Mga Kabanata

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 60

Kabanata I

ANG SULIRANIN

Introduksyon

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng

kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsisilbing daan para magkaintindihan at

magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at

kinakailangan ng isang bansa maging ng mga tao sapagkat ito ang ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat

mamamayan. Ito ay talagang napakahalaga dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay

hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang

isang paraan para sa pagpapahayag ng mga saloobin, opinion at mga personal na

obserbasyon. Ang halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang

nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad.

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga

simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng

kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at

damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na

makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga

hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan

din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito,

1
nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang

pulutong ng mga tao.

Ang sabi ni Sapir (2011), isang dalubhasa sa wika, ito ay isang likas at

makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.

Kung hindi maipahahayag ng tao ang kanyang ideya at niloloob, anong uri kaya

ng lipunan tayo mayroon? May malaking papel na ginagampanan ang wika sa

bawat tao at maging sa lipunan. Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting

relasyon sa kapwa, napauunlad ng tao ang kanyang sarili at nakatutulong din siya

sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ibang tao. Dahil sa wika nakatatanggap at

nakapagbabahagi siya sa kapwa sa bisang dala ng pagbabago sa kultura at

kabihasnan. Samaktuwid ang kahusayan ng tao sa paggamit ng wika ay isang

instrumento ng pag-unlad.

Ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ay may layuning pag-ugnayin ang

bawat mamamayan sa isang bansa na siya namang nagbibigay tulay tungo sa pag-

unlad nito sa iba’t ibang aspeto. Angkop lamang sa pag-aaral na ito ay maiparating

ang hangaring lalong maintindihan ang kaalaman ng nakararami tungkol sa mga

kadahilanan at kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino bilang ating

Pambansang Wika. Lubos ding matutukoy ang kahalagahan, kaugnayan at epekto

nito sa pag-unlad ng ating bansa. Dahil ang pagpapaunlad sa sariling wika ay may

tuwirang epekto sa pagpapaunlad ng isang bansa na lalong pagbuklurin ang

matibay na identidad, ang pagkakaisa sa pambansang mithiin at damdaming

2
nasyonalismo ng mga Pilipino bilang isang pwersang nagbibigkis sa tunay na

kapayapaan, pagkakaunawaan at higit sa lahat sa kaunlaran.

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating

ekonomiya lalong-lalo sa ating wika. Nagkaroon na nang mas maraming barayti

ng wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe katulad na

lang ng mga ginagamit ng bakla o “beki” na kadalasan tinatawag na “Gay

Language”. Marami nang naidulot na impluwensiya ang mga pagbabagong ito

lalong-lalo na sa mga kabataan. Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligid sa ating

kabataan ngayon, nalipat na ang kanilang atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi

mas inuuna o mahalaga. Nakalilimutan na nila ang pangunahing kaalaman gaya ng

wastong paggamit ng mga salita at ang kahalagahan ng pagbibigay importansya at

pagtangkilik sa ating sariling wika, ang Wikang Filipino.

Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang

Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat

payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba

pang mga wika at kautusang tagapagpaganap Blg. 187 na nilagdaan ng Pangulong

Marcos na nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang

sangay ng pamahalaan na gamitin ang Wikang Filipino hanggat maaari sa linggo

ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito sa lahat ng opisyal ng komunikasyon at

transaksyon.

Mahalaga ang wika sapagkat ito ay midyum sa pakikipagtalastasan o

komunikasyon. Ginagamit din ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang

3
damdamin at kaisipan ng tao. Ito ay sumasalamin sa kultura at panahong kanyang

kinabibilangan at isa rin itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng

kaalaman.

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit

upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi

lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito

upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t ibang opinyon

at kaisipan. Kung gayon, malaki ang ginagampanan ng wika sa ating pang-araw-

araw na buhay.

Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa

bawat galaw, kilos, at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan

ng mga bagay-bagay katulad na lamang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na

may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng

komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao gamit ang iba’t

ibang wika. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng wikang Filipino. Ang

wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at

mayroon sila.

Ang isang tao na gumagamit ng wikang Filipino ay nangangahulugang isa

siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling

wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal daw nila ang kanilang

sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga

masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga

4
tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin

na ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong

bagay dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakaaalam kung ano ang katotohanan.

Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagamitin natin ito kahit

kalian at saan man tayo magpunta.

Mahalaga ang wikang Filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na

mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki. Kailangan protektahan,

ipagtanggol ito, mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikahihiya ang ating

wikang Filipino. Napahahalagahan ng mga mag-aaral ang wikang Filipino sa

pamamagitan ng pag-aaral, pakikipagkapwa tao, pagtuturo ng mga natutunan at

pagpapa-unlad ng kultura dahil ginagamit nila ang wika bilang midyum para

makasulat, makabasa, at makaintindi ng mga aralin at mga bagay na dapat

matutunan. Kung walang wika ay hindi matututo ang mga mag-aaral. Dahil ang

wika ay ginagamit upang maunawaan ang sinasabi ng tao sa paligid at hindi

lamang para may magamit sa pagsasalita. Ang limang makrong kasanayan;

pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood ay mahalaga dahil sa

ganitong paraan natututo ang mga mag-aaral. Ito ang gamit sa pakikipag-ugnayan,

pag-aaral at pagtuturo sa iba. Ito rin ang nagiging instrumento sa pagpapa-unlad

ng kultura at sining sa isang bayan o bansa.

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng

kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsisilbing daan para magkaintindihan at

magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Sa pagbabago ng

5
henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya lalong-lalo na tungkol

sa ating wika. Kung gayon, ang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino ay dapat

pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral ng mga wika ng bansa.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa antas ng pagtangkilik sa wikang

Filipino ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan ng Malvar. Ang mga mag-aaral

na nabanggit ay opisyal na nakaenrol sa Taong Panuruan 2017-2018.

Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na tiyak na katanungan.

1. Ano ang demograpikong kalagayan ng mga respondente batay sa:

1.1 kasarian;

1.2 kalagayang panlipunan; at

1.3 pinakamataas na antas na pinag-aralan ng magulang?

2. Paano mailalarawan ang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino ng mga

respondente batay sa mga makrong kasanayan:

2.1 pakikinig,

2.2 pagsasalita,

2.3 pagbasa,

2.4 pagsulat, at

2.5 panonood?

3. Mayroon bang signipikanteng kaugnayan ang demograpikong kalagayan ng

mga respondente sa kanilang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino?

6
4. Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, anong mga hakbangin ang maaaring

imungkahi upang mapayabong pa ang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino

ng mga respondente?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang wika ay mahalaga at kailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat

ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-

talastasan ng bawat mamamayan. Ito ay talagang napakahalaga dahil kung wala

ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa

o nagkakaintindihan.

Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa sumusunod:

Sa mga Punong-guro o Tagapamahala, ang pag-aaral na ito ay

makatutulong upang makapagbigay ng panibagong hakbangin sa anumang

suliraning matutuklasan sa antas ng pagtangkilik sa Wikang Filipino. Maaari rin

silang makapagbigay ng iba’t ibang suhestyon sa mga guro upang lubos pang

mapayabong ang kanilang pagtuturo hinggil sa naturang paksa.

Sa mga Guro ng asignaturang Filipino, ang pag-aaral na ito ay higit na

makatutulong upang mapalago ang kanilang kamalayan tungkol sa wikang

Filipino, dahil dito mapalalawak ang kaisipan ng mga guro at mapagbubuti pa ang

kanilang pagtuturo nang sa gayon ay malaman ng mga mag-aaral ang kahalagahan

ng pagtangkilik sa wikang Filipino.

Sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa kanila upang

kanilang malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga tamang paraan o

7
salita na kanilang kailangang gamitin upang lubos ang kanilang pagkamit ng

tagumpay sa kanilang pag-aaral.

Sa mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay nakatulong sapagkat

nakapagbigay ito ng karagdagang kaalaman at kabatiran sa mga mag-aaral hinggil

sa Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino at naisakatuparan ang adhikain at

layunin na maipasa ang pananaliksik na ito.

Sa mga susunod na mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay makatutulong

upang maisagawa ang pag-aaral at ang magiging resulta nito ay kanilang magiging

batayan at sanggunian upang mapalawig ang kanilang ginagawang pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon

Dahil ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay nakatuon sa antas ng

pagtangkilik sa wikang Filipino, pinili ang mga respondente batay sa

napapanahong pagtangkilik ng mga mag-aaral sa ibang lenggwahe. Kung saan,

nababalewala ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng wikang Filipino na siyang

midyum sa pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagkahilig ng mga mag-aaral

sa panunuod ng makabagong pelikula ng ibang lenggwahe at sa pakikinig ng mga

musika na ang pangunahing salita ay hindi wikang Filipino ngunit siya pang

pinag-aaralang makabisado.

Hindi sakop ng pag-aaral na ito ang pagbatid ng mga mananaliksik sa

paglinang sa Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino sa ikalawang hanggang

ikaapat na markahan sa Ikapitong grado. Limitado lamang ang sagot ng mga

8
respondente batay sa isinasagawang sarbey ng mga mananaliksik, tanging

ikapitong baiting lamang ang sakop ng pag-aaral na ito.

9
Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagbasa ng tesis at mga

literaturang may kinalaman sa pag-aaral na ito. Ang mga paksang may higit na

kinalaman sa nasabing pag-aaral ay isinaalang-alang na may pagkilala sa mga

pangalan ng may akda. Matatagpuan sa kabanatang ito ang Literaturang

Konseptwal, Literaturang Saliksik, Sintesis, Balangkas na Konseptwal, Paradaym

ng Pag-aaral, Hipotesis at Depinisyon ng mga termino na siyang nakatulong ng

lubos sa isinagawang pag-aaral.

Literaturang Konseptwal

Malaki ang papel na ginagampanan ng wika sa pagbuo ng isang

pambansang identidad o kaakuhan, lalo na sa pagsabak sa proseso ng

globalisasyon. Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang bansa para

makasabay sa hamon ng kasalukuyang panahon.

Ayon kay Sapir (2011), ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan

ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. Sa pamamagitan nito ang

wika ay nagiging tulay upang magkaunawaan ang bawat indibidwal.

Si Alagad-abad (2013), ay nagpahayag na ang wika ang pinakamalinaw at

pinakamahusay magbigay ng hinuha sa kung ano ang partikular na pananaw ng tao

sa daigdig na kanyang ginagalawan.

Binigyan diin naman ni Santos (2011), sa isang pulong na pinamagatang

“Pagpaplanong pang wika, Pagpaplanong pang-ekonomiya” noong Agosto 18,

10
2011 ang kahalagahan ng wikang pambansa sa mga araw-araw na gawain ng mga

Pilipino. Ayon sa kanya, siya’y tinanggap dahil sa wika sa mahabang paglakad ng

panahon, natuto siyang magsulat. Nagsulat siya ng komiks, kung ano ang kanyang

inilapit sa ama ng industriya ng komiks? Wika. Sabi niya matututo siyang

magsulat ng komiks kung bibigyan lamang siya ng manuskrito, gagamitin niya

ang wika. Siya ay natanggap, nakapagsulat at namuhay. Ano ang ginamit? Wika.

