Sanhi at Bunga

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO IV

I. Layunin:

Naibibigay ang angkop na bunga sa inilahad na sanhi.


Naibibigay ang angkop na sanhi sa inilahad na bunga.

Pagpapahalaga: Pagtitimbang ng mga bagaybagay bago gumawa ng isang desisyon.

II. Paksang Aralin:

Pagbibigay ng angkop na Sanhi/Bunga

Sanggunian: BEC-PELC Pagbasa 8

Hiyas sa Pagbasa IV

Kagamitan: Larawan

III.Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:

1. Hanapin ang mga salitang inilalarawan sa ibaba mula sa pangkat ng mga titik na
nasa kahan. Ang mga ito'y maaaring nakapahalang, dayagonal, pababa a kaya'y
pataas.

1. nangyari sa mababang lugar matapos ang malakas na ulan


2. mayroon nito ang isang tao bago magkaroon ng kita
3. gagawin muna ng magsasaka bago magkaroon ng ani
4. makikita matapos magtambak ng basura
5. mararamdaman pagkatapos ng maraming trabaho
6. resulta ng pag-aaral
7. gagawin ng tao bago tumawid
8. kadalasang ginagawa ng isang tao bago matulog
9. ginagawa natin ito bago kainin ang isang bagay
10. nararamdaman ng tao pagkatapos kumain.

2. Pagganyak
Dugtungan ang mga sumusunod na kasabihan:
a. Kung may tiyaga may ______.
b. Kung di uukol di _____.
c. Kung anong itanim siyang ______.
d. Kung anong puno siyang _______.
B. Paglalahad at Pagtalakay:

1. Pagbasa sa teksto p. 32-36 ng "Pilipinas: Perlas ng Silanganan.


Itanong:
a. Bakit tayo nakararanas ng araw at gabi?
b. Paano nakaaapekto ang pagkahilig ng mundo sa anggulong 23 at ang pag-ikot
nito sa araw sa klima ng mundo?
c. Bakit iba-iba ang tindi ng init na natatanggap ng mundo mula sa araw?
d. Bakit laging maiinit sa mga lugar na nasa ekwador?

C. Paglalahat:

a. Ano ang tawag natin sa mga pangungusap na nagsaad ng dahilan ng isang bagay?
b. Epekto/resulta ng isang bagay?
c. Paano tayo makapagbibigay ng angkop na sanhi sa inilahad na bunga o vice-versa?

D. Pagsasanay:

A. Magbigay ng angkop na bunga para sa sumusunod:


1. Maghapong naglaro ng basketball si Roy kaya ________.
2. Walang tigil ang pagputol ng mga puno kaya _________.
3. Hindi nakapag-aral si Carlos ng kanyang aralin kaya ________.
B. Magbigay ng angkop na sanhi para sa sumusunod:
1. Nabasag ni Romina ang plorera sa sala dahil ________.
2. Maraming nagkasakit dahil _________.
3. Lumalaki ang polusyon sa hangin dahil ________.

IV. Pagtataya

A. Bilugan ang titik na kumakatawan sa angkop na bunga para sa inilahad na sanhi.


1. Hindi naging maingat sa pagmamaneho si Mang Fidel kaya ________.
a. nakarating sila ng maayos sa pupuntahan
b. nasisira ang sasakyan
c. naaksidente sila
d. naantala ang kanilang pagbibiyahe
2. Madalas magpuyat si Roy kaya ___.
a. lagi siyang huli sa klase
b. maaga siyang magising
c. masigla siyang bumabangon
d. mabilis siyang nakasusunod sa aralin

V. Takdang-Aralin

Sumulat ng maikling kwento na ginagamitan ng ugnayang sanhi at bunga.

You might also like