Modyul 4 Paghahanda NG Kagamitan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

ROMBLON STATE UNIVERSITY

ROMBLON CAMPUS
School of Arts, Sciences and Technology
Sawang Romblon, Romblon

FILIPINO 107
Paghahanda at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo

ser MALEYT
KABANATA 2 Paglikha ng mga Lunsaran sa
Paglalahad ng Aralin
Modyul 4
Kasanayang Pagkatuto
1. Natutuklasan ang mga kagamitang ginagamit ng mga guro sa pagpapakitang – turo,
2. Nababasa ang mga mahahalagang impormasyon sa mga sumusunod na paksa,
3. Nakakaisip ng mga modernong laro na magagamit ng mga guro sa kanilang pagpapakitang-turo, at
4. Nauunawaan ang magandalng dulot ng ginagawa sa Ang Hagdan ng Karanasan sa pagkatuto at pampagtuturo.

Introduksyon
Ang paglalahad ng aralin sa isang kaparaanang kawili-wili, nakagaganyak at nakakatawag-pansin ay
napakahalagang bagay na dapat pag-ukulan ng paglilimi ng isang guro. Walang gaanong tagumpay na
matatamo ang guro sa kanyang paglalahad ng aralin kung walang kawilihan at pananabik na nadarama ang
mga mag-aaral sa araling kanilang tinatalakay.

Kadalasan sa kagustuhan ng gurong maging kawili-wili ang liksyon at maganyak ang mga mag-aaral na
makinig, gumugugol siya ng mahabang panahon sa pagbibigay ng pangganyak. Ang malungkot nito, kapag
tapos na ang pangganyak at nasa bahaging paglalahad na ng liksyon ay saka unti-unting nawawala ang
kawilihan ng mag-aaral. Kaya, dapat marahil na sikapin ng gurong ang kawilihan at pananabik ng mag-aaral
ay nakahabi sa ang pamamaraang nangangailangang gumamit ng iba't ibang lunsaran sa paglalahad ng aralin
(Belvez, 106).
Ang mga lunsaran ay magsisilbing pangganyak upang kalugdan ng mga mag-aaral ang liksiyong
itinuturo. Sa Ingles tinatawag itong "springboard." Sa paglalahad ng bagong aralin upang mapanatili ang
kawilihan ng mga bata, ang guro ay kailangang gumawa ng paraan upang maging buhay, mabunga at
matagumpay ang kanilang pag-aaral. Magagawa ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga lunsaran sa
paglalahad ng aralin.
Ang ilan sa mga lunsarang maaaring likhain ng guro para sa paglalahad ng aralin sa Filipino o maging
sa ibang asignatura man ay ang tula, kuwento, anekdota, alamat, dula-dulaan, komik strip, talumpati,
sanaysay, balita, pangulong-tudling, liham, talaarawan, talambuhay, anunsyo at iba pa.

SURIIN

TULA
Likas na sa mga bata at kabataan ang pagiging mahiligin sa mga tugnma at tula. Ang mga bata ay
madaling makaimbento ng mga tugmna. Habang sila'y naglalaro, nakagagawa na sila ng mga tugma. Dahil sa
kawili-wiling karanasan ng mga bata sa pagbigkas at paglikha ng mga tugma at tula, nagiging aktibo sila sa
klase.
Madaling lumikha ng isang tula. Sinumang may hilig at interes ay madaling magtugma-tugma at
nakasusulat ng tula lalo't higit ngayon na ang tula ay hindi na nababalutan ng mga tuntunin. Maaaring ang
tula ay may sukat at tugma, malayang taludturan at di-tugmaang taludturan. Ang mahalaga dito ay ang
diwang ipinapahayag, ang nilalaman at damdaming nakapaloob dito.
Upang magkaroon ng malawak na kaalaman sa paksang isusulat, kailangang maging mabuting
tagamasid, may malawak na pag-iisip, pinaaandar ang imahinasyon, naglalakbay sa iba't ibang
lugar at palabasa.
Sa pagiging mabuting tagamasid, huwag makuntento sa kung ano ang nakikita sa panlabas na anyo ng
isang tao o bagay. Sa halip ay bigyan ng ibang pakahulugan ang nakikita, nadarama at naririnig na hindi
makita, madama at marinig ng iba.
Sa paglikha ng tula, kailangang isaalang-alang kung sino ang mga babasa upang ang tulang isusulat ay
angkop sa lawak ng kaalaman ng babasa. Gawing kawili-wili ang mga salitang gagamitin upang ang mga
babasa ay hindi mabagot. Gumamit ng mga tayutay kung kinakailangan. Tiyaking sunud-sunod ang mga
kaisipang nais ipabatid upang hindi mawala ang mga bumabasa sa ideyang tinutumbok ng tula.
Narito ang halimbawa ng isang likhang tulang ibinatay sa sariling pagmamasid. Ang nasabing tula ay
maaaring gamiting lunsaran sa paglalahad ng aralin na ang paksa ay pangngalan.

