Kakayahang Komunikatibo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

KAKAYAHANG

KOMUNIKATIBO
KAKAYAHANG LINGGWISTIKO/
ESTRUKTURAL/ GRAMATIKAL

Kaalaman sa mga tuntuning pangwika


(Ponolohiya, Morpolohiya, Sintaks at
Semantika).
PONOLOHIYA
(Palatunugan)
Makaagham na pag-aaral ponema.

PONEMA- Makahulugang yunit ng tunog


(Mga Anyo: Ponemang SEGMENTAL at
Ponemang SUPRASEGMENTAL).
Ponemang SEGMENTAL

Makahulugang tunog na
kinakatawanan ng simbolo at mga titik
na maaaring katinig o patinig at
nagsisilbing gabay sa pagbigkas.
Diptonggo – tunog na nabubuo matapos
ikabit ang ponemang patinig sa unahan
ng malapatinig na /w/ at /y/.

Klaster – tunog ng kambal-katinig na


magkasama sa isang pantig sa salita.
Pares minimal – halos pareho ang
pagbigkas maliban sa isang ponema
na nagpaiba sa kahulugan.

Malayang nagpapalitan – pareho ang


pagbigkas maliban sa isang ponema
at walang pagbabago sa kahulugan.
Ponemang SUPRASEGMENTAL

Tunog na may pagsasaalang-alang sa


katiyakan sa paraan ng pagbigkas
(Haba/Diin, Tono at Antala/Hinto).
MORPOLOHIYA
(Palabuoan)
Makaagham na pag-aaral morpema

MORPEMA- Pinakamaliit na yunit na bumubuo sa


mga salita na may kahulugan (Mga Anyo:
Panlapi, Morpemang ponema, at Salitang-ugat).
MORPEMANG PANLAPI –
Pantig na nagtataglay ng kahulugan.
MORPEMANG PONEMA –
Partikular /a/ na may kahulugang patungkol
sa kasariang pambabae at ang /o/ na
panlalaki .

MORPEMANG SALITANG-UGAT –
Salitang payak at walang panlapi.
URI NG MORPEMA

MORPEMANG MAY KAHULUGANG


PANGNILALAMAN - may sarili o angking kahulugan
(Pangngalan, Panghalip, pandiwa, pang-uri, at pang-abay).

MORPEMANG MAY KAHULUGANG


PANGKAYARIAN – walang kahulugan at kailangang
mapasama sa pangungusap upang magkaroon
(pangatnig, pang-akop, pang-ukol, pantukoy at pangawing).
SINTAKS, SINTAKSIS (Palaugnayan)

Pag-aaral ng mga salita para makabuo ng


mga parirala, sugnay at mga
pangungusap.
PARIRALA–
Lipon ng mga salita na walang buong diwa, walang
panaguri at paksa.

SUGNAY –
Lipon ng mga salita na may panaguri at paksa at buong
diwa.

Maituturing ang pangungusap ang isang salita/sambitla o


lipon ng mga salita na may buong diwa.
Binubuo ang pangungusap ng bahaging
predikatibo (panaguri) at paksa (dating
simuno).

URI NG PANGUNGUSAP
Pasalaysay/paturol, pautos, patanong at
padamdam.

ANYO NG PANGUNGUSAP
Payak, tambalan, hugnayan at langkapan.
LEKSIKON at SEMANTIKA

Semantika – Pag-aaral sa kahulugan


ng salita o anomang pahayag.

Leksikon – salita o bokabularyo.


DENOTASYON–
Tahas o literal at ibinibigay ang
mismong tinutukoy o referent.

KONOTASYON –
Ibang kahulugan at talinhaga.
KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK

Kakayahang gamitin ang wika nang may


naaangkop na panlipunang
pagpapakahulugan para sa isang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon.
Dell Hymes
S SETTING/SITUATION Lugar o pook kung saan nag-uusap o
nakikipagtalastasan
P PARTICIPANT Taong nakikipagtalastasan

E ENDS Layunin o pakay ng pakikipagtalastasan

A ACT SEQUENCE Takbo ng usapan

K KEY Tono ng pakikipag-usap

I INSTRUMENTALITIES Tsanel o midyum na ginagamit , pasalita o


pasulat
N NORMS Paksa ng usapan

G GENRE Diskursong ginagamit (nagsasalaysay,


nakikipagtalao, o nangangatwiran
KAKAYAHANG PRAGMATIK
Pag-aaral sa kung paano naiimpluwensyahan
ng konteksto ang paghahatid ng impormasyon.

KAKAYAHANG ISTRATEDYIK
Estratehiyang ginagawa ng isang tao upang
matakpan ang mga di-perpektong kaalaman
sa wika nang sa gayon maipagpatuloy ang
daloy ng komunikasyon.
KOMUNIKASYON
Pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan
ng pasalita o pasulat na paraan.

BERBAL – Ginagamitan ng wika o salita at mga titik na


sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe.

DI BERBAL – Ginagamit ang kilos o galaw ng katawan


upang maiparating ang mensahe sa kausap.

Kinesics Pictics Oculesics


Vocalics Haptics Proxemics
Chronemics
KAKAYAHANG PRAGMATIK
Pag-aaral sa kung paano naiimpluwensyahan ng konteksto
ang paghahatid ng impormasyon.

PRAGMATIKS – Ugnayan ng wika at ng taong gumagamit


ng wika.

Mahalagang maunawaan ang intensyon ng nagsasalita


dahil mahuhulaan ang mensahe nito ng tagapakinig
KAKAYAHANG ISTRATEDYIK

Estratehiyang ginagawa ng isang tao upang matakpan ang mga di-


perpektong kaalaman sa wika nang sa gayon maipagpatuloy ang
daloy ng komunikasyon.

- Pag-iwas sa isang paksang pinag-uusapan na hindi niya alam, pilit


na iibahin ang paksa
- Pagbubuo ng bagong salita (mananakay sa halip na pasahero)
- Paggamit ng mga pahayag (Kasi…, ano…, sa totoo lang, ano…)
- Pagsasabi ng “alam ko yan, yung ano, nasa dulo ng dila ko”
- Pagpapaulit ng isang tanong, “pakiulit nga, medyo hindi ko
nakuha”
- Pagpapakita ng di berbal na reaksyon
KAKAYAHANG DISKORSAL
Mabigyan ng wastong interpretasyon ang napakinggang
pangungusap/pahayag upang makabuo ng
makabuluhang kahulugan.

Sa pagdidiskurso mahalaga na;


- mapanuri sa kulturang nakapaloob
- mahusay maghinuha
- kritikal at malalim sa pag-unawa ng mga mensahe

You might also like