Starting Over Again

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Starting Over Again

By: Brix M. Gabriel

Apat na taon na rin ang nakakalipas. Apat na taon na simula noong iniwan mo ako ng
walang paalam. Dalawang taon na lagi kong sinisisi 'yung sarili ko kung may nagawa ba akong
mali at iniwan mo na lang ako ng basta-basta.

Ilang beses kong sinubukang tawagan ka pero nagpalit ka na ng cellphone number. Ilang
beses kong sinubukan na hanapin ka sa social media pero wala, wala akong makita ni anino mo.
Tinawagan ko ang lahat ng nakakakilala sa'yo para tanungin kung nasa'n ka pero wala silang
alam. Lahat ng lugar na madalas nating puntahan ay halos araw-araw kong pinupuntahan pero
hindi ako binigyan ng pagkakataon ng tadhana para makita ka.

Bakit ka ba umalis? Bakit hindi mo man lang ako binigyan ng rason kung bakit ka
umalis? Sa lahat ng taong alam kong hindi ako iiwan bakit ikaw pa ang gumawa sa akin ng
bagay na ‘yon? Nagtanong ako ng walang katapusang bakit pero kahit isa wala akong nakuhang
sagot.

Hanggang sa nakilala ko si Bryan, dalawang taon na rin ang nakararaan. Si Bryan 'yung
taong hindi ako iniwan sa kabila ng nararamdaman kong lungkot. Si Bryan 'yung taong laging
andyan sa tuwing kailangan ko ng masasandalan. Si Bryan 'yung taong hindi nagsawang
intindihin ako sa kabila ng lagi kong pag-iyak nang dahil sa'yo.

Hanggang isang araw napagtanto ko na lang kung bakit hanggang ngayon ay iniiyakan ko
pa rin ang isang taong wala nang pakialam sa akin. Kung bakit nagpapakadurog pa rin ako sa
isang taong iniwan na lang ako nang basta-basta. Kung bakit ba umaasa pa rin ako na sana…sana
balikan mo ako gayong kahit na anong klaseng pagpaparamdan ay hindi mo nagawa.

“Melissa! Let’s go on a date?” Aya sa akin ni Bryan.

Si Bryan. Gwapo. Mabait. Matalino. Isang lalaking magugustuhan ng kahit na sinong


babae. He's a dream guy every girl wants to have.
But part of Bryan reminds me of you. Maalalahanin. Gagawin ang lahat para sa taong
mahal. Magiging katawa-tawa sa oras na nalulungkot ako para lang mapangiti ako. Mag-jo-joke
pero laging waley.

That’s why everytime I see in Bryan’s eyes, I remember you.

Pero mali pala ako na tingnan si Bryan na isang katulad mo. You are very different
compared to Bryan dahil siya hindi ako iniwan.

“Ofcourse." Masayang pagtugon ko kay Bryan.

Nagpunta kami sa isang pinakamalapit na mall.

He's holding my hands everytime na lagi kaming magkasama. One time He said, “I don’t
want to let you go nor lose you.” and that’s make me feel happy and contented for having him in
my life.

Naalala ko halos anim na buwan na nanligaw si Bryan sa akin. Anim na buwan ko


siyang pinahirapan but he didn’t give up.

Naalala ko nga na minsan ko siyang sinubok. Pinagsalitaan ko siya ng pinakamasasakit


na salita para tigilan niya na ako. Akala ko titigil na siya. Akala ko maaapektuhan siya ng todo
pero nagulat ako dahil inakap niya lang ako at sinabing, “Kahit na ilang beses mo akong
ipagtabuyan, kahit ilang beses mo akong saktan, hindi ako susuko sa'yo dahil ipinangako ko sa
sariili ko na hindi ko na dapat pakawalan ang isang tulad mo."

Umiyak ako nang marinig ko ang mga salitang iyon. My heart melts for him. May mga
tao pa palang tulad niya na handang maging martyr at magpakatanga para sa isang babaeng tulad
ko. May mga tao pa palang tulad niya na kahit na anong pagsubok ang ibigay mo sa kanya ay
handa niyang harapin para lang sa'yo.

Hanggang sa dumating na nga 'yung araw nang pagsagot ko sa kanya. Well, after all,
deserve niya ang sagot kong OO.