PAGKAPILIPINO

Sa kasalukuyan, kung ating pagmasdan


Ang kilos ng tao, lalo't kabataan.
May nadarama bang pag-ibig sa bayan,
Pagmamalasakit kahit kaunti man lang?
Mayroon pa ba kayang tulad nina Rizal
Na nagpakasakit dahil sa ating bayan?
Sila'y Pilipino na may kagitingan,
Maganda ang loob, may kadakilaan.
Pagkapilipino'y hindi nasusukat
Nitong kayamanan, o pagiging salat
Kahit mangingisda sa laot ng dagat
Pagkapilipino'y nasa kanyang ugat.
Magsasaka mandi'y taong makabayan,
Kaysa 'sang pinuno ng pamahalaan
Na walang ninais kundi kasakiman
Siyang nagwawaldas salapi ng bayan.
Baya'y may sakit at nangangailangan
Ng sariwang gatas ng kabayanihan
Matipunong bisig dapat siyang iduyan
Wikang Filipino ipangalandakan.
Pagkapilipino sa mabuting gawa
Nasa sa malinis, damdaming dakila
Siya ay matapat sa sariling lupa
Gumaganap siya, 'di lang sa salita.

KUWENTO
Likas sa mga bata saan mang dako ng'daigdig ang pagiging mahiligin sa mga kuwento. Sa kanila, ang
kuwento ay may panghalina at pang-akit. Kadalasan, ginagamit ito bilang pangganyak sa iba pang mga
gawain.
Bilang lunsaran sa paglalahad ng aralin, dapat alamin ng guro ang uri ng kuwentong nagugustuhan ng
mga batang kanyang tinuturuan. Habang nagkakaedad ang bata ay nagkakaroon ng pagbabago sa uri ng
kuwentong kanyang kinagigiliwan. Ang mga batang nasa lima hanggang siyam na taong gulang ay mahihilig
sa mga kuwento ng mga hayop at mga pantasya. Ang sasampuing taong gulang na bata ay mahilig sa mga
kuwentong pakikipagsapalaran. Kaya sa paglikha ng kuwentong gagamitin bilang lunsran ng aralin ay dapat
isaalang-alang ang kanilang interes sa mga bagay-bagay.
Narito ang halimbawa ng isang kuwentoo pasalaysay naa mabisang lunsaran sa pagtuturo ng pang-
uri.

AKO AT ANG AKING PAG-IBIG


Sadya yatang mapagbiro ang tadhana sa akin kung ang pag-uusapan ay tungkol sa pag-ibig. Tunay
nga palang ang pag-ibig ay nagdudulot ng saya at lungkot kaninuman. Kung hindi nagdudulot ng masama,
nagdudulot ito ng mabuti. Nasabi ko ito sapagkat naranasan ko na.
Nasa haiskul pa lamang ako nang makilala ko si Randy. Talagang natipuhan ko siya dahil bukod sa
guwapo, mabait at masayahin pa siya. Libang na libang ako sa kanya. Araw-araw puno ng kuwentuhan ng
kung anu-ano, tawanan nang malalakas, tuksuhan, librihan sa mga pagbili at iba pa. Parang napakaganda sa
akin ng mundo. Sa wari ko'y kulay-rosas ang aking paligid. Walang kasingganda at walang kasinsaya ng
mundo kung kasama ko siya.
Naalala ko pa noong magpiknik kami sa bukid kasama ng aming barkada. Napakasaya namin. Ang
buong kapaligiran ay nakikisaya rin sa amin: ang malamyos at malamig na simoy ng hangin, ang malambing na
awitan ng mga ibon, ang malinaw na tubig sa batisan, ang mga makakapal na uhay ng palay na sumasayaw
kapag humihihip ang hangin. Ang mga ito ay di ko malilimutan. Akala ko ay wala nang katapusan ang
kagandahan ng mundo. Ngunit hindi pala panghabambuhay na puro saya. Naputol lahat ang mga masasaya at
makukulay na araw ko nang malaman kong aalis na pala si Randy patungong Maynila. Walang kasinsakit at
kasimpait para sa akin ang paghihiwalay namin dahil siya'y napamahal na rin sa akin. Ngunit sa kabila ng
aking pangungulila ay naroon pa rin ang mga sulat niyang gumagamot sa aking kalungkutan.
Sa ngayon, wala na akong balita tungkol sa kanya at ang masakit ay nakalimutan na yata ako.
Pinagbubuti ko na lamang ang aking pag-aaral. Kung sakaling magkurus muli ang aming landas at naroon pa
rin ang mura ngunit tapat na pagmamahal, maaari pa rin naming ipagpatuloy ang nauntol na kabanata ng
aming pagmamahalan. Ngunit kung hindi loobin ng tadhanang magkita pa kami, alam kong mayroong
darating na maaaring higit pa kaysa kanya. At tanging Diyos lamang ang nakakaalam nito.

ANEKDOTA
Ang pagtuturo ng aralin ay nagiging napakadali kung ang isang mahusay na guro ay marunong ng
iba't ibang istratehiya sa pagganyak ng mga mag-aaral. Ang pagtuturo sa kabuuan ay hindi lang basta
pagsasalita at pagpapaliwanag sa harap ng mga mag-aaral. Kinakailangan ding gamitan ito ng sining upang
lalong maging madali ang pag-unawa dito. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang lunsaran hindi
magiging kabagut-bagot ang aralin.
Ang anekdota ay isang mabisang lunsaran ng aralin dahil bukod sa nakaaaliw ay nakapagbibigay pa
ng aral ito. Nakaaaliw ito sa pamamagitan ng paglalahad ng kakaibang pangyayari o pagtalakay sa mga
pangyayaring naganap tungkol sa isang tanyag na tao.
Maiksi lamang ang anekdota. Kinapapalooban ito ng mga detalyeng kinakailangan sa paglalahad ng
mga pangyayari tulad ng mga kawilihan, kasukdulan at wakas ng kuwento.

