Reviewer For Komunikasyon
Reviewer For Komunikasyon
Reviewer For Komunikasyon
Kahulugan ng Wika
Ayon kay PANGANIBAN - Ito ay nagsimula sa salitang Latin na "lengua " na ang kahulugan ay dila. Ito ' y
masistemang gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panuntunan.
Ayon kay HENRY GLEASON- Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Ayon kay BERNALES ET AL (2002)- Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal o di-berbal.
Katangian ng Wika
Ang Wika ay masistemang balangkas
Ang Wika ay sinasalitang tunog
Ang Wika ay pinipili at isinasaayos
Ang Wika ay isang arbitaryo
Ang Wika ay patuloy na ginagamit
Ang Wika ay nakabatay sa kultura
Ang Wika ay nagbabago
Kahalagahan ng Wika
Instrumento ng Komunikasyon
mahihirapang magtagumpay komunikasyon kapag walang wika.
Napapanatili, nagpapayabong, at nagpapalaganap ng kultura
nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika.
Malaya at may soberanya ang isang bansa
malaya ang mga bansa na may sariling wika ,nalilinang sa pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.
Tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng kultura ng bawat grupo
bawat bansa ay may kanya kaniya-kaniyang yaman ng karunungan at kaalaman.
Lingua Franca
tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kaniya-kaniyang wikang
ginagamit..
Barayti ng Wika
-kilala sa Ingles na “Variety” , ito ang sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan nating ginagalawan,heograpiya,
edukasyon, okupasyon, edad, kasarian, at kung minsan, ang uuri ng pangkat etniko.
Dayalek o Dayalekto
ito ay nilikha dahil sa heograpikong kinaroroonan,tinatawag din itong wikain sa ibang aklat, ang
barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tinitirahan.
Hal. Tagalog- “Mahal kita”
Hiligaynon- “Langga ta gd ka”
Bikolano- “Namumutan ta ka”
Sosyolek o Sosyalek
nabubuo ito batay sa dimensyong sosyal, ito ay pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na
grupo, ito rin ay maaring okupasyonal na rehistro.
Hal. “Pare, takbo! Nandiyan na ang mga parak.”
“Wag kang snobber”.
“Sinetch itey na may crush daw sa’yo?”
Idyolek o Idyotek
ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal, bawat indibidwal ay may istilo sa
pamamahayag at pananalita.
Hal. “Magandang Gabi Bayan”- Noli De Castro
“Hoy Gising”-Ted Failon
“Hindi ka namin tatantanan”- Mike Enriquez
“Di umano’y” – Jessica Soho
Register
Jargon
Hal. Sa propesyon naman, iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang sa inhinyero, computer
programmer, game designer, negosyante at iba pa.
Homegenous
tumutukoy ito sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika. May kaugnayan din ito sa
paggamit ng isang partikular na wika.
Halimbawa: Makikita ito sa mahigpit ng pagtuturo ng mga gramatikal na estruktura at patakaran ng
kung ano ang istandard na Filipino o Ingles sa loob ng mga paaralan.
Heteregenous
tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng wika. Iba-iba ang wika dahil sa lokasyong
heograpiko, pandarayuhan, sosyo- ekonomiko, politikal at edukasyonal na katangian ng isang partikular
na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika.
Halimbawa: Dito sa ating bansa, ang pagiging multilingual ay nagsasabi na nag- iiba ang wika.
SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON
Ang wikang Filipino ay nangunguna sa komunikasyon sa halos lahat ng media ngayon. Ito ay isa sa mga
paraan upang magbigay impormasyon sa masa. Sa radyo, ito’y nangungunang mass media na abot kaya ng mga
pinoy
Antas ng Wika
ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito.
ang wikang madalas na ginagamit ng tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao
siya at kung sa aling antas-panlipunan siya nabibilang.
mahalagang maunawaan ng isang tao ang mga antas ng wika nang gayon ay maibigay niya ito sa
kaniyang katayuan, sa hinhingi ng panahon at pook at maging sa okasyong dinadaluhan.
mahahati ang antas ng wika sa kategoryang pormal at di-pormal, sa bawat kategorya nakapabloob ang
mga an tas ng wika.
Pormal
ito ay mga salitang estandard dahil kinikilala ,tinatanggap, at ginagamit ng higit na nakararami lalo na
ng nakapag-aral ng wika.
Pambansa
ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat pangwika, pamahalaan at paaralan ito ang wikang
kadalasan ng pamahalaan tinuturo sa mga paaralan.
