AP5Q1 MELCWK2 MSIM1 Final Edited

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Pagkakabuo ng Pilipinas ayon

sa Teoryang Tektonikong Plato

Alamin

Kumusta mga bata! Handa na ba kayong


madagdagan ang inyong kaalaman sa ating
bansang Pilipinas ayon sa Teorya ng Tektonikong
Plato?

Sa araling ito ay matatalakay ang teorya tungkol sa


pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas at mababatid din ang
mga paliwanag ng mga siyentipiko tungkol sa anyo nito. Ang
paraang tektonik ay paggalaw ng mga lupa sanhi ng pagkilos
sa ilalim nito. Ang tektonikong paggalaw ang naging daan
upang mabasag ang malaking masa ng lupa o platong
tektonikong nag-uumpugan, nagtutulakan o nagkikiskisan na
parang jigsaw puzzle.

Sa pagkakabaluktot ng plato, nagkaroon ng guwang sa


pagitan nito na siyang lumikha ng mga malalim na bahagi ng
karagatan (trenches) at pag-angat ng ilang bahagi. Ito ay
gumagalaw sanhi ng init na mula sa pinakabuod ng mundo,
nagbanggaan, naggitgitan at mayroong nagkakalayo.

Nagagalak kami na
matutuhan ang tungkol sa
pagkabuo ng ating bansa

Learning Cometency
Natatalakay ang konsepto ng bansa

Learning Objectives:

-Naipapaliwanag ang teorya tungkol sa pagkakabuo ng


Pilipinas ayon sa Teoryang Tektonikong Plato.
-Nabibigyang halaga ang kasaysayan sa pagkakabuo ng
Pilipinas
-Nasasagot nang may kahusayan ang lahat ng takdang
gawain.

1
Subukin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong na


naglalarawan sa pagkakalikha ng Pilipinas. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.

1. Ito ay ang pagkabasag at paghiwalay ng lupa.


A. pag-agos ng putik C. pagbuo ng lupa
B. pagbitak bitak ng lupa D. pagtigas ng lupa
2. Eksperto o sanay sa isang bagay na may kakayahan para sa isang gawain o
larangan maliban sa isa, alin ito?
A. batikan C. may kagalingan
B. dalubhasa D. walang alam
3. Pinakamalaking uri ng anyong lupa na binubuo ng magkakaratig na bansa.
A. teritoryo C. kapuluan
B. karagatan D. kontinente
4. Binubuo ito ng crust at matitigas na mabatong bahagi ng planeta
A. daigdig C. Jupiter
B. himpapawid D. Pluto
5. Isang kontemplatibo at makatuwirang uri ng pag-iisipan.
A. alamat C. kuwento
B. haka-haka D. teorya
6. Taong nakatuon sa isang sistematikong aktibidad upang makakuha ng kaalaman
na naglalarawan sa natural ng mundo
A. mananalaysay C. manunulat
B. mananaliksik D. siyentipiko
7. Tumutukoy sa pagkilos o pag-alis ng isang bagay sa kinalalagyan nito patungo
sa ibang direksyon
A. paggalaw C. paglipas
B. paghinto D. paglipat
8. Isang teoryang pang- agham na naglalarawan sa malaking galaw ng pitong
malalaking pirasong plato at paggalaw ng maliliit na bagay.
A. Mala-alamat C. Pagtunaw ng yelo
B. Pagputok ng bulkan D. Tektonikong Plato
9. Ang mga sumusunod ay maaaring naging dahilan ng pagkakabuo ng Pilipinas
ayon sa Teoryang Tektonikong Plato maliban sa isa, alin ito?
A. paggalaw ng lupa C. pagputok ng bulkan
B. paglindol D. pagtunaw ng yelo
10. Ang mga sumusunod ay mga prosesong pangheograpiya, alin dito ang hindi
kabilang?
A. pagbuo ng kabundukan C. pagputok ng bulkan
B. paglindol D. pagtunaw ng yelo

2
Balikan

Pagkakabuo ng Pilipinas Ayon sa Teoryang Tektonikong Plato

 Ayon sa teoryang Tektonikong Plato, nagkaroon ng matinding


lindol at malalakas na paggalaw ng mga lupa sa ilalim ng dagat
Tsina 225 milyon taon na ang nakalilipas. Nagkaroon ng maraming
malaking lindol na nagtulak at naghiwalay sa mga tumpok - tumpok
na putik galing sa mga bulkan.

