Malikhaing Pagsulat

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga pamamaraanan ng malikhaing pagsulat.

Paraan ng Pagsusulat
Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na “Sa Pagsulat,” nagsisimula siya sa ideya. Mula sa ideya,
aniya, itinatayo niya ang balangkas sa isip at pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng
mahiwagang kapangyarihan ng imahinasyon, ang samu’t saring impresyon, gunita, larawan,
damdamin at pangyayari. Tila siya mangangaso, kung saan-saan siya nakararating. Narito ang mga
paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip
1. Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga sinusulat. Nakabaling ito
sa tono’t himig na hangad ipahiwatig sa katha.
2. Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung ano ang mga
gagamiting salita sa diyalogo.
3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o paksa.
4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang mensahe ng kuwento, anyo
(form) sapagkat mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo.
5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga dibisyon (ang simula, sinulong,
at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan at epektibong banghay (plot), karakter
(character), tagpuan (location), paningin (point of view), at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa
pagsulat ng iskrip nalrarapat na lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong gagawin akda ay
pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula.
Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng iskrip ng dula. Nakatitiyak
ako na magiging matagumpay ang inyong gagawing produkto. Basahin at isagawa ang sitwasyon.
Gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan sa pagsasagawa nito

Mga genre ng panitikan lalo na ang mga teorya at metodo sa ginawang pagsulat.

PANITIKAN – Ang Kahulugan Nito At Mga Uri, Anyo At Mga Akda Ng Bawat Anyo

PANITIKAN – Sa paksang ito, malalaman natin ang kahulugan ng panitikan, ang dalawang uri, at ang
dalawang anyo na may halimbawang akda ng bawat anyo.Advertisement

Ang panitikan ay tinutukoy sa lahat ng uri ng pahayag, nakasulat man o binibigkas, ayon sa isang
handout na naupload sa Scribd. Nanggaling ito sa salitang-ugat na titik na ikinabit ang unlaping pang-
at hulaping -an.

Ayon sa handout, ang mga layunin nito ay para maipakita ang relidad at katotohanan; at
makalikha ng isa pang daigdig na taliwas sa katotohanan.
Mga Uri ng Panitikan:
 kathang-isip (Ingles: fiction)
 indi kathang-isip (Ingles: non-fiction)
Mga Anyo ng Panitikan:
 tuluyan o prosa – tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mgasalita sa loob ng
pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ngpangungusap o pagpapahayag.
 tula o panulaan – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng
salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma
Bawat anyo ay mga iba’t ibang mga akda

Mga akdang tuluyan


 Alamat – isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan nga mga hayop or mga halaman.
 Anekdota – akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng
isang sikat, o kilalang mga tao.
 Nobela – o tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na
binubuo ng iba’t ibang kabanata.
 Pabula – akda kun saan amg mga tauhan ay mga hayop
 Parabula – o tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
 Maikling Kuwento – ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring kinasasangkutan ng isa
o ilang tauhan at may iisang kakintalano impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng
panitikan.
 Dula – uri na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.
 Sanaysay – maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ngpersonal na kuru-kuro ng
may-akda.
 Talambuhay – isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na
impormasyon.
 Talumpati – isinalysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang
humikayat,tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahadng isang
paniniwala.
 Balita – nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa 
 Kwentong Bayan – uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan
sa mga uri ng mamamayan
Mga akdang patula
 Tulang Pasalaysay – tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo opangyayari
sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
 Awit/Korido at Kantahin – musikang magandang pinakikinggan.
 Epiko – isinalaysay ang kabayanihan atpakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban
sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at
di-kapani-paniwala.
 Balad – uri o tema ng isang tugtugin.
 Sawikain – tumutukoy ito sa:
 idioma – isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang kahulugan ay
hindikomposisyunal.
 moto – parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupong mga tao
 salawikain – mga kasabihan o kawikaan.
 Bugtong – pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan.
 Tanaga – tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-
aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.

Paano nakatutulong ito bilang guro (Pagsasalin)

teknikal o malikhaing pagsulat mula Ingles patungo sa Filipino

Esensya at ang pagbabagong anyo ng Kontemporaryong Panitikan


Mga isyu at panukala ng DepEd at Ched sa kurikulum ng Panitikang Filipino
*(alamin kung bakit ayaw tanggalin ng UP)*
Iginiit ng Commission on Higher Education na hindi "anti-Filipino" ang kanilang memorandum order
na nagtatanggal sa Filipino at Panitikan bilang core subjects sa kolehiyo.

Matatandaang ibinasura ng Korte Suprema ang apela ng grupong Tanggol Wika kontra sa CHED
Memorandum 20, na nag-aatas na hindi na requirement sa kolehiyo ang pagkuha ng naturang
subjects – na binatikos sa umano’y pagiging anti-Filipino nito.

Pero pinabulaanan ni CHED Chairman Prospero De Vera sa isang pahayag ang mga paratang.
Tingin niya na dapat ina-apply sa pagtuturo at hindi ginagawang asignatura ang wikang Filipino.

"To be properly cultivated, Filipino cannot merely be taught as a subject, but must be used in oral and
written forms, across academic domains,” dagdag niya.

Nilinaw din niya na ililipat lang sa Senior High School (SHS) ang pag-aaral ng Filipino at Panitikan.

“These were transferred to the Senior High School level since these are important building blocks in
the preparation of senior high students to be university-ready when they graduate,” aniya.

Malaya pa rin aniya ang mga unibersidad at kolehiyo na i-require ang mga Filipino subjects sa ibang
curriculum.

Pero nanindigan ang propesor ng University of the Philippines na si Vim Nadera na dapat pa rin itong
ituro lalo’t nananatili umanong hirap sa pagsasalita ng pambansang wika ang mga Pilipino.

"Ang ibang mga bata nga na nag-aaral sa mga maka-Ingles na paaralan sa Kinder ay hindi
marunong mag-Filipino. Kaya kumbaga ito na lang ang pagkakataon nila. Ang pag-asa na lang
kumbaga natin ay sa kolehiyo," ani Nadera, na isa ring manunulat.

Sang-ayon dito ang estudyanteng si Glenn Santos.

"Paano po natin mapo-promote iyung nationalism kung matatanggal po 'yung [Filipino as a core
subject]?" ani Santos.

Para sa estudyanteng si Antonio Castino, maaaring limitado lang ang paggamit sa matututunan sa
Filipino dahil sa kukuning kurso.

"Kunyari ako, gusto kong maging architect. More on Math, buildings... Madalang lang magamit ang
matututunan sa Filipino," aniya.

Para naman sa Department Of Education, hindi dapat hayaang bumaba ang kalidad ng wikang
pambansa.

Sinisiguro umano nila na magiging matatag ang pundasyon ng wikang Filipino sa mga estudyante
para madali na itong maitaguyod sa kanilang paglaki.

"Hitik sa Filipino ang ating kurikulum. Elementarya pa lang, kahit as early as Grade 1 pa lang may
pananaliksik na na nangyayari hanggang sa pumunta sa senior high school," ani Jocelyn Andaya,
director ng Bureau of Curriculum Development ng DepEd.
Sa kabila ng desisyon ng korte, muling maghahain ng mosyon ang Tanggol Wika para tutulan ang
pag-aalis ng Filipino at Panitikan bilang core subjects sa kolehiyo.

You might also like