I’m really thankful dahil pinili kong mahalin ang taong alam kong hindi ako iiwan at
hindi ako pababayaan. He proved me that he’s worthy for my love.
But I guess, I’m luckier to have him than he had me.

“Where do you want to go after this?” Tanong niya sa akin dahil malapit nang matapos
ang movie na pinapanood namin

“Ahm. Tara na lang sa bahay tapos ipagluto mo ako ng cookies." sabi ko at saka siya
hinalikan sa pisngi.

Gustong-gusto ko kasi ng mga ginagawa niyang cookies everytime na pupunta siya sa


bahay namin. He was graduated HRM kasi kaya imbis na ako ang magluluto para sa kanya he’s
the one doing it for me.

And I? I am now a successful architect.

Naalala ko pa noong mga panahon na minsan tayong nagplano. Sabay tayong nangarap
na matutupad natin 'yung mga pangarap natin. Ikaw bilang engineer at ako bilang architect. Sabi
natin na tayo 'yung magpapatayo ng pinakamaganda at pinakamatatag na bahay sa buong mundo
pero sa isang iglap, nawala ang lahat—nawala ang lahat nang iniwan mo ako.

Nawala ang lahat ng future na pinagplanuhan nating dalawa. We made promises to each
other. We say we will prove the existence of forever. But because you just left me without a
reason, everything faded away.

Ngayon iba na 'yung may hawak ng kamay ko. Iba na 'yung taong nagpapasaya sa akin.
Iba na 'yung tinitibok ng puso ko.

Iba na rin ang taong kasama ko para patunayan ang forever.

Pero ngayon sigurado na akong si Bryan na 'yung taong para sa akin dahil ilang buwan
na lang ay ikakasal na kami. Ilang buwan na lang ay tatapak na ako sa panibagong yugto ng
aking buhay.

Matapos kaming manood ng movie ay nagdiretso na kami sa bahay namin. Naabutan


naman namin sina mama at papa na nanonood ng telebisyon.

Nagmano siya kay mama at papa.


Sa totoo lang ay gustong-gusto nila mama at papa si Bryan dahil sa ipinapakitang ugali
nito. Botong-boto nga sila kay Bryan noong nanliligaw pa lamang siya sa akin. Mas kinikilig pa
nga ata sila sa love story naming dalawa. Ngayon nga ay inaapura na kaming magka-baby para
daw makita na nila 'yung unang apo nila.

Naalala ko nga na minsan kong sineduce si Bryan habang dalawa lang kami dito sa
bahay. Sinubukan kong hubarin 'yung t-shirt niya pero pinigilan niya ako at sinabing “Pakasal
muna tayo babe, I respect you." Nang marinig ko ang sinabi niyang iyon ay napangiti ako at
nasabi ko sa isip ko na nag-e-exist pa pala 'yung ganitong lalaki. 'Yung iba kasi kapag nag-first
move ang babae ay hindi na mapigilan ang hormones nila pero saludo ako kay Bryan dahil hindi
siya nag-take advantage sa akin.

I guess, I really found a perfect guy.

Nagpunta na ako sa kwarto ko para magbihis habang si Bryan ay busy na sa paghahanda


sa lulutuin niyang cookies.

Umidlip muna ako saglit.

Kevin! Kevin!

Naramdaman ko na lang ang pagyugyog ng kamay ko at at bigla akong nagising.

“Babe, okay ka lang?” Alalang tanong ni Bryan sa akin.

Napabuntong hininga ako. Bakit kita napaginipan? Bakit ka umiiyak habang pilit na
inaabot ang kamay ko?

Bakit ngayon ka pa nagparamdam kung kailan masaya na ako? Bakit ngayon ka pa


nagparamdam kung kailan nahanap ko na ang taong mamahalin ko habang buhay? Bakit...bakit
kailangan mo pang sumagi sa panaginip ko. Anong gusto mong iparating?

Bumangon ako at diretsong humarap sa salamin at inayos ang aking sarili.

“Ok lang ako, babe. Are you done? Tara na kumain ng cookies." sabi ko sa kanya at saka
ngumiti.
Lumapit siya sa akin at hinawakan nang marahan ang pisngi ko. Ngumiti siya pero nakita
ko sa mata niya ang pagkalungkot. “I love you, Babe." At saka niya ako hinalikan sa pisngi.

