Las No. 8 Pagbasa

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region V
Division of Camarines Sur
PAMPLONA NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Pamplona, Camarines Sur
SY 2020-2021

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK
Sanayang Papel sa Pagkatuto sa Filipino 11
Pangalan: _________________________________Grado at seksyon: ________
Lugar/Tirahan: ______________________________Iskor: __________________
Unang markahan: Ika-8 Linggo
Guro sa Filipino: Airene N. Galicia -Pel
Aralin: Pagsulat ng Reaksiyon
Kasanayang Pampagkatuto:
a. Nabibigyan ng kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng
pananaliksik. (F11PB-IVab-99)
b. nagagamit mo ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa
kalinawan, kaugnayan at bisa sa reaksyong papel na isinulat ..
(F11PU-IIIfg-90)

PAGSULAT NG REAKSIYONG
PAPEL

PANIMULA

Pagpapahayag o reaksyon? Alin sa dalawang salita ang mas may bigat,


tanong sa paksa? Ano nga ba ang kahulugan ng dalawang salitang ito?
Sa pamamagitan ng pagpapahayag ay nagiging ganap ang pagkatuto
ng isang tao dahil nabibigyan ng pagkakataong makatuklas ng isang
kaisipan buhat sa kanyang nabasa o napakinggang pahayag.
Samantala, ang pagbibigay ng reaksyon ay maaring bunga ng mga
kaalaman natin sa iba’t ibang kaasalan, gawi, at tradisyon.

1
Sa gawaing ito, matututuhan mo ang iba’t ibang uri ng mabisang
pagpapahayag ang kabisaan nito at ang pagsulat ng reaksiyon mula sa
binasang teksto.

PAUNANG PAGTATAYA

Pak-Ganern!
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang PAK kung wasto
ang ipinababatid ng pahayag at GANERN naman kung hindi.
________1. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ay nagiging ganap
ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong
makatuklas ng isang kaisipan buhat sa kanyang nabasa o
napakinggang pahayag.
________2. Ang pagbibigay ng reaksyon ay maaaring bunga ng mga
kaalaman natin sa iba’t ibang kaasalan, gawi, at tradisyon.
________3. Sa pamamagitan ng kaugnayan hindi magiging tuloy-tuloy
ang daloy ng diwa ng pagpapahayag.
________4. Ang lahat ng ipinapahayag ay maaaring walang
pinagbatayang katotohanan.
________5. Nararapat lamang na gumamit ng mga salitang may tiyak na
kahulugan nang hindi makapagbigay ng ibang kahulugan.

PAGTALAKAY

Pagsulat

Pagpapahayag -ito ay pagsasalin sa papel o sa


anumang kasangkapang
-ito ay ang pagbabahagi ng maaaring magamit na
mga saloobin, maaring ito ay mapagsasalinan ng mga
nasa anyong pasalita o nabuong salita, simbolo ilustrasyon
Konseptong
pasulat. ng isang tao sa launing
kaugnay ng
pananaliksik maipahayag ang nasa kanyang
-nagiging ganap ang isipan.
pagkatuto ng ng isang tao
dahil nabibigyan siya ng -ito ay isang paraan ng
pagkakataong makatuklas ng pagpapahayag ng isip at
isang kaisipan buhat sa damdamin ng tao. ang mga
kanyang pakikinig sa pahayag bagay na hindi kayang sabihin
ng iba. nang pasalita ay ipinapahayag sa
pamamagitan ng pagsulat.

2
Sa madaling sabi, ang pagpapahayag na pasulat ay pagpapalitan ng
makahulugang kuro-kuro kaugnay sa paksa. Hangarin din nito ang mag-
ulat ng mga pangyayari.
Mayroong dalawang bagay na nilalaman sa pagpapahayag na
pasulat, ang paksa at anyo.

Ang paksa ay ideya o kaisipan na tinatalakay sa kabuuan ng teksto.


Ang anyo ay mga alituntunin o patakaran sa pagsulat na nagsisilbing
gabay ng sinumang manunulat.

Sa pagsulat, alam kong alam mo na ang sulatin ay may talong bahagi,


balikan natin ito.