 Inilalarawan nito ang malaking paggalaw ng pitong


malalaking plato at ang paggalaw ng mas maraming plato mas
maliit litospero ng daigdig. Ang litospero na ang timgambay na
pinakadulong balat ng isang planeta( ang krast at itaas na litag) ay
nakahati sa mga platong tektoniko

 Ang Pangaea ay nahati naman sa dalawang kontinente, ang


Laurasia at Gondwanaland. Sa paglipas ng panahon, nahati rin ito
sa pitong malalaking masa o plato na ang bawat isa ay binuo
naman ng malilit na tektonikong plato. Ang daigdig ay dating
binubuo ng isang super kontinente at sa pagdaan ng panahon ay
nagkawatak-watak dahil sa lindol , pagputok ng bulkan at agos ng
tubig sa ilalim ng dagat.

activity Card

Magsimula na kayo sa pagsagot sa mga nakatakdang


gawain para sa inyong aralin. Sagutin ito nang buong
kahusayan.

Maraming salamat po! Pagbubutihan


po namin ang tugon sa bawat
gawain.

3
Tuklasin Gawain 1

Mga Kaalaman Tungkol sa Pagkakabuo ng Pilipinas Ayon sa


Teoryang Tektonikong Plato

Buzz Talk 101


Paksa: Tungkol sa Pagkakabuo ng Pilipinas
Tagpuan: Sa bahay ni Sakura Sensei
Tauhan: Sakura Sensei bilang Anchor
Mang Tino bilang Professor Y na magsisilbing tagapagbigay
impomasyon

Sakura: Mayap a Ado Probinsyang Kapampangan!


Magandang araw bansang Pilipinas! Ito ang buzz talk
101 nag-uulat para sa mga kaalamang makatutulong sa iba’t
ibang bagay na may kinalaman sa ating pagka-Pilipino.
Sakura: Ngayong araw ay pag-uusapan ang tungkol sa kung
papaano nabuo ang Pilipinas. Makakapanayam natin sa oras na
ito ang batikan, magaling at walang kakupas-kupas na Professor
ng Pamantasan ng Mexico sa Pampanga na si Professor Y. Mayap
a oras Professor!

Professor Y: Magandang umaga! Sakura


Sakura: Maraming mga tanong ang mga tao tungkol sa
kung papaano nabuo ang mundo, may mga
nagsasabi na ito ay nilikha ng Poong Maykapal, may
nagsasabi namang ito ay nabuo dahil sa alamat at ibaa
pang teorya na naging dahilan ng pagkakabuo nito.
Ano nga ba ang dahilan nito Professor?

Professor Y:Ahh! Maraming mga teorya ang sinasabing pinagmulan


ng pagkakabuo ng Pilipinas pero isa sa mga patunay ay ang
Tektonikong Plato.

Sakura: Ano naman itong Tektonikong Plato? Bakit nasabi na


ito ang naging dahilan ng pagkabuo ng Pilipinas?

4
Pofessor:Ayon kasi sa pag-aaral ng mga dalubhasa, naniniwala sila na ang balat
ng lupang gumagalaw ay sanhi nang paggalaw ng plato. Ang plate ay isang
malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang lupa. Ang tectonic plate ay
kung saan nakapatong ang lupa at kontinente at ang karagatan. Ang Pilipinas ay
nabuo bunga ng paggalaw ng Continental plate. Ito ay ang bloke ng bato na
halos kasinlaki ng mga kontinente. Nabuo ang unang kapuluan sa panahon ng
Cretaceous ( 100-65 matapos BCE. Ito ang Bicol, Leyte at Mindanao.