Bilang lunsaran ng aralin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng anekdota ay ang mga
sumusunod (Rivera, 135):
1. Dapat maging katotohanan ang paksa at batay sa tunay na karanasan. Ang pangunahing layunin ng
isang anekdota ay upang makapaghatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito'y
magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
2. Dapat maging kapana-panabik. Ang isang anekdota ay maikling akda. Bunga nito, dapat pagsikapan
na ang mga pangungusap ay maging kapana-panabik. Ang isang magandang simula ay nagbibigay ng
pangganyak sa mga mambabasa upang ipagpatuloy ang kanilang pagbasa nganekdota.
3. Dapat magkaroon ng isang paksa. Ang isang anekdota ay may isang paksang tinatalakay. Ito ay
dapat bigyan- kahulugan sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat magbigay ng
kahulugan sa ideyang nais ipadama.
4. Sa pagwawakas ng anekdota, dapat isaalang-alang kung ito ay makapagdudulot ng ganap na
kakintalan sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ito ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na
maaaring may mga susunod pang mangyayari gayong wakas na ang akda.

Sa ibaba ay makikita ang isang halimbawa ng anekdota. Maaaring lunsaran ito sa pagtuturo ng mga
pangungusap na pasalaysay at patanong.
Pauwi si Jose Rizal sa Calamba mula sa Maynila na lulan ng isang lantsa. Bata pa siya noon.
Naglalaro siya sa may hulihan ng lantsa. Nahulog sa tubig ang kanyang kabiyak na tsinelas.
Maliksing inihulog ni Jose ang isa pa niyang tsinelas sa tubig na malapit sa kinahulugan noong una.
"Bakit mo ginawa iyon?" ang tanong ng isang lalaking katabi niya.
"Maaaring ang kabiyak na tsinelas na nahulog ay matagpuan ng isang maralitang
mangingisdang may anak kung na kasinlaki ko. lyo'y hind niya pakikinabangan kung wala ang isa pang
kabiyak," ang tugon ni Rizal.

ALAMAT
Ang alamat ay isang uri ng kuwentong nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay, kalagayan, pook at
katawagan. Layunin ng alamat na sariwain ang mga pangyayaring makasaysayan upang mapukaw ang
damdamin ng mga mambabasa at makapagpagunita ng mga bagay a may kinalaman sa nakaraang panahon.
Nasasalamin sa alamat ang damdamin, pag-iisip, buhay at ugali ng mga tao noong nakaraang panahon.

Ang mga hakbang sa paggawa ng alamat ay ang sumusunod:


a. Alamin ang pinagmulan.
Halimbawa, kung gusto mong isulat ang alamat ng inyong bayan, mag-interbyu ka ng mga
matatanda sa inyo.
b. Gumamit ng mga payak na salita upang madaling maunawaan.
c. langkop sa paksang tatalakayin ang alamat na gagawin.

Narito ang isang alamat ng pook. Magagamit itong lunsaran sa pagtuturo ng mga pang-angkop.

ANG ALAMAT NG PASIG


May magkasintahan, si Paz na isang dalagang Pilipina, at si Fernando na isang binatang Kastila.
Isang gabing maliwanag ang buwan naganyak ang magsing-irog na mamangka sa matahimik at
malalim na ilog na noon ay namumuti sa liwanag ng buwan at mga bituin. Isang maliit na lunday ang kanilang
sinakyan. Ang binata ay sumasagwan at ang dalaga naman ay payapang nakaupo habang nilalaro ng
kayumangging mga daliri ang malakristal at bumubulang tubig.
Palibhasa'y tahimik na tahimik ang gabi at sariling-sarili nila ang daigdig, paulit-ulit na sinasambit
ng binate ang kanyang pag-ibig at pangako sa dalaga. Habang ang dalaga ay nalilibang sa matatamis na
pangungusap ng binata ay biglang dinukwang niya ang isang pumpon ng bulaklak na tinatangay ng matuling
agos, at dahil doon ay gumniwang ang bangka. Hindi nakapanimbang ang binata, kaya't noon din ay nahulog
sa tubig. Ito pala ay hindi naman marunong lumangoy, kaya't sa bawat paglitaw niya, ay tinatawag ang
pangalan ni Paz upang humingi ng saklolo.
"Paz, sigueme, Paz, sigueme", na ang ibig sabihin ay "Sundan mo ako, Paz," o "Saklolohan mo ako,
Paz." Samantala, hindi naman masundan ni Paz ang ginigiliw na binata. Sa kahuli-hulihang litaw ng binata sa
tubig, wala na siyang nasabi kundi: "Paz sig...
Napabalita ang malungkot na pangyayaring yaon at mula noon ang nasabing ilog ay tinawag nang
"Pasig."

DULA
Ang dula ay may maraning gamit sa pagtuturo. Ito ay isang mabisang pangganyak na gigising sa
interes ng mga mag-aaral upang pag-aralan ang paksang aralin at maaari rin itong gamitin sa paglalapat ng
aralin upang subukin ang antas ng pagkatuto ng mga mag aaml pagkatapos ng aralin. Sa katunayan,
iminumungkahi ng mga dalubhasa sa wika at panitikan ng gamitin ang ganitong paglalapat dahil magkasabay
na nalilinang dito ang kakayahan ng mag-aaral sa wika at ang magpahalaga sa dula bilang isang uri ng
panitikan. Dagdag dito, masasanay ang mga mahiyain at kiming mga mag-aaral na makibahagi at makiisa
kung kayat nadaragdagan ang tiwala nila sa kanilang sarili na sadyang kailangan para sa isang mabungang
pamumuhay sa hinaharap.

