Malayang Tula

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Para Sa Babaeng Nakaputing Damit

- Nang gabing iyon


Ay di ko maramdaman ang kagustuhang matulog
Marahil ay iniisip kita
Naaalala ko yung sandaling una tayong nagkatagpo
Noong sobrang saya ko nang nalaman ang ngalan mo
Naaalala ko yung kaba nung umakyat ako ng ligaw sa inyo
Noong narinig ko ang salitang "tayo na" bahagyang tumigil ang aking mundo
Mula sa mga alaalang iyon ako'y napapangiti
Tila kahapon lamang nang lahat ay mangyari
Di ko namalayan ang pagsikat ng araw
Tumilaok ang manok ng aming kapit-bahay
At saka lamang ako nagising sa katotohanan
Na eto na ang araw na matagal kong hinintay
Ang makita kang muli
Agad akong naligo at nag-ayos
Hinanap ko ang iyong poboritong polo na aking isinusuot
Gayundin ang pabango na gustong-gusto mong ginagamit ko
Sabi mo'y magkita tayo ng ika-8 ng umaaga
Doon sa hardin
Doon sa hardin na madalas nating puntahan
Na punong-puno ng alaala nating dalawa.
Di na ko nakakain ng almusal dahil sa pagmamadali
Dahil ako'y nasasabik nang makasama kang muli
Ika-7 ng umaga ng dumating ako sa ating tagpuan
Kay raming tao ang aking nadatnan
May mga binata at mga kadalagahan
Lahat sila'y nakaayos at magandang pagmasdan
Naalala kita bigla
Naalala ko tayong dalawa
Kasama ang ating mga pangarap para sa isa't isa
Sa habang-buhay ikaw ang nais makasama
Kapwa magkakaputing buhok sa'ting pagtanda
Bubuo tayo ng sarili nating masayang pamilya
...
...
Nang bigla kang bumaba mula sa iyong sasakyan
Ika'y nakaputi at kay ganda mong pagmasdan
Isa kang diwata sa paningin na di mawaglit saking isipan
Ngumiti ka nang makita mo ako sa gawing kaliwa
At nang ika'y papalapit sakin, puso'y napuno ng kaba
Nag-umpisang mangilid ang luha sa aking mga mata
Hanggang sa ika'y sa harapan ko ay makita
Sa bibig ko'y walang tumakas ni isang salita
Hanggang sa sinabi mong "ang gwapo mo sa iyong damit"
Ngumiti ako at di ko namalayan na pumatak na pala ang luha sa aking mga mata
Binulong mo sakin ang mga salitang "Paalam, ito na ang huli..."
Sayang di ko man lang nasabi ang nais kong sabihin sayo
Nang may biglang nag-aya dahil magsisimula na ang seremonya
Niyaya mo akong sumama ngunit sabi ko'y maayos na akong manatili dito
Binuksan na ang pinto ng simbahan
Ika'y aking pinagmasdan
Naglakad at huminto sa kalagitnaan
Sa gitna ng altar ang kamay mo'y kanyang hinawakan
Hanggang sa muling nagkatagpo ang ating mga mata
At doo'y nakita mo ang pag-agos ng aking luha
Tanging pagtalikod na lamang ang maari kong gawin
Nabura ang lahat ng ating pangarap
Wala na ako sa istorya mong uumpisahan
Wala ng tayo na pwede kong balik-balikan
Sana sa umpisa'y di ko hinayaan
Di kita hinayaang mapunta sa kanya
Ngunit eto na marahil ang ating kwento
Tayo ang nagsimula ngunit sa iba nagtapos
Ngunit ako'y nagpapasalamat
Na dumating ka sa buhay ko
Binago mo ang aking pagkatao
At sa susunod na buhay ikaw parin at ikaw lang ang pipiliin ko
Tuluyang tumigil ang aking mundo ng sila'y nagdiwang at nagsabi ng
"Mabuhay ang Bagong Kasal"