3
May tatlong mabisang paraan ng pagpapahayag, ang kalinawan,kaugnayan at
bisa. Bawat paraan ay may malaking gampanin upang makapagbigay ng isang
makabuluhang reaksyon sa isang teksto.

a. KALINAWAN
• Ito ay tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita sa isang pahayag,
gayundin ang angkop na pagkakabuo ng mga pangugusap.
• Nagiging malinaw ang mga pahayag kung ang salitang ginagamit ay
angkop para sa kontekstong nakapaloob sa pahayag.
• Iwasang maging maligoy upang hindi magbigay ng kalituhan ang
pahayag na inilalahad.
• Gumamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan nang hindi
makapagbigay ng ibang kahulugan.
• Ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may pagkakaugnay-
ugnay (pambalarila at panretorika).
• Nararapat na wasto ang pagbaybay kung ito’y pasulat at pagbigkas
kung ito’y pasalita.

b. KAUGNAYAN
• Ang wastong pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ay nakatutulong
upang maging maayos ang pagpapahayag.
• Maituturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa anumang uri
ng pagpapahayag, kung mahusay ang pagkakahanay ng mga ideya o
pangyayaring tinatalakay.
• Sa pamamagitan nito, magiging tuloy-tuloy ang daloy ng diwa ng
pagpapahayag.

c. BISA
• Ito ay tumutukoy sa bigat ng isang pahayag.
• Ipinalalagay na mabisa ang pahayag kung nagtataglay ito ng
sumusunod ma katangian—makatotohanan, nababakas ang
katapatan, binibigyang pagpapahalaga ang dignidad ng isang tao.

Tatlong bisa ang masusumpungang taglay ng mga akdang


pampanitikan. Ang mga ito ay ang bisang pangkaisipan, bisang
pangkaasalan at bisang pandamdamin.

4
1. Bisang Pangkaisipan- nagbubunsod ito upang tayo ay mag-isip nang
may kabuluhan upang yumabong at yumaman ang ating isipan.
Nagiging kawili-wili at kalugod-lugod ang mabuhay dahil sa bisang ito.

Hal.
Ang pag-ibig ay esensyal na pangangailangan ng bawat tao, anuman
ang edad at kasarian. (Uhaw ang Tigang na Lupa)

2. Bisang Pangkaasalan- ay nakatutulong sa paghubog ng pag-uugali.


Ang pagpapahalaga sa bisang ito ay pagkilala sa pagkaresponsable
ng indibidwal at sap ag-angat sa kaniyang kalagayan.

Hal.
Ang paghahangad ng sobra ay nagdudulot ng hindi maganda. Ang
pagpapakumbaba at pag-unawa sa nagawang kamalian ay
nagbubunga ng muling pagtanggap at pagkakaintindihan.( Kaunting
dugo, Kaunting laman)

3. Bisang Pandamdamin- ito ay nagagawa sa pamamagitan ng: (1)


pagpukaw sa ating pandama; (2) alaala; (3) tuwirang pagpapahayag
ng damdaming nais ihatid.

Hal.
Personal kong paborito ang akdang ito. At aaminin kong sa tuwing
nababasa ko ang akdang ito ay nalulungkot pa rin ako, ngunit patuloy
pa ring nabubuhay sa akin ang kakaibang damdamin, ang damdamin
ng PAG-IBIG.(Uhaw ang Tigang na Lupa)

ANO ANG REAKSYON?

Ito ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat,


pagkatuwa o pagkadismaya matapos makita, malaman, marinig o
mapanood ang isang bagay na may halaga sa isang organismo
kagaya ng tao.
5
Ang hinuha sa binabasa ay tinatawag ding reaksyon. Ito rin ay paraang
intelektuwal na ang bumabasa ay nagpapasya sa kawastuhan at lohika
ng binabasa at emosyonal na ang bumabasa ay humahanga sa estilo
at nilalaman ng nabasang teksto.

Paano tayo nagsusulat o nagbibigay ng Reaksyon?

1. Sa mga bagay na naoobserbahan natin sa ating paigid, sa mga


napanood natin sa iba’t ibang uri ng media, maging sa mga taong
nakakasalamuha natin.
2. Kung minsan,nagiging paksa pa ito ng ating istatus sa mga social
networking site, o kaya naman ay naibabahagi natin sa ating mga
kapamilya, kaibigan at kakilala.
3. Maaaring bunga ng mga kaalaman natin sa iba’t ibang kaasalan,
gawi at tradisyon.
4. Para rin sa ninanais na panlipunang pagbabago, dahil binibigyang-
diin sa ganiting anggulo ang mga paksa hinggil sa isyu sa lipunan,
ekonomiya at politika.

PAGSULAT ng REAKSYONG PAPEL

Ang pagsulat ng reaksyong papel ay bahagi na ng mga gawain ng mga


mag-aaral, sapagkat ito ay mabisang gawain sa paglinang ng kanilang
kakayahang magsuri ng anumang materyales gaya ng teksto, pelikula,
programang pantelebisyon, at dulang pantanghalan.

Masasabing ang reaksyong papel ay isang paglalantad ng


katotohanan, sapagkat kailangang maging totoo sa pagbibigay ng
opinyon ukol sa sinuri.
Ito ay ang paglalahad ng makatarungan , patas, o balanseng
paghuhusga sa mga sitwasyong may kinalaman sa mga tao, bagay,
pook at mga pangyayari. Ayon kay Unit (2003), ang pagsusuri ay hindi
lamang nakatuon sa magagandang puntos ng kung anumang sinusuri.

