Ang Pamahalaang Militar
Ang Pamahalaang Militar
Ang Pamahalaang Militar
Matapos ang mahigit sa tatlong daang taong pagkaalipin sa mga Espanyol, dumating ang mga Amerikano
sa ating bansa. Maraming pagbabago ang nangyari na kailanman ay hindi naranasan sa pamahalang
Espanyol.
Matapos isuko ng Espanyol ang Maynila sa mga Amerikano, ipinagutos ni Pangulong William McKinley
ang pagpapairal ng Pamahalaang Militar sa Pilipinas. Sapagkat ito ang hinihingi ng pagkakataon dahil
hindi pa mapayapa ang panahon. Layunin nito ang kapayapaan, kaayusan at katahimikan ng bansa.
Pagkatapos mapagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos ang Kasunduan sa Paris. Itinalaga ng Pangulong
McKinley si Heneral Wesley Merritt na maging gobernador militar noong Agosto 14, 1898. Ang sumunod
sa kanya ay sina Heneral Elwell Otis (1898-1900) at Heneral Arthur Mac Arthur (1900-1901). Ang
gobernador militar ay may kapangyarihang tagapagpaganap, tagapagbatas, at tagapaghukom.
Pumayag ang Kongreso ng Estados Unidos na palitan ang Pamahalaang Militar at gawin itong
Pamahalaang Sibil dahil nais nilang makuha ang kalooban ng mga Pilipino. Tinawag itong Susog Spooner
sa Army Appropriation Bill noong Marso 1901 sapagkat ito ay ipinanukala ni Senador John C. Spooner.
Ang Susog Spooner ang nagtadhana ng kapangyarihan sa Pangulo ng Estados Unidos na magtatag ng
Pamahalaang Sibil habang wala pang matibay na batas para sa pagtatatag ng bagong pamahalaan sa
bansa. Ang Pamahalaang Militar ay tumagal lamang ng tatlong taon.
Maliban sa pagpapayapa sa mga bahagi ng Pilipinas na ayaw kumilala sa Estados Unidos ay inihanda ng
pamahalaang militar ang pundasyon ng pamahalaang sibil, tulad ng pagbubukas ng mga paaralang
pampubliko na ang unang guro ay mga sundalong Amerikano; pagtatatag ng mga hukuman, pati na ang
Kataas-taasang Hukuman na binubuo ng siyam na mahistrado, tatlong Amerikano at anim na Pilipino.
Noong Mayo 1899 at hinirang si Cayetano Arellano bilang kauna-unahang Punong Hukom na Pilipino.
Pagdaos ng unang halalang pambayan sa Baliwag Bulacan noong Mayo 1899. Noong Marso 29, 1900
isang kautusan ang ipinalabas hinggil sa pagtatatag ng mga pamahalaang lokal sa bansa.
Ang hakbang na ito ng mga Amerikano ay nagpalapit sa kanila sa mga Pilipino. Sapagkat binigyan sila ng
pagkakataong pumili ng magiging pinuno sa pamamagitan ng halalan, hindi tulad sa panahon ng mga
Espanyol na ang pumipili ay ang kurang prayle.
Ang pangunahing patakaran mapasunod at makuha ang tiwala ng mga Pilipino ay ang Makataong
Asimilasyon o Benevolent Assimilation. Naniniwala ang Pamahalaang Amerikano na sa pamagitan nito,
matuturuan at matulungan ang mga Pilipino na mapaunlad ang kanilang pamumuhay at makapagtatag
sila ng sariling pamahalaan.
Upang matiyak na maayos ang kalagayan ng Pilipinas, nagtatag ng mga pangkat si Pangulong McKinley
upang magmasid, magsiyasat at mag-ulat sa kanya tungkol sa kalagayan ng Pilipinas. Ito ay tinawag na
Komisyong Schurman at Komisyong Taft
Ang unang komisyon ay tinawag na Komisyong Schurman na pinamumunuan ni Dr. Jacob Gould
Schurman at dumating ito sa Pilipinas noong Marso 4, 1899. Kasama ni Schurman sina Almirante George
Dewey bilang kumander ng iskwadrong Amerikano sa Asya; Heneral Elwell Otis ang Gobernador Militar
ng Pilipinas; Charles Denby, ministrong Amerikano sa Tsina; at Prof. Dean C. Worcester, propesor ng
Pamantasan ng Michigan.
Ang ikalawang komisyon na hinirang ni Pangulong McKinley noong Marso 16, 1900 ay dumating dito sa
Pilipinas noong Hunyo 3, 1900 na pinamumunuan ni William Howard Taft. Kasama ni Taft sina Luke E.
Wright, Henry C. Ide, Dean C. Worcester at Bernard Moses. Ang pangunahing layunin ng komisyon ay
isagawa ang mga hakbang na iminungkahi ng unang komisyon.
Napalapit sa damdamin ng mga Pilipino si Taft dahil sa kanyang makataong pamumuno. Ang kanyang
patakarang ʺAng Pilipinas ay Para sa mga Pilipino” ang siyang nagbigay daan na makuha ni Taft ang
paggalang at paghanga ng mga Pilipino. Marami mang pagsubok at suliranin ang kinaharap sa ilalim ng
kanyang pamunuan, ito ay hindi naging hadlang upang mapabuti niya ang kalagayan ng bansa.
Ang Pamahalaang Sibil ay umiral sa Kapuluan ng Pilipinas maliban sa Mindanao, Sulu at Timog Palawan.
Ilan sa mga ipinangako ni Taft sa ilalim ng Pamahalaang Sibil ay ang mga sumusunod:
Ang Komisyon ng Serbisyo Sibil ay pinagtibay noong Setyembre 19,1900. Itinadhana nito ang pagbibigay
ng pagsusulit sa sinumang nais maglingkod sa pamahalaan. Maaaring makapagtrabaho bilang serbisyo
publiko ang sinumang makapapasa sa pagsusulit.
Maraming mga Pilipino ang nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa pamahalaan tulad nila
Cayetano Arellano na punong mahistrado ng Korte Suprema, at naging kagawad ng Komisyong Taft sina
Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera, Benito Legarda at Jose Ruiz de Luzurriaga.
Binigyan ni Taft ng pagkakataon ang mga Pilipino na mapalawak ang pakikilahok sa pamahalaan.
Matapos ang panunungkulan ni Taft sumunod sa kanya sina Luke E. Wright (1904-1906), Henry C. Ide
(1906-1907), James F. Smith (1906-1909) at William C. Forbes (1909-1913).
Ang pangunahing patakaran mapasunod at makuha ang tiwala ng mga Pilipino ay ang Makataong
Asimilasyon o Benevolent Assimilation. Naniniwala ang Pamahalaang Amerikano na sa pamamagitan
nito, maturuan at matulungan ang mga Pilipino na mapaunlad ang kanilang pamumuhay at
makapagtatag sila ng sariling pamahalaan.
Patakaran sa Pulitika
Nahirapan ang mga Amerikano na pamahalaan ang mga Pilipino dahil nahahati ang mga ito sa dalawang
pangkat, ang pangkat ng maka-Amerikano at ang pangkat na laban sa Amerikano.
Ang Pangkat na laban sa Estados Unidos o tinatawag na Nacionalistaito ay pinamumunuan nina Cecilio
Apostol at Macario Sakay. Ang partidong ito ang nagtataguyod ng lubusang pagsasarili ng mga Pilipino.