******************

Kaliwa't kanang patayan, barilan at nakawan


Nawawalang hustisya na kay hirap matagpuan
Nakababagot ngunit yan ang katotohanan
Sa lipunang ating kinabibilangan.
Kriminal o biktima
Sino nga ba sila?
Masisi mo ba ang kumakalam nilang sikmura
Kung ang mga bagay na dapat ay sa kanila
Ay napupunta sa bulsa ng mga nakakurbata?
Sino nga ba ang totoong may sala?
Silang nasa bilangguan at nagdurusa
Nagbibilang ng araw at taon makapiling ang naiwang pamilya?
O silang nagpapalamig sa komportable nilang opisina
Sugapa sa nakaw na karangyaan na di naman sa kanila?
Sino nga ba ang dapat hatulan ng hukuman?
Sila bang mahihirap dahil sila'y walang kakayahan?
Yan ba ang katotohanan sa likod ng kanilang pinamumudmod na kasinungalingan?
Na ang batas ay hindi ginawa para sa mamamayan
Kundi para sa kanilang may mga pangalan sa lipunan?
Nakakalungkot isipin, kawawang ordinaryong Juan.
Kailanma'y di ka mananalo sa hukom ng kalaban
Sapagkat silang mismong nakaupo roo'y puno ng katiwalian
Dating kapwa mo ngunit nabahiran ng katrayduran na dapat isuka nitong ating bayan.
Labing-isang taon na ang nakalipas, papa
Sa pagpatak ng ika-apat na oras at tatlumpung minuto na tuluyang inaagaw ng liwanag ang kadiliman
ay may isang taong sumambit ng pamamaalam.
Pamamaalam na tila'y isang subyang nakatitinik sa pusong di handang mangulila sa kanyang
pagmamahal.
Pamamaalam na walang kasing sakit na dumudurog, lumalapnos, pumapatay sa buong katauhan.
Pamamaalam na ang pag-iisip na kayo'y maaring magkita pang muli sa isa pang pagkakataon ay
isang kahibangan.
Pamamaalam... Sinong makakapagsabi na ang yakap na mahigpit ng gabing iyon ang siya nang
huling pagkakataon?
Na ang kanyang ngiti at yakap ay isang alalala na pilit mong binubuo sa isip kahit siya'y wala na sa
gayong panahon.
Aking ama... Sa iyong paglisan tila lahat ay nalimutan.
Ang maging masaya, ang tumawa maging ang mangarap ay aking winakasan.
Para san pa ba ang mabuhay?
Para san pa kung ika'y maiiwan?
Para san pa kung ika'y mang-iiwan?
Para san pa ang kasiyahan kung sa dulo nama'y naghihintay ang masalimuot na katotohanan?
Hindi alam paano ang kinabukasan maging paano haharapin ang kasalukuyan
Kasalukuyang di mawari ang patutunguhan
Kasalukuyang punong-puno ng kalungkutan na tila ika'y tumatahak nang nakapiring sa kadiliman na
ang liwanag ay di matanaw sa masikip at mabubog na daanan.
Ano ang kailangang gawin?
Kay daming nais isipin.
Kay daming nais gunitain.
Ngunit sa huli'y natapos din
Nang maisip na kailanman ay di ka na maaring bumalik sa amin.
Sa huling pagkakataon ng buhay ako'y hihiling
Sa Diyos na siyang maylikha sa akin
Nawa'y ako ay kanyang pagbigyan sa nag iisang hiling
Isang kahilingan na tunay na magpapaligaya sa akin.
Sa pag-akyat sa Kanyang kaharian
Ninanais na sa isang minuto'y ako'y Kanyang pagbigyan
Si ama ay muli kong makita't mahagkan
Ang kanyang pisngi ay aking muling mahalikan
Sa huling minuto bago matapos ang aking buhay, ang magkaron muli ng ama ay aking maranasan
At sa huli'y nais iparating sa kanya ang mga katagang... Ama, sa iyong paglisan hanggang ngayon sa
muli nating pagkikita ika'y aking mamahalin magpakailanman

