Week 7

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Unang Markahan – Ikapitong Linggo

Unang Araw

Aralin 10

DIGMAANG PILIPINO – AMERIKANO

10.1 Paglusob ng mga Amerikano sa Maynila

Layunin: Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa pakikibaka

ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-

Amerikano

Aktibiti 1

Panuto: Pangkatin ang mga mag-aaral na may tig-5 miyembro.

Magbigay ng mga bagay pumapasok sa iyong isipan

kapag naririnig ninyo ang bansang Estados Unidos.

Aktibiti 2

Panuto: Basahin ang paksa tungkol sa Paglusob ng Amerikano

sa Manila Bay (Battle of Manila Bay) at

Pagkukunwaring Labanan ng mga Amerikano at

Espanyol (Mock Battle of Manila)

137
Labanan sa Look ng Maynila

http://www.filipinoamericanwar.com/battleofmanilabay.htm

Noong Mayo 1, 1898, dumating ang iskwadron ng Amerikanong

si Commodore Geoge Dewey sa Manila Bay. Nag- umpisa ang

labanan ng 5:41 ng umaga. Binomba ng makabagong barkong

pandigma ang mga barko ng mga espanyol sa Maynila na Reina

Cristina, Castilla, Don Antonion de Ulloa at Don Juan de Austria.

Natalo ang mga Espanyol sa pamamahala ni Admiral Patricio

Montojo at sumuko ng 12:30 g hapon. Dahil walang sapat na sundalo

si Dewey upang salakayin ang Maynila, nanatili ito sa look at

naghintay ng suporta mula sa Estados Unidos. Tinatayang 67 ang

namatay at 214 ang nasugatan sa panig ng Espanyol at walang

138
namatay o nsugatan sa panig ng mga Amerikano.Ang labanang ito

ay tinawag na Battle of Manila Bay o Labanan sa Look ng Maynila.

Pagkukunwaring Labanan ng mga Amerikano at Espanyol

(Mock Battle of Manila )

Nagsidatingan ang maraming suportang sundalong Amerikano

sa Maynila mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 31 at naghanda sila sa

pagsalakay rito. Nagging maganda ang pakikitungo ng mga Pilipino

sa mga Amerikano sa pag-aakalang makatutulong sila sa

pakikipaglaban sa mga Espanyol. Tinulungan ng mga Pilipino ang

mga Amerikano upang maitaboy ang mga Espanyol sa Pilipinas.

Nakubkob ng mga Pilipino ang mga Espanyol at halos nasa kamay

na nila ang mga ito, ngunit sina Commodore Dewey at Heneral

Merritt ay lihim na pakikipagkasundo sa Kastilang Gobernador na si

Fermin Jaudenes. Napagkasunduan ng dalawang panig na

magkakaroon ng kunwaring labanan sa pagitan ng mga Espanyol at

mga Amerikano at pagkatapos ay palalabasin na natalo at sumuko

ang mga Espanyol sa kanila.

Noong Agosto 13, 1898 ng umaga, naganap ang

pagkukunwaring labanan ( Mock Battle ) ng mga Amerikano at

139
Espanyol. Ika- 5:30 ng hapon, isinuko ng mga Espanyol ang lungsod

ng Maynila sa mga Amerikano.

Lumabas ang tunay na dahilan ng pagpunta ng mga Amerikano

sa Pilipinas. Ito ay upang sakupin at gamitin ang Pilipinas para sa

sariling kapakanan lamang.

Aktibiti 3

Pangkat I and II – Sagutin ang sumusunod na katanungan

1. Sino ang namuno sa Battle of Manila?

2. Ano ang kinalabasan ng labanan ng mga Amerikano at

Espanyol?

3. Kailan at paano naganap ang pagkukunwaring labanan sa

pagitan ng mga Amerikano at Espanyol?

4. Bakit ito tinawag na Mock Battle of Manila?

Pangkat III at IV – Gamit ang graphic organizer, isa-isahin ang mga

pangyayari sa Paglusob ng Amerikano sa Manila

Bay ( Battle of Manila Bay )at Pagkukunwaring

Labanan ng mga Amerikano at Espanyol (Mock

Battle of Manila )

140
Pagkukunwaring Labanan
Paglusob ng Amerikano ng mga Amerikano at
sa Manila Bay ( Battle of Espanyol (Mock Battle of
Manila Bay ) Manila )

