Ap6 Q1 W3 Module For Teacher

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Mga Pangyayaring Naganap sa
Panahon ng Himagsikang Pilipino
Araling Panlipunan – Ika-anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Ang mga Pangyayaring Naganap sa Panahon ng
Himagsikang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Nery O. Sabulao


Charles S. Cadayday
Editor: Gervie S. Garces
Tagasuri: Nieves S. Asonio
Tagaguhit:
Tagalapat: Richie C. Naingue
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: [email protected]
6

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Mga Pangyayaring Naganap sa
Panahon ng Himagsikang
Pilipino
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Mga Pangyayaring Naganap sa Panahon ng Himagsikang
Pilipino!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
3 Mga Pangyayaring Naganap sa Panahon ng Himagsikang Pilipino!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

iii
iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

7. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

8. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Sa modyul na ito, matatalakay ang mga pangyayaring naganap sa unang yugto ng


himagsikang Pilipino ang Digmaang Pilipino-Espanyol mula 1896-hanggang 1898.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan kung paano nagkakabuklod-
buklod ang mga Pilipino upang isulong ang rebolusyon at iba’t-ibang paraan ng pag-aalsa.
Tatalakayin din ditto kung paanong ang kawalan ng pagkakaisa ay naging sanhi upang hindi
lubos na makamtan ang inaasam na kalayaan.

MELC: Nasusuri ang mga dahilan at pangyayaring naganap sa panahon ng


Himagsikang Pilipino (Sigaw sa Pugadlawin, Tejeros Convention,
Kasunduan sa Biak-na-Bato)
(AP6MK- Ic-5ka)

May tatlong aralin sa modyul na ito:


Aralin 1: Ang Sigaw sa Pugad-Lawin
Aralin 2: Ang Kumbensyon sa Tejeros
Aralin 3: Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito inaasahan na:

1. Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa panahon ng Himagsikang


Pilipino

2. Napag-uugnay-ugnay ang mga pangyayari sa panahon ng Himagsikan;


Sigaw sa Pugad-Lawin, Kumbensyon sa Tejeros at Kasunduan sa Biak-na-Bato

3. Naipagmamalaki ang kagitingan ng mga Pilipino na harapin ang


hamong makipaglaban tungo sa kalayaan

1
Subukin

Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong
kwaderno.

1. Ang posisyon ni Andres Bonifacio sa pamunuan ng mga maghihimagsik sa naganap na


kumbensyon sa Tejeros ay:
A. pangulo
B. kapitan heneral
C. director ng interior at lokal na pamahalaan
D. director ng digmaan

2. Sino ang namagitan sa Kasunduan sa Biak-na-Bato?


A. Gobernador Heneral Primo de Rivera
B. Emilio Aguinaldo
C. Cayetano Arellano
D. Pedro Paterno

3. Ano ang ibig sabihin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato ?


A. Kastila pa rin ang mamumuno sa bansa.
B. Pilipino ang mamumuno sa bansa.
C. Malaya na ang mga Pilipino.
D. Mananatili ang isang Pilipino na mamuno ng bansa.

4. Anong pangkat ng Katipunan na nagnais palitan ang KKK ng isang pamahalaang


rebolusyunaryo?
A. Magdalo C. Mesiyaniko
B. Magdiwang D. Junta

5. Sino ang tumutol na bigyan ng puwesto si Andres Bonifacio sa Pamahalaang


Rebolusyunaryo?
A. Candido Tirona C. Mariano Trias
B. Daniel Tirona D. Emilio Aguinaldo

6. Isang pangyayaring naghdyat ng himagsikan ng mga Pilipino at Espanyol.


A. Ang Republika ng Biak-na-Bato.
B. Pagsuko ng mga rebolusyunaryo
C. Tejeros Convention
D. Unang Sigaw sa Pugad-Lawin

2
7. Anong bagay ang pinunit ng mga Pilipino tanda ng pagkamamamayan sa ilalim ng
Pamahalaang Espanyol?
A. Birth Certificate C. Pagbubuwis
B. Sedula D. Marriage Licence

