan ay naglahad ng “Mga Saligang Prinsipyo ng Edukasyon sa
Pilipinas” na nagtatakda sa mga layuning:

1. Ipaunawa sa taong bayan ang posisyon ng Pilipinas bilang miyembro ng East Asia Co-Prosperity upang
malasap daw ang sariling kaunlaran at kultura sapagkat nararapat na “Ang Asya ay para sa mga Asyano”
at “Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino”;
2. Burahin ang dating kaisipan ng pagiging depende sa mga Kanluranin, lalo na sa United States at sa Great
Britain, at maitaguyod ang bagong kulturang Pilipino na batay sa kamalayang pansarili ng sambayanan
bilang mga Silanganin;
3. Pagsikapang mapalaganap ang wikang Hapones, at wakasan ang paggamit ng Ingles.

Sa kabilang dako, ibig ng mga Hapon na malimutan ng mga Pilipino ang wikang Ingles kaya naging masigla at umunlad ang wikang
pambansa (Leyson et al., 2006).

Upang maitaguyod ang mga patakarang militar ng mga Hapon sampu ng mga propagandang pangkultura, nagtatag sila ng tinatawag
na Philippine Executive Commission at hinirang si Jorge Vargas bilang tagapangulo. Ang komisyong ito ang inatasang magpatupad ng
mga pangkalahatang kautusan buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces sa Pilipinas. Nagbukas na muli ang mga paaralang bayan
sa lahat ng antas pagkaraan ng ilang buwang pananakop ng Hapon. Itinuro ang wikang Niponggo sa lahat ng antas, ang Tagalog ang
binigyang-diin upang maalis na ang paggamit ng Ingles. Ang mga babasahin tungkol sa Amerika’y pinatanggal sa mga aklat.

1942 (Hulyo 24)- pinalabas ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagsasaad na ang Niponggo at Tagalog ang siyang opisyal na mga wika,
pinapayagan lamang ang paggamit ng Ingles bilang pansamantalang wika sapagkat ang dalawang unang wikang
nabanggit ang gagamitin sa susunod na panahon pa. Nagturo ng Niponggo ang gobyerno militar para sa mga guro ng
mga pambayang paaralan upang pagkatapos na maeksamen sa kakayahan nila sa wika’y sila naman ang magturo.
Hindi lamang itinuro ang kanilang wika paksa rin nila ang pamumuhay at kulturang Hapones, kasaysayan at kulturang
Silanganin, edukasyong fisikal at mga awiting Hapones at maging Pilipino. Binibigyan nila ng katibayan ang mga
nagsipagtapos upang maging katunayan ng kanilang kakayahan sa wikang Niponggo. Tatlong uri ang katibayan para
sa Junior, Intermediate, at Senior.

Nagkaroon din ng Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas na kilala sa katawagang KALIBAPI. Layunin
ng Kapisanan ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon, pagpapalakas at pagpapaunlad ng pangkabuhayan sa Pilipinas
sa pamamatnubay ng Emperyong Hapones. Si Benigno Aquino ang naging direktor nito. Nasa pagpapaunlad ng wika ang pagtalakay sa
mga simulain ng kapisanang ito. Pinakapangunahing proyekto nila ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan sa tulong
na rin ng Surian ng Wikang Pambansa.

1943 (Oktubre 14) - Ang Surian ng Wikang Pambansa’y binuhay. Dahil sa pagnanais ng mga Hapon na mapalawak ang Wikang
Pambansa, itinaguyod nila ito. Isang linggwista na Hapon si Masao Tanaka ang nakapagpalabas pa ng mga lathalaing
informativ upang sagutin ang mga katanungan ng publiko tungkol sa usapin ng Wikang Pambansa.

Dagdag pa ni Constantino et al, 1985, si Jose Villa Panganiban ay nagturo ng Tagalog sa mga Hapon at mga di-Tagalog; may tinatawag
siyang “A Short Cut to the National Language,” sa madaling ikatututo ng kanyang mga mag-aaral. Binigyan niya ng mga numero ang
mga bahagi ng pangungusap na kaugnay ng bahagi ng pananalita at may pormula na siyang isinasagawa, halimbawa ang unang
pormula’y ang 1-4-5.