Bukod sa pagiging sandata ng wika, binigyang-kahulugan ni Santos ang

wika bilang “Kaluluwa ng ating pagkatao at isang biyaya.” Ito, ayon sa kanya ang

natutunan niya kay Carlo J. Caparaz, isang kilalang manunulat ng Pilipino komiks.

Idiniin din ni Santos na ang mahusay na paggamit sa wika ay magdadala sa tao sa

rurok ng tagumpay. Ayon sa kanya, ang sinuman na gumagamit ng wika ng

mahusay ay nakatitiyak ng katuparan ng ating pangarap. Walang sinuman na

gumagamit ng wika sa pinaka mahusay na paraan ang nabigo. Dagdag pa niya,

ang pinkamagagaling na tao sa buong mundo at ang pinakamagagaling na tao sa

bawat bansa, tiyak niya na mahusay gumamit ng wika.

Ayon sa isang komisyoner na si Macinas (2012), ang wika ay sumisimbolo

ng ating lahi at kultura. Tunay na mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika

dahil ito ay nagsisilbing simbolo ng lahi, kultura ng bansa at sumasagisag na ang

bansa ay malaya. Ang bawat bansa ay may sariling wika na ginagamit upang

magsilbing daan tungo sa landas ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagmamahal.

Si Caroll (2011), ay nagsabing ang wika ay isang sistema ng mga sagigag

na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa

11
loob ng maraming daang taon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang

panahon ng kasaysayan ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na

pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng

pangkat o komunidad.

Ayon naman kay Dr. Batnag (2012), sapagkat ang Pilipinas ay multilingwal

at multicultural, nabubuklod ang ating watak-watak na isla ng iisang mithiin na

ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon kundi gayun

din sa isahang midyum ng Wikang Filipino. Samakatuwid di matutumbasan ang

papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Sinabi ni Hill (2011), sa kanyang papel na What is language? Ang wika ay

pangunahing at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang

simbolong ito ay binubuo ng tao na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at

isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang kumplekado at simetrikal

na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at

kontrolado ng lipunan.

Ayon B. Barker at K. Barker (2010), ikinukonekta ng wika ang nakaraan,

ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga

tradisyon. Maaaring mawala ang matatandang henerasyon subalit sa pamamagitan

ng wika naipababatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan,

maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito,

ang mga sumusunod at susunod pang henerasyon ay natuto o maaari ring matututo

sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di

12
naman kaya ay naitutuwid o maitutuwid ang mga dating pagkakamali. Masasabi

ng sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal,

sikolohikal at kultural.

Ayon kay Badayos (2008), napakahalaga ng kasanayan sa pakikinig sa

ating buhay. Ito ang pinakagamiting kasanayan sa ating pang-araw-araw na

pakikipagtalastasan, subalit parang nakaliligtaan o di nabibigyang pansin dahil ang

pakikinig ay di tulad ng ibang kasanayang pang-wika, isang panloob na proseso at

hindi tuwirang naoobserbahan.

Ayon pa rin sa kanya ang pakikinig ay pagbibigay diwa o pakahulugan sa

wikang sinasalita, ito ang pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng pandinig,

panghuhula, pagpopokus, paglalarawan, pag-uugnay, paglalahat at pagpapahalaga.

Ayon naman kay Pierce na nasa aklat ni Villafuerte (2008), ang pakikinig

ay isang paraang interaktib at di-pasib na nangangailangan ng higit na itinakdang

lakas at pagsasanay. Ayon pa rin sa kanya ang pakikinig ay hindi pasib kundi

aktibong paraan ng pagtanggap at pagbubuo ng mensahe mula sa pangangailangan

ng tunog.

Ayon kay Alcaraz et al. (2011), ang pakikinig ay kakayahang matukoy at

mauunawaan ang sinasabi ng ating kausap. Ito’y nagtataglay ng pag-unawa sa diin

at bigkas na nagsasalita, ang kanyang balarila at talasalitaan, kasama ang

pagbibigay kahulugan niya sa mga ito. Ang pagsasalita ay isang makrong

komunikasyon na may 30% na ginagamit ng isang indibidwal sa araw-araw na

takbo ng kanyang buhay. Unang nalinang sa isang tao ang pakikinig at ang una

13
namang natutunan ng tao ay ang pagsasalita. Mas malaking panahon at oras nang

ginugugol ng isang tao sa pagsasalita kaysa sa pagbasa at pagsulat.

Ang tunog o salita ay nalilikha ng tao na ang pinakasadyang gamit ay para

sa pagkain, pag-inom at paghinga. Wala ni isa sa mga sangkap na ito ang para sa

pagsasalita. Sa katotohanan, ang pagsasalita ay hangin ang pinagmulan ng

enerhiya na siyang nagsasalaysay sa kwerdas patinig upang lumikha ng taong

minomodipika ng bibig na siyang tinuturing na patunugan o resonador. Ang

karunungang taglay ng tao ay maaaring dulot ng walang humpay na paghahanap

ng kaaalamang masusumpungan sa pagbasa.

Ayon kay De Vera et al. (2010), ang pakikinig ay pag-unawa sa kahulugan

ng mga tunog na nabanggit ng nagpapahayag. Ito ay kinapapalooban ng pag-

aanalisa at pagtataya sa mga pahayag na narinig. Ayon pa rin sa kanya ang

pandinig ay tumutukoy sa pisikal na kakayahang marinig ang mga tunog mula sa

isang pahayag. Walang magaganap na pakikinig kung hindi ginagamitan ng

pandinig.

Ang pagkatutong makinig ay napakahalaga sa ating buhay. Ayon kay

Sigband na nabanggit sa aklat ni De Vera et al. (2010), animnapung bahagdan

(60%) ng ating pang-araw-araw na gawain ay nagugugol sa pakikinig subalit

kaapat na bahagdan nito ay nakalilimutan pagtapos ng walong oras. Kung ganon

napakahalaga ang ginagampanan ng kasanayang pakikinig sa ating kaalaman,

karunungan at katalinuhan. Ang pakikinig ay napakahalaga sa isang indibidwal,

mabilis ang pagkatuto ng isang mag-aaral o ng isang indibidwal kapag marunong

14
makinig at ginagamit ang kakayahang pandinig. Ito ang dahilan kung bakit

kailangang linangin sa indibidwal ang kakayahang makinig. Ang salitang palasak

at madalas mamutawi sa bibig ng isang guro ay “makinig” habang siya ay

nagpapaliwanag ng aralin. Samaktuwid, ang pakikinig din ang nagpapanatili sa

ugnayan ng mga nagmamahalan. Sa pamilya kung walang pakikinig, ay malamang

di magkakaunawaan ang miyembro nito. Tanging sa pakikinig lamang

mauunawaan ang hinaing at nadarama tungo sa unawaan at pagkakaisa.

Ayon pa rin sa kanya, ang pagsasalita ay makrong kasanayan na siyang

pangunahing ginagamit upang mapanatili ang unawaan at pagkakaisa ng mga

mamamayan. Ito rin ang pangunahing ginagamit sa paaralan sa pagdukal ng

karunungan. Sa pulitika pagsasalita ang ginagamit upang maipaliwanag ang mithi

at ng sa gayon ay mahikayat ang boto. Tunay ngang napakahalaga ng paraan ng

pasalita sapagkat ito ay higit na mabilis kaysa pasulat. Likas na sa tao ang

magsalita. Ito ang sukatan sa isang indibidwal ng kanyang talino, husay at galing.

Ang makrong kasanayang ito ang unang-una sa pinaunlad sa isang indibidwal

mula sa pagsilang. Ang kakayahang makapagbigkas ng makabuluhang tunog mula

sa pautal-utal na mga kataga ay indikasyon ng pag-unlad ng isang bata sa makrong

kanyang pasalita.

Dagdag pa niya, ang pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at

simbolong nakalimbag sa pahina na nangangailangan ng masusing pag-iisip sa

ipahahayag na mensahe ng sumulat. Ito rin ay isang proseso at aktibong

15
pakikipag-ugnayan o interaksyon ng bumabasa sa nakalimbag na mga titik sa

bawat pahina na babasahin.

Ayon kay Magracia et al. (2011), ang pagsasalita ay ang kakayahang ihatid

ng tagapagsalita sa kanyang tagapakinig ang kanyang mga ideya, saloobin o

nadarama sa pamamagitan ng mga salitang binubuo ng mga tunog.

Ayon pa rin sa kanya, ang pagbasa ay hindi lamang ang pagkilala sa mga

nakasulat na simbolo kundi ang pagbibigay ng kahulugan sa mga simbolong ito.

Ang pagbasa ay ang aktibong proseso ng pagbibigay ng kahulugan ng bumabasa

sa mga ipinapakitang mga pasulat na simbolo ng wikang alam nang bumabasa.

Nangangailangan lamang ito na ang mambabasa ay nararapat na may kaalamang

pangwika at kaalamang kultural o kaalaman sa daigdig. Hindi sapat na makilala

lamang ng bumabasa ang mga letra o salita ng tekstong binabasa. Nararapat na

mabigyan niya ito ng kahulugan. Kung hindi niya mabigyan ng kahulugan ang

binabasa hindi masasabing siya ay nagbabasa o nagbasa. Mahalaga rin para sa

bumabasa ang kaalaman sa mga bagay-bagay sa daigdig gayundin ang kanyang

kultura at kultura ng iba.

Dagdag pa niya, ang pagsulat naman ay ang kakayahang iparating ng

tagasulat sa tagabasa ang kanyang ideya, saloobin o nadarama sa pamamagitan ng

mga salitang binubuo ng mga titik o mga simbolo na pamilyar sa kapwa, sa

tagasulat at tagabasa. Sa pamamagitan ng pagsulat, maaari tayong

makipagkomunikasyon sa mga tao kahit hindi natin sila kaharap. Maaari tayong

mag-iwan ng maikling tala o liham kung hindi natin makaharap ang taong

16
kailangan natin. Maari rin natin isulat ang ating pasasalamat o maging ang

pagbibigay ng mga kinakailangang instruksyon. Hindi rin madali ang pagsulat

dahil kailangan mong magsanay sa pagpili ng paksa, pag-organisa ng diwa at

grammar na gusto mong talakayin at marami pang ibang konsiderasyon na dapat

isaisip.

Ayon kay Toze na nabanggit sa libro ni Aguilar et. al. (2009), ang pagbasa

ay nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito

ay isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, pagtuklas sa mga suliranin at

nagbibigay ito ng iba’t ibang karanasan sa buhay.

Ang pagbasa ayon naman kay Mabilin et. al. (2012), ay bukal ng

karunungan, dumadaloy sa iyong isipan. Ito ay bahagi ng buhay at mabisang

gamot sa nakalilimot at nakalulungkot. Ito rin ay isang sandata upang mapatibay

pa ang kaalaman ng isang indibidwal.

Ayon kay Mcwnorter (2009), ang pagbasa ay susi ng tagumpay ng isang

tao, lalong lalo na sa larangang pang-akademiko. Ito ang nagiging pundasyon

upang mapatibay at lalong lumakas ang tiwala ng isang tao sa kanyang sarili.

Ayon kay Bernales et. al. (2009), ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha

ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang

pasalita. Ito rin ay pag-uunawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga

nakasulat na simbolo. Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya

sa mga simbolong nakalimbag. Ang pagsasalita ay pagsasalin sa papel o sa

anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong

17
salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning mapahayag ang

kanyang kaisipan.

