Safari - 18 Aug 2019 at 1:27 PM

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Wikang Filipino s… hanap

MAR
Kahalagahan ng Wikang Filipino sa
18 Edukasyon

Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon

Isang
Papel na Pananaliksik sa Filipino 2
Misamis University
Ozamiz City

Ipinasa nila:
Apao, Gavino
Callenero, Angel Faith
Catubig, Diover
Engracia, Althea Midge
Fey, Rosefel
Fuertes, Chennie
Larano, Calvin Jan
Sumatra, Kharra
Yap, Mark Cyprian

Filipino 2
TTH: 10:15 – 11:40
E-203

INTRODUKSYON

Bilang mga tao, nagbiyaya ang

Panginoon ng isipan upang gamitin at

ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng

isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa

bawat galaw, kilos, at desisyon ng sarili. Sa

paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga

bagay-bagay katulad nalang ng wikang

pambansa. Ang isang bansa na may sariling

wika ay nangangahulugang malayang bansa.

Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon.

Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng

tao. Iba't-ibang wika sa bawat lugar,

komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng

isang bansa katulad ng Wikang Filipino.

Ang isang tao na gumagamit ng

Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino

pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya

ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing

mahalaga at mahal raw ng mga mamamayan

ang sariling wika ngunit kahit gamitin man

lamang ito ay di magawa dahil sa mga

masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo

sa isipan ng ibang tao o mga banyaga

tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang

sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga

Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin

ito kahit kailan at saan man magpunta.

Maraming iba't-ibang wika dahil sa

archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o

tinatawag ding varayti ng wika. Sabi ng

marami na ang Wikang Ingles ang mas

mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil

ang Wikang Ingles ang pangunahing

linggwahe na mas ginagamit ng karamihan

kahit saan man magpunta sa buong mundo.

Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong

mas nakakaintindi sa kahalagahan ng ating

Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa

katauhan bilang isang Pilipino, makakaya ring

mapaunlad ang sariling bansa kahit ang

sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi

pa nga ng bayaning Pilipino na si Dr. Jose

Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa

sariling wika ay higit pa sa malansang isda."

Kaya pahalagahan ito at mahalin ng buong

puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

Mahalaga talaga ang wikang filipino sa

kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na

mayroong sariling wikang maipagmamalaki

ang mga Pilipino.

Malinaw na ang wika ay isang

mahalagang kasangkapan na ginagamit

upang maiparating ang mga nasasaloob na

ideya at damdamin ng isang tao. Hindi

lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa

kapwa kundi ginagamit din ito upang

makipagkaibigan, makipagtalakayan at

maibahagi ang iba’t ibang opinyon at

kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming

mga bagay, sitwasyon at pangyayari na

tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga

tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.

Ang wika ay hindi lamang

kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi

lamang isang paraan para sa pagpapahayag

ng mga sariling saloobin, opinyon, mga

personal na obserbasyon at halaga ng

kanyang mga katangian ay isang sisidlan na

siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng

isang komunidad o bansa. Ang wika ay

kumakatawan din sa pangunahing

pagpaparating sa iba ng panlipunang

pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika

ay tumutulong na mapanatili ang mga

damdamin ng kultura, sining at pagkabansa

ng isang bayan.

Kahit na sa anumang anyo, sa

pamamagitan ng pagsusulat o pagsasalita,

ang wika ang pinakamabisang paraan upang

maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa

madaling hakbang ang kasaysayan at mga

tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong

pagkakataon, malalaman ng mga

kasalukuyang mamamayan ang mga

hakbangin na ginawa noong unang panahon

upang maipatuloy ito sa mabuting paraan at

maiwasan ang mga hindi magagandang

pangyayari noon. Ito ang magsisilbing lakas

upang maisakatuparan ang mga naudlot na

pangarap noong simula pa.

Sa paglipas ng panahon,

mapatutunayan na ang wika ang siyang

pinakamahalagang sandata upang

maiparating ng isang bansa sa kanyang mga

mamamayan ang mga pangyayari,

kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito.

Gayundin naman na ang wika ang siyang

sentro ng mga mamamayan upang maibuhos

sa kanilang pamahalaan ang kanilang mga

hinaing.

Maipadarama ng isang tao sa

pamamagitan ng sariling wika ang laman ng

damdamin, ang lalim ng pagkatao, ang

katangian ng ginagalawang kapaligiran, ang

lawak ng kultura at sining, ang kabihasaan sa

anumang larangan at ang katotohanan ng

pag-iral. Sa kabuuan, ang wika ang

nagsisilbing kaparaanan upang maging isang

ganap na tao ang isang tao at maging isang

ganap na bansa ang isang bansa.