Sakura: Ganon po pala Professor!

Professor: Oo Sakura, dahil sa paggalaw ng crust o kalupaan ng daigdig


partikular ang Euroasian plate patungong timog silangan at ng Pacific plate
patungong hilagang kanluran na palapit sa Pilipinas sa bahagi ng kanlurang
Pacific plate.
Sakura: Paano naman po nabuo ang ilang lugar sa Pilipinas?

Professor:Dahil nga sa paggalaw ng krast na


nagresulta sapaggalaw at paglitaw ng Luzon,
silangan at Gitnang Mindoro. Sa simula naman ng
Pleistocene (6- 10 milyong taon BCE) naganap ang pagbaba ng
lebel ng tubig sa dagat dahil sa pagtunaw ng yelo sa hilagang
bahagi ng daigdig. Ito ay ang nagbunga ng sunda shelf na
sakop ng Taiwan, Hilagang Pilipinas, Sulu at Palawan. Sa huling
bahagi ng Pleistocene period nagsimulang mabuo ang
kasalukuyang Pilipinas.

Sakura:Yun pala ang dahilan kung bakit nabuo ang Pilipinas ayon sa
Teoryang Tektonikong Plato.

Professor: Oo, Sakura!

Sakura: Muli po professor maraming salamat po sa kaalaman na


ibinahagi ninyo sa oras na ito.

Pamprosesong tanong:

1. Ano-ano ang mga batayan ng mga dalubhasa upang patunayan na ang


teoryang Tektonikong Plato ang naging dahilan ng pagkakabuo ng Pilipinas?
2. Batay sa mga paliwanag ng mga dalubhasa, naniniwala ba kayo sa
kanilang teorya?
3. Bilang isang mamamayang Pilipino, nararapat ba na malaman natin ang
dahilan ng pagkakabuo ng ating bansa? Bakit?

5
Suriin

Ang Teoryang Tektonikong Plato sa Pagkakabuo ng Pilipinas

Ang ibabaw ng may binubuo ng mga malalaking tipak na malalapad


na bato ay tinatawag na platong tektonik. Ang mga patong ito ay
magkakadikit tulad ng jigsaw puzzle. Ang Pilipinas ay nasa ibabaw ng
Philippine Plate sa tabi ng higit pang malaking Pacific Plate. Ito ay gumagalaw
sanhi ng init na nagmumula sa pinakaubod ng mundong nagbubungguan,
naggigitgitan at mayroong nagkakalayo sa pagkakabaluktot ng plato,
nagkaroon ng guwang sa pagitan nito na siyang lumikha ng mga malalim na
bahagi ng karagatan( trenches) at pag-angat ng ilang bahagi sa Palawan,
Kanlurang Luzon, timog ng bundok Siera Madre at Bundok ng Cordillera ay
bunga ng prosesong tektonikong plato.
Ang paraang tektonik ay ang paggalaw ng lupa sanhi ng pagkilos sa ilalim nito.
Ang tektonikong paggalaw ang naging daan upang mabasag ang malaking
masa ng lupa o platong tektonikong nag-uumpugan o nagkikiskisan. Ayon kay
Alfred Wegener, ang daigdig ay dating binubuo ng isang kontinente, ang
Pangaea na sa pagdaan ng panahon ay nagkawatak-watak dahil sa pwersang
pangkalikasan tulad ng lindol, pagputok ng bulkan at agos ng tubig sa ilalim ng
dagat. Ang Pangaea ay nahati naman sa dalawang kontinente, ang Laurasia at
Gondwanaland sa paglipas ng panahon, nahati rin ito sa pitong malalaking
masa o plato na ang bawat isa ay binubuo ng malilit na tektonikong plato.

