Jah Cerna Banghay Aralin

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Tagapag-ulat: Jahariah P.

Cerna BSED FILIPINO-4th Year

Halimbawa Ng Banghay Aralin Sa Filipino

I. Mga Layunin

1. Natutukoy ang dalawang ayos ng pangungusap.

2.Nakalalahok sa talakayan at nakapagbibigay ng sariling halimbawa

hinggil sa tinalakay na paksa.

3. Naisasaisip at naisasaloob ang kahalagahan ng mga tinalakay.

II. Paksang aralin

A. Paksa: Ayos ng Pangungusap.

B. Sanggunian:(FILIPINO Pangwika, Ang Akademikong FILIPINO sa

Komunikasyon)

C. Kagamitan: Cartolina, marker.

III.Pamamaraan

Gawain ng guro Gawain ng estudyante

A. Paghahanda

a. Pagbati

(Magandangumaga sa lahat?) (Magandang umaga po Bb. Cerna)

(Okay magsiupo na ang lahat)

b. Pagtatala ng lumiban

(Magtatanong kung sino

ang wala sa nakatalagang

upuan.)
c. Pagbabalik aral

Noong nakaraang klase ano ang (Sasagot ang tinawag na mag-aaral)

ating tinalakay? Tinatalakay po natin noong nakaraang klase ay

(Tatawag ng mag-aaral) tungkol sa apat na kayarian ng pangungusap.

Tama. Ano- ano ang kayarian ng (Sasagot ang matatawag)

pangungusap? Ang apat na kayarian ng pangungusap ay ang

(Tatawag ulit) payak, tambalan, hugnayan at Langkapan.

Tama, ipaliwanag mo. (Sasagot ang matatawag)

(Tatawag ulit) Ang payak ay nagsasaad ng isang diwa at

nagtataglay ng iisang sugnay na nakapag-iisa.

Ang tambalan naman ay binubuo ng dalawa o higit

pang sugnay na makapag-iisa. Ang hugnayan ay

binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o

higit pang sugnay na di- makapag-iisa. At ang

panghuli ay ang langkapan na binubuo ng dalawa

o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa o higit

pang sugnay na di-makapag-iisa.

d.Pagganyak

Bago tayo dadako sa bago nating

talakayan maglalaro muna tayo

(Pipili ang guro ng dalawang

manlalaro)
(Mayroong mga salitang nakadikit sa (Tatayo ang dalawang mag-aral na napili upang

pisara at pabubuuhin ang dalawang maglaro)

estudyante ng pangungusap ayon sa

napili nilang salita.

B. Paglalahad (Presentation)

(Maglalagay ng mga salita sa pisara at (Babasahing sabay-sabay ng mga mag-aaral ang

sabay-sabay na babasahin ng mga mga salita sa pisara.)

mag-aaral.)

Anyo ng pangungusap.

1. karaniwang ayos

-Masipag maglaro ng basketbol si

kimsue.

2. di karaniwang ayos

- Si kimsue ay masipag maglaro ng

basketbol.

C. Paghahambing at

Paghahalaw

(Magtatanong)

Ano ang napansin niyo sa dalawang (Sasagot ang matatawag na estudyante.)

pangungusap na inyong binasa? Ano Ang unang pangungusap ay nauuna ang

ang kaibahan ng dalawang panaguri samantalang kabaliktaran ito ng

pangungusap? pangalawang pangungusap.

(Tatawag ng mag-aaral)
Magaling! Ano pa? Karagdagan? (Sasagot ang matatawag na estudyante.)

(Tatawag ulit) Ang unang pangungusap ay nasa Karaniwang

ayos samantalang ang pangalawang

Tama ang sinabi ng mga kaklase pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos.

ninyo

D. Paglalahat (Generalization) (Sasagot ang matatawag na estudyante)

(Magtatanong) Ang karaniwang ayos ay ang pangungusap na

Sa makatwid ano ang Karaniwang nauuna ang panaguri kaysa sa simuno.

ayos?

Tama

(Sasagot ang natawag na estudyante)

(Magtatanong muli) Ang pangungusap na nasa di-karaniwang ayos ay

Ano naman ang nasa di- karaniwang simuno ang nauuna at sinusundan ng panaguri.

ayos?

Napagaling! Tama ang sinabi ng

inyong kaklase.

opo

Naintindihan na ba ninyo ang ayos ng (sabay-sabay)

pangungusap?

(Magtataas ng kamay ang mga estudyante at

Sige nga magbigay kayo ng mga sasagot ang mga mapipili.

halimbawa ng pangungusap na nasa

karaniwang ayos at nasa di-


karaniwang ayos.

IV. Pagtataya

Dahil naintindihan naman ninyo ang itinalakay, magkakaroon tayo ng group activity

ngayong umaga. Papangkatin natin sa dalawang grupo ang klase.

(Magbibigay ng panuto ang guro sa bawat pangkat.)

V. Takdang-aralin

Alamin ang uri, kayarian, kailanan,kasarian, kaukulan, katuturan, kalikasan at gamit

ng Pangngalan at ibigay ang kahulugan nito.

Paalam sa Lahat.

You might also like