Reviewer in Araling Panlipunan
Reviewer in Araling Panlipunan
Reviewer in Araling Panlipunan
Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat ng malaking pagbabago ng kalagayan ng pamahalaan
ng mga sinaunang Pilipino? Pagdating ng manlalayag na si Ferdinand Magellan.
Ito ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
Kolonyalismo
Ito ang tawag sa isang lugar o bansa na tuwirang kinontrol at sinakop, gaya ng Pilipinas na naging ____ ng
Espanya. Kolonya
Ang mga sumusunod ay mga pangunahing layunin ng Kolonyalismong Espanyol, maliban sa ______.
Masanay ang mga Pilipino sa pagpapaunlad ng sariling kakayahan.
Pinangunahan niya ang pagkakatuklas ng bansang Espanya sa Pilipinas? Ekspedisyon ni Magellan
Sa ilalim ng kapangyarihang panghukuman, ang prayle ay may kapangyarihang _____.
Magpasya kung sino ang ititiwalag sa simbahan
Ang sumusunod ay mga batas na dapat sundin sa pagpapabinyag maliban sa isa. Dapat may dugong
Espanyol ang pamilya ng nagpapabinyag
Naging matagumpay ang mga Kanluranin sa pagtuklas ng mga bagong lupain sa Silangan. Ang panahong
ito sa kasaysayan ay tinaguriang _____. Paggalugad at Pagtuklas
Isa sa layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas ay upang __________. Palaganapin ang
Kristiyanismo
Isa ito sa patakarang ipinatupad ng mga Espanyol na nakaapekto sa kalagayang pangkabuhayan ng mga
Pilipino noon kung saan ekslusibong binibili ng pamahalaan ang mga dahon ng tabako mula sa
tagapagtanim nito. Monopolyo sa Tabako
Alin sa mga gawaing nakatala sa ibaba ang hindi ginawa sa simbahan noon? Pagsasagawa ng nobena sa
pamumuno ng mga ministro
Bakit kailangang Pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong paniniwala? Para ganap na
maipatupad ang Kolonyalismo
Ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa relihiyong Kristiyanismo. Pagpapabinyag sa pari at
pagpapalawak ng mga misyon ng mga prayle
Isa sa mga uri ng kolonyalismo ay ang imperyalismo. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa
Imperyalismo? Ito ay ang pakikialam at tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa
iba pang lupain
Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng katuturan at layunin ng reduccion? Pagbabantay sa mga
katutubo kung ililipat sila sa isang pamayanang madaling masubaybayan ng mga Espanyol
Ano ang paraan na ginamit ng mga Espanyol upang matagumpay nilang masakop ang bansa?
Pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo sa mga katutubo at pagpapakilala ng pamayanang
sibilisado
Ano ang patronato real? Ang patronato real ay nagbigay daan sa praylokrasya sa pagiging
makapangyarihan ng mga prayle sa mga aspektong panrelihiyon, pampolitika at panlipunan. Dahil
dito nagdulot ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga katutubo sa pagtanggap at pakikiangkop,
gayundin, sa pag-aalsa at pamumundok.
Ilang taon ang prebelihiyong ibinigay sa Real Compania de Filipinas sa tuwiran nilang pakikipagkalakalan?
25 years
Siya ang naging tanyag na pinunong Espanyol sa Pilipinas dahil sa pagpapatupad niya ng repormang pang-
ekonomiya. Jose Basco y Vargas
Ito ay tumutukoy sa uri ng pamilihan kung saan ang produkto ng isang industriya ay hinahawakan ng isang
pangkat ng mga nagtitinda. Monopolyo
Siya ang nagbigay-wakas sa monopolyo ng tabako. Gobernador-heneral Primo de Rivera
Ang pondong ipinapadala sa Pilipinas mula Mehiko upang matugunan ang pangangailangan ng kolonya ay
tinatawag na _____. Real Situado
Ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan ay hinirang ng hari bilang kanyang kinatawan sa mga kolonya.
