Spoken Poetry
Spoken Poetry
Spoken Poetry
(Tagalog)
By: Victor Valenzuela
“Huling Tula Para Sa Aking Mga Kaibigan”
Akoy Pumikit, muling naramdaman ang lahat ng sakit
Muling tumulo ang likidong ilang taon kung tinago
Muling bumalik ang sakit ng nakaraang pag ibig
Pero Nung akoy dumilat,
Nasilayan ko kayo mga kaibigan
Nakinig kayo Nung mga panahong ang hirap kong pakinggan
sinamahan nyo ako nung mga panahong ang hirap kong
pakisamahan
Nandyan kayo nung mga panahong akoy parang nasa selda
nakakulog sa nakaraan
kumakapit sa rehas ng kahapon
Nakaupo sa Malamig na bakal ng Pag ibig
Mga Kaibigan, Nais kong kayo ay pasalamatan
Salamat sa mga panahong kayo’y aking naging sandalan
Mga Kaibigan akoy Lilisan na
Kasabay ng mga ala alang pinagsaluhan nating lahat
Salamat sa Ligaya
Ligayang di ko inakalang sainyo ku lng madarama.
Mga Kaibigan Sana sa ating muling pagkikita
Hindi pa natin limot ang isa’t isa
at Sana sa ating muling pagkikita
Gawin natin ulit ang dating ating nakagawian
Mga kaibigan ako ay mamamaalam na
Sapagkat ang wakas ay Nariyan na.
Ang pagtatapos ng tulang to
ay siyang pagtatapos ng mga ngiti sa labi ko.
Simula sa araw na to,
Haharapin ko na muli ang buwan ng mag isa
Hawak hawak ang lahat ng ala ala.
Pangako, hindi ko kayo makakalimutan
Salamat mga kaibigan.
Salamat sa alalang hindi malilimutan
Salamat sa saya na parang wala ng katapusan
Salamat sa mga kalokohang aking natutunan
Mahal na Mahal ko kayo aking mga kaibigan
Hanggang sa huli nating pag kikita
Paalam!
"Mga Napakong pangako"
Para sa mga Taong Nagmahal, Umasa, Pinangakoan, naging tanga,
iniwan, at naging parte nalng ng Nakaraan. sa mga taong naniwala
sa mga binitawang salita.
saan ko ba sisimulan?
sa kung paanong naging Tayo?
O sa kung paanong Naging Kayo?
Sa kung paano nagsimula ang salitang "Ikaw At ako?"
O sa kung paano ka Sumuko?
Sa kung Paano ka nangako?
O sa kung paano ka lumayo?
O baka naman, dapat lng,
Sa kung paano natin sinimulan?
O sa kung paano mo Winakasan?
Na sa kung panong nagyari na ang Lahat satin ay nag karoon ng
katapusan?
Ang alam ko lng kasi,
na mula ng dumating sya.
biglang ang lahat ay nagbago,
Ayyy! mali, mali!
Sya?
Oo sya, sya nga pla.
sya Na minahal mo nmn talaga diba?
na sa Simula't sapul
Ako lang naman ang naging Tanga.
Oo na't mas Gwapo sya,
Oo na't mas macho sya,
Oo na't mas lamang sya.
Pero Mahal?
Diba Nangako ka?
Asan na? Yung mga salitang Kay sarap sa tenga?
asan na?
Yung mga pangakong, "Mahal, Hinding hindi kita susukuan, Hindi
kita iiwan" yung mga salitang "Mahal, Ikaw lng sapat na"
at yung Katagang " Mahal? Mahal na mahal kita".
mahal? asan na? wala na ba?
kasi nandyan na sya?
kasi may pumalit na?
Pero sana mahal,
sana Simula palang sinabi mo na.
para namn makapag handa ako diba?
Di yung, Mawawala ka ng Parang bula.
Mahal,
Ako toh.
Si tanga,
si Tanga na minahal ka ng sobra.
Ako toh Si tanga,
na sayo ay naging tapat.
Pro mahal,
Itong Tangang Toh?
ito yung taong kahit kailan di ka iniwan,
kahit na ilang beses mong pinangakoan.
ito yung tanga na hindi ka sinukuan,
kahit na ilang beses mo ng binitawan.
pero siguro nga Wala na.
Siguro nga huli na.
kasi Mahal,
Kahit Mahal na mahal kita.
Nakakapagod din pla?
Sobra..
kaya mahal,
Paalam na.
Paalam na sa mga Napako mong Mga pangako.
At sa munti nating alaala.
" PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA "
Pinagtagpo pero di tinadhana
Parang pinag kilala pero nag kalimutan
Parang minahal tapos sinaktan
Parang nagkasama pero nag iwanan
Ang daming parang sa salitang pinag tagpo pero di tinadhana
Parang feeling niyo hanggang feeling nalang talaga
Pinagtagpo lang kayo ng tadhana pero di talaga kayo tinadhana
Parang pinana ni kupido pero di naman tumama
Talagang di tama ang salitang pinagtagpo pero di tinadhana
Masakit isipin nakilala mo lang sya para saktan ka
Edi sana kung nakilala mo lang siya para saktan sana niyaya mo nalang
ng suntukan edi sana nakalaban
Pinagtagpo tayo ng tadhana pero di talaga tayo tinadhana sa isat isa
Baka dahil merong kang SIYA kaya walang AKO sa SAYO
Pero maraming salamat sa konting oras na nakilala at natagpuan kita
dahil sayo ko lang nakita ang tunay na halaga ng salitang
PAGMAMAHAL
Pagmamahal? na di pinadama sakin ng iba dahil meron nga ako sa
buhay niya pero humanap pa ng iba
Kaya nag papasalamat padin ako sa salitang pinagtagpo kahit di
tinadhana atleast nakita ko at naramdaman ko ang tunay na
pagmamahal ng isang tao di kagaya ng iba ! na tao nga pero astang
hayop
Yung tipo ng hayop na parang aso yung kahit kanino nalang
pumapatol kahit kakakita lang mahal agad ano parang problema
lang ng bansa ?? Na konting ulan baha agad dahil nung nakita mo
sya konting ngite lang mahal mo agad ganyan talaga ang dahilan ng
pag baha ang plastik kaa dapay magkasama ang plastik at basura
parang yung mahal mo at kaybigan mo
Na minahal mo bilang isang kapatid tapos mahal din pala yung
mahal mo kaya sa mga taong pinagtagpo ng maling tadhana
Itama na agad yan dahil masakit ang salitang pinagtagpo pero di
tinadhana
“WALANG AKO"
Walang ako dahil merong kayo
Walang ako dahil di moko minahal
Walang ako dahil iniwan mo nalang bigla
Walang ako dahil wala akong kwenta
Walang ako dahil meron ng kayo
Kayo na masaya na sa isat isa
Kayo na mahal ang isat isa
Habang ako nag iisa dahil meron ng kayo
Nag iisa dahil iniwan mo nalang ng walang dahilan yung tipong
para kang iphone x na sobrang mahal kaso biglang nahulog sa
kanal! dahil sobrang mahal mo nahulog ka sa maling tao
Diba nakaka pang hinayang yung taong sobrang halaga nawala na
lang bigla
Pero di kana nabigla dahil wala kang pakialam sa aking
nararamdaman
Dahil wala na ngang ako sa buhay mo
Dahil baka meron ng kayo
Pero maraming salamat kahit dahil kahit konting panahon
nag karoon ng ako sa buhay mo hindi nga lang pang
habang buhay dahilnsa ating paghihiwalay kaya ngayon
wala ng ako
Walang ako wala na yung taong mangungulit sayo
Walang ako wala ng mag papaalala sayo kung gaano ka
kahalaga
Walang ako mga salitang ng gulo sa buhay ko
Wala ng ako dahil baka nga meron ng kayooo
"Panaginip"
Maraming tao, Hindi lang ako,ikaw,sya,tayo. T-teka?
Wala nga palang tayo.
Dahil mas pinili mo sya,
Pinili mo syang pagtuunan
ng pansin kesa sakin,sakin na
Nagmamahal sayo ng lubusan.
Kelan mo ba ko mapapansin?
Mapapansin Hindi dahil sa
kahihiyan,kundi bilang espesyal
na tao sa iyong buhay. Yung
Hindi ko na kelangan gumawa
Ng kalokohan para mapansin
mo ko, na Hindi ko na
Kelangang gumawa ng katarantaduhan para mapansin
mo ko. Kelan ba? Hanggang
Kelan ba ko mag papakatanga?
Hanggang kelan ako magtatago
saking anino.
Hindi ko masabi sayo, Hindi
sa takot ako umamin,kundi
takot ako na masaktan,takot
akong layuan mo ko. Ngunit
sa sitwasyon ngayon, Hindi
Pa ko umaamin, kusa ka ng
umiiwas, Ka'y sakit mahal, ang
sakit sakit,isipan na mahal
Kita pero may mahal kang iba.
Andyan ka na naman. Palapit
Sakin. Anong gagawin ko?
Magtatago ba ko? Haharapin ba kita?
Kakausapin ba kita? Kakausapin kita.