Sa araw-araw na gawain ng tao,

lumilitaw ang pakikipagtalastasan o

pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.

Halimbawa, sa loob ng klasrum ang

pagpapaliwanag ng guro ng mga leksyun

habang nakikinig ang mga estudyante at

pagkatapos ay magkaroon ng interaksyon

batay sa paksa na kung saan ang guro ay

magtatanong at ang mag-aaral ay sasagot.

Ito’y isang pakikipagtalastasan. Gayundin

naman sa lansangan o sa palengke, ang

transaksyon na nagaganap sa mga mamimili

o sa mga nagtatanong upang magkaroon ng

ugnayan, ito ay isang paraan ng

pakikipagtalastasan. Sa tanggapan o sa

opisina ng mga empleyado at kung may mga

kliyente silang kakausapin, ito ay isang

pakikipagtalastasan. Ito ang nagpapatunay na

ang pakikipagtalastasan ay isang gawaing

pang-araw-araw.
Ang mabisang pakikipagtalastasan ay

maaring makapagpabago ng isang paninindigan o

kilos at maari ring makahikayat ng paninindigan

gaya ng mga kandidatong nagbibitiw ng mga

magagandang pangako upang makuha ang panig ng

mga tagatanggap ng mensahe. Ito rin ay

nakakatulong sa pagbuo, pag-unlad, pagbabago at

paglikha ng maayos at mataas na antas ng ugnayan

ng isipan, damdamin at saloobin. Ito ay sining ng

pagpapahayag na may kaugnayan sa pagiging

malikhain sa paggamit ng wika na may kaayusan at

kawastuhan at paglinang sa mga kasanayang

pakikinig, pagsulat, pagbasa at pagsasalita. Lahat

ng mga ito, samakatuwid ay nagpapatunay na ang

mabisang pakikipagtalastasan ay proseso ng

paghatid ng kaalaman, ideya o mensahe kung saan

ang tagapakinig ay lubos na nakauunawa sa

kahulugang nais ipahatid ng lubos na nakauunawa

sa kahulugan ng nais ipahatid ng

nakikipagtalastasan.

Ang pagsalita ay ginagawa upang

maipahayag ang mga ideya at kaisipan sa kapwa sa

ibat-ibang kadahilanan, maaaring nagsasalita o

nagsusulat upang maiparating ang mahalagang

impormasyon at mensaheng nais nating ibahagi

upang hindi magsisi ang mga tagapagpahayag kung

sakaling hindi natin naiparating gamit ang nag-

iisang wikang pambansa ang wikang Filipino na

siyang sumasalamin sa pagiging isang tunay na

Pilipino.

1.2 Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa

kahalagahan ng wikang Filipino sa Edukasyon.

Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga

sumusunod na katanungan:

1.2.1 Gaano kahalaga ang wikang Filipino

para sa mga mag-aaral?

1.2.2 Paano kinukumpara ang wikang Filipino

sa wikang banyaga?

1.2.3 Para sa ating mga Filipino aling wika

ang mas kailangan nating hasain, ang wikang

Filipno na siyang ating sariling wika o ang wikang

banyaga na kung saan mas nirerequire na ngayong

gamitin?

TSAPTER II

PRESENTASYON, ANALYSIS, AT INTERPRETASYON

2.1 Kahalagahan ng Wika Para sa Mga Mag-aaral

Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga

mag-aaral ay ito ay isang mahalagang salik ang wika

sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at

angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang

gumagamit nito ng kakayahang kumuha at

makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini at

nararamdaman.

Sa bawat aspekto ng pag-iral ng tao ay

ginagamitan ito ng wika kapag nagpapalitan ng mga

sikreto sa pagitan ng malalapit na kaibigan, kapag

sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang

term paper, sa mga oras ng review para sa eksamen,

lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang

epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid

ng mga ideya sa ibang tao. Ngunit gaya nga ng

nabanggit kanina, kailangang hasain ang wika sa

isang kaukulang lebel upang magamit ito nang

maayos. Kaya naman may mga kurso tayo sa

grammar o balarila, at sa literature o panitikan. Sa

pamamagitan ng mga kursong ito, lumalawak ang

pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit

ng iba't ibang mga salita upang makamit nila ang

kanilang mga nais gawin. May matibay na relasyon

ang pagbabasa at pagsusulat, sapagkat hindi

maaaring umiral ang isa kung wala ang isa pa.