Ang 1 ay tinumbasan niya ng si at sina kasama na ang pantanging ngalan ng tao kasama ng mga panandang ito. Ang 4 nama’y siyang
kakatawan sa ay kapag ang simuno ang nauuna sa pangungusap. Ang 5 naman ang grupo ng mga pang-uri na walang ma-tulad ng
banal, pilay, dukha, atbp.

Samakatuwid ang lalabas na pangungusap sa 1-4-5 ay:


Si Ana ay banal.

Iba’t ibang pormula ang ginawa niya ay siya’y may mga listahan ng mga kabilang sa numerong binanggit niya. Madali nga ang
pagkakatuto ng mga nais mag-aral sapagkat walang gaanong isinasaulo at kakaunti lamang ang dapat tandaan at makakabuo nan g
mga pangungusap at maaari nang makipag-usap o makipag-unawaan na hindi kailangan pang mabatid ang mga tuntuning
napakarami sa balarila.
Masasabing ang pinakamasiglang talakayan sa wika, ay noong Panahon ng Hapon, sanhi na rin ng pagbabawal ng mga
mananakop sa pagtangkilik sa Ingles. Marahil kung ganito kasigasig ang mga tagapagtaguyod noong nakaraang panahon at ang
dumating pang panahon hindi na pagtatalunan pa hanggang sa ngayon (1980) ang tungkol sa Wikang Pambansa. Noong panahon ding
iyon napilitan ang mga mag-aaral sa Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat pa rin ng wikang ito. Sayang at maikli lamang ang panahong
ito kung maipagpapatuloy lamang sana ng pamahalaan ang pagsisigasig noon ng pamahalaan sa pagkakaroon ng wikang
pagkakakilanlan (Constantino et al, 1985).
(Panahon ng Pagsasarili)
1946 (Hunyo 4) - Nagsimulang magkabisa ang pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 noong Hulyo 7, 1940, na
nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
Sa panahong ito, maraming mga pag-aaral ang isinagawa tungkol sa gagawing wikang panturo sa paaralan.
Ang Misyon sa Edukasyon ng UNESCO- sang-ayon sa pambansang patakaran sa pagpapaturo ng wikang pambansa sa
paaralan, Ingles ang nanatiling wikang panturo at iminungkahing ihandog na aralin sa mataas na paaralan ang Kastila. Noong
1949, ang Lupon ng Magkasanib na Kapulungan sa Kongreso ay nagpaalaala laban sa biglaang pagpapalit ng wikang panturo
kung walang pagbabatayang katibayan buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik pangwika.
Gumawa ng pag-aaral si Dr. Jose Aguilar (superintende ng Iloilo) na pinamagatang “Ang Pagsubok sa Iloilo. Napatunayan sa
pag-aaral na higit na mabilis matuto ang mga batang sinimulang turuan sa unang dalawang baitang sa wikain ng pook
(Hiligaynon) kaysa sa mga batang tinuruan sa pamamagitan ng wikang Ingles.
Gumawa rin ng pag-aaral si Dr. Clifford Prator noong 1950 at ang kinahinatnan ay katulad
din ng kay Dr. Aguilar. Ang naging rekomendasyon ni Prator ay ang mga sumusunod:

1) Gamiting wikang panturo sa unang dalawang baitang ang wikain ng pook;


2) ituro ang Ingles bilang isang aralin simula sa unang baitang at
3) ito ay gawing wikang panturo pagsapit sa ikatlong baitang, samantalang ang Pilipino
ay sisimulang ituro sa ikalimang baitang.