KOMIK ISTRIP
Mabisang gamitin ang komik istrip sa paglalahad ng aralin. Nakatutulong ito upang malinang ang
kaalaman at maragdagan ang talasalitaan ng mga bata. Madali itong maunawaan at magaang basahin. Ang
sinabi ng mga tauhan ay nakapaloob sa mga "balloon". Payak at maikli lamang ang salitaan sa komik istrip.
Nagsisilbing libangan ng mga bata ang komik istrip. Nagaganyak
silang basahin ito dahil sa mga larawang-guhit. Sa pamamagitan ng mga larawang-guhit ay nalalaman at
naiintindihan kaagad ang pinag-uusapan ng mga tauhan. Sa mga batang may kahinaan sa pagbabasa, mabisa
ang komik istrip. Ang mga larawang-guhit ay nakatutulong sa pagkilala ng mga salita.

TALUMPATI
Ang talumpati ay isang sining. Maganda itong lunsaran sa paglalahad ng aralin. Maraming
maitutulong ito sa paglinang ng katauhan ng mga mag-aaral. Natututuhan nilang bumasa't bumigkas ng
talumpati, nararagdagan ang kanilang kaalaman sa paksang tinatalakay sa talumpati, napapalawak ang
kanilang talasalitaan, at naglilinang ng kanilang tiwala sa sarili sa pagharap sa madla.
Sa paghahanda ng talumpati, bigyang pansin ang paksa at layunin nito. Sa pagpili ng paksa, dapat
isaalang-alang ang tagapakinig. Ang layunin naman ay dapat ibatay sa pagkakataon
at uri ng talumpati (Alejandro, 21).
Narito ang isang talumpating binigkas ni Joy Ubando noong Pebrero 5, 1993, ika-68 na taong
anibersaryo ng University of Pangasinan. Bukod sa Wika at Pagbasa, maganda rin itong gamiting lunsaran
sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga.
Mga iginagalang na hurado, mga guro, kamag-aaral, mga kaibigan, isang malugod na pagbati sa
inyong lahat. Marahil ang iba sa inyo'y nagtataka kung bakit ang isang katulad kong may kapansana'y
nakikilahok sa ganitong klaseng paligsahan na kung saan larangan ng sining at isports ang pinag-uusapan.
Marahil ang sabi ng iba'y anong nalalaman ko tungkol dito, gayong hindi naman ako nakapaglalaro. Alam ko
'yan. Subalit hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Patuloy pa rin ang aking paniniwalang walang sinuman
na Kanyang nilikha ang walang silbi sa mundong ito. Kaya naman ako'y walang takot sa pagharap sa inyo sa
hapong ito. Dapat pa nga akong magpasalamat sa pagkakataong ito't nakasali ako sa isports kahit sa
pasalita man lamang.
Ang palaro ng ating bansa ay nakasalalay sa pamamalakad ng ating bagong pamahalaan. Ngunit hindi
niya ito magagawa nang nag-iisa, kung kaya't kaakibat tayong mag-aaral sa pagpapatupad ng adhikaing ito.
Ang katotohanang, "Ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan" at ang katotohanang tayong mga kabataan
ang nakahihigit sa bilang ng populasyon ng ating bansa ay sapat lamang na dahilan upang tayong mga mag-
aaral ay maging aktibo at makiisa sa pagbuo ng ating bansa. Alam kong taglay nating mag-aaral ang lahat
ng kakayahang kailangan upang maging maunlad at payapa ang ating
bansa.
Ngunit saan at paano nating maipapakita ang mga kakayahan natin? Ang isang larangang dapat
nating tahakin, na alam kong kayang-kaya natin ay ang sining at isports. Naniniwala akong sa pamamagitan
nito'y maipapakita natin ang ating lakas at ang ating pagiging mapanlikha.
Sa larangan ng sining, maaaring makalikha tayo ng maraming Lea Salonga. Siya ay isa lamang sa mga
ipinagmamalaki ng ating bansa. Ito'y patunay lamang na tayong mga Pilipino'y hindi lamang tanyag sa
pagiging domestic helper o kaya'y alipin na lagi na lang dinidiktahan at sunud-sunuran sa ating mga
panginoon. Kundi, tayong mga Pilipino'y may angking talino't kakayahan, lakas ng loob na humarap sa
anumang sigwa ng buhay at ka-layaang gumawa ng hakbang tungo sa tagumpay. Sining ang isa sa mga
makapagpapatupad nito.
Ang isa pang bagay na lalong makalilinang ng ating kakayahan ay ang isports. Naging bahagi na ng
ating kultura ang isports kung kaya't maituturing na patay ang ating bansa kung wala nito. Tayong mga
mag-aaral ang may kakayahang abutin ang tugatog ng tagumpay sa pamamagitan ng isports. Ang
pakikipagtunggali o pakikipaglaban upang mabuhay at ang pagtatagumpay ng mga karadapat-dapat ay batas
ng buhay na siyang nasusunod maging sa kalikasan o sa buhay ng tao. Hindi ba't ipinagmamalaki natin ang
pananagumpay ni Nepomuceno bilang World Cup Bowler, nina Akiko, Najera at Buhain sa larangan ng
paglangoy, at ni Bea Lucero sa Taekwando. Sila ay mga Pilipinong may deteminasyon at may disiplina sa
sarili. Kailangang iangkop natin ang ating buhay sa lihim ng kanilang pananagumpay. Ang isang dahilan kung
bakit kailangan nating makilahok sa sining at isports ay upang magkaroon tayo ng disiplina. Hindi ba't dahil
na rin sa kakulangan ng disiplina kung kaya't hindi nagtagumpay ang ilan sa ating mga kababayan?
Magkakaroon tayo ng disiplina sa pamanagitan ng isports. Bahagi ng disiplina ang pagsunod sa mga
alituntunin ng isports. Ang matututuhan natin ditto ay makatutulong sa pang-araw-araw nating
pamumuhay.
Alam nating lahat ang kasabihang, "Sa ikauunlad ng bayan disiplina ang kailangan". Oo, nagagawa ng sining
at isports na baguhin ang maling pananaw natin sa buhay upang maging kapaki-pakinabang na kabataan
tayo.
Mga kamag-aral na may angking talino, talento at lakas, panahon na para tayo'y kumilos. Kung kaya
ko, bakit hindi mo makakaya gayong wala namarng limitasyon ang iyong kakayahan?
Kaya't mga kamag-aaral, kapatiran sa isports, ganyakin natin ang mga kabataan upang sumali't
makiisa sa diwang inihahasik ng sining at isports. Kapit-bisig sa isports ating ibandila't ipaghiyawan.
Bilang panapos, bayaan ninyong wakasan ko ang aking talumpati ng mga salitang makapagbibigay sa atin ng
inspirasyon, mga salitang hango sa Mangangaral 12:1 "Alalahanin mo ang Lumikha sa iyo sa panahon ng
iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama
ang tamis ng buhay."