Ayon pa sa kanya, ang pagbasa ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan ng

kaugnay ng pakikinig, pagsasalita at pagsulat. Ang pagbasa ay isang gawaing

pangkaisipan at ang gawaing ito ay mailalarawan bilang isang proseso.

Dagdag pa niya, ang pagbasa ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na

ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit

dito ang kamay at mata. Mental aktibiti rin ito sapagkat hindi maaaring hindi

gamitin ang utak sa pagsusulat.

Ayon kay Xing at Jin (1989), na nabanggit sa aklat ni Bernales, et. al.

(2009), ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng

wastong gamit ng salita, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang

elemento. Kaugnay nito ang pakikinig, pagsasalita at pagbasa. Komprehensib ang

pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang pangwika, inaasahang

masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito.

Ayon kay Arogante (2009), ang pagsulat ay isang kakayahan ng tao na

makapagtala o makapag-imprenta sa papel ng mga karakter at simbolo, tuloy na

makapag-imprenta ng mga salita, pangungusap at talata upang makapagbigay ng

mga ideya o impormasyon sa mambabasa na tinatawag na komunikasyon.

Ayon pa rin sa kanya, ang pagsulat ay nagsisimula muna sa isip bilang

ideya o karanasan bago aktwal na itala ng lapis, bolpen o ng makinirya sa papel o

ng kompyuter sa memorya nito sa tamang panahon at lugar para maibahagi sa iba.

18
Ayon kay Penic (2007), sa pamamagitan ng pagsulat ay naipaparating ng

isang sumusulat ang kanyang damdamin, kaisipan at kalooban sa kanyang kapwa

sa tulong ng mga letra, mga salita, mga sagisag at simbolo ng kanyang naisulat.

Ang pakikinig ang may pinakamalaking panahon na inuukol ng isang tao.

Pagkagising pa lamang, bukas na ang ating pandama sa pakikinig, sa ayaw o sa

gusto natin papasok lahat sa ating pandinig ang masasagap sa labas tulad ng ingay,

tunog, wika, salita, hudyat at iba pa. Ang pakikinig ay isang masalimot at maikling

kasanayan, ito ay dumaraan sa ganitong proseso.

Ayon kay Aycardo (2014), mula sa paradaym ng pagtuturo ng pagsasalita

ni Tompskin. Ang pagpapakilala ay mga gawain sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa

at pagsulat. Paggamit ng mga gawaing na naglalahad sa klase ng wikang pinag-

aaralan. Ang demonstrasyon naman ay nagbibigay ng pagkakataon sa klase na

magamit ang wika. Ito ay pagkakataon sa guro na makapagmodelo gamit ang

responsibilidad at pakikilahok ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto. Ang

huli ay ang ekspektasyon kung saan pinababatid ang inaasahang matututunan

(pangkatang gawain) pamaraang makalilinang sa kakayahan sa pagsasalita.

Ayon pa rin sa kanya, ang pagbasa ay nagsimula sa mekanikal na pagkilala

ng mga salita ng bata tungo sa maunawaang pagbasa ng mga lipon ng salita,

pagpapakahulugan ng mahihirap na talasalitaan, pagkilala ng iba’t ibang suri ng

ugnayan, matalinghagang pananalita, kasanayan pampag-aaral (study skills) at

gamit ng mga sanggunian.

19
Dagdag pa niya, ang pagbasa ay dulog marungko-tinuklas nina Nooraihan

Ali at Josefina Urbano ng Bulacan-tagubilin sa guro bigyan muna ng sapat na

kakayahan sa pagbasa bago turuang bumasa. Mahalaga na sa bawat tunog na

ituturo ay kasama ang lahat ng mga tunog na naituro na sa iba’t ibang

kombinasyon. Iniiwan sa pagpapasiya ng guro ang pagtuturo ng malaking titik.

Inimumungkahing ituro ito kapag master na ang lahat ng titik. Pagbigkas ng mga

tunog sa kwento, bugtong, tula at iba pa at ganoon din ang mga panuto.

Ayon kay Castillo (2012), ang pagpapabasa ng guro sa mga mag-aaral ng

mga aklat, magasin, pahayagan at iba’t ibang akdang pampanitikan katulad ng

kwento, nobela, sanaysay, talumpati, tula at iba pa ay may layuning hindi lamang

malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa kundi magkaroon sila ng

mga kaalamang kaugnay ng pagmamahal ng Diyos, bayan, kapwa tao at kalikasan,

mga magagandang asal, kahalagahang pantao, mabuting saloobin pagiging

mabuting mamamayan at mga karanasang maiuugnay nila sa katotohanan ng

buhay.

Sa puntong pedagohikal, ang mga pahayag ay iyong paggamit ng wika

bilang instrumento sa mabisang paglalahad ng naiisip o nadarama, saloobin at

reaksyon sa isang natural na paraan (kakayahang komunikatibo), ang wika ay isa

lamang sa madaming midyum ng komunikasyon sa pagpapahayag. Sa daigdig ng

sining maraming kaparaanang ginagamit sa pagpapahayag ng maraming karanasan

sa sining at musika, pagpipinta, paglililok, dula atbp.

20
Ayon kay Loyala et. al. (2014), na nabanggit sa aklat ni Arogante (2009),

mahalaga sa tao ang pagbasa dahil kinapupulutan niya ito ng saya sa mga

sandaling kanya itong magawa. Kinakukuhanan niya ito ng maraming kaalaman

tungkol sa bagay-bagay sa kanyang pakikihalubilo. Ang pagbasa ay kagamitan

upang makaagapay ng mga mag-aaral sa pagbabagong nagaganap sa kanilang

paligid. Malaking suliranin ng mga guro ang kawalan ng pagkawili sa pagkatuto

dahil sa kanilang kahinaan sa pagbasa. Ito ay mabigat na suliraning kailangan

bigyan ng pansin ng masidhing pansin ng mga guro at sikapin mabigyang lunas

nang sa gayon ay maitaas ang magagawa ng mga mag-aaral sa lahat ng larangan.

Ayon kay Dela Rena (2011), mga antas/hakbang ng pagbasa unang antas ng

pagpapakilala ng mga larawan o bagay na nagsimula sa tunog o pagpapakilala ng

hugis ng tunog, pagpapakilala ng tunog ay pinag-aaralan. Pagsulat ng hugis ng

titik sa hangin, palad o pagpapakita ng titik, pagsulat ng simulang pagsulat ng

hugis sa papel at sa pisara. Ayon pa rin sa kanya ang pagbasa ay pagkilala ng mga

detalye sa buong salita, parirala at pangungusap patnubay ng guro.

Ayon kay Castillo (2012), ang pagbasa ay humuhubog ng pag-iisip sa

mataas na lebel na layuning maitaas ang antas ng pag-iisip, pagiging kritikal at

mapanuri. May mga programa kung paano ang pagpapabuti sa pagbasa (Reading

Recovery Program). Ang programa ay matagumpay kung ang guro sa Reading

Recovery, ang guro sa silid-aralan at mga magulang ay sama-sama sa pagtulong sa

iyong anak sa kanyang pag-aaral na makabasa at makasulat. Pumili ng isang

natatanging lugar at oras bawat araw na makasama ang iyong anak. Ang oras ng

21
pagsasamang ito ay dapat isang masayang bahagi ng araw. Purihin at hikayatin

ang lahat ng pagsisikap ng inyong anak sa pagbabasa ng mga aklat at pagsulat ng

kwento.

Ayon kay Fandialan (2014), may iba’t ibang dahilan kung bakit itinuturo

ang pagsulat. Ang pagsulat ay isang proseso, produkto, pagbuo ng desisyon,

pagtuklas, pagtugon, sariling pagkatuto, pakikilahok at humuhubog ng

personalidad at pinaglalaanan ng panahon.

Ayon kay Garcia, et. al. (2010), nabubuhay ang tao sa daigdig ng mga

salita. Mula sa paggising sa umaga patungo sa gabi, nagsasalita tayo dahil

nakikipag-usap tayo. May mga taong kumakausap sa hayop, may mga taong kahit

natutulog ay nagsasalita. Kinakausap din natin ang ating sarili sa ating pag-iisa o

kahit may kaharap na iba pang tao. Kaya masasabing walang panahong hindi tayo

nagsasalita, malakas o mahina man, pabulong o isip lamang.

Batay kay Wolfe (2010), mataas ang porsyento na natututo ang mga mag-

aaral kung ang isang impormasyon o gawain ay kanilang nakikita sa tulong ng

makabagong teknolohiya bilang gamit sa pagkatuto sa loob ng paaralan. Mas

tumaas ang interes ng mga mag-aaral na makinig at mapukaw ang kanilang

interes.

Sa isinulat ni Garside Juliette (2014), na ang panunuod ng mga mag-aaral

na gamit ang social network ay nakaaapekto sa kanilang kasanayan sa pag-unawa

sa iba’t ibang anyo ng panitikan na naisulat o nailimbag. Sa pag-aaral na ito

22
masasabing ang youtube at iba pang panoorin ay maaaring makatulong upang

maging malawak ang kasanayan ng mga mag-aaral.

Literaturang Saliksik

Ang mga saliksik na mababanggit sa ibaba ay may kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral. Ang mga ito ay masusing sinuri at pinag-aralan ng mga

mananaliksik upang higit na maunawaan ang isinasagawang pag-aaral.

Ayon sa pananaliksik ni Dela Cruz (2011), bago makinig, batayang

impormasyon sa gawain pinapatnubayan ng pakikinig habang nakikinig layunin

(ipaliwanag) hahawiin ang sagabal, aktwal na pagsasagawa ng pakikinig para

sumagit ng patnubay ng taong, patukoy sa maling impormasyon, pagsusuri ng

berbal na pahiwatig.

Ayon pa sa kanya, Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na

maipahayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng

paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. Pag-uusap ng dalawa o higit

pang bilang ng tao ang nagsasalita at ang kinakausap.

Ayon sa pananaliksik ni Telan (2013), ang pagsulat ay may letra o mga

simbolo na nakasulat o nakalimbag sa ibabaw ng papel para katawanin ng mga

tunog at mga salita ng isang wika. Ang pagsulat ay isang proseso na pagtatala ng

mga karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng mga salita.

Nasasakop din ng pagsusulat ang lahat ng natutuhang kaalaman sa nakapaloob

mula sa nabasa at sa narinig. Kailangan dito ang pagsasanay upang malinang nang

husto ang kasanayan sa pagsulat.

23
Ayon sa pananaliksik ni De Castro (2007), ang pagsusulat ay isang

paglalarawan ng wika sa tekstwal na tagapamagitan ng isang pangkat ng mga

tanda o sagisag. Ito rin ay isang saligan ng komunikasyon.

Ayon sa pananaliksik ni Aycardo (2014), ang panimulang kasanayan sa

pagsulat ng titik, pagsulat ng kabit-kabit at may wastong bantas, paggawa ng iba’t

ibang uri ng panimulang pagsulat ay kakayahang saykomotor ng mag-aaral o

komposisyon sa tulong ng paggamit ng malaking lapis sa pagsulat.