8. Saang bansa nagtungo si Emilio Aguinaldo bilang pagsunod sa Kasunduan sa Biak-na-


Bato?
A. Hongkong C. Paris
B. Guam D. Amerika

9. Nahatulang mamatay ang magkapatid na Andres at Protacio Bonifacio


sa kasalanang;
A. pagtataksil sa bayan
B. pagkampi sa Kastila
C. pandaraya sa eleksyon
D. pagpapabaya sa tungkulin

10. Ang pangkat Magdiwang ay kay Andres Bonifacio, at ang kay


Emilio Aguinaldo naman ay pangkat____________________.
A. Magtanggol C. Magdalo
B. Magalang D. Magsadia

3
Aralin 1 Ang Sigaw sa Pugad-Lawin

Ito ay nagtatalakay sa kahalagahan ng Pugad-Lawin na naging hudyat ng


ng pagsisimula ng Unang Himagsikang Pilipino.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:


K: Nasusuri ang mga pangyayari sa Himagsikan
S: Natatalakay ang mga pangyayari sa Pugad Lawin
A: Napapahalagahan ang epekto ng pangyayari sa Sigaw sa Pugad Lawin

Balikan
Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin lamang ang sagot na nasa kahon.

1. Ang __________ ay itinatag ng mga mag-aaral na Pilipino sa Espanya.

2. Tinawag na mga ___________ ang mga kasapi ng samahang Katipunan.

3. Pinamunuan ni ___________ ang mga gawain ang Katipunan.

4. Nakalahad sa _________ ang mga turo ng Katipunan.

5. Isinulat ni Emilio Jacinto ang kartilya ng katipunan kaya tinawag siyang _______.

6. Si _____________ ay anak ni Melchora Aquino.

7. Nagdesisyon ang mga katipunero na ituloy ang himagsikan sa kabila ng maraming


kakulangan nila nang ____________.

8. Si Andres Bonifacio ay gumamit ng sagisag-panulat na ________________.

9. Tinawag na __________ ang mga bagong miyembro ng Katipunan.

10. ___________ ay gamit na titulo ni Bonifacio bilang pinuno ng katipunan.

4
Suriin
Aralin 1 Ang Sigaw sa Pugadlawin

Nabunyag ang lihim ng Katipunan nang ikinumpisal ito ng kapatid ni Teodoro Patiño
kay Padre Mariano Gil noong Agosto 19, 1896 kaya hinalughog agad ng mga sundalong
Kastila ang palimbagan ng Diario de Manila at natuklasan ang
mga patalim, resibo at dokumento ng Katipunan. Pagkatapos
mabunyag ang lihim ng Katipunan, tinipon agad ni
Andres Bonifacio ang mga Katipunero sa Balintawak,,
isang nayon sa Kalookan, at nagtipon sa Pugadlawin
noong Agosto 23,1896. Dito ay nagpulong sila sa bahay ni
https://filipiknow.net/things- Juan Ramos na anak ni Melchora Aquino, kilala bilang
from-philippine-history/
“Tandang Sora” at “ Ina ng Katipunan”.

Noong Agosto 23, 1896, naganap ang makasaysayang Sigaw sa Pugadlawin. Pinunit
nila ang kanilang cedula, tanda ng kanilang paghiwalay sa Espanya, kanilang itinaas ang mga
sandata kasabay ng malakas na pagsigaw ng “Mabuhay ang katagalugan!” Ito ay sa
pamumuno ni Andres Bonifacio ang Supremo ng Katipunan.
Bagamat pinagpayuhan ni Dr. Jose Rizal sa Andres Bonifacio na huwag munang
mag-alsa dahil hindi pa sila handa, isinulong din niya ang pag-aalsa ng Katipunan. Ang unang
pakikipaglaban ng mga Katipunero ay naganap noong Agosto 1896 sa Pasong Tamo sa
Bulacan at tinawag itong Labanan sa Pasong Tamo. Sinalakay din nila ang imbakan ng
pulbura sa San Juan del Monte noong Agosto 30 at tinawag itong labanan sa San Juan del
Monte na kalaunan ay naging Labanan sa Pinaglabanan. Lumaganap ang labanan sa kalapit
pook. Nagitla si Gobernador Heneral Ramon Blanco ng makitang nag-aalsa ang buong
Katagalugan. Kinabibilangan ito ng walong lalawigan: Batangas, Cavite, Laguna, Maynila,
Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Pampanga. Ang mga lalawigang ito ay ang bumubuo ng
walong sinag ng araw sa ating pambansang bandila. Upang mapigil ang paglaganap ng
rebolusyon ay iniutos ng Gobernador Heneral ang pagdeklara ng batas militar sa walong
lalawigan.
Source: https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/q2-lesson-11-katipunan

