Isang Rekwarment Sa Mf6
Isang Rekwarment Sa Mf6
Isang Rekwarment Sa Mf6
Instruktor
I. Introduksyon
II. Sanaysay
III. Reaksyon
IV. Rekomendasyon
V. Implikasyon
INTRODUKSYON
Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar. Sa lugar na ito,
gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa wikang ito naipahayag ang nabuo nilang
karunungan, paniniwala, sining, batas, kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang panlipunan.
Ang mga ito, na kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din ng
wikang yaon.
kasangkapan sa pakikipamuhay ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap nang
inangkin. Sa paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang katutubo,
kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay nagkaroon na rin ng katangiang
kulturang Pilipino.
Ingles man ang salita, o Kastila kaya, sa sandaling gamitin iyon ng isang Pilipino, ang magiging
pagpapakahulugan ay atas ng kulturang katutubo sa kanya. Kapag nagbabasa tayo ng akdang Ingles na
sinulat ng isang dayuhan, madalas na nalilimutan nating ipinahayag ang mga kaisipan at mga pangyayari
nang batay sa kulturang dayuhan. Kung nagkagayon, inuunawa natin iyon nang sunod sa ating kultura,
SANAYSAY
nalilinang dahil sa wika at ang wika ay ang kultura mismo. Maari natin itong ituring bilang batayang
Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura. Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi abstraktong
nilikha ng mga nakapag-aral o ng bumubuo ng diksyunaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha mula sa
nagtataglay ito ng malawak na batayang makamasa (Peña et. al 2012). Malinaw na ang wika ay
nalilinang at napagtitibay sapagkat ang kultura ang nagbibigay katuturan sa ipinapahayag na kaisipan ng
wika. Ginagamit ang wika dahil ito ay daluyan ng komunikasyon upang magpasimula ng isang tiyak na
itinuturing na may pangangailangang sosyal. Ang wika ay nakapagpapahayag din ng iba’t ibang
damdamin at natutukoy din dito ang pananaw sa iba’t ibang bagay napagpapasiyahan kung ano ang
magiging kalugod-lugod sa atin, ang pagpapasiyang mayroong impluwensiya mula sa ating kapuwa at
Gayunpaman, maari ring sabihin na ang kultura ay nalilinang at napagtitibay din ng wika. Binigyang
kahulugan ni Virgilio Almario ang wika bilang katutubong halagahan o value para sa marangal na buhay
ng ating mga ninuno, isang dakilang pamantayang nararapat sundin saanman at kailanman tungo sa
wastong pakikipagkapuwa-tao, isang banal na tuntuning kailangang tupdin upang hindi ‘maligaw ng
landas’. Hindi mapasusubalian na ang ating sariling wika ang siyang midyum na ginamit ng ating mga
ninuno sa pagpapahayag ng mga itinakdang batas at pamantayan sa lipunan pasalita man o pasulat. Sa
naipasa sa bawat henerasyon ang mga paniniwala at pamamaraang Pilipino bunga ng sabi-sabi o ‘word
of mouth’. Samakatuwid, natutukoy ang mga pamantayan gayon na rin ang kultura ng lipunang Pilipino
Ang kultura ay nalilinang dahil sa wika. Ang wika ay daluyan ng komunikasyon at sa pagkakaroon
naman ng ugnayan ay maaring bumuo ng pagkakasunduan at dahil ang tao ay tunay na isang sosyal na
nilalang, ang pagkakasunduang ito ang maghahantong upang magpasya upang makisama sa kapuwa at
ang pagkakabigkis na ito ay nagkakaloob sa mga tao upang magtaguyod ng isang lipunan. Ang isang
lipunan ay may tiyak na kultura na nakasalig naman sa napagkasunduang katotohanan. Ito ay nabuo
Ang isang partikular na kaisipan na bahagi ng kultura ay ganap na nagiging bahagi ng kultura kung
ito ay naipakikilala at naitataguyod. Kung wala ang wika bilang panuluyan ng mga ideyang bumubuo sa
kultura tungo sa kaisipan ng mga tao sa isang lipunan ay magiging imposible ito. Sapagkat ayon sa
Encyclopedic Supplement, Living Webster Dictionary of the English Language, ang mga ideya ay
nabubuhay dahil sa wika, ito ay katulad ng pagbibigay-katawan sa kaluluwa (Bernales et. al 2011).
Kaugnay nito, maaring bigyang patotoo na may kakanyahan ang wika na maging ina ng karunungan
ayon kay Krank Kruas (Peña et. al 2012) Samakatuwid, pinangatwiranan ng librong Social Dimensions
of Education, ang pagkatuto ng isang kultura ay sa pamamagitan ng wika. Mula dito ay nagkakaroon
tayo ng kolektibong alaala tulad ng mga alamat, pabula, salawikain at iba pa na naaayon sa ating
kaalaman sa kultura, gayundin ang pagsulat, sining, at kung anu-ano pang mga midya na humuhubog sa
Ang wika ay ang kultura mismo. Kung pagbabatayan naman natin ang winika ng karakter na si
Simoun ng El Filibustersimo ni Dr. Jose Rizal na ang wika ay paraan ng pag-iisip ng tao, samakatuwid
tinatanggap natin na ang wika ay ang kultura mismo. Dahil nga ang kultura ay pamamaraan ng pagkilos
at pamumuhay ng isang tao ay nakabatay sa kaniyang pag-iisip, ito ang pangunahing pinagmumulan ng
kaisipan ng kultura.
