Modyul 4 Filipino 6 Dingayan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:

Aspekto ng Pandiwa
Filipino – Ikaanim na Baitang
Unang Markahan – Modyul 4: Aspekto ng Pandiwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cresencio P. Dingayan Jr.
Editor: Name (These are the in-house editors/reviewers)
Tagasuri: Marlyn A. Publico
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero SDS
Janette G. Veloso CID Chief
Analiza C. Almazan LRMS Manager
Ma. Cielo D. Estrada CID ADM Focal Person
CLMD EPS (Learning Area) CID EPS (Learning Area)

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Name of SDO Developer

Office Address: ___________________________


Telefax: ___________________________
E-mail Address: ___________________________
6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:

Aspekto ng Pandiwa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga
inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Naranasan mo na bang nagmamadali? Ano ang ginawa mo
kahapon?ang gagawin mo ngayon? at gawin bukas?
Sa araling ito, masasagot mo matutunan mo ang mga bagay kung
kailan mo gagawin ang mga kilos. Mga pangyayari sa kuwento na
nakabasi saiyong sariling karanasan.

Pagkatapos ng ating araling ito inaasahan kong:

1. Nagagamit nang wasto ang aspekto ng pandiwa sa pakikipag-usap sa


iba’t ibang sitwasyon.
2. Nakasusulat ng mga pangungusap gamit ang ibat’ ibang aspekto ng
pandiwa.

Subukin Natin
Basahin at unawaing mabuti ang isang talambuhay. Sagutin ang
sumusunod na katanungan.

Ang Dakilang Iskultor

MARISSA : Nakita mo ba ang bantayog ni Andres Bonifacio sa Lungsod ng


Caloocan?
AURORA: Hindi pa.
MARISSA: Alam mo ba kung sino ang gumawa ng bantayog na iyan?
AURORA: Hindi. Sino nga ba?
MARISSA: Siya si Guillermo Tolentino, ang kilalang “Prinsipe ng mga
Manlililok na Pilipino.”
AURORA: Bakit siya tinawag na “Prinsipe ng mga Manlililok na Pilipino?”
MARISSA: Ganito iyon. Bata pa man siya, mahusay na siyang lumilok.
Pinangarap niyang makapag-aral sa Amerika at natupad ang kaniyang
pangarap. Dahil sa kaniyang kasipagan at kahusayan sa sining,
inirekomenda siya ng Pangulong Wilson sa isang milyonaryong Amerikano,
si Bernard Baruch na siyang tumustos sa kaniyang pag-aaral sa Beaux Arts
Institute. Pagkatapos niyang makapag-aral sa Estados Unidos, bumalik
siya sa Pilipinas at nagtayo siya ng studio. Dito niya pinasimulan ang
kaniyang mga malikhaing gawa sa sining na nagbigay sa kaniya ng
katawagang “Prinsipe ng mga Manlililok na Pilipino.”
AURORA: Napakahusay palang lumilok ni Guillermo Tolentino.
MARISSA: Bukod sa monumento ni Bonifacio sa Caloocan at sa Liwasang
Bonifacio, bungang isip din ni Tolentino ang Oblation sa Pamantasan ng

1
Pilipinas. Naigawa rin niya ng busto sina Quezon, Laurel, Roxas, at
Magsaysay.

Sagutin ang mga katanungan:

1. Sino ang tinaguriang “Prinsipe ng Manlililok na Pilipino?


2. Papaano nakapag-aral sa Estados Unidos si Guillermo Tolentino?
3. Bakit siya tinawag na “Prinsipe ng mga Manlililok na Pilipino?
4. Nang nasa Estados Unidos na si Guillermo Tolentino, paano siya
nakapag-aral sa Beaux Arts Institute?
5. Pagkatapos niyang makapag-aral sa Estados Unidos, ano ang ginawa
niya?

Aralin Natin
Halina’t pag-aralan natin ang mga pahayag. Sasagutin natin ang
mga katanungan dito.

a. Inirekomenda siya ng Pangulong Wilson sa isang milyonaryong


Amerikano, si Bernard Baruch na siyang tumustos sa kaniyang pag-
aaral sa Beaux Arts Institute.

b. Bumalik siya sa Pilipinas at nagtayo siya ng studio pagkatapos niyang


makapag-aral sa Estados Unidos.

c. Pumunta siya sa ibayong dagat upang lumanghap ng malamig na


simoy ng hangin.

d. Tumatakbo siya bilang pangulo ng Pilipinas.

e. Iinom siya ng maligamgam na tubig mamaya.

Sagutin ang mga katanungan:


1. Ano-ano ang mga salitang nasalungguhitan?
2. Ano ang isinasaad unang nasalungguhitang salita?
3. Kailan naganap ang kilos sa pangalawang pahayag?
4. Kailan gagawin ang kilos sa ikaapat na pahayag?Ikalimang pahayag?

Ang mga ito ay nagsasaad ng aspekto o panahunan ng pandiwa.


Nagbabago ang anyo ng pandiwa ayon sa aspekto nito. May mga
tuntuning dapat sundin sa pagbabago ng anyo ng pandiwa.

2
Gawin Natin
Salungguhitan ang mga pandiwang ginamit sa sanaysay. Isulat ang
aspekto o panahunan ng pandiwa sa sagutang papel
Halimbawa: nagbigay-naganap
Ang kasaysayan ng bansa ay hindi kailanman mawawaglit sa alaala.
Isa si Mechora Aquino sa nagbigay kaganapan sa isang kasaysayan. Si
Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang Tandang Sora.. Matanda na siya
noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio.
Kinupkop niya ang mga Katipunero. Binigyan niya ng pagkain at tirahan
ang mga ito. Inalagaan niya ang mga may sakit at sugatan. Lahat ng
dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang
pinagyayaman, bata man o matanda, babae man o lalaki. Nalaman ng mga
Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, kaya’t siya ay hinuli at ipinatapon
sa pulo ng Marianas. Bumalik lamang siya nang ang Pilipinas ay nasa
pamamamhala na ng mga Amerikano. Isa siyang matapang na Pilipino.
Binabasa ng mga Pilipino ang talambuhay niya at patuloy na babasahin.
Babalikan ang isang panahong makasaysayan ng bawat salinlahi.