1954 (Marso 26) –Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.
Saklaw ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ang Araw ni Balagtas (Abril 2).
1955 (Set.23)- Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.
186 na nagsususog sa Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang
ng kaarawan ni Quezon (Agosto 19) bilang pagbibigay karangalan sa “Ama ng Wikang Pambansa.”
1956 (Pebrero) – Nirebisa ang salin sa Pilipino ng Panatang Makabayan at ipinagamit ito sa mga paaralan.
Nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang
Memorandum Sirkular 21 (1956) na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit
sa mga paaralan.
Noong 1958, sa Binagong Palatuntunang Edukasyunal ng Pilipinas na naglalayong
magkaroon ang bansa ng isang “integrated, nationalistic and democracy-inspired
educational system,” ipinatupad ang ganitong programa: Ang paggamit ng katutubong
wika ng pook bilang wikang panturo sa unang dalawang baitang ng elementarya; ituro
ang wikang Pilipino at ang wikang Ingles simula sa unang baitang; at simula sa ikatlong
baitang ay wikang Ingles ang gawing wikang panturo.
1959 (Agosto 13)- Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na
nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.
Ang paggamit ng Pilipino ay isang hakbang tungo sa pag-aalis ng rehiyonalismo at
nagbubunga ng pagsasabansa ng dating panrehiyon o diyalekto. Ito ay naging wikang
interehiyonal at mabisang midyum na nag-uugnay sa mga pulo at sa iba’t ibang pangkat
linggwistiko sa Pilipinas.
1962 - Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962 ay nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag- uutos na simula sa
taong-aralan 1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa wikang Pilipino.
1963 (Dis. 19) - Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60. Sa bisa ng kapangyarihang ipinag- kakaloob kay Pang. Diosdado
Macapagal ng batas at bilang pagbibigay-buhay sa layunin ng Saligang-Batas at ng Batas ng Komonwelt Blg. 570, ay
nagpapahayag at nag-utos sa pamamagitan nito na ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay awitin sa mga titik lamang nito
sa Wikang Pilipino sa alinmang pagkakataon, maging dito o sa ibang bansa man.
1967 (Oct. 24) - Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap (Blg. 96), na nagtatadhanang ang lahat ng
gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino.
1968 (Marso 27) - Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay-diin sa
pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay iniaatas din na ang mga “letterhead” ng mga
kagawaran, tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa
Ingles. Iniatas din na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino
gagawin.
1968 (Agosto 5) - Pinalabas ang Memorandum Sirkular Blg. 199 na nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas na
nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng
Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika.
1968 (Agosto 6) - Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nilagdaan ng Pangulo na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa
at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.
1969 (Agosto 7) - Ang Memorandum Sirkular Blg. 277 ay pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda na bumabago
sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar
sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay masaklaw
ng kilusang pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.
1970 (Agosto 17) - Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng
mga may kakayahang tauhan upang mamamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.
1971 (Marso 4) - Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 443 na hinihiling sa lahat
ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa alaala ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco
(Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971.
1971 (Marso 16) - Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 na nagpapanauli sa Surian
ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang mga kapangyarihan at tungkulin.

Ang mga kagawad ng Surian ay kumakatawan sa sumusunod na mga pangunahing


Pangkat linggwistika: Bikol, Cebuano, mga wika ng mga minoryang kultural, Hiligaynon,
Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Samar-Leyte at Tagalog na binubuo ng sumusunod:

Direktor Ponciano B.P. Pineda (Tagalog) Tagapangulo


Dr. Lino A. Arquiza (Cebuano) Kagawad
Dr. Nelia Guanco Casambre (Hiligaynon) Kagawad
Dr. Lorenzo G. Cesar (Samar-Leyte) Kagawad
Dr. Clodualdo H. Leocadio (Bikol) Kagawad
Dr. Juan L. Manuel (Pangasinan) Kagawad
Dr. Alejandro Q. Perez (Pampango) Kagawad
Dr. Mauyag M. Tamano (Tausug; mga wika ng mga minoryang kultural),
Kagawad
Pangalawang Direktor Fe Aldave-Yap, Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap

Ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagkaroon ng sumusunod na mga kapangyarihan,


tungkulin at gawain:
1. Maghayag ng mga kinakailangang panuntunan at mga alituntunin na alinsunod sa mga pamantayang umiiral at
tumutugon sa mga pinakabagong kaunlaran sa agham ng linggwistika tungo sa pagpapalawak at pagpapalakas ng Wikang
Pambansa;
2. Ialinsabay sa panahon ang gramatika ng Wikang Pambansa;
3. Magpanukala ng diksyunaryo, tesauro, ensayklopidya o anumang kasangkapang linggwistik ayon sa mga pinakabagong
leksikograpiya, pilosopiya at pagkatha ng ensayklopedia;
4. Magpanukala at maghayag ng mga patakarang pangwika na naaangkop sa progresibong pagpapaunlad ng edukasyunal,
kultural, sosyal at ekonomikal ng bansa;
5. Pag-aralan at pagpasyahan ang mga pangunahing isyung may kinalaman sa Wikang Pambansa;
6. Magpanukala ng mga patakarang naglalayon ng maramihang produksyon ng mga aklat, pamphlet at katulad ding
babasahin sa Wikang Pambansa sa uri at obrang orihinal; at
7. Isagawa ang iba pang kaugnay na gawain.

8. 1971 (Hulyo 29) – Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng
palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19.
9. 1972 (Disyembre 1) - Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang Kautusang Panlahat Blg. 17, na nag-uutos na limbagin sa Pilipino
at Ingles sa “Official Gazette” at gayon din sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa
ratipikasyon ng Saligang Batas noong Enero 5, 1973.
10. 1972 (Disyembre) – Nag-atas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos (Blg.73) sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang
Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong (50,000) mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang
Batas (Artikulo XV, Seksiyon 3 [1]).
11. 1973 Sa Saligang-Batas, Artikulo XV, Seksiyon 3, ganito ang sinasabi:
12. Ang Saligang Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga Wikang Opisyal, at isalin
sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabic. Sakaling may hidwaan,
ang tekstong Ingles ang mananaig.
13. Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa na makikilalang Filipino.
14. 1974 (Hunyo 19) - Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na
nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula
sa taong-aralan 1974-1975. Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang-Batas ng 1972.
15. Sinimulang ipatupad ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal noong taong-aralan 1974-1975 sa mga paaralan
alinsunod sa mga itinadhana sa Saligang batas ng 1972.
16. 1975 (Oktubre 10) - Ipinalabas ang aklat na “Mga Katawagan sa Edukasyong Bilinggwal”. Layunin nito ang pagpapabilis ng
pagpapalaganap ng bilinggwalismo.
17. 1977 Memorandum Sirkular Blg.77 –Pagsasanay ng mga pinuno at kawani ng mga pamahalaang lokal sa paggamit ng
wikang Pilipino sa mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya.
18. 1978 (Hulyo 21) - Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na
nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas. Magsisimula sa unang semestre ng taong-
aralan 1979-1980, ang lahat ng pangmataas na edukasyong institusyon ay magbubukas ng anim (6) na yunit sa Pilipino sa
kanilang mga palatuntunang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga kursong pagtuturo na mananatili sa labindalawang (12)
yunit.
19. Nabanggit din sa kautusang ito na ang Pilipino ay gagamiting wikang panturo sa ilan sa mga
pandalubhasaang aralin sa pagpasok ng taong-aralan 1983-84.
20. Kalakip din sa kautusang ito ang pagkakaroon ng palatuntunan ng pagsasanay ng mga guro upang
magkaroon sila ng mabisang kasanayan sa pagtuturo ng Pilipino sa pandalubhasaang antas sa pamamahala ng Ministri ng
Edukasyon at Kultura.
21. 1979 Kautusang Pangministri Blg. 40- Ang mga estudyante sa medisina, dentista, abogasya at paaralang gradwado na
magkaroon na rin ng asignaturang Pilipino pati na rin ang mga estudyanteng dayuhan.
22. 1980 (Nobyembre 19) - Ipinalabas ng Minister ng Lokal na Pamahalaan ang Memorandum Sirkular Blg. 80-86 na nag-aatas
na lahat ng mga gobernador at mayor ng Pilipinas ay isa-Pilipino ang mga Sagisag-Opisyal.
23. 1983 (Setyembre 10) - Ang Constitutional Commission ay inaprobahan na pormal na pagtibayin ang Pilipino bilang Wikang
Pambansa.
24. (1986 Hanggang sa Kasalukuyang Panahon)
25.
26. 1986 (Agosto 12)- Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa Wikang
Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong
pamahalaan.
27. Dahil dito, inihayag niya na taun-taon, ang Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel
L. Quezon, itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat
ng mga mamamayan sa buong bansa, sa pangunguna ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan at gayundin ng mga lider ng
iba’t ibang larangan ng buhay.
28. 1987 (Enero 30)- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117- Pinalitan ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) ang dating
Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
29. 1987 (Pebrero 2) - Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Sek. 6-9, nasasaad ang sumusunod:
30. Seksiyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
31. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
32. Seksiyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
33. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang
panturo roon.
34. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik.
35. Seksiyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabik at Kastila.
36. Seksiyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t
ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang
mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
37. Ano ba ang pormal na deskripsyon ng Filipino bilang Wikang Pambansa?
38. Muli tayong sumangguni sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ganito angbatayang deskripsyon ng
Filipino:
39. Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga
panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang
saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
40. pagpapahayag.
41.
42. 1987- Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departameno ng Edukasyon Kultura at Palakasan ang Kautusan Bilang
52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na
nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.
43. Tungkulin ng patakarang edukasyong bilinggwal na pahusayin ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika
(Filipino at Ingles) upang matamo ang mataas na uri ng edukasyon gaya ng hinihingi ng Konstitusyong 1987; palaganapin ang
Filipino bilang wika ng literasi; paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang linggwistikong sagisag ng pambansang
pagkakaisa at pagkakakilanlan; at patuloy na intelektwalisasyon ng Wikang Filipino. Sa isang banda, pananatilihing wikang
internasyunal para sa Pilipino ang Ingles at bilang di-ekslusibong wika ng agham at teknolohiya. Sa rekomendasyon ng
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (ang dating Surian ng Wikang Pambansa), nilagdaan ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng
Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng bagong alpabeto
at patnubay sa pagbaybay ng Wikang Filipino.
44.
45. 1988 (Agosto 25) - Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na
nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga
kinakailangang hakbang para sa paggamit ng Wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at
korespondensya.
46. 1989 (Setyembre 9) – Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
47. 1990 (Marso 19) – Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariño ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas
at sa bayan natin.
48. 1991 (Agosto 14) - Batas Republika Blg. 7104 - Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino
49. (KWF) bilang alinsunod sa Artikulo XIV, Seksiyon 9 ng 1987 Konstitusyon.

