WIKA Ass
WIKA Ass
WIKA Ass
Ang wika ay masistemang balangkas ng arbitraryong tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ang tinutukoy na sistema ng tunog at paraan naman ng ating pagsulat at iba pang anyo ng sagisag o hudyat na ginagamit sa komunikasyon tulad ng sign language ang siyang tinutukoy na sagisag. Sa nabanggit na definisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman ang mga hayop ay mayroon ding paraan ng komunikasyon, hindi natin tinatawag na wika ang mga ito. Samakatwid, ang wikang tinutukoy sa pagtatalakay na ito ay ang ginagamit na tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao.
kasaimlan ay bumuo sila ng isang Bahasa Indonesya na ngayon ay kanilang wikang pambansa buhat sa lahat ng wikaing sinasalita sa kanilang bansa." (Relova: 1973) D. Lumilinang ng Malikhaing pag-iisip - ayon kay Reynaldo L. Aguilar (1994), ito ang pinakamahalagang tungkuling ng wika, sapagkat dito pinaiiral ang malikhaing paglalang ng mga bagong pamamaraan at bagong paniniwala. Sa tungkuling ito, ang wika ay kinakailangang matatas at maunlad. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela, parang nararamdaman natin ang nararamdaman ng pangunahing tauhan dahil pinagagana ng wika at ating imahinasyon. Sa pamamagitan ng payak at tiyak na panuto, naituturo sa ating ang paggawa ng isang bagay kahit hindi natin nakikita kung paano ito ginagawa. Dahil sa wika maraming mga bagay ang nabubuo, nalilikha o naiimbento. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng idea ng mga tao, nakabubuo sila ng mga bagong konsepto na humahantong sa paglikha o pag- imbento ng mga bagong bagay.
Katangian ng Wika
1. Ang wika ay artbitraryo - sapagkat walang tiyak na makapagsasabi kung paano nga talaga nagsimula o paano nagkaroon ng wika ang bawat lahi sa daigdig, ang anumang paggigiit sa isang teoryang pinagmulan ng wika ay lilikha lamang ng pagtatalo. 2. Ang wika ay buhay o dynamic - tulad ng isang bagay na buhay, ang wika ay patuloy na nagbabago sa pagdaan ng panahon. Ito ay masasabing permanenteng katangian ng wika. Ang pagbabago ay maaring tungo sa pag- unlad. Maaring may mga salitang nawawala o hindi na ginagamit subalit ito'y napapalitan ng mga bagong salita. Halimbawa ang salitang pinid. Ilan pa ba sa ating ang nagsasabing "Ipinid mo ang pinto"? hindi ba wala na? Ang ginagamit ngayon ay isarado sa halip na ipinid. Gayon din ang buhay na mga bagay may, mga bahagi na nawawala subalit napapalitan ng bago. Isang halimbawa ay ang kuko. Kapag nabunot ang kuko ng tao ito'y napapalitan ng bago. 3. Ang wika ay nakasandig sa kultura - bawat wika ay may naiibang katangian na hindi matatagpuan sa iba sapagkat may mga bagay na bahagi ng isang kultura na hindi matatagpuan sa ibang kultura. Halimbawa sa Pilipinas ay mayroon tayong ibaibang tawag sa estado ng palay. Palay tawag nating sa tanim na at bunga nito na hindi pa nababalatan. Subalit pag ito ay nabalatan na, ito'y tinatawag na itong kanin, bahaw ang tawag sa malamig na kanin. Mayroon tayong iba't ibang katawagan dito dahil ito'y bahagi ng ating kultura. Subalit sa Ingles ang lahat ng ito ay tinatawag nilang rice dahil ito'y bahagi ng regular na pamumuhay ng mga Ingles ang pagkain ng kanin. Nilalagyan lamang nila ng panuring o modifier ang rice (cooked rice) para ipaalam ang pagkakaiba. Sa kabilang dako naman, wala tayong katawagan sa iba't ibang uri ng yelo. Sa Ingles ang mayroong ice, snow, hailstorm, iceberg, glacier at iba pa. Kapag sa ating ay nagkaroon ng hailstorm, sinasabi nating umulan ng yelo.