Halimbawa ng Pambansa:
MANILA, Philippines — Nilagdaan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 114 na
nagi-institutionalize ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa Program. Layunin ng programa na mabawasan ang
mga mamamayang nagsisiksikan sa Metro Manila. Sa ilalim ng EO, itatayo ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-
asa Council na pamumunuan ng Executive Sectetary at tatayong vice chairperson ang SocioEconomic Planning
Secretary. Layunin din ng kautusan na paunlarin ang mga lalawigan upang matigil na ang paglipat ng mga taga-
probinsiya sa Metro Manila.
Pampanitikan
ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akda na karaniwang matatayog,
masining at ginagamitan ng idyoma.
Halimbawa ng Pampanitikan:
Una, gusto naming gunitain na isa sa mga layunin nang iproklama ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa
batay sa katutubong wika ay 'yong lunggati, 'yong aspiration na itong wika na ito ay maging sagisag para
magbuklod ang mga Filipino.
Di-Pormal o Impormal
ito ay mga salitang karaniwan at madalas na gamitin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan o
kakilala.
Lalawigan
ito ay ginagamit sa partikular na pook o lalawigan, madalas ang pagkakaroon ng punto sa
pagsasalita ng mga taong kabilang sa lugar na yaon.
Halimbawa ng Lalawigan:
Tanong: Ano po ang estado ng wikang Filipino?
Kolokyal
ito pagpapaikli ng isang salita, katulad ng meron sa mayroon, ‘asan sa nasaan, ‘lika sa halika atbp.
Halimbawa ng Kolokyal:
Kaya sabi nila, ang kanilang hiling, baka dapat – lalo ngayong
nagkakaroon ng mga kasunduang pangkapayapaan sa
Mindanao – eh baka dapat Filipino ang gamitin, sa halip na
Ingles.
So, ang tawag sa lingustics nito ay lingua franca. Ibig
sabihin, wika na ng bayan ang wikang Filipino. Kahit na isang
Ilokano o Bisaya ang nagkatagpo, mag-uusap sila sa
pamamagitan ng wikang Filipino.
Ika nga, sabi dito, you cannot flog a dead horse. Meaning,
paano mo papakainin ‘yung kabayo kung patay na? So hindi
ko kayo kabayo, just an analogy.
Balbal
ito ang mga salitang nalilikha ng grupo ng tao upang maging wika nila at sila lang ang nakakaintindi.
Salitang kanto ang karamihan nito.
Halimbawa ng Balbal:
HALIMBAWA
Pangatlo po is dadaan po tayo sa data ng SSS and BIR kasi
formal sector. Dapat ito po 'yung gawin natin so that we
can target better kasi alam natin kung sino sila at i-
incentivize po natin 'yung better compliance kasi 'yung
mga nagko-contribute ng tax at ng SSS,
'yan po ang unang tutulungan natin.
Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Ang Pilipinas ay isa sa mga
bansang biniyayaan ng maraming wika: di kukulangin sa 180 ang wikang sinasalita sa Pilipinas.
Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma o
estandard na anyo nito o kaya tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma o estandard na anyo nito o kaya
ay pagkakaroon ng iba't ibang porma o barayti. Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang salitang
homogenous ay nagmula sa salitang Griyego na homogenes mula sa hom-na nangangahulugan ng uri o klase
at genos na nangangahulugan ng kaangkan o kalahi. kung gayon, ang salitang homogenous ay
nangangahulugang isang klase mula sa iisang lahi o angkan. Maaaring magkaiba-iba ang paggamit ng isang
wika batay sa iba't ibang salik at kontekstong pinagmumulan ng nagsasallita nito.
Maaaring magkaroon ng magkakaibang porma at uri ang wikang Ingles batay sa iba't ibang grupo ng taong
nagsasalita nito. Ibang-iba ang punto at pagbubuo ng salita ng mga taong nagsasalita ng British English,
American English o kaya ay mga Third World Englishes gaya ng Filish (Filipino-English), Singlish
(Singaporean English) o kaya ay Inlish (Indian English). Kabaligtaran ng homogeneity sa wika, ipinakikita ng
pagiging heterogenous na natural na penomenon ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika kung kaya't
mahirap takdaan ang hangganan ng estandardisasyon ng wika.
Unang Wika
Ayon kay Lee (2013) sa kanyang artikulo na THE NATIVE SPEAKER: An Achievable Model? na nailathala sa
Asian EFL Journal, narito ang mga gabay upang matukoy kung isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang
wika.
Ikalawang Wika
Isa sa mga kinilala sa Krashen (1982) sa teorya ng Second Langguage Acquisition (SLA) na
nagpaliwanag sa pagkakaiba sa acquiring (likas na natural na pagtatamo) at learning (pagkatuto) ng wika. Ayon
sa kanya, ang acquisition o pagtatamo ay isang natural na proseso habang ang learning o pag-aaral ay
kinasasangkutan ng malay o sadyang desisyon napag-aralan ang wika.
Lingguwistikong Komunidad