Kahulugan NG Reduccion
Kahulugan NG Reduccion
Kahulugan NG Reduccion
ng
Reduccion
Balitaan
Balitaan ng mga
pangyayaring may kaugnayan
sa paksa.
Balik-aral
Laro: Pasahan ng Bola
Ipapasa sa mga mag-aaral ang bola at
sa pagtigil ng awit ay magbigay ng
dahilan kung bakit nagpasailalim ang
mga Pilipino sa Kristyanismo.
Pagganyak: Picture Analysis
Larawan ng pamayanan: Noon
Larawan ng pamayanan: Ngayon
Ano ang masasabi
ninyo sa larawan?Ano
ang masasabi ninyo sa
tirahan noon at ngayon?
Alin sa dalawa ang nais
ninyong tirahan?
Gawain
A. Pagbasa ng Talata
Iba ang anyo ng mga panahanan ng mga
Pilipino nang dumating amg mga Espanyol
sa kapuluan. Layu-layo ang mga
pamayanang Pilipino noon. Malaya ang mga
Pilipino noon kung saan nila gutong
manirahan.
Ang mga hukbong militar ng
Espanyol ang nagbigay-daan upang
magtatag ng bagong panahanan sa
kapuluan. Nagsimula sila sa isang
maliit na pamayaan na kanilang
itinatag sa Cebu.
Ngunit hindi lamang ang mga kawal
ng Espanyol ang nagkaroon ng
malaking papel sa pagtatatag ng
panahanang Espanyol sa kapuluan.
Mahalaga rin ang naging bahagi ng
misyonerong Espanyol sa layuning ito
Dahil sa pagtanggap ng mga katutubo sa
relihiyong Katoliko, minabuti ng mga
paring misyonero na tipunin ang mg tao sa
isang lugar. Ang mga Pilipino sa mga
barangay na nasakop ng mga Espanyol ay
inilipat sa mga bagong panirahan o
reduccion.
Mula sa reduccion, nabuo ang mga bayan
o pueblo na may nakatalagang misyonero.
Ang mga pueblo at mga kasamang
barangay nito ang naging lokal na yunit na
pamahalaan. Ginawa ng mga kinauukulan
ang lugar na pinaglipatan na isang
pamayanan o sentro.
Cricelyn D. Magamong, San Isidro E/S, Antipolo City
May iba’t ibang paran ang ginawa ng
mga paring upang mapabago ang
panahanan ng mga Pilipino.
1. Ang mga pamilya sa isang
barangay ay pinagsama-sama sa
isang lugar at tinawag itong pueblo o
kabayanan.
Cricelyn D. Magamong, San Isidro E/S, Antipolo City
2. Ang mga nakatira sa
baybaying dagat ng di
mapaalis ay ginawang
kabayanan o kabisera.
Cricelyn D. Magamong, San Isidro E/S, Antipolo City
3. Sapilitang pinalipat ng mga pari sa
kapatagan ang mga Pilipinong nasa
kagubatan at kabundukan.
4. Nanatili sa kuweba at liblib na pook
ang Pilipinong hindi narating ng mga
pari.
Cricelyn D. Magamong, San Isidro E/S, Antipolo City
Isinaayos ang pueblo ayon sa
batas kolonyal ng Spain. Sa
bawat pueblo makikita ang plaza
complex. Sa sentro nito ang
plasa at sa paligid ang simbahan.
Katabi nito ang convento at sa
ibang gilid ang mga bahay ng
mga nabibilang na principalia.
Ang reduccion ang naghanda sa
mga Pilipino sa pamahalaang
kolonyal.
Cricelyn D. Magamong, San Isidro E/S, Antipolo City
B.Picture Analysis
Pagmasdan ang dalawang nakalarawan.
Gusto mong turuan ang mga
tao sa pagtatanim ng iba’t ibang
uri ng gulay. Alin ang pipiliin
mong ayos ng panahanan upang
madali mo silang turuan? Bakit?
Cricelyn D. Magamong, San Isidro E/S, Antipolo City
2. Pagsusuri
Tanong:
• Ano ang tawag sa bagong panahanan ng mga
Pilipino noong panahon ng Espanyol?
• Bakit nabuo ang reduccion?
• Sino ang namamahala dito?
• Paano ang naging ayos ng kanilang bagong
panahanan?
• Ano ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino sa
bago nilang panahanan?
Cricelyn D. Magamong, San Isidro E/S, Antipolo City
Paglalahat:
Ano ang
kahulugan ng
reduccion?
Paglalahat:
PAGTATAYA
Lagyan ng bituin ang patlang sa bawat
bilang kung ang pangungusap ay wasto
at araw kung hindi.
_____ 1. Inilipat ang mga
Pilipino sa kanilang bagong
tirahan na tinatawag na
reduccion.
_____ 2. Malaking tulong sa mga
pari ang lapit-lapit na tirahan ng
mga Pilipino.
_____ 3. Nasiyahan ang mga
Pilipino sa bago nilang
panahanan.
Cricelyn D. Magamong, San Isidro E/S, Antipolo City
_____ 4. Ang mga Pilipinong
nakatira sa kuweba at liblib na
pook ay nahikayat na
manirahan sa kapatagan.
_____ 5. Ang parokya ang
pinakasentro ng kabisera.
Cricelyn D. Magamong, San Isidro E/S, Antipolo City
KASUNDUAN
Magsaliksik kung paano
naitatag ang panirahan ng mga
mamamayan sa inyong lugar.
Isulat ang sagot sa inyong
kwaderno.
Cricelyn D. Magamong, San Isidro E/S, Antipolo City