AP5 PLP Q2-W6-Day 1-5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: V QUARTER: II WEEK: 6 DAY: 1

COMPETENCY Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
& OBJECTIVES
a. Patakarang pang-ekonomiya (Halimbawa: Pagbubuwis, Sistemang Bandala, Kalakalang
Galyon, Monopolyo sa Tabako, Royal Company, Sapilitang Paggawa at iba pa)

: Code: AP5PKE-IIc-d-5

● Nasusuri ang epekto ng Real Compania de Filipinas (Royal Company) bilang isang
patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng Espanya sa bansa.

CONTENT : Royal Company at Sapilitang Paggawa

LEARNING AP 5 LAS, AP 5 SLM - Week 6, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 5, pp. 184-185, mga
:
RESOURCES larawan, laptop, PPT Presentation, TV/Projector

PROCEDURE: A. Paghahanda: (Preparation)

Balik-aral:

1. Anu-ano ang dalawang patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng Espanya sa ating


bansa ang natalakay natin noong nakaraang linggo?

2. Anu-ano ang mga naging epekto ng Kalakalang Galyon sa mga katutubong Filipino?
Monopolyo sa Tabako?

B. Pagganyak: (Motivation)

Pagpapakita ng mga larawan ni Haring Carlos III at Gob. Hen. Jose Basco y Vargas.

HARING CARLOS III


PhotoCredit:
Photo Credit:DepEd
DepEd Gallery
Textbook
Photo credit: https://binged.it/3MOgqIJ

Itanong: Kilala niyo ba ang mga taong nasa larawan?

Sila ay sina Haring Carlos III at Gob. Hen. Jose Basco y Vargas. Sila ay may malaking
ginampanan sa paghubog ng patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Espanyol sa
ating bansa.

C. Paglalahad: (Presentation)

Nang tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas at naitatag ang pamahalaang
kolonyal, ipinatupad ng mga Espanyol ang mga patakaran at programang magtataguyod sa
kolonyalismo upang maisulong ang mga interes at layunin ng kaharian ng Espanya. Ipinatupad
nila ang Royal Company at Sapilitang Paggawa sa mga katutubo upang makapagpatayo ng iba’t-
ibang gusali at istruktura, paunlarin ang agrikultura at industriya na kailangan sa bagong
kolonya.

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Real Compania de Filipinas (Royal Company)

Sa panahon ng pangangasiwa ni Basco ay naitatag


ang Real Compania de Filipinas (Royal Company of the
Philippines). Itinatag ito noong Marso 10, 1785 ayon sa pag-
uutos ni Haring Carlos III. Hangarin ng kompanya na paunlarin
ang agrikultura at industriya ng kolonya. Nakatuon din ang
Real Compania sa pagpapalakas ng kalakalang panlabas ng
Pilipinas at Spain.

Binigyan ng 25 taong pribelihiyo ang kompanya sa


tuwirang pakikipagkalakalan sa ibang bansang Asyano tulad HARING CARLOS III
PhotoCredit:
Photo Credit:DepEd
DepEd Gallery
Textbook
ng Tsina at India, pag-aangkat ng mga produktong yari sa
Pilipinas nang walang pataw na buwis, karapatang itaas ang bandila ng Royal Navy sa
lahat ng barko ng kompanya, at ipagbili ang mga kasangkapan mula sa arsenal ng
pamahalaan.

Mahigpit na tinutulan ng mga mangangalakal ang Real Compania dahil sa


tuwirang kompetisyon nito sa kalakalang galyon. Ngunit ipinagtanggol ito ni
Gobernador-Heneral Rafael Maria de Aguilar sa kaniyang ulat sa hari noong 1794. Para
sa kaniya, ang kompanya ay nagdulot ng kaunlaran sa kondisyon ng Pilipinas. Ilan sa mga
ito ay ang pagdating ng mga dayuhang mangangalakal sa bansa, matagumpay na
pagbenta ng produktong indigo, paglago ng industriya dahil sa pagpapautang ng
kompanya, at pagkakaroon ng mga plantasyon ng sili at cinnamon sa Tayabas, Iloilo,
Camarines, Cavite, at Bataan.