KATANGIAN

1. MALINAW- maituturing na malinaw kung ito ay agad na


mauunawaan ng mambabasa. Mahalagang gumamit ng mga salitang
tiyak at tuwirang maghahatid ng mensahe at nakaayos sa
pamamaraang madaling masusundan ng mambabasa.

6
2. TIYAK- Nararapat na ang nagsuri ay magagawang mapanindigan
ang kaniyang mga inilahad.
3. MAGKAKAUGNAY- sa anumang paglalahad, mahalaga ang maayos
na daloy ng kaisipan.
4. PAGBIBIGAY-DIIN- hindi kailangang matakpan ang pangunahing
ideya. Dapat mabigyang diin ang pangunahing kaisipang tuon ng
paglalahad.

KAHALAGAHAN
• Nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri
• Nabibigyang katwiran ang sariling reaksyon
• Nakikilala ang sariling pagkatao at sariling kakayahan sa pagbuo ng
mga kaisipan
• Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan.

GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang isang uri ng teksto. Sagutan ang mga katanungan
pagkatapos. Isulat sa malinis na papel ang iyong kasagutan.

Bakit Mahalaga ang Edukasyon?

Lahat ng magulang ay pangarap ang mapagtapos ng pag-aaral


ang kanilang mga anak. Bakit nga ba?
Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang ugat ng maginhawang
buhay. Pangunahing kwalipikasyon sa pag-aaplay ng trabaho ang
tinapos na kurso.Kung hindi tayo nakapag-aral ay mahihirapan tayong
makahanap ng magandang trabahong mayroong sapat na kita. Kung
hindi sapat ang ating kinikita ay siguradong hindi natin mabibili ang mga
7
pangunahin nating pangangailangan. Ibig sabihin lamang nito ay
magiging mahirap ang kabuuan ng ating magiging pamumuhay sa
hinaharap.
Gaya ng lagi nating naririnig sa ating mga magulang na edukasyon
lamang ang kanilang maipamamana sa atin. Ito ang dahilan kung bakit
sila nagpapakahirap magtrabaho para lamang mabigyan tayo ng
pamanang ito. Ang kayamanang hindi mananakaw ng kahit na sino
mula sa nagmamay-ari nito.

1. Ang bahaging panimula sa talata ay

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ang bahaging gitna ay

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Ang bahaging wakas ay

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Ang kaugnayan ng paksa sa aking sarili ay
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Napagtanto kong
______________________________________________________________________
______________________________________________________

GAWAIN 2
Panuto: Gamit ang mga larawan sa ibaba. Sumulat ng isang talata na
nagbibigay ng reaksyon batay sa ipinapakita ng larawan. Isulat sa
kwaderno ang iyong kasagutan.
1.

8
2.

3.

5.

9
Paalala: Bawat talata ay bubuuin ng limang pangungusap lamang.
Rubrik sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos
1.Maayos ang organisasyon ng pangungusap sa talata. 5
2.Bunga ng pananaliksik ang nilalaman ng reaksiyon. 5
3.Wastong gamit ng mga salita/ pahayag na ginamit sa pagsulat nng 5
reaksiyon
4.Nasunod ang batayang paksa na ginamit sa pagsulat ng reaksiyon. 5
5.Naipakita ang kalinawan, kaugnayan at bisa ng pagpapahayag sa 10
reaksyong isinulat.
Kabuuan 30

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Pumili ng paksa na naaayon sa gusto mo. Ngayon ay bubuo na
kayo ng isang reaksyong papel. Gamiting gabay ang Rubrik sa ibaba
upang maging epektibo ang isusulat na reaksyon. Isulat sa isang short
bondpaper ang iyong reaksyon.
Mga Paksa:
1. Pagbabago ng Pasukan ng klase
2. Pagtanggap ng New normal na sitwasyon sa ating bansa
3. Vaccine sa Covid-19
4. Pagpapasara ng ABS-CBN
5. Mabagal na Internet Connection sa online learning

Pamantayan Puntos
Organisasyon 10
Lalim ng Repleksiyon 15
Paggamit ng wika at mekaniks 15
Kabuuan 40

Sanggunian:

Heidi C. Anastacio et.al, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t -ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Aklat 1, (K to 12)
Karapatang-ari 2016 ng Rex Bookstore, Inc. 927 Sta Mesa Heights , Quezon City, Kasapi: International Publishers
Association, pahina 98-110.

JANET P.TURIANO, Guro III, Nabua National High School, Nabua East District. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t -ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. LAS. 2021

Lilybeth R. Mallapre et.al, Modyul, SDO Camarines Sur. 2020

10

You might also like