Sagutin mo sa iyong kwaderno ang sumusunod na mga tanong:


1. Ano ang tawag sa samahang mapaghimagsik na itinatag ni Andres Bonifacio
na nagnais na hanguin ang mga Pilipino sa labis na pagpapahirap ng mga Espanyol?
2. Ano ang ibig sabihin ng pagpunit ng cedula ng mga Katipunero?
3. Makatarungan bang daanin ng mga katipunero sa rebolusyon ang kanilang pagha-
hangad ng kalayaan?
4. Sa inyong palagay,tama bang sinimulan ni Andres Bonifacio ang paghihimagsik kahit
pinayuhan siya ni Dr. Jose Rizal na hindi pa sila handa?

5
Pagyamanin

Gawain A

Ayusin ang mga aytem ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa Kasaysayan. Isulat ang bilang
1 kung unang pangyayari at bilang 10 kung huling pangyayari. Isulat ito sa iyong sagutang
kwaderno.

_________ Sigaw sa Pugadlawin

_________ Pagkatuklas sa lihim ng Katipunan

_________ Labanan sa Pinaglabanan

_________ Tinipon ni Bonifacio ang mga Katipunero sa Balintawak

_________ Paglaganap ng rebolusyon sa iba pang mga lalawigan

_________ Pagpunit ng mga Pilipino sa kanilang sedula

_________ Lumaganap ang labanan sa kalapit na pook

_________ Pagdeklara ng Batas Militar sa walong lalawigan

_________ Naganap ang unang pakikipaglaban sa Pasong Tamo

_________ Natuklasan ang mga patalim, resibo at dokumento ng Katipunan

6
Aralin 2 Ang Kumbensyon sa Tejeros

Ito ay nagtatalakay sa pag-aagawan ng liderato ng rebolusyon at kahalagahan ng


pagkakatatag ng Kumbensyon sa mga Pilipino.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:


K: Masusuri ang mga pangyayari sa Kumbensyon sa Tejeros
S: Matutukoy ang epekto ng alitan nina Bonifacio at Aguinaldo
A: Mabibigayang halaga ang pagkatatag ng Kumbensyon

Balikan

Sagutin lamang ng TAMA o MALI ang bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

_______ 1. Nagpulong sa bahay ni Juan Ramos anak ni Melchora Aqiuino ang mga
Katipunero.

_______ 2. Hindi pinayuhan si Andres Bonifacio ni Jose Rizal.

_______ 3. May walong lalawigan ang nag-alsa sa Katagalugan.

_______ 4. Naganap ang makasaysayang sigaw sa Pugadlawin noong


Agosto 23, 1896.