1993 (Marso 10) Resolusyon Blg. 93-2- Nagtatakda ng programa ng paghahanda at pagpapahanda ng kinakailangang
kagamitan sa pagtuturo at/o pagkatuto ng Wikang Filipino at sa paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo.
1996- Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Blg. 59- Nagtatadhana ng panuntunan sa pagpapatupad ng New
General Education Curriculum (NGEC). Para sa Filipino ng antas tersyarya, ang siyam (9) na yunit ay para sa mga estudyante
ng kursong Humanities, Social Sciences at Communication (HUSOCOM) o anim (6) nay unit para sa estudyante ng kursong
Engineering, Marine, Science, Mathematics, Business, Agriculture atbp. at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga
kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina) at Filipino 3
(Retorika). 1997 (Hulyo 15) - Nilagdaan at ipinalabas ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagtatakda na
ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng
pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
2001- Tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang
2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
2004- Bagong Kurikulum ng Filipino mula sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED)-Enhanced General Education
Curriculum: Filipino 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) at
Filipino 3 (Masining na Pagpapahayag).
2006- Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ipinagbigay alam ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsususpinde
sa 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino habang nagsasagawa ng mga
pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hanggat walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing
tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng taong 1987.
2007 (Nobyembre 5) – Nilagdaan ni Romulo L. Neri, acting Chairman ng CHED ang CMO 54, serye ng 2007. “Nirebisang Filipino 1,
2 at 3 sa ilalim ng New General Education Curriculum (GEC).
2013 (Hunyo 28) - Nilagdaan ni Patricia B. Licuanan, Chairperson ng Commission on Higher Education (CHED), Memorandum
Order Blg. 20, serye ng 2013, na pinamagatang “General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual
and Civic Competencies.” Ito ay memorandum na nagmamandato ng New General Education Curriculum (GEC).

