Bambam
Bambam
Bambam
INTRODUKSYON
Bilang mga tao, nagbiyaya ang Panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap.
Maramingtanong saisipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at
desisyon ngsarili. Sa paaralan,tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng
wikangpambansa. Ang isang bansa namay sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa.
Ang wika ayisang paraan ng komunikasyon.Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao.
Iba't-ibang wika sabawat lugar, komunidad, at bansa.Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad
ng Wikang Filipino. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino
pero bakit angibangPilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at
mahal raw ngmgamamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di
magawa dahil samgamasasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga
banyaga tungkol saPilipinona dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga
Pilipino ang WikangPambansaay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta. Maraming
iba't-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag dingvarayti ngwika.
Sabi ng marami na ang Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipinodahil
angWikang Ingles ang pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan
manmagpunta sa buong mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi
sakahalagahan ng atingWikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang
Pilipino,makakaya ring mapaunlad angsariling bansa kahit ang sariling wika lamang ang ating
gamitin. Sabi panga ng bayaning Pilipino na si Dr.Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa
sariling wika ay higitpa sa malansang isda." Kaya pahalagahan ito at mahalin ng buong puso,
hindi lamang sa salita kundisa gawa. Mahalaga talaga angwikang filipino sa kasalukuyan dahil
nagpapatunay ito na mayroongsariling wikang maipagmamalaki angmga Pilipino. Malinaw na ang
wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating angmganasasaloob na
ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usapsa kapwakundi
ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’tibang opinyon
at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayarinatumutukoy
sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa. Ang wika ay hindi
lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan parasapagpapahayag ng
mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ngkanyangmga katangian
ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidadobansa. Ang wika
ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunangpagkakakilanlan. Sa
maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatiliang mgadamdamin ng kultura, sining at
pagkabansa ng isang bayan. Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan ng pagsusulat o
pagsasalita, ang wika angpinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili
sa madaling hakbang angkasaysayan at mga talang mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong
pagkakataon, malalaman ng mgakasalukuyang mamamayan angmga hakbangin na ginawa
noong unang panahon upang maipatuloyito sa mabuting paraan at maiwasanang mga hindi
magagandang pangyayari noon. Ito angmagsisilbing lakas upang maisakatuparan ang
mganaudlot na pangarap noong simula pa.