Parang nakaramdam ako ng guilty. Siguro ay narinig niya ang pagsigaw ko ng Kevin
kanina habang nananaginip ako.

Bakit ba kasi napaginipan pa kita!

Nakamove-on na ako kaya hindi na dapat kita isipin. Wala ka nang puwang pa sa puso ko
at hindi ko na dapat intindihin ang taong tulad mo. Nagawa mo akong iwanan nang basta-basta at
kahit na bumalik ka pa ngayon ay huli na ang lahat. Wala nang Melissa ang mamahalin ka.

Sa kabila ng pag-iwan mo sa akin ay wala nang dahilan pa para isipin pa kita.

Bumangon na ako at saka nagpunta kaming dalawa ni Bryan sa kusina para


magmeryenda ng cookies na binaked niya.

Kumuha ako ng isang piraso at saka lumapit kay Bryan para isubo sa kanya 'yung cookie.
Ganoon din ang ginawa niya sa akin.

Ganito lagi ang eksena sa tuwing magmemeryenda kami ng cookies. Laging sweet.
Kuwentuhan ng mga nakakatawang bagay. Asaran. That’s why I really love the moment sa
tuwing nagmemeryanda kami ng cookies dahil ito ang pinaka-bonding naming dalawa.

Nang medyo papadilim na ay nagpaalaam na si Bryan na uuwi na. Kumuha ako ng


payong dahil umaambon sa labas. Inihatid ko siya sa labas hanggang sa makapasok na siya sa
loob ng kotse. Narinig ko naman ang busina nang makalabas na siya ng gate at kumaway naman
ako bilang pamamaalam.

Habang isinasara ko ang gate ay parang biglang tumigil ang ikot ng mundo ko at
napatitig sa'yo. Kahit na medyo natatakpan ng payong ang mukha mo ay aninag na aninag kita.
Dalawang beses pa akong pumikit dahil baka namamalikmata lang ako pero hindi ka pa rin
nawala at namalayan ko na lang na nasa harap na kita.

"Melissa." Sa pagkakasabi mo ng pangalan ko na 'yon ay nakumpirma kong ikaw nga ang


nasa harap ko ngayon.
Hindi nagtagal ay ibinaba mo ang payong mo at nang maaninag ko ang kabuuan ng
mukha mo ay biglang kumirot ang puso ko at bumalik ang lahat ng sakit na ipinadama mo sa
akin. Bumalik ang lahat ng alaala nating dalawa sa isip ko. Bumalik 'yung mga panahong
nagdurusa ako sa kakaiyak dahil bigla ka na lang nawala nang walang paalam.

Nagulat ako nang bigla mo akong inakap nang mahigpit kaya nabitawan ko na rin ang
payong na hawak ko. Hindi ako makagalaw. Para akong na-freeze sa pwesto ko at ayaw mag-
sink in sa utak ko ang nangyayari ngayon. Totoo ba 'to? Totoo ba na nasa harap kita at yakap-
yakap ako?

Sana hindi. Sana hindi totoo 'to dahil kung sakaling totoo, pakiramdam ko madudurog na
naman ang puso ko.

"Sobra kitang na-miss, Melissa. I love you. I love you so much." Ako na mismo ang
humiwalay sa pagkakayakap. Ilang beses kong pinisil ang braso mo at pati ang mukha ay
hinawakan ko rin kung totoo ka ba talaga o naghahalusinasyon lang ako.

"K-kevin?" gulat na gulat kong tanong. Hindi ako makapaniwalang nasa harap talaga
kita.

"Ako nga." Pagkumpirma mo at saka ngumiti.

Biglang napakunot ang noo ko. Unti-unti akong nakaramdam ng galit dahil sa mga
ginawa mo sa akin. Matapos ang apat na taon, ngayon ka lang ulit magpapakita? At ang kapal ng
mukha mong sabihing mahal mo ako, na mahal mo pa ako? Mahal ba ang tawag sa taong bigla
na lang nangiwan nang basta-basta at hindi man lang nagparamdam?

Mabilis na lumatay sa iyong pisngi ang palad ko. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa
mukha mo. "B-bakit?! Bakit ngayon ka lang nagpakita, Kevin?! After 4 years tapos bigla-bigla
ka na lang magpapakita?!" Galit na galit kong sabi. Pakiramdam ko ay ilang sandali na lang ay
tutulo na ang luha ko. "Umalis ka na!" Mabilis kong hinawakan ang pinto ng gate at saka
akmang isasara na pero napigilan mo ako.