Ang background at rationale ng seksiyon ng CMO 20 ay nagpapatungkol sa Konstitusyon (sa legal na basehan nito), CMO No.
2 serye ng 2011 (na nagtatag ng “CHED’s thrust of moving towards learning competency-based standards and limits GEC to only 36
units”), the College Readiness Standards (CHED Resolution No. 298-2011),and CMO 59 series 1996 (the old GEC). Basically, CMO 20
mandates a paradigm shift in the way Higher Education Institutions (HEIs) will handle General Education (GE).

Makikita sa CHED Memo Article 1 Seksiyon 3 na may pamagat na Revised Core Courses. Inaprobahan na ang GEC ay magkakaroon
na lamang ng minimum na 36 na yunit na may ganitong pagkakabahagi: 24 na yunit para sa core courses at 9 na yunit na elective
courses at 3 yunit sa buhay at gawa ni Rizal (bilang mandato ng batas). Ang General Education Courses ay maaaring ituro sa Ingles o
Filipino.

Ayon sa CHED Memorandum (CMO) Blg. 20, serye ng 2013, ang Filipino ay hindi na bahagi ng GEC sa taong 2016 at ang
pagtuturo ng Filipino sa antas pangkolehiyo ay limitado na lamang sa pandalubhasaang asignatura sa Filipino at Filipino majors.
Pinangatwiranan ng CHED ang pagtatanggal sa antas Kolehiyo ng asignaturang Filipino sa pagsasabing ang asignaturang ito ay
napapaloob sa Grades 11 at 12 sa ilalim ng bagong K-12 Kurikulum. Paliwanag pa ni CHED Executive Direktor Julito Vitriolo, “Hanggat
maaari, pagdating mo sa college, mga major subjects na lang”.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Name: ________________________________ Year & Section: _________ Date: _________
PAGSUSURI 1
PANUTO: Ayusin ang mga ginulong bahagi ng isang liham pangangalakal. Lagyan ng bilang
ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito.

___ Kalakip po nito ang aming programa, pamantayan at mekaniks.


Sana po ay mapagbigyan ninyo kami sa araw na ito.
Maraming Salamat!
___ Ang buong distrito ng Sekondarya (Filipino at Ingles) ay magkaroon muli ng isang
Patimpalak sa Language Arts Show ngayong ika- 30 ng Setyembre, 2016 (Biyernes) na may
temang: “Pagpapahalaga sa Pagbabago Ukol Sa Narepormang Kurikulum na Pangwika.”
___ Kaugnay nito, nais po sana naming kunin kayo na maging isa sa mga Hurado o Lupon ng mga
Inampalan sa patimpalak sa INFORMANCE ( pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng
Pagtatanghal) na gaganapin sa Zamboanguita Gymnasium bandang alas 2:30 ng hapon, sapagkat
naniniwala po kami sa inyong kakayahan at karanasan bilang guro.
___ Mahal na Gng. Marquiño:
Maligayang Bati!
___ Gng. GLORIA G. MARQUIŇO
DSS sa Filipino Elementarya
Zamboaguita Central Elementary School
Poblacion, Zamboanguita Negros Oriental

___ Gumagalang,
Elisa E. Real
DSS sa Filipino Sekondarya
Distrito ng Zamboanguita
___ IKA- 26, NG SETYEMBRE, 2016
___ Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XVIII, Rehiyong Isla ng Negros
Jose Marie Locsin Memorial High School
Mayabon, Zamboanguita Negros oriental

PAGSUSURI 2

Panuto: Sabihin kung ang mga sumusunod ay paglalahad ng mungkahi,


panghihikayat, pagbibigay utos o pagpapangalan.

