Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Campollo BSED-Filipino 2A
Teoryang Klasismo/Klasisismo
v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado
sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili
sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Teoryang Humanismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Teoryang Imahismo
v Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang
maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.
Teoryang Realismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
Teoryang Feminismo
v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang
mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Teoryang Arkitaypal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na
alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong
napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at
konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
Teoryang Formalismo/Formalistiko
v Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang
siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo
at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
Teoryang Romantisismo
v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa
pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda
na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-
ibig sa tao o bayang napupusuan.
Teoryang Markismo/Marxismo
v Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan
na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay
nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Teoryang Sosyolohikal
Teoryang Moralistiko
v Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang
tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong
nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Teoryang Bayograpikal
Teoryang Queer
Teoryang Historikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay
bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Teoryang Kultural
v Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.
Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga
sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
Teoryang Feminismo-Markismo
v Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa
suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang
tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.
Teoryang Dekonstruksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa
may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng
pagtao at mundo.
Teoryang Modernismo
Ito ay ang makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging
larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay hindi maunawaan, puno ng
misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng mundo. Ang layuninin ng
panitikan ay iparating ni Asiong Salonga ang nais niyang ipaabot sa mga tao gamit ang tuwirang
panitikan. Samakatuwid kung ano ang nais iparating ni Rizal ay siya ring nais niyang ipaabot sa kanyang
mga taga-tangkilik. walang labis at kulang, ngunit mayroong sapat lamang.walang halong simbolismo at
walang halong kalokohan at hindi kailangan ng malalimang pagsusuri at pag-unawa.
Sangguian
https://www.academia.edu/38423109/Mga_Teoryang_Pampanitikan
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Teoryang_pampanitikan