Ayon sa pananaliksik ni Dela Pena (2011), sa apat na makrong kasanayan

ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap. Ito ay hindi lamang paghahawak ng

panulat at papel kundi kasama ang pisikal at mental na abilidad sa tamang pagsulat

ng mga salita, kaalaman sa bokabularyo, wastong paggamit ng mga bantas sa

pagsulat at dahil din sa pagsulat ng tao matutuklasan ang kanyang kalakasan at

kahinaan, ang lawak ng kanyang kaisipan. Ayon pa rin sa kanya isang proseso ng

pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitam ng mahusay ng pagpili at pag-organisa

ng mga karanasan. Ito ay isang tao-sa-tao na komunikasyon at paraan ng

paghubog ng damdamin at isipan ng tao na may layunin sa pagsulat.

Sa pananaliksik ni Bueno (2015), tinalakay ang salik na nakaaapekto sa

paggamit ng apat na makrong kasanayang pangwika sa pag-aaral ng asignaturang

Filipino ng ikawalong baitang sa Laguna State Polythecnic University. Layunin ng

pag-aaral na ito na alamin ang kaugnayan ng edad, kasarian, interes, babasahin at

panoorin. Kalahok sa pag-aaral na ito ang labing isa (11) na lalaki at labing pito

24
(17) na babae na may kabuuang dalawampu’t walo na tagasagot ng mananaliksik.

Deskriptiv na pananaliksik ang disensyong ginamit sa pag-aaral na ito.

Gumamit ang mananaliksik ng pamamaraang population sa pag-aaral na ito upang

malaman ang kaugnayan sa pagitan ng malaya at di-malayang baryabol, ginamitan

ng istatistikal na pamamaraan sa pag-aaral tulad ng frequency, mean at standard

deviation. Sa kinalabasan ng pag-aaral, napag-alamang mayroong kaugnayan ang

edad, kasarian, interes, babasahin at panoorin sa salik na nakaaapekto sa paggamit

ng apat na makrong kasanayang pangwika sa pag-aaral ng asignaturang Filipino.

Sa pag-aaral naman ni Lavio (2016), tinalakay ang antas ng kasanayan sa

gramatika ng wikang Filipino at ang kaugnayan nito sa marka ng mga mag-aaral

sa asignaturang Filipino ng Grade 10 sa Lusacan National High School. Ang

pananaliksik na ito ay naglayon na alamin ang kaugnayan ng edad at kasarian sa

antas ng kasanayan sa gramatika ng wikang Filipino. Gumamit ang mga

mananaliksik ng paglalarawang pamamaraan dahil saklaw nito ang kasalukuyang

kalakaran sa pananaliksik. Sa kinalabasan ng pag-aaral, napag-alamang walang

makabuluhang kaugnayan ang profayl ng tagasagot sa marka ng mga tagasagot sa

asignaturang Filipino at wala ring makabuluhang kaugnayan ang kasanayan sa

gramatika ng mga tagasagot sa marka sa asignaturang Filipino.

Ang pananaliksik na ginawa ni De Castro (2014), ay may kinalaman sa

paggamit ng iba’t ibang antas ng wika sa pagsulat ng komposisyon at marka sa

asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa San Bartolome National High School.

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang kaugnayan ng edad, kasarian at antas na

25
kinabibilangan sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang antas ng wika sa

pagsulat ng komposisyon. Gumamit ang mananaliksik ng pamaraang palarawang

pagsisiyasat at ex post-facto sa pag-aaral na ito. Upang malaman ang kaugnayan

sa pagitan ng malaya at di-malayang baryabol ginamit ang istatistikal treatment sa

pag-aaral upang makuha ang frequency, mean, percentage at standard deviation.

Ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral na ito ay deskriptiv o palarawang paraan

upang matingnan ang pagiging tunay ng datos sa pananaliksik.

Sa kinalabasan ng pananaliksik, napag-alamang walang kaugnayan ang

profayl (gulang, kasarian at antas na kinabibilangan) sa paggamit ng antas ng

Wika sa pagsulat ng komposisyon. Samantalang ang antas na kinabibilangan ng

mga mag-aaal ay may makabuluhang kaugnayan. Ito ay bunga marahil ng

pagkakaroon ng iba’t ibang lebel ng kaisipan ng mga mag-aaral.

Sa pag-aaral naman ni Necerio (2014), tinalakay ang paggamit ng wikang

Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa asignaturang matematika at marka ng mga

mag-aaral sa ikalimang baitang ng Prudencia Fule Elementary School. Layunin ng

pag-aaral na ito na alamin ang kaugnayan ng edad, kasarian at wikang ginagamit

sa tahanan. Kalahok sa pag-aaral na ito ang mag-aaral na nasa ikalimang baitang

ng Prudencia Fule Elementary School. Paglalarawang pamamaraan ang disenyong

ginamit sa pag-aaral na ito.

Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, napag-alamang walang

makabuluhang kaugnayan sa marka ng mga tagasagot sa Matematika ang personal

na salik para sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral.

26
Sa pananaliksik ni Toralba (2011), tinalakay ang mga estratehiya na

ginagamit ng guro sa pagpapalawak ng talasalitaan sa wikang Filipino at marka sa

Filipino ng mga mag-aaral sa ikatlong antas ng Nicolas L. Galvez Memorial

National High School, Bay Laguna. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang

kaugnayan ng edad, kasarian at kinawiwilihang basahin. Kalahok sa pag-aaral na

ito ang mga mag-aaral na nasa ikatlong antas ng Nicolas L. Galvez Memorial

National High School, Bay Laguna. Ginamitan ang pag-aaral na ito ng pamaraang

mean upang makuha ang pananaw ng mga tagasagot hinggil sa istratehiya sa

pagpapalawak ng talasalitaan, pearson product moment of correlation co-efficient

upang malaman ang kaugnayan ng r-value at p-value ang marka ng mag-aaral sa

pagpapalawak ng talasalitaan sa wikang Filipino pati na rin sa gulang, kasarian at

kinawiwilihang babasahin.

Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, napag-alamang walang kabuluhang

kaugnayan ang marka ng mag-aaral sa Filipino ayon sa gulang, kasarian at

kinawiwilihang babasahin dahil dito ang haypotesis na nabanggit ay “tanggap” at

ang mga istratehiya na ginamit ng guro sa pagpapalawak ng talasalitaan katulad ng

structural analysis, context clues, word association, crossword puzzle, denotasyon

at konotasyon at semantic mapping ay walang kabuluhang kaugnayan sa marka ng

mga mag-aaral sa Filipino dahil dito ang nabanggit na haypotesis ay “tanggap.”

Ayon sa pananaliksik nina Abalos, Pertiz at Somera et. al, (2015), tinalakay

ang kasanayan ng mag-aaral sa gramatika ng wikang Filipino. Naglalayon itong

malaman ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa gramatika na

27
kinapapalooban ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantika. Layunin din

nitong matukoy ang kahinaan ng mga mag-aaral sa bawat bahagi ng pag-aaral ng

gramatika at malaman kung ano bang mga pagsasanay at estratehiya ang

naaangkop upang mas mapahusay ang kakayahan ng bawat mag-aaral sa sariling

panggramatika.

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Deskriptong Pagsusuri bilang disenyo

ng pananaliksik at gumamit ng diagnostic na pagsusulit bilang instrumento ng

pananaliksik. Kalahok ang 90 mag -aaral na nasa ikaapat na taon sa Palahanan

National High School, Buhay na Sapa National High School at Laiya National

High School.

Batay sa datos na natuklasan sa isinagawang pag-aaral. May kasanayan ang

mga mag-aaral sa ponolohiya, subalit sa tatlong bahagi nito kinakailangan pa ring

pagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa pagbabago ng tunog. Naging mahirap at

nangangailangan ng ibayong pag-aaral ang mga mag-aaral upang higit na

maunawaan ang mga aralin tungkol sa morpolohiya. Katamtaman ang kaalaman

ng mga mag-aaral sa istruktura at pag-uugnay ng mga pangungusap bilang bahagi

ng pag-aaral ng sintaks. Madali para sa mga mag-aaral ang literal na

pagpapakahulugan gayundin ang pagpapakahulugan ng salita o pahayag batay sa

konsepto nito.

Sa pag-aaral nina Celis, Cometa at Ramos et. al, (2016), tinalakay ang

kamalayan ng mga mag-aaral sa kalagayan ng wikang Filipino sa tabloid na

naglalayong mabatid ang mga isinaalang-alang sa pagpili ng pahayagang pag-

28
aaralan, kamalayan ng mga mag-aaral sa kalagayan ng wikang Filipino at

pagbabasa ng tabloid sa pagpapataas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa wikang

Filipino. Ang mga mananaliksik ay bumuo ng gawaing pang mag-aaral na

makatutulong sa paglinang ng dating kaalaman ukol sa wika wastong gamit ng

wika at kasanayang pang wika.

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan ng

pananaliksik upang masusing masuri ang uri ng mga salitang ginamit sa pagsulat

sa tabloid. Ginamit din ng mga mananaliksik ang talatanungan bilang pangunahing

instrumento upang makapangalap ng mga datos na kailangan sa pagpapayaman ng

pag-aaral na ito. Binuo ng 135 na mag-aaral mula sa ikalawa hanggang ikaapat na

antas na nagpapaladalubhasa sa Filipino ng kolehiyo ng Main Campus I at Rosario

Campus.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral lumabas na may kamalayan ang mga

respondente tungkol sa mga isinaalang-alang sa pagpili ng pahayagang pag-

aaralan batay sa wikang ginamit, halaga/presyo at availability/pagkakaroon.

Sa pag-aaral nina Asugui, Medrano, at Rementilla et. al, (2013) tinalakay ang

kakayahan sa pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral gamit ang wikang Filipino.

Nilayon ng pag-aaral na ito kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng sapat na

kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan gamit ang wikang Filipino.

Nilayon din nito na masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

pakikipagtalastasan gamit ang wikang Filipino at kung paano nakaaapekto ang

pagkakaroon ng sapat na kakayahan sa wikang Filipino sa antas/lebel ng

29
kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan at malaman ng iba pang mga

salik na nakaapekto sa pakikipagtalasan.

Ginamit ng mga mananaliksik ang kwalitatibo-kwantitatibo na pananaliksik

upang lubos na matalakay ang kahalagahan ng pakikipagtalastasan gamit ang

wikang Filipino. Ang mga respondente ng pag-aaral ay mula sa piling paaralang

pansekondarya sa lalawigan ng Batangas.

Sa kinalabasan ng pag-aaral, lumabas na ang pagkakaroon ng sapat na

kaalaman sa paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan ay mahalagang-

mahalaga sapagkat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paggamit ng wika ay

dahilan nang wastong paggamit nito. Upang maging mabisa at epektibo ang

pakikipagtalastasan kinakailangan magamit nang wasto ang wika at upang

magamit nang wasto ang wika kinakailangang nagtataglay ng sapat na kaalaman

ang isang indibidwal sa paggamit nito.

Ayon sa pananaliksik nina Catapang, Hernandez at Matunog et. al, (2008),

tinalakay ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng

Makabayan sa Mataas na Paaralan Pambansa ng Batangas. Ito ay naglayon na

malaman ang mga pananaw, suliranin at kabisaan sa paggamit ng Filipino bilang

midyum sa pagtuturo ng Makabayan partikular sa Araling Panlipunan,

Edukasyong Pagpapahalaga at Mapeh sa Mataas na Paaralan Pambansa ng

Batangas.