Sasabihin ko sayo ang totoong nararamdaman,handa na ko. Handa
Na Kong masaktan. Ngunit sobrang sakit ng lumagpas ka sakin.
Dinaanan mo lang ako na parang hangin. Hindi mo man lang ba ko
napansin? Pero kahit ganon,
Nakaramdam parin ako ng
kilig dahil sa wakas, nakalapit na
rin kita, ang masakit nga lang.
Hindi mo man lang ako napansin.
Gusto Kong sumigaw na "notiss me kwass"pero nandito na naman
yung kaba,kaba na sa pangalawang pagkakataon Hindi mo man
lang
Akong magawang pansinin. Hanggang titig na lang ba talaga ako?
Hanggang assume na lang ba ko?
Sana mabuhay na lang ako sa panaginip dahil sa panaginip,Malaya
kitang nahahawakan at nakakausap at higit sa lahat sa panaginip
lang kaya mo Kong mahalin. Panaginip
Na kaylanman malabong magkatotoo
“Salamat sa Nakaraan”
Bakit pa ba ito sinimulan?
Kung lahat ng simula ay mayrong katapusan.
Mahal, naaalala mo pa ba,
kung gaano tayo kasaya noon?
Namamasyal tayo na magkahawak kamay;
Nagkikwentohan na magkaakbay;
Nagngingitian na animo'y walang problema sa buhay;
Ngunit anong nangyari?
Bigla na lang nagbago,
dahil sa isang pangyayari.
Ngunit di kita masisisi;
Dahil ako mismo ay nagkamali
Umaakto akong matibay,
Ngunit ang puso ay umaaray
Nasasaktan ang puso,
At sarili ay umiiyak ng patago.
Gusto kitang saktan,
Gusto kitang sumbatan,
Gusto kitang sigawan,
Ngunit naalala ko
Wala nga pala akong karapatan.
Dahil pag-ibig ko sa iyo ay hindi dapat ipaghiyawan.
Sapagkat mayroon ng kayo—
Mayroon ng siya at ikaw
At hindi na ako dapat pang makisawsaw.
Masaya naman kayo di ba ?
Masaya ka naman sa kanya diba ?
Edi kayo na!
Balang araw makakalimutan din kita
At makakahanap ako ng mas higit pa,
Ay mali, wag na pala
Masyado ng durog at wasak ang puso--
Para magmahal pa ng iba
Tama na! Masyado na akong nagpapakatanga
Minsan na akong nasaktan
At ayaw ko na itong masundan pa
Kaya aking mahal,
Paalam na!
Salamat sa nakaraan,
Na nagdulot ng pansamantalang kasiyahan
At permanenteng kalungkutan.
Salamat sa nakaraan,
Na madadala hanggang kamatayan.
Salamat sa nakaraan,
Na magiging katibayan
Na lahat ng nagmamahal ay nasasaktan.
Pero hindi dahil sa walang dahilan
Kundi dahil ito ay hindi naipaglaban.
Salamat sa nakaraan,
Na magsisilbing aral sa kinabukasan.
Salamat mahal sa nakaraan,
Na nagmulat sa akin sa katotohanan—
Na lahat ng sinimulan
Ay mayroon din namang katapusan.
At mahal, maraming salamat sa nakaraan
Na dapat ngayon ay kinakalimutan.
"Paalam"
Para sa iyo at para sakin
Alam ko namang di kana masaya
Alam kong wala na akong kwenta
Kita ko sa mga salita na iyong binibigkas
Ay gusto mo nang kumawala at tumakas
Patawad kung ang relasyon natin ay di perperkto
Patawad kung ganito lang ako
Patawad dahil alam kong hirap na hirap kana
Na umintindi at ngayo'y ikay nagsasawa na
Dahil sa panahon na naging tayo
Diko man lang nagampanan yung part ko
Patawad kung di ako yung lalaking tipo mo
Patawad kung di ko na matutupad mga pangako ko
Alam ko namang mas deserve mo na mahalin
Yung mas hihigit pa sa akin
Ayus lang ako
Iwan mo na ako kung yan ang iyong gusto
Magmahal ka nang iba o magloko
Alam ko na wala na akong karapatan sa iyo
Dahil diko naibigay yung deserve mo nung mayroon pang tayo
Lumisan kaman akoy di magagalit
Dapat lang na ikay maghanap ng pag ibig
Na mas higit sa kaya kong ibigay
Humanap ng taong sayo ay babagay
Kung ako lang naman di kita hahayaan
Pero mas pinili mo parin na bumitaw at wag ng lumaban
Ngiti parin aking ipapakita sa tuwing tayo'y magkikita
Unti unti ko rin itong matatanggap
Sa relasyon nating puro paghihirap
Dahil alam kong ayaw mo na
Lamig ay nakikita ko sa iyong mga mata
Magagawa kolang ay palayain ka
Dun nalang ako kung saan ka sasaya
Pero paano na yung pangarap nating dalawa?