1. Mas mainam na gamiting pataba ang mga nabubulok na basura kaysa itapon.
2. Kung gusto mong makatapos, mag-aral kang mabuti.
3. Ikuha mo ako ng tubig.
4. Si Juan de la cruz ang representasyon ng masang Pilipino.
5. Kung nais mong guminhawa ang iyong buhay ay magtayo ka ng isang negosyo.

PAGSUSURI 3

Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong sagutin ang mga sumusunod:
Lagyan ng tsek(̷ ) kung ang mga pahayag ay heuristik.

1. Ano ang nakaapekto sa mababa mong kuha sa asignaturang Filipino?


2. Bakit palagi kang nahuli sa klase?
3. Paano mo makukuha ang iyong minimithing pangarap?
4. Huwag kang pumasok dito!
5. Ilan ang mga mag-aaral sa paaralang ito?

PAGSUSURI 4
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa ngaganap sa panahon ng kastila. Lagyan ng bilang
1-6.

__ 1956, inaatas ni Gob. Tello na dapat turuan ang wikang Kastila ang mga
Indio.
__ 1550, iniatas ni Carlo I na ituro ang Doktrina Kristiyana sa pamamagitan ng wikang
Kastila (Kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas.
__ Dumating ang mga misyonerong Kastila sa Pilipinas.
__ Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo sa
Pilipinas
__ Ang Hari sa kanyang unang atas kleriko ay ipinapagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo
ng panananmpalataya upang madaling mahikayat ang mga Pilipino sa Kristiyanismo.
__ Noong Marso 2, 1634 muling inulit ni Haring Filipe ang utos tungkol sa
Pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng Katutubo upang umunlad ang
pananampalataya ng mga taong bayan.
__ Nakapagpalabas ang monarkiya ng Espanya mula 1867 hanggang 1899 ng 14 na atas na
nagtatakda ng paggamit at pagtuturo ng wikang Espanyol ngunit lahat ng ito ay pawang
nabigo.

PAGSUSURI 5
I. Tama o Mali: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at kung mali bilugan ang
salitang mali at isulat ang tamang salita sa espasyo bago ang bilang.

____________1. Ibig ng mga Hapon na malimutan ng mga Pilipino ang wikang


Ingles.
____________2. Ipinalabas ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagsasaad na ang opisyal na mga
wika at Ingles at Tagalog.
____________3. Hindi pa gaanong matagal na ipinaturo ang wikang pambansa ay sumiklab na ang
Pangalawang Digmaang Pandaigdig na dahilan ng sandaling pagsara ng mga
paaralan.
____________4. Layunin ng KKK ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon,
pagpapalakas at pagpapaunlad ng pangkabuhayan sa Pilipinas sa pamamatnubay ng
Emperyong Hapones.
____________5. Si Jose Villa Pagkalinawan ay nagturo ng Tagalog sa mga
Hapon at mga di-Tagalog.
____________6. Sa panahon ng mga Hapon, Niponggo ang binigyang-diin upang maalis na ang
paggamit ng Ingles.
____________7. Pinakapangunahing proyekto nila ang pagpapalaganap ng wikang Niponggo sa
buong kapuluan sa tulong na rin ng Surian ng Wikang Pambansa.
____________8. Noong Enero 17, 1941 ang Punong Tagaatas ng Pwersang Imperyal ng Japan ay
naglahad ng “Mga Saligang Prinsipyo ng Edukasyon sa Pilipinas”.

PAGSUSURI 6

A. Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag.


Kilalanin ang sumusunod.
_____________1. Nilagdaan niya ang CMO Blg. 20, serye ng 2013, na pinamagatang “General
Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic
Competencies.” Ito ay memorandum na nagmamandato ng New General Education
Curriculum (GEC).

