Lesson Plan Final222

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

July 25, 2019

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Surigao del Sur
San Agustin II District
Sto. Nino Central Elem. School

Masusing Banghay Aralin sa Filipino V

I.Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang;
1. Natutukoy ang limang bahagi ng liham pangkaibigan,
2. Nakasusulat ng liham pangkaibigan, at
3. Nakakasunod sa 2-3 hakbang na panuto.
II. Paksang Aralin:
Pagsulat ng liham pangkaibigan.
Pagsunod sa 2-3 hakbang na panuto.
III. Kagamitan:
Tsart, manila paper, pentelpen, meta strips
Sanggunian:
1. K to 12 Curriculum Guide sa Filipino 5
2. Alab Filipino 5 pahina 59-61
IV. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Pangkatin ang mga bata. Ibigay
ang kahulugan ng pamilyar at di
pamilyar na mga salita sa
pamamagitan ng isang contest.
Ang grupong unang makakasagot
ay siyang magkakaroon ng isang
puntos.
(Ipabasa ang salitang nakasulat
sa flashcards at hayaan ang mga
bata na bigyan ito ng kahulugan)
Mga salita:
1. Sakuna gulo
trahedya
disgrasya
2. Iguhit sa tubig
kalimutan
B. Mga Pamantayan sa
Pagsagawa
1. Makinig sa guro
2. Huwag maingay
3. Itaas ang kanang kamay
kapag sasagot sa tanong
4. Susunod nang maayos sa
panuto at
5. Maging aktibo sa klase
C. Balik-aral
Ano ang ating leksyon kahapon? Ang ating leksyon kahapon ay
tungkol sa mga pamilyar at di
pamilyar na mga salita.

Tungkol sa mga panghalip na


panao

Ano ang panhalip na panao? Ang panghalip na panao ay


panghalili sa pangalan ng tao.

D. Pagganyak:
Nakatanggap na ba kayo ng isang Opo
liham?

Sige nga kanino ito galling? Mga liham galing sa aking


kaibigan
Liham galing sa aking tita sa US
Liham galing sa aking papa

Saan ito galing? Galing Maynila


Galing Bicol
Ang liham na natanggap ko ay
Pwede ba ilarawan ito?
tungkol sa mga pangyayari sa
cebu galing sa tita ko.
Ang liham pangkaibigan ay may
ibat ibang bahagi

Masama po bumasa ng liham na


Sa iyong palagay mabuti ba o
hindi sa iyo
masama na basahin ang liham na
di mo pag-aari?

E. Paglalahad
Ipaskil sa pisara ang isang
halimbawa ng liham. Babasahin (Nagbabasa ang mga mag-aaral)
ito ng guro habang nagbabasa
nang tahimik ang mga bata.

F. Pagtatalakay:
Tungkol saan ang liham? Tungkol sa kaibigan

Sinu ang nagpadala ng liham? Ang liham ay pinadala ni Arnie

Para kanino ang liham? Ang liham ay para kay Lera

Ngayon nalaman na ninyo na ang


halimbawa na nasa pisara ay Ang liham pangkaibigan ay karaniwang
isang liham pangkaibigan. Anu ba ginamit ng mga mag-aaral
ang liham pangkaibigan?

Ito ay ginagamit upang magkamustahan


ang isa’t isa.

Ito ay may banghay


Tama. Anu-ano ang mga bahagi
nito? May katawan at pagbati
May petsa at lugar.
(Ipapabasa ng guro ang tsart
tungkol sa mga bahagi ng liham at
tatalakayin ito.)
Pamuhatan
Anu ang tawag sa unang bahagi
ng liham na binasa natin?
Ito ay nagsasaad ng tirahan ng
Tama, anu nga ba ang sumulat at petsa kung kalian
pamuhatan? isinulat ang liham. Matatagpuan
ito sa itaas ng kanang bahagi ng
sulatang papel.
Nakasulat kung saan galing ang
liham.

Sabaysabay basahin ang bahagi


ng liham na nag nagsasaad ng (Binasa ng mga mag-aaral ang
pamuhatan. pamuhatan)

Magaling!

Anu ang tawag sa unang pagbati Ito ay ang tinatawag na bating


ng may akda ng sulat? panimula

Anu naman ang tawag sa bahagi Ito ay ang katawan ng liham


ng liham na naglalahad ng layunin nakasaad dito ang pakay ng
ng may akda? nagsusulat ng liham

Anu naman ang tawag sa pagbati Ito ay ang bating pangwakas


na pangwakas?

Kailangan ba na may lagda ang


isang liham? Oo para masabi ng nakatanggap
na lihitemo o balido ang liham at
kung saan nanggaling ang liham

Pangkatang Gawain:

Sundin ang sumusunod na


panuto:May 5 minuto lamang
upang gawin ang mga gawain. (Abala sa paggawa ng aktibiti)
Pangkat I- Gumawa ng
pamuhatan. Ilagay dito ang
tirahan at petsa ngayong araw.
Pangkat II- Magbigay ng (Abala sa paggawa ng aktibiti)
halimbawang bating panimula.
Lagyan ito ng tamang bantas.

Pangkat III- Bumuo ng dalawang


pangungusap tungkol sa mga (Abala sa paggawa ng aktibiti)
bagay na ginagawa sa probinsya
para sa katawan ng liham.

Pangkat IV- Sumulat ng isang


halimbawa ng bating pangwakas. (Abala sa paggawa ng aktibiti)

Pangkat V- Gumawa ng lagda


para sa liham pangkaibigan
(Abala sa paggawa ng aktibiti)
(Ipapaskil ng mga mag-aaral sa
pisara at iwawasto ng guro.)

G. Paglalahat:

Paano ang wastong pagsunod sa Dapat sundin ang panuto.


2-3 hakbang na panuto? Dapat making sa mga sinasabi ng
guro.

Anu ang liham pangkaibigan? Ito ay pinaka gamit na uri na liham


para sa mga mag-aaral

Anu-ano ang bahagi ng liham Ang mga bahagi ng liham ay


pangkaibigan pamuhatan, bating panimula,
katawan, bating pangwakas, at
lagda.

H. Paglalapat: (abala ang mga mag-aaral sa


Pagtambalin ang mga halimbawa ginagawang aktibiti at ipapaaskil
ng parte ng liham sa wastong nila ito sa pisara.)
tawag o bahagi nito.
IV.Pagtataya:
Isulat sa tamang balangkas ang mga bahagi ng liham upang makabuo ng liham
pangkaibigan. (Magbibigay ang guro ng mga bahagi ng liham pangkaibigan at
ibabalangkas ito ng mga mag-aaral upang makabuo ng isang liham. Sila ay bibigyan ng
5 minuto upang gawin ito.)
V. Takdang Aralin:
Sumulat ng isang liham pangkaibigan na naglalarawan ng iyong nagawa sa paaralan.
Ipasa to bukas.

Prepared by:

NILDA C. RONQUILLO
Teacher III

Checked/ Observed by:

MARILOU E. GARCIA
Master Teacher I

You might also like