Paano nga ba magagamit ang wika upang malinang ang pambansang kultura?
Ang wika ay may kakayahan upang sumisid sa pinakamalalim na kaalamang bayan, liparin ang
panlipunan (Bernales, et al. 2011). Ang ating wika ang nagkanlong at nagtago ng hiwaga, kasaysayan, at
mayamang kaalaman ng ating bayan kung saan nahubog ang katauhan ng ating lahi na bumubuo sa ating
pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Nakapaloob sa kaalamang ito ang dakilang nagawa ng magigiting
nating mga ninuno. Sa paggamit ng wika ay mapagtitibay ang mga kaalamang ito sa kaisipan na isang
mabisang sangkap upang maiwaksi ang kolonisadong pag-iisip sapagkat natatamnan ito dahil sa
pagpapatibay ng pamamaraang Pilipino. Binigyang-diin nga ni Samuel Johnson na ang wika ang
nagdadamit sa ating kamalayan, samakatuwid ito ang magbibihis sa atin ng pagkakakilanlan, ang
Hindi nagtatapos sa paglikha ng bagong pananaw ang paglilinang ng wikang Filipino tungo sa
paglinang din ng pambansang kultura tungo sa pagkakakilanlan, o hindi nga maaring sang-ayunan pa
ang paglikha lamang ng isang bago at wastong pananaw bagkus ang pagsasangkot ng sariling wika sa
pagkilos ng sariling dila. Ang wika ay maari ring itulad sa isang pirasong papel na ang kabilang mukha
ay ang kaisipan at ang kabila ay ang tunog ayon kay Ferdinand de Saussure. Hindi maaring sa paggupit
ng papel, mahahati ang kaisipan at ang tunog. Anumang bahagi ng putol, magtataglay kapuwa ang mga
ito ng kaisipan at tunog. At ang pagtataglay ng wika na kaisipan at tunog ay kakanyahan nito (Peña et. al
2012). Bigyan ng higit na pansin na ang kaisipan at tunog ay hindi mapaghihiwalay sa wika. Kung
nakapaloob sa wika ang kaisipan ng kultura at ang wika ay mamumutawi sa ating dila, hindi ba’t
mamumutawi rin naman ang kultura sa atin at sa pagkaalam ng kultura ay matutukoy natin ang ating
pagkakakilanlan? Kaya naman, nararapat na ang wikang Filipino ay higit na nararapat maunawaan higit
ating kultura.
pag-unawa ng isang wika kung hindi ang mismong paggamit at pagpapadaloy nito sa sariling dila.
Pinapatotohanan ng aklat na Social Dimensions Of Education na ang wika ng isang nilalang ay ang
repleksyon ng kaniyang pagkatao at ang pamamaraan at pagkilos na inaasahang aasalin niya. Dagdag pa,
ang wika ay ang susi sa tagumpay ng pag-usbong ng isang lahi sa paglikha at pagpapanatili ng kultura
sapagkat kung walang wika, ang kakayahan upang makabuo ng mga kaisipan at tradisyon ay hindi
makatotohanan.
REAKSYON
Sang-ayon sa sanaysay dahil para sa akin totoo ang lahat na nakasulat doon. Tulad ng “Ang wika
ay nalilinang dahil sa kultura” dahil matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga naririnig natin
na magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang pagkawala o
pagkamatay ng isang wika ay nangangahulugan din ng pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang
katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.
Samakatuwid, ang ating kulturaang siyang nagbuklod at gumabay sa ating mga Pilipino.
Ang mga kulturang mayroon ang mga Pilipino ay kulturang masasabi nating maaari nating
maipagmalaki sa buong mundo kaya kailangan natin itong ipagmalaki dahil walang anumang
wika kung hindi ang mismong paggamit at pagpapadaloy nito sa sariling dila.
Kung walang wika, walang bansa sapagkat hindi tayo nakakapagusap o wala tayong
komunikasyon sa kadahilanang walang naguugnay sa bawat tao sa isang bansa, walang pagkakaisa at
higit sa lahat walang mabubuong kultura. Ang wika ay ang tagapagbigkis ng isang lipunan.
Ang simpleng paggamit at paggalang sa wika at kultura ay isang pagpapakita ng pagpapahalaga. Ating
gamitin ang sarili nating wika at bumuo ng isang kultura na kagalang-galang o ginagalang ng lahat at
tayo’y makakabuo ng isang bansang may pagkakaisa at higit sa lahat may tiwala sa isa’t-isa.
Sa pangwakas, ang wika ay balangkas ng pinili at isinaayos na set o kabuuan ng silasalitang
tunog sa paraang arbitraryo upang magamit sa pagpapahayag ng damdamin, kaisipan, kaugalian at uri ng
5. Pag-aral ang kultura kung saan mas makakatulong upang mas mapayaman ang wika
IMPLIKASYON
Bilang isang guro makakatulong upang mas mapalinang ang wika at kultura sa Pilipinas sa
pagturo ng sa aking mga mag-aara ang kahalagan ng mga ito sa atin pagkapilipino. Dahil ang mga ito ay
Mahalaga sa isang bayan, dahil ito ay ang anumang binibigkas o isinulat ng tao upang maipahayag ang
kanyang saloobin. Ang wika ang siyang nagbibigay pagkakataon para sa mga tao sa iba’t-ibang lugar