Panunuring Pampanitikan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panunuring Pampanitikan

I. Pamagat:
II. May-Akda: ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may akda kundi
sa mga bagay na nag-uudyok sa kanya upang likhain ang isang akda.
III. Buod: Sariling Buod
IV. Pagsusuri:
A. Uri ng Pantikan: (Maikling Kwento, Nobela, etc)
B. Kahulugan ng Pamagat:
C. Mga Tauhan:
Mga Tauhan Mga Katangian Pag-uugnay sa kasalukuyan

D. Tagpuan at Panahon: binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang


kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng
kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa
lipunan.
E. Tunggalian: Anong tunggalian at
F. Tema o Paksa: ito ba ay makabuluhan, napapanahaon , mag-aangat o tutugon sa
sensirilidad ng mambabasa?
G. Istilo ng pagkakasulat ng akda- Epektibo ba ang paraan ng pagkakagamit ng mga
salita? Angkop ba ang antas ng pang-unawa ng mga mambabasa sa pagkabuo ng
akda? May bayas ba kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining
ba ang pagkakagawa ng akda? Ito baâ y may kahalagang tutugon sa panlasa ng
mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?
H. Kultura, tradisyon, ay paniniwala: ano-ano ang mga kultura, tradisyon, paniniwala ang
ipinakita sa akda na makikita sa bansang pinagmulan nito.
V. Bisang pampanitikan
A. Bisang Pandamdamin
-tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin
matapos mabasa ang akda.
-Sinasabing ang bisang ito ang siyang pinakamahalagang katangian ng isang
akdang pampanitikanm Ginigising ng isang akda ang damdamin ng mambabasa
kung ang damdamin din ng mga tauhan o ng may-akda ay malinaw na
naipahahayag sa mga pandamdam, sa guniguni at sa puso ng mambabasa.
B. Bisang Pangkaisipan
-may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa
mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.
-ito ang unang dapat taglayin ng isang akda. Katangian itong taglay na
nagbubunsod sa mambabasa na mag-isip upang yumaman at umunlad ang
kanyang diwa o isipan.
C. Bisang Kaasalan
-tungkol naman ito sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa natutunan sa mga
pangyayaring naganap sa binasa.
-Ang akda ay hindi lamang nilikha upang magbigay ng dunong sa mambabasa.
Nilikha rin ito upang magbigay-aral at humubog ng katauhan.
D. Bisang Panlipunan
-ito ay tumutukoy sa ano ang maaaring maitulong o mabago ng akda sa lipunang
ginagalawan ng mga tao.

You might also like