SANAYSAY
Ang sanaysay ay pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa anumang bagay.
Sa paggawa ng sanaysay, dalawang bagay ang dapat bigyan-pansin: ang nilalaman at istilo ng
pagsulat.
Ayon kay Rubin, sa anumang pahayag, mahalaga ang nilalaman o mensahe hindi lamang sa
nagpapahayag kundi lalo na sa nagbabasa o nakikinig. Ang mensahe ay dapat maging makatotohanan,
maayos ang pagkakahanay ng mga kaisipan at hindi sabug-sabog ang nilalaman.
Upang magkaroon ng malawak na kaalaman sa mga pinapaksa ang isang nagsasaysay, kailangang
magkaroon siya ng mayamang karanasan sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba't ibang klase
ng tao, pagmamasid sa kilos at galaw ng kalikasan, paglalakbay sa iba't ibang lugar upang matanto ang iba't
ibang kalinangan, at pagbabasa ng mga aklat at iba pang mga babasahin.
Ang istilo ng pagsulat ay depende sa nagsasaysay. Hindi ito naituturo. Bagama't maaaring pag-
aaralan, sa kaunlaran ang sariling istilo pa rin ang siyang nanaaig. Maaaring ang istilo ay siryoso,
mapagpatawa o impormal batay sa hinihingi ng pagkakataon.
Narito ang isang halimbawa ng sanaysay na maaaring gamiting lunsaran sa pagtuturo ng araling ang
paksa ay pagpapahalaga sa wika at kultura.

BALITA
Sa pamamagitan ng balita ay nalalaman natin ang nangyayari sa loob at labas ng bansa. May mga
balita tungkol sa pamahalaan, paaralan, lipunan, pananampalataya, kalakal, agham, sakuna, kalusugan at iba
pa. Ang balita'y nagpapayaman ng talasalitaan, nagdudulot ng dagdag na karunungan, nagpapalawak ng
kaalaman tungkol sa paligid, nakapagpapabatid sa takbo ng panahon, at nagpapatalas ng kakayahang
mangatwiran.
Sa paggawa ng balita, gawing makatawag-pansin ang pamagat. Ang paksa ay kailangang napapanahon.
Gumamit ng mga payak na salita upang lalong maintindihan ng babasa. At isaalang-alang ang tanong na ano,
sino, kailan, saan, bakit, at paano.
Narito ang isang balitang maaaring gamiting lunsaran sa ang pagtuturo ng Edukasyon Pagpapahalaga
na ang paksa'y maaaring wastong paggamit ng labing panahon.

BRICK GAMES: ISANG PELIGRO SA PAG-AARAL


MAYNILA, Marso 6, 1993
Nakatutulong sa family planning ang paglalaro ng brick games, subalit hindi nakabubuti sa mata, at
sa sikolohiya ng kabataan kung sosobrahan ito.
Ito ang pahayag ng batikang child and adult psychia-trist na si Dra. Angela Aida Halili-Hao ng UP
College of Medicine.
Ayon kay Hao, ang isang bata kapag nalulong o naging addict sa paglalaro ng video games, ay
magiging masungit at nawawala ang atensyon sa pag-aaral.
"Nasisira rin ang kanyang kakayahang makipag-ugnayan at makitungo sa pamilya, sa komunidad at
sa lipunan," ani Hao.
Ngunit hindi ito ganap na nakasasama, "kung kokontrolin ng magulang ang paglalaro nito, sapagkat
mayroon din namang entertainment value ang video games, bukod sa nakatutulong sa bilis ng pag-isip ng
isang bata," aniya.
Iminungkahi niya sa mga magulang ang paglalagay ng oras para sa paglalaro at ilaan ang ibang
panahon ng bata sa creative activities.
"Kung disiplinado ang paggamit ng video games, hindi magiging problema ang pag-aaral o
socialization ng isang bata, "Ingatan lang na walang tendency sa epilepsy ang bata, sapagkat ang kislap
nito ay maaaring magpasimula ng isang serye ng pagkakahimatay o
seizures," ani Hao.