Pagtukoy sa Konsepto

Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B

Hanay A Hanay B

___1. Ito ay isang superkontinenteng umiiral sa panahon ng a. Tectonic Plate


huling Paleozoic at simulang Mezosoiko na nabuo
noong 240 milyon taon. b. Mantle
___ 2. Tumutukoy sa mga pangkat ng mga pulo na nasa
bahagi ng isang anyong tubig tulad ng karagatan. c. Arkipelago
___ 3. Ang mga taong nakatuon sa isang sistematikong
aktibidad upang makakuha ng kaalaman. d. Siyentipiko
___ 4. Ito ay isang patong ng mga batong napakainit kung
kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. e. Pacific Basin
___ 5. Malaki at makakapal na tipak na lupa.
___ 6. Pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. f. Lindol
___ 7. Tawag sa mga dalubhasa sa Heolohiya (pag-aaral
tungkol sa daigdig at komposisyon nito.) g. Heologo

6
___ 8. Ito ay isang patong ng nilusaw na bato, mas h. Kontinente
mababang patong ng crust i. Atmospera
___ 9. Ito ay ang paggalaw ng lupa, pag- uuga ng lupa j. Tektonikong Plato
at pagbibiyak nito.
___ 10. Pinakamalaking bahagi ng karagatan sa buong mundo. k. Pangaea

Pagpapalalim

Ang Superkontinenteng Pangaea ay umiral sa panahong Huling


Paleozoic at simulang Mesosoiko na nabuo noong mga 240 milyong
taon ang nakalilipas. Ito ay nagsimulang mahati noong mga 200
milyong taon ang nakalilipas bago ang mga bahaging kontinente
nito ay naghiwalay sa kasalukuyang mga komposisyon. Ang mga
sumusunod na panahon na kung saan naghihiwalay ang Pangea, na
nagbunsod sa pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas.

Ang paggalaw ng lupa bunsod ng Tektonikong Plato ay nangyari sa iba’t


ibang panahon ng paghihiwalay ng Pangaea dahil sa patuloy na pagkikiskisan at
pag-uumpugan ng mga bato sa ilalim ng lupa ang malaking tipak ng kontinente
ay unti-unting naghiwa-hiwalay hanggang sa mabuo ang iba’t ibang maliliit na
kontinente na kinabibilangan ng Asya na kung saan matatagpuan ang Pilipinas.

7
Enrichment Gabay na

Card
Pagyamanin
Gawain #1

TUKLAS-SALITA
Panuto: Punan ng letra ang bawat
patlang upang makabuo ng konsepto.

H______ K_________ T________


Anong H ang Kilala rin sa tawag na Isang teoryang
dalubhasa sa lupalop, makaagham sa
Heolohiya o pag- pinakamalaking masa heolohiya. Paggalaw
aaral sa daigdig at ng lupa ng mga plaka.
komposisyon

P______ L________ M_____


Tawag sa Super Bumubuo ng daigdig Ito ay isang batong
Continent ng pito o walong napakainit kung kaya
pangunahing plaka malambot at
at maraming mas natutunaw
maliliit na plaka

Gabay na Tayahin 1

DAGsalita – Dagsa salita


Ayusin ang salita gamit ang mga titik na nasa loob ng panaklong. Isulat ang
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
___________ 1. Isang panahon at sistema ng Geologic na sumasaklaw ng 47 milyong
taon mula sa katapusan ng Carboniferous Period.( N I P E R M A )
___________ 2. Ang unang panahon ng erang Mesozoiko at nasa pagitan ng mga
panahong Permian at Jurrasic. ( S S C S A I T R )
___________ 3. Bumubuo sa gitnang panahon ng Mesozoiko era, na kilala rin bilang
edad ng Reptilya.( R U J R A C S I )
___________ 4. Ang huling panahon ng era na Mesozoiko at sumasaklaw sa 80
milyong mga taon na pinakamahabang era. ( S U C R T E C A E O)
___________ 5. Nagsimula ang panahon na ito 252 milyon taon na ang nakakaraan
(MZEICOOS)

8
Gabay na
Gawain #2
Ka-WHOLE-lugan
Panuto: Bigyan ng kahulugan ang mga salitang
napag- aralan na tungkol sa pagkakabuo ng
Pilipinas ayon sa tektonikong Plato.

