HINUKLOG

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

Nagsimula ang lahat sa alitan, sa pakikipagkompetensya, at sa

madalas na bangayan dahil sa pakikipagtaasan sa larangan ng


akademiko. Pero sa kabila ng lahat ng ito ay sinong mag aakalang
ang dating hindi mapagsama, ngayon ay halos hindi na
mapaghiwalay.
Nahulog sa isa`t isa nang hindi natin namamalayan na para
bang sa isang iglap, paggising ko sa umaga ay mayroon ka ng
malaking parte sa puso ko, maging sa buhay ko.

Nakatapos tayo pareho ng may karangalan ngunit sa


pagkakataon na ito ay wala na ang alitan, pakikipagkumpetensya,
at madalas na bangayan at sa halip ay napuno na ng tuwa at saya
ang ating pagmamahalan. Ngayon ay nandito na tayo sa tunay na
hamon ng buhay na kung saan ay hindi naging madali para sa
atin ang mga pagsubok ngunit naging masaya parin ang ating
bawat sandaling pagsasama dahil alam kong nandiyan ka.

Sa bawat araw na pakikipagsapalaran sa hamon ng buhay,


pagod at sakit ay parang kusang nawawala sa tuwing kapiling ka.
Nagkakaroon ng sapat na lakas upang patuloy na lumaban para
sa ating kinabukasan at sa wakas nagkaroon tayo pareho ng
trabaho, maayos ang nagiging daloy ng relasyon natin na halos
perpekto na.

Naalala ko yung mga panahong napakasaya na natin pareho.


Sa mga simpleng pamamasyal sa mga lugar na may nakakaaliw
na tanawin na kung saan ay halos hindi na matawaran ang
tuwang nakikita ko sayong mga mata at abot langit na ngiti sa
iyong mga labi.

“Mahal, kuhanan mo naman ako ng litrato rito”, saad ko habang


iniaabot sa’yo ang modernong telepono.

“Sige, gandahan mo ang ngiti at postura mo ha?”


“Isa, dalawa, tatlo, mahal na mahal kita Aimee", usal mo habang
nakangiti at nakatitig sa mga mata ko. Awtomatiko naman akong
napangiti ng husto dahil dito at pagkatapos ay dali dali akong
tumakbo papalapit sa’yo upang yakapin at hagkan ka.

“Mahal din kita, Bryan” tugon ko at kitang kita ko ang reaksyon at


sinseridad sa iyong mga mata ang labis na iyong paghanga at
pagmamahal sa akin.
May mga sandali pa na kapag nahihirapan ako sa isang bagay
ay naririyan ka upang sa akin ay gumabay at umalalay.

Sa tuwing may mga hindi tayo pagkakaintindihan ay ayaw na


ayaw mo na matutulog tayo ng hindi nagkakaayos. Ikaw palagi
ang nagpapakumbaba na kahit paminsan minsan ay ako ang
nauna at totoong may kasalanan.
Napakaperpekto mo sa paningin ko. Wala na akong
mahihiling pa at alam ko sa sarili ko na ikaw na, ikaw na ang nais
kong makasama hanggang sa aking pagtanda. Hanggang sa
dumating ang araw na hiningi mo na sa akin ang kamay ko.

Pakiramdam ko ay ako na ang pinaka maswerteng babae sa


buong mundo dahil sa wakas ay magiging asawa na kita at
matatawag kong akin ka na talaga.
......
Ngunit dumating ang hindi inaasahan. Hindi mo nga
masasabi kung ikaw ba talaga ang nakalaan. Kahit kailan hindi
ko inaakalang ganito pala ang hahantungan ng ating
pagmamahalan.
Abala ang lahat sa paghahanda. Sa wakas, ay mangyayari na
ang araw na iyong pinakahinihintay. Napakaespesyal ng araw na
'to para sa'yo dahil alam kong matagal mo ng hiling ang makasal
sa iyong tahanan. Ngunit ito din ang araw na kung saan
matutuldokan na ang aklat na matagal na nating binuo't hindi
sinukuan.
Sa dulo ng pasilyo ay nakita kita. Nakita ko ang lalaki sa
umpisa ng aking istorya ngunit hindi ang wakas na aking
inaasam.

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa maganda niyang mukha.


Ngunit sa bawat hakbang ko ay siyang pagkirot ng dibdib ko.
Dapat nagwawala ang mga alitaptap sa aking tyan ngayon ngunit
pinsala ang aking nararamdaman. Hindi nalang sana pinagtagpo
kung hindi rin tayo ang dulo ng walang hanggan.