PANGULONG-TUDLING
Sinasabing ang pangulong-tudling ay nakagagawa ng apat na mahahalagang bagay: magturo, pumuri,
tumuligsa o magtanggol.
Ang patnugot o ang sumusulat nito ay may layuning mamatnubay sa mga kuru-kuro ng tao.
Karaniwang ang paksa'y sa balita kinukuha.
Ang pangulong-tudling ay maaaring maging lunsaran ng araling pagmamatwid at pakikipagtalo. Sa
gawaing ito, nasasanay ang mga mag-aaral na magbigay ng kani-kanilang kuru-kuro, nalilinang
ang kanilang kakayahang mangatwiran, nahahasa sila sa pakikipagtalastasan aft higit sa lahat ay
magkakaroon sila ng tiwala sa sarili.
Ang pangulong-tudling na inilahad dito ay maaaring pagbasihan ng isang debate. Ang paksa ay:
"Dapat ba o hindi dapat buksan ang plantang nukliyar sa Bataan?"

NAIS NG BAYAN PARA SA BNPP


Naghihintay ang bayan sa pagkilos ng pamahalaaan ukol sa kahihinatnan ng Bataan Nuclear Power
Plant (BNPP). Totoo nga't hindi tinanggap ng pamahalaan ang alok ng Westinghouse na ayusin ito, subalit
tila bukas pa rin ito sa posibilidad na buksan ang BNPP.
Ayon sa Finance Secretary Ramon del Rosario, naghihintay pa ang pamahalaan ng ibang kompanya
na makapagbibigay ng mas mainam na alok sa pagsasaayos ng BNPP.
Tila bulag pa rin ang pamahalaan sa mga panganib na idudulot ng BNPP sa mga mamamayang Pilipino,
gayong nagdudumilat ang katotohanang walang mahihitang mabuti ang pagpapatakbo ng BNPP, kung
ang isasaalang-alang ay ang kaligtasan ng sambayanang Pilipino.
Mismong ang Rusong pasistang pang-atomiko, si Dr. Vladimir Chernousenko na namuno sa paglilinis
ng hunab o "radiation" na dulot ng trahedyang Chemobyl noong 1986, ang nagsabing lubhang mapanganib at
di paglalaro lamang ang pagpapatakbo ng isang plantang nukliyar tulad ng BNPP.
Sa kasalukuyan si Dr. Chemousenko ay may sakit na leukemia at dalawang taon na lamang ang taning
ng buhay. Nakuha niya ito sa paglilinis ng mga mahunab na elemento. Ayon pa rin sa kanya, mahigit na
kalahati ng 120 siyentipiko athumigit kumulang na 5,000 ng kabuuang 650,000 kataong kasama niyang
nagtratrabaho sa Chernobyl ang namatay na, at libo pa raw ang pinangangambahang mamamatay dahil sa
trahedyang iyon.
Ayon naman sa mga nagsidalo sa World Uranium Hearing na idinaos sa Salzburg, Austria, hanggang
sa kasalukuyan ay wala pa ring ligtas na teknolohiya para sa pagliligpit at pag-iingat ng mga mahunab na
elemento. Ito rin ang tinutukoy sa mga testimonya ukol sa pangkalikasan, panlipunan, pangsikolohikal,
pampisyolohikal, at pang-ekonomiyang epekto ng tecknolohiyang pangnukliyar, mula pa rin sa nasabing
pagdinig.
Sa ngayon ang tanging solusyon lamang upang mailigpit ang mga mahunab na elemento ay ang paraan
ng pag-iimbak at pagtatapon sa mga ito, na nagdadala naman ng higit na panganib at posibilidad na
kontaminasyon. Mula sa mga testimonyang ito sana nama'y magkaroon na ng tapang ang pamahalaan na
talikuran ang posibilidad na pagbubukas o pagsasaayos ng BNPP. Bagkus kumilos na sana ito upang ang
BNPP ay gawing mas ligtas na uri ng planta ng koryente.

LIHAM
Sa paraang ito ng paglalahad ng aralin, ang mga mag-aaral ay hindi lamang natututo ng bagong
talasalitaan kundi mga bahagi pa ng liham. Kasama ring matututuhan ang wastong pananalita, pagbati at
mga katagang angkop gamitin sa pagliham. Ipinakikilala ng liham ang katauhan ng sumusulat kaya't hindi
dapat gamitin ang karaniwan at palasak na paraan ng pakikikumusta sa liłham o iyong tinatawag na
"stereotyped expressions" gaya halimbawa ng "nawa'y datnan ka ng liham kong ito nang malusog at walang
Aking karamdaman," "Bago ang lahat, tanggapin ninyo ang aking masaganang pakikikumusta," at iba pang
palasak na pambungad (Belvez 53-54).
Sa mga di-pormal na liham maaaring matanggap ang maligoy at mabulaklak na pananalita. Maaari
ring magkuwento dito at magparating ng mga bagay na gustong iparating sa sinusulatan. Subalit sa mga
pormal na liham hinihingi nito na maging pormal ang lenggwahe at maging tiyak, tuwiran, maikli at malinaw
ang paglalahad. Sa paggawa ng liham, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:
a. Ang paksa ay tiyak at nakaaaliw sa babasa.
b. Ang paraan ng paglalahad ay magaan, likas at parang nakikipag-usap lamang sa burnabasa.
c. Wasto ang balarila at ang gamit ng mga pananalita.
d. Iniiwasan ang paggamit ng mga salitang matatalinghaga.
e. Gumagamit ng mga salitang angkop sa katalinuhan ng babasa.
f. Malinis, malinaw at kaakit-akit ang laman at hitsura ng liham.

Narito ang isang halimbawa ng liham na maaaring gamiting unsaran sa paglalahad ng aralin na ang
paksa ay wastong gamit ng mga bantas at mga bahagi ng liham.