Salita Kahulugan

Teorya

Tektoniko

Pangaea

Paggalaw

Kontinente

Gabay na Tayahin 2

Gamit ang graphic organizer na Idea Pond, itala ang mga naging dahilan ng
pagkakabuo ng Pilipinas ayon sa Teoryang Tektonikong Plato

9
Rubriks sa Pagtatala ng Ideya

Mga Krayterya 1 2 3 4

Mahirap basahin May kahirapang Malinis ngunit Maayos at malinis


dahil sa hindi unawain ang hindi lahat ay ang pagkakasulat
maayos at malinis pagkakasulat at maayos ang ng ideya o
Presentasyon
na pagkasulat ang pangungusap pagkakasulat at pangungusap
ng mga
pangungusap

Napakababaw at Mababaw at hindi Malalim na Napakalalim na


walang pag-uugnay gaanong nakikita nakikita ang pag- nakikita ang pag-
ang dati at bagong ang pag-uugnayan uugnayan ng dati uugnayan ng
Lalim ng
kaalaman at ng dati sa bagong sa bagong dating kaalaman
Repleksyon
makikita lamang kaalaman kaalaman at karanasan sa
kung ano ang bagong kaalaman
tinalakay

Hindi maayos ang May lohikal at Maayos ang Mahusay ang


organisasyon ng organisasyon ngunit organisasyon at pagkasunod-
mga ideya at hindi masyadong pagkakabuo ng sunod ng mga
pagkapaliwanag ng mabisa ang ideya na may ideya sa kabuuan
Organisasyon
ideya pagkakapaliwanag angkop na ng konsepto na
sa ideya pagpapaliwanag mabisa at malakas
sa konsepto o ang
kaisipan pagkakaunawa

Malayang Gawain 1

Modified TRUE or FALSE

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Tama kung ang isinasaad ng


pangungusap ay wasto at kung mali guhitan ang salitang nagpapamali sa
konsepto at palitan.
________________1. Ang Astrologo ay ang dalubhasa sa heolohiya na nag-
aaral sa daigdig at komposisyon nito.
________________ 2. Ang Triassic Era ay naganap 225 milyong taon na ang
nakalilipas.
________________ 3. Litospero ang tawag sa Super Continent.
________________ 4. Siyentipiko ang tawag sa taong nakatuon sa siyentipikong
aktibidad upang makakuha ng kaalaman.
________________ 5. Ang Tectonic Plate ay ang mga malaking tipak ng bato sa
ilalim ng lupa.

10
Malayang Tayahin 1

PUZZLE-isipan
Buuin ang PUZZLE gamit ang mga gabay na kaisipan sa ibaba
3 9
6 7 8
1 10
8

2
4
5

Pahalang
1. tumutukoy sa mga grupo ng isla na napapalibutan ng katubigan
2. tawag sa hilagang hatingglobo 200 taon na ang nakalilipas
3. tawag sa timog hatingglobo 200 taon na ang nakalilipas
4. mga pulo na nabuo simula sa pagsabog ng mga bulkan
5. paggalaw ng kalupaan

Pababa
6. nahahati sa malaki at makakapal na tipak na lupa
7. isang sistematikong pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang
subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka – haka.
8. tumutukoy sa isang eksplanasyon sa isang bagay na hindi pangkaraniwan
9. kumakalap at naghahanap ng mga impormasyon at mahahalagang detalye
10. pag-aaral tungkol sa mga lugar at ang mga relasyon sa pagitan ng tao at
kapaligiran.