Papalapit na kami at sa wakas ay isang hakbang na lang. Mas


lalong lumapad ang ngiti mo habang nakatitig sa babaeng mahal
na mahal mo na papalapit sayo.
Nagbabadya naman ang mga luha sa mata ko.
Dumating na nga kami sa dulo ng pasilyo kung saan humalik
ka sa aking noo habang binibigay ko ang kamay ng kaibigan ko at
hinawakan mo ito. Doon ko napagtanto, ang kamay niya ay hindi
para sa aking panunungkulan. May nakalaan palang may-ari
nang hindi ko namamalayan.
Inalalayan mo siya papunta sa altar at ako naman ay tumakbo
sa gilid, hinahanda ang sarili upang kantahin ang kantang
matagal mo ng hiling sa akin.
"Love, kapag ikakasal tayo gusto ko 'Beautiful in white' yung
kanta, at gusto ko ikaw ang kakanta " naalala ko ang linyang ito
dahil dati palang bukambibig mo ito sa akin.

Ako nga ang kakanta, ngunit bilang abay sa kasal at hindi bilang
nobya na dadalhin mo sa harap upang magpalitan ng panata.
Sa bawat pagkanta ko sa liriko ng kanta ay siyang pagbuhos ng
luhang kanina pa nagbabadya. Sa wakas ay natagpuan namin ang
aming sariling kapayapaan at kalayaan, ngunit sa bisig ng ibang
panauhan.

Natapos ang kanta at natapos ang seremonya. Papunta ang lahat


sa dagat, kung saan isusunod ang pagdiriwang ng bagong kasal.

Habang papunta ako sa dagat, bitbit ang bulaklak ko ay may


biglang yumakap sa akin. Ito ang yakap na kailangan ko.
"Okay ka lang ba? Bakit pumayag ka pa na sumali dito?" tanong
ni Brielle. Isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ko.

"Kailangan kong tuparin ang huling hiling niya sa akin kahit


masakit. Ang kantahin ang paborito naming kanta pero sa kasal
niya" sagot ko at hinigpitan ang yakap sakanya.
"Ano bang nangyari sa inyo?" tanong niya muli.

"Iniwan ka ba niya?"

"Hindi" maikli kong sagot.

"Iniwan mo ba siya?"

"Hindi rin"

"Iniwan kami ng pag-ibig" dagdag ko.


"Ha? Pero bakit? Bakit hindi ikaw yung kinasal sakanya? Sa loob
ng limang taon perpektong perpekto na yung istorya niyo. Okay
na okay kayo?" nagtataka niyang tanong.

"Tinanong ko rin yan sa sarili ko. Pero hayaan mo na. Mahirap


man pero kontento na ako sa ganito. Ang tinitingala at
pinapangarap na lang siya mula sa malayo" sa sarili ko lang.

"Alam ng mundo kung gaano katapang ang pinagsamahan namin,


kaya sinira nito ang isa sa amin at pinanood ang isa pa na
maglaho" nasasaktan kong sagot.

"Ea perooo pasensya ka na ha, pero bakit yung kaibigan mo pa?


Bakit hindi nalang iba? Malapit kayong dalawa ni Anica" aniya.
Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Marami nga ang
umaasa sa amin ngunit

"Dahil nakabuo sila habang ako pa"


"Pero mahal nila ang isa't isa Brielle, wala na akong magagawa"

-------------------------------------------

Pumasok ako sa venue ng kasal pagkatapos kong mag-ayos.


Maraming mga tao at maingay ang paligid. Nag-iiyakan ang
karamihan sa mensahe ng bagong kasal. Nagkaroon ng konting
programa bago kumain. Pagkatapos, nagsayawan ang lahat.
Maraming mga magkasintahan ang nasa unahan at sumasayaw sa
kantang 'A thousand years'. Masyadong mabagal ang musika at
mabagal rin ang galaw ng mga tao.
Tumayo ako at akmang aalis na. Nung paalis na sana ako upang
umuwi dahil sa pagod ay may biglang humatak sa akin, papunta
sa gilid.

"Maaari mo ba akong isayaw bago mo ako tuluyang talikuran?" si


Bryan.

Nagulat ako, ngunit hindi na ako umimik at sinundan ang


kanyang pagsayaw. Ito na ang huli naming sayaw, kaya
sasamantalahin ko na ang bawat sandali.
"Sa huli, hindi ito kuwento ng pag-ibig, kuwento lamang ng
pag-ibig"

You might also like