_______ 5. Tinipon agad ni Andres Bonifacio ang mga Katipunero sa Balintawak.

_______ 6. Pinunit ng mga Katipunero ang dalang birth certificate.

_______ 7. Ang ibang tawag sa Labanan sa San Juan del Monte ay Labanan
sa Pinaglabanan.

_______ 8. Nagdeklara ng batas military sa walong lalawigan na nag-aalsa.

_______ 9. Si Macario Sakay ang nagbunyag ng Katipunan.

_______ 10. “Mabuhay ang Katagalugan!” ang mga katagang isinigaw ng mga
Katipunero

7
Suriin
Aralin 2 Kumbensyon sa Tejeros

Ang Kumbensyon sa Tejeros (mga kapalit na


pangalan ay ang Kapulungan ng Tejeros at Kongreso ng
Tejeros) ay isang pagpupulong na ginanap sa pagitan ng
hating Magdiwang at Magdalo ng Katipunan sa San Francisco
de Malabon sa Cavite noong Marso 22, 1897. Ito ang kauna-
unahang pampanguluhan at pang-ikalawang panguluhang
http://ilovepinoyheroic.blogspot.com/
2012/10/tejeros-convention_8.html halalan sa kasaysayan ng Pilipinas kahit na ang mga
Katipunero (mga kasapi ng Katipunan) at hindi ang
pangkalahatang populasyon ang nakapaghalal.Ang namuno
dito ay si Andres Bonifacio Ang mga nahalal ay sina: Piniling Pangulo (ipinagpalit kay
Andres): Emilio Aguinaldo, Pangalawang Pangulo: Mariano Trias,Mga Direktor na
pandigma: Artemio Ricarte, Kapitan Heneral at Emiliano Riego de dios, at Direktor sa
Panloob: Andres Bonifacio
Naging popular ang konseho ng Katipunero sa Cavite dahil sa isang magiting na lider
si Heneral Emilio Aguinaldo ng mga Katipunero. Sa panahon ng pakikipaglaban sa mga
Espanyol, nahahati ang mga Katipunero sa dalawang
pangkat: Magdiwang na pinamunuan ng tiyuhin ng asawa ni
Bonifacio na si Mariano Alvarez at Magdalo na pinamunuan
ni Baldomero Aguinaldo na Pinsan ni Emilio Aguinaldo.
Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang pangkat tungkol sa
pagpapalit ng pamunuan. Upang malutas ang suliranin,
nagkasundo ang mga katipunero na ganapin ang
Kumbensyon sa Tejeros noong Marso 22, 1897 at http://allheroesph.com/aguinaldo
and-bonifacio/
napagkaisahan ang pagtatatag ng isang bagong
pamahalaang papalit sa Katipunan.
Nahalal na bilang pangulo si Emilio Aguinaldo at nahalal namang Direktor Panloob si
Andres Bonfacio. Ang pagkahalal ni Bonifacio ay tahasang tinutulan ni Daniel Tirona sa
dahilang mababa lamang ang pinag-aralan ni Bonifacio. Nagalit si Bonifacio at idineklarang
walang bisa ang halalan at umalis kasama ang kanyang pangkat na nagtungo sa Naic, Cavite
at doon sa Asamblea sa Naic itinatag niya ang isang pamahalaang hiwalay sa itinatag sa
Tejeros.
Nalaman ni Aguinaldo ang pagtatag ng sariling pamunuan ni Bonifacio at itinuring niya
itong pagtataksil, kaya iniutos niya ang pagdakip dito at sa mga kasamahan ngunit nanlaban
ang mga ito. Napatay sa laban ang kapatid ni Bonifacio samantalang si Bonifacio, asawang
si Gregoria, at isa pang kapatid na si Procopio ay nadakip. Nilitis ang magkapatid at
napatunayang nagkasala kaya sila ay hinatulan ng kamatayan. Noong Mayo 10, 1897,
napatay ang magkapatid sa Bundok Nagpatong sa Maraondon, Cavite.
https://historiakto12curriculum.blogspot.com/2013/10/mga-pangyayari-noon-sa-
pilipinas.html

8
Mga Katanungan:
1. Kailan naganap ang kumbensyon?
2. Sino ang nahalal na pangulo sa panahon ng kumbensyon?
3. Sino ang tumutol sa pagkahalal ni Bonifacio bilang director ng Interyor?
4. Tama ba na nag-aagawan sa pwesto at nagtatalo ang mga pinuno ng bayan
sa panahong ito?
5. Ano ang nakita mong kulang pa sa mga Pilipino upang maging matagumpay
sa pakikipaglaban?