Humina ang Real Compania nang buksan ang daungan ng Maynila noong 1789
para sa pandaigdigang kalakalan. Idagdag pa rito ang mga suliraning kinaharap ng hari
ng Spain mula sa rebolusyon sa France at sa mga kolonya nito sa South America na
nagpahayag ng digmaan para sa kalayaan.

Noong 1834, nagpalabas ng kautusan ang hari na nagpahinto sa operasyon ng


Real Compania de Filipinas dahil sa mahinang pangangasiwa at pagkalugi.

E. Paghahasa (Exercises)

Think-Pair-Share

Ibahagi ang sariling reaksiyon/pananaw sa sumusunod na tanong:

a. Sang-ayon ka ba pagpapatupad ng Real Compania de Filipinas ng mga Espanyol sa


Pilipinas? Ipaliwanag ang iyong sagot.

b. Nagdulot ba ng mabuting epekto ang pagpapatupad ng Real Compania de Filipinas ng


mga Espanyol sa Pilipinas?

F. Paglalahat: (Generalization)

Itanong:

a. Ano ang masasabi ninyo sa pagkatatag ni Basco ng Real Compania de Filipinas? Sa


inyong palagay, naging epektibo ba ito?

b. Anu-ano ang naging epekto ng Real Compania de Filipinas sa kaunlaran sa kondisyon ng


Pilipinas?

G.Paglalapat (Application)

Panuto: Guhitan ng puso ang pangungusap na nagpapakita ng positibong epekto ng


patakarang Real Compania de Filipinas.
Nagkaroon ng malawakang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa.

Matagumpay na pagbenta ng produktong indigo.

Paglago ng industriya dahil sa pagpapautang ng kompanya.

Pagtutol ng mga mangangalakal dahil sa tuwirang kompetisyon sa kalakalang galyon.

Nagdulot ng kaunlaran sa kondisyon ng Pilipinas.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang pangungusap na nagpapakita bilang positibong epekto at ekis
(×) kung ito’y nagpapakita ng negatibong epekto ng patakarang Real Compania de
Filipinas.

____1. Nagkaroon ng malawakang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa.

____2. Matagumpay na pagbenta ng produktong indigo.

____3. Paglago ng industriya dahil sa pagpapautang ng kompanya.

____4. Pagtutol ng mga mangangalakal dahil sa tuwirang kompetisyon sa kalakalang


galyon.

____5. Nagdulot ng kaunlaran sa kondisyon ng Pilipinas.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Wala

Inihanda ni:
ERICKSON D. QUIPANES
Teacher I
Biasong Elementary School – Loon North District

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: V QUARTER: II WEEK: 6 DAY: 2

COMPETENCY Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
& OBJECTIVES
a. Patakarang pang -ekonomiya (Halimbawa: Pagbubuwis, Sistemang Bandala, Kalakalang
Galyon, Monopolyo sa Tabako, Royal Company, Sapilitang Paggawa at iba pa)

: Code: AP5PKE-IIc-d-5

● Nailalarawan ang Polo y Servicio (Sapilitang Paggawa) bilang isang patakarang pang-
ekonomiya na ipinatupad ng Espanya sa bansa.

CONTENT : Royal Company at Sapilitang Paggawa

LEARNING AP 5 LAS, AP 5 SLM - Week 6, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 5, pp. 130-131, mga
:
RESOURCES larawan, laptop, PPT Presentation, TV/Projector

PROCEDURE: A. Paghahanda: (Preparation)

Isaayos ang mga titik upang mabuo ang tamang salita.

1. A F A L L - _________________________ (Falla)

2. L I S P O T A - _________________________ (Polista)

3. P I L I T A N S A - _________________________ (Sapilitan)

4. W A G A G A P - _________________________ (Paggawa)

5. B A S I M H A N - _________________________ (Simbahan)

B. Pagganyak: (Motivation)
Ipakita ang mga larawan.

Itanong: Ano ang napapansin o nakikita ninyo sa unang larawan? Sa ikalawang larawan?

C. Paglalahad: (Presentation)

Ang nakikita ninyo sa larawan ay mga halimbawa ng polo y servicio o sapilitang paggawa
na ipinapatupad ng mga Espanyol sa mga Pilipino noong unang panahon kung saan ang mga
lalaking may gulang na 16 hanggang 60 ay sapilitang pinaglilingkod sa lahat ng mga lugar na
sakop ng mga Espanyol.