Marso 2, 1993

Kaibigang Butch,

O, gwapo. . . kumusta na ba? Ilang kamelyo na ba ang nasakyan mo? Ilang milya na ba ng disyerto
ang natawid mo? Baka naman pagbalik mo rito ay hindi ka na namin makilala dahil mukhang Arabo ka na.
Dito naman, Tsong okey lang kami. Medyo hinihintay na nga namin ang iyong pagbabalik. Miss na
miss ka na ng barkada.
Ako naman, etc. . . . tuloy pa rin ang kalbaryo sa iskuwela. Bagamat may maipapakita na akong
resulta sa mga pagod ko sa pamamagitan ng aking mga greyd na simbaba ng fourth floor ng AS Building ng
UPANG (yabang no? He! He!). At para magkaroon din ako ng "Kikil-Power" 'yon bang lakas na humingi ng
pambili ng bagong walkman, bagong Levi's, computer at iba pa.
Ngayong magsa-summer na, kaunti lang ang balak ko. Mag-aral, mag-beach, umakyat sa Baguio, at
siyempre yong mga gawaing S.O.P.--manligaw at paminsan-minsa'y mag-disco.
Sige na Tsong.. . humahaba na, kaya tatapusin ko kang na. Umuwi ka na at sabik na kaming
makasama kang muli.

Ako lamang,
Adolfo

TALAARAWAN
Ang talaarawan ay tala ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao. Itinatala ng isang tao ang
anumang inaakala niyang mahalaga at makabuluhang karanasan sa isang tiyak na araw. Ito ay pansarili
lamang at hindi isinusulat para sa iba. Kaya ang tala rito ay matapat at makatotohanan. Kadalasan ang
isinusulat sa talaarawan ay mga pansariling sekreto at di dapat malaman ng ibang tao.
Bilang lunsaran sa paglalahad ng aralin, kawili-wili ito sa mga bata dahil nararamdaman nila at
nararanasan din ang nasasaad sa talaarawan lalo na't kasinggulang nila ang may talaarawan. Mabisa itong
gamitin sa asignaturang Pagbasa, Balarila at Wastong Pag-uugali. Sa pagsulat ng talaarawan, nalilinang ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa pasulat na pakikipagtalastasan. Bukod pa rito, nawiwili ang mga bata dahil
naitatala nila ang di-malilimutang pangyayari sa buhay nila.
Bilang lunsaran, naririto ang mga dapat tandaan ng guro sa paggawa ng talaarawang gagamitin sa
paglalahad ng aralin.
a. lugnay ang diwang ipinababatid ng talaarawan sa paksang-aralin
b. Itala lamang ang mga mahahalagang pangyayari.
c. Laging nasa aspektong perpektibo ang pandiwang gagamitin sa pagtatala ng talaarawan.
d. Gawing maikli ang pagkakatala ng mga pangyayari.
e. Lagyan ng petsa ang bawat tala.
Ang talaarawang matutunghayan dito ay angkop sa paksang mga batayang uri ng pangungusap.

ANG TALAARAWAN NI MARIEL


Huwebes, Disyembre 17, 1993
Krismas parti namin sa asignaturang Filipino. Masaya ang lahat dahil maraming pagkaing inihanda
ang bawat isa. Nagkaroon din ng iba't ibang paligsahan. May paligsahan sa pag-awit, pagtula,
pagtatalumpati, pagkukuwento at pamamahayag. Masaya ako dahil una kong karanasan ang ganitong parti
sa aking pag-aaral sa kolehiyo.

Sabado, Disyembre 19, 1993


Abala ako sa araw na ito. Naghanda ako ng baon para sa field trip. Inihanda ko na rin ang iba pang
gagamitin sa aking paglalakbay.

Linggo, Disyembre 20, 1993


Maaga akong nagising dahil may field trip kami. Sa daan, marami akong nakita. Nakalulunos tingnan
ang mga nasalanta ng lahar sa Tarlac. Pagdating sa Nayong Pilipino, napa-wow naman ako. Nakita ko ang
kabuuan ng Pilipinas sa kalahating araw na pamamasyal. Ang ganda pala ng Pilipinas!

TALAMBUHAY
Ang talambuhay ay tala ng mahahalagang impormasyon sa buhay ng tao. Mlay tatlong paraan ang
paglalahad nito:
1. Paglalahad ng mga makukulay na pangyayari sa buhay na dinadakila ng nakapagtipon.
Ang pagtitipon ng mya tala ay naisasagawa ng may akda sa pamamagitan ng pakikipanayam sa
mga taong nakakikilala sa taong ginagawan ng talambuhay, pagbabasa sa talaarawan ng nasabing tao
at pagtitipon ng mga isinulat ng ibang tao tungkol sa taong ginagawan ng talambuhay.
2. Pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari tungkol sa buhay ng taong pinapaksa.
3. Paglalahad ng sariling talambuhay.

Sa paggawa ng talambuhay, maaari nating isama ang pananaw sa buhay ng taong pinapaksa, ang
kanyang paniniwala at prinsipyo.
Ang halimbawang talambuhay sa ibaba nito ay mabisang
lunsaran ng aralin na may paksang uri ng pangngalan.