Takda

Gumawa ng poster na nagpapakita ng pakikibaka ng mga

Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino- Amerikano

Unang Markahan-Ikapitong Linggo

Ikalawang Araw

10.2 Negosasyon at Pagpapatibay ng Kasunduan sa Paris ng

1898

Layunin: Natutukoy ang mga pangyayaring nagbigay daan sa

digmaan ng mga Piipino laban sa Estados Unidos

Aktibiti 1

Pagbasa sa Teksto

Kasunduan sa Paris

141
Pagkaraan ng ilang buwan,pumirma ang mga kinatawan ng

Espanya at Amerika sa Kasunduan sa Paris noong Disyembre 10,

1898. Ayon sa kasunduang ito:

1. Pormal na winakasan ang digmaan ng dalawang bansa

2. Kinilala ng Espanya ng kalayaan sa Cuba

3. Ibinigay ng Espanya sa Estados Unidos ang karapatang

sakupin ang Guam, Puerto Rico at ang Pilipinas

4. Bilang kapalit ng karapatang ito ay binayaran ng mga

Amerikano ng halagang US $ 20,000,000 ang mga

Espanyol.

Lubhang ikinagalit ng mga Pilipino ang sabwatang ito dahil sa

paniniwalang walang karapatan ang mga Espanyol ang pamamahala

ng Pilipinas sa mga Amerikano. Ito ay nagpatibay ng kalooban ng

mga Pilipino na igiit sa mga Amerikano ang kalayaan ng bansa.

Pagpapahayag ng Benevolent Assimilation

Ang Makataong Asimilasyon o Benevolent Assimilation ay Ang

Asembleya Filipina . Pinairal ito ni William McKinley ang

pangunahing layunin na ginamit ng mga Amerikano upang

142
mapasunod at makuha ang tiwala ng mga Pilipino at mapasunod

ang mga ito sa kanilang mga bagong patakaran. ipinatupad ito

noong Disyembre 21 1898 .Matapos mapagtibay ng Kongreso ng

Estados Unidos ang Kasunduan sa Paris ay ipinag-utos ni

Pangulong William Mckinley ang pag-iral ng Pamahalaang Militar sa

Pilipinas. Noong Disyembre 23, 1900 ay naitatag sa Pilipinas ang

Partido Federal upang payapain ang mga Pilipinong patuloy na

nakikipaglaban sa mga Amerikano. Iminungkahi din na sa halip na

gawing kolonya ang Pilipinas ay ituring ito bilang isang estado ng

Estados Unidos.

Aktibiti 2

Sagutin ang mga sumusunod na tanong

1.Ano ang kasunduan sa Paris?

2. Anu-ano ang nilalaman ng kasunduang ito?

3. Sinu-sino ang lumagda ditto?

4. Ano ang naramdaman ng mga Pilipino sa ginawang kasunduang

ito?

5. Ano ang benevolent assimilation?

143
Aktibiti 3

Pangkatang Gawain

Panuto: Talakayin sa klase ang sumusunod:

Pangkat I- Semantic Web - Kasunduan sa Paris

Pangkat II- Debate tungkol sa Benevolent Assimilation

V. Takda:

Gumawa ng poster na nagpapakita ng pakikibaka ng mga

Pilipino sa sa panahon ng Digmaang Pilipino- Amerikano

Unang Markahan – Ikapitong Linggo

Ikatlong Araw

10.3 Mga Pangyayari sa Digmaang Pilipino – Amerikano

Layunin: Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa

pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng digmaang

Pilipino- Amerikano

144
Aktibiti 1

Basahin ang teksto.

Simula ng Digmaang Pilipino at Amerikano

May utos noon ang mga pinunong Amerikano na huwag

magpaputok kung hindi lumalaban ang mga Pilipino. Nagpaputok

ang isang kawal na Amerikano nang makita nito ang isang Pilipino

sa panulukan ng Calle Silencio at Sociego, Sta. Mesa Maynila

noong gabi ng Pebrero 4, 1899. Sinigawan niya ang Pilipino upang

huminto ngunit hindi tumigil kaya’t binaril niya ito. Pagkatapos ay

binaril pa ang kasama nito. Dito nagsimula ang pagpapalitan ng

putukan at digmaan ng mga Pilipino at Amerikano.

Simula noon, marami ang mga naganap na labanan.

Lumaban ang mga Pilipino sa mga Amerikano sa loob ng tatlong

taon. Magiting nilang ipinaglaban ang Pilipinas sa pagnanais nilang

makalaya kahit higit na makabago at marami ang sandata ng mga

Amerikano.

145
Unang putok ng Digmaang Pilipino Amerikano. Mula sa Ayala Museum:

The Diorama Experience

Silencio kalye ng Sociego, Sta Mesa, Maynila. Mula kay Arnaldo Dumindin .