Siya ay tinatawag na _____. Gobernador-heneral
Ito ang tawag sa pamahalaang military na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang matiyak na magiging
mapayapa ang isang teritoryo at susunod sa patakarang Espanyol ang mga nakatira dito. Corrigimiento
Ang Karapatan ng Gobernador-Heneral na pigilan ang anumang kautusan mula sa hari ay tinatawag
na_____. Cumplase
Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil pinag-aaway nila
ang mga Pilipino? Divide and rule
Ang _____ang pinakamaliit na yunit ng Pamahalaang Lokal. Barangay
Nabatid ng mga Espanyol na mahalaga ang isang maayos na Sistema ng pamahalaan kaya itinatag nila ang
____. Pamahalaang Sentral
Ang pinakamataas na pinuno sa Pamahalaang Sentral ay ang _____. Siya ang may katungkulan bilang
tagapagpaganap at kumakatawan sa hari ng Espanya. Gobernador-Heneral
Ito ang tawag sa sapilitang paglilipat ng mga katutubo sa mga pueblo o sentro ng populasyon. Reduccion
Ang ikalawang antas ng pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang ____ na umusbong mula sa
sistemang encomienda. Pamahalaang Lokal
Bakit itinatag ng Espanya ang Pamahalaang Sentral? Madali ang pamamahala sa buong bansa.
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga tungkulin ng isang Gobernador-Heneral? Mamuno sa mga
halalan sa lalawigan
Bakit itinatag ng hari ng Espanya ang Residencia? Masiyasat ng hayag ang mga opisyal
Isa sa mga pangunahing patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang ____. Buwis o tributo
Ang mga panahanan ng mga Pilipino ay magkakalayo ng dumating ang mga Espanyol. Paano hinikayat at
isinaayos ng mga Espanyol ang mga Pilipino na lumipat sa mga pamayanang itinatag nila?
Sapilitan silang pinalipat sa mga pueblo
Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin sa pagpapatupad ng sistemang reduccion?
Madaling pamahalaan, mabantayan at maturuan ng kristiyanismo ang mga Pilipino.
Mahigpit na ipinatupad ng Pamahalaang Espanyol ang sapilitang paggawa o polo y servicio. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa mga panuntunan nito?
Ang mga kababaihan ay magtatrabaho ng sapilitan sa malalaking simbahan
Ang tributo ay ipinatupad ng mga Espanyol upang makalikom sa salaping panustos ang pamahalaan. Alin sa
mga sumusunod ang naglalarawan sa sistemang ito? Sistema ng paninigil ng buwis na maaring bayaran
ng salapi o anumang inaning produkto.
Mariin ding tinutulan ng mga Pilipino ang Polo y servicio. Bakit ganuon na lang mga pagsalungat sa
patakarang ito? Nahihiwalay nang matagal ang kalalakihan sa kanilang pamilya
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pagbabago sa Pamahalaang Espanyol na
nakaimpluwensiya sa pamamahala ng mga Pilipino sa ngayon? natutong pamunuan ang sariling
pamahalaan
Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa pamayanang itinatag ng mga Espanyol MALIBAN sa isa.
Ang tirahan ng dating datu ay katabi ng simbahan
Paano nakatulong ng tanggapan ng Residencia sa pamamahala ng Pilipinas at pagtiyak na hindi
magmamalabis sa tungkulin ang itinalagang Gobernador-Heneral sa bansa?
Iniuulat palagi sa hari ng Espanya ang mga ginagawa ng Gobernador-Heneral
Malayang nakipagkalakalan ang mga sinaunang Pilipino sa mga karatig bansa natin sa Asya. Palitan ng
produkto o barter ang paraan ng pakikipagkalakalan nila. Paano sila nakipagkalakalan sa panahon ng
kolonyalismo? Nakipagkalakalan sa pamamagitan ng Kalakalang Galyon sa bansang Mexico.
Naging isa sa prayoridad ang Kalakalang Galyon sa pagitan ng Pilipinas at Mexico. Alin sa mga sumusunod
ang naging pangunahing epekto ng kalakalang ito sa mga Pilipino? Nawalan ng hanapbuhay at naghirap
ang mga Pilipino
Alin sa sumusunod ang hindi magandang epekto ng kolonyalismong Espanyol sa ating bansa?
Nawalan ng pagkakaisa ang mga sinaunang Pilipino
Ito ay produktong agricultural na hinango mula sa sariwang dahon ng mga halaman na may nicotina.
Tabako
Isa sa naging negatibong epekto ng reduccion sa mga katutubong Pilipino ay ang _____.
Nalayo sila sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan
Ang paninirahan sa pueblo ay batay sa pilosopiyang “bajo el son de la campana” o sa ilalim ng tunog ng
kampana. Ano ang ibig sabihin nito?
Lahat ng naninirahan sa pueblo na naabot ng tunog ng kampana ay dapat maging kristiyano at
sumunod sa mga aral ng simbahan.