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Sapilitang Paggawa

Isa pa sa mga pamamaraan upang maipatupad ang pananakop ng mga


Espanyol ay ang sapilitang paggawa. Ito ay sinimulang ipatupad noong 1580 sa lahat ng
kalalakihan na may gulang na 16 hanggang 60. Kailangan nilang magtrabaho sa loob ng
40 araw sa loob ng isang taon. Ang kadalasang ginagawa nila ay kalsada, tulay,
simbahan, bahay na bato, munisipyo, at galyon. Hango ang sapilitang paggawa sa polo y
servicio na nangangahulugang “ gawaing pampamayanan”.

Patakaran sa Sapilitang Paggawa

Batay sa Laws of the Indies, may mga partikular na kondisyon sa pagpapatupad


ng sapilitang paggawa upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga polista. Ipinakikita ng
diyagram sa ibaba ang mga pribilehiyong dapat matanggap ng mga polista alinsunod sa
dekreto ng Hari ng Spain sa patakarang polo y servicio.

Bawat polista ay
makatatanggap ng
¼ reales at bigas
bawat araw
Ang mga Polista ay
hindi dapat ipadala
Polo y Servicio sa lugar na malayo
sa kanilang tahanan
at pamilya

Hindi dapat isagawa


ang polo tuwing
panahon ng
pagtatanim at pag -
aani
Maaaring malibre sa paglilingkod ang isang polista kung siya ay
makapagbabayad ng falla, o katumbas na halaga ng sapilitang paggawa. Ngunit dahil sa
kahirapan ay iilan lamang ang nakaiiwas dito. Ang may katungkulan sa pamahalaang
gaya ng gobernadorcillo, datu, cabeza de barangay, at iba pang miyembro ng principalia
ay ligtas din sa polo.

E. Paghahasa (Exercises)

Pagpapangkat

Unang Pangkat:

Magbigay ng puna sa larawang ipinakita. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap


tungkol dito. Isulat ang sagot sa manila paper.

Photo Credit: Scanned from Lahing Dakila 5


Ikalawang Pangkat:

Anu-ano ang mga pribilehiyong dapat matanggap ng mga polista alinsunod sa dekreto ng
Hari ng Spain sa patakarang polo y servicio. Isulat ang inyong sagot sa mga paper strips.

Ikatlong Pangkat:

Ipakita sa pamamagitan ng pag-arte kung paano malibre sa paglilingkod ang isang polista?

F. Paglalahat: (Generalization)

Itanong:

*Ano ang Polo y Servicio o Sapilitang Paggawa?

*Sang-ayon ka ba sa sapilitang pagpapatupad ng polo y servicio?

G.Paglalapat (Application)

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Anong P ang tawag sa naglilingkod sa sapilitang paggawa?

Sagot: polista

2. Anong F ang tawag sa ibinabayad ng maykaya sa buhay upang hindi makapaglingkod sa


polo?

Sagot: falla

3. Anong L ang naglilingkod sa polo?

Sagot: lalaki

4. Ilang taon ang mga lalaking sapilitang naglilingkod sa paggawa?

Sagot: 16-60

H. Pagtataya: (Evaluation)
Panuto: Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa polo y servicio o sapilitang paggawa?
Isulat ang ( ) kung naglalarawan at (X) naman kung hindi.

___1. Sapilitang paggawa ng mga lalaking may gulang na 16-60.

___2. Mga polista ang tawag sa mga lalaking naglilingkod dito.

___3. Falla ang tawag sa ibinabayad ng mga lalaking umiiwas sa paggawa.

___4. Nagkaroon ng pagbabago sa pagmamay-ari ng lupa.

___5. Sapilitang pinapagawa ang mga polista sa loob ng apatnapung araw sa isang taon.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Panuto: Punan ang bawat kahon ng wastong titik upang mabuo ang tamang
sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Isa sa mga nag-alsa upang wakasan ang pagmamalabis sa polo. (SUMUROY)

S M Y

2. Multang binabayad bilang kapalit ng sapilitang paggawa. (FALLA)

F L

3. Patakaran kung saan sapilitang maglilingkod ang mga kalalakihang 1660 taong
gulang sa mga pagawaang bayan sa loob ng 40 na araw. (POLO Y SERVICIO)