Pagyamanin
Gawain A
A. Andres Bonifacio
Pagtambalin ang mga pangyayari sa Hanay A
sa Hanay B. Isulat lamang ang titik B. Daniel Tirona
ng tamang sagot sa katapat ng bawat bilang.
C. Procopio
1. Pinuno ng Pangkat Magdalo
D. Emilio Aguinaldo
2. Pamahalaang hiwalay sa itinatag sa Tejeros
E. Marso 22, 1897
3. Napatay ang magkapatid na si Andres at
Procopio Bonifacio F. Baldomero Aguinaldo

4. Tumutol sa pagkahalal ni Andres Bonifacio G. Mariano Alvarez

5. Ginanap ang pagpupulong sa pagitan ng H. Asamblea sa Naic


dalawang pangkat
I. Bundok Nagpatong
6. Naganap ang Kumbensyon sa Tejeros
J. Primo de Rivera
7. Nahalal na director sa Panloob
K. San Francisco de Malabon
8. Pinuno ng pangkat Magdiwang

9. Kapatid ni Andres Bonifacio

10. Nahalala na bagong pangulo sa


Kumbensyon

9
Aralin 3 Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato

Sa araling ito malalaman natin kung ano ang kasunduang naganap sa Biak-na-Bato
at kung paano ang pagsuko ng mga lider ng rebolusyon.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:


K: Matutukoy ang mga pangunahing pangyayari sa pakikipaglaban
S: Mailista ang mga ambag at suliranin ng mga lider sa rebolusyon
A: Mabigyang halaga ang pagtatayang ginawa ng mga Pilipino upang makamit ng
kasarinlan

Balikan
Tukuyin kung ano/sino ang nasa larawan. May dalawang (2) puntos bawat tamang
sagot.

1. 4.

http://ilovepinoyheroic.blogspot.com/
2012/10/tejeros-convention_8.html https://www.google.com/search
?q=andres+bonifacio&source=ln
ms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahU
KEwiqweuonvTqAhVEyYsBHax-
BMwQ_AUoAXoECCAQAw&biw=
1280&bih=610#imgrc=bicB-
yTobKYmkM

2.
https://www.google.com/search?q= 5.
emilio+aguinaldo&source=lnms&tb
m=isch&sa=X&ved=2ahUKEwikzMW https://filipiknow.net/things-
3nfTqAhUCGKYKHcajDJ8Q_AUoAXo from-philippine-history/
ECB4QAw&biw=1280&bih=610#img
rc=Xql1o2rhgfrBEM

