My Possessive Boss
My Possessive Boss
My Possessive Boss
Beauty in Every
Sadness"
'Prolouge'
Noong una ko siyang nakita ay tila
ba may mga galit na nakakubli sa
aking puso at isipan. Hindi mo
mailarawan kung ano nga bang
klaseng may ugali siya.
Pero pagdating ng panahon
nahulog ka sa kanya pero
narealize mo nalang na hindi ka
niya nasalo pero may isa pa
palang nakasalo sa iyo, yun ang
kaibigan mong palaging nandyan
sa tabi mo..
Patuloy paring umaasa na babalik
siya palagi sa tabi ko, ano na kaya
ang mga magdadaan na susunod
pang araw? Kaya pakinggan niyo
ang tulang ito
Isa, isang tao lamang ang
nagpapatibok ng puso ko
Dalawa, dalawa pala sila ang
pagpipilian ko
Tatlo, napagdesisyonan ko na, na
bumitiw sa isa kaya tatlong beses
akong huminigi ng patawad at
yumuko
Apat, apat na pulang rosas na
binigay niya sa akin na tila ba may
kahulugan ang mga ngiti sa
kanyang labi na hindi ko
malilimutan
Lima, Ikalimang anibersaryo ng
aming pagsasamahan ngunit
nakalimutan niya na pala ito
Anim, Ika-anim na araw ng Hulyo
noong huli kong napagtanto na
bigla siyang naglaho
Pito, pitong beses umiyak ang
mga mata kong ayaw tumigil sa
pagluha at walang magawa kundi
magkulong sa kwarto
Walo, walong alak ang naubos ko
dahilan ng pagiwan sa akin subalit
napagdesisyonan ko na mag
move-on at bumangon sa sarili ko
Siyam, mga bulaklak na ibinigay
sa akin ng aking nobyo na
nagpapaala sa mga nakaraan ko
Sampu, Ika-sampung buwan at
yun ang Oktubre, yun ang araw ng
mga patay nung binisita ko ang
mahal kong nobyo sa puntod niya
na may mga bulaklak, nang hindi
ko mapagtanto na umiiyak na pala
ako halos araw-araw dahil sa mga
ala-alang pinagsamahan naming
dalawa..
pero ngayon mayron bang
bumalik? mga ala-ala ay dapat
nang kinalimutan pero patuloy
paring nasa isip? bakit kaya
bumalik ang mga iyon?
Chapter 1: Condo Unit
Andrea's POV
Narito ako ngayon sa isang bahay
ng aking tiyahin na kung saan ako
ay inalipin ng lubos kasama narin
ang pinsan kong babaeng mataray
at maarte.
Huminto ako sa pag-aaral dahil
walang sapat na pera ang aking
tiyahin sa pangkolehiyo ko..kaya
ako ay nagtatrabaho sa isang
karenderya at kumikita ng maliit
na sahod.
Ako nga pala si Andrea Gonzales,
22 years old, Secondarya lang ang
natapos ko dahil walang
pangtuition kaya
napagdesisyunan ko na
magtatrabaho nalang ako.
Namatay ang aking mga magulang
dahilan ng car accident. Wala
akong kapatid at mga kamag-anak
kasi kung mayron akong mga
kamag-anak ay hindi katulad ng
kademonyohan na ginawa ng
aking auntie at pinsan ko sa akin
siya nga pala namatay pala ang
uncle ko dahil sa kanser sa baga
palagi kasing umiinom at
magsugal eh kaya yan ang napala
niya.
Marami na akong mga
experiences tungkol sa
pagtatrabaho at marami na ang
napasukan ko ngunit eto ako
ngayon sa fastfood chain. Marami
na akong mga manliligaw pero
tinanggihan ko ito kasi wala sa
isip ko ang mga ito..Sa pangit
kong pagmumukhang to may
magkakagusto sa akin? baka pa
nga pag naging nobyo ko sila pera
lang habulin nila sa akin eh kasi
sa pangit kong toh..hahahaha