P S V O

4. Sila ang nagdadala ng mga materyales sa mga imprastrakturang gawain. (POLISTA)

O S A

Inihanda ni:

ESTRELLA E. BOLONGAITA
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: V QUARTER: II WEEK: 6 DAY: 3

COMPETENCY Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
&
a. Patakarang pang -ekonomiya (Halimbawa: Pagbubuwis, Sistemang Bandala, Kalakalang Galyon,
OBJECTIVES
Monopolyo sa Tabako, Royal Company, Sapilitang Paggawa at iba pa)
: Code: AP5PKE-IIc-d-5

● Nasusuri ang mga epekto ng Sapilitang Paggawa sa mga katutubo.

CONTENT : Royal Company at Sapilitang Paggawa

LEARNING AP 5 LAS, AP 5 SLM - Week 6, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 5, pp. 131-132, mga larawan,
:
RESOURCES laptop, PPT Presentation, TV/Projector

PROCEDURE: A. Paghahanda: (Preparation)

Ipakita ang larawan.

Photo Credit: Scanned from Lahing Dakila 5

Anong patakarang pang-ekonomiya ang ipinapakita sa larawan?

B. Pagganyak: (Motivation)

Basahin nang mabuti ang mga pahiwatig at isulat sa kahon ang iyong sagot.
Pahalang Pababa

1. tawag sa pera na ginamit ng mga Espanyol. 2. Hindi kasali sa polo y servicio

4. binabayad para makaiwas sa polo y servicio 3. tawag sa mangagawa sa polo

5. ang polo y servicio ay eksklusibo lamang sa


mga _______________

Sagot:

1. reales; 2. datu; 3. polista; 4. falla; 5.


lalaki

C. Paglalahad: (Presentation)

Batay sa Laws of the Indies, may mga partikular na kondisyon sa pagpapatupad ng sapilitang
paggawa upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga polista. At may mga pribilehiyong dapat
matanggap ng mga polista alinsunod sa dekreto ng Hari ng Spain sa patakarang polo y servicio.
Maaaring ring malibre sa paglilingkod ang isang polista kung siya ay makapagbabayad ng falla, o
katumbas na halaga ng sapilitang paggawa.

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Negatibong Epekto ng Sapilitang Paggawa sa mga Katutubo

Bagama’t may mga batas na dapat sundin sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa,


hindi naman ito naisasakatuparan o nasusunod. Sa kabila ng mabigat na gawain ng mga
polista, hindi sila binabayaran. Kadalasang sila pa ang nagdadala ng mga materyal sa mga
impraestrukturang gagawin nila gaya ng adobe, itlog, at pulot- pukyutan sa paggawa ng
simbahan. Dinadala rin sila sa malayong lugar upang doon magtrabaho kahit na nakasaad sa
batas na hindi ito ang dapat maging patakaran. Halimbawa, ang mga taga-Visayas ay
dinadala sa Cavite upang pagputulin ng punongkahoy upang gawing galyon. Hindi rin
inalintana ng mga Espanyol kung panahon ng pagtatanim o pag-aani.

Bilang epekto, dahil nasa malayong lugar at nagtatrabaho ang mga polista sa oras ng
pagtatanim o pag-aani ay bumaba ang produksiyon ng mga pananim at nagkaroon ng
taggutom sa ibang lugar. Bukod dito, dahil walang libreng pagkain ang mga polista,
kinakailangan pa nilang magbaon ng sarili nilang pagkain sa oras ng sapilitang paggawa.
Kung gayon, bukod sa hindi na nakatutulong sa pamilya ang polista dahil hindi siya
binabayaran sa kaniyang paggawa, kinakailangan pang sagutin ng kanyang pamilya ang
kaniyang pagkain sa panahon ng sapilitang paggawa. Dagdag pa rito, nawawalay pa sila
nang matagal sa pamilya nila dahil dinadala sila sa malayong lugar.

E. Paghahasa (Exercises)

Pagpapangkat

Unang Pangkat:

Ibigay ang epekto ng sapilitang paggawa gamit ang grapikong presentayong ito.