Ang Labanan sa Maynila

Walang lubay na sinalakay ng mga Amerikano ang tanggulan

ng mga Pilipino sa buong magdamag ng Pebrero 4, 1899 sa paligid

ng Maynila. Umaga ng Pebrero 5, sa La Loma ( sakop ngayon ng

Lungsod ng Quezon), napasok ng mga Amerikano ang Maypajo.

Buong tapang at gilas na humadlang si Heneral Antonio Luna,

pinuno ng Hukbong Pilipino sa Kalookan, ngumit natalo sila ng mga


146
kalaban. Umurong sila at nagtungo sa Pulo, Bulacan. Iniutos ni

Luna na sunugin ang mga bahay habang umuurong sila upang hindi

mapakinabangan ng mga Amerikano ang mga ito. Nakapasok sina

Antonio Luna sa Maynila hanggang marating nila ang daang

Azcarraga (ngayon ay Claro M. Recto ), ngunit sila ay muling natalo

Dahil sa galling ng sandatahang lakas ng mga Amerikano

sunod-sunod na ring nabihag ang ibang lugar sa paligid ng Maynila,

tulad ng Marikina, Pateros, Guadalupe at Kaloocan.

Labanan sa Tirad Pass

https://en.wikipedia.org/wiki/Battle_of_Tirad_Pass

Tumakas si Aguinaldo kasama ang kanyang gabinete,

kagawad at sundalo upang maiwasan ang pagtugis ng mga

Amerikano. Dumaan sila sa Pasong Tirad at ditto humimpil si Heneral

Gregorio Del Pilar, kasama ang 60 kawal upang hadlangan ang mga

tumutugis na Amerikano. Napatay si Del Pilar kasama ang 54 na

147
Pilipinong sundalo noong Disyembre 2, 1899. Siya ang pinakabatang

heneral sa gulang na 24. Tinagurian siyang “Bayani ng Pasong

Tirad.”Ang Balangiga Massacre

http://asiafinest.com/forum/lofiversion/index.php/t239180.htm

Patuloy na nakipaglaban ang iba pang mga Pilipino sa mga

Amerikano. Sa Balangiga, Samar noong Setyembre 28, 1901,

patuloy na lumaban ang mga rebolusyonaryong Pilipino. Sila ay

nagtagumpay laban sa mga Amerikanong mananakop sa

pangunguna ni Heneral Vicente Lucban. Sinuportahan ng taong

bayan ng Balangiga ang mga rebolusyonaryo. Ang tagumpay nila

laban sa mga mananakop ay nagpakita ng kagitingan at lubos nilang

pagmamahal sa ating kalayaan at bayan. Sa paningin ng mga

Amerikano, ang naganap ay isang massacre dahil namatay ang 46

na sundalong Amerikano. Nang gumanti ang mga Amerikano,

148
minsaker nila ang mga taga- Samar. Pati ang mga batanga lalaking

may gulang 10 pataas ay kanilang pinatay. Ito’y lumikha ng malaking

eskandalo sa Amerika. Bumagsak din sa kamay ng mga amerikano

ang Leyte, Samar at Negros.

Aktibiti 2

Panuto: Pagmasdan ang larawan.


Ano ang masasabi ninyo sa bawat isa?

Pangkat I

Unang putok ng Digmaang Pilipino Amerikano. Mula sa Ayala Museum:

The Diorama Experience

Pangkat II

www.g
oogle.
com

149
Pangkat III

www.google.com

Pangkat IV

www.google.com

Aktibiti 3
Gamit ang tree Diagram, isa-isahin ang mga pangyayari sa

digmaang Pilipino- Amerikano.

150
Mga Pangyayari sa Digmaang Piliino- Amerikano

Unang Putok sa Panulukan ng Labanan sa Tirad Pass Balangiga Massacre


Silencio at Sociego Sta. Mesa
Manila

Pangkat I -Unang Putok sa Panulukan ng Silencio, at Sociego, Sta.