Pinapatawad na kita
Sa lahat ng mga salitang binitawan mo
Na mahal mo ako
Na di mo magagawang iwan ako
Na ako lang hanggang dulo
Mga salitang nilipad ng hangin
Mga salitang naglaho sa isang iglap
Nang siya'y biglang dumating.
Pinapatawad na kita
Sa lahat ng mga pangarap nating di natupad
Mga pangarap na sana'y sabay nating aabutin
Mga pangarap na akala ko'y tayo ang pangunahing tauhan
Ngunit sa huli'y aking napag-alaman
Na ako pala'y tautauhan lang
Dahil sa kwentong yun may ikaw at siya
At ni isa ang tayo ay di man lang naitala.
Pinapatawad na kita
Sa lahat ng luha na idinulot mo
Sa pagwasak sa damdamin ko
Pinapatawad na kita
Dahil sayo'y natuto ako
Na sa muli na magmamahal ako
Hindi ko na pipiliin ang sinisigaw ng puso ko
Dahil minsan na niya akong niloko
Nang tanggapin kita at bigyan ng bahagi sa buhay ko
Sa susunod na mga kabanata
Alam kong malilimutan din kita
Mapapawi din lahat ang aking mga luha
Pinapatawad na kita
Pinapalaya na kita
Kasabay ng mga salita at pangarap nating dalawa.
Pinapatawad ko na ang aking sarili
Pinapalaya ko na ang aking sarili
Sa nakalipas na ika'y aking pinili
Dahil sa ngayon, ako muna
Ako muna ang mahalaga.

Una Pa Lang Talo Na Ako"


Sisimulan ko ang tula kong ito.
Na hindi ko alam kung para kanino.
Sayo ba na niloko ang isang tulad ko.
O sakin na minahal ka sa kabila ng mga nalaman ko.
Una pa lang talo na.
Talo na kasi hindi ako ang nauna.
Na kahit sabihin na ako lang at walang iba.
Wala pa rin laban sapagkat hindi tama.
Hindi tama na ikaw ay ibigin.
Hindi tama na ako'y mahalin.
Hindi tama na ang isa't isa ay piliin.
Hindi tama na ang mga puso ay sundin.
Nasasaktan ako.
Nasasaktan ako ng dahil sayo.
Ikaw na dahilan kung bakit natutunan kong pahalagahan ang sarili ko.
Ikaw na dahilan upang makalaya ako sa nakaraan ko.
Ang hirap mong kalimutan.
Una Palang Talo na ako

Sapagkat mahal ko ang isang tulad mo.


Ang hirap mong kalimutan.
Sapagkat ayaw ng isip at puso ko.
Paano na ako?
Paano na ang puso ko?
Paano na ako sasaya ngayon?
Kung wala na ang dahilan ng pag-ngiti at pag-tawa ko noon.
Gusto kong lumaban.
Gusto kitang ipaglaban.
Gusto kong ikaw ay hawakan.
At huwag ng bitawan.
Ngunit paano ko gagawin ang mga iyan?
Kung nasa harapan ko na ang katotohanan.
Na kahit anong armas pa ang gamitin sa labanan.
Isa lang naman ang hahantungan.
Isang wakas na wawasak ulit sa akin.
Bibiyak sa puso kong nagawa mong buuin.
Ngunit muli mo din naman pa lang sisirain.
Wakas na hindi ka kailanman magiging akin.
Ni hindi nga naging tayo.
Walang panghahawakan ang isang tulad ko.
Ipaglaban ko man ang nararamdaman ko.
Babalik lang tayo sa pamagat ng tulang ito.
Tulang para sa sugatang puso ko.
Tulang laman ay ang pagdurusa ko.
Tulang sakit ang dulot sakin nito.
Tulang pinamagatang...
Una pa lang talo na ko.

You might also like