Mga Epekto
_______________________________
_______________________________
_______________________________
Sapilitang paggawa
_______________________________
Polo y servicios _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

Ikalawang Pangkat:

Isulat sa loob ng concept map ang mga reaksiyon ng mga Pilipino sa sapilitang paggawa.

Reaksiyon ng
mga Pilipino
F. Paglalahat: (Generalization)

Anu-ano ang naging epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino?

G.Paglalapat (Application)

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng epekto ng Sapilitang Paggawa
at MALI naman kung hindi.

________1. Nagkaroon ng malawakang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa.

________2. Bumaba ang produksyon ng mga pananim at nagkaroon ng taggutom sa ibang lugar.

________3. Maraming kalsada, tulay, simbahan, bahay na bato, munisipyo at galyon ang nagawa.

________4. Paglago ng industriya dahil sa pagpapautang ng kompanya.

________5. Nagbubuhat ng malalaking puno para sa paggawa ng barko.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang pangungusap na nagpapakita ng positibong epekto at ekis


(X) kung ito’y nagpapakita ng negatibong epekto ng patakarang Polo y Servicio.
________1. Napabayaan ang kanilang mga pananim.

________2. Nawawalay sila ng matagal sa pamilya.

________3. Naging sanhi ng pag aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol.

________4. Ang mga polista ay makatatanggap ng ¼ reales at bigas bawat araw.

________5. Mga simbahan at gusali sa iba’t-ibang panig ng bansa.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Panuto: Ibigay ang mabuti at di-mabuting epekto ng patakarang Polo y Servicio o


Sapilitang Paggawa ayon sa tsart na nasa ibaba.

• MGA MABUTING EPEKTO

PATAKARANG
POLO Y SERVICIO
• MGA MASAMANG EPEKTO

Inihanda ni:

ERICKSON D. QUIPANES
Teacher I
Biasong Elementary School – Loon North District

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: V QUARTER: II WEEK: 6 DAY: 4

COMPETENCY Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
& OBJECTIVES
a. Patakarang pang -ekonomiya (Halimbawa: Pagbubuwis, Sistemang Bandala, Kalakalang
Galyon, Monopolyo sa Tabako, Royal Company, Sapilitang Paggawa at iba pa)
: Code: AP5PKE-IIc-d-5

● Nasusuri ang saysay ng Sapilitang Paggawa sa Pamahalaang Kolonyal.

CONTENT : Royal Company at Sapilitang Paggawa

LEARNING AP 5 LAS, AP 5 SLM - Week 6, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 5, pp. 132, mga larawan,
:
RESOURCES laptop, PPT Presentation, TV/Projector

PROCEDURE: A. Paghahanda: (Preparation)

Tanong:

● Anu-ano ang mga mabuting epekto ng Sapilitang Paggawa?

● Anu-ano naman ang mga masamang epekto nito?

B. Pagganyak: (Motivation)

Isaayos ang mga titik upang mabuo ang tamang salita.

1. M U R O S U Y - _________________________ (Sumuroy)

2. A L S A P A G A - _________________________(Pag-aalsa)

3. P I L I T A N S A - _________________________(Sapilitan)

4. E S T U R A T R U K P R A I M - ______________ (Impraestruktura)

5. L A Y L O K O N - _________________________(Kolonyal)

C. Paglalahad: (Presentation)
Malaki ang naging kapakinabangan ng polo y servicio o sapilitang paggawa sa pagpapalawak
ng pamahalaang kolonyal at gayundin sa epekto nito sa buhay ng mga katutubong Pilipino.

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Saysay ng Sapilitang Paggawa sa Pamahalaang Kolonyal

Para sa pamahalaang kolonyal, ang sapilitang paggawa ay naging napakainam na


pamamaraan sa pagpapalaganap ng kolonyalismo. Nakuha ng pamahalaan mula sa mga
polista ang lakas-paggawa na kailangan nila sa pagpapatayo ng mga impraestruktura
nang walang bayad. Kung gayon, naipatayo ang mga kinakailangang impraestruktura
nang hindi kinakailangang gumastos ng pamahalaang kolonyal. Bukod dito, ang
pagdadala sa mga polista sa malayong lugar ay nagbigay-daan din upang magkawatak-
watak ang mga katutubo at maiwasan ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Dahil sa
pagmamalabis sa polo, maraming pag-aalsa ang isinagawa ng mga Filipino upang
wakasan ito. Halimbawa nito ay ang pagaalsa ni Juan Sumuroy noong 1649.

