Kabanata 1 - Tsismisan at Umpukan
Kabanata 1 - Tsismisan at Umpukan
Kabanata 1 - Tsismisan at Umpukan
Sa kapwa, sabi nga sa isang awit "walang sinuman ang nabubuhay ng para
sa sarili lamang". Bawat isa sa atin ay kinakailangan makipagtalastasan
upang mapatatag ang relasyong-sosyal.
Sa lipunan, sa sandaliang mapagsama-sama ang mga karanasan ng mga tao,
nagkakaroon sila ng isang tiyak na lipunan na tunay na kakaiba. Nagagawa
ng Wika na pagbuklurin ang isang lipunan.
Ang wika ay maraming kahalagahan at gampanin. Narito ang mga sumusunod:
IMPORMATIB
EKSPRESIB
DIREKTIB
PERPORMATIB
PERSWEYSIB
SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS
KONSTITUSYON 1987, ARTIKULO XIV
TAGALOG Isa sa mga wikain sa Pilipinas na sinasalita sa mga lalawigan. Isa itong wikang natural na
mula sa wikang Tagala na may katutubong tagapagsalita. Isa ring partikular na wika na
sinsalita ng isang etnolinggwistikong grupo sa bansa.
PILIPIN Tawag sa mga mamamayan ng bansang Pilipinas, isang monobase language sa taong 1959
O ayon sa kautusang pangkagawaran bilang 7 at ito ang piniling salita bilang representasyon ng
mga wika sa Pilipinas na naging ugat upang kilalanin natin ang pagsisikap ni kalihim Jose
Romero.
FILIPIN
O Ito ay hindi Tagalog, galing ito sa Ingles na Filipino bilang katawagan sa internasyunal na
pagkakakilanlan. Sumasagisag sa akomodasyong pampolitika at palatandaan ng isang umuunlad na
bansa tungo sa modernisasyon. Lingua Franca ng Pilipinas ang wikang Filipino na nagsisilbing
pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong bansa.
VARAYTI, VARYASYON, AT REJISTER NG WIKA
Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan
bilang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong
pantao.
Si Bouman (1990) naman ang nagsabing ang wika ay isang paraan ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang
partikular na layunin na ginagamitan ng mga Berbal at Biswal na signal para
makapagpahayag.
Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at
naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na
pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na mga sangkap ng
pananalita.
Ngunit sa lahat ng ito, natatangi ang pagpapakahulugan ni Gleaso (1961) sa wika.
Ayon sa kanya, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinsalitang tunog na
pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa
isang kultura.
MGA KATANGIAN NG WIKA
Ang Wika ay Tunog.
Sa pagsisimula ng pag-aaral ng wika ay unang natutuhan ang mga tunog ng wikang pinag-
aaralan kaysa ang pagsulat na paglalahad. Ang mga ito ay nirerepresenta ng mga titik.