Yung binuo natin noong tayo'y magkasama
Yung tipong sa hirap man o ginhawa
Magtutulungan tayo sa lahat ng problema
Siguro nga di mo na ako mahal
Siguro nga di mo rin ako minahal
Hindi naman siguro ako nakakasakal
Siguro nga di na tayo aabot sa kasal
Ngunit bakit ganon lang kadali sayo ang mang iwan
Hindi man lang ako'y nagawang ipaglaban
Sa susunod wag mo ng sabihin na mahal mo ko kung hindi naman
totoo
Wag mo narin sabihin na mahal mo ko kung sa huli ay iiwan mo rin
ako
Oras na siguro para magpaalam
Panahon na para ako ay hayaan
Salamat sa iyong pagmamahal
Patawad kung di tayo nagtagal
Patawad kung sa pagmamahal ikaw ay salat
Salamat dahil nakaramdam ako ng saya
Patawad kung iiwan na rin kita
Salamat sa pag iintindi mo
Patawad kung minsan ika'y aking napapa tampo
Salamat sa mga bilin mo sa araw araw halos
Patawad kung minsan ika'y nagseselos
Ito na ang huling beses na tayo ay magsasabay
Sa himig na pag ibig ang tinataglay
Sa mga sandaling tila pang habang buhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay itinakda at langit ang may akda
Kung pwede ayokong mawala sayo
Huling pag laban na natin to
Huling halik sa iyong noo
Huling pagdidikit ng ating puso
Paalam na sa ating pag ibig na minsa'y pinag isa
Sana ngayon ikaw ay masaya na
Kung pwede lang sana
Dito nalang ako
Dito nalang tayo
Na walang mang gugulo na parang atin na ang mundo
Ngunit hanggang dito nalang talaga
Dito nalang ako magpapakatanga
Matatapos ako sa salitang PAALAM na
Salamat at nakilala kita.
“ISA HANGANG LIMA”
-ISA-
Isang araw pagising ko wala kana
Mahal Bat ganun? akala ko bay iyo ako at akin ka.
Yun pala may iba kana.
-DALAWA-
Dalawang araw kitang hinitay kung babalik kapa
Akoy umasa lang pala
Ang sakit isipin na limot mo na ang pagsasamahan nating dalawa.
-TATLO-
Tatlong Buwan mula nong akoy iwan mong wasak at luhaan
Na tanging alak lang ang gumamot sa pusong wasak dulot nang pag
ibig mong akala ko ay walang makakawasak.
-APAT-
Apat na buwan na ang nagdaan ngunit di parin kita malimutan
Puso koy wasak parin at nasasaktan
Tuwing ikay aking nasisiliyan
-LIMA-
Limang araw matapos ang araw na nakita kita,
Nakita kitang kasama siya sa piling nang bago mo at tunay na kaysa
kaya napag pasyahan kong lilimutin na kita at titigil na ako sa
pagpapaka tanga, Dahil akoy mag papaalam na .
Mahal paalam pagkat tapos na , tapos na ang aking pagiging baliw
sayo na humantong sa puntong pinapatay ko ang sarili ko. ang
tulang to ay pinuputol ko na kasabay nang pagmamahal ko sayo na
ginagawa lamang akong tanga .
“Ulan”
Tahimik ang buong kapaligiran
Tanging nadidinig ay patak ng ulan
Paminsan minsan ay sumasagi sa aking isipan
Ang bawat alaala ng ating nakaraan
Pinipilit man na ibaon at kalimutan
Ngunit sa tuwing dumadating ang ulan
Ang pagdaloy ng alaala ay hindi mapigilan
Katulad din sa pagdaloy ng ulan
Samahan pa ng kidlat at kulog
Na sa pag ibig natin ay siyang sumubok
Huhupa pa ba itong dalang unos?
Mapapawi ba ang walang patlang na pagbuhos?
Pagkatapos magngalit nitong kalikasan
Ay aaliwalas din itong kalangitan
Susungaw ang bahaghari sa di kalayuan
At magbibigay kulay sa kapaligiran
Sana ang pag ibig ay ganyan kadali
Na ang poot at galit ay agad mapapawi
Na pagkatapos bumuhos ng luha sa yong mata
Ay magagawa mong ngumiti at tumawa.