Long Quiz q1 PPL

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Juan Sumulong Campus


Senior High School Department

TAONG PANURUAN 2023-2024

Panuto: Basahing maigi at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Piliin ang Titik o Letra ng tamang
sagot. Isang “Attempt” lamang ang pagsagot sa pagsusulit kaya ibigay natin ang lahat subalit kailangang
maging maingat sa bawat pagkakataon.

1. Ito ay nagpapahayag ng pansariling nararamdaman ng isang Manunulat patungkol sa kanyang


mga namamasid sa paligid at karanasan na walang tiyak na target na mambabasa.
a. Transaksyunal b. Ekspresib c. Operasyunal d. Teknikal
2. Gusto na umamin ni Joseph na may gusto siya kay Marla subalit hindi niya masabi ng direkta o
pasalita sapagkat siya ay nahihiya. Sa paanong pormal at sistematikong pamamaraan
maipararating ni Liza ang gusto niyang sabihin kay Enrique?
a. Pag-popost sa FB b. Pagsulat c. “My Day” d. Pagpaparinig
3. Si Nepomuceno ay mananaliksik na nagsulat ng Abstrak na kung saan inilahad lamang niya ang
mga pangunahing ideya at mahahalagang impormasyon sa kanyang Pananaliksik.
a. Subhetibo b. Obhetibo c. Kolaboratibo d. Kooperatibo
4. Isa itong maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis at mga ulat na kung saan may
layuning mapabilis na matukoy ng mga mambabasa ang nilalaman ng isang teksto. Ito
ay karaniwang nakikita sa simula pa lang ng manuskrito ngunit may sapat ng mga
impormasyon na nakaugnay sa kabuuan ng teksto.
a. Sintesis
b. Abstrak+
c. Sinopsis
d. Journal
5. Nais mangalap ng mga impormasyon ni Rona, isang manunulat tungkol sa isyung maagang
pagbubuntis ng mga kabataan at ano ang sanhi nito upang kanyang maitala at maibahagi sa
kanyang mambabasa. Kaya naman nagbasa siya ng iba’t ibang artikulo tungkol sa isyu at nanood
rin siya ng mga interbyu ng mga batang maagang nabubuntis. Anong uri ng lagom ang kanyang
ginawa?
a. Bionote
b. Paglalathala
c. Sintesis +
d. Prezi
6. Ang nobela ay akdang maaring gawan ng lagom. Anong uri ng lagom ang dapat isagawa?
A. IMPORMATIBONG ABSTRAK
B. BIONOTE
C. SINOPSIS
D. PANUKALANG PROYEKTO
7. Sa pagsusulat ng lagom na sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman gamit ang _______. +
A. SARILING SALITA
B. SALITA NG AWTOR
C. SALITA NG KAHIT ANO
D. SALITA NG AWTOR AT SARILING SALITA

8. Isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang


magiging panauhin sa isang kaganapan. +
a. Bionote
b. Biography
c. Autobiography
d. Biopsy
9. Si Adorador ay nais magsulat ng Bionote subalit hindi niya alam kung anong panauhan ang
kanyang gagamitin. Anong angkop na panauhan ang dapat gamitin ni Adorador sa kanyang
pagsulat?
a. Unang panauhan
b. Ikalawang panauhan
c. Ikatlong panauhan
d. Ikatlo at ika-una na panauhan
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa layunin ng pagsulat ng BIONOTE +
a. Ipaalam sa iba ang karakter at kredibillidad sa larangang kinabibilangan.
b. Upang ipagyabang ang mga naimbag sa propesyong kinabibilangan
c. Upang maipakilala ang sarili sa mga mambabasa
d. Upang maging “Marketing Tool” sa mga Administrador ng Paaralan

11. “Ang mga gagamiting materyales sa Proyektong isasagawa ay Isang Cellphone – 5, 000 Piso,
Isang Laptop – 10, 000 Piso at Isang Flash Drive – 800 Piso na may kabuuang gastusing 15, 800
na piso”. Ang pahayag na nabasa ay nakapaloob sa __________ ng isang Panukalang Proyekto. +
A. Badyet +
B. Pamagat
C. Layunin
D. Kahalagahan
12. Ayon sa kanya, itinuturing na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na
totoong mailap para sa nakararami, maging sa unang wika man o pangalawa.
a. Royo b. Keller c. Badayos d. Peck at Buckingham
13. Isang proyektong isinasagawa upang ipabatid ang pangangailangan.
a. invited b. internal c. solicited d. unsolicited
14. Sa bahaging ito ng Panukala, kinakailangan na maiksi at tuwiran, dapat na tumutukoy sa
pangunahing aktibidad o inaasahang resulta ng proyekto.
a. nilalaman b. abstrak c. titulo o pamagat d. layunin
15. Tinatawag ding invited o imbitado ang solicited at ________ ang unsolicited
a. external b. internal c. prospecting d. project
16. Ginagawa ito upang magkaroon ng buod ang buong panukala at mabigyan ng masaklaw na
pagtingin ang nagbabasa nito.
a. interbensyon b. kongklusyon c. abstrak d. rekomendasyon
17. Ito ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang
isang tiyak na problema o suliranin.
a. Panukaalang Proyekto b. Panukalang Proyekto c. Panukalang Proyeto d.
Pamukalang Proyekto
18. Ang mga sumusunod ay bahagi ng isang BIONOTE maliban sa; +
a. Kaligirang Pang-edukasyon c. Personal na Impormasyon
b. Mga nakaraang relasyon d. Ambag sa larangang kinabibilangan
19. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang hindi kabilang sa Ispesipikong nilalaman ng
Panukalang Proyekto?
a. Rasyonal b. Pamagat c. Kahalagahan d. Mga Kaligirang Pang-
edukasyon
20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nararapat gawin ni Brando kapag siya’y magsusulat
ng buod?
A. Maglahad/magsalaysay ayon sa sariling pananalita.
B. Magbigay ng kanyang sariling opinion/ saloobin.
C. Sulatin ang buod nang isang talata lamang.
D. Bigyang diin ang pangunahing kaisipan ng akda

II. TAMA O MALI

Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin gang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng
katotohanan at MALI naman kung hindi.

1. Pormal ang Istruktura ng isang Akademikong Sulatin kung ang mga Wikang ginagamit ay balbal
at bulgar. MALI – Kailangan ang Wika ay Pormal
2. Ang Abstrak ay karaniwang makikita sa unahang bahagi ng pananaliksik at sa gitnang bahagi
bago ang Ikaapat na Kabanata sa Pag-aaral. MALI – Sa unahan lamang
3. Isa sa mga katangian ng epektibong pagsulat ng Sintesis ay gumagamit ng Ikalawang Panauhan
kagaya ng “ikaw, ninyo, inyo at iba pa. MALI – Ikatlong Panauhan
4. Ang mga Transaksyunal na sulatin ay may layuning ipahayag ang nararamdaman o sariling
opinyon ng walang target na mambabasa kung’di ang sarili lamang. MALI – May Target
5. Isa sa mga dapat gawin bago magsulat ng Panukalang Proyekto ay ang pagkonsulta sa mga
eksperto at mamayang magiging sakop ng ating panukala. TAMA – upang maging tunay na
kapaki-pakinabang at epektibo ang Panukalang Proyekto.

III. PAG-IISA ISA


Magbigay ng limang(5) katangian ng isang akademikong sulatin
1.
2.
3.
4.
5.

You might also like