Pandiwa

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

PANDIWA

Bahagi ng pananalita na nagsasaad


ng kilos o galaw at nagbibigay buhay sa
lipon ng mga salita.

2 Uri ng
Pandiwa

1.)

PALIPAT

Ang mga pandiwang palipat ay


nagtataglay ng kilos at nangangailangan ng
tuwirang layon. Ang tuwirang layon ay
karaniwang pinangungunahan ng mga
katagang ng, ng mga, sa, sa mga, kay, o
kina.

Pandiwa

Tuwirang layon

1. Si Pygmalion ay lumilok ng estatwa.


Pandiwa

2. Si Galatea ay sinuotan niya


I

Tuwirang layon

ng damit at mamahaling alahas.

2.) KATAWANIN

Ang pandiwang katawanin ay nagtataglay


ng kahulugang buo na hindi
nangangailanga ng tagaganap o
tagatanggap ng kilos

1. Sina Galatea at Pygmalion ay ikinasal.


Pandiwa

Pandiwa

2. Umalis na ang mga panauhin

Aspekto ng Pandiwa

1. PERPEKTIBO

Itoy nagsasaad ng kilos na nasimulan na


at natapos na.

2. PERPEKTIBONG
KATATAPOS

Itoy aspektong nagsasaad ng kilos na


katatapos lamang. Ang kayarian ng aspektong
ito ay nabubuo sa pamamagitang ng
paggamit ng unlaping ka- at ang pag-uulit ng
unang pantig ng salitang-ugat.

3. IMPERPEKTIBO

Itoy nagsasaad na ang kilos ay


kasalukuyang nangyayari o kayay patuloy
na nangyayari.

4. KONTEMPLATIBO

Itoy nagsasaad na ang kilos ay hindi pa


isinasagawa o gagawin pa lamang.

Pokus ng Pandiwa

1. Aktor Pokus
Nasa aktor pokus kung ang paksa o simuno
ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng
pandiwa at sumasagot sa tanong na Sino?

2. Gol Pokus

Nasa gol pokus kapag ang binibigyangdiin sa pangungusap ay ang Gol o Layon.
Ito ay kadalasang sumasagot sa tanong na
Ano?

3. Lokatib Pokus

Nasa lokatib pokus kapag ang tinutukoy


ay ang pook na pinaggaganapan ng kilos.

4. Kosatib Pokus

kosatib pokus kung ang sinasaad ay


kadahilaan ng kilos sa pangunngusap.

5. Instrumental Pokus

instrumental pokus kung ang bagay na


ginagamit upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa ang paksa ng pangungusap.

6. Benepaktib Pokus

benepaktib ang pokus ng pandiwa kung


ang tao o bagay na nakinabang sa resulta
ng kilos ng pandiwa ang paksa ng
pangungusap. Sumasagot sa tanong na
para kanino?

7. Direksyunal Pokus
kapag tinutukoy ang direksyon o tatanggap
ng kilos sa pangungusap. Sumasagot sa
tanong na tungo saan o kanino?

Niluto ni Carlo ang masarap na adobo.

Aktor:
Kosatib:
Instrumental:
Benepaktib:
Direksyunal:

Niluto ni Carlo ang masarap na adobo.


Aktor: Nagluto si Carlo ng masarap na adobo.
Kosatib:Ikinatuwa ni Carlo ang pagtikim sa masarap
na adobo.
Instrumental: Ipinanluto ni Carlo ng masarap na
adobo ang sandok.
Benepaktib: Ipinagluto ni Carlo ng masarap na
adobo si Carla.
Direksyunal: Binigyan ni Carlo ng masarap na
adobo si Carla.

PAGSUSULIT

Salita
1. Laro
2. Kain
3. Sulat
4. Dasal
5. Alis
6. Luto
7. Iyak
8. Saway
9. Basa
10. Sama

Perpektibo

Katatapos

Imperpekti
bo

Kontemplati
bo

Panuto: Salungguhitan ang


pandiwa at tukuyin kung
ano pokus ng pandiwa ito.

1.
2.
3.
4.
5.
6.

Uminom ng gamot ang pasyente.


Nagdala ng radyo si Trixie.
Ikinainis nila ang pagsisinungaling mo.
Pinaglutuan ng kanin ang kaldero.
Ipinangguhit ng bata ang lapis niya.
Ikinuha niya ng inumin ang panauhin.

7. Ikinuha niya ng makakain ang maysakit.


8. Si Anthony ay nagsulat ng isang maikling
kwento.
9. Ipanghati mo ng keyk ang kutsilyo.
10.Pinuntahan ng mga pulis ang
pinagtataguan ng kriminal.

Niluto ni Carlo ang masarap na adobo.


Aktor: Nagluto si Carlo ng masarap na adobo.
Kosatib:Ikinatuwa ni Carlo ang pagtikim sa masarap
na adobo.
Instrumental: Ipinanluto ni Carlo ng masarap na
adobo ang sandok.
Benepaktib: Ipinagluto ni Carlo ng masarap na
adobo si Carla.
Direksyunal: Binigyan ni Carlo ng masarap na
adobo si Carla.

Kinuha ni Joe ang susi.

Aktor:
Kosatib:
Instrumental:
Benepaktib:
Direksyunal:

Sinulat ni Jose ang magandang tulang iyan.

Aktor:
Kosatib:
Instrumental:
Benepaktib:
Direksyunal:

Sinalok ni Maria ang tubig sa batis.

Aktor:
Kosatib:
Instrumental:
Benepaktib:
Direksyunal:

1. Uminom ng gamot ang pasyente. Aktor


2. Nagdala ng radyo si Trixie. Aktor
3. Ikinainis nila ang pagsisinungaling mo.
Kosatib
4. Pinaglutuan ng kanin ang kaldero. Lokatib
5. Ipinangguhit ng bata ang lapis niya.
Instrumental
6. Ikinuha niya ng inumin ang panauhin.
Benepaktib

7. Ikinuha niya ng makakain ang maysakit.


Benepaktib
8. Si Anthony ay nagsulat ng isang maikling
kwento. Aktor
9. Ipanghati mo ng keyk ang kutsilyo.
Instrumental
10.Pinuntahan ng mga pulis ang pinagtataguan
ng kriminal. Direksyunal

Kinuha ni Joe ang susi.


Aktor: Kumuha ng susi si Joe.
Kosatib: Ikinagalit ng ama ni Joe ang pagkuha ng
susi ng sasakyan.
Instrumental: Ipangkuha mo ng susi ang baston
na iyon.
Benepaktib: Ipinagkuha ni Joy ng susi si Joe.
Direksyunal: Binigyan ni Joy ng kopya ng susi si
Joe.

Sinulat ni Jose ang magandang tulang iyan.


Aktor: Sumulat si Jose ng isang magandang tula.
Kosatib: Ikinatuwa ni Jose ang pagkakasulat ng
magandang tula.
Instrumental: Ipinansulat ni Jose ang panulat na
bigay sa kanya ni Maria.
Benepaktib: Ipinagsulat ni Jose si Maria ng isang
tula.
Direksyunal: Binigyan ni Jose si Maria ng kopya ng
kanyang tula.

Sinalok ni Maria ang tubig sa batis.


Aktor: Sumalok ng tubig si Maria sa batis.
Kosatib: Ikinapagod ni Maria ang pagsasalok ng
tubig sa batis.
Instrumental: Ipinansalok ni Maria ng tubig ang
bagong timba.
Benepaktib: Ipinagsalok ni Maria ng tubig ang
kanyang ina.
Direksyunal: Pinuntahan ni Maria ang batis.

You might also like