"Sandali lang, Melissa. Magpapaliwanag ako." Sigaw mo pero buong pwersa kong
itinulak ang pinto at sa huli ay naisara ko din.
"Wala ka nang dapat na ipaliwanag, Kevin! Matagal na tayong tapos!" Sigaw ko.

"Patawarin mo ako, Melissa. May kailangan lang talaga akong gawin kaya nagawa kong
umali---"

"Kailangang gawin?" Sarkastikong sabi ko. "At ano naman ang importanteng bagay na
'yon at bigla-bigla mo na lang akong iniwan nang walang paalam?" sabi ko habang humihikbi.
Ang sakit sakit. Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang mga luhang pumapatak sa mata ko. "Bakit
hindi mo sinabi? Maiintindihan naman kita pero bakit umalis ka na lang nang basta-basta?!"

"Melissa, please. Makinig ka sa akin." Hindi ko na nagawa pang itapat sa kanya ang
hawak kong payong kaya ngayon ay basang-basa na siya.

"Wala na akong dapat na pakinggan mula sa'yo, Kevin. Kahit na ano pang rason ang
sabihin mo, wala nang magbabago. May mahal na akong iba kaya please lang, tama na. Umalis
ka na lang at 'wag nang magpakita pa."

"Melissa, mahal pa rin kita. I will do everything para mahalin mo ulit ako."

"Wala ka nang magagawa pa, Kevin. Simula nang umalis ka, nawalan ka na rin ng
puwang sa buhay ko."

"Melissa," rinig ko kung paanong bumagsak ang boses mo, gusto kong maawa dahil sa
tono ng pag-iyak mo ay talagang nagsisisi ka pero hindi maalis sa isip ko ang ginawa mo sa akin.
"Please, makinig ka sa akin."

Bumuntong hininga ako nang malalim at malakas ang loob na pagsalitaan siya ng
masasakit na salita. "Paano ko pakikinggan ang boses mo kung noon na gusto kong marinig 'yan,
hindi mo nagawa. Ang tagal kong naghanap ng sagot kung bakit ka bigla ka na lang nawala at
ngayon na tinanggap ko na ang lahat, na wala na akong pakialam sa rason mo, saka ka babalik at
ipapaliwanag ang lahat? Huli na ang lahat, Kevin. Huli na."

Matapos kong bitawan ang mga salitang iyon ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Rinig
ko pa rin ang mga sigaw mo pero hindi ko pinansin. Ayaw na kitang pakinggan. Ayokong
marinig ang mga sasabihin mo.
Hindi ko na dapat pakinggan ang isang taong sinaktan lang ako ng todo.

Nang makapasok ako ng bahay ay sumalubong sa akin si mama at papa. Malamang ay


alam na nila ang nangyari. Saglit lang akong napatingin sa kanilang dalawa at mabilis na akong
nagpunta sa kwarto ko. Alam kong naiintindihan nila ako. Kailangan ko muna ng space.
Kailangan ko munang maging mapag-isa at makapag-isip ng maayos.

Nagpalit muna ako ng damit at saka humarap sa salamin. Bigla na namang tumulo ang
mga luha ko at kahit na anong gawin ko ay hindi ko ito mapigilan. Bakit sobrang sakit? Ang
sakit-sakit. Apat na taon na 'yung nakakalipas, akala ko nakamove-on na ako pero bakit nang
makita kita ngayon parang kahapon lang nangyari ang pang-iiwan mo sa akin? Parang kahapon
lang nangyari simula nang nawasak ang puso ko dahil sa'yo.

Gusto kong itanong kung bakit mo ako nagawang iwan nang basta-basta pero alam kong
wala na ring silbi. Ano pa ba ang halaga ng rason kung huli na ang lahat?

Iniwan mo ako—sapat na ang dahilan na 'yan para hindi na kita pakinggan pa.

Wala nang lugar ang rason mo sa isip ko dahil hindi nito mababago ang kasalukuyan ko.