E. Paghahasa (Exercises)

Panuto: Isulat ang ( ) kung ang pahayag ay nagbibigay ng wastong kaisipan at (X) kung hindi.

__________1. Ang sapilitang paggawa ay naging napakainam na pamamaraan sa


pagpapalaganap ng kolonyalismo.

__________2. Nakuha ng pamahalaan mula sa mga polista ang lakas-paggawa na kailangan nila
sa pagpapatayo ng mga impraestruktura nang walang bayad.

__________3. Nagbigay-daan ang pagdadala sa mga polista sa malayong lugar upang


magkabuklod-buklod ang mga katutubo at mag-alsa laban sa mga Espanyol.

__________4. Dahil sa pagmamalabis sa polo, maraming pag-aalsa ang isinagawa ng mga


Pilipino upang wakasan ito.

F. Paglalahat: (Generalization)

Tanong:

Sino ang higit na nakinabang sa patakarang Sapilitang Paggawa, ang mga Espanyol o
mga Pilipino? Bakit?

G.Paglalapat (Application)
Panuto: Bilugan ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagbibigay ng wastong kaisipan at ang
MALI kung hindi.

1. Iba’t ibang paraan ang ginamit ng mga Espanyol upang sakupin ang
TAMA MALI
Pilipinas at kontrolin ang ating katutubong Pilipino.

2. Gumastos ng malaki ang pamahalaang kolonyal para maipatayo ang


TAMA MALI
mga kinakailangang imprastruktura sa bansa.

3. Ang mga Polista ay hindi ipinadala sa lugar na malayo sa kanilang


TAMA MALI
tahanan at pamilya.

4. Isa sa mga pag-aalsa na may kinalaman sa sapilitang paggawa ay ang


TAMA MALI
Pag-aalsa ni Juan Sumuroy noong 1649.

5. Ang mga Imprastraktura ay ilan sa mga kabutihan dulot ng sapilitang


TAMA MALI
paggawa.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Patakaran kung saan sapilitang maglilingkod ang mga kalalakihang 1660 taong
gulang sa mga pagawaang bayan sa loob ng 40 na araw.

a. Tributo c. Polo y Servicio

b. Monopolyo ng Tabako d. Kalakalang Galyon

2. Tawag sa binabayad ng katutubo para makaiwas sa polo y servicio

a. Falla b. Polista c. Reales d. Encomienda


3. Edad na kasali sa polo y servicio

a. 12-50 b. 16- 60 c. 16-58 d. 15-60

4. Nakasaad dito na dapat bigyan ang polista ng bayad o sweldo pero hindi ito
naipatupad ng Espanyol.

a. Laws of the Indies b. Doktrina

b. Laws of Indias d. Laws of China

5. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng sapilitang paggawa sa


mga Pilipino

a. mas naging masipag ang mga Pilipino dahil sapilitan ang kanilang paggawa

b. Nahiwalay ang mga kalalakihan sa kanilang pamilya


c. Lumaki ang kita ng bawat pamilya dahil sa paggawa

d. Naging mayaman sila

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Wala

Inihanda ni:

ERICKSON D. QUIPANES
Teacher I
Biasong Elementary School – Loon North District

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: V QUARTER: II WEEK: 6 DAY: 5


COMPETENCY Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
& OBJECTIVES
a. Patakarang pang -ekonomiya (Halimbawa: Pagbubuwis, Sistemang Bandala, Kalakalang
Galyon, Monopolyo sa Tabako, Royal Company, Sapilitang Paggawa at iba pa)
: Code: AP5PKE-IIc-d-5

● Summative Test

CONTENT : Royal Company at Sapilitang Paggawa

LEARNING
: AP 5 SLM – Week 5 at 6, Summative Test Paper
RESOURCES

PROCEDURE: Paghahanda: (Preparation)

Balik-aral sa mga napag-aralan sa week 5 at 6

Pagganyak: (Motivation)

Pagbibigay ng panuntunan sa pagsasagawa ng Summative Test

Pagtataya: (Evaluation)