Wala tayong katawagan sa mga bagay na ito sapagkat hindi it bahagi ng ating kultura at regular na pamumuhay. 4. Walang wikang dalisay o puro - sapagkat ang wika ay nakasandig sa kultura, ang panghihiram ng salita sa ibang wika ay hindi maiiwasan. May mga knoseptong hindi maipahahayag sa isang wika na naipapahayag naman sa iba. Dahil dito, walang masasabing purong Tagalog, purong Hapon o purong Ingles man. Tingnan nating ang wikang Ingles. Maraming salita sa Ingles ang galing sa Latin, Griego, Kastila at iba pang wika. Maging ang Tagalog ay pinaghiraman din ng Ingles. Halimbawa ang salitang " amok" o nagromentado. Matatagpuan natin sa mga diksyonaryong Ingles ang salitang amuck na ayon sa etimolohiya nito ay galing sa salitang amok ng Tagalog. Ang Tagalog ay hindi rin natin pwedeng sabihing puro dahil marami sa ating mga salita ang galing sa Kastila, Ingles, Intsik at iba pang bansa ng nakaugnayan ng mga Filipino. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.
kalikasan ng wika pinag samang tunog may dalang kahulugan may ispeling sistemang oral-awral pagkaala ng wika iba-iba katangian ng wika makapangyarihan kagilagilalas may pulitika rin may antas ang wika nagbabago.
Ang papel ng Wika sa pagkatuto:
Isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon. Nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman; mithiin at nararamdaman sa halos lahat ng aspect ng pag-aaral --- sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Nakasalalay ang epktibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang Tao sa pamamagitan ng wika. Kinakailangang maging mahusay ang isang idibidwal sa pagsasanay ng wika upang magamit ito nang maayos. Inaasahang sa papel na ito na maipaliwanag ang tungkulin na ginagampanan ng wika sa pagkatuto sa ibat ibang disiplina. Malaki ang papel ng wika sa pagkakatuto. Ang pang-araw araw na buhay ng Tao ay umiikot dahil sa wika. Sa pamamagitan ng pasulat at pasalita, ang wika ay nagiging daan upang ipaabot ng isang idibidwal ang kaniyang kaisipan at damdamin. Ang wika ay nalilinang ang kakayahang komunativo ng isang mag-aaral. Ang pagiging marunong sa wika ay nagtataglay ng kapangyarihan na makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kapwa at mapahalagan ng lubos ang kagandahan ng buhay na gingalawan ng isang indibidwal. Ang wika ang pinakamahalagang instrumento ng komunikasyon. Samakatuwid, ang wika sa pagkakatuto ay makabuo ng isang pamayanang progresibo at kapaki-pakinabang. Pangalawa, ang wika ay dapat may interaskyon. Ang pagunawa sa mensaheng ipinahayag ng mga kasangkot sa interaskyon ay may pantay na kahalagahan sa pagpapahayag sa sariling ideya. Pangatlo, ang wika ang kaluluwa ng bayan at salamin ng lipunan. Ang isang bayan ay Hindi makikilala kung Hindi dahil sa kanilang wikang pambansa. Ang wika ang nagbibigay ng katauhan sa isang lipunan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa maraming papel ng wika sa pagkakatuto. Kasama sa pag-aaral ng katangian ng wika, kinakailangan ang pageensayo sa pagsasalita at pagsusulat. Ang wika ay ginagamit sa pang-araw araw na pamumuhay. Ito ay isang mahalagang salik sa pagkakaunawaan ng bawat indibdwal. Maraming papel ang wika sa pagkakatuto tulad ng mga nabanggit kanina. Una, ang wika ay kasangkapan na ginagamit ng isang indibidwal upang makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Pangalawa, ang wika ay may interaskyon, at Pangatlo ang wika ang nagsasalamin sa bayan. Mahalaga na maging malinang sa panunulat at pagsasalita ang isang indibidwal upang maging mahusay at epektibong instrumento ng wika. Ang wastong
katangian: 1. may balangkas; 2. binubuo ng makahulugang tunog; 3. pinipili at isinasa-ayos; 4. arbitraryo; 5. nakabatay sa kultura; 6. ginagamit; 7. kagila-gilagis; 8. makapangyarihan 9. may antas; 10. may pulitika; 11. at ginagamit araw-araw. Gamit
paggamit ng wika sa pagkakatuto ng isang indibidwal ang siyang magdadala at magbubuo ng isang pamayanang kapaki-pakinabang at progresibo. Bagamat ang wika ang kaluluwa ng lipunan.