_____________2. Pinalabas niya ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng


opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-
uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng
pamahalaan.
_____________3. Nilagdaan at ipinalabas niya ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagtatakda na
ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga
paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
_____________4. Nilagdaan niya ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nagtatagubilin sa
lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng
pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng Wikang
Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya.
_____________5. Pinalabas niya ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na
gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas
at sa bayan natin.

B. Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag.


________1. Multilinggwal at mulikultural ang Pilipinas.
________2. Ipinatupad ng dating Pangulong Fidel Ramos ang Executive Order 210.
________3. Pinalakas ng House Bill 4710 ang Filipino bilang wikang panturo.
________4. Mananatili sa kolehiyo ang asignaturang Filipino ayon sa CMO 20 s.
2013.
________5. Pinapanukala ng House Bill 4710 na gamitin ang wikang Ingles bilang
wikang panturo sa lahat ng antas ng edukasyon.
________6. Angkop at tumpak ang lahat ng nakikitang impormayon sa mga social
media sites.
________7. Itinuturing pangalawang wika ang Filipino at Ingles.
________8. Ang pagdami ng mga Overseas Filipino Workers sa ibang bansa ang
pangunahing dahilan ng paglaganap ng Filipino sa buong mundo.
________9. Maituturing nang wikang global ang Filipino.
________10. Filipino ang makapangyarihang wika ng Pilipinas.
Sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga nabanggit na disiplinang akademiko, dalawang
kalalabasan ang maaaring mangyari. Una, mapapadali ang pag-intindi ng mga estudyante ng mga
konsepto at prinsipyo ng mga nabanggit na disiplina dahil ang wikang ginagamit aywikang pamilyar sa
Maaaring ito at sabihin sa mas maraming Pilipino, ang Filipino ay maituturing na pangalawang wika
lamang ngunit hindi maaaring mapasubalian na ang Filipino ay may malaking pagkakahawig sa lahat ng
wika saPilipinas. Maidaragdag pa ang katotohanang kahit na hindi unang wika ng mas nakararaming
Pilipino ang Filipino, tinatayang higit sa 85% ng buong populasyon ng bansa ang nakaintindi at
nakakapagsalita ng wikang pambansa. Sa ganitong paraan, ang pagsisikap ng mga estudyante ay
nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga konsepto at hindi sa pag-unawa sa kahulugan ng wikang
ginagamit. Sa paggamit ng wikang banyaga katulad ng Ingles, ang mga estudyante ay nagpupumilit na
intindihin ang kahulugan ng wikang ginagamit nang nauuna kaysa pag-intindi sa konseptong ipinaabot
ng titser. Ang nangyayari tuloy ay kalahati lamang ng atensyon ng estudyante ang nakapokus sa
konsepto dahil ang kalahating atensyon ay nakatuon sa pag-intindi sa kahulugan ng wika.
Pangalawa, sa pamamagitan ng paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng mga kursong nasasakop ng mga
disiplinang nabanggit sa itaas, nagkaroon ng pagpapataas sa antas ng gamit ng wikang pambansa at
nagiging episyente ito sa pagtalakay sa mga sopistikado at kumplikadong konsepto ng bawat
disiplina. Sa ganitong paraan, nagiging moderno at intelektwalisado ang Filipino at maari nang
gamitin sa lahat ng antas at domenya ng pamumuhay ng Pilipino. Ang maaaring kalalabasan ng ganitong
kondisyon ay ang pagsulong ng kabuhayang Pilipino dahil sa ang resulta ng mga pananaliksik at
kaalamang bunga ng pag-iisip ng mga edukado ay maari nang maabot at magamit ng karaniwang mamamayan
na bumubuo ng masa.
Mula sa sanaysay na “Paggamit ng Filipino: Mabisang Daluyan ng Sikolohiyang Pilipino” na nanalo ng pangalawang
gantimpala sa Gawad Surian sa Sanaysay Gantimpalang Collantes (1994 sa Santos et. al, 2009)

You might also like