Pagbibigay ng Summative Test Paper sa mga mag-aaral

Pagwawasto at Pagtatala ng Marka

Inihanda ni:

ERICKSON D. QUIPANES
Teacher I
Biasong Elementary School – Loon North District
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN 5 SUMMATIVE TEST

GRADE: V QUARTER: I WEEK: 6 DAY: 5

Pangalan: _____________________________________________________________ Marka:


___________

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Patakaran kung saan sapilitang maglilingkod ang mga kalalakihang 16-60 taong
gulang sa mga pagawaang bayan sa loob ng 40 na araw.
a. Tributo c. Polo y Servicio
b. Monopolyo ng Tabako d. Kalakalang Galyon
2. Tawag sa binabayad ng katutubo para makaiwas sa polo y servicio
a. Falla b. Polista c. Reales d. Encomienda
3. Edad na kasali sa polo y servicio.
a. 12-50 b. 16- 60 c. 16-58 d. 15-60
4. Nakasaad dito na dapat bigyan ang polista ng bayad o sweldo pero hindi ito
naipatupad ng Espanyol.
a. Laws of the Indies c. Doktrina
b. Laws of Indias d. Laws of China
5. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng sapilitang paggawa sa mga
Pilipino.
a. mas naging masipag ang mga Pilipino dahil sapilitan ang kanilang paggawa
b. Nahiwalay ang mga kalalakihan sa kanilang pamilya
c. Lumaki ang kita ng bawat pamilya dahil sa paggawa
d. Naging mayaman sila
6. Ito ay kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco kung saan maraming produkto ang
Dumagsa sa Pilipinas.
a. Kalakalang Galyon c. Kalakalang Basco
b. Kalakalang Pinoy d. Kalakalang Bansa
7. Ito ay programa ni Jose Basco kung saan pinangasiwaan ng pamahalaan ang
pagtatanim ng tabako.
a. Monopolyo sa Palay c. Monopolyo sa Tabako
b. Monopolyo sa Mais d. Monopolyo sa Kalakal
8. Siya ang nagtatag ng La Insular Cigar and Cigarette Factory.
a. Don Joaquin Santamarina c. Jose Basco y Vargas
b. Haring Carlos III d. Gob. Hen. Fernando Primo de Rivera
9. Ito ang ibinibigay sa mga kalahok ng kalakalan na nagpapahintulot sa kanila na
magsakay ng kalakal sa galyon.
a. Boleta b. Tarhita c. Galyon d. Falla
10. Halaga ng bawat boleta.
a. 100-150 piso b. 150-200 piso c. 200-250 piso d. 250-300 piso

B. Panuto: Alamin kung anong Patakarang Pang-ekonomiya ang isinasaad ng


sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang
bilang.

A. Kalakalang Galyon
B. Monopolyo sa Tabako
C. Real Compania de Filipinas
D. Polo y Servicio o Sapilitang Paggawa

_____1. Maraming naipatayong simbahan at gusali sa iba’t-ibang panig ng bansa.

_____2. Nagkaroon ng malawakang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa.

_____3. Pinatawan ng mataas na multa ang magsasakang hindi makasunod sa mga


patakaran.

_____4. Kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco kung saan maraming produkto ang
dumagsa sa bansa.

_____5. Hindi binabayaran ang mga polista at nawawalay sila ng matagal sa pamilya.
_____6. Hindi nabayaran ang mga magsasakang Pilipino sa kanilang naaning tabako.
_____7. Binigyan ang mga kalahok ng kalakalan ng pahintulot na magsakay ng kalakal sa
galyon.
_____8. Bagaman kumita nang malaki ang pamahalaan mula sa monopolyo sa tabako ay
naghirap naman ang mga magsasaka.
_____9. Bumaba ang produksyon ng mga pananim at nagkaroon ng taggutom sa ibang
lugar.
_____10. Paglago ng industriya dahil sa pagpapautang ng kompanya.

Sagot:
A B
1. C 1. D
2. A 2. C
3. B 3. B
4. A 4. A
5. B 5. D
6. A 6. B
7. C 7. A
8. A 8. B
9. A 9. D
10. C 10. C
Inihanda ni:

ERICKSON D. QUIPANES
Teacher I
Biasong Elementary School – Loon North District

You might also like