Sanayin Natin

Punan ng wastong pandiwa ang patlang sa talataan. Isaalang-alang


ang iba’t ibang aspekto ng mga pandiwa ayon sa pagkakaganap ng kilos na
isinasaad sa bawat pangungusap.

Bago pa man (dating) __________ ang mga Español sa bansa, ang ating mga
ninuno ay may sariling wikang (gamit) __________. (Sabi) __________ na ang
Tagalog ang may pinakamayamang katangian sapagkat nagtataglay ito ng
katangian ng ibang wika sa daigdig. Kabilang na ang Latin at Kastila.
(Lagay) __________na ito ang dahilan kung bakit (pili) _________ batayan ng
Wikang Pambansang Tagalog. (Sikap) ___________ ng pamahalaan na (ganap)
__________ ang pambansang wika. (Gamit) __________ ito sa iba’ ibang
Sangay. Patuloy itong (turo) ___________ sa mga paaralan upang lalo itong
mapagyaman.

Tandaan Natin

3
• Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw.
• Ang pagbabago ng anyo ng pandiwa ay nasa kanyang panahon kung
kailan ito naganap, nagaganap o magaganap.

1. Naganap o pangnagdaan – natapos na o nagawa na ang kilos.
Halimbawa:
1. Binaril si Rizal sa Bagumbayan.
2. Sinulat sa damdaming makabayan ang tula.

2. Nagaganap o pangkasalukuyan – kasalukuyang ginagawa ang kilos.


Halimbawa:
1. Binabasa ang Noli at Fili ng mga Filipino.
2. Sinusulat ang kasaysayan ng bawat bayani.

3. Magaganap o panghinaharap – gagawin pa lamang ang kilos.


Halimbawa:
1. Babasahin pa ang mga aklat ni Rizal.
2. Isusulit ang bawat kasaysayan.

• Ang salitang-ugat at panlapi kapag pinagsama ay makakabuo bg


pawatas. Ang pawata ay binabanghay sa tatlong aspekto ng pandiwa.

Halimbawa:
panlapi + salitang-ugat = pawatas

um + ulan = umulan

hin + basa = basahin

i + sulat = isulat

Pawatas umulan
Naganap umulan
Nagaganap umuulan
Magaganap uulan

Suriin Natin

4
Gumawa ng dalawang hanay sa sagutang papel: Hanay A at Hanay B. Isulat
sa hanay A ang wastong pandiwang dapat sa patlang at sa hanay B ang
aspekto ng pandiwang dapat sa patlang at sa hanay B ang aspekto nito.
1. (Gawa) __________ ng ating malikhaing Ifugao ang Hagdan-hagdang
palayan sa Banaue.
2. (Tibay) __________ nila ang gilid ng bundok.
3. (Patag) __________ nila ito upang magawang pinitak na taniman ng palay.
4. Ilang daang taon ang pinuhunan ng masisipag nating mga ninuno
bago (tapos) _________ ang palayan sa kabundukan.
5. Isa na ito sa kahanga-hangang tanawin sa mundo na (dayo) ___________
ng mga turista.

Payabungin Natin
Gamitin ang pandiwa sa pagsulat ng pangungusap sa mga
sitwasyong ibinigay.

1. Nagmamaneho ng dyip si Mang Ambo sa kahabaan ng highway.


_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Nag-araro si Delfin sa bukid kasama ang kalabaw. Napakainit ng


araw.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Nagbibiruan ang magkakaibigan. Maraming tao ang tumingin sa


kanila.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Nagtitinda ng gulay si Aling Rosa. Marami siyang binta dahil sa


kanyang kabaitan.
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. Nag-aaral ng mabuti si Alven upang siya ay makatapos.


_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pagnilayan Natin

5
Ang gawang sining ang nagbibigay ng inspirasyon sa mga batang
nais matuto nito. Kailangang paghandaang mabuti ang
kinabukasan upang maging matagumpay sa buhay. Ang
pagkakaroon ng talento sa pag-arte at paglilok ay isang espesyal
na nilalang sa mundo. Sumunod sa mga payo ng nakatatanda
upang ang buhay ay maginhawa.

Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin
1. Guillermo Tolentino Gawin Natin

2. Dahil sa kaniyang 1.mawawaglit-


kasipagan at nagaganap
6
kahusayan sa sining 3. 2. sumiklab-
Nang pinasimulan naganap
ang kaniyang mga
3. kinupkop-
Aralin Natin

1. pandiwa

2. tapos na ang
kilos Sanayin Natin
3. Tapos na ang 1.dumating
kilos
2. ginagamit
4. ginagawa
ngayon 3. sinasabi

Gagawin pa 4. ipinapalagay
lamang 5. sinikap

6. gagamitin

7. ituturo

Suriin Natin

1.ginawa-
naganap Payabungin Natin

2. pinatitibay- 1.Magkaiba ang


nagaganap sagot ng mga mag-
aaral. Iwawasto ito
3. pinatag- ng guro.
naganap

4. natapos-
naganap

5. dinadayo-
nagaganap

7
Sanggunian

K to 12 Most Essential Learning Competencies. Filipino 6;


Muligrade BOW p.19. Filipino 456

8
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: [email protected]

You might also like