Ang dokumento ay tungkol sa kahulugan, kahalagahan at iba't ibang uri ng pagbasa. Binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagbasa sa pag-unlad ng pag-iisip at pagpapalawak ng kaalaman. Tinukoy din nito ang iba't ibang layunin ng pagbasa gaya ng pagtuturo, paglilibang at pananaliksik.
Ang dokumento ay tungkol sa kahulugan, kahalagahan at iba't ibang uri ng pagbasa. Binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagbasa sa pag-unlad ng pag-iisip at pagpapalawak ng kaalaman. Tinukoy din nito ang iba't ibang layunin ng pagbasa gaya ng pagtuturo, paglilibang at pananaliksik.
Ang dokumento ay tungkol sa kahulugan, kahalagahan at iba't ibang uri ng pagbasa. Binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagbasa sa pag-unlad ng pag-iisip at pagpapalawak ng kaalaman. Tinukoy din nito ang iba't ibang layunin ng pagbasa gaya ng pagtuturo, paglilibang at pananaliksik.
Ang dokumento ay tungkol sa kahulugan, kahalagahan at iba't ibang uri ng pagbasa. Binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagbasa sa pag-unlad ng pag-iisip at pagpapalawak ng kaalaman. Tinukoy din nito ang iba't ibang layunin ng pagbasa gaya ng pagtuturo, paglilibang at pananaliksik.
Download as PPT, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 49
A.
Nailalahad at naipaliliwanag ang
kahulugan ng pagbasa B.Naiisa-isa ang kahalagahan nito C.Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pagbasa ayon sa layunin Ano ang pagbasa? Sa paanong paraan nakatutulong ang pagbasa sa iyong pang- araw-araw na buhay? Makrong Kasanayan sa Pagbasa Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon. Ang pagbasa ay humuhubog ng pag-iisip. Sa mataas na lebel ay layuning maitaas ang antas ng pag-iisip, pagiging kritikal at mapanuri. Ayon kina Curry at Palmunen(2007) nababago ang paraan ng pagbasa sa kolehiyo. Hindi lamang nakatuon sa mga detalye kundi paano nagiging makatotohanan ang isang impormasyon. Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay. Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.
Ayon kay Thorndike, ang
pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip. Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay. Kahulugan ng pagbasa ayon sa IRA(International Reading Association) Ang pagbasa-ay pagkuha ng kahulugan mula sa mga nakatalang titik o simbolo na nangangailangan ng mga sumusunod: Ang paglinang at pananatili ng kawilihan sa pagbasa. Paggamit ng estratehiya upang makuha ang kahulugan ng teksto. Sapat na kaalaman o prior knowledge at bokabularyo na tutulong sa pag-unawa ng teksto. Ayon kay Frank Smith(1997) ang pagbabasa ay pagtatanong sa nakatalang teksto at ang pag- unawa sa teksto ay pagsagot sa iyong mga tanong. KAHALAGAHAN NG PAGBASA Nadadagdagan ang mga kaalaman (stock knowledge) sa lahat ng larangan. Napayayaman ang kaisipan at napalalawak ang talasalitaan. Nakararating sa pook na hindi pa nararating o hindi na mararating at maglalakbay sa panahon sa pamamagitan ng pagbabasa. Dahil sa mga kaalaman, ideya, kaisipan at pilosopiya sa nakuha o napulot sa pagbabasa. Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita ang iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng daigdig. MGA DAHILAN NG PAGBABASA NG TAO: may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag- iwanan ng takbo ng panahon. may nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na nararamdaman Layunin sa Maunlad na Pagbasa Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa Makilala ang mga paksang pinag- aaralan upang matamo ang impormaasyon hinggil sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o humanities. Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat Matamo ang pagsasarili sa pag- aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral sa tahanan, paaralan at aklatan. Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at pagpapahalaga sa mga binabasa. Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa. Magkaroon ng kalinawan ang pag- iisip tungkol sa mga bagay na di- malinaw sa kaalaman gaya ng paniniwala o sa sakit at sa batas. Magkaroon ng katatagan at kapayapaan sa buhay dahil sa kaalaman sa iba’t ibang larangan. Magkaroon ng pagbabago o paniniwala sa kaugalian at mga desisyon dahil sa pagbabago ng panahon at makabagong impormasyong nababasa. Magkaroon ng bukas na isipan at tanggapin ang mga bagay na magaan sa isipan t kalooban. MGA URI NG PAGBASA Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin A. Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan Mabilisang pagbasa – (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin. Tinatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa. (hal. Pagtingin sa pamagat ng balita, pagsulyap sa nilalaman na aklat o pagtingin sa mga listahan ng mga pamagat ng aklat sa silid-aklatan) Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod: Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang aklat pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa pananaliksik (key word) pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen , numerong nanalo sa swipstiks, lotto, pangalan ng tao atbp. Pagsusuring Pagbasa – (Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit dito ang matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip. MGA HAKBANG: 1. Ang pamagat ng aklat na binibigyang suring-basa, ang may akda, ang naglathala, pook, taon at bilang nang pahina ng aklat. 2. Ang mga mahahalagang kaisipan ng aklat. a. Ang uri ng aklat na binibigyan ng suring-basa b. mga mahahalagang bahagi ng aklat c. mahalagang kaisipan sa aklat(1) d. panatilihing ginagamit na nakatutulong sa mambabasa e. pagbibigay ng puna sa aklat na kailangan maipaliwanag f. Pagbibigay pansin sa nilalaman at paraan ng pagkakasulat ng aklat(2) g. salitang ginamit ay nasa panahon(3) matapat at tiyak ipaliwanag ang pagpapahalaga sa aklat kung nararapat ang aklat ang kapasyahan ay kailangang ibatay lamang sa sadyang pamantayan Pamumunang Pagbasa (Critical reading) Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda. Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto. Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig. Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto. Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan. Ayon sa layunin Pagbasang nakapagtuturo – nagbabasa ang isang tao dahil mayroon siyang nais malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ngbago ang ating dating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na ating tinatahak Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam gawing libangan dahil nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may kaligayahang naidudulot sa ating buhay. Mahalagang Kasanayan sa Pagbasa Pagkilala sa mga salita (word perception) Kakayahang umunawa sa iba’t ibang kahulugan ng salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas. Pag-unawa (comprehension) Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda. Pagpapahalagang Literari (literary appreciation) may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu. Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (Research & dictionary skills) May kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay at kaalamang di-makita o matagpuan ANTAS NG PAGBASA (GRAY) 1.PERSEPSYON O PAGKILALA- Ito ang kakayahang makilala ang mga simbulong ginagamit o nakalimbag gaya ng mga letra, salita, pangungusap at bantas, o wikang ginamit. 2. KOMPEREHENSYON O PAG- UNAWA- Ang mambabasa ay nauunawaan ang mensahe na inihatid ng simbulo na ginamit. 3. APLIKASYON O REAKSYON- Nagkakaroon ng wastong pag-unawa, paggamit at pagpapahalaga sa mga mensahe na ibinibigay ng may-akda. 4. INTEGRASYON- Nagkakaroon ng kakayahan na makilala ang mga dapat at di-dapat at isama sa bago at dati nang kaalaman. Napag-uugnay ng tagabasa ang dating kaalaman at karanasan sa bagong kaalaman. ANTAS NG PAGBASA(Arogante) 1. BATAYANG ANTAS o panimulang pagbasa (sino, ano, kailan at saan) 2. INSPEKSYUNAL NA ANTAS(anu-ano ang bahagi,anong uri) 3. MAPANURI O ANALITIKAL NA ANTAS 4. SINTOPIKAL NA ANTAS (makapaghambing, makapamuna, makapagpahalaga) Motibas yon sa Motibas pagbasa Motibas yon sa yon sa pagbasa Pangala pagbasa n ng Motibas aklat, artikulo Motibas yon sa yon sa pagbasa ,o anoman pagbasa
Motibas g genre Motibas yon sa Motibas yon sa pagbasa yon sa pagbasa pagbasa