Alam Mo Ba (Tula)

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Alam mo ba???

Ayon kay Lope K. Santos, may


apat na bahagi ng estruktura o
anyo ang tula. Ito ay ang tugma,
sukat, talinghaga at kariktan. Ang
sukat at tugma ay pisikal o panlabas
na anyo ng tula; samantalang ang
“talinghaga” at kariktan ang
pinaka kaluluwa ng tula.
Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng
pantig ng bawat taludtod na bumubuo
sa isang saknong samantalang ang
tugma ay huling pantig ng huling salita
ng bawat taludtod na magkasingtunog.
Para kay L. K. Santos, ang “talinghaga” ay
hindi lamang sumasakop sa tatlong anyo
ng wikang patalinghaga ,tulad ng
sinekdoke, metapora, at metonimiya,
bagkus ang kabuuang Retorika
at Poetika na tumatalakay sa mga
kaisipan at ng sari-saring
pamamaraan ng pagpapahayag
dito. Sa payak na pahayag
naman, ang kariktan ay
tumutungkol sa kagandahan.
Ayon kay Lope K. Santos,
kinakailangan ang tugma at
sukat upang makasulat ng
taludtod,samantalang kinaka-
ilangan ang talinghaga at
kariktan upang makasulat ng
tula.

You might also like