ILANG LINGGO na rin ang nakakalipas simula nang magpakita ka sa akin. Nagulat na
lang ako nang bigla na lang nag-appear ang pangalan mo sa Messenger ko at sinasabi mong
magkita tayo. Agad-agad kitang blinocked sa facebook para hindi mo na ako ma-message. Pero
noong isang araw ay bigla na lang may nagtext sa akin na magkita at mag-usap daw kami, alam
kong ikaw 'yon pero hindi ko na lang pinansin.

Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Tapos na tayo at wala nang mababago doon.

"Okay ka lang, babe?" Tanong sa akin ni Bryan. Andito kami ngayon sa Jollibee habang
kumakain ng lunch. "Napapansin kong parang hindi maganda ang mood mo nitong mga
nakaraang araw?"

"Okay lang ako." sagot ko at saka ngumiti. Hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanya ang
tungkol sa'yo.
"Sigurado ka?" tanong niya ulit. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mata niyang
nangungusap. Alam kong nag-aalala na siya sa akin. Kinuha niya ang kanang kamay ko at saka
hinawakan ito nang marahan. "I know, there's something bothering you. Tell me, I'm here to
listen. What's the problem, babe?"

Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil sa paglilihim ko sa kanya. Siguro kailangan ko


nang sabihin sa kanya. He's my boyfriend and soon to be my husband kaya hindi ako dapat na
maglihim sa kanya.

"Si Kevin kasi...nagkita kami." Akala ko ay magugulat siya pero nanatili lang siyang
kalmado at hinihintay ang susunod kong sasabihin. "At gusto niyang magkita kami at mag-usap."

Ngumiti lang siya. 'Yung ngiti na para bang walang pag-aalala. "Go ahead."

"Pero, Bryan. Hindi ko na kailangang makipag-usap sa kanya. Tapos na kami at wala na


kaming dapat na pag-usapan pa."

"Di ba, gusto mong malaman 'yung rason kung bakit ka niya iniwan? Ito na siguro ang
panahon para malaman mo 'yung sagot sa matagal mo ng tanong."

"Pero---"

"Do it. Pinapayagan kita. Gagawin mo 'to para tuluyan ka nang makamove-on sa pang-
iiwan niya sa'yo. Kakausapin mo siya para maliwanagan ka."

"Bryan." Malungkot kong saad.

"You need to face him. Alam kong ito na ang tamang panahon to make a reconcilation
with him."

Napabuntong hininga ako. Siguro nga kailangan na kitang makausap. Kailangan kitang
makausap para tuluyan nang makawala ang lahat ng sakit sa puso ko. Para mapalaya ko na ang
nakaraan na pilit akong winawasak.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko kaya ngayon ay hawak na niya ang dalawang kamay
ko. "At kung ano man ang magiging desisyon mo, tatanggapin ko nang maluwag sa puso ko.
Magiging masaya ako para sa'yo."
"A-ano bang sinasabi mo, Bryan?" Para kasing ipinaparating niyang pwedeng
mangyaring mas piliin kita kaysa sa kanya.

"I'm considering the fact na sa oras na malaman mo ang dahilan, pwedeng mabago ang
lahat. Kung acceptable naman ang rason niya nang pag-iwan sa'yo, alam kong may posibilidad
na---" inilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya para pigilan ang susunod na sasabihin niya.

"Sshh. 'Wag kang magsalita ng ganyan." Suway ko sa kanya.

Tinanggal ko na ang hintuturo ko sa labi niya. Ngumiti siya. Alam kong may lungkot sa
ngiti niya—lungkot na baka sa oras na malaman ko ang rason mo ay magbago ang lahat.

Hindi na ulit siya nagsalita at nagpatuloy na lang kami sa pagkain.

KINABUKASAN ay nakareceived ulit ako ng text mula sa'yo. Nireply-an kita at sinabi
kong magkita tayo sa Tagpuan, 'yung mini cafeteria.

Alas-dos nang hapon nang magpunta ako. Pagkapasok ko sa cafeteria ay agad na kitang
natanaw sa gawing gilid. Umorder ka na rin ng frappe at sliced cakes. Umupo na ako at saka kita
tiningnan. Isang mapait na ngiti ang ipinakita ko sa'yo.

Tinitigan lang kita, hinihintay ang sasabihin mo.

Idinusog mo pa sa akin 'yung frappe at cake. "Meryenda muna tayo." Alok mo pero hindi
ko iyon pinansin.

"Sabihin mo na ang mga sasabihin mo. Nagmamadali ako." Sabi ko pero ang totoo ay
wala naman akong importanteng gagawin pagkatapos nito.