ANG TALAMBUHAY
NI FERDINAND TORRES

Isinilang si Ferdinand Torres noong ika-8 ng Hunyo, 1973 sa maliit na baranggay ng Talibaew,
bayan ng Calasiao. Lima silang magkakapatid at siya ang bunso. Naging masunurin at mabait na anak nina G.
Panfilo Torres at Gng. Villa Torres si Ferdinand. Maliit pa si Ferdinand ay kinahiligan na niyang
magturo sa mga kapwa kalaro. Bagamat mura pa ang pag-isip, pinapahalagahan na niya ang paggalang sa
nakatatanda at pag-ibig sa Diyos.
Sa gulang na anim na taon, ipinasok siyang kinder sa St. Paul Parish School. Nakamit niya ang unang
karangalan sa pagtatapos sa kinder kaya laking tuwa ng kanyang mga magulang. Nagpatuloy siya, sa pag-
aaral ng elementarya sa Calasiao Central Pilot School. Ngunit sa di-inaasahang pangyayari ay nagkaroon
siya ng sakit sa puso noong nasa ikaapat na baitang. Pinatigil siya ng doktor sa kanyang pag-aaral. Hindi
nawalan ng pag-asa ang kanyang mga magulang. Sa halip, binayaan siyang mamahinga muna. Sa bahay,
nakahiligan niyang magbasa ng mga pang-araw-araw na pahayagan, aklat ni Jose Rizal, mga aklat na sinulat
ng iba't ibang manunulat, lokal man o banyaga at higit sa lahat, ang Bibliya.
Habang siya'y may sakit, hindi rin napagod ang kanyang mga magulang na dalhin siya sa iba pang
dalubhasang manggagamot. Pinakakain siya ng masustansiyang gulay at prutas. Higit sa lahat, ang
pagtawag sa Panginoon ay hindi kinaligtaan ng kanyang pamilya.
Naging himala ang pagkapawi ng kanyang karamdaman. Ang paniwala ng kanyang pamilya'y
ginamot siya ng Diyos. Nagpatuloy na naman siya ng kanyang pag-aaral. Mula sa ikaapat na baitang, biglang
lundag siya sa pangalawang taon sa Calasiao Comprehensive National High School dahil nakapasa siya sa
Philippine Educational Placement (PEP) Test.
Sa kasalukuyan, nag-aaral siya sa Kolehiyo ng Edukasyon ng University of Pangasinan at nagpapaka-
dalubhasa sa Filipino.

ANUNSYO
Mabisang gawing lunsaran ng aralin ang mga anunsyong naririnig sa radyo, nakikita. sa bilbord at
napapanood sa telebisyon. Halos naisasaulo na ng mga bata ang mga salita at awiting kasama ng anunsyo.
Wiling-wili ang mga bata sa pag-aaral ng mga araling ginagamitan ng anunsyo sa pagtuturo, nagiging
malikhain, nahahasang umarte, nagkakaroon ng tiwala sa sarili, at nalilinang ang talasalitaan ng mga mag-
aaral.
Narito ang isang halimbawang paraan kung paano gagamitin ang anunsyo bilang lunsaran ng aralin.
1. Pangkatin ang klase sa apat. Pumili ng lider sa bawat pangkat.
2. Tbigay ang anunsyong pamilyar sa mga bata at ang paksang iaangkop sa anunsyo.
3. Palitan ng mga salitang ginagamit sa anunsyo ng mga salitang bagay sa paksang-aralin.
4. Subaybayan at tulungan ang mga bata kung kinakailangan.
Narito ang isang halimbawa ng anunsyong maaaring gamitingg lunsaran para sa paksang kalusugan.

Unang Pangkat:
(Gamitin ang himig ng awiting Humanap Ka ng Pangit)
Ang gulay na pipilin
Ay hindi ang mamahalin
Kangkong, upo at ampalaya
Sa katawa'y masustansiya.

Ikalawang Pangkat:
(Gamitin ang himig ng patalastas ng Ovatine)
Isa, dalawa, maraming baka
Tatlo, apat, bilanging lahat
Lima, anim, gatasan natin
Pito, walo, gawing keso.

Tkatlong Pangkat:
(Gamitin ang himig ng patalastas ng Nestle Twin)
Uminom ka ng gatas
Kumain ka ng itlog
Hindi magtatagal
Ikaw ay lulusog.

Ikaapat na Pangkat:
(Gamitin ang himig ng patalastas ng San Miguel Beer)
Kung nais mo, Neneng
Na ika'y gumanda
Tkaw ay maligo
Sa tuwing umaga.

Ang batang malinis at laging maayos


Sa sakit ay ligtas at laging malusog
Tanang makakita ay nangalulugod
Ang batang malinis ay aliw ng loob.

Isagawa

Gawain 1
Panuto: Pumili ng isang akdang pampanitikan. Isulat ito sa isang malinis na puting kartolina gamit
ang pentelpen. Kailangang ang inyong sulat kamay sa kartolina ay nababasa ng maayos at
katamtaman lamang ang laki ng mga letra. Lagyan ng mga disenyong angkopsa gilid ng kartolina at
dapat ay malinis tingnan at hindi masyadong nasasapawan ng kulay ang inyong isinulat sa kartolin.
Pwede ring gamitin ang DIY(Do it Yourself) na mga stratehiya sa paggawa ng visual aids na ito.

PAMANTAYAN
Sulat kamay 35%
Pagkakabuo 30%
Desenyo 20%
Kalinisan 15%
Kabuuan 100%

Gawain 2 (Pagpapaliwanag)
1. Anong lunsaran ang iyong naisip na gagawin patungkol sa iyong napiling akdang pampanitikan sa
Gawain 1. Ipaliwanag ang iyong sagot sa isang buong papel(yellow pad).

Sanggunian

Pahahandang mga Kagamitang Pampagtuturo ni Priscilla Casanrto-Ruedas/ National Books Store

You might also like