Malayang Gawain 2

KAHON-runungan
Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ayon sa
pagkasunod-sunod ng mga Proseso ng Paggalaw ng mga
1
Kontinente
2 3

11
Malayang Tayahin 2
TumFACT or PalFACT
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TumFACT kung ang isinasaad ng ideya
ay totoo at PalFACT kung hindi tumutukoy sa pagkabuo ng Pilipinas.
________________1. Maraming patunay na nabuo ang Pilipinas dahil sa isang
makapangyarihang nilalang na naisipang gumawa ng isang malaking masa
ng lupa.
________________ 2. Ang Tektonikong Plato ay ang paggalaw ng malalaki at
maliliit na tipak ng bato sa ilalim ng lupa na nagdulot ng paghihiwalay ng
mga bahagi nito.
________________ 3. Ayon sa mga dalubhasa, nabuo ang Pilipinas nang
bumagsak ang malalaking bato at lupa sa karagatan.
________________ 4. Ang tektoniko ng plato ay naglalarawan ng malakihang
paggalaw ng pitong malalaking plato at maliliit na plato ng litospero ng
daigdig.
________________ 5. Batay sa Teoryang Tektonikong plato nabuo ang bansa
dahil sa pagputok ng bulkang magkakahanay sa Pacific Ocean noong
panahon ng Tertiary.

Reflection card
Isaisip

Ang Pangaea ay nahati sa dalawang kontinente, ang Laurasia at Gondwanaland.


Sa paglipas ng panahon, nahati ito sa pitong malaking masa o plato na ang bawat
isa ay binubuo naman ng maliliit na tektonikong plato. Ang paraang tektonik ay
ang paggalaw ng lupa sanhi ng pagkilos sa ilalim nito. Ang tektonikong paggalaw
ang naging dahilan upang mabasag ang malaking masa ng lupa o platong
tektonikong nag-uumpugan, nagtutulakan o nagkikiskisan na naging dahilan ng
pagkakabuo ng ating bansa. Ang Pilipinas!

Ayon sa plate tectonic theory, habang naghihiwalay sa kahabaan ng ridge system,


pinahihintulutan nito na tumaas ang mainit na bato mula sa mantle, ang parte sa
ilalim ng matigas na lupa. Gayunpaman, sang- ayon sa teorya ng plate tectonic
ang buong pang – ibabaw ng lupa ay nahahati sa ilang malalaking sapin (plate).
Sa pangkalahatan, isinasaad sa teorya ng platong tektoniko na nagkaroon ng mga
lindol at bulkan sa magkakatulad na rehiyon sa mga bitak sa pinakasahig ng
dagat at sa mga subduction zone kung saan ang mga plato ay pumapailalim sa
isang plato. Isang mid atlantic ridge ay mayroong mga bulkan na nabuo dulot ng
paghihiwalay ng mga plato, ang pacific ring of fire ay mayroong mga bulkan na
nabuo dulot ng pagdidikit ng mga plato.

12
Isagawa Bilang isang mamamayang Pilipino, marapat lamang ba
na malaman natin kung papaano nabuo ang Pilipinas?
Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.

assessment Card
Panuto: Basahing mabuti ang mga
Tayahin tanong at sagutin ito nang naaayon
sa mga konsepto na napag- aralan
sa bawat gawain.

1. Ito ay ang panahon 225 milyon taon na ang nakaraan


A. Jurassic C. Permian
B. Kasalukuyang Panahon D. Triassic
2. Tumutukoy sa mga pangkat ng mga pulo na nasa bahagi ng isang
anyong tubig tulad ng karagatan
A. archipelago C. litospero
B. kontinente D. talampas
3. Dalubhasa sa heolohiya o pag-aaral sa daigdig at komposisyon nito.
A. Arkitekto C. Heologo
B. Astrologo D. Teologo
4. Ito ay binubuo ng daigdig ng pito o walong pangunahing plaka at
maraming mas maliliit na plaka.
A. Bato C. Litospera
B. Crast D. Mantel
5. Ito ay isang superkontinenteng umiiral sa panahong Paleozoic at
simulang Mesosoiko na nabuo noong 240 milyon taon na nakalilipas.
A. Jupiter C. Nemic
B. Pangaea D. Venus
6. Nagsimula ang panahon na ito sa huling panahon ng Mesosoiko at
sumaklaw sa 80 milyon mga taon pinakamatagal na era.
a. Cretaceous c. Jurassic
b. Fermian d. Mesozoic