Napabuntong hininga ka muna at saka nagsalita. "Alam kong gusto mong malaman kung
bakit kita iniwan nang walang dahilan," huminto ka at tiningnan ako mataman. Nakaramdan ako
ng lungkot sa mga titig mong 'yon. "Dahil nadiagnosed ako na may lung cancer."

Napalunok ako sa sinabi mo. Parang ayaw mag-sink in sa akin ang sinabi mo.
"Kaya bigla na lang akong nawala ay dahil dinala ako nila mommy sa ibang bansa para
doon magpagamot. Kung bakit hindi ko nagawang magpaalam at nagawang magparamdam sa'yo
ay dahil ayokong mag-alala ka. Natatakot ako na baka masaktan ka ng todo pag-nalaman mong
may cancer ako. Ayokong maging pabigat sa'yo by that time dahil sobra na 'yung pressure mo sa
pag-aaral. Ayoko nang dumagdag sa mga paghihirap mo kaya pinili ko na lang na 'wag ipaalam
sa'yo."

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. 'Yong akala kong iniwan mo lang ako
nang walang dahilan pero sobrang bigat pala ng rason kung bakit mo ako iniwan.

Galit na galit ako sa'yo pero hindi ko inisip na mas nahihirapan ka pa pala kaysa sa akin
—na mas mabigat pa pala 'yung nararanasan mo kaysa sa akin.

Bigla mong kinuha ang dalawang kamay ko at ikinulong ito sa magkabilang palad mo.
"I'm sorry, Melissa. Patawarin mo ako kung nagawa kitang iwan." Hindi ko alam pero bigla na
lang tumulo ang luha ko. Ngayon, nasasaktan na ako hindi dahil sa pang-iiwan mo sa akin.
Nasasaktan na ako para sa'yo. Naawa ako para sa'yo.

Binawi ko ang kamay ko at kinuha ang panyo sa bag ko. Mabilis kong pinunasan ang
luha ko.

Parang biglang nawala lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko sa'yo. Nawala 'yung
malaking tinik sa puso ko. Parang bigla na lang naghilom ang sugat ng puso ko.

Umayos ako ng upo at saka kita nginitian. "Kamusta ka na naman na? Magaling ka na
ba?" Kalmado kong tanong. Wala nang galit o inis. "Ayos ka lang ba?"

Tumango ka. "After four years of treatment, naging successful naman. I'm now a cancer
free."

"That's good." Napatango-tango naman ako. "By the way, thank you, Kevin. Salamat
dahil binigyan mo na ng linaw ang lahat. Thank you dahil nasagot na ang matagal ko ng tanong."

Bigla kang naging seryoso. Tiningnan mo ako mataman. Muli mong kinuha ang kaliwang
kamay ko. "I love you, Melissa." Hindi muna ako sumagot. Binawi ko muna ang kamay ko.
Tiningnan rin kita nang mataman. Ngumiti ako, 'yung ngiti na may halong pagkalungkot.
"I'm sorry, Kevin. May mahal na akong iba."

Kahapon bago ako nagdesisyong makipagkita sa'yo ay nagdesisyon na ako—na kahit na


anong mangyari at sabihin mo—ay hindi na magbabago ang lahat. Si Bryan pa rin ang pipiliin ko
kahit na gaano ka-acceptable ang reason mo.

Matagal na tayong tapos. At kahit na ano pang sabihin mo, hindi ko na ipagpapalit ang
kasalukuyang mahal ko sa nakaraan ko.

Hindi dahil bumalik ka ay may babalikan ka pa.

Alam kong nakakalungkot at dapat kong pagbigyan ang rason mo pero mas dapat kong
pangatawanan ang pag-ibig ko kay Bryan.

Inilahad ko ang kamay ko. "I guess, we have to start over." Nakipagkamay ka rin sa akin.
"As a friend...at hanggang doon na lang tayo."

Ngumiti ka. "Friends." Alam kong masakit sa part mo 'to pero alam kong darating ang
panahon na maghihilom din ang lahat ng 'to. Alam kong makakahanap ka rin ng babaeng para
sa'yo.

Hindi man tayo naging para sa isa't isa pero pwede pa naman tayong magsimula
ulit...bilang magkaibigan.

---

You might also like