Mesa Manila

Pangkat II- Labanan sa Tirad Pass

Pangkat III- Balangiga Massacre

Aktibiti 4

Gamit ang ibat-ibang pamamaraan talakayin ang mga

mahahalagang pangyayari sa pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon

ng digmaang Pilipino- Amerikano

Pangkat I – Role Playing- Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at

Sociego,Sta. Mesa Manila

Pangkat II- Panel Discussion - Labanan sa Tirad Pass

151
Pangkat III- Pagkukwento - Balangiga Massacre

Aktibiti 5

May mga mahahalagang pangyayari sa pakikibaka ng mga

Pilipino sa panahon ng digmaang Pilipino- Amerikano tukuyin kung

anu-ano ang mga kaganapan ng mga sumusunod na pangyayari:

Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa Manila

Labanan sa Tirad Pass

Balangiga Massacre

Unang Markahan – Ikapitong Linggo

Ikaapat Araw

10.4 Kasunduaang Bates

Layunin: Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa

pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng digmaang

Pilipino- Amerikano

Aktibiti 1

1.1 Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo.

152
1.2 Ipabasa ang sumusunod na teksto sa bawat panggkat

Nang sumiklab ang himagsikan laban sa Espanya at digmaang

Pilipino- Amerikano, ang mga Moro sa Kamindanawan at Sulu ay

nanahimik at nagmasid lamang upang hindi masangkot sa digmaan.

Nakipagkasundo ang mga Amerikano sa Sultan Jamal ul Kiram ng

Jolo at nangakong hindi gagawa ng anumang kagukuhan at gawaing

makapipinsala sa mga Moro. Nilagdaan nila Heneral John Bates

bilang kinatawan ng Estados Unidos at ng Sultan at kanyang mga

datu na kinatawan naman ng Sulu ang isang kasunduan. Ito ay

tinawag na Kasunduang Bates na nagtatakda na kinikilala ng Sultan

ang kapangyarihan ng Estados Unidos sa buong kapuluan ng Sulu;

igagalang ng Estados Unidos ang mga karapatan at karangalan ng

sultan at kanyang mga datu; at hindi makikialam ang Estados Unidos

sa rehiyon ng mga Moro.

Aktibiti 2

Talakayin ang Kasunduang Bates sa pamamagitan ng rap, tula

at dula-dulaan.

Pangkat I - Rap

Pangkat II- Tula


153
Pangkat III- Dula- dulaan

Aktibiti 3

Gamit ang ibat-ibang pamamaraan magbigay ng detalye tungkol sa

Kasunduang Bates

Pangkat I – Semantic Web

Pangkat II- Panel Discussion

Pangkat III- Pagkukuwento

Takda

Magsaliksik ng mga pangyayari sa Kasunduang Bates at

humanda sa pag-uulat sa klase.

Unang Markahan – Ikapitong Linggo

Ikalimang Araw

10.5 Mga Layunin / Motibo ng Pananakop ng Estados Unidos sa

Bansang Pilipinas

154
Layunin: Natutukoy ang mga motibo o layunin ng pananakop ng

Amerikano sa bansa sa panahon ng pagpapalawak ng

kanilang “political empire”

Aktibiti 1

Pag-aralan ang mga larawan

www.google.com.phPananakop ng mga Amerikano www.google.com.ph Base Militar ng mga Amerikano

www.google.com.ph Protestantismo

Ano ang masasabi ninyo sa larawan?

1.2 Panonood ng video

Pananakop ng mga Amerikano https://www.youtube.com/watch?v=nELU-HYLwhU

155
Aktibiti 2

Pagbasa sa Teksto

http://www.philstar.com/bansa/2016/10/07/1631257

1. Paniniwala – Ang White Man’s Burden of Manifest Destiny. Mga

paniniwala ng mga bansang kanluranin na sila ay may tungkulin at

responsibilidad na tulungan ang mga maliliit na bansa.

2. Pangkabuhayan – Kailangan ng Amerika ang Pilipinas upang

maging himpilan ng mga negosyanteng Amerikano tungo sa

pagpapalawak ng kanilang negosyo sa Asya. Layunin din ng Amerika

na mapakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas upang

magamit sa kanilang mga industriya.

156
3. Pampulitika – Ang Pilipinas ay mainam na pagtayuan ng base-

militar ng Amerika sa Asya dahil sa istratehikong lokasyon nito. Ito ay

matatagpuan malapit sa mga Asyanong bansa tulad ng Tsina at

Hapon.

4. Panrelihiyon – Kailangan ng mga Protestanteng Amerikano ang

Pilipinas upang ito ang maging sentro ng pagpapalaganap ng

relihiyong Protestantismo sa Asya.

Aktibiti 3

Pagpapakitang kilos ng bawat pangkat sa pamamagitan ng pag

sasadula ng mga nabasang teksto

Unang Pangkat- Paniniwala

Ikalawang Pangkat- Pangkabuhayan

Ikatlong Pangkat- Pampulituka

Ikaapat na Pangkat-Panrelihiyon

157

You might also like