Deskriptiv ang ginamit na pagsusuri at pagsisiyasat samantalang

kwestyuner o talatanungan ang instrumentong ginamit sa pagkuha ng datos na

30
kailangan. Payak na istatistikal ang ginamit tulad ng weighted mean at T-test. Ang

mga respondente ay binubuo ng 36 na guro sa hayskul na nagtuturo sa tatlong

komponent ng Makabayan at 75 na mga estudyante sa una at ikalawang antas

buhat sa Mataas na Paaralan Pambansa ng Batangas. Batay sa kinalabasan ng pag-

aaral, napag-alamang ang paggamit ng Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng

Makabayan ay lubos na sinasang-ayunan ng mga guro at mga mag-aaral. Walang

signipikanteng kaugnayan ang mga guro at mag-aaral sa paggamit ng Filipino

bilang midyum sa pagtuturo ng Makabayan. Kakulangan ng mga kagamitang

panturo ang isa sa suliraning nararanasan ng mga guro samantalang ang paggamit

ng malalim na salita ng mga guro ang suliranin ng mga mag-aaral. Lubos na

mabisa ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng tatlong komponent ng

Makabayan batay sa tugon ng mga guro at mag-aaral.

Ang pananaliksik na ginawa nina Sedaria at Lubid (2015), ay may

kinalaman sa suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng wikang Filipino sa K +12

kurikulum sa mga piling pampublikong paaralang pangsekundarya sa San Juan

Batangas. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang kaugnayan ng katangiang

personal ng mga gurong nagtuturo ng wikang Filipino sa K + 12, edad, katayuang

marital, bilang ng taon sa pagtuturo at suliraning nararanasan.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang pangunahing

instrumento sa pagkalap ng datos. Nakilahok sa pag-aaral na ito ang 24 na gurong

nagtuturo ng wikang Filipino sa K + 12 kurikulum. Ang mga gurong ito ay buhat

sa siyam na paaralang sekundarya sa San Juan, Batangas. Ang mga datos na

31
nakuha sa mga talatanungan ay inihambing, sinuri at binigyang kahulugan o

interpretasyon. Ginamit ang “weighted mean” bilang panukat na istatistika. Batay

sa kinalabasan ng pag-aaral, sa 24 na gurong respondente, karamihan dito ay nasa

edad 31-35, may asawa na at may 1-5 taon ng karanasan sa pagtuturo ng wikang

Filipino. Mabigat na suliranin ng mga gurong respondente ang hindi sapat na mga

kagamitang pangturo gaya ng modyul para sa mga mag-aaral. Hindi gaanong

mabigat na suliranin ng mga gurong respondente ang kakulanganng kaalaman at

kasanayan sa mga makabagong pamamaraan o estratehiyang pangturo. Malubhang

suliranin ng mga gurong respondente ang hindi sapat na mga kagamitang pangturo

gaya ng modyul para sa mga mag-aaral. Hindi gaanong malubhang suliranin sa

mga gurong respndente ang hindi pagiging sensitib ng mga guro sa mga suliraning

pangwika na matatagpuan sa mga aklat, materyal at maging sa pananalita. Ang

mga katangiang personal ng mga gurong respondente ay walang kaugnayan sa

mga suliraning kanilang nararanasan sa pagtuturo ng wikang Filipino sa K + 12

kurikulum at sa kadalubhasaan nito.

Sintesis

Ang lahat ng mga pag-aaral na nakalap ng mga mananaliksik ay napili

batay sa konseptong inilahad ng mga ito. Lubos o bahagya man ang kaugnayan na

nabanggit na mga saliksik, ang mga ito ay masigasig at masuri pa ring pinag-

aralan upang malaman ang signipikanteng kaugnayan o kaibahan nito sa

kasalukuyang pag-aaral.

32
Gaya ng pinahayag sa unahan, may kaugnayan ang mga pag-aaral na

isinagawa ni Bueno na siyang paksa ng kasalukuyang saliksik. Kahawig ito ng

kasalukuyang pag-aaral dahil antas sekundarya rin ang kanilang napiling

respondente, palarawang pananaliksik din ang ang disenyo at istatistikal na

pamamaraan tulad ng frequency, mean at standard deviation. Ang pinagkaiba

lamang ng nakatuon lamang sa apat na makrong kasanayan samantalang ang

kasalukuyang pag-aaral ay may mas malawak na sakop dahil ito ay may makrong

kasanayan sa panonood.

Sa pag-aaral naman ni Lavio may kaugnayan ang pag-aaral na isinagawa na

siyang paksa ng kasalukuyang saliksik. May pagkakahawig ito sa kasalukuyang

pag-aaral dahil nasa antas ng sekundarya din ang kanilang napiling respondente at

palarawang pananaliksik din ang disenyo. Ang pinagkaiba lamang ay nakatuon sa

antas ng kasanayan sa gramatika ng wikang Filipino samantalang ang

kasalukuyang pag-aaral ay antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino.

Binigyang-pansin din ni De Castro ang tungkol sa paggamit ng iba’t ibang

antas ng wika. Kahawig ito ng kasalukuyang pag-aaral dahil nasa antas

sekondarya rin ang kanilang respondente, palarawang pagsisiyasat, expost-facto at

istatistikal treatment upang makuha ang frequency, mean, percentage at standard

deviation. Ang kaibahan nga lamang ay ang kanilang pananaliksik ay nakatuon sa

antas ng wika sa pagsulat ng komposisyon samantalang antas ng pagtangkilik sa

wikang Filipino na nakatuon sa makrong kasanayan ang kasalukuyang pag-aaral.

33
Paggamit ng wikang Filipino ang naging pokus ng isinagawang pag-aaral ni

Necerio. May kaugnayan ang kanilang pag-aaral sa kasalukuyang saliksik dahil

kapwa paglalarawang pamamaraan ang disenyong ginamit, gumamit ng

talatanungan bilang instrumento ng pag-aaral at istatistikal na pamaraan tulad ng

frequency, mean at standard deviation. Ang kaibahan nga lamang ay nasa

elementarya ang mga respondenteng ginamit niya samantalang nasa antas

sekondarya naman ang kasalukuyang pag-aaral at hindi nakatuon sa grado sa

Filipino kundi nakatuon sa grado sa matematika.

Ang pag-aaral na ginawa ni Toralba ay may kaugnayan sa kasalukuyang

pag-aaral sapagkat kapwa nakatuon sa wikang Filipino at kung ano ang kaugnayan

nito sa grado sa Filipino. Kapwa nasa antas sekondarya ang mga napiling

respondente sa mga nabanggit na pag-aaral. Istatistikal na pamaraan tulad ng

mean, frequency, percentage at standard deviation ang ginamit. Ang kaibahan nga

lamang ay ang disenyong ginamit ay pearson product moment of correlation sa

kanilang isinagawang pag-aaral.

Binanggit naman sa pag-aaral nina Abalos, Pertiz at Somera et. al,(2012)

ang gramatika ng wikang Filipino. Kapwa nasa antas sekondarya ang mga napiling

respondente sa mga nabanggit na pag-aaral. Ang kaibahan lamang ay ang sa pag-

aaral na ginamit ay deskriptibong pagsusuri at sa disenyo ng pananaliksik na

ginamitan ng dayagnostik na pagsusulit samantalang sa kasalukuyang pag-aaral ay

gagamit ng palarawang saliksik. Sa pag-aaral na ito ay nakapokus sa gramatika ng

34
wikang Filipino samantalang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino ang

kasalukuyang pag-aaral.

Kalagayan naman ng wikang Filipino sa tabloid ang naging pokus ng

isinagawang pag-aaral nina Celis, Cometa at Ramos et. al, (2013). Kapwa may

layuning malaman ang wastong gamit ng wika. Gumamit din sila ng deskriptibong

pamamaraan at talatanungan bilang pangunahing instrument tulad nang sa

kasalukuyang saliksik. Ang pagkakaiba lamang ay ang respondenteng ginamit

sapagkat nakatuon sa kolehiyo samantalang ang kasalukuyang mananaliksik ay sa

sekondarya.

May kaugnayan ang isinagawang pag-aaral nina Asugui, Medrano at

Rementilla et. al, (2011), sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat kapwa nakatuon sa

antas ng sekondarya at may pagkakahawig dahil ang nasabing pananaliksik ay

nakapokus sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan gamit ang

wikang Filipino na may kinalaman sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat kasama sa

makrong kasanayan ang pagsasalita. Ang pagkakaiba lamang ay gumamit sila ng

kwalitatibo at kwantitatibo na disenyo ng saliksik upang lubos na matalakay ang

kahalagahan ng pakikipagtalastasan gamit ang wikang Filipino.

Binigyang-pansin naman nina Catapang, Hernandez at Matunog et. al,

(2011), ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng

makabayan at naglalayon tungkol sa kabisaan sa paggamit ng wikang Filipino

bilang midyum sa pagtuturo samantalang ang kasalukuyang saliksik ay

pagtangkilik ng wikang Filipino. Gumamit din sila ng deskriptiv na pamaraan,

35
talatanungan bilang instrumento. Ang pagkakaiba lamang ang naging respondente

ay kolehiyo samantalang ang kasalukuyang pag-aaral ay sa sekundarya at gumamit

sila ng istatistikal tritment gaya ng T-test.

Ang pag-aaral naman na ginawa nina Sedaria at Lubid et.al, (2016), ay may

kinalaman sa suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng wikang Filipino. Kahawig ito

ng kasalukuyang pag-aaral dahil antas sekundarya rin ang kanilang napiling

respondente, talatanungan naman ang naging instrumento at nakatuon sa wikang

Filipino. Ang pinagkaiba lamang ay nakatuon ang pag-aaral na ito sa katangiang

personal ng mga guro na nagtuturo sa wikang Filipino.

Balangkas na Konseptwal

Ang saliksik na ito na nakatuon sa Antas ng Pagtangkilik sa Wikang

Filipino sa Mataas na Paaralan ng Malvar ay may layuning malaman ang Antas ng

Pagtangkilik sa Wikang Filipino gamit ang Makrong Kasanayan at kung may

signipikanteng kaugnayan ang kanilang mga kasanayan kapag pinangkat ang mga

ito sa demograpikong kalagayan ng mga respondente. Ang bunga ng pag-aaral ang

magiging batayan ng mga mananaliksik sa pagbibigay ng mga mungkahing na

makapagyayabong sa Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino.

Ang pag-aaral ay ginagamitan ng Input-Proseso-Awtput gaya ng nakasaad

sa paggawa sa susunod na pahina.

36
INPUT PROSESO AWTPUT

Mag-aaral sa Ikapitong
Grado ng Mataas na
Paaralan ng Malvar

Demograpikong
Kalagayan
 Kasarian
 Kalagayang Kaugnayan ng Mungkahing
Panlipunan Demograpikong Gawain upang
 Pinakamataas na Kalagayan ng mga Mapayabong ang
Antas ng Pinag- respondente at Antas ng
aralan ng Antas ng Pagtangkilik sa
Magulang Pagtangkilik sa Wikang Filipino
wikang Filipino Gamit ang
Antas ng Pgtangkilik Makrong
sa wikang Filipino Kasanayan
 Pakikinig
 Pagsasalita
 Pagbasa
 Pagsulat
 Panonod

Pigyur I

Paradaym ng Pag-Aaral

Makikita sa Pigyur 1 ang Paradaym ng Pag-aaral. Ang Input na nasa unang

kahon ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa demograpikong kalagayan ng

mga respondenteng mag-aaral batay sa kasarian, kalagayang panlipunan at

pinakamataas na antas ng pinag-aralan ng magulang. Inalam ng mananaliksik ang

Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino gamit ang Makrong Kasanayan ng mga

respondente.