3. http://allheroesph.com/aguinaldo
and-bonifacio/

10
Suriin
Aralin 3 Kasunduan sa Biak-na-Bato

Nagpatuloy ang pakikipaglaban ng mga Pilipino dahil sa hiling ni aguinaldo na


ipagpatuloy ang pakikipaglaban. Noong Hulyo 7, 1897 itinatag ni Aguinaldo ang Republika ng
Biak-na-Bato. Isinulat nina at Isabelo Artacho at Felix Ferrer ang konstitusyon nito.
Pinasinayaan ang Republika ng Biak-na-Bato noong Nobyembre 1, 1897 at ang itinalagang
pangulo ay si Aguinaldo. May mungkahi namang pakikipag-usap sa pamahalaang Kastila
para sa kapayapaan dahil nag-alok na ang pamahalaang Kastila ng pagpapatawad.
Nagpahatid kay Aguinaldo ng isang kasunduang pangkapayapaan si Heneral Primo de
Rivera. Nagkusang loob si Pedro Paterno, isang mestisong intsik na mamagitan sa dalawang
panig. Dito nabuo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato sa pagitan ni Heneral Emilio Aguinaldo at
Heneral Primo de Rivera na nilagdaan noong Disyembre 16, 1897.
Parehong may mga hiling ang bawat panig. Itinakda ng kasunduan na; ang mga kawal-
Pilipino ay titigil sa kanilang pakikipaglaban sa mga Espanyol, isusuko ng mga kawal-Pilipino
ang kanilang mga armas at kusang-loob na magpapatapon sa Hongkong si Aguinaldo at iba
pang mga lider ng Republika. Bilang kapalit sa pagsuko, magbabayad ng P800,000 ang
pamahalaang Espanyol sa mga Pilipino. Ipagkaloob ito sa tatlong bigayan; P400,000
pagkaalis ni Aguinaldo, P200,000 kapag umabot na sa 800 sandata ang isinuko ng mga kawal
at P200,000 kapag nagpahayag na ng amnestiya ang Gobernador Heneral.
Hindi natupad ang kasunduan dahil walang tiwala ang mga Pilipino at kastila sa isa’t-
isa. Nasa Hongkong na si Aguinaldo ng mabalitaan niyang hindi nagtagumpay ang
kasunduan. Nagplano syang bumalik upang magtatag ng sariling pamahalaan. Hinimok siya
ng Amerikanong si Spencer Pratt na Konsul sa Singapore na ipagpatuloy ang rebolusyon at
pinangakuan ng Amerikano na tutulungan ang Pilipinas laban sa Espanya. Bumalik si
Aguinaldo sakay ng Amerikanong barkong McCulloch noong Mayo 19, 1898. Naratnan niya
ang mga Pilipinong patuloy na nakikipaglaban at hinikayat na ituloy ito hanggang sa
nagsidaong ang mga Amerikano sa pampang ng Maynila.

Mga Katanungan:

1. Kailan itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato?


2. Sino-sino ang sumulat sa konstitusyon sa Republika ng Biak-na-Bato?
3. Sino ang namagitan sa kasunduang pangkapayapaan ng dalawang panig?
4. Magkano ang kabuuang ibabayad ng mga Kastila sa mga Pilipino ayon sa kasunduan?
5. Paano nahimok si Aguinaldo ni Konsul Spencer Pratt na ipagpatuloy ang rebolusyon?

11
Pagyamanin
Gawain A

Sagutin ang mga tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong
kwaderno.

1. Namagitan sa kasunduan sa Biak-na-Bato.


A. Gobernador Heneral Primo de Rivera C. Cayetano Arellano
B. Emilio Aguinaldo D. Pedro Paterno
2. Ang kabuuang halaga na dapat ipambayad ng pamahalang Kastila ayon sa
kasunduan.
A. P500,000 B. P300,000 C. P800,000 D. P200,000
3. Sino ang naghimok kay Aguinaldo para ipagpatuloy ang rebolusyon?
A. Pedro Paterno C. Cayetano Arellano
B. Konsul Spencer Pratt D. Gob. Hen. Primo de Rivera
4. Layunin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato na_______.
A. itigil ang labanan para sa ikatatahimik ng bansa
B. ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas
C. itago sa lahat ang mga anomalya sa pamahalaan
D. ituloy ang labanan kahit may kasunduan
5. Kailan pinasinayaan ang Republika ng Biak-na-Bato?
A. Nobyembre 1, 1897 C. Disyembre 1, 1897
B. Nobyembre 1, 1898 D. Hulyo 7, 19897
6. Isa sa sumulat sa konstitusyon ng Republika ng Biak-na-Bato.
A. Artemio Ricarte C. Isabelo Artacho
B. Daniel Tirona D. Pedro Paterno
7. Ang tunay na dahilan ng pagkabigo ng Kasunduan sa Biak na Bato.
A. pagkamatay ni Andres Bonifacio
B. pagkabulgar ng katipunan
C. pagsikat ni Emilio Aguinaldo
D. pag-aalinlangan ng mga Kastila at Pilipino sa isa’t-isa
8. Bakit naisipan ni Emilio Aguinaldo na bumalik sa Pilipinas mula Hongkong?
A. naalala ang pamilya C. para ipagpatuloy ang laban
B. sumunod sa kasunduan D. para makapagpahinga
9. Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay nagsasaad na ang mga
rebolusyonaryo ay___.
A. papatawan ng parusa C. papaalisin lahat sa Pilipinas
B. papatawarin sa kasalanan D. pagtatrabahuin sa tanggapan
10. Ayon sa Kasunduan sa Biak-na-Bato, ang P400,000 ay nakalaan para sa__
A. pag-alis ng pangkat Aguinaldo C. pagsuko ng mga armas
B. pagpahayag ng amnestiya D. walang nabanggit
.