13
7. Patag na mga batong napakainit kung kaya malambot at natutunaw.
A. bulkan C. Litospero
B. crast D. Mantel
8. Alin sa mga sumusunod na teoryang maka-agham sa heolohiya ang hindi
tumutukoy sa paggalaw ng mga plato?
A. Litospero C. pagputok ng bulkan
B. pagbaba ng tubig sa dagat D. Tektonikong Plato
9. Panahong 200 milyon taon na ang nakalipas
A. Cretaceous C. Permian
B. Jurassic D. Triassic
10. Ang mga prosesong pangheograpiya tungkol sa paggalaw ng mga
kontinente ay ang mga sumusunod, maliban sa isa.
A. pagbuo ng mga kabundukan C. paglindol
B. pagkasunog ng mga kagubatan D. pagputok ng bulkan

Reference Card
Crystal M. Reed , 4/8/2015 Alamat ng Pilipinas
Pagtuklas blogspot.com
Idaily.com
Wikakids.com
Brainly.ph
Araling Panlipunan
https://www.123rf.com/photo_63284305_stock-vector-girl-cartoon-student-back-to-school-education-
and-childhood-theme-colorful-design-vector-illustratio.html

https://www.google.com/search?q=cartoonic+scientist&tbm=isch&ved=2ahUKEwiD36Wl14_qAhUL7ZQK
Hfo3ChUQ2-
cCegQIABAA&oq=cartoonic+scientist&gs_lcp=CgNpbWcQA1CoE1ioE2DpGmgAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAK
ABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=caHtXsPiC4va0wT676ioAQ&bih=597&biw=1242#imgrc=ca0
7ZxLAI3h6cM

Susi sa Pagwawasto

1. Teorya- isang masusing pananaliksik sa isang bagay o


pangyayari
2. Tektoniko – isang aktibong paggalaw ng mga lupa
3. Pangaea – isang super continent
4. Paggalaw – tumutukoy sa pagkilos o pag-alis ng isang bagay
5. Kontinente – pinakamalaking masa ng lupa sa ibabaw ng
daigdig
Gabay na Gawain 2

14
1. Permian Era 1. Heologo
2. Triassic Era 2. Kontinente
3. Jurassic Era 3. Tektoniko
4. Cretaceous Era 4. Pangaea
5. Mesozoic Era 5. Litospero
6. Mantel
Gabay na Tayahin 1
Gabay na Gawain 1

1. K 6. H
1. B 6. D 1. PalFact
2. C 7. G
2. B 7. A 2. TumFact
3. D 8. I
3. C 8. D 3. PalFact
4. B 9. F
4. B 9. D 4. TumFact
5. J 10. E
5. D 10.D 5. TumFact
Pagtukoy sa kosepto Subukin Malayang Tahayin 2

Assessment
Card 1.Paglindol
Ito ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na
1. B nanggagaling sa ilalim ng lupa. Madalas ang lindol ay sanhi
ng paggalaw ng fault sa ibabaw ng bahagi ng mundo o
2. A crust.
3. C 2.Pagputok ng bulkan
4. C Ang pagsabog ng bulkan sa paligid na tinatawag na
5. B lateral blast ay nakapagbuga ng malalaking tipak ng bato
nang napakabilis na aabot nang isang milya ang layo.
6. A 3.Pagkabuo ng kabundukan
7. D Ang pagbangga ng mga plates na nagdulot ng pagtaas
8. D ng ilang lupain ang naging dahilan ng pagkakabuo ng
9. D mga kabundukan na isang prosesong pangheograpiya.

10. B
Malayang gawAIN 2

Pababa Pahalang

1. Mali (Heologo)
6. Crust 1. Arkipelago
2. Mali (Permian)
7. siyensiya 2. Laurasia
3. Mali (Pangaea)
8. teorya 3. Gondwanaland
4. Tama
9. mananaliksik 4. Oceaninic Island
5. Tama
10. Heograpiya 5. Tectonic Plate

Malayang tayahin 1 Malayang gawAIN 1

15

You might also like