37
Ang palaso na nakaturo sa ikalawang kahon o ang proseso ay nagsasaad ng

pag-alam ng kaugnayan ng Makrong Kasanayan ng mga respondente kapag

pinangkat ito ayon sa demograpikong kalagayan.

Ang Ikatlong kahon na itinuturo ng palaso ay awtput na tumutukoy sa

pagbibigay ng mga mananaliksik ng mga mungkahing gawain o hakbangin na

makapagyayabong pa sa Makrong Kasanayan ng mga mag-aaral na respondente.

Ang mga hakbanging ito ay maimumungkahi pagkatapos malaman ang resulta ng

pag-aaral.

Hipotesis

Ang hipotesis na sinasagot sa kinalabasan ng pag-aaral ay nakasaad sa

pahayag na “null”.

Walang signipikanteng kaugnayan ang antas ng pagtangkilik sa wikang

Filipino gamit ang makrong kasanayan ng mga respondente kapag pinangkat ayon

sa demograpikong kalagayan gaya ng kasarian, kalagayang sosyal at grado sa

Asignaturang Filipino sa unang markahan.

Depinisyon ng mga Termino

Upang lubos na maunawaan ng mga nagnanais bumasa ng saliksik na ito,

binigyang kahulugan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na katawagan.

Makrong Kasanayan. Ito ang epektibong pagpapahayag ng kaisipan,

saloobin, naisin, at damdamin ay isang mahalagang proseso sa

pakikipagtalastasan. Ito ay ang pagsulat, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at

panonood.

38
Pagbasa. Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo

ng isipan, Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.

Pagsasalita. Ito ay ang kakayahang at kasanayan ng isang tao na maihayag

ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng

wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

Pagsulat. Pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring

magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng

isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et

al., 1998).

Pakikinig. Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa

pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay ng

daan sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng

mga salitang kanyang napakinggan.

Panunuod. Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas,

video recording at iba pang visual media upang magkaroon ng pag-unawa sa

mensahe o ideya na nais iparating nito.

39
Kabanata III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito matatagpuan ang disenyo ng pananaliksik. Matatagpuan

din dito ang mga kalahok sa pag-aaral, instrumentong gagamitin, paraan ng

pagkalap ng datos at istatistiks o tritment na gagamitin sa saliksik.

Disenyo ng Saliksik

Ginamit sa pag-aaral na ito ang palarawang pananaliksik. Ang palarawang

pananaliksik ay ang pangangalap ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa na

bibigyan ng tiyak na kahulugan. Ito ay maaaring pangangalap lamang ng mga

impormasyon o higit pa. Ang ganitong uri ng pamamaraan ay angkop sa saliksik

na ito sapagkat sila ay gumamit ng kwestyuner sa pangangalap ng datos. Ito ay

ginamit upang mabigyan ng tamang interpretasyon ang kanilang mga nakalap na

datos batay na rin sa dami ng kalahok sa pag-aaral. Ariola (2010)

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay binubuo ng mga mag-aaral na

nasa ikapitong grado sa Mataas na Paaralan ng Malvar, Taong Panuruan 2017-

2018. Ito ay may kabuuang bilang na 234 na mga respondente.

40
Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondenteng mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng

Malvar

Ikapitong Baitang
Seksyon
Populasyon Sample
Wisdom 59 25
Charity 62 26
Courage 65 27
Faith 60 25
Honesty 61 26
Hope 62 26
Humility 60 25
Joy 63 26
Love 67 28
Kabuuan 559 234

Instrumentong Ginamit

Ang pangunahing instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang binuong

kwestyuner. Ang instrumento ay naglalaman ng mga katanungan tungkol sa

demograpikong kalagayan ng mga respondente at ang kasunod nito ay ang mga

katanungan kung paano mailalarawan ang antas ng pagtangkilik sa wikang

Filipino gamit ang makrong kasanayang pangwika.

Ang binuong kwestyuner ay isinangguni sa guro sa Filipino ng mga

respondente at ipinakita rin sa gurong tagapayo at sa ilan pang ekspertong mga

guro para sa kanilang pagwawasto at mungkahi. Matapos ito ay gumawa na ng

pinal na kopya ang mga mananaliksik.

41
Para sa interpretasyon ng kasanayan ng mga mag-aaral batay sa binuong

kwestyuner ay ikinategorya ang mga bilang batay sa mga sumusunod na berbal na

interpretasyon at mean.

Iskeyl Mean Ranges Interpretasyong Berbal

4 3.51-4.00 Lubos na Sumasang-ayon/Higit na Mataas

3 2.51-3.50 Sumasang-ayon/Mataas

2 1.51-2.50 Hindi Sumasang-ayon/Mababa

1 1.00-1.50 Lubos na Hindi Sumasang-ayon/Higit na Mababa

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng liham-pahintulot sa punungguro ng

mataas na paaralan upang sila ay payagang magsagawa ng pag-aaral na ito.

Matapos silang pahintulutan, nakipag-ugnayan sila sa opisina nito upang alamin

ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat seksyon ng ikapitong grado sa Mataas na

Paaralan ng Malvar, Taong Akademiko 2017-2018 na siyang napiling respondente

sa pag-aaral.

Nang matapos ito, pinarami ng mga mananaliksik ang nabuong pinal na

kayarian ng kwestyuner na siyang instrumentong ginamit. Muling humingi ng

pahintulot ang mga mananaliksik sa punungguro ng mataas na paaralan upang

isagawa ang pagbibigay ng kwestyuner sa mga mag-aaral na respondente.

Personal na pinangasiwaan ng mga mananaliksik ang pagsusulit upang matiyak na

maayos na naisagawa ito. Matapos ang nakalaang oras sa pagsagot, kinalap ang

nasagutang papel, tsinekan ito, nag-tally ng resulta at inibalweyt.

42
Istatistikal Tritment na Ginamit sa Pananaliksik

Upang maisagawa nang maayos ang pagbibigay kahulugan sa mga datos na

nakalap, ito ay bibilangin, pag-uuri-uriin at ihahanay sa talahanayan upang maging

maayos ang pagbibigay ng interpretasyon dito.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng payak na istatistika na ayon sa

hinihingi ng pagsusulit. Ito ay upang magkaroon ng linaw at maging makabuluhan

ang pagsusuri.

Bilang at Bahagdan. Ito ay ginamit upang malaman ang bilang sa bawat

demograpikong itinatanong sa pag-aaral at ang bilang ng tamang sagot sa

pagsusulit na ibinigay.

Mean. Ito ay ginagamit upang makuha ang antas ng pagtangkilk sa Wikang

Filipino at lubos na maunawaan ang interpretasyong berbal.

Standard Deviation. Ito ang ginamit upang makita ang layo o lapit ng

datos sa mean ng bawat pangungusap.

Chi-Square. Ito ang ginamit sa pag-alam ng kaugnayan ng demograpikong

kalagayan ng respondente at ang dalas ng pagtangkilik sa wikang Filipino.

Upang mas maging malinaw at wasto ang kompyutasyon ng mga datos

ginamit ang MINITAB Statistical Software. Isinagawa ito para matiyak ang

pagiiging tama ng resulta ng isinagawang pag-aaral.

43
Kabanata IV

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ipinakikita sa kabanatang ito ang paglalahad, pagsusuri at

pagpapakahulugan sa mga nakalap na datos kaugnay sa antas ng pagtangkilik sa

wikang Filipino. Ang paglalahad sa mga nakalap na datos ay inihanay batay sa

pagkakasunod-sunod ng mga tanong na binanggit sa Kabanata I.

1. Demograpikong Kalagayan ng mga Respondente

Sa bahaging ito ay ipinakikita ang demograpikong kalagayan ng mga

respondente batay sa kasarian, kalagayang panlipunan at pinakamataas na antas ng

pinag-aralan ng magulang. Ang mga talahanayan ay makikita sa ilalim na bahagi.

1.1 Kasarian

Inilalahad sa Talahanayan 2 ang demograpikong kalagayan ng mga

respondente. Inilalahad din dito ang bilang at bahagdan batay sa kasarian.

Talahanayan 2
Distribusyon ng Demograpikong Kalagayan ng mga Respondente
batay sa Kasarian

Kasarian Bilang Bahagdan


Lalaki 110 47
Babae 124 53
Pangkalahatan 234 100

Makikita sa talahanayan 2 ang demograpikong kalagayan ng mga

respondente batay sa kanilang kasarian. Pinapahayag ng datos mula sa 234 na mga

44
respondente, ang 110 na bilang o 47 na bahagdan ay lalaki. Samantala ang 124 o

53 na bahagdan naman ay binubuo ng mga babae.

Dahil dito, masasabing ang karamihan sa mga nagging respondente ng pag-

aaral na ito ay babae. Ito ay nangyari sapagkat sa talaan ng mga mag-aaral na

nakaenrol sa Mataas na Paaralan ng Malvar ay mas marami ang nakatalang babae

kaysa sa lalaki.

1.2 Kalagayang Panlipunan

Sa Talahanayan 3 inilalahad ang demograpikong kalagayan ng mga

respondente. Inilalahad din dito ang bilang at bahagdan batay sa kalagayang

panlipunan.

Talahanayan 3
Distribusyon ng Demograpikong Kalagayan ng mga Respondente

batay sa Kalagayang Panlipunan

Kalagayang Panlipunan Bilang Bahagdan


Mataas na Kita (37,001.00 pataas) 36 15
Katamtamang Kita (10,001 – 37,000) 136 58
Mababang Kita (9,999 pababa) 62 27
Pangkalahatan 234 100

Inilalahad ng Talahanayan 3 na karamihan sa magulang ng mga

respondente ng pag-aaral na ito ay may katamtamang kita ng pamilya. Mula sa

234 na kabuuang respondente ay 36 na bilang o 15 bahagdan ang may mataas na

kita ng pamilya habang 136 na bilang o 58 bahagdan naman ang may

45
katamtamang kita ng pamilya. Ang may mababang kita naman ng pamilya ay may

62 bilang o 27 bahagdan lamang.

1.3 Pinakamataas na Antas ng Pinag-aralan ng Magulang

Sa Talahanayan 4 inilalahad ang demograpikong kalagayan ng mga

respondente. Inilalahad din dito ang bilang at bahagdan batay sa pinakamataas na

antas ng pinag-aralan ng magulang.