12
Isaisip

Ano ang iniwang kaisipan sa mga Pilipino ng kamatayan ni Bonifacio?

Sa iyong palagay, ano ang tunay na dahilan bakit naghangad ng pakikipagkasundo


ang pamahalaang Espanyol sa pamahalaang Rebolusyonaryo?

Kung nabubuhay ka noong panahon ng ika-19 na siglo at nasaksihan mo ang


pangyayari sa panahon ng himagsikan, ano ang iyong magiging reaksyon?

Mayroon pa rin bang katulad ni Daniel Tirona sa kasalukuyan?

Ipagpalagay mo na ikaw ay katipunerong nabuhay noon at nakipaglaban. Itala


sa kwaderno ang naganap na pakikipaglaban mo sa alinmang lugar na pinang-
yarihan sa laban noong panahon ng rebolusyon.

13
Isagawa

Gumawa ng Timeline sa mga Pangyayari sa Panahon ng Himagsikan mula


pagkatuklas ng Himagsikan hanggang Kasunduan sa Biak-na-Bato. Gawin ito sa
iyong sagutang kwaderno.

Pangyayari sa Panahon ng Himagsikan

Agosto 23, 1896 Mayo 10, 1897 Mayo 19, 1898

March 22, 1897 Hulyo 7, 1897

2. 3.
Napatay Naganap 4. 5.
1. Naganap Itinatag ni
ang ang
Bumalik si ang Aguinaldo
magkapati makasaysa
Aguinaldo d na kumbensyo ang
yang
mula sa Bonifacio Sigaw sa n sa Republika
Hongkong sa Bundok Pugadlawi Tejeros ng Biak-na-
Nagpatong n Bato

14
Talahulugan

Kasunduan- ay ang pinag-usapan ng dalawang panig, na napagkasunduang


gagawin, o kaya ang bagay na napagdesisyunan.

Katipon- tawag sa mga bagong miyembro ng Katipunan

Katipunan- isang lihim na samahan na itinatag noong 1892 upang itaguyod ang
kaisipang maka-bayan at rebolusyonaryo sa mga Pilipino

Kumbensyon- lugar kung saan maaaring magtipon ang mga tao ; pinagkasunduan
ng mga bansa o mga partido (Convention)

Lihim- isang sekreto, nakatago at minsan ay kinukubli

Makasaysayan- pag-aaral ng nakaraan, particular kung paano ito nakaaapekto sa


mga tao sa kasalukuyan

Pinasinayaan - unang pagbubukas o pagdiriwang

Rebolusyon- ito ay ang pag-aalsa o pagprotesta ng isang tao o grupo ng


mamamayan laban sa isang pamahalaan

15
Susi sa Pagwawasto

16
Sanggunian

Books:
Mactal, Ronaldo B. Historia: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 7.Quezon City:
Phoenix Publishing House Inc.,2013
Oliveros, Reynaldo D. Kasaysayan ng Mamamamyan ng Pilipinas: Mga Hamon at
Tugon sa Pagkabansa. Quezon City: IBON Foundation, Inc.,2015
Module:
Project Effective and Alternative Secondary Education(EASE): Module 9, Ang
Rebolusyong Pilipino Tungo sa Kalayaan
Internet Sources:
https://historiakto12curriculum.blogspot.com/2013/10/mga-pangyayari-noon-sa-
pilipinas.html
https://www.wikiwand.com/tl/Kasunduan_sa_Biak-na-Bato
https://image.slidesharecdn.com/tejerosconventionandbiaknabatorepublic-
130219192852-phpapp02/95/tejeros-convention-and-biak-na-bato-republic-7-
638.jpg?cb=1441334725
https://www.google.com
https://thepinoysite.files.wordpress.com/2012/06/independence-day.jpg

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: [email protected]
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like