Habang umuunlad ang ating kakayahan sa

pagbabasa ay inaasahang umuunlad din ang ating

kakayahan sa pagsusulat. Ginagamit rin ang wikang

Filipino upang mas lalo pang nagbubuklod buklod

ang bawat isa sa ating bansa.

2.2 Pagkukumpara ng Wikang Filipino sa Wikang

Ingles

Sa kabila nito, hindi pa rin ito sapat upang

masabing intelektwalisado ang wikang Filipino kung

ikukumpara sa ibang wika tulad ng wikang ingles.

Kinakailangang pag-aralan nang mabuti ang

proseso ng intelektuwalisasyon bago pa man ito

isagawa. Kailangan ding maintindihan ng mga tao

na ang ating wika ay hindi unibersal tulad ng wikang

Ingles. Maisalin man natin ang lahat ng salita sa

Filipino, hindi pa rin ito magiging dahilan upang

gamitin ng lahat, lalo pa’t pag-aralan ng ibang tao

mula sa ibang bansa. Hindi nito masisiguro na ito’y

gagamitin sa pang-araw-araw na buhay. Bukod pa

rito, hindi rin ito magiging madaling proseso kung

ito’y ituturo sa mga mamamayan. Sa kabilang

banda, dapat din ay bigyang pansin at pagkakataon

ang mga nais magtaguyod ng pag-intelektuwalisa

ng wikang Filipino. Mataas ang respeto sa kanila

dahil bagama’t mahirap ang kanilang mga nais

mangyari ay hindi ito nagiging hadlang upang

silay’y magpatuloy. Kung mabibigyan sila ng

pagkakataon ay marahil maintindihan din kung bakit

hindi kinakailangang iintelektuwalisa ang wikang

Filipino sa bawat larangan. Bukod sa hindi magiging

simple ay hindi rin ito ang tanging paraan upang

itaguyod ang sariling wika. Ang intelektuwalisasyon

ng Filipino ay hindi imposible, ngunit sa ating

panahon ngayon, hindi rin ito lubusang magagamit.

Bukod pa rito ay hindi na rin mapapalitan ang

katotohanang Ingles pa rin ang unibersal na wika.

2.3 Wika na Mas Kailangang Hasain

Bilang isang Filipino mas piniprefer na

hasain ang ating sariling wika kaysa sa wikang

banyaga. Dahil ang wikang filpino ang nagsisimbolo

ng ating pagka Filipino ito ang siyang

maipagmamalaki natin sa ating bansang

kinabibilangan. Mahalaga ang paggamit ng wikang

Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang

maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga

Pilipino. Sa isang payak napagsusuri masasabi

nating ang paggamit ng katutubong wika sa

pagtuturong anumang uri ng kaalaman ay

nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon. Sabi

ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga

kumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang Wikang

Ingles a ang pangunahing linggwahi na mas

ginagamit nga karamihan kahit saan man sila

magpunta sa mundo. Pero para sa amin at sa mga

mas nakakaiintindi sa kahalagahan ng Wikang

Filipino ay ang Wikang Filipino parin ang

napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating

katauhan bilang isang Pilipino, makakaya nating

mapaunlad ang ating sariling bansa kahit ang ating

sariling wika lamang ang ating gamitin katulad ng

bansang Japan. Mas pinahahalagahan nila nag

kanilang sariiling wika kaysa sa ibang wika kahit

ganito napapaunlad parin nila ang kanilang bansa at

ngayon isa ang kanilang bansa sa pinakamaunlad

na bansa sa buong mundo. Sabi pa nga ng ating

bayani na si Dr. Jose Rizal " Ang hindi marunoong

magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang

isda." Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin

ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso,

hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mapapansin

na hindi umunlad ang wika sa loob ng

napakahabang panahon dahil hindi na kailangan

pang pag aralan ng mga banyaga ang wikang

Pilipino.

Tunay na isang paraan na magkaunawaan

ang magkaibang wika sa pamamagitan ng wikang

Ingles, ngunit isipin naman ng mga Filipino na hindi

obligasyon na magsalita ng Ingles kung nasa

sariling bayan. Sa katunayan hindi isyu kung alin ba

talaga ang dapat na gamiting opisyal na wikang

panturo sa mga paaralan. Ang tunay na isyu dito ay

ang kalidad ng edukasyon. Sa huli ay nasa

estudyante pa rin kung paano siya magsusumikap

upang tumaas ang kanyang kaalaman sa paggamit

ng Wikang Ingles at pagmamahal sa pamanang

Wikang Filipino.

Pinosty 18th March 2014 ni Unknown

Tweet Like 24

4 Tingnan ang mga komento

You might also like