Talahanayan 4
Distribusyon ng Demograpikong Kalagayan ng mga Respondente

batay sa Pinakamataas na Antas ng Pinag-aralan ng Magulang

Pinakamataas na Antas ng Pinag-aralan


Bilang Bahagdan
ng Magulang
Nakatapos ng Kolehiyo 63 27
Nakatapos ng Bokasyonal 19 8
Nakatapos ng Sekundarya 98 42
Nakatapos ng Elementarya 54 23
Pangkalahatan 234 100

Inilalahad ng talahanayan 4 ang pinakamataas na antas ng pinag-aralan

ng magulang. Mula sa 234 na kabuuang respondente ay 98 na bilang o 42

bahagdan ang nakatapos ng sekundarya, 63 na bilang o 27 bahagdan ang

nakatapos ng kolehiyo, 19 na bilang o 8 bahagdan ang nakatapos ng bokasyonal

habang ang 54 na bilang o 23 bahagdan naman ay nakatapos ng elementarya.

Mapapansin na higit na marami ang bilang ng mga respondenteng

nakatapos ng sekundarya. Ito ay umaayon din sa sarbey na isinagawa ng

Pambansang Tanggapan ng Estadistika na lumalabas na higit na malaki ang bilang

46
o porsyento na mga magulang na nakatuntong ng sekundarya kaysa sa tatlong

kategorya.

2. Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga Respondente

Sa bahaging ito ng pag-aaral, hangad na malaman ang antas ng pagtangkilik

sa wikang Filipino ng mga respondente batay sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa,

pagsulat at panonood. Ang mga aytem ay sinuri at binigyan ng karampatang mean

at standard deviation at katumbas na interpretasyon.

2.1 Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga Respondente

Batay sa Pakikinig

Makikita sa talahanayan 5 ang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino ng

mga respondente batay sa pakikinig. Ang mga nakalap na impormasyon ay

ipaliliwanag sa pamamagitan ng mean at standard deviation.

Talahanayan 5

Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga Respondente

batay sa Pakikinig

Standard Berbal na
Aytem Mean
Deviation Interpretasyon
1. Nakakukuha ako ng kaalaman hinggil sa wikang Filipino
3.33 0.63 Sumasang-ayon
kapag nakikinig ako ng mga balita sa radyo.
2. Madali kong nauunawaan ang mga awiting aking Lubos na Sumasang-
3.55 0.65
napakikinggang kapag wikang Filipino ang gamit nito. ayon
3. Nadaragdagan ang aking kaalaman hinggil sa wikang
Filipino kapag nakikinig ako sa ispiker na nagsasalita gamit 3.22 0.64 Sumasang-ayon
ang wikang ito.
4. Natutuklasan ko ang mga bagong impormasyon gamit ang
3.41 0.73 Sumasang-ayon
wikang Filipino kapag nakikinig ako.
5. Nahahasa ang kawilihan ko sa pakikinig kapag wikang
Filipino ang aking napakikinggan sa mga awiting naririnig 3.30 0.71 Sumasang-ayon
ko.
Pangkalahatan 3.36 0.67 Mataas

47
Makikita sa itaas ang resulta batay sa interpretasyon ng mean at standard

deviation. Mula sa limang aytem na matatagpuan sa talahanayan apat sa aytem na

ito ang nakakuha ng berbal na interpretasyong sumasang-ayon, 3.33 o 0.63 ang

nakuha sa unang aytem, 3.22 o 0.64 sa ikatlong aytem, 3.41 o 0.73 sa ikaapat na

aytem at 3.30 o 0.71 ang sa ikalimang aytem. May berbal na interpretasyon

namang lubos na sumasang-ayon na nakakuha ng 3.55 o 0.65 sa ikalawang aytem.

2.2 Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga Respondente Batay

sa Pagsasalita

Makikita sa talahanayan 6 ang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino ng

mga respondente batay sa pagsasalita. Ang mga nakalap na impormasyon ay

ipaliliwanag sa pamamagitan ng mean at standard deviation.

Talahanayan 6

Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga Respondente

batay sa Pagsasalita

Standard Berbal na
Aytem Mean
Deviation Interpretasyon
1. Nakapagsasalita ako ng mabuti kapag Lubos na
3.63 0.61
wikang Filipino ang aking gamit. Sumasang-ayon
2. Nakapagbibigay agad ako ako ng tugon Lubos na
3.53 0.57
kapag wikang Filipino ang aking gamit. Sumasang-ayon
3. Nakapagsasalita ako sa harap ng maraming
3.45 0.73 Sumasang-ayon
tao kapag wikang Filipino ang aking gamit.
4. Nahahasa ko ang aking sarili sa pagsasalita
3.20 0.73 Sumasang-ayon
gamit ang balarilang tagalog.
5. Lumalakas ang aking kompiyensa sa sarili
lalo na sa pakikipag-usap kapag wikang 3.44 0.76 Sumasang-ayon
Filipino ang gamit.
Pangkalahatan 3.45 0.68 Mataas

48
Makikita sa itaas ang resulta batay sa interpretasyon ng mean at standard

deviation. Mula sa limang aytem na matatagpuan sa talahanayan dalawa sa aytem

na ito ang nakakuha ng berbal na interpretasyong lubos na sumasang-ayon, 3.63 o

0.61 ang nakuha sa unang aytem, 3.53 o 0.57 sa ikalawang aytem. May berbal na

interpretasyon namang sumasang-ayon ang tatlong aytem, 3.45 o 0.73 ang

ikatlong aytem, 3.20 o 0.73 ang ikaapat na aytem at 3.44 o 0.76 ang ikalimang

aytem.

2.3 Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga Respondente Batay sa

Pagbasa

Makikita sa talahanayan 7 ang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino ng

mga respondente batay sa pagbasa. Ang mga nakalap na impormasyon ay

ipaliliwanag sa pamamagitan ng mean at standard deviation.

Talahanayan 7

Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga Respondente

batay sa Pagbasa

Standard Berbal na
Aytem Mean
Deviation Interpretasyon
1. Madali kong nauunawaan ang binabasa kong libro kapag Lubos na
3.61 0.59
wikang Filipino ang mga nakalimbag dito. Sumasang-ayon
2. Nakatutulong sa pagpapalawak ng aking kaalaman sa
tuwing nagbabasa ako ng libro gamit ang wikang 3.50 0.63 Sumasang-ayon
Filipino.
3. Lumalawak ang kaalaman ko sa wikang Filipino sa
tuwing nagbabasa ako ng iba’t ibang pahayagan gamit 3.50 0.66 Sumasang-ayon
ang wikang ito.
4. Nawawala ang takot ko na magbasa sa harap ng aking
mga kamag-aral sa tuwing wikang Filipino ang binabasa 3.27 0.74 Sumasang-ayon
ko.
5. Sa aking pagbabasa higit kong nauunawaan ang mensahe
3.50 0.71 Sumasang-ayon
ng aking binabasa kapag wikang Filipino ang ginagamit.
Pangkalahatan 3.36 0.67 Mataas

49
Makikita sa itaas ang resulta batay sa interpretasyon ng mean at standard

deviation. Mula sa limang aytem na matatagpuan sa talahanayan apat sa aytem na

ito ang nakakuha ng berbal na interpretasyong sumasang-ayon, 3.50 o 0.63 ang

nakuha sa ikalawang aytem, 3.50 o 0.64 sa ikatlong aytem, 3.27 o 0.74 sa ikaapat

na aytem at 3.50 o 0.71 ang sa ikalimang aytem. May berbal na interpretasyon

namang lubos na sumasang-ayon na nakakuha ng 3.61 o 0.59 sa unang aytem.

2.4 Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga Respondente Batay

sa Pagsulat

Makikita sa talahanayan 8 ang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino ng

mga respondente batay sa pagsulat. Ang mga nakalap na impormasyon ay

ipaliliwanag sa pamamagitan ng mean at standard deviation

Talahanayan 8

Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga Respondente

batay sa Pagsulat

Standard Berbal na
Aytem Mean
Deviation Interpretasyon
1. Nasisiyahan akong sumulat ng mga tula sa
3.47 0.69 Sumasang-ayon
wikang Filipino dahil ramdam na ramdam ko ito.
2. Madali kong naisusulat ang mga salitang
Lubos na
idinidikta sa akin kapag wikang Filipino ang 3.54 0.62
Sumasang-ayon
gamit.
3. Madali akong nakagagawa ng dyornal kapag
3.49 0.71 Sumasang-ayon
ito’y nasa wikang Filipino.
4. Nakabubuo ako ng isang matibay na pahayag o
3.49 0.64 Sumasang-ayon
sulatin kung wikang Filipino ang gamit.
5. Naisusulat ko ng buong husay ang iba’t ibnag
interpretasyon ko sa bawat taludtod ng kapag 3.36 0.71 Sumasang-ayon
nasa wikang Filipino ito.
Pangkalahatan 3.36 0.67 Mataas

50
Makikita sa itaas ang resulta batay sa interpretasyon ng mean at standard

deviation. Mula sa limang aytem na matatagpuan sa talahanayan apat sa aytem na

ito ang nakakuha ng berbal na interpretasyong sumasang-ayon, 3.47 o 0.69 ang

nakuha sa unang aytem, 3.49 o 0.71 sa ikatlong aytem, 3.49 o 0.64 sa ikaapat na

aytem at 3.36 o 0.71 ang sa ikalimang aytem. May berbal na interpretasyon

namang lubos na sumasang-ayon na nakakuha ng 3.54 o 0.62 sa ikalawang aytem.

2.5 Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga Respondente Batay

sa Panonood

Makikita sa talahanayan 9 ang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino ng

mga respondente batay sa panonood. Ang mga nakalap na impormasyon ay

ipaliliwanag sa pamamagitan ng mean at standard deviation.

Talahanayan 9

Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga Respondente

batay sa Panonood

Standard Berbal na
Aytem Mean
Deviation Interpretasyon
1. Nahahasa ang aking isipan sa panonood ng mga
3.44 0.68 Sumasang-ayon
pelikulang tagalog.
2. Nauunawaan ko ng mabuti ang mensahe ng isang Lubos na
3.58 0.65
panoorin kapag wikang Filipino ang gamit. Sumasang-ayon
3. Naibubuod ko ng maayos ang aking pinapanood
3.48 0.71 Sumasang-ayon
kapag ito’y pelikulang tagalog.
4. Nababatid ko ang kamaliang sinasabi ng mga
gumaganap sa aking pinapanood kapag ang 3.44 0.69 Sumasang-ayon
gamit nilang wika ay Filipino.
5. Naiuugnay ko ang sarili kong karanasan kapag
3.34 0.74 Sumasang-ayon
nanonood ako ng pelikulang tagalog.
Pangkalahatan 3.36 0.67 Mataas

51
Makikita sa itaas ang resulta batay sa interpretasyon ng mean at standard

deviation. Mula sa limang aytem na matatagpuan sa talahanayan apat sa aytem na

ito ang nakakuha ng berbal na interpretasyong sumasang-ayon, 3.44 o 0.68 ang

nakuha sa unang aytem, 3.48 o 0.71 sa ikatlong aytem, 3.44 o 0.69 sa ikaapat na

aytem at 3.34 o 0.74 ang sa ikalimang aytem. May berbal na interpretasyon

namang lubos na sumasang-ayon na nakakuha ng 3.58 o 0.68 sa ikalawang aytem.

3. Kaugnayan ng Demograpikong Kalagayan ng mga Respondente at

kanilang Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino

Sa Talahanayan 10 ay ipinakikita ang kaugnayan ng antas ng pagtangkilik

sa wikang Filipino ng mga respondente kapag pinangkat ayon sa kanilang

demograpikong kalagayan.

