Periodic 2018-2019

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ENRILE VOCATIONAL HIGH SCHOOL

NATIONAL HIGHWAY BARANGAY II,ENRILE ,


Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 11
2 nd Semester
PAGBASA AT PASUSURI SA IBA’T-IBANG TEKSTO

I.Pagpili
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang patlang bago
ang bilang.
1. Isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mag-aaral tungo sa paglinang at pagpapahusay sa
mabisang pagunawa .
A. Pagsulat B. pagbasa C. pakikinig D. pagsasalita
2. Naglalayang maglagad ng mga tiyak na impormasyon at mahalagang detalye na may lohikal na
paghahanay .
A. Impormatibo B. persuweysib C. arguentatibo D. naratibo
B. Patnubay sa pagsulat ng tekstong impormatibo kung saan kailangan piliin niya ang mga
impormasyong higit na magpapaliwanag ng paksa .
A. Planong lohikal B. panginahing kaisipan C. nakwiwili D. paksang maayos ang pokus
3. Maihahalintulad ito sa pagpipinta . ang mambabasa ay tila direktang naksaksi sa mga pangyayaring
inilalahad sa pamamagitan ng masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat .
A. Impormatibo B. naratibo C. argumentatibo D. deskriptibo
4. Ito ay purong pangkaalaman ang detalyeng sinsabi . Mga tiyak na impormasyon at pawing katotohanan
lamang ang ginagamit na mga katangian.
A. Di-karaniwang paglalarawan C. masining na paglalarawan
B. karaniwang paglalarawan D. malikahain na paglalarawan
5. Naglalahad ng mga konsepto ,pangyayari,bagay o mga ideya nagsasaad ng panghihikayat sa mga
mambabasa.
A. Naratibo B. impormatibo c. persuweysib D. Argumentatibo
6. Impormal na pagsasalaysay na para bang nagkukuwento ka lamang ng isang bagay o pangyayari .
A. Naratibo b. persuweysib C . deskriptibo D. impormatibo
7. Tahasang pagbabago sa direksyon ng o inaasahang kalabasan ng ng isang kwento.
A. Diyalogo B. Foreshadowing C. plot twist D. ellipsis
8. Kung ikaw ay nagnanais na buuin o lutoin ,ito ang teksto na kinakailangang mong basahin.
A. Argumentatibo b. impormatibo C. prosidyural D. nararibo
9. “Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo”.
A. Anaphora b. katapora c. substitusyon D. ellipsis
II-A. Pagtukoy
Panuto : Basahin ang bawat pangungusap . Tukuyin kung ang paggamit ng panghalip sa mga pangungusap ay
anapora
o katapora.
11. Siya ay huwarang pinuno ng bayan, sapagkat namumuhay si Jesse Robredo nang may katapatan sa
sinumpaang serbisyo.
12. Isa sa mga pangunahing pinakakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil ito ay nagbibigay ng
napakalaking pera sa kaban ng bayan.
13. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating pangulong Fidel V. Ramos na kaya
niyang paunlarin ang turismo sa pilipinas.
14. Ayon sa nakakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa ,bumagsak daw ang turismo sa administrasyong
Estrada dahil mahina raw siyang pangulo.

Prepared by:MRS. MARILOU T. CRUZ Page 1


15. Isa siyang ekonomista kaya alam ng pangulong Arroyo kung paano muling sisigla ang turismo ng Pilipinas
.
16. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang terorismo ay patuloy na
sinusugpo ng Adminitrayong Arroyo.
17. Si Donya Aurora Aragon –Quezon ang nagtatag ng krus na pula. Ikinasa siya kay pangulong Quezon na isa
nang pulitiko noon.
18. Patuloy nilang dinarayo ang Isla ng Boracay sa Aklan dahil ang mga Turista’y totoong nagagandahan
dito .
19. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas . Gayunpaman , Tumulong si Donya Aurora sa
Pangulong Manuel A. Roxas mapagtibay ang kalayaan ng pambansang krus na pula .
20. Lubos ang pasasalamat nila ,dahil na rin sa patuloy na pagsuporta hindi lamang ng mga taga –Naga
gayundin ang sambayanang Pilipino sa pamilya Robredo.
II-B. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot
Ellipsis Naratibo Pangunahing Ideya
Reperensiya Anapora Banghay
Cohesive device Unang Panauhan Tuwirang Pagpapahayag
Subhetibo Kohesyong Leksikal Paksa
Paglalarawan sa Ikatlong Panauhan Paglalarawan sa Tagpuan
Damdamin

21. Tawag sa mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.
22. Maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay
nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa
totoong buhay.
23. Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng texto o pahayag o panghalip
sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan.
24. Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
25. May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin
sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais
ipahiwatig ng nawalang salita.
26. Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
27. Ito ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o
katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito’y ang kanyang damdamin o emosyong taglay.
Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan.

28. Mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kalian at saan naganap ang akda sa
paraang makagaganyak sa mga mambabasa. Sa mahusay na paglalarawan sa tagpuan madarama ng
mambabasa ang diwa ng akda.
29. Anong teksto ang layunin ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga
tauhan, nangyayari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-
sunod mula sa simula hanggang katapusan.

30. Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala,
o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na AKO.
31. Ang mga pangyayari sa pananawna ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan Kaya
ang panghalip na ginagamit at SIYA.

Prepared by:MRS. MARILOU T. CRUZ Page 2


32. Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direktang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang saloobin,
diyalogo, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng PANIPI.
33. Ito ang tagwag sa maayos na dalot o pagkakasunod-sunod ng gma pangyayari sa mga tekstong naratibo
upang bigyang linaw ang temang taglay ng akda.
34. Ito ang sentral na ideya kung umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang
ito ng husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng
nais niyang iparating sa kanyang mambabasa.
35. Dagliang inilalahad ang pangunahing ideya sa tekstong impormatibo di gaya sa tekstong naratibo.
Ginagamit ang organizational markers na nakatutulong upang Makita agad at malaman ng mambabasa
ang pangunahing ideya ng babasahin.

III.36-45. Ipaliwanag (10 puntos)


Ano-ano kaya ang kaugnayan at kahalagahan ng mga tekstong impormatibo, deskriptibo, nanghihikayat,
naratibo, argumentatibo, at prosidyural sa isang pananaliksik?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
___________________________________________

Prepared by: Checked by: Verified

MARILOU T. CRUZ LORETO L. GACUTAN JR. ELISA B. LAGGUI


SHS –TEACHER SHS- COORDINATOR PRINCIPAL III

Prepared by:MRS. MARILOU T. CRUZ Page 3


Prepared by:MRS. MARILOU T. CRUZ Page 4

You might also like