Talahanayan 10

Kaugnayan ng Antas ng Pagtangkilik sa Wikang Filipino ng mga

Respondente Kapag Pinangkat ayon sa kanilang Demograpikong

Kalagayan

Nakompyut Tabyular Desisyon Berbal na


Mga Baryabol
na Balyu na Balyu (Ho) Interpretasyon
Kasarian at Antas ng 46.549 0.000 Hindi May
pagtangkilik Tanggap Kabuluhan

Kalagayang Panlipunan at 39.717 0.000 Hindi May


Antas ng Pagtangkilik Tanggap Kabuluhan

Pinakamataas na Antas ng
Pinag-aralan ng Magulang 146.047 0.000 Hindi May
Tanggap Kabuluhan

52
Makikita sa Talahanayan 10 ang kaugnayan ng Antas ng Pagtangkilik sa

Wikang Filipino ng mga respondente kapag pinangkat ayon sa kanilang kasarian,

kalagayang panlipunan at pinakamataas na pinag-aralan ng magulang.

Kapag ang antas ng pagtangkilik sa Wikang Filipino iniugnay sa kasarian,

ang nakompyut na balyu ay 46.549 Ito ay may katumbas na 0.000 na tabyular na

balyu at dahil mataas ang nakompyut na balyu kaysa rito, masasabing hindi

tanggap ang “null” na hipotesis. Dahil dito, may makabuluhan o signipikanteng

kaugnayan sa pagitan ng kasarian ng mga respondente at sa kanilang antas ng

pagtangkilik sa Wikang Filipino.

Kung ang pagbabatayan naman ay ang kalagayang panlipunan at antas ng

pagtangkilik sa Wikang Fiipino, ang nakompyut na balyu na 39.717 ay may

tabyular na balyu na 0.000 kaya lumabas na ang desisyon ay hindi tanggap.

Nangangahulugan lamang na may kabuluhan o signipikanteng kaugnayan ang

kalagayang panlipunan ng mga respondente at antas ng pagtangkilik sa Wikang

Filipino.

Samantala, nakakuha naman ng resultang 146.047 sa nakompyut na balyu

at 0.000 sa tabyular na balyu pinakamataas na antas ng pinag-aralan ng magulang

at antas ng pagtangkilik sa Wikang Filipino. Makikitang mas mababa ang tabyular

na balyu kaya at ang naging desisyon dito ay hindi tanggap. Katulad ng kasarian at

kalag, ang panlipunan may signipikanteng kaugnayan sa pagitan ng pinakamataas

na antas ng pinag-aralan ng magulang at antas ng pagtangkilik sa Wikang Filipino.

53
Ayon sa resulta ng pag-aaral, kung aalamin ang antas ng pagtangkilik sa

Wikang Filipino ng mga respondente kapag pinangkat ayon sa demograpikong

kalagayan, lumabas na lahat ay may signipikanteng kaugnayan sa antas ng

pagtangkilik. Marahil ang pangunahing dahilan nito ay ang ginamit na wika ang

Wikang Filipino.

Ayon kay Marietta Alagad-abad ang Wika ang pinakamalinaw at

pinakamahusay magbigay ng himaton sa kung ano ang partikular na pananaw ng

tao sa daigdig na kanyang ginagalawan.

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit

upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi

lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito

upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t ibang opinyon

at kaisipan.

4. Mga Mungkahing Gawain upang mapayabong ang Kasanayan sa

Pagsulat ng mga Mag-aaral

Ang mga sumusunod na mababanggit ay ang mga gawaing iminumungkahi

upang mapayabong pa ang kakayahan sa larangan ng antas ng patangkilik sa

Wikang Filipino ng mga respondenteng mag-aaral sa Mataas na Paaralan

Pambansa ng Malvar.

54
Talahanayan 11

Mga Mungkahing Gawain sa Pagpapayabong ng Antas ng Pagtangkilik sa

Wikang Filipino

Gawain Layunin Deskripsyon


Mapukaw at mahasa
Seminar kung saan ang
ang isip ng mga mag-
tagapagsalita ay may sapat na
aaral sa pagtangkilik
kaalaman at kawilihan na
Seminar ng Wikang Filipino sa
mahikayat ang bawat mag-aaral
pamamagitan ng
na tangkilikin ang limang
pagtalakay ng limang
makrong kasanayan
makrong kasanayan
Pagsasagawa ng Maipamalas ng mga Tuwing markahan ay may
patimpalak na mag-aaral ang magaganap na patimpalak
kapalolooban ng alinman kanilang natatanging hinggil sa makrong kasanayan
sa limang makrong kakayahan gamit ang at mabibigyan ng gantimpala o
kasanayan iba’t ibang makrong insentibong marka ang mga
kasanayan makikilahok sa patimpalak.
Pangangalap o paggawa Magkaroon ng Himukin ang mga guro na
ng mga materyales na karagdagang magkaroon ng karagdagang
ginagamitan ng mga kaalaman gamit ang worksheets para sa
teknolohiya na wikang Filipino karagdagang gawain sa
makatutulong sa kasabay ang malayang pagkatuto na dapat
paglinang at pagtangkilik makabagong malinang sa mga mag-aaral sa
ng wikang Filipino ng teknolohiya ilalim ng k-12 kurikulum gamit
mga mag-aaral ang wikang Filipino

55
Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilalahad sa kabanatang ito ang lagom ng saliksik, kinalabasan at nabuong

konklusyon. Inilalahad din sa kabanatang ito ang mga rekomendasyong

iminumungkahi ng mga mananaliksik.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa antas ng pagtangkilik sa wikang

Filipino ng mga mag-aaral sa ikapitong grado ng Mataas na Paaralan ng Malvar,

Taong Panuruan 2017-2018.

Ito ay naglayong sagutin ang mga sumusunod na tiyak na mga tanong:

1. Ano ang demograpikong kalagayan ng mga respondente batay sa :

1.1 kasarian;

1.2 kalagayang panlipunan; at

1.3 pinakamataas na antas ng pinag-aralan ng magulang?

2. Paano mailalarawan ang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino ng mga

respondent batay sa mga makrong kasanayan:

2.1 pakikinig,

2.2 pagsasalita

2.3 pagbasa

2.4 pagsulat

2.5 panonood?

56
3. Mayroon bang signipikanteng kaugnayan ang demograpikong kalagayan ngmga

respondente sa kanilang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino?

4. Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, anong mga hakbang ang maaaring

imungkahi upang mapayabong ang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino ng

mga respondente?

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang 234 mag-aaral mula sa

siyam na seksiyon sa ikapitong grado ng Mataas na Paaralan ng Malvar na

nakaenrol sa Taong Akademiko 2017-2018. Ginamit ang palarawang saliksik at

kwestyuner ang pangunahing instrumento sa pagkalap ng datos. Bilang at

bahagdan, mean at standard deviation ang istadistikang ginamit sa pagsusuri ng

mga datos upang masagot ang mga tanong na nakalahad.

Kinalabasan

Ang mga datos na nakalap ay sumailalim sa masusing pagsusuri at

pagbibigay ng karampatang interpretasyon. Ang mga sumusunod ay ang mga

natuklasan sa pag-aaral ng mga mananaliksik.

1. Mula sa 234 na mga respondente; lumabas na higit na marami ang lalaki na

may bahagdan na 47, habang ang kalagayang panlipunan na may

katamtamang kita ay may bahagdan na 58. Nakakuha naman ng 42

bahagdan ang may pinakamataas na antas ng pinag-aralan ng magulang.

2. Ang mga respondente ay nagtataglay ng antas ng pagtangkilik sa wikang

Filipino batay sa makrong kasanayan. Ang pakikinig, pagbasa, pagsulat at

57
panonood ay nakakuha ng mean na 3.36 at pagsasalita na 3.45 na may

interpretasyong sumasang-ayon/mataas.

3. Napag-alaman na ang antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino at

demograpikong kalagayan ng mga respondente ay pawang may

signipikanteng kaugnayan ngunit may desisyong hindi tanggap at may

interpretasyong may kabuluhan.

4. Maraming mungkahing gawain na para sa mga mananaliksik ay tiyak na

makapagpapayabong sa antas ng pagtangkilik sa wikang Filipino ng mga

respondente. Ang mga ito ay pagsasagawa ng seminar, pagsasagawa ng

patimpalak, pangangalap ng mga materyales na ginagamitan ng teknolohiya

at mga pag-aaral tungkol sa wikang Filipino na tiyak na makatutulong sa

pagdaragdag ng kaalaman ng mga mag-aaral na makapagpapayabong sa

pagtangkilik ng wikang Filipino sa bansa.

Konklusyon

Batay sa mga natuklasang nabanggit sa itaas, ang mga sumusunod ang

nabuong konklusyon:

1. Karamihan sa mga respondente ay babae; may katamtamang kita (10,001 –

37,000); at nakapagtapos ng sekundarya.

2. Sumasang-ayon sa antas ng pagtangkilik sa Wikang filipino ang mga mag-

aaral na respondente.

3. May makabuluhan o signipikanteng kaugnayan ang kasanayan sa pagsulat

kapag ibinatay sa pinag-aralan ng ina ng mga respondente.

58
4. Ang mga mungkahing gawain ng mga mananaliksik upang mapayabong ang

anats ng pagtakilik sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral ay; pagpapaskil sa

bulletin board ng pampaaralang aktibidad na nasa Wikang Filipino na

ginawa ng mga mag-aaral, pagkakaroon ng patimpalak na may kinalaman sa

pagsulat sa Wikang Filipino at, pangangalap o paggawa ng iba’t ibang

materyales na makatutulong sa paglinang ng antas ng pagtangkilik sa

Wikang Filipino ng mga mag-aaral.

Mga Rekomendasyon

Ang mga sumusunod ang iminumungkahi ng mga mananaliksik batay sa

nabuong konklusyon:

1. Ang pagsasagawa o pagpapatupad ng mga mungkahing gawain na nabanggit

na ng mga mananaliksik sa Kabanata IV ay mangangailangan ng suporta

ng pununggurong paaralan. Ang mga mungkahing gawain ay makatutulong

hindi lamang sa pagpapayabong ng antas ng pagtangkilik sa Wikang

Filipino ng mga mag-aaral kundi pati na rin ng mga guro sa paaralang ito.

2. Paglalaan ng higit na panahon sa paghubog kasanayan sa pagsulat ng mga

mag-aaral sa pamamagitan ng mas marami pang worksheets sa pagsulat. Ito

ay makatutulong sa higit na ikatataas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa

nasabing larangan hindi lamang sa oras ng klase kundi maging sa gawain sa

malayang pagkatuto.

3. Hikayatin ang mga guro sa wika na palagiang makadalo sa mga worksyap na

ipinapatupad ng Kagawaran ng Edukasyon upang higit na madagdagan o

59
ma-update ang kanilang kaalaman sa pagpapayabong ng pagtangkilik ng

mga mag-aaral para sa higit na ikahuhusay ng mga ito sa

Wikang Filipino.

4. Magkaroon pa ng mga susunod na saliksik na makatutulong upang

mapaunlad pa ang antas ng pagtangkilik sa Wikang Filipino.

Iminumungkahi sa mga susunod pa na mga mananaliksik ang pag-aaral na

patungkol sa antas ng pagtangkilik sa Wikang Filipino gamit ang